Incantation Academy : School...

By CuteLazyPig

88.2K 4.5K 582

To be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage unt... More

Authors note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOUGE I
EPILOGUE II
THE POWERFUL ARTEMIS
Authors note
πŸ“Announcement πŸ“

EPILOGUE III

648 20 2
By CuteLazyPig

Cassandra's POV

Ramdam ko ang tulis ng kutsilyong nakadiin sa aking leeg. Ang dibdib ko ay walang humpay sa pagtaas-baba dahil sa takot at kaba na nararamdaman.


Pumikit ako para kumuha ng lakas ng loob. Nakita ko ang galit na si Jake na humakbang ng isang beses.


"Oh, Mr. Malfori!" sigaw na bati ng nasa aking likudan.


"Which one?" sigaw ni Mr. Francisco na agad na sinuway ni Ms. Clever.


Narinig ko ang mahinang tawa ng nasa aking likudan.


"Francisco! I'm glad, you're still alive! The last time I saw you is when I killed Natasha, right?"


Nagulat ako nang sabihin n'ya iyon sa harao nila Jake. Ngayong natatandaan ko na ang lahat ay tanda ko na din ang iyak ni Jake tuwing gabi dahil sa kaniyang Ina. Ngayong nabanggit iyon ulit ay dadagdag lang iyon sa galit n'ya.


"Don't you dare say my wife's name again!" si Tito Francisco na ngayon ay galit na.


"Oh really? You think I'm scared? Huh!? I killed Natasha with my own hands and you're next, Francisco!"


"I will kill you first!"


Akmang susugod na si Tito Francisco nang pigilan s'ya ni Ms. Clever dahil bigla kaming umatras ni Spade at mas lalo n'yang diniinan ang pgkakatutok ng kutsilyo sa aking leeg.


Ramdam ko ang dugong tumulo saaking leeg at kita ko sa reaksyon ni Jake na 'di na s'ya mapipigilan pa.


Bumuo ako ng isang patalim sa aking kamay gamit ang yelo bago siniko si Spade at tinusok ang yelo na iyon sa kaniyang balikat na agad n'yang nasalo.


Umiling s'ya sa sakit at naluwagan ang pagkakahawak n'ya sa akin kaya mabilis akong tumakbo.


Nakita kong naging alerto sila Kake at saka sila gumalaw para kalabanin ang kani-kanilang kalaban.


Tumakbo ako papunta kay Jake ngunit biglang may humawak sa kaniyang braso dahilan na kumalat ang kulay itim doon. Namilit agad s'ya sa sakit at sinimulang kalabanin ang Quins.


"Saan ka pupunta!?"


Nagulat ako nang may humawak sa aking buhok at ihagis ako sa pader. Napailing ako nang maramdaman ang pagkabali ng ilan kong buto.


Hirap kong binuksan ang aking mata para makita kung sino ang may gawa no'n.


Narinig ko ang pagbagsak ng kung ano sa kabilang dingding at ang putukan ng mga apoy at batong tumatama sa pader.


Minulat ko ang aking mata at nakita kong kinakalaban na ni Dad si Spade na ngayo'y nakasandal na sa pader. Tinignan ko ang babaeng nagsalita saakin kanina at nag hagis saakin ngunit hindi ko na ito makita.


Nakita ko si Dad na nakatayo at susugudin na ulit si Spade nang may isang babaeng akmang a-atakihin s'ya mula sa likod. Agad akong tumakbo sa likod ng babae at hinila ang buhok n'ya bago ko s'ya hinagis sa sahig.


Nakayuko s'ya sa'kin ngayon at isang ngisi ang sumilay sakaniyang labi.


"Nagagawa mo na akong saktan ngayon." Sabi n'ya sa madiin na boses.


Napahinto ako dahil doon. Nagulat ako nang marinig ang boses n'ya. Napa-atras ako nang marinig kung kaninong boses ito.


Tinignan ko ang mukha n'yang masayang nakikita ang reaksyon sa mukha ko.


"Meigan..." Gulat kong turan.


Tumayo s'ya at hinarap ako. S'ya nga si Meigan...


Anong ginagawa n'ya dito? At bakit ganiyan ang itsura n'ya?


Tinignan ko s'ya nang hindi pa rin makapaniwala. Humakbang naman s'ya papalapit saakin at niyakap ako.


Hindi ako makagalaw dahil sa nangyayari. Is this real? Nandito si Meigan!? Nandito ang bestfriend ko?


"I'm glad, Cassandra. Natatandaan mo pa ako" sabi n'ya sa mataray na boses.


"What are you doing here?" Lito kong tanong.


Nakayakap lang s'ya saakin pero ramdam kong may kakaiba. Bakit ganon? Bakit parang...


Hindi s'ya ang bestfriend ko?


"Guess what!?" Bulong n'ya.


Unti-unti akong nakaramdam ng kakaiba sa tono ng kaniyang pananalita.


Bumuo ako ng maliit na kutsilyo sa aking kamay na nasa likod n'ya.


"I'm helping my father...." Sabi n'ya sa tenga ko.


"To destroy you!"


Agad kong siniko ang t'yan n'ya at yumuko para sugatan ang binti n'ya. Kita ko kung gaano kagalit ang mata n'ya ngunit nanatili akong lito.


"Ama mo si Spade? Paano? 'diba nasa Amerika na kayo?" Tanong ko kay Meigan na hawak ang dumudugo n'yang binti. Tumayo s'ya bago sumugod ulit saakin hawak ang kaniyang matalim na kutsilyo.


Agad kong iniwasan ang kutsilyong iniwasiwas n'ya sa aking mukha. Sinalag ko ang braso n'ya tsaka ko ito siniko kaya n'ya nabitawan ang kutsilyo. Inikot ko ang braso n'ya sa likod n'ya at nakita kong namilipit s'ya sa sakit.


"Namatay ang mga itinuring kong magulang! Pinatay sila ng kalahi mo! Pinapatay mo sila!" Galit n'yang sabi bago n'ya kuhanin ang isa pang nakatago n'yang kutsilyo sa baywang at sugatan ang tagiliran ko.


Napa-atras ako dahil sa sakit at nakita ko ang medyo malalim na sugat sa aking balat. Ang aking damit din ay napunit dahil sa ginawa n'ya.


Tinignan ko si Meigan na galit na galit saakin.


Anong sabi n'ya!? Pinapatay ko!?Pinatay ng Incants? No! Hindi namin iyon magagawa! Nagkakamali si Meigan! Kahit kailan ay hindi ko s'ya hahayaang mawalan ng magulang gayong ako pa ang nagtulak sakaniya na sumama sa mga ito!


"Argh"


Nakita ko kung paano hinagis ni Dad si Spade sa veranda bago s'ya tumalon para sumunod doon. Tinignan ko sila Jake na patuloy na nakikipaglaban sa mga Quins.


Napalingon naman ako sa gilid at nagulat nang makita si Mr. Francisco na nakaupo sa katawan ng isang Quin habang nakasandal sa pader at bumabato ng apoy sa kung sino ang lalapit dito.


Si tito Luis naman ay patuloy sa pakikipaglaban sa kanang kamay ni Spade na nakalimutan ko ang pangalan.


"Because of Incants, my family died! Kasalanan n'yo ito, Cassandra! And I'm here to make you all pay for wht you've done"


Nagulat ako nang bigla akong itulak ni Meigan at paulanan ng kidlat. Patuloy kong iniiwasan ang mga kidlat na pinapadala n'ya saakin habang tinitignan ang mga mata n'yang puno ng galit at poot.


Hindi ko alam na sa sunod na pagkikita namin ay ganito ang mangyayari...


Bakit kailangan na maging ganito?


"Meigan, listen. Hindi kami ang gumawa no'n" sigaw ko habang umiiwas pa rin sakaniya.


Pinadalhan ko s'ya ng dalawang fireball ngunit nakaiwas din s'ya doon bago s'ya nagpatuloy sa pagpapadala ng kidlat saakin.


"Liar! You're a liar, Cassandra'" sigaw n'ya pabalik.


Huminto s'ya sa pagpapaulan kaya nakalabas ako sa pader na aking pinagtaguan. Sumugod ako sakniya para makausap pa s'ya nang maayos.


Kailangan n'yang malinawagan. Nabubulag s'ya sa mga bagay na hindi naman totoo.


Siguro ay nilason ni Spade ang kaniyang utak. Ginamit n'ya si Meigan para making kaaway ko dahil alam n'yang...


Kahinaan ko s'ya...


"Meigan, wake up! We can't do that to you!" Pamimilit ko sakaniya kahit na alam kong sarado s'ya sa mga sinasabi ko.


Sinugod n'ya ako at sinipa sa t'yan. Napa-atras ako sa aking pwesto at bago ako makabawi sa sipa n'ya at sinipa n'ya naman ako sa pisngi.


Damn...


"San!"


Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko si Jake. Nakita kong galit s'ya sa nakita n'ya at handa na s'yang sugudin si Meigan pero umiling ako. Nagtataka n'ya akong tinignan ngunit nginitian ko lamang s'ya.


Sinipa ulit ako ni Meigan hanggang sa naramdaman kong nasa dulo na ko ng veranda. Nakita ko si Meigan na akmang sisipain ulit ako ngunit nahawakan ko ang paa n'ya at tinapon ito bago ko s'ya kinuryente at pinatalikod para sipain sa likod.


Narinig ko ang daing n'ya at lalong galit sa pgsasalita. Gamit ang tubig ay gumawa ako ng alon na kaya kaming dalhin sa baba. Hindi s'ya makatuo dahil nilagyan ko ng tali ang paa't kamay n'ya.


Nakarating kami sa baba at nakita ko kung gaano kagulo ang lahat. Nakita ko si Spade at Dad na naglalaban at parehas na sugatan.


Bumuntong hininga ako at dinama ang dugong tumutulo sa sugat ko sa mukha dahil sa sipa ni Meigan.


Hindi makikinig saakin si Meigan hangga't hindi s'ya mahinahon.


"Let me go Cassandra. I'm not done with you!" Sigaw n'ya saakin.


Ngumiti ako sakaniya bago umiling.


"Hindi kita papakawalan hangga't 'di tayo nakakapagusap nang maayos" sabi ko.


Pilit n'yang ginagalaw ang kamay at paa n'ya ngunit 'di talaga s'ya makawala.


"You'll pay for this!"


"Meigan! Listen to me first!" Sigaw ko out of frustration and pain.


"No! I will not listen to you ever again!"


"Meig!-..Ahh"


Napadapa ako sa lupa nang may pumukpok sa aking likod. Nakita ko si Spade na nakangisi saakin. Pinilit kong tumayo at hanapin si Dad pero agad n'ya akong sinampal.


Shit!


Pinilit kong tignan kung nasaan si Dad at nagulat akong nandoon s'ya ilang dipa ang layo saakin at inaalalayan nila Jake para makatayo. Puro pasa at sugat si Dad ngunit pinipilit n'ya pa rin tumayo.


"Nakita mo iyon? Ganon ang mangyayari sa'yo kapag hindi mo binigay ang gusto ko" sabi ni Spade sa madiin na boses.


Pinakawalan n'ya si Meigan at nakita ko kung paano ako kamuhian ng dati kong matalik na kaibigan. Lumapit sila Jake saakin ngunit binato agad sila ni Spade ng itim na likido na umuusok pa.


Narinig ko ang mura ni Jake sa 'di kalayuan at ang kabadong boses nila Isabelle.


"Thanks, Dad"


"For you, My daughter"


Tinignan ko si Meigan na para akong humihingi ng tulong pero umiwas lamang s'ya ng tingin.


Hinila ako ni Spade patayo at hinawakan ako sa buhok ko nang mahigpit. Ramdam mo ang daliri n'ya sa anit ko dahil sa higpit no'n.


Naramdaman kong nagpadala ng apoy si Jake saamin ngunit naiwasan ni Spade kasama ni Meigan ang mga iyon. Tinignan ko si Jake na galit na galit.


Nginitian ko lamang s'ya dahilan para tiim bagang s'yang umiwas ng tingin.


"Now, Ms. Soulford....give me the Crystal ball" si Spade habang nasa kamay n'ya ang likidong itim na umuusok.


"Hinding-hindi ko ibibigay ang bagay na wala saakin!" Madiin kong sabi.


Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa damit ko at halos punitin ito para tignan ang mga simbolo sa aking leeg.


"You can't fool me, Incant. You are that Sorcerer! The one written on the book!" Galit n'yang turan.


Bigla n'yang inilpit sa braso ko ang likido na itim dahilan para mamilipit ako sa sakit. Nakita ko kung pano kumapit ang itim na iyon sa aking balat at sa bawat pag kalat nito saakin ay parang sinusunog ang aking balat.


Kahit masakit ay pilit akong naglabas ng nakakainsultong tawa.


"You're wrong. I'm not that one. Wala saakin ang hinahanap mo!" Sabi ko.


Tinulak n'ya ako kay ako nalaglag sa lupa. Narinig ko ang sigawan nila Belle at nakita ko din kung paano nila pigilan si Jake na galit na galit.


Sobrang umaapoy ang kamay n'ya na animong masusunog na ang buong braso n'ya. Pati na rin ang kaniyang mata ay umaapoy.


Ginalit ko nanaman s'ya....Hays.


"Argh!"


Hinawaman ko ang braso kong unti-unting kinakain ng itim. Pilit kong ginagamot ito ngunit 'di na gaano umeepekto dahil pagod na ang katawan ko.


Tumingin ako kay Meigan na hindi maktingin saakin. Gusto kong mangiti kahit paano.


Alam kong s'ya pa rin ang bestfriend kong tumayo kong kaptid nung panahong wala akong masandalan.


S'ya pa rin ang mataray at maaruga kong kaibigan....


Kasabay ng pamimilipit ko ay ang unti-unting pag taas ng asul na buwan sa kalangitan.


"M-meigan" usal ko.


Alam kong natigilan s'ya sa bigla kong pag tawag.


"I miss you. A-alam kong nabubulag ka lang sa mga nasabi sa'yo ng ama mo pero maniwala ka saakin...Hindi ko magagawa sayo ang bagay na sinasabi mo. H-hindi ko kayang saktan ang mga magulang mo dahil alam kong mahal mo sila. H-hindi ko magagawang saktan ang mahal at nagmamahal sa'yo Meigan. Lumaki akong kasama ka. Ikaw ang kasama ko sa lahat at kilala mo ako nang higit pa sa kahit na sino dito. A-alam kong nabubulag ka lang sa sakit na nararamdaman mo. Nasasaktan din ako, Meigan. Dahil iba ang nakikita kong Meigan sa Meigan na nakilala ko at minahal ko bilang kapatid. Hindi kita kayang saktan, Meigan. Hindi ko kaya"


Patuloy ang luha saaking pisngi nang sabihin ko iyon. Nakita ko din ang pag landas ng luha sa mata ni Meigan ngunit nanatili s'yang walang kibo.


Naramdaman ko naman ang palad ni Spade sa aking pisngi. Sa sobrang lakas no'n ay napahiga ako sa sahig.


Tinignan ni Spade si Meigan na nakatingin sa baba.


"Don't tell me that you're going to believe this damn girl!? Remember, Meigan! She killed your guardians because she can't handle the thought that you have a family! And now? She and Incants is trying to kill your father!"


Hindi makapagsalita si Meigan kaya nginitian ko lamang s'ya.


Naiintindihan ko.... I'm sorry, Meg.


"Stop the drama! Give me the Crystal ball, now!" Sigaw saakin ni Spade bago nag tangkang sugatan ang marka ko sa leeg.


Nagulat ako nang tumilapon si Spade dahil sa apoy na tumama sa kaniya. Pinanood ko si Jake na galit na pasugod sakaniya habang si Meigan ay hindi na alam at makasunod sa nangyayari.


Lumapit saakin si Jake at tinignan ako nang masama.


"Don't you dare do this again! You know that I hate seeing you like this!Cassandra Astrea Soulford, are we clear?" Galit n'yang sabi.


'Di ko maiwasang mangiti dahil sa sinabi n'ya kahit dama ko ang sakit ng itim na likidong kumakalat sa aking katawan.


"I love you, Master"


Nakita kong matigilan s'ya bago tumayo at nag iwas ng tingin.


"Tsk" Rinig kong angal n'ya bago lumakad papunta kay Spade ngunit nagulat kami nang wala na doon si Spade.


Tumakbo doon si Jake ngunit wala si Spade. Mabilis na naalerto ang lahat dahil doon.


Tinry ko tumayo para tignan ang paligid. Nakita ko si Meigan na umiiyak. Lumapit ako sakanya at niyakap s'ya.


"I'm sorry, Cassandra! I'm really sorry! I-i can't do this anymore! I can't hurt you like this"


"It's okay, Meigan. I'm really sorry that you suffered a lot because of Spade" sabi ko.


Naramdaman kong unti-unting kumakalat ang itim na likido sa aking katawan na umabot na sa aking t'yan.


"If you will not give me what I want, It would be better to just kill you so that no one can use the Crystal ball!"


Nagulat kaming lahat nang lumitaw bigla si Spade sa gilid namin ni Meigan na may hawak na patalim.


Unti-unti s'yang lumapit para saksakin ako at kitang-kita ko din kung paano nag labas ng kani-kanilang kapangyarihan sila Jake, Isabelle, Blizz, Liro, Trisha at sila Dad at tito para pigilan si Spade ngunit huli na ang lahat.


Huli na...


Unti-unti kaming bumagsak ni Meigan sa lupa at unti-unti din namuo ang luha saakin mata.


Kita ko kung paano tumagos ang patalim sa likudan ni Meigan nang s'ya ang pumalit sa pwesto ko nang sugudin ako ng sarili n'yang Ama.


Nanlaki ang mata ni Spade at mabilis na naglaho sa hangin para takasan ang nagawa sa anak.


"Meigan..."


Tinignan ko ang kaibigan kong nakahiga sa lupa at duguan ang katawan.


Umagos ang luha ko at 'di ko alam kung ano ang dapat gawin. Sinubukan kong abutin ang likod n'ya para gamutin ito ngunit hinawakan n'ya ang kamay ko para pigilan.


Umiling ako sakaniya dahil hindi ko kayang wala akong gawin para iligtas s'ya.


"Meigan! Please, hold on! M-magagamot kita! Just please let me do it" sigaw ko habang hawak ang katawan n'yang nanghihina at unti-unti nang bumibigay.


Ngumiti saakin si Meigan bago umiling.


"Iyakin ka parin Cassandra" Biro n'ya ngunit wala akong panahong tumawa.


Hindi ko kayang mawala s'ya...


"Cassandra....I-i'm sorry. N-nabulag ako sa nangyari kila M-mom. Na-aksidente K-kami sa s-sinasakyan namin at d-doon ako nahanap ni S-spade" Hirap na hirap n'yang sabi.


Umiling ako para patigilin s'ya sa pagsasalita ngunit hindi s'ya nakikinig.


"Thank you Cassandra sa l-lahat. S-salamat sa pagpaparamdam na h-hindi ako nag-iisa. I-ikaw lang ang nag-iisa kong pamilya, o-okay?"


Lalong umagos ang luha ko dahil sa sinabi n'ya.


"You can survive this, Meigan. Please..." Pagmamakaawa ko habang umiiyak sa harap n'ya.


Hindi ko na maramdaman ang kalahati ng katawan ko dahil sa likido pero wala na akong lakas para indahin pa iyon.


Tinignan ko si Meigan nang may hugutin s'ya sa kaniyang leeg. Pagkatapos ay kinuha n'ya ang kamay ko at nilagay ang bagay na 'yun doon.


Ngumiti s'ya saakin nang makita ang gulat kong tingin.


Ang 'M and C' na Necklace na regalo ko sakaniya bago s'ya umalis.


"Keep it. I want you to wear it always okay?" Sabi n'ya habang tumutulo ang luha sa mata.


Umiling ako nang unti-unting sumasara ang kaniyang mata pero pilit n'yang nilalabanan.


"I'm tired, Astrea. Please...Let me rest now....I want to rest" Hinang hina na n'yang sabi.


Nakagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang matalik na kaibigan na nag-aagaw buhay sa harap ko. Hindi ko matanggap na ganito kami magtatapos!


Sa ganitong paraan. Kung sana ay hindi nalang s'ya nadamay dito.


Tumango ako nang marahan kahit masakit na ang dibdib ko.


"You can rest now, Meigan. I know you're tired...I love you"


Sa huling pagkakataon ay nakita ko si Meigan na ngumiti.


"I love you too"


Unti-unting ipinikit ni Meigan ang kaniyang mata kasabay ng pag angat ng asul na buwan sa kalangitan.


Kasabay ng pag agos ng aking luha ay ang sakit at galit na aking nararamdaman.


Galit at pagkamuhi sa gumawa nito sa kaniya.


Tumayo ako na parang wala akong ibang nararamdaman. Pumikit ako at naramdaman ko ang napakalakas na kapangyarihang 'di ko alam na mayroon ako.


Unti-unting lumiwanag ang aking balat kasabay ng pagliwanag ng mga simbolo saaking leeg.


Lahat ay nag atrasan sa init na aking inilalabas.


Naramdaman ko ang pagpapalit ng kulay ng mata ko sa iba-t ibang kulay. Kada segundo ay iba ito at lalong lumiliwanag.


Ang kaliwang mata ko ay huminto sa kulay ng pula. Galit at puot na aking nararamdaman sa pagkawala ng mahal ko sa buhay.


Ang kanang mata ko ay huminto sa kulay Asul.


Pangungulila at sakit...


'Love'


Lalong lumalakas ang nararamdaman kong pwersa sa katawan ko kasabay ng boses na iyon.


'Now is the right time'


Unti-unting kinokontrol ng kapangyarihan ko ang katawan ko na para bang hindi ako ang may ari nito.


'Let's go, Love.'


Sumilay ang malungkot na ngiti sa aking mukha.


'I will end this now'


Kasabay ng tinig na iyon ay ang pag suko ko sa aking katawan at kamalayan sa kung ano ang nangyayari saakin.

Continue Reading

You'll Also Like

79.9K 3.5K 46
Selene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she traveled back in time during Spanish invas...
25.1K 1.6K 58
π€π‚π€πƒπ„πŒπ˜ π’π„π‘πˆπ„π’ #2: 𝐓𝐇𝐄 π”πππ‘π„πƒπˆπ‚π“π€ππ‹π„ π’πŽπ‘πˆπ€π YESHIN ESREAL, a daughter of a well known Sorian lives a normal life a...
5.9K 594 32
Disinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhalation hit in the world, government thoug...
25K 738 57
"I needed you, i needed you around and you weren't there." PS:Images from Pinterest.