MU Series: The Snob Music Pro...

Galing kay moralesjab011

5K 1K 463

(Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous young music prodigy. Sa edad na lima ay nagawa niyang manalo... Higit pa

Author's Note
Disclaimer
MU Series: The Snob Music Prodigy
THIAGO AND PAISLEY
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI- WASALAK
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L - FINALE
THANK YOU! :)

Chapter XVII

73 18 7
Galing kay moralesjab011

Lumipas ang halos isang buwan at kitang-kita na sa mga kilos ni Thiago ang malaking pagbabago sa kanya. Hindi na siya nag-iisa tuwing kumakain sa cafeteria. Kung noon ay dalawa na nga lang sila ni Paisley at hindi pa niya ito pinapansin, ngayon ay kasama na rin niya ang Wasalak sa pananghalian at kung minsan ay maging sa hapunan. At napapansin na ang saya sa mga mata ni Thiago kahit na hindi pa rin ito masyadong umiimik.

Mas naging aktibo rin siya sa mga klase. Nakikipag-usap na rin siya sa iba na kumakausap sa kanya at nauutusan na siya ng maayos ng mga professors. Hindi nga lang siya ang unang nakikipag-usap, pero ayos na rin iyon kaysa noon na lahat ay ini-snob niya. Kaya naman halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay tila natutuwa sa kanyang ipinakikita. Para bang ang snob na personalidad nito ay unti-unti ng nawawala.

Araw ng Biyernes, muling sabay na pumasok si Paisley at Thiago sa kanilang classroom matapos ang agahan. Dumeretso si Thiago sa kanyang upuan. Binati siya ng ilan sa mga kaklase, at sinagot naman niya ang mga iyon ng pagtango ng ulo. Samantalang si Paisley naman ay naharang ng dalawang babae sa pintuan.

"Hoy Paisley. Are you dating Thiago?" tanong ng isa sa mga babaeng kaklase nila na kung tawagin ay si Martez. Ito rin ang napagtanungan ni Thiago noong nagtanggkang mag-shift muli ng course si Paisley. Nakangiti ito at tila sabik na sabik sa magiging sagot ng dalaga..

"Oo nga. Bakit hindi mo man lang sinasabi?" segunda naman ni Eri na isa rin sa mga ka-close ni Paisley sa klase.

"Ha?" tanging naisagot ni Paisley sa dalawa sabay nagtatakang tingin sa mga ito.

"Naku! Huwag kang mag-alala. Wala namang magagalit kung kayo na Thiago. Ang totoo, masaya kami kasi kahit papaano nabawasan na ang pagkasuplado niya," sabi ni Martez sabay tawa ng mahina.

"True! Agree! Pero paano mo napaamo ang isang 'yon? Grabe kahit pinakamagagandang mga babae hindi malapitan 'yan," komento naman ni Eri sabay sulyap ng sandali kay Thiago para siguraduhing hindi sila naririnig nito.

"Wait, wait, wait," awat ni Paisley sa dalawa. "Wala namang gano'n. At saka baka may makarinig sa inyo, maniwala," dugtong niya sabay sulyap kay Thiago na abala na sa pagbabasa ng libro. At hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng binata.

"Kita mo na, tinignan mo lang siya. Para ka ng maiihi sa kilig," nakangiting sabi ni Eri sabay kurot ng mahina sa braso ni Paisley.

"Grabe ka naman! Sinong kinilig?!" tugon naman ni Paisley sabay palo sa balikat ng kaklase. "Walang kami. Isa pa, sabi nga ninyo, kahit pinakamagagandang babae dito hindi niya pinapatulan 'di ba? So. malabo talaga 'yang sinasabi ninyo."

"Naku, so showbiz? You're just friends," pang-aasa ni Martez.

"Oo!" Nakangiting sagot ni Paisley at marahan niyang hinawi ang dalawa at dumaan siya sa gitna ng mga ito.

"Then, eat lunch with us later," biglang sabi ni Elaine. "O baka naman may other plans ka with your Thiago?" Muling tumawa ang dalawa.

"Guys, stop it!" pabulong na sabi ni Paisley na may panglalaki ng mga mata. "Next time, promise sasabay ako sa inyo. Okay? I have other plans today," tugon ni Paisley at pagkatapos ay tumungo na siya sa kanyang upuan. Naiwan naman sila Elaine at Martez na nagbubulungan habang patuloy na tumatawa ng tahimik at inaalaska si Paisley.

"You should go with them," biglang sabi ni Thiago nang makarating si Paisley sa upuan nito. Nagulat naman ang dalaga at hindi kaagad nakasagot. Hindi niya akalaing naririnig pala ni Thiago ang usapan nilang magkakaibigan.

"Uhm, no. I'll go with you later," medyo nauutal pang sagot ni Paisley sabay iwas ng tingin sa binata.

"You should live your life, Paisley. Don't stick with me. Wala kang mapapala."

"I'm living my life. This is what I want. I-I want to be wi-with you..."

Napabaling sa dalaga si Thiago ng dahil sa narinig. Nakita niyang pulang-pula na ang mga pisngi ng dalaga na biglang nagtakip ng mukha gamit ang isang libro. Hindi alam ni Thiago kung ano ang isasagot sa dalaga. At hindi rin niya alam kung bakit biglang parang lumakas na naman ang tibok ng puso niya ng dahil sa sinabi nito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang professor nila. Natahimik ang lahat. Hindi na nakasagot pa si Thiago kay Paisley, at hindi na rin nakakibo ang dalaga. Pero bago magsimula ang klase ay tumingin muna si Paisley kay Thiago at ngumiti ito ng napaganda sa binata. Napahawak naman si Thiago ng palihim sa dibdib niya, habang itinutuon ang pansin sa harapan.

"Good morning, everyone," bati ni Ms. Mendoza sa klase. Bumati rin ang klase sa kanya. "We finished the first three chapters of our textbook, and you guys have decided what instruments you're going to focus on. So, this time you'll be asked to play the instrument of your choice in front of the class. I'll give you ten minutes to prepare. After ten, please proceed to the recital room. I'll be waiting for you there." At pagkatapos noon ay kinuha lang ng propesora ang attendance ng klase at lumabas na ito ng kwarto.

Napuno ng bulungan ang buong silid at si Thiago naman ay napakunot bigla ng noo. Hindi niya gusto ang ideya ng pagtugtog lalo na at pakiramdam niya ay hindi pa siya handa.

"Thiago, are you okay?" tanong ni Paisley nang mapansin nitong dumilim ang mukha ng binata.

Pero hindi sumagot si Thiago. Ni hindi rin ito tumingin kay Paisley. At ilang sandali pa ay kinuha nito ang bag at naglakad palabas ng silid. Susundan sana ni Paisley si Thiago, ngunit bago pa makatayo ang dalaga ay sinabihan na ito ni Thiago na huwag sumunod. At sinabi iyon ni Thiago sa pinakmalamig na paraan na alam niya. Kaya naman kahit nag-aalala ay hindi na tumayo pa si Paisley.

Mabilis na naglakad si Thiago papunta sa recital room para kausapin si Ms. Mendoza. Ngunit bago pa siya makarating doon ay nakita niya ang propesora na naglalakad papunta rin doon. Binilisan ni Thiago ang paglalakad para abutan ang guro.

"Ms. Mendoza, excuse me," sabi ni Thiago nang maabutan niya ang babaeng propesor.

"Oh, Mr. Villaruz?" sagot naman ni Ms. Mendoza na nagulat kay Thiago.

"Ma'am, about today's activity. I don't think I can do it. Maybe you can just give another thing to do," direstong sabi ni Thiago.

"I'm sorry, Mr. Villaruz. Pero if I do that, it would be unfair to your classmates. Ayaw kong isipin nila na may favoritism ako at na pinapaboran kita. You missed some practical exams already and I can't let you miss this one. This is a major activity. Like a test," tugon naman ni Ms. Mendoza.

"Pero ma'am..."

"Look, what you're thinking right now can be bad for both of us. They might think, that you're using your family's influence over this university. Ayaw kong na mangyari iyon, ay siguradong hindi mo rin iyon gusto. Isa pa, you can play the piano very well. I saw the video online. Nobody in this university can play the piano like that. Kaya wala kang dapat na ikahiya,"

Napabuntong hininga si Thiago at bumagsak ang mga balikat. Mahahalata rin sa kanyang mukha ang pagkadismaya.

"If you watched the video, maybe you also saw what happened after I played the piano, right?"

Hindi kaagad sumagot ang propesora sa sinabi ni Thiago. Tinignan muna niya ang binata at pagkatapos ay ngumiti.

"I don't know what's troubling you, Mr. Villaruz. But I can give you some advice. Listen. All of us have our strengths and weaknesses. We work more on our strengths because we want to be stronger. We sharpen our skills, but it doesn't end there. Kailangan din nating paglabanan ang mga kahinaan natin. At kung ano man 'yang pinagdadaanan mo ngayon, kailangan mo 'yang paglabanan. Or else, you will not grow," sabi ni Ms. Mendoza.

Hindi na sumagot pa si Thiago sa sinabi ng propesora. Hindi na niya kailangang mag-isip pa para malamang tama ang sinabi nito sa kanya. Alam naman na niya iyon. Ang problema ay hindi niya alam kung paano iyon gagawin.

"I'll see you in the recital room. If you don't show up, I won't have any choice but to give a not so good grade," sabi ni Ms. Mendoza bago tumalikod kay Thiago at nagpatuloy sa paglalakad.

Napako si Thiago sa kinatatayuan niya at naisip niyang muli ang nangyari sa coffee shop. Ayaw niyang mangyari uli iyon lalo na sa harap ng mga kaklase niya. Natatakot siya na baka isipin ng mga ito na OA siya, o nag-iinarte lang. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harap ng iba. Hindi niya gustong pag-usapan siya at pagtawanan. Ayaw niyang bigla na lang siyang mahusgahan. Isa pa, ay hindi rin siya sigurado sa sarili niya kung magagawa niyang makatugtog muli.

Nang isang kamay ang naramdaman niyang humawak sa balikat niya mula sa likuran. Napalingon siya at bumungad sa kanya ang nag-aalalang si Paisley.

"Is everything, okay?" tanong nito. At sa likuran nito ay ang mga kaklase nila na papunta na rin sa recital room. Marahang tinanggal ni Thiago ang kamay ni Paisley sa kanyang balikat.

Hindi sumagot si Thiago, sa halip ay tumango lang siya. Huminga siya ng malalim at nagsimula na ring maglakad papunta sa recital room. Kaagad namang sumunod sa kanya si Paisley.

Hindi komportable sa loob ng recital room si Thiago. Napakaraming alaala ang bumabalik sa kanyang isipan, at ang ilan doon ay alaala bago ang aksidente na hindi niya mabura sa kanyang isipan. Hindi na naririnig ni Thiago ang paligid niya, at para bang dinala na siya ng kanyang isipan sa lugar at panahon ng alaala.

"Thiago, magsisimula na," sabi ni Paisley para kunin ang atensyon ng binata. At hindi na maalis sa mukha ng dalaga ang pag-aalala lalo na at biglang natulala ang binata.

Napatingin naman si Thiago sa dalaga, ngunit hindi ito sumagot. Sa halip ay muli lang nitong ibinaling ang mga mata sa piano na nasa harapan nilang lahat.

Tumayo ang isa sa mga kaklase ni Thiago at nagsimula itong tumugtog ng piano. Isang sikat na piyesa rin ang tinugtog nito. Isang piyesa na malapit kay Thiago, dahil ang ama niya ang mismong nag-compose noon. Ngunit hindi sa musika o sa talento ng kaklase naka-pokus si Thiago, dahil habang naririnig niya ang piano ay nakikita rin niya ang kanyang ama na nakatingin sa kanya. Sa paningin niya ay ito ang tumutugtog. Galit ito, at tila may sinasabi na hindi niya marinig.

"I'm sorry, dad," mahinang sabi ni Thiago. At kasabay noon ay ang pagtulo ng kanyang luha.

"Thiago, what's wrong?" tanong ni Paisley nang mapansin ang binata.

Ngunit hindi na sumagot pa si Thiago. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata at pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. Sinubukan siyang habulin ni Paisley at Ms. Mendoza, ngunit mabilis na nawala ang binata.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

1.2M 389 1
"It all started online. I met this girl named Fheeng. At first, all I can feel was only lust then time goes by, I fell inlove with her. If love is a...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.2K 367 66
Eli made a mistake that he would never forget. But it will became worst when he met the girl who happened to be connected from his past. He fell in l...
2.5M 55.8K 55
[Completed] One True Love Series #3 Paano kung ang nakatakdang ipakasal sa'yo ay babae rin ang gusto? Maagaw mo kaya ang puso niya? O malugmok ka na...