Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

471K 13.1K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 24

9K 279 109
By piloxofia

During finals week, bugbog na bugbog ang katawan ko dahil halos araw-araw kaming nag-p-practice para sa PE. Walong minuto ang presentation namin para sa finals ng PE. Madalas na nga akong matuyuan ng pawis, e. Pakiramdam ko, magkakasakit ako.

"Isa na lang, tapos stop na." Saad ng leader namin matapos ang two consecutive practices with corrections. He kept on correcting the mistakes some did.

"Play mo," utos niya sa naka-assign sa technical na part ng presentation. At walong minuto ulit akong nagpapawis. Ayos na rin, para sa araw ng presentation ay kabisado na ng lahat.

Matapos 'yon, dumiretso ako sa isa pang klase para sa exam. Winasto rin agad ng klase ang exams, kaya naman nalaman ko ang score ko.

"Grabe, perfect si Abi!" biglang sabi nung katabi ko. Agad kong bilaliktad ang papel ko dahil nagsimulang lumapit sa akin ang mga kaklase ko.

"Pwedeng patingin? Gusto ko lang malaman kung anong sagot do'n sa mali ko," sabi ng isang block mate ko.

"Abi, can I also see? Please? I just want to know why I was wrong on a number,"

"Can I take a look as well? I have so many wrong answers,"

Dumami na sila at kalaunan ay napilitan akong ibigay ang papel ko. Mangha ang mga mukha nila habang binabasa ang mga sagot ko. Ibinalik din naman nila sa akin 'yon dahil natapos na ang period namin. Tumungo ako sa carinderia at dalawang oras na nagtrabaho.

"Abi, hindi ko na nakita 'yung bumabakod sa 'yo dati. Break na kayo?" chismosong wika ni Melfred habang nagpupunas siya ng la mesa na malapit sa akin.

Binalingan ko siya at hindi sinagot. "Ano? Break na kayo?" suminghap ako at nagbilang na lang muna ng lahat ng um-order ngayong tanghali.

Patuloy niya akong kinulit hanggang sa dumating si Chance. He was wearing a black shirt and blue shorts. Naka-cap siyang puti at hawak-hawak ang cellphone papasok. Dumiretso siya sa akin at natahimik si Melfred.

"Hindi naman pala, ayaw mo pang aminin." Bulong ni Melfred habang papunta sa la mesang marumi.

"Have you eaten lunch?" tumango ako. "Ikaw? Kakain ka?" he nods.

"Anong bibilhin mo?" binuksan ko na ang cash register at hinintay na magsalita siya. Nung hindi siya sumagot, napatingin ako sa kanya.

"Sinigang," tumaas ang dalawang kilay ko dahil may kakaibang hatid ang titig niya. "You free after this?"

"Hindi, may klase pa ako na dalawa, e. Bakit?" he pouted. Napatitig ako sa labi niya.

"Date sana," mariin kong isinara ang bibig ko para pigilan ang pagngiti. Ayaw kong ipakita sa kanyang kinikilig ako, lalo na't nasa labas kami ngayon.

"Next time," saad ko bago ilahad ang kamay para kunin ang bayad niya. Suminghap siya at inabot ang limang daan. Ayaw niya pang bitawan ang kamay ko nang ibigay niya ang pera, kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, dahilan ng pagngisi niya.

"Isang sinigang daw," sabi ko kay Carlo na ngayon ay naglalaro sa kanyang telepono. "Pwedeng ikaw na muna, Abi? Medyo importante kasi 'tong laro ko, ako na muna magbabantay."

"Paano ka makakapagbantay kung naglalaro ka?" pambabara ko. "Kaya 'yan, promise. Sige na, please?"

Tinignan ko ang paligid, wala naman na masyadong tao. Bibilisan ko na lang ang pagbibigay.

Inabot ko kay Chance ang sukli niya at mabilis na kumuha ng pinggan at mangkok. Nagsalin ako ng sabaw at laman sa mangkok bago naglagay ng kanin sa pinggan. Inabot ko ang kutsara at tinidor bago ako naglakad papunta kay Chance. May tinitipa siya sa telepono niya nang ilapag ako ang pagkain niya. At nang malingon ako sa kanya, mabilis kong nakita ang kinakausap niya—si Jia 'yon.

Tumalikod na ako bago niya pa maangat ang mga mata niya. Inabala ko ang sarili ko sa pagpupunas ng la mesa na malapit sa akin.

Naalala ko ang panunukso ng mga kaibigan niya sa Jia na 'yon at sa kanya sa isang post. Ang tagal-tagal na no'n, pero... may pait tuwing maiisip ko.

Umiling ako at inatupag ang trabaho hanggang sa matapos ang shift ko. Kinuha ko ang bag ko at umalis na ng carinderia. Nagsabi si Chance na dumaan daw muna ako sa condo niya bago ako umuwi dahil may ibibigay siya. Sabi ko hindi ko sigurado kung magagawa ko 'yon dahil baka late na matapos ang huli kong klase.

Pero nagkamali ako.

Maagang-maaga natapos ang final class ko, halos trenta minutos lang ang tinagal no'n dahil wala naman na palang i-d-discuss ang prof namin. Nagpaalala lang siya tungkol sa final paper namin na due bukas. Tapos ko na 'yon, i-p-print ko na lang naman.

So, now, I was standing in front of Chance's unit. And I heard voices inside. It made me hesitant to knock or tell Chance I was here. Maybe he thought hindi na nga ako makakapunta dahil sa sinabi ko kanina...

Natigilan ako sa pag-iisip nung marinig ko ang isang matinis na boses. I thought it was a girl, and maybe I was right. Block mate siguro ni Chance o kaibigan. May iba rin akong boses, na tila panlalaki, na narinig. It meant marami sila sa loob.

Inangat ko ang fist ko at ikakatok na sana iyon, pero nagdalawang isip ako. Baka nag-re-review sila at manggugulo ako. Kaso sinabi ni Chance na pumunta ako, e...

I put my forehead on the door for a moment. Aalis din naman ako agad, e. Hindi ko sila iistorbohin... Mabilis lang, kukunin ko lang kung ano man 'yung ibibigay ni Chance...

I really wasn't so fond of a foreign crowd. This was why I didn't immediately feel comfortable with my block last sem and this sem.

Teka... so introvert nga ako. Tama si Chance. Denial lang ako nung una...

Nang biglang bumukas ang pinto ay umayos ako ng tayo at gulat na tinignan ang taong nagbukas no'n. Isa 'to sa kaklase ni Chance, oo, naaalala ko noong kumain sila sa carinderia.

"Yes?" aniya. Tumikhim ako. "Nandito ba si Chance?"

Tumaas ang kilay niya. "Why are you asking? Sino ka?"

Hindi naman suplado ang pagkakasabi niya no'n, pero dinalaw pa rin ako ng hiya sa pagtatanong ko.

"Pinapapunta niya kasi ako rito," napahawak ako sa canvas bag na dala ko na nakuha ko nung minsang dumalaw ang isang kamag-anak ni Mama.

"Chance, are you expecting someone?" biglang sigaw ng lalaki sa loob ng unit.

"Yeah, but I don't think she'll come, she said her last period might end later than usual." Sigaw naman pabalik ni Chance. Sa tingin ko, base sa layo ng boses ni Chance, nasa kusina siya.

"What's your name?" ulit ng kaibigan ni Chance.

Sasagot na sana ako nang biglang magpakita si Chance sa likod ng kaibigan niya.

"Why are you as—Calisse!" Chance jogged towards me, so his friend had to back away. Chance's face glowed as he looked at me.

"I thought you couldn't come na talaga," aniya habang hinihila ako papasok ng condo niya. "Napaaga 'yung tapos ng klase namin. Ano ba 'yung ibibigay mo? Bigay mo na, para makauwi ako, naistorbo ko pa kayo." Mahina kong wika.

"What? No, don't go home yet. You didn't intrude, they just barged in here because they wanted to eat pizza and watch a series together."

I looked beyond him and saw his friends' looks. Halatang nagtataka sila kung sino ako at kung bakit ako pinapasok ni Chance.

"Bigay mo na lang, aalis na ako," anas ko muli. He pouted and squeezed my left cheek a bit. Tinanggal ko ang kamay niya at kinausap siya gamit ang mga mata.

"Don't leave yet, please. I want to introduce you to them, is that okay?" umawang ang bibig ko at kinabahan ako. "No?" malambing niyang sabi.

"Next time na lang, just give me what you said you'd give me." Nilingon niya ang mga kaibigan niya bago tumungo sa kusina. Sumunod ako.

"It's not yet ready for pick up," ani Chance habang pinapakita sa akin ang electric na kalan na mayroong kawali. Nagtaka ako at binalingan siya. "I was cooking carbonara for you."

My eyes moved back to the huge pan and realized... how sweet this was. Acts of service nga talaga ang love language niya. "Salamat, sige, hihintayin ko."

Ano kaya ang love language ko?

Umangat ang ulo niya at lumapit siya sa akin. He held my waist and showed an excited face. Tinampal ko naman ang braso niya dahil may ibang tao rito, kung makahawak siya ay...

"PDA hater," he joked. Umirap ako at tinulak na lang siyang magluto.

Tumalikod ako para ibaba ang bag ko sa kitchen counter. Habang ginagawa ko 'yon ay kita ko ang titig sa amin nung babae na nakaupo sa sopa. She suddenly stood up and walked to the kitchen. Hinarap ko si Chance at nakitang hinahalo niya na ang sauce ng pasta.

"Hi!" napilitan akong tumalikod dahil sa pagbati ng babae. "I'm Raina, Chance's block mate since third year. Ikaw? Are you his... cousin or something?"

Sa kung anong rason, hindi ko maramdaman na sinsero ang ngiti niya. Hindi ko naman iisipin masyado kung gusto ako ng tao o hindi, pero kung malapit kay Chance ang may ayaw sa akin—hindi ako madaling mapapanatag. Tulad na lang nung malaman kong hindi ako kursonada ni Mrs. Luy.

"Hindi, ano..."

Shit. Mukha ba kaming magkamag-anak?

"She's not my cousin, Raina. She's..." he turned to me, asking permission. Napilitan akong tumango dahil... ayaw ko namang magsinungaling at itago ang relasyon namin.

"She's my girlfriend," hindi itinago ni Raina ang kanyang disgusto sa narinig.  Umismid siya bago nagsalita. "Oh, sorry. Didn't expect you were, I thought Jia and him still had a thing..."

"We never had a thing, Raina. I don't know why you guys believed that rumor," agap ni Chance habang kinukuha ang kamay ko para hawakan.

Chance glanced at me. "We never had a thing, mahal." Bumuka ang bibig ko dahil sa kawalang pakialam niya sa paligid, ni-reassure niya ako.

Nawala na si Raina sa peripheral vision ko. Bumaba ang mga mata ko sa magkahawak naming kamay. His fingers were caressing my palm.

"Do you believe me?"

"Oo naman, Chance. Sige na, luto ka na ulit."

Nagtitiwala ako sa salita ni Chance. Hindi nga lang agad matanggal ang insekyuridad ko sa katawan. Bagay sila, pero ako naman ang gusto ni Chance, e. Ako ang... mahal niya. Mawawala rin ang pagka-insecure ko, naniniwala ako.

After all, I didn't think Chance was the type to lie.

"Tikman mo na muna here, I want to see if you'll like it. It's my first time cooking this dish,"

Ang mga kaibigan niya ay nasa living area, nanonood ng isang show. Hindi ko alam ang show na 'yon, basta may nakita akong dragon at mga taong puti ang buhok.

"Sige," he took a small plate and fork. "Kaunti lang, ha." Sabi ko.

Umupo ako at inabot ang mabango niyang luto. He looked at me as I twirled the pasta. Sumubo ako at ilang beses ngumuya bago tumango sa kanya. A goofy grin showed on his faced as I ate more.

"Ang galing mo, unang beses mo pa lang 'to lutuin, pero masarap na." Sumubo ako muli at napansing namumula ang tenga ni Chance. I hid my smile by chewing.

"Gusto mong tikman?" alok ko. He leaned in and took my fork. Hindi man lang kumuha ng sariling tinidor 'to.

Gumalaw ang nga mata ko para tignan ang ilang furniture ni Chance rito at nahuli kong nakatitig na naman si Raina. Uncomfortably, I went back to looking at Chance. Kasusubo niya lang ng pasta at may sauce pa sa bibig niya na dinidilaan niya. Inubos ko na ang pagkain at nilagay sa bag ang niluto niya.

"Ingat ka. Message me when you're home, mahal." Chance said while walking me out of his condo. Ihahatid niya raw ako sa sakayan.

"Sige, balik ka na roon. Manood ka na kasama nila para ma-relax ka." Isinabit ko ang takas na buhok ko sa tenga ko habang sinasabi 'yon.

"That won't make me feel relaxed, you will."

Ang harot talaga. Tapos, cheesy pa. Pero... ayos lang. Mas gusto kong ganito siya.

"Balik na,"

"Hintayin kong makasakay ka," inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang shorts.

Tinignan ko na ang mga kotse at nakitang napakaraming pasahero sa bawat jeep. Anong oras na kaya ako makauuwi...

"Calisse,"

"Oh?"

"Are you really okay?"

"Oo naman," he had a critical face when I turned to him. "Chance, hindi ako madaling maniwala sa mga ganoong bagay—lalo na kung pinapaalam mo sa akin ang totoo."

He let out a breath. "Great. I was nervous after the talk with Raina. She's Jia's close friend, so she also assumed we had a thing. Sorry about that. It just started circulating because someone saw us hug each other before."

Tumango ako at napansin ang ilong niya dahil sa salamin niya. Paborito ko talaga 'to na part ng mukha niya. Ang tangos, e, parang ang sarap padausdusan. Akala mo slide.

"Jia is just a friend, a family friend. But we never got together officially nor dated. I hugged her before because it was her birthday, and she asked for hug."

"Okay, I understand."

"If you hear anything about me and you want to clarify, just ask."

"Okay, I will."

"Okay."

I gave Chance a tiny smile before finally getting a seat in a jeep. It was a three-hour drive from Taft to Pasig. Honestly, the traffic jam was more tiring than school. I hated that.

"Ate, kailan mo 'ko bibili ng mga books?" biglang nagtanong si Cathrina habang nagbabasa ako sa hapag namin.

"Magkano ba?" tumayo ako at pumunta sa silid. "Two-thousand daw sabi ng kaklase ko,"

Hindi na aabot ang pera ko, may pasok pa kasi ako ngayong linggo. Ang sweldo ni Mama ay ipinambayad na namin ng down payment sa school ng mga kapatid ko, tapos 'yung natira ay pinamalengke ko. Ang sweldo ko naman... pinambayad ko sa tubig, kuryente, at ginamit ko bilang pambaon.

"Sa June 15 pa naman ang pasukan mo, 'di ba?" tumango siya. "Mag-iipon muna ako ng pera,"

"Sabi mo 'yan, Ate, ah. Baka mamaya... si Mama na naman bumili," reklamo niya habang pabalik siya sa pagkakaupo sa sopa.

"Hoy, ayusin mo nga 'yang bibig mo. Kung makapagsalita ka kay Ate, akala mo utusan mo lang, ah." Sita ni Chino sa bunso naming kapatid.

"Chino-" ako naman dapat ang sisita kay Chino.

"'Yang bibig mo kaya ayusin mo!" ani Cathrina.

"Cathrina, isusumbong kita kay Mama, ayusin mo pananalita mo." Sinitsitan ko si Chino, pero hindi ako pinansin ni Chino.

Alam kong pinagtatanggol ako ni Chino, pero baka mamaya kasi mas lalong mainis sa akin si Cathrina o lalong maging agresibo sa paninita. Dahil dito, naalala ko ang sinabi sa akin ni Chance, na kailangan kong ipagtanggo ang sarili ko. Hindi tama na bastusin ako ng isang store clerk. At hindi rin tama na hayaan kong gantuhin ako ni Cathrina.

Siguro kailangan ko talagang tapangan ang sarili ko, kung hindi, patuloy akong itutulak hanggang sa mahulog na ako sa bangko.

Kinagabihan, lumabas ako para magyosi.

I hadn't always let others get their way with me. But that didn't mean I stood up for myself many times too. I just... felt unemotional about many things. My family was mostly the only thing that made me tear up. It sounded sad—how my family was the center of my world. Maybe this was why it was easier for me than most people to let go of a dream, because I had accepted from the start that my family was my only priority in life.

But someone changed that.

"Chance is really a chance for me to breathe," bulong ko sa kalangitan.

I had felt suffocated for the most part of life. Suffocated with my own miseries, burdens, loads, and secrets. But he let me breathe. He lets me feel more. He lets me... love more.

Continue Reading

You'll Also Like

85.8K 2.4K 49
Gazella Avellana is an art enthusiast. And her favorite art among all is Forrest Martell Oliveira. Her life was like that of a fairytale, until a ser...
102K 3.5K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...
616K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
4.4M 130K 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez...