The Boy in My Daydream

By dunkindeinut

682 39 7

A Novel. Brianna Elise Laurel from FEU MedTech has a stalker following her named Austin Balmaceda - the pink... More

Disclaimer
Chapter 01: Stalker
Chapter 02: The Squad
Chapter 03: Tag
Chapter 05: Creep
Chapter 06: Sides
Chapter 07: I Like You
Chapter 08: Runaway
Chapter 09: FYD
Chapter 10: Venipuncture
Chapter 11: Sunset Café
Chapter 12: Bestfriend...
Chapter 13: Friendzoned
Chapter 14: Food Trip
Chapter 15: Ped Xing
Chapter 16: Colors
Chapter 17: Study Date
Chapter 18: Happy Together
Chapter 19: Hangover
Chapter 20: Promise
Chapter 21: Pain
Chapter 22: Paint
Chapter 23: Blame
Chapter 24: Street Food
Chapter 25: Letter
Chapter 26: Knowing
Chapter 27: Gifts and Presents
Chapter 28: In My Life
Chapter 29: Photobooth
Chapter 30: Tired
Chapter 31: Chances
Chapter 32: Mirrorball
Chapter 33: Into The Night
Chapter 34: Daydream
Chapter 35: Mourning Light
Chapter 36: Emergency
Chapter 37: Cuts
Chapter 38: Sleep Now, Brianna
Chapter 39: Three Months Later
Chapter 40: Necklace
Chapter 41: Flashback [Part 1]
Chapter 41.1: Flashback [Part 2]
Chapter 41.2: Flashback [Part 3]
Chapter 41.3: Flashback [Part 4]
Chapter 41.4: Flashback [Part 5]
Chapter 42: Healing Phase
Chapter 43: Progress
Chapter 44: Graveyard Shift
Chapter 45: One Year Later
Chapter 46: Wandering Places
Chapter 47: Haven't Seen You in Ages
Chapter 48: Come Back To Me
Chapter 49: Location Unknown
Chapter 50: Finding My Way Back Home
Author's Note

Chapter 04: Interruption

12 1 0
By dunkindeinut

Chapter 4: Interrupted

Kinabukasan ay hindi ako makapag-focus sa klase ko ngayong umaga. Kanina ko pa hinihintay mag-text si Austin sa akin o kahit kulitin ako. I sincerely apologized to him through text, but still he doesn't reply back. Ilang oras rin ako naghintay sa text at call niya pero walang dumating. My last text was delivered few hours ago. I don't know what has gotten into me, he's not important for me but why the hell I care for his feelings?

Ayos na naman ulit kami ni Billy simula pa kagabi, pero ngayon ay hindi na kami nag-uusap. Akala ko galit sa akin pero hindi naman pala. That day that I am misunderstood and guilty for what I did, it doesn't matter to me know. Okay nga kami ni Billy, pero kami ni Austin hindi pa.

"Goodbye class."

Natapos ang klase at agad na tumabi sa akin si Billy at nang-hingi ng tulong na ayusin daw yung paper niya na naka-kalat sa table niya. We piled the papers first, and carried the papers. He insisted on my uggestion na ilagay yun sa bag dahil mabigat daw. Tinulungan ko na lang siyang dalhin yung kalahating papel habang siya naman yung isa pang kalahati. Kami ang huling lumabas ng classroom kaya ako na rin yung nagsara ng pinto. We took a ride to an elevator para mabilis kaming makababa.

"Ano? Nag-text na ba siya sa'yo? Desperado ka na ngayon, ah." Pang-aasar niya sa akin nang mag-bukas ang pinto at lumabas naman kami. Naglalakad pa kami ngayon papunta sa may main gate para lumabas ng campus. Tumigil muna kami sa isang gilid para ilagay sa mga bag namin ang mga papel na dala namin.

"Sa Tayuman tayo kumain," suhestiyon niya at tumingin sa akin nang matapos niyang ilagay sa bag ang mga papel.

Napalingon naman ako sa kanta at umiling. "Ha? Tayuman? Jollibee na lang," I said.

He frowned, "Ikaw na lang palagi nasusunod, pwede bang ako naman?" he said with a disappointing look on his face. He tilted his head and waited for my answer. Naglakad naman kami sa main gate at nakalabas na kami at tumabi sa isang gilid para mag-abang ng tricycle. The sun scorched, and the heat touches my skin. Maluwag ang daan ngayon at hindi gaano ka-trapik. There's only few people crossing on the ped Xing, while some took the sidewalk path.

Sasagutin ko na sana siya nang biglang tumunog ang phone ko. Mabilis ko naman 'yon hinablot sa bulsa at binuksan ang phone. Tinignan ko naman ang notification kung sino ang nag-text sa akin. My eyes widened when I saw the message.

Austin: Miss me?

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan lagi namamalagi si Austin upang hintayin ako. I'm not surprised on what he's wearing right now. Completely different from the other day. Just a printed white tee and casual mint colored shorts paired with pink flippers.

My eyes surveyed him from toes up to his head. Mas maayos yung pagmu-mukha niya kapag naka-salamin siya at medyo maayos yung buhok at hindi magulo. He's leaning against the wall, his right hand was carrying two book novels, while the other one is his phone. His head stoops over his phone, and he's smiling while busying himself with it.

"Huy, nahuhumaling ka na kay Mr. Austin Balmaceda," Natauhan ako dahil kay Billy at nilingon siya. Inirapan ko siya at bumuntong-hininga sa inis at naglakad na lang papalayo.

Naramdaman kong sinundan niya ako dahil sa mahina niyang tawa at tumabi pa siya sa akin para lang magka-sabay kaming maglakad. He stutters as he tries to speak about something while we were walking. Kaya naman tumigil ako at napa-tigil rin siya.

"Ano bang tatanungin mo at nauutal ka pa diyan." Iritado kong tanong sa kanya at dumeretso na ulit sa paglalakad. Kung alam niya lang na naiinis ako dahil hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin.

"Brianna," he said. "Akala ko ba sa Jollibee tayo? Bakit tayo papunta sa footbridge?" usisa niya sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko naman siya, "Diba sabi sa Tayuman tayo kakain, edi sa Tayuman na lang." I recalled it and told it him. Napa-awang ang labi niya at dahan-dahan tumango.

"Hintayin natin sina Bryan at Gino." Pahabol niya pa at natigil ako sa paglalakad. Naka-pamewang pa akong humarap at napa-kagat labi na lang ako dahil sa inis.

"Nasaan ba sila at bakit ang bagal nila?" Napa-iling na lang ako nang dahan-dahan.

Kami na nga ang magkakasama palagi kahit magkaka-hiwalay kami ng faculty, tapos pagdating sa food trip sa Dapitan or Tayuman, sila naman ang mabagal. Paano ba naman kasi, lamon nang lamon. I bit my lip out of frustration, ano kayang pwedeng i-pangalansa kanilang tatlo dahil sa bagal nilang kumilos.

Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Bryan at Gino. Hingal na hingal silang tumakbo papunta dito sa hinintuan namin ni Billy at pawisan silang dalawa. Sinulyapan ko sila ng tingin. Ang lapit lang naman namin tapos ang bilis nilang mapagod. Hindi naman track and field ang sidewalk. Mas mabuti kung binilisan nila ang lakad. Naghalukipkip ako ng braso at umalis sa pader na kanina ko pang sinasandalan.

"Ano," panimula ko at suminghal, "magtititigan na lang ba tayo dito?"

"Luh, bad trip siya, oh," sambit ni Billy. "Aba'y hindi! Ang init kaya at ang awkward kung magtititigan tayo dito." pamimilosopo niya sabay tawa. Tumingin naman sina Gino at Bryan sa aming dalawa, bago ako pinasadahan ng tingin.

I crossed my arms."Eh may tinatakasan nga ako!" Iritado kong sabi.

"Sino ba? Si Austin pa rin ba? Sabi sa 'kin ni Billy, 'yon daw yung jo-"

"Huwag ka ngang makisali!" I cut Bryan's words.

"Bakit magjowa ba kayo ni Billy?" Pamimikon sa akin ni Gino at natawa naman sila ni Bryan.

Hindi na lang kami sumagot sa kanilang dalawa at binalik namin ang atensyon namin sa isa't-isa. Billy furrowed his eyebrows and averted his gaze to Gino. Gusto ko lang naman lumayas at hindi makita si Austin and get him out of my sight and make him jealous. Bakit ba nila ini-issue 'yon?

"Alam niyo guys, tara na sa Tayuman. Gutom na ako." Suhestiyon ni Bryan sa amin at doon kami tumigil ni Billy sa pagtitig sa isa't-isa. Ilang sandali ang nakalipas ay tipid na lang siyang ngumisi. He averted his gaze to Gino and Bryan.

Kinamot ni Billy yung kanyang kilay at tinikom ang bibig bago magsalita. "Okay, pero ikaw manlilibre."

"Inamo! Ano ka, chix? Ikaw naman manlibre, aba! Lagi na lang ako target niyo pag napunta tayong Tayuman o sa Dapitan kapag lunch or night trips natin. Kita niyong kaunti lang dala kong pera ngayoon" reklamo ni Bryan sa aming tatlo at inis na kinamot ang kanyang ulo at pinakita niya ang kanyang wallet sa amin.

Pinasadahan niya ng tingin si Gino at napa-lunok siya dahil napatingin rin ako sa kanya. Gano'n rin si Bryan at Gino. Gino went pale and gulped again and pointed his thumb finger slowly to his chest.

Napa-awang ng labi si Gino at nanlaki pa ang mata habang nakatingin sa aming tatlo. "Ba't ako? Ako ang nanlilibre sa mga biyahe niyo kapag may pupuntahan tayong importante, oy! Mga gago kayo! Si Brianna lang hindi nasagot sa lahat ng mga gastos natin sa tuwing nagfo-food trip tayo at nagb-biyahe." Sabay turo niya sa akin.

Pinandilatan ko siya at naka-pamewang pa ako. "Hala? Ba't ako? Minsan lang akong pumunta sa Tayuman, oh" I improvised kahit lagi kong kasama si Billy kapag kaming dalawa lang ang magkasama after class at tatakasan namin si Gino at Bryan para kumain sa Dapitan.

Bryan smiled amusingly on what he heard from me then he chuckles. "Sus! Mahiya naman sa'yo. Kahit gaano ka pa kaganda at ka-maldita, dagdag na yung pag-iinarte mo... kailangan mo rin gumasta sa food trip nating apat. Kahit isang-daan lang para sa amin, oh."

"And about kay Austin, sa pink hooded guy na patay na patay sa'yong ka-gandahan... kami ang bahala. Shield mo naman kami, e." Pagmamalaki pa ni Gino.

Napangiti naman si Billy sa sinabi ni Gino tsaka humarap sa akin. Saktong nagtama naman ang paningin namin ni Billy, sarkastiko naman akong ngumiti sa kanya. He just chuckled a little bit. Pinagkaka-isahan yata nila ako at may masamang balak yata sila. Though, I amdire them for being this, pagiging protective at fun at the same time.

"Ano? Ba't ka naka-ngiti?"

He let out a small grin and crossed his arms. "Gusto mong tumakas o gusto mong maiwan dito kasama si Austin?"

"Ha?"

"Tama naman sila Bryan at Gino, e. Ikaw naman dapat ang manlibre sa aming tatlo. And for the better, para mabawasan galit ko sa'yo dahil sa Tayuman lang naman tayo pupunta at na-miss ko yung siomai rice do'n. Sawa na ako sa chicken at kailangan mong bumawi sa akin, at kina Gino at Bry." Humakbang naman siya papalapit sa akin at napa-atras naman ako ng bahagya. Lumingon siya upang tignan ulit silang dalawa, bago niya ako tignan ulit sa aking mga mata.

"Ano? G ka ba?" sabi niya. I gulped.

Seryoso ba talaga sila? Pinapaslang nila ang wallet ko. They are challenging me now. Gusto ko lang naman lumayas pero dumating na sa puntong ililibre ko sila. Na-corner na naman nila ako pagdating sa food trip at for sure, ubos ang laman ng wallet ko dahil sa kanilang tatlo.

I was about to speak but I was taken aback from talking, when Austin walked past by me and didn't noticed me. Nakatuon lang ang atensyon niya sa pagtingin sa kanyang phone at nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang nilagpasan niya lang ako. He didn't noticed na nagka-salubong kami dito sa sidewalk at hindi niya manlang ako pinasadahan ng tingin o kahit simpleng sulyap manlang.

Then all of a sudden, natauhan ako at biglang tumunog na naman ang phone ko sa bulsa. Mabilis ko naman 'yon hinablot at tinignan agad kung sino nag-text.

Austin: Manlibre ka naman kahit isang beses, for sure magiging masaya silang tatlo at ang wallet mo, pati ikaw hahaha. Try eating in Tayuman, pero tatayo ka talaga habang kumakain do'n pero sulit pera mo sa mga pagkain haha

My brows furrowed at lumingon ako kung saan ko siya nakita, bago ko ulit tignan ang phone ko. "What the hell," I whispered to myself while reading his text.

Questions raced through my mind and it puzzled me. I'm frustrated on how he knew about it. Nasaan siya noong nakikipagtalo ako kina Bryan at Billy? Nasaan siya noong mga oras na kanina pa siya nakatingin sa amin at pinapanood kami ng mga kaibigan ko na nag-aaway na parang mga bata at nagtuturuan kung sino ang manlilibre sa amin ngayong araw.

"Yiee, may ka-love at first sight dun sa naka-puting t-shirt." Pang-aasar pa ni Bryan at tumawa. Umirap na lang ako sa kanya at itinuon na lang ang atensyon ko sa phone ko.

"Austin Balmaceda ka pala ha, Brianna!" Pang-aasar pa ni Bryan habang nakatingin doon sa lalake na nilagpasan ako kanina. They recognized him based on what he was wearing. But how did they know that it was Austin?

"Eww, no. Tyaka hindi siya 'yon." depensa ko.

Billy grits his eyes and curved his lips downward, "Sus, nakita ko na mukha no'n. Lagi naman yun nasa tapat ng main gate." he said then chuckled. Hindi ko na lang siya pinansin at tinabuyan siya ng masamang tingin sabay irap. Oh, of course they know about it.

Tumingin naman ako sa kanilang dalawa at sumulyap ako ng tingin kay Billy. Tinatawanan nila akong tatlo. Nararamdaman ko naman yung pag-iinit ng pisngi ko at namumula na yata pisngi ko dahil kay Austin. And the worst case is, they are teasing me because of that pink hooded guy at kilala na nila si Austin. Of course they kenew about him. That guy is the talk of the twon ever since he loitered there outside the main gate. He is incredibly known for being the pink hood guy - which terribly annoys me the most.

"Ha? Ok, fine... then taga-saan siya?" Sunod sunod na tanong ko dahil na-curious ako. Nag-dalawang isip pa ako kung dapat kung tanungin siya.

Bryan's brows arched. "Bakit naging interesado ka ngayon? Akala ko ba iniiwasan mo yung lalakeng yun?"

"Sagutin mo kasi tanong ko, magka-kilala ba kayo?" Iritado kong tanong sa kanya.

"I saw him in Espana last year, may polaroid booth siya malapit sa UST. Madalas puntahan ng mga taga-thomasian. Pero this year, sarado na yung photo booth na yun. " He answered and smiled. So, he is definitely known around here in university belt.

I nodded, "Okay." tipid kong sagot.

"Bakit mo tinanong? Hindi ka ba aware sa iyong surroundings," usisa niya at malokong nagtaas-baba ng balikat.

"Wala lang, curious lang." I improvised at humarap ulit sa phone ko para i-text si Austin.

Brianna: Huwag mo ako sundan...

I shut my phone after sending my text message to him. We took the tricycle for a ride at pumunta na kami sa Tayuman. Ako na rin ang nagbayad para sa biyahe naming tatlo.

.....

Nakarating kami sa Tayuman ng ala-una at nag-order kami ng mga pagkain namin at nakatayo kami habang kumakain. Our foods were placed on top of the table. Buti na lang at ready to serve ang mga pagkain dito.

Kagaya nga ng sinabi nila ay ginawa ko naman. They're begging me to treat them on food trips this time, so I gave them a chance and paid for the foods that I treated for them. I ordered their favorite siomai with rice and a cup of sago't gulaman. Binilhan ko sila ng kaunting dessert para maganahan sila sa kinakain nila ngayon at para hindi sila ma-umay. I ordered food, too, but instead of siomai rice, I ordered beef tapa.

We're standing while eating. Tulad ng sinabi ng iba ay kung sa Tayuman ka kakain, talagang tatayo ka. Nakakangalay tumayo, kasi nga walang upuan, lahat ay standing. Ang mga food stalls ay nasa gilid lang, habang ang mga tall tables ay nasa gitna. The place is crowded, too, maraming mga students nakain dito at napila sa mga food stalls para mag-order. I wonder kung bakit nagustuhan nila Billy kumain dito. As always, the three shares the same braincells. but I like it here, crowded nga lang masyado.

My eyes were fixed on staring at my phone and I decided to stalk Austin's Facebook profile. Na-curious kasi ako sa kuwento ni Bryan tungkol sa mga booths na sinabi niya. He tells me that he's famous around u-belt, because of carrying a polaroid camera on his arms and wearing his favorite pink hoodie. That led me far more curious than I ever was.

"Woah, polaroid gamit niya sa pang-picture, ha," I creased my forehead and my brows furrowed while scrolling my thumb over my phone, stalking on his facebook profile.Sa bawat scroll ko ay may students akong nakikita kasama siya, habang ang iba naman ay iba't-ibang picture ng mga students from other universities.

"Ayie, nang-stalk na rin siya." pagpaparinig ni Billy. Nag-angat naman ako ng tingin nang marinig ko yun.

Hindi ko na lang siya pinansin at nag-baba ulit ng tingin at nagpatuloy sa pags-scroll sa album ng mga pictures ni Austin, hanggang sa mapadpad ako sa isang album na Del Rio's ang pangalan ng album. I clicked on it and thoroughly checking on his photos and videos. Seems like he came from a rich family or a well-known village. Magaganda ang tanawin at kasama niya ang iba't-ibang tao sa picture. I stopped scrolling at each photo, when my eyes caught the attention of something familiar to me.

I heaved a breath first, then decided to look at it. It's Austin, he is with Samantha. Magkasama sila at nakatayo mula sa di-kalayuan. Samantha was wearing a stripe bathing suit and a color red buckaet hat on top of her head. Katabi niya yung lalakeng matangkad na may abs, moreno ang kulay ng balat at matangkad - na hindi ko kilala kung sino. Nakangiti siya na hindi pinapakita ang ngipin. He's wearing a striped polo and a summer shorts. Austin, on the side, wears a patterened summer polo and a summer shorts, too. Nakatayo siya ni kanan ni Samantha at naka-akbay sa kanya.

Bigla naman ako natauhan sa ginagawa ko. I'm staring at Austin's face on the photo I was looking at. I invaded Austin's photo gallery, which is bad. In all of a sudden, I'm the stalker now... or maybe an investigator.

I blew a breath and closed my phone, then placed it beside my plate. Uminom muna ako ng gulaman para mai-balik ang sarili ko sa wisyo, bago nag-angat ng tingin kay Bryan na kaharap ko lang ngayon.

"So, famous siya?" Tanong ko kay Bryan at nalipat ang atensyon niya sa akin. Yun na lang ang tangi kong nasabi. Ni-recall ko na lang ang pictures na nakita ko, ang mga pictures ng students na nasa polaroid pictures na kinuhanan niya at pinost niya sa FB.

Ngumuya muna siya ng siomai at uminom ng gulaman bago ako sagutin. "Oo,"

"Kilalang-kilala mo ba talaga siya?" usisa ko.

I was curious about it that's why I decided to ask him. As much as Bryan knows everything about Austin, I would likely to hear it from him, rather than stalking his personal life or facebook profile. It's sending chills down to my spine on why did I do that. Baka kay Bryan ay may masagap akong kaunting impormasyon kahit papaano.

That Pink Hooded guy is definitely sparking out of all my curiosities about him. I guess, he's a mystery. A mystery that no one could even know who he is, or where he's came from. He's just a guy taking pictures of random people, random streets, or everything. Nothing special.

He chuckled, "Hinde,"

"Pero kung may nakaka-kilala sa kanya, siguro mga taga-tomasino yun at mga taga-ibang faculty sa campus." panimula niya.

"He's known around here, somewhere in Morayta, or you could find him in Espana." dagdag niya. Tumango naman ako.

i took his word

Napa-tingin naman sa akin si Billy, pero hindi ko siya pinansin. He gazed at me and his eyes were filled with curiousity. Umiwas na lang ako ng tingin at tinuloy ko ang kinakain ko. He did the same and quickly took his eyes off of gazing at me. Ilang segundo ang nakalipas ay naging maingay si Billy at Bryan dahil sa pagtatalo sa advanced trigononometry, hanag kami naman ni Gino ay tahimik lang.

We spent a few more minutes to talk about the usual things and stuff, before we packed our bags then left Tayuman and took a transit to go to school. Naalalanaming may klase pa pala kami ngayong hapon.

***

Nag-biyahe kami papunta sa campus at mabuti naman ay nakaabot kami sa sari-sarili naming classes. Mabuti at hindi traffic at maluwag ang daan kaya nakarating kami agad. The class started at 2PM and we're now taking recits and procedures on how to save a person with basic health care and proper way to take care of a patient.

Marami rin kaming ginawang assessment and tasks at welcoming ngayon ang bagong prof namin. Mas na-feel namin at may mas natutunan kami ngayon dahil sa explanations niya sa topic na dini-discuss ngayon. Everyone paid attention on listening to him. He's also active and sociable enough to make the classroom laugh and attentive at the same time. He's really good at teaching his students. I'd be dying to death, when it comes to recits.

He is really a good professor. Nasa 40s palang siya and he still got the looks. He's also a doctor, part-time teacher lang siya dito kaya minsan ay laging vacant ang time namin dahil sa kanya kasi minsan ay wala siya. Still, he manages to teach us everything he knows about anatomy and public health advisories,in accordance to follow the topic for today's discussion. Nakinig naman kaming lahat at hindi na-bore sa klase (except sa pagme-memorize)

Natapos ang klase at hinablot ko naman ang phone ko, upang tignan kung sino ang kanina pang nagte-text sa akin. Ilang beses ako na-sita ni sir kanina dahil sa ingay ng phone kaya ni-shut down ko iyon. I opened my phone and a notification popped up on the lockscreen.

76 messages - Austin

I opened his recent text, which I received few minutes ago.

Austin: Lol! Di na naman namamansin. Snobber talaga.

I grinned and texted him back. I bet he'ssulking right now.

Brianna: may klase ako

I shut my phone at humabol kay Billy na naghihintay sa labas. His back is leaning against the wall and his hands were pocketed. Mabilis kong inayos ang gamit ko at dali-daling naglakad patungo sa kanya. He just chuckled as I walk towards him. He pats my head and grinned. Tinignan ko siya ng walang ekspresyon sa mukha. He didn't take a step back, instead he chuckled and averted his gaze on my phone. Nag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung ano yun. I ducked my head to look at my phone. I clicked my tongue, because it's Austin who texted me.

"Magka-text ang dalawang stalker," pang-aasar niya. "The Princess and The Pink Riding Hood." sabay tawa niya.

"Manahimik ka nga diyan!" Iritado kong sabi at nag-angat ng ulo para bigyan siya ng nakamamatay na tingin.

"Okay na kayo? Friends na kayo?" He asked.

Umiling ako. "No, not yet."

Biglang tumunog ang phone ko ng dalawang beses. Namula naman at uminit ang pisngi ko at nagkatitigan kaming dalawa ni Billy. Kahit si Billy ay gulat rin at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin, at pinasadahan ng tingin ang phone ko. I looked at my phone again to check what I had received.

My eyes widened as my face brightened up. My cheeks are now blushing. Nag-angat ako ng tingin upang tignan si Billy. He slowly grinned and slightly nudged my arm, teasing me, after we both read the last text message of Austin.

"Ayieeee! Pumapag-ibig na ang bruha," He teased me more and I quickly got annoyed for how he grooves his shoulders. Cine-celebrate niya ang pag-text sa akin ni Austin.

I bit my lips and let out a deep breath. He is too much for me. Lagi na lang niya ako inaasar kay Austin. Wala na talagang magawa ang lalakeng 'to kundi mang-asar at maging chismoso. I just ignored him and just walked away, he followed after me.

I didn't reply back to Austin at hinayaan ko na lang ni-seen iyon. Atleast, alam niya na na-receive ko ang text message niya. We just waited for Gino and Bryan to have their dismissal, bago kami umalis at sabay-sabay na kami umuwi. My phone rang again so I took it outside of my pocket. Huminto ako sa paglalakad upang basahin ang text message na na-receive.

Austin: right here...

I suddenly froze on where I was standing as I went outside of the main gate. Abruptly, I turned my head to the right side. There, I saw standing, leaning against the wall behind him. Our eyes met and we were both staring at each other for a brief moment.

He's wearing a blue plain shirt and black sweatpants paired with Nike Air Force 1. He carries a paper bag with a printed name on the front potpots donuts. My heart pumped and raced like it was going to explode as he walks towards me.

"Here, take it," he said as he carefully handed me the paper bag. "it's for you."

Momentarily, my hands reached for the paper bag on his hands. My hands touched the barest skin of his veiny hands. His manky scent lingered around my nose. He smiles at me, then he carefully walked backwards, while staring at me. Naglakad na siya papalayo at hindi ko na natawag pa ang kanyang pangalan. I ducked my head on the paper bag and picked up the sticky note and read it.

On the sticky note, he wrote there - sorry for interrupting your class... I'm not gonna do it again. Sorry.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 270K 102
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
846K 70.4K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
6.6M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...