Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

467K 13K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 21

10.4K 301 30
By piloxofia

Halos bente minutos yatang nakakapit sa akin si Chance. Nung lumakas ang ulan, umupo kami. Medyo tumahan na siya, pero ngayon nama'y naghahabol siya ng hininga.

Gustuhin ko mang sabihin na dapat umuwi na siya para makapagpahinga, nauunawaan ko ang dahilan ng pagpunta niya. He wanted to let this out. He wanted to let me know he was in pain. And that was enough for me to not scold him for coming so late, for coming here instead of sleeping or resting at his condo where he'd be comfortable.

"I'm sorry... I came... here at this hour..."

Umiling ako at nagsalita. "Huwag kang mag-sorry, gusto mo ng taong makikinig at... masaya akong ako ang ginusto mong sabihan ng nararamdaman mo."

He wiped his wet cheeks and stoop up before sitting beside me. "Ilang linggo na lang, but I just now felt so... caged. It felt like I was a tool. A tool used to bring a smile to my parent's faces. If I couldn't do what I was expected to do, they'd discard me."

"Don't you think you're underestimating their love for you?" he blinked a couple of times before speaking again.

"I don't know. What I know is that... I want to be braver than this. I want to be more courageous. But I can't. Why does love always have to be stronger than any other emotion?"

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Bakit nga ba?" rhetorically, I asked. "I love them more than I love myself."

I never knew why it was so easy for people to sacrifice for their loved ones, why I never second-thought my choices when it comes to the wellbeing of my mother and siblings. Hearing Chance now, I realized it was because love was unconditional when it was earnest and pure.

Siguro katangahan ang magmahal ng sobra sa paningin iba. Pero may mga tao talagang tulad namin ni Chance na hindi mapapakali kung hindi maayos ang estado ng mahal namin, talagang gagawa kami ng paraan para mapasaya 'yung minamahal namin. Mangingibabaw rin lagi 'yung pagmamahal namin kung galit o inis kami sa minamahal dahil hindi kami makatitiis na hindi maayos ang relasyon namin at ng minamahal.

"What do you want to do now?" he looked at the dark sky and glanced at me. "I just want to finish this quickly. Then, I want to rest, kahit... saglit lang..."

Bumili ako ng malamig na tubig mula sa sari-sari store at sinabing bukas ko na babayaran. Pinainom ko muna si Chance bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. Tila kasi naubusan siya ng tubig sa sistema sa hagulgol niya kanina.

I knew where Chance was coming from all too well. I also couldn't abandon my family for my personal desires. But his situation felt, for some reason, more constrained than mine—and that made my heart ache more for him. He was going to be a doctor without his passion for healing. He was going to cure some diseases half-heartedly. It would be painful for the patient, but it would also crush him. But he was still going to do it.

Paninindigan niya ang isang bagay na nagpapaluha sa kanya.

At siguro'y umaasa siya sa kinabukasan. Balang araw, matanggap namin pareho ng buong puso ito, ang buhay na hindi namin pinili para sa mga sarili. Isang araw, masasapawan na ang aming walang hanggang paghiling sa buhay na gusto namin para harapin ang buhay na mayroon kami.

My remaining days were filled with Chance. Mas dumalas ang pagdalaw niya dahil gusto niya raw makita ako kada after hospital duty. Nakonsensya ako dahil sa gas na nauubos niya. Kaya naman tuwing umaga ang tapos ng duty niya, inaabangan ko na lang siya sa school at sasamahang kumain ng agahan o tanghalian.

Nung nag-May na, hindi na ako dumadayo sa mga Luy dahil summer na ni Wesley. Ang trabaho na kapalit no'n ay ang pagluluto sa isang Burger Machine na van. Tuwing weekend ay nandoon ako. Si Alarick ang nakahanap ng trabaho na 'to para sa 'kin, ang kaklase niya raw kasi ay dating nagtratrabaho roon. Ako ang pumalit.

"Nagugutom ka?" tanong ko kay Chance nung lumabas siya mula sa PGH isang umaga.

Tumango si Chance. Inabot ko sa kanya ang supot ng kababayan na binili ko mula roon sa binilhan ko ng pan de regla dati. Tinanggap niya 'yon at sinimulan ang pag-kain habang naglalakad kami papunta sa kainan na madalas naming kainan.

"Calisse," nilingon ko siya. "Can we eat in Rob for today? I'll pay,"

Aangal sana ako, kaso naisip kong palagi nga pala siyang nagpaparaya para lang mura ang makain namin at hindi niya ako malibre. Hindi masama kung pagbibigyan ko siya... May dala naman akong sandwich, e. Iyon na lang ang kakainin ko habang kasama siya.

"Pwede naman, sige." Ang pagod niyang ngiti ay lumitaw.

Hinablot niya ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ako umangal.

"What do you want?" inabot sa amin ang menu nung waiter. "Hindi ako bibili," agap ko.

"What? Then, why did you agree?" tumingin ako sa waiter at medyo nahiyang sagutin si Chance dahil sa presensya nito.

Napansin iyon agad ni Chance, kaya naman pinaalis niya muna ang serbidor. Saka ako nagsalita.

"May baon akong sandwich, ito na lang kakainin ko. Order ka lang ng iyo," nalukot ang mukha ni Chance dahil sa sinabi ko, tila isang shirt na pinilipit para mapiga at masampay.

"Calisse," he touched his forehead and looked... frustrated. "Chance, sige na, um-order ka na nang makakain ka. Ayos lang ako."

He sighed. "Can't you pull down your pride just for today?" bumaba ang tingin ko sa la mesa bago nahihiyang tumingin sa halamang katabi ng upuan ko.

"Parang ang mahal kasi rito," anas ko. "I told you, I'll pay. I know that you rarely treat yourself to a fulfilling and delicious meal. So, please, let me treat you when I want to."

Ilang segundo ang pinalipas ko bago unti-unting tumango. He called back the waiter. We told what we wanted and got left alone again.

"You're embarrassed to be treated by others because you know you can't reciprocate. But remember that I do this not because I want anything in return. I go to your house because I want to see you. Tinatawagan kita kasi gusto kong marinig boses mo, at nililibre kita kasi gusto kong nakikita kang busog at masaya."

I felt... like a baby. It was as if a mother had continuously caressed me only because she loved me and nothing else. This was what Chance was doing to me, he was giving me strong affection in different ways because he simply wanted to. I guess I had grown attached to the idea that everything comes with a price. I mean, that was life, right?

"You often buy me kababayan and toasted siopao, but I never told you that you didn't have to, right? It was because I knew that you wanted to do that for me because of your feelings, not because you wanted me to also buy you something in return, obviously."

"Pasensya ka na, iniisip ko lang kasi na ang mahal nung mga bagay na ibinibigay mo sa 'kin. Parang hindi patas na tig-bente o trenta lang 'yung binibili ko para sa 'yo, tapos ilang daan 'yung binibili mo para sa 'kin."

He sighed. "Do you remember your birthday gift to me?" hindi man alam kung bakit nasali iyon sa usapan, tumango pa rin ako bilang sagot.

"It was the simplest gift I have ever received in my life. It didn't cost you anything, right?" tumango ako muli. "But it was the most special for me. Do you know why?"

Umawang ang ibabang labi ko at naalala ang gabi nung ginawa ko ang tula. I kept telling myself that what mattered most was that I was sincere in creating that gift. But, now, I kept on weighing the monetary value of what I gave versus what he gave. I didn't immediately realize that this was Chance whom I liked. He didn't ever make me feel like whatever I gave was meaningless because... I was genuine whenever I did give him something.

"Calisse, it's because I knew how hard you worked for it. I knew you poured a piece of yourself into that poem. I'm right. I know I am because writers always pour their hearts into the words they write. I learned that in an English class before."

"Pasensya na..." saad ko habang unti-unting nauunawaan ang gusto niyang iparating. "I'm not mad or annoyed, I just feel like you value yourself too little. And you compare yourself with me whenever I insist on buying you food when our circumstances are very different from each other."

His hand touched my face and his thumb stroked my cheeks so sweetly.

I tried my best to accept what I realized and what Chance told me. I promised myself I would stop declining his offer of free food when I knew he wanted to buy for me. Sabi niya nga, gusto niya rin naman daw na nabubusog ako, kaya hindi na ako natakot na masumbatan.

Pag-uwi ko, nakita ko si Chino na naglalaro sa telepono habang si Cathrina ay may kinukulayan sa notebook niya. Si Mama ay nasa kusina. Ang aga niya ngayon.

"Ma," nilingon ako ng aking ina at nginitian. "Birthday nung supervisor namin, may nauwi akong pagkain—iyon na ang hapunan natin."

Tumango ako at pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Kinuha ko ang daster na pula sa aparador at sinuot. Napansin kong napupuno na naman ang maruruming damit ko, kaya plinano ko na agad na maglaba mamaya.

"Calisse," lumabas na ako at nakitang nakahanda na ang hapag-kainan.

Umupo ako at nagsimula na kaming kumuha ng mga ulam at mainit na kanin.

"Akin 'yung fried chicken!" ani Cathrina nang kamayin ni Chino ang nag-iisang fried chicken. "Akin na 'to, kare-kare na lang sa 'yo."

Kumagat na si Chino at hindi pinansin ang pagmamaktol ng bunso naming kapatid. Nakasuot sa kanya ang headphones, kaya ang lakas ng loob na magpatuloy sa pag-kain.

"Cathrina, 'yung kare-kare na lang kainin mo, masarap naman, e." Saad ko. Totoo naman din, e. Tinikman ko at talagang masarap iyon.

"Ayaw ko niyan!" pumalatak si Mama. "Cathrina, kumain ka na. Sa susunod, fried chicken na ang ipapaluto ko sa Ate mo, 'wag kang mag-alala."

Kahit na sumunod sa aming ina, nakabusangot pa rin si Cathrina habang kumakain.

Sa sumunod na araw, kinausap ako ni Mama at sinabing mahuhuli na naman daw ang sahod niya. Paparating na raw ang disconnection notice namin, kaya kailangang bayaran ang nakaraang buwan sa kuryente. Sinabi ko kay Mama na malapit naman nang dumating din ang sweldo ko mula sa trabaho. Masosolusyunan ko 'yon, saad ko sa ina. Natuwa siya at pinaalalahanan ako tungkol sa iiwan kong ulam sa dalawang kapatid, papasok na kasi siya at hindi na makakapagluto—mahuhuli pa siya sa trabaho kung hindi siya maliligo agad.

Nagluto ako ng tanghalian at hapunan ng dalawa kong kapatid bago tumungo sa trabaho. Nagsuot ako ng puting apron bago naglabas ng mga patty at buns. Nilinis ko ang loob ng van bago binuksan ang mga window. At habang naghihintay ng customer, nilabas ko ang libro ko sa Kom II saka nagbasa.

Ang huling finals para sa acad year na 'to ay nalalapit na. Kinakabahan ako dahil hindi ko masyadong gamay ang bawat topic ng Econ subject namin. Mahirap at marami kasi. Pero naglaan na ako ng tatlong araw para roon. Plano kong ihuli ang pag-aaral sa subject na 'yon para ang buong atensyon ko ay nandoon at nandoon lang. Kaya naman as early as ngayon, inaaaral ko nang maigi ang ibang subejcts.

"Isang sansrival nga," tumigil ako sa pagbabasa nang may dumating na mamimili. Mula sa ref ay kinuha ko ang cake ng sansrival at naghiwa. Inabot sa 'kin ng mamimili ang bayad saka ko inabot ang sansrival.

Buong araw, wala akong inatupag kundi ang pagbabasa at pagtratrabaho. Nag-message sa akin si Chance, ngunit nabasa ko lamang 'yon at hindi na na-reply-an dahil biglang dumami ang customers. Mag-a-alas dose na nung natapos kong linisin at itago ang mga gamit sa van. Ngalay ang braso ko at masakit ang batok ko. Bago maglakad pauwi, pumunta muna ako sa malapit na tindahan na nakita ko at bumili ng isang kaha ng sigarilyo. Mas mura sa ganito kaysa sa convenience store.

Nung nagsisindi na ako sa labas, napansin ko ang isang Mazda malapit sa van ng Burger Machine. Kumunot ang noo ko at nakita ang paglabas ni Chance. Nilabas ko saglit ang telepono ko at nakita ang ilang message na hindi ko nabasa mula kanina. Nagsabi pala siyang susunduin niya ako at pakakainin ng midnight snack.

Tumawid ako at tinapik siya sa balikat.

"Hindi ko nabasa agad message mo," patiuna ko habang hawak-hawak ang lighter at yosi. "Pwede bang ubusin ko muna 'to?" tumango siya nung pinakita ko ang isang stick.

"You just finished?" bumuga ako. "Oo. Bakit sinundo mo pa 'ko? Hindi ba't sabi mo may mahaba kayong exam ngayon?"

"Well, I was craving siomai, and I wanted company." I looked at him. "May alam kong mura na siomai-yan dito,"

"Then, bring me there. Libre mo ako," he joked. "Sorry, babayaran ko 'yung kuryente namin, e. Sa susunod na lang,"

Ngumiti si Chance. "I was just kidding. It's okay, Calisse. Next time, sige lang, I don't mind paying."

Hinigop ko ang toxin ng yosi bago naglabas ng hangin. Lumapit ako sa kanya at pinisil ang ilong niya. "Ang tangos talaga ng ilong mo,"

In return, pinisil niya ang pisngi ko. "At ang chubby ng cheeks mo kahit medyo payat ka,"

Kahit na hinahawakan niya na talagan ang pisngi ko paminsan-minsan, hindi ko pa rin lubos na masasabing hindi na ako nahihiya. May mga pimple marks kasi sa mga pinsgi ko, kaya... pakiramdam ko, mandidiri ang iba kung makita si Chance na pinipisil o hinahawakan ang pisngi ko.

Tinapon ko ang yosi ko sa basurahan na malapit. "Hindi ka ba na-pa-pangit-an sa 'kin?" umiling siya.

"To be honest, I know that you know you're not conventionally attractive. And I think that makes you even more beautiful. To me, you're this uncommon good food that I'd keep coming back to even though it isn't something people think to be delicious. I should be asking you that question."

Natawa ako. "Bakit naman ikaw ang magtatanong no'n? E..."

His brows shot up. "E? E what? E pogi naman ako? E guwapo naman ako?"

"Ewan, ewan kasi sasabihin ko." He chortled and shook his head sideways. "Right, ewan, ewan."

Pumasok na lang ako sa kotse niya kaysa tuluyang kainin ng kahihiyan. Asang-asa siyang sasabihin ko na guwapo siya. Tama naman ang hinala niya, pero parang... nakakahiyang mahuling nagdalawang isip ako sa pagsasabi no'n. Ayan tuloy, inasar na naman ako nito.

"Admit it, guwapo ako, right?"

"Guwapo, oo, sige."

Natawa siya lalo bago paandarin ang sasakyan.

"I should be the one asking you that. My face is common. Walang espesyal tungkol sa 'kin, Calisse. Ikaw naman, tingin mo, hindi ka maganda dahil hindi nag-co-conform face mo sa society."

"Guwapo ka nga," I said in between his words. Nang tignan ko siya, namumula na naman ang tenga niya sa kilig.

Lihim akong natawa sa reaksyon niya. Hindi na siya tuloy nagsalita hanggang sa makarating kami sa siomai na bibilhan.

Bumili kami at kumain sa gilid ng kotse. Habang pinipisil niya ang calamansi sa siomai, binalik ko ang usapan namin sa kotse. I just feel so free whenever I was with him. I could utter anything.

"Sabi mo, common ang mukha mo. Para sa 'kin, hindi, kasi kapag nakikita kita, may nararamdaman akong... saya, at hindi ko 'yon nararamdaman sa kahit na kanino masyado. Para kang art, habang tinititigan kita, napapalabas mo 'yung mga emosyon kong hindi ko alam na mayroon pala ako."

I was no art connoisseur, but I felt like everyone knew something about art, everyone including me. It was supposed to clench your heart, make you tear up, make you think, and make you realize something.

And Chance was my art. His face was my art. His whole being made me be.

Continue Reading

You'll Also Like

878 86 16
Gusto kong mangumpisal, hindi tungkol sa mga kasalanan kundi sa pagsinta na gusto kong ialay.
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1.3M 36.1K 38
Bilang pagtanaw ng utang na loob, naatasan si Lorie ng matandang pilantropong nakilala niya sa ospital na maging temporary housekeeper ng anak nito...
26K 930 83
Around Series #3 an epistolary and a collaboration. Hiraya & Centineo