Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

466K 13K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 29

9.4K 279 90
By piloxofia

Ilang araw matapos ang unang halik namin ni Chance, sinamahan niya na ako roon sa kaibigan niyang kailangan ng tutor. Dala-dala ko ang ilang mga papeles kung kailanganin kahit na sinabi ni Chance na sigurado naman daw siyang pasado na ako.

"Are you nervous?" tanong niya habang nasa tricycle. "Hindi, kung hindi naman ako makukuha, may iba pang trabaho. Baka hindi lang talaga ako ang hinahanap nila." Hinawakan niya ang kamay ko.

"You really don't take things personally madalas, 'no?" napaisip ako. "Oo, neutral ako madalas, pero... pagdating sa 'yo..."

Letting out a grin, he spoke. "That's good. Take everything I do personally because it is personal."

Hindi ko pa muli nakakausap ang magulang niya, pero sinabi niya naman sa aking wala na akong dapat ikabahala tungkol doon. Mas ayos na rin daw sa kanyang hindi ako magtrabaho sa kanila dahil alam niyang mahihirapan ako—ayaw niya no'n.

He told me to just let everything be for now. His parents were disappointed with his desire to do a job other than being a doctor, but Chance still ended up choosing to be a doctor. I didn't say anything about that, I just told him that I would be beside him whatever choice he made.

Inayos ni Chance bigla ang buhok kong tumatama sa ilong ko, kaya pati ang sumbrero'y inayos niya. Ang cap na suot niya noong hinalikan niya ako, binigay niya sa akin dahil mas bagay daw iyon sa akin. Kaya ngayon, suot-suot ko iyon habang nakaputing polo shirt at pantalon.

My siblings' exams were going to happen less than a month from now, so it would be great if I get accepted today. Although I didn't know if I would get my salary first... I'd talk to the employer when we talk about the terms.

Chance was the middleman between his friend's sibling, who was the parent of the kid I'd tutor, and me. Matagal ang naging usapan dahil lubos nila akong kinilala dahil limang buwan ang kontrata nila sa bawat tutor na kinukuha para sa bata. Matapos ang limang buwan, titignan kung maayos ang progress ng tutee at tutor. Kung oo, dagdag limang buwan ang trabaho; kung hindi, papalitan.

"I'll send you a text to let you know if you're the chosen one. There are other tutors who applied pa kasi," saad ng magulang. "Opo, salamat po sa oras."

Chance and I were going to go home, but he asked if we could eat something first. So, we roamed around the village before settling in a local bakeshop that sold brownies, cookies, cakes, and fruit shakes.

"What do you want?" kapag tinatanong niya 'yan, alam kong ililibre niya ako. "Tubig lang 'tsaka choco fudge brownies," umupo ako sa libreng la mesa at hinayaan siyang mag-order.

Ch-in-eck ko ang telepono ko at ang GC ng mga college friends ko dahil nais kong malaman kung kailan pwedeng mag-enlist. Hindi pa kasi naglalabas ng schedule ang school, pero one of these days daw, malalaman na namin.

"Mahal," tumabi rin si Chance sa akin agad matapos kausapin ang empleyado. "Bakit?" hinarap ko siya. "Pareho tayong summer vacation ngayon,"

Tinanggal ko ang maikling buhok na nakita ko sa pisngi niya bago siya nagpatuloy. Pilikmata niya yata. "And I've been wanting to have a staycation."

"Oh, e 'di, mag-staycation ka." Bumaba ang mga mata niya sa aking mga kamay, kaya kinuha ko ang palad niya't hinawakan.

"I want you to come with me," hindi nagbago ang ekpresyon ko. "Wrong timing, Chance. Kailangan kong mag-ipon para sa exams nina Chino at Cathrina, e."

He stretched his lips. "I know, I just tried my luck." Agad kong naramdaman ang awa at guilt sa kanyang winika.

"Sorry, mahal. Masikip talaga schedule ko, pupuntahan naman kita kapag kaya ko, e. 'Yun nga lang, mas mahalaga ang trabaho ko sa ngayon kaysa sa vacation."

Tumango siya. "I really love it when you call me that," natawa ako at napatingin sa glass wall na nasa harap namin.

"Next time, ako ang mag-aaya sa 'yo kapag may ipon na ako." Wala sa sarili kong salita sa kanya. "It's okay, Calisse. I know you're busy. Just... don't forget to relax once in a while."

Tinanguan ko siya at dumating ang pagkain namin. Ibinigay niya sa akin bigla ang isang banana shake.

"Sabi ko tubig, e."

"Oh? I heard a banana shake,"

"Sinungaling," he grinned before placing the fork on my plate. Piningot ko ng mabilis ang tenga niya. "Ahh! Calisse naman, so violent!"

"Kumusta na si Wes?" he began to eat. "Now, he's beginning to be alright again. He lost his focus for a bit when he found out our mother fired you—tried to talk her into rehiring you."

"Talaga?" he nodded. "Told you he has a crush on you,"

"Baka naninibago lang kasi iba ang tutoring center sa private tutors." Nagkibit-balikat siya.

Dumapo sa isipan ko ang binanggit niya staycation. Alam kong gusto niya akong isama dahil gusto niya na mag-relax ako. Pero wala akong espasyo para sa gano'n sa ngayon. Siya, mayroon.

"Chance, mag-staycation ka." Pag-engganyo ko. "Itutuloy mo pa rin ang pagiging doktor, 'di ba?" tumango siya. "E 'di, magpahinga ka muna ngayong wala ka pang gagawin."

"If I'm alone, I'll be super bored. Not the biggest fan of traveling alone or going out by myself."

"Mga kaibigan mo, travel kayo."

"They'd tease me to pay—I'm also not the biggest fan of spending money on people."

"Ba't ako?"

"You're... different. Wala, e, love kita, e."

"Wow, sorry, ha?"

Patuloy kaming nag-usap hanggang sa tignan ko muli ang oras sa telepono ko. Niyaya ko siyang umuwi na.

"It's Papa's birthday tomorrow, can you come?" Pababa na kami nung tricycle nung sabihin niya 'yan.

Ayos lang kaya sa pamilya nilang dumalo ako? Hindi pa rin naman naaayos ang problema, e. Hindi ako tanggap ni Mrs. Luy. Wala akong kasiguraduhan kung ganoon din ang nararamdaman ni Mr. Luy, kaya parang ayaw ko munang sumama.

"Baka ma-offend sila," pumasok kami sa bahay. Nagsalita siya habang binubuksan ko ang ilaw. "Why would they get offended?"

"Siyempre, hindi pa naman maayos ang lahat. Tayo lang 'yung okay, Chance." Kinuha ko na ang mga tuyong damit na nakasampay sa alambre sa labas ng bahay.

"Right, I'll just come here after." Inilagay ko ang mga damit sa sopa at sinimulang tanggalin ang mga hanger. "Huwag ka nang pumunta rito. Manatili ka na lang do'n, birthday ng tatay mo tapos aalis ka."

Ibinigay ko sa kanya ang naipong hanger at nilagay niya iyon sa kabilang banda ng bahay kung saan nakalagay ang ilang mga lumang furniture namin. Nandoon ang isang sira naming electric fan, nagbabakasakaling mapaayos kapag nagkaroon ng sobrang pera.

Umuwi si Chance nung dumating ang dalawa kong kapatid dahil ayaw kong gabihin siya rito palagi.

"Kiss first," kumunot ang noo ko sa request niya. Tinulak ko lang siya palabas, kaya sa pisngi ko lang siya nakahalik.

Although medyo umaayos na ang pagtanggap ni Mama sa kanya, ayaw ko namang isipin ni Mrs. Luy na gusto kong hanggang gabi rito ang anak niya. Baka isipin pa no'n... kung anong ginagawa namin.

"Ate, turuan mo ako." Lumapit ako kay Chino at binasa saglit ang lesson kung saan siya nahihirapan.

Kalagitnaan ng pagbabasa ko, bumulong si Chino sa akin. "Ate, ayos ka na ba?" tinapik niya ang braso ko. "Kasi... may ipon ako, kung kailangan mo ng pera, pwede kong ibigay sa 'yo." Parang kinarinyo ang puso ko dahil sa winika ni Chino.

Binitawan ko ang libro niya at tinignan siya. Naalala ko ang ama namin. Hindi niya kamukha si papa, sa katunayan, si Mama ang kamukha ni Chino. Pero ang asta niya ngayon, papa na papa.

"Ayos na ako, Chino. Itago mo 'yang ipon mo. Gamitin mo sa sarili mo, huwag mong alalahanin ang pera. Ako ang bahala ro'n." Inakbayan ko siya at idinikit ang ulo sa kanya.

"Okay lang naman if kukunin mo, Ate. Wala naman akong gustong bilhin." Napangisi ako.

Clearly, he was beginning to think like me. But I didn't want that. I would never want my siblings to experience what I did—working while studying.

Kapag naranasan mo na 'yung pighati, ayaw mo nang ipasa sa iba 'yon, lalo na sa pamilya mo.

It was part of the reason why I didn't pursue the idea of changing programs. I'd get a delayed graduation, and that would mean my siblings would have a harder time. Apart from my mother's reaction, Chino and Cathrina were my reasons.

Habang lumalaki sila, nagmamahal ang tuition fees nila. Hindi pa kasama roon ang yearly books, uniforms, at iba pang bayarin sa escuela. Kung mag-s-shift ako, baka hindi na makapag-exam ang mga kapatid ko tuwing quarterly exams.

"Huwag mong alalahanin 'yon, Chino. Ako ang bahala ro'n." Ulit ko bago siya turuan.

Siguro hindi ko mapipigilan si Chino na mag-alala, pero kung paulit-ulit kong pagsasabihan na magpokus sa pag-aaral ay ma-d-distract siya. Dahil ang bata, ang dapat na inaatupag ay ang pag-aaral at mga hilig, sports, paglalaro minsan, mga kaibigan. But because life wasn't as easy as focusing on your growth as a child, people like me had to do something more than what was expected.

"Anak," tawag ni Mama nung nagwawalis ako. "Kumusta ang... pamilya ni Chance?" napahinto ako at tinignan ang mga buhok na naipon ko sa lapag.

"Hindi ko pa sila ulit nakakausap, Ma. Pero... sabi naman ni Chance, oras lang daw ang kailangan. Bukas, niyaya niya ako dahil kaarawan ng Papa niya, pero tumanggi ako dahil baka magkagulo ulit."

"Pumunta ka," nilingon ko ang ina ko. "Baka galit pa rin sa akin 'yung Mama ni Chance, Ma. Ayaw kong sirain 'yung selebrasyon nilang mag-anak."

Inilagay ko na sa dust pan ang dumi na naipon ko at binalik ang walis sa gilid ng refrigerator. Binuksan ko ang ref at ch-in-eck ang freezer, baka kasi naiipon na naman ang yelo. Kailangang tanggalin o pansamantalang patayin ang ref kapag gano'n. Halos 15 years na kasi 'to, kaya nagloloko na. It had served its purpose and beyond.

"Dumalo ka, dalhan mo ng cake. Bibigyan kita ng pera pambili," pumasok bigla si Mama sa silid. Binantayan ko ang sinaing. "Anak, oh," nag-abot si Mama ng limang daan.

"Ma, hindi na nga. Baka kasi hindi maging masaya ang pamilya nila kung darating ako."

"Anak naman ang nag-imbita sa 'yo. At... lumipas naman na siguro ang pait nila sa 'yo."

"Paano kung hindi, Ma?"

"E 'di, hindi. Mas mainam na subukan mo na, para makita ng magulang ni Chance na seryoso ka noong pumunta ka sa kanila matapos ko silang kausapin."

Nagbuga ako ng hininga at saglit tinignan ang datung. Kinuha ko 'yon at sumang-ayon na rin. Nag-message ako kay Chance na pupunta ako. Pumili ako ng damit nung mag-alas-diez dahil... sa unang pagkakataon, nais kong magmukhang mas maayos kumpara sa palagi kong itsura. Kaya nagpasya akong suotin ang puting vestida ko na off-shoulder. Nanggaling ito sa isa kong kaibigan noong high school. Hindi raw kasya sa kanya, kaya binigay niya sa akin nung Christmas party namin.

"Woah, sa'n ka, Ate?" manghang saad ni Chino sa akin nung sumunod na araw. "Birthday ng tatay ni Chance, pupunta ako."

Bago maligo ako at magbihis, binili ko na mula ang cake na dadalhin ko sa mga Luy.

"Bakit ka nakaayos? Ganda mo, ah." Namula ang tenga ko at hindi sinagot ang kapatid. Dahil madalang naman akong makatanggap ng swabe na mga compliment, agad na pumasok ang hiya sa akin.

"Ate," pangungulit ni Chino. "Basta,"

Natigil din naman si Chino nung dumating si Chance at pumasok ng bahay.

"Tara na?" sabi ko kay Chance habang inaabot ko ang cake na nasa loob ng ref. "Let's go," hinablot ni Chance ang kamay ko at lumabas kami.

Habang nagsusuot ng seatbelt, hinihintay kong may sabihin si Chance. Assumera ako, pero sa kanya lang. Hindi naman kasi madalas magsuot ng vestida kahit na mayroon akong ilan sa bahay. Takot lang akong mabastos sa daan... Alam kong hindi ko dapat isipin 'yon, pero, wala, e, pumapasok 'yon sa isip ko dahil sa daming manyakis sa daan.

Nung umandar na ang kotse, binalewala ko na ang pag-asa. Baka... ayaw lang i-verbalize ni Chance.

'Tang ina, asa!

Halos bente minutos kaming nasa daan. When we arrived, I went down from the car and waited for him to park before going inside the house.

"Calisse," Tumangan ako sa kamay niya. "I don't want to compliment you and make you think I only see you beautiful when you wear a dress. But I can't stop my mouth na—you look really pretty."

"Hindi ko naman iisipin 'yon kasi kapag ikaw ang nagsabi no'n, alam kong totoo at hindi lang dahil nakasuot ako ng vestida." Tumango siya at hinila na ako papunta sa bahay nila.

"Umasa kaya ako," natawa siya dahil sa huli kong sinabi. "That's cute,"

"Siyempre, ikaw lang naman ang gusto kong magsabing maganda ako." Nabigla ako ng kurutin niya ang pisngi ko. "This really looks like the top of kababayan,"

"Hindi naman nakaumbok pisngi ko!" iniwas ko ang mukha niya nang maaninag ko na ang pamilya niya at kamag-anak sa sala at hapag.

"Chance, where have you been? Hinahanap ka ng tito mo," sabi ng isang matandang babae na nakaupo sa sopa kasama ang ilan pang mga babae. Siguro mga tita ni Chance.

"I just fetched my girlfriend, tita. By the way, these are my aunties, Calisse. And, aunties, this is Calisse, my girlfriend."

"Magandang hapon po," tumango sila at ngumiti. "Greet my father?" aya ni Chance. "Tara,"

I breathed in and out a few times before practicing what I'd say in my head. I came here to just greet Mr. Luy. I came here to show Mrs. Luy that I was sincere. I hope she'd understand that.

"Happy birthday po, Mr. Luy." Inabot ng isang kasambahay ang cake ko. "Thank you," kita ko ang pagkakagulo sa muukha ni Mr. Luy sa... presensya ko.

Ayaw niya rin sa akin?

"Akala ko hindi ka makararating, sabi ni Chance hindi ka raw pwede." Nang sumilay ang ngiti niya, ako rin ay nagpakita ng pag-angat ng labi.

"Change of plans po, pwede na po pala." Hinigpitan ko ang kapit ko sa nobyo ko. "Amalia, look, Abigail came."

Mula sa pakikipagtawanan sa mga lalaki sa hapag, nilingon kami ni Mrs. Luy. Nagdasal ako na bumalik sa dati ang kanyang titig sa akin, sa dating magiliw. Pero inasahan ko ring matalim pa rin ang titig na ibibigay niya.

"Abi," she called. Tumalikod siya at may kinuha. "She isn't angry anymore, mahal." anas ni Chance sa akin.

"Pa'no mo naman alam?"

"Because she would have walked out if she was,"

Nahagip ni Mrs. Luy ang tingin ko nang lumapit siya. "Kumain ka na," inabot niya ang pinggang puno ng iba't ibang putahe.

Chance led me to their backyard. It was my first time going here. May pool dito at ilang sunloungers. Dahil maliwanag pa naman, hindi pa nakabuaks ang mga ilaw dito. Chance ate with me as I assesed his mother's treatment.

It wasn't cold or kind. Hindi ko alam kung ano ba 'yon, sa katunayan. Pero... ang pinagdadasal ko ay siguro hindi na mangyayari. Maybe she wouldn't fully accept me, but she would be civil and neutral.

I guess this is better than absolute disapproval.

"She just needs time, mahal. As long as we're fine, you don't have to worry that much about my mother." Binaba ko ang plato ko sa upuan. "Ang gusto ko... magustuhan nila ako,"

"To be honest, my mother isn't the easiest person to persuade. So, I'm just slowly letting everything sink in for her." He kissed my forehead. "We don't have any control over that anymore, let's just hope she'd accept someday."

Continue Reading

You'll Also Like

98.3K 3.5K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...
489K 35.7K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.6K 74 56
an epistolary ; aeryka & archer
596K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...