RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES...

DeiZach által

75 10 1

Sometimes, it's the love that makes the person change. Xaracci never change herself para lamang tanggapin siy... Több

RAIN OF HEARTS (ADORE SERIES #1)
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04

CHAPTER 05

0 0 0
DeiZach által

Masakit ang tuhod ko kung kaya't hindi ako maka lakad ng mabuti, nadapa pa nga ako dahil 'di ko iyon kinaya. “The hell, stand up!” galit na sabi sa 'kin ni Kaloy.

Tutulong lang 'to sa 'kin pero abnormal parin ang gagong 'to.

“Hurry up! Nababasa na tayo oh!” sigaw pa niya sa 'kin kaya naman dali-dali akong tumayo at pinilit na lumakad. Again, nadapa na naman ako. Bwisit!

“Lampa!” sigaw niya pa na siyang ikinausok ng tenga ko at sinuntok siya sa balikat ng ilang beses, aray lang siya ng aray. “Gago ka talaga, alam mo na ngang 'di ako makalakad ng matuwid sisigaw-sigawan mo pa ako! Gago ka talaga!” at patuloy siyang pinagsusuntok.

May mga students sa paligid na nagbubulung-bulungan pero 'di ko sila pinansin, ang alam ko lang sa ngayon ay naaasar na ako sa pag-uugali ng gagong 'to.

“Stop it! Eto na, umangkas ka nalang sa likod ko!” he angrily suggested.

Dahil 'di naman ako maarte ay umangkas kaagad ako sa kanyang likod, syempre nahiya ako ng kaunti no'ng sumakay ako lalo na't samu't sari ang pumapasok sa isip ko ng mga oras na iyon. Iniisip ko no'n kung naramdaman niya kaya yung ano ko? Eh yung dibdib ko? Awkward, feeling ko binenta ko kaluluwa ko. Pero bahala na, ang importante sa 'kin ay makatakas sa field at 'di mabasa ng ulan since lamig na lamig na ako.

Pagkarating namin sa silungan ay ibinaba na ako ni Kaloy, nang dahil sa pinasakay niya ako sa kanyang likod ay nabasa narin siya. May klase pa kami mamayang hapon, at namomroblema ako kung ano ang susuotin ko at ni Kaloy.

Habang hinihintay ang paghupa ng ulan ay may lumapit sa 'ming dalawang babae, naka SHS uniform sila. Halatang maaarte ang mga ito, magaganda, at sexy. Pareho silang may dalang payong, ang babaeng straight at sobrang itim ng buhok ay masakit na nakatingin sa 'kin. Ilang sandali lamang ay nilahad nito ang kamay niya sa 'kin pero tinapik ito bigla ni Kaloy, pareho naming tiningnan ang gago ng masama. “Yra, not now,” sabi nito sa babaeng maganda.

Napaisip ako sandali, ang pangalan ng babaeng 'to ay familiar sa 'kin. Naalala ko yung nag post sa timeline ko kahapon, galing iyon sa pangalang Yrania Fae Gavelioso.

“Ikaw si Yrania Fae Gavelioso?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin tapos bigla nalang nag roll eyes. “Yes,” maarte niyang sagot.

I see, siya nga iyon. Pero ano ang pakay ng mga ito sa 'kin? Bakit pinapaalis siya ni Kaloy?

“Custhin, I'm just having friends you know,” she said while sweetly blinking her eyes.

“Well, not her.” sagot sa kanya ni Kaloy.

“Then...” she shrugged, “having enemies, can I?”

“I said, not her.” matigas nitong sabi kay Yra.

Yra rolled her eyes again, she raised her right hand labeled to her shoulder and lightly wave it. Kumunot ang noo ko sa pagiging weird niya, magsasalita na sana ako para sabihin kay Kaloy na lumipat kami ng masisilungan pero huli na ang lahat dahil may biglang bumuhos sa 'kin ng isang baldeng putik at isang baldeng damo.

Ang mga estudyante sa paligid ay nagulat, mayroong naririnig kong naaawa sila ngunit ang iba naman ay tumatawa. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, gusto kong maghiganti pero sobrang bigat ng putik na nakabalot sa katawan ko ngayon lalong lalo na sa 'king ulo.

“Yra, tang'na!” rinig kong bulyaw ni Kaloy, lumapit siya sa 'kin at kinamay ang putik sa aking ulo upang alisin iyon. Hindi ako nakapag imik dahil hindi ko rin naman talaga alam kung ano ang gagawin ko. “C'mon!” hinila ako bigla ni Kaloy paalis roon, natatabunan ng putik ang bandang mata ko kung kaya't nahihirapan akong maaninag ang dinadaanan.

Tumigil kami sandali sa paglalakad, “Teka, maligo ka nalang kaya sa ulan para mabanlawan 'yang putik sa katawan mo? I'm sure they won't let us to use the school's bathroom kapag ganyan ang itsura mo.”

Pinunasan ni Kaloy ang putik sa 'king mata para makakita ako, ganun rin sa labi ko.

“No, nahihiya ako. Naka uniform ako saka nandito pa tayo sa loob ng campus, gagawin nila akong katawa-tawa. No, I'm not going to do that---”

“Sasamahan kita,” aniya at sabay naming sinalubong ang malakas na ulan.

Magkahawak ang kamay namin, “Wag mo bitawan ang kamay ko, sasayaw tayo sa gitna ng ulan. No one will mistreat you, as long as I'm here who'll protect you. Keep that.”

Napangiti na lamang ako, siguro ito ang unang beses na naging kaibigan si Kaloy sa 'kin. Masaya kaming dalawa na sumasayaw, lumakas lalo ang ulan ngunit lalo lang namin inenjoy iyon.







“GET IN, bilisan mo.” naging cold na naman ang boses ni Kaloy, pareho kaming basa at ngayon ay nag-aalinlangan pa akong pumasok sa kotse niya. “Pumasok ka na, bilis,” naiinip na niyang utos.

Umiling ako, “Eh paano kapag nabasa ko 'yang kotse mo edi—”

“Edi linisan mo, bilis! Pasok na.”

I greeted my teeth just to hide my anger, napaka bipolar ng gagong 'to. Kanina lamang ay ang bait-bait pa niya, tapos ngayon asal abnormal na naman ang kumag. Peste siya, umasa pa naman ako na namayapa na 'yong demonyong kaluluwa niya. Nag bakasyon lang pala ng ilang minuto, kalaunan bumalik kaagad, na miss ata ang among abno.

“I can hear what you're thinking, get in! Ang bagal!” reklamo niya kaya mabilis na akong pumasok.

“Napaka apurado mo talaga, sasakay naman ako e.” reklamo ko rin. Sinulyapan niya lang ako saka inirapan.

“Whatever,” he sighed, “Andyan 'yong bag mo sa back seat dinala ko kanina no'ng matapos yung klase natin bago kita pinuntahan sa field.”

Agad kong kinuha ang bag ko, bubuksan ko palang sana ang cellphone ko nang magsalita na naman si Kaloy, “Don't open your social media accounts kung ayaw mong ma depress sa sinasabi ng ibang tao sa 'yo. I have a mystery box above your head, kunin mo 'yong susi sa 'kin at kunin ang towel dyan.”

Napaawang ang bibig ko sa gulat, “Ano?! Mystery box sa ulo ko? Kailan pa 'to ha?!” galit kong tanong sa kanya.

“Mystery box sa taas ng ulo mo, hindi sa ulo mo mismo. Tch, bobo talaga.”

I pouted at kinuha sa kanya ang susi, hindi na ako maputik pero ramdam ko parin na may natitirang dumi sa ulo ko kaya ginawa ko nalang pambalot sa katawan ang twalya para 'di ako lamigin.

He stopped the car, hinubad niya ang kanyang polo at sando sa loob saka pinaandar na naman ang sasakyan at pinatakbo. Kaloy is known as my best friend, hindi dapat ako umilang pero hinding-hindi rin talaga maiiwasan. I know that I'm just 16, and I can't deny that in this age ay lumalawak na rin ang pag-iisip ko. Nandoon na ako sa puntong baka magkaka-developan kami ni Kaloy kahit alam kong imposible 'yon at ayoko rin na mangyari, siguro epekto narin 'to ng mga stories na binabasa ko. But then, I'm still sticking to the idea na kapag barkada ay barkada lang. Wala din naman akong gusto kay Kaloy at alam kong ganoon din siya, pero inaamin kong may pagnanasa ako sa kanya minsan haha!

Hindi ko mapigilan ang mapangiti, parang tanga lang kasi 'di niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito.

“Too quiet, ang creepy na bigla nalang kitang makikita na ngumingiti. Did you see something or you're just being crazy?” tumaas ang gilid ng labi ng abno.

I shook my head at pinagpatuloy ang imagination ko, andun na ako sa puntong kunwari ay naging kami ni Kaloy. Iniisip ko na baka tinatarantado niya lang ako para magkagustuhan kami sa huli, tapos kapag nakita niya akong may kasamang iba ay iigting ang panga niya't hahawiin ako sa beywang, susuntukin niya ang pader tapos sasabihing, “Damn baby, I'm jealous.” ackkk!!!

Napa-aray na lamang ako at bumalik sa reyalidad nang pitikin ako ni Kaloy sa noo.

“Anong ‘Damn baby’ mo dyan? Kanina ka pa, 'di ka parin tapos sa imagination mo?”

Sumimangot ako, “Tse! Panira ka talaga. Teka, nasa'n na ba tayo?”

“Nasa'n lang, walang tayo.”

“Tse!” asik ko. Badtrip talaga ang abno.

Tumingin ako sa labas, andito na pala kami sa tapat ng bahay kaya naman kinuha ko na ang gamit ko at bumaba. Wala nang ulan at sumisikat narin ang araw. Nasa gate na ako nang tawagin ako ni Kaloy, “Dress up and eat your lunch, hintayin mo 'ko at sabay tayong pupunta sa school or else— paliliguan ka na naman nila ng putik at damo.” aniya at tuluyan nang umalis.

Nakasimangot parin ako nang pumasok sa bahay, siguro hindi na uuwi si Nanay ngayong tanghalian kaya mag-isa na naman ako as usual.

Napaka worst naman ng first day ko sa school na 'yon, ang papangit ng ugali ng mga babae! Siguro kapag nalaman nila na kaibigan ko lang naman ang kinababaliwan nilang crush na si Xkeward La Veda ay kakaibiganin rin ako ng mga 'yon.

Sa aming magbabarkada, si Xkeward ang malakas sa chix dahil sa pormahang pang heartrob, siya rin ang pinaka sikat, at super talented. Actually, parehong-pareho sila ni Kaloy pero naiiba ang kasikatan nila, si Xkeward kahit saan mapunta ay maraming nakakakilala sa kanya, si Kaloy naman ay kilala ng buong Wistlellon at ng ibang Academies pero sa labas ay malimit lang na may nakakakilala sa kanya.

Tapos na akong maligo at magbihis, kumain na rin ako ng lunch. Hinihintay ko na lamang si Kaloy na sunduin ako.

“Tao poooo!”

Lumabas kaagad ako para tingnan kung sino ang tumatawag, yung meralco na naman. Kinuha ko ang bill namin at nagulat ako sa sobrang taas nito.

“Kuya, ang taas naman nito!” reklamo ko.

Tumawa siya, “Buti nga yung bill niyo tumaas, ikaw hindi HAHAHA!”

Alam ko naman na nagbibiro lang si Kuya e, pero pre, paano sakalin ang taong 'to na di niya nalalaman?

Pagkaalis ni Kuya ay sakto naman ang pagdating ni Kaloy, “Tara na, bilisan mo. Ayokong naghihintay, 'di ka kagandahan kaya bilis na!” aniya.

Walang utang na loob kaya naman mabilis kong kinuha ang gamit ko at sumakay na sa kanyang kotse.

“Oh, nasa'n na yung twalya ko?”

“Bukas nalang, di pa tuyo 'yon.”

“'Wag mo na ibalik yun.”

“Oh, bakit?”

“Abaa, malay ko ba kung pinahid mo 'yon kung saan-saan at—”

“Tarantado, ang dugyot mong tangina ka!”

Dahil hindi na naman kami nagkasundo ay hindi na rin namin kinausap ang isa't isa hanggang sa makarating kami sa school. Abno talaga siya!

Olvasás folytatása

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...