Serving The Heir's Father

Від Haaadeez

16.6K 476 37

Vincent Kleive Alvares was heart broken because he decided to just let go of his first love. He saw a gorgeou... Більше

Prologue
STHF
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty- Eight
Chapter Twenty- Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty- Two
Chapter Thirty- Three
Chapter Thirty- Four
Chapter Thirty- Five
Chapter Thirty- Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thirty- Eight

Chapter Thirty- One

211 5 0
Від Haaadeez

Nakatitig ako sa nakatulog na si Xy. Nasa jeep kami papunta sa bahay nila Nel. Dalawang malaking bag at isang maleta ang dala namin. Hindi ko alam paano ko nakakayang buhatin ang lahat ng ito, kasama pa si Xyphere.

Makapal na ang mukha ngunit wala na kaming matulugan. Buti sana kung ako lang e, ngunit kasama ko ang anak ko. Kaya ko na namang kahit sa kalsada na lamang matulog. Bumalik na sa Bataan si ate Celia. Wala na naman akong maka usap na iba.

Pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak pero hindi ko kaya. Bawat minuto na lumilipas mas lalong sumasakit.

Tinitiis ko na lang din ang paninikip ng dibdib ko at pinipilit na maging matatag para sa mga anak ko.

Pinagtitinginan na nila kami. Paano ba namang hindi, ang gulo gulo ng nakatali kong buhok. Gusot ang damit ko at halata mong nanggaling pa sa pag iyak. Mapakla akong natawa, basura nga talaga ako.

Nang matanaw ko na ang bahay nila Nel ay naghanda na ako at ginising si Xyphere. "‘Nak, gising na." Inalog ko siya nang bahagya. "Mamaya ka na lang ulit matulog ha."

Umayos naman siya ng upo at inaantok pa.

Pumara na ako at nauna nang bumaba, ibinaba ko pa ang ilang gamit sa kalsada para sana kuhanin si Xyphere ngunit umamdar ulit ang jeep at humarurot ng takbo, nanlaki ang mata ko nang makitang nahulog ang anak ko. Mabilis akong maglakad at inalalayan si Xy.

"Hoy! Putangina nito!" Agad na narinig ko ang sigaw ng isang kapitbahay at tinulungan kami.

Inusisa ko ang anak ko.

"M-masakit ba, anak?" Umiling siya.

Binuhat ko si Xyphere, hindi siya umiiyak at mukhang hindi pa nasaktan sa nangyari.

"Saan kayo, miss?" Tanong ng lalaking sumigaw kanina, napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"K-kila Nelson." Sagot ko naman dito. Alam kong namumula na ang mata ko ngayon ngunit hindi naman siya nagtanong.

"Ah, si manong." Manong? Nangunot ang noo ko pero binuhat niya na lang ang ibang gamit namin at hinila ang maleta. Nauna na siyang maglakad kaya’t sumunod na lang kami, buhat buhat ko pa rin si Xy.

Nag aalala ako sa kaniya, hindi siya nagsasalita simula nang makaalis kami sa bahay ni Vince.

Nang maihatid kami ng lalaki ay siya na ang kumatok, agad na pinagbuksan naman kami ni Nel.

Nanlaki ang mata niya nang makita kami. Natataranta pa siyang papasukin kami. Lumingon ako sa lalaking tumulong sa amin at nagpasalamat.

"Tristan, ikaw si?" Iniabot niya ang kamay niya ngunit hindi ako gumalaw at tinitigan ang kamay niya.

Maliit akong ngumiti ngunit hindi kinuha ang kamay niya. "P-Pauline."

"Hoy Taning! Tigilan mo si Pauline." Singit naman ni Nel sa gitna namin.

"Grabe naman to si manong." Nakasimangot na sagot ng lalaki.

"Masasapak kita!" Nanggagalaiting balik ni Nel kaya natatawang kumaway ang lalaki paalis.

"Anong nangyari, ‘te?" Pinaupo niya kami sa upuan at binigyan ng tubig. Tahimik lang akong uminom ng tubig, gayon din ang anak ko. "Anong nangyari, Pau?"

Umiwas ako ng tingin at kinuha ang first aid kit ni Nel dito sa bahay niya. Lumuhod ako sa harap ni Xyphere at inabot ang braso. May malaking gasgas siya sa isang braso at mayroon pa pala sa tuhod.

Habang nililinis ko ang sugat niya ay gusto kong umiyak. Ang mga sugat na to, alam kong wala pa to sa sakit na binigay sa amin ng ama niya. Iniwanan siya ng tatay niya, nakita niya ang lahat kung paano kami tinaboy. Naiiyak akong mararanasan na naman niya ang walang ama.

Paano kung hindi kami nakipagsapalaran dito, baka maayos siya ngayon. Baka hindi siya masasaktan nang ganito. O baka hindi rin siya gumaling. B-baka mas mabuti na rin to.

Nakatitig lang sa akin si Xyphere at dahan dahang bumaba ng upuan at niyakap ako.

Doon ay hindi ko na napigilan, humagulgol ako nang sobra.

"K-kaya natin to, ha. K-kaya natin." Mahihing bulong ko sa gitna ng mga iyak ko.










Mabilis na lumilipas lang ang mga araw, sa araw araw na ginawa ng Diyos ay hindj ko alam paano ko kinakayang wala si Vince. Sa ngayon kasi talaga mas iniisip ko ang anak ko. Kinaya ko rin namang wala siya noon, dapat nga ay mas kaya ko ngayon.

"Mama, bigay ni Tristan." Napatigil ako sa pagpupunas ng mesa nang dumating si Xy na nakasimangot.

Nangunot ang noo ko at napatitig sa hawak niyang sunflower na pinitas lang kina aling Saling. Umangat naman ang tingin ko sa kaniya. "Kuya Tristan."

"He's not my brother." Ngumuso siya at tinago na sa likod niya ang bulaklak.

Napatawa ako at umupo, kinuha ko naman siya sa isang kamay ko, binitawan muna ang hawak kong pamunas. "Ang sungit sungit naman ng anak ko."

"He likes you, mama." Lumapit siya ngunit tumalikod ito sa akin.

"I don't like him naman." Ani ko pagkayakap sa kaniya, nakatalikod pa rin.

"Hmp, he likes you pa rin."

"Ikaw lang ang love ni mama." Ngiti ko, nakangiting humarap siya sa akin at yumakap, maya maya naman ay hinaplos niya ang tiyan ko.

"Baby sister or baby brother?" Maliit na boses niya at itinapat ang tenga sa tiyan ko. Natatawa naman ako ginagawa niya. Nagtatanong tanong kasi siya at biglang itatapat ang tenga sa tiyan ko. Nakikipag usap sa kapatid niya.

"Anong tinatanong mo sa kaniya, nak." Malambing ang tonong 'yon. Ayoko sanang guluhin siya sa pakikipag usap niya sa kapatid niya.

Umangat ang tingin nito sa akin. "Kung gusto niya po ng Aelia na name po, mama."

"Bakit naman Aelia?" Tanong ko sa kaniya at hinaplos din ang tiyan ko. Naramdaman ko ang kaunting kirot ngunit kaya ko namang tiisin.

"Because she's our little sunshine po." Ngumiti naman siya sa akin. "Or he." Maliit na tawa niya.

Napatango tango ako. Ang ganda ng pangalangang iyon at may kahulugan pa.

"Saan mo naman nalaman ‘yan?"

"Sabi ni teacher Harmonie, sunshine raw po meaning non."

Tatlong buwan na simula nang makaalis kami sa bahay na iyon. Araw araw kong pinipilit maging matatag para sa kanila.

Paano ako magiging mahina kung ganito ang anak ko. Napakatalino, mabait at alam kong siya ang huling taong iiwan ako.

Lumalaki na rin ang tiyan ko. Apat na buwan na akong buntis. Hindi madali lalo na kung mag isa ka. Hindi naman palagi sa bahay si Nel dahil may trabaho. Kaya kinakaya ko talagang mag isa, alagaan ang sarili ko at si Xy.

Sila na lang talaga ang dahilan ko para magpatuloy.






"Merry Christmas, Xyphere!" Humalik ako sa pisngi ng anak ko. Ngumiti ito at bumati rin.

"Merry Christmas, mama."

Natatawa ako, kanina pa kasi siya nakatitig sa mango graham. Pwede naman na siyang kumuha ngunit sabi niya ay hintayin niya na lamang na mag alas dose para sabay sabay na kami kakain.

"Merry Christmas, Nelson."

"What if lasunin kita?" Inabot nito ang efficascent na nakalagay sa salamin at pinakita sa akin. "What if lang naman."

Tatawa tawa naman ako kaya umirap siya sa akin.

"Pupunta kaya sila Brenna?" Tanong ko, sinandukan na si Xy ng pagkain niya. Spaghetti at graham.

Nakangiti naman niyang kinuha ang plato at nagsimula ng lantakan ang pagkain niya.

"Ewan ko ba sa baklang ‘yon!" Iritableng sagot naman ni Nel.

Usapan kasi ay dito na magpasko si Brenna at ang anak niya pero wala pa rin sila. Baka nagbago na ang isip.

Kakain na sana kami nang may kumatok, kumunot ang noo ko at umasang siya yon ngunit hindi pala.

"Merry Christmas, Pauline." Bati ni Tristan. "Mango graham, oh. Gawa ko yan, by the one and only." Pinigilan kong ngumiwi, meron na kasi kami.

Inabot ko pa rin. Sayang naman kasi. "U-uhm, thank you. Gusto mo bang pumasok?"

"Pwede ba?" Sumilip pa siya sa likod. Makikita agad ang kusina nila Nel, maliit na apartment lang kasi ito.

"Oo naman, tara." Tango ko at nanuna nang pumasok. "Nel, may bisita."

"Merry Christmas, manong!"

"Lumayas ka sa bahay kong hunghang ka!" Ayan na naman ang dragon.

"Eto naman, makikikain lang naman ako ng letchon niyo." May dala pala siyang plato at kutsara. Hindi ko napansin kanina!

"What if ulo mo ang i-letson ko."

"Matutuwa ka rito, manong. Malaki laki to."

Sa kakatawa ko ay pinalayas na pala siya ni Nel. Ayan tuloy hindi na siya nakatikim ng pagkain.





Anim na buwan na ang tiyan ko, panay na rin ang pananakit ng likod at balakang ko.

Nandito lang ako sa bahay, napaupo galing sa paglilinis nang makaramdam ng labis na sakit.

Napasandal ako, pumikit at huminga nang malalim nang ilang beses.

"Mama..." Napamulat ako ng mata nang tawagin ako ni Xyphere. May hawak itong isang basong tubig. "Water po."

Uminom ako ng tubig na iniabot niya. Kumikirot talaga, hindi ko maipaliwanag ang sakit.

Napapikit ako muli at narinig na bumukas ang pinto.

"Jusko po! Anong nangyari sa ‘yo?" Natatarantang tanong ni Nel, agad na ibinaba ang mga gamit at dali daling pumunta sa akin.

"Sumasakit lang ang tiyan ko. Ayos na." Pilit na ngiti ko.

"Ay, hindi! Tumigil ka, tara sa ospital." Aniya at inalalayan akong tumayo.

Hindi ko na lubos maisip na dito na pala mag uumpisa ang tunay na sakit.



Продовжити читання

Вам також сподобається

4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.6M 138K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
291K 33.6K 84
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
600K 49.6K 24
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...