Chapter One

785 22 0
                                    

Her son

"Grabe naman po ang dami ng bisita ngayon" nakangusong napasalampak ako ng upo dahil sa pagod.

Bakasyon ngayon kaya ganito nalang kami dinagsa ng mga turista, ang iba'y taga ibang bansa pa nga.

"Hay nako, hindi ka pa nasanay, apat na taon ka na dito" komento ni Ate Celia, siyam na taon ang tanda niya sa akin, mas matagal pa siyang nagttrabahoo rito.

Hinila niya ako palabas ng staff room. "Oh siya, umuwi ka na, baka mamaya eh hinahanap ka na ni Xy."

Napangiti ako nung marinig ang pangalan niya.

"Opo, sige, salamat po. Dadaan na muna po ako sa panaderya." ngumiti ako sakaniya. Tinanguan niya naman ako saka kumaway.

"Magiingat ka, Pau."

"Opo," kumaway ako sakaniya saka kami naghiwalay ng daan.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa selpon kong si Billy-- ganoon lang siguro kaimportante ang lahat ng gamit ko kaya't lahat sila ay may pangalan-- na parang isang hulog nalang ay mawawarak na. Pagtingin ko sa oras ay alas sais na pala ng hapon.

May sampung oras din pala akong nakatayo at palakad lakad kanina. Ang trabaho ko ay isang tour guide kaya't walang upo upo sa aming trabaho lalo na't napakaraming bisita kanina.

Kahit na pagod ay nilakad ko pa rin ang panaderya para bumili ng pasalubong.

"Ale, pabili po ako ng pandecoco." nakangiting untag ko sa babaeng nakapangalumbaba habang nakangiti sa kaniyang selpon.

"Kwatro ang isa," masungit na aniya saka padabog na umayos ng tayo kaya napanguso ako.

"Lima po," nakanguso siyang naglagay ng tinapay sa supot, ngumiti ako nang tumingin ito sa akin saka iniabot ang supot ng pandecoco.

Sungit naman.

"Oh, Pauline, nariyan ka na pala." salubong sa akin ni Father Austine, nagwawalis siya sa bakuran ng simbahan at nakaputing pang itaas at itim na pantalon.

Nasa sixty na ito kaya't itinuturing ko na rin siyang tatay ko.

Lumapit ako sa kaniya at saka nagmano.

"Mano po, Father Austine."

"Kawaan ka na ng Diyos... Oh, puntahan mo na si Xyphere."

"Opo," tumango nalang ako at nakangiting pumasok ng simbahan. Dito kami nakatira, kinupkop kami ni Father Austine nang makita niya kami ni Xy sa harap ng simbahan.

"Kamusta siya, Henry?" ipinatong ko na muna ang bag ko kasama ang supot na naglalaman ng binili kong pandecoco, sa mesa sa aming kwarto bago lumapit sa kanila.

Parang napawi ang lahat ng pagod ko nang makita ang maamong mukha ni Xyphere.

Si Henry naman ay isang tagasilbi rito sa simbahan, pamangkin siya ni father. Sa tingin ko nga'y magpapare rin siya dahil dito na siya lumagi.

"Ayos naman, mabuti nga't dumating ka, kanina ka pa niya hinahanap. Hindi makatulog, kakatulog niya lang dahil na rin siguro sa pagod." nakangiting saad niya habang buhat buhat si Xy, napatango ako at kinuha si Xy mula sa kaniya.

"Ay ganoon ba? Sige, maraming salamat sa pagbabantay sa kaniya."

"Wala iyon, ano ka ba, pamilya na tayong lahat dito"napatawa pa siya kaya't ngumuso ako.

"Salamat pa rin"

Nginitian niya lang ako saka nagpaalam "Sige, alis na ako, magluluto pa ako, baba nalang kayo ni Xy kung kakain na"

Serving The Heir's FatherWhere stories live. Discover now