Chapter Twenty-Five

380 13 0
                                    

r-18





Buhat buhat ko si Xyphere, naglalambing kasi.

Lumalaki na ang anak ko, magaling na ngang magsalita at mag english.

Panay naman kasi ang panonood ng mga nurse sa mga cartoon na english at cocomelon.

Nang makapanood ako ng cocomelon ay natutuwa naman ako dahil marami silang tinuturong kanta at mga bagay. Mabuti na ‘yon dahil ‘pag natapos ang operasyon niya ay pwede na siyang mag aral. Apat na taon naman na siya.

"Pagkatapos ng operasyon mo pupunta tayong Disney Land, ha." Inihiga ko na siya, gabi na rin at oras na ng pagtulog niya.

Isang araw kasi naabutan ko siyang nanonood ng mga vlog na pumuntang Disney Land. Gusto rin naman 'yon ni Vincent.

Yumakap siya sa bewang ko at tumango. "Opo, ma."

"Gusto mo ng gatas?" Masuyong tanong ko rito at sinuklay ang buhok niya.

Masiglang tumango siya sa akin. "Opo!"

"Sandali, ipagtitimpla kita ha." Hinalikan ko ito sa noo bago bumangon.

Pagbaba ko ay nakita ko si Vince na nakaupo sa sofa sa sala.

"Ayos ka lang ba, Vince?" Lumapit muna ako sa kaniya.

"Yep." Tumango naman siya at ngumiti.

Mahinang napabuntong hininga ako, alam kong nagsisinungaling siya. "Sigurado ka? Pwede mo akong sabihan ng mga problema mo, makikinig naman ako."

Tumango ulit siya at niyakap ako. "Before that, what are you doing here?"

"Ipagtitimpla ko ng gatas ang anak natin." Saad ko.

Nangingiting umiwas siya ng tingin, napahawak pa nga siya panga niya. "Natin..."

Tumayo na ako at pumuntang kusina para magtimpla. Napakunot ang noo ko nang matapos na akong magtimpla ay naroon pa rin siya at nakatayo, namumula.

Hindi ko na lang pinansin at umakyat na.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay mahimbing na siyang natutulog.

Binaba ko muna ‘yong basong may gatas sa side table niya bago ko siya kinumutan at hinalikan sa noo.


"Nakatulog na." Sabi ko kay Vince nang makababa na bitbit ang gatas.

Tumango naman siya sa akin. "That's good. Come here, Pauline."

Ipinatong ko na muna ang gatas sa center table rito sa sala bago tumabi sa kaniya na nakaupo sa sofa.

"Kamusta ang kumpanya niyo?" Humilig ako sa balikat niya, ang mga kamay niya naman ay awtomatikong pumulupot sa bewang ko.

Mahinang napabuntong hininga siya. Mukhang mas malala ang dinadala niya ngayon. "I told you when Xyphere's stable, we'll solve our problem together."

"Hindi pa maayos?" Umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi pa." Iling niya. "I missed you, Pauline." Malambing na aniya.

Iniyakap ko sa bewang niya ang braso ko, napakakumportable ko talaga sa kaniya. "Namiss din kita, Vince."

"That one week without you was hell, damn it, sobrang namiss kita." Aniya, nagulat naman ako nang bigla niya akong paupuin sa kandungan niya.

Hinawi niya ang buhok kong nagulo dahil sa mabilisan niyang pagpapaupo sa akin.

Unti unti naman niyang ipinaglapat ang mga labi namin.

"V-vince..." Mahinang hinaing ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam bakit ako kinakabahan.

Serving The Heir's FatherTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang