Cigarettes and Daydreams (Eru...

Oleh piloxofia

461K 12.9K 5.6K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... Lebih Banyak

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 20

10.7K 280 47
Oleh piloxofia

"Happy birthday."

Pagkatapos batiin ang kapatid na lalaki, inabot ko sa kanya ang regalo ko. Yumapos siya sa akin bago excited na binuksan ang kariton ng headphones. Tila naging krystal na tinamaan ng liwanag ang mga mata niya nang makita ang blue headphones na napili kong ibigay.

"Thanks, Ate!" nakangiti niyang saad bago tumakbo sa kwarto para siguro subukan 'yon.

Si Cathrina ay kumakain ng ice cream na binili ko. Imbis na cake, ang gusto kasi ni Chino ay ice cream daw para mas masarap. Dalawang flavor ang binili ko bilang kapalit ng cake. Si Mama ngayon ay naghuhugas ng mga plato na pinagkainan namin ng spaghetti. Ang tanging nahanda lang kasi ay spaghetti, ilang chicken, at ice cream para sa kaarawan ni Chino. Pero walang reklamo ang kapatid ko ro'n.

"Ate," tawag ni Chino nang makalabas ito. "Oh?"

"Sabi ni kuya Chance pupunta siya, hindi pa ba nag-chat sa 'yo kung nasa'n siya?"

Umiling ako at tinignan ang telepono. Wala namang chat si Chance sa akin. Pero nung isang linggo, sinabi niya nga na dadalaw raw siya sa birthday ni Chino.

"Siguro papunta na," tumango ang kapatid ko at ginamit na muli ang headphones.

Hindi pa nakikilala ni Mama si Chance, kaya naman napatingin siya sa akin dahil sa saglit na usapan namin ni Chino.

"Sino 'yang Chance na 'yan?" tumaas ang kilay niya. "Manliligaw ni Ate," ang bunso kong kapatid ang sumagot para sa 'kin.

"Ano? Nililigawan ka niyang Chance na 'yan? Pwes, bakit hindi pa nagpapakilala?" tanong ni Mama sa 'kin.

"Palagi kang late umuuwi, Ma... Hindi naman siya makakapaghintay ng hanggang madaling araw rito." Paliwanag ko.

"Pupunta ngayon 'yon dito? Kaklase mo ba 'yon?" lumapit ako at isinara na ang ice cream na natutunaw.

"Pupunta, Ma. Hindi ko siya kaklase..."

"Pa'no mo nakilala 'yan, kung gano'n? At saan mo nakilala 'yan?"

"Kuya po siya ng... tinuturuan ko..."

"Anong tinuturuan?"

"'Di ba, tutor ako, Ma? 'Yung tinuturuan ko, Kuya niya 'yung... nanliligaw sa 'kin..."

"Ano?! Kuya ng tinuturuan mo! Alam ba 'yan ng magulang niyan? Baka mamaya ay masabihan kang malandi, Abigail, ha."

"Alam naman, Ma, sinabi ni Chance sa magulang niya."

"At pumayag?"

Tumango ako. Bumuntong hininga si Mama at umiling.

Ano 'yon? Hindi siya sang-ayon din sa 'min tulad ni Mrs. Luy? Ang tingin din niya ba sa 'kin ay... isang babaeng hindi bagay kay Chance? Iyon ba ang dahilan ng pag-iling niya?

"Dapat professional ka sa trabaho, Abigail."

"Professional naman talaga ako, Ma, e."

"Baka naman pinaglalaruan ka lang niyang lalaking 'yan? Ilang taon na ba 'yan?"

"Hindi naman, Ma... 24 na siya,"

"Ang layo ng agwat niyo! Ano ka ba naman, Abigail?!"

"Nanliligaw pa lang naman po, Ma..."

"Ang mga lalaking nasa ganyang edad, nagtratrabaho na, ah? Ano? First year ka at working na 'yan? Naghahanap na 'yan ng mapapangasawa!"

"Med student siya sa UP, Ma."

Umawang ang bibig ni Mama at lalong nairita sa sinabi ko. Ano bang masama? Hindi ko pa naman sasagutin si Chance... Matagal pa. Baka paabutin ko ng taon dahil... wala sa isipan ko talaga ang pagkakaroon ng boyfriend ngayon. Oo, gusto ko si Chance at natutuwa akong pareho kami ng nadarama. Pero wala akong kapasidad para makipagrelasyon.

"Bahala ka. Siguraduhin mong hindi siya ang makakapagpatuliro sa 'yo dahil first year ka pa lang, unahin mo ang pag-aaral mo."

Pumasok na siya sa silid niya at sinara ang pinto. Nawala ako sa mood dahil sa nangyari. Halatang hindi gusto ni Mama ang ideyang may boyfriend ako, lalo na kung kapatid ng tinuturuan ko ang magiging kasintahan ko.

Binalingan ko ang phone ko at nakita ang chat ni Chance. Hindi raw siya aabot dahil sobrang daming utos sa kanila ng mga doktor.

Nag-reply ako.


Me: Sige, ingat ka.


Nag-aral na ako para sa parating na linggo nung kinagabihan, tapos tumawag sa 'kin si Chance via video call.

"Tell Chino sorry, I'll just give him my gift next time."

"May regalo ka pa? Ano ka ba? Ba't ka pa bumili."

"I wanted to give him one, he's a nice brother and son—he deserves so many things."

"Alam ko, pero hindi mo naman kailangang bumili para sa kanya. Deserve nga no'n ng maraming bagay, mabait 'yon, sobra. Malambing din siya minsan, alam na alam kong marami siyang dapat nakukuha lalo na't mabuti siyang bata. Pero maunawain din 'yon."

"Like you,"

I stop talking and realize what he meant.

I felt like everything I had done since grade eight was validated because of two words, because of him pointing out my similarity with my brother. I never had a special life, in fact, my life was pretty mediocre. Hindi lang ako ang ganito may ganitong sitwasyon. Hindi lang ako ang anak na kinailangang magtrabaho habang nag-aaral. Pero dahil kay Chance, pakiramdam ko napaka-espesyal kumpara ko sa lahat ng tao. Bukod-tangi. It was because it was him that likes me. Siya. Walang ibang nilalang. Siya lang.

"Ikaw at saka si Wesley talaga ang nagbubuhat ng bigat ko."

His brow went up. "What can I say? We care for the same girl so much."

"Ako rin, I care for both of you."

Nakita ko ang pagpula ng tenga ni Chance. Kinikilig na naman.

"Hindi ba halata 'yon, Chance?"

"It's halata, it just feels more endearing when you verbalize it."

Natawa ako at napailing.

Ang conyo kong Isko, pinapangiti na naman ako.

Before, hindi ko alam na may salita pa lang 'conyo.' Iniisip ko lang dati, Inglisero o Inglisera ang mga taong pinaghahalo ang Filipino at English. Ang dami kong term na nalalaman dahil kay Paula at sa iba.

"Conyo mo talaga,"

Ngumuso siya. "I am."

Ngumiti ako at nagkwento tungkol sa nangyari sa araw ko. Maigi siyang nakinig sa akin habang kumakain ng hapunan. Dahil madalang akong magkwento ay inasar niya ako. Ako na raw ang madaldal sa aming dalawa.

"Bahala ka, hindi na nga ako magkukwento sa 'yo next time."

"Joke lang, Calisse. Tell me more. Don't deprive me of hearing your voice."

Maliit na ngiti ang ipinakita ko habang nagpapatuloy siya sa pagsasalita. He was giving me reasons why I should talk more kahit na siya naman talaga ang masalita sa aming dalawa. Minsan lang ako magkwento. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko, most of the time. Alam niya naman ang takbo ng araw ko, e. Gigising, magluluto, papasok, magtratrabaho, papasok ulit, magluluto, at mag-aaral. Paulit-ulit lang naman 'yon. Wala na talaga akong ibang makukwento kay Chance. Kaya gusto ko ring siya ang nagsasalita.

Kinabukasan, pumunta ako muli sa mga Luy para magturo. Malapit nang matapos ang kontrata ko sa pagtuturo. Hindi ko alam kung anong trabaho ang ipapalit ko rito... Siguro mag-f-freelance na lang muna ako ulit. Ang kaso, naalala kong lalong bumagal pala ang laptop namin sa bahay. Kaya mukhang hindi ko option ang pag-f-freelance... Hindi naman pwede 'yung sa carinderia na fulltime dahil ang layo ng Maynila. Sayang ang pamasahe, ngayong may pasok lang ako nakumbinse dahil sa Maynila rin ang school ko.

"May alam ka bang trabaho rito sa Pasig?" tanong ko kay Alarick isang beses nung nilibre niya ako ulit.

"Dito? Wala, kailangan palaging college grad ka rito, e. Unless sa mga mekaniko ka mag-apply."

Tumango ako at hinalo ang scrabble na binili ko sa tinderong nagtitinda rin ng french fries. Nandito kami ni Alarick ngayon sa lumang tambayan namin. Malapit ito sa escualahan namin noon at maraming murang kainan.

"Bakit? Magtratrabaho ka sa summer? E, 'di ba, tutor ka na?"

"Oo, kaso matitigil din 'yung pag-tutor ko pagdating ng summer nung bata. Kailangan ko ng panibagong trabaho na kapalit."

"Ahh, wala akong alam ngayon, e. Magtatanong-tanong ako sa mga kakilala ko, balitaan kita."

"Salamat. Ano nang nangyari sa gusto mong babae?"

"Kami na,"

Tumaas ang dalawa kong kilay dahil sa gulat. Sa bagay, ilang buwan din kaming hindi nag-usap, e. Malaking progress na siguro ang nangyari sa mga buwan na 'yon.

"Ito siya, oh."

Nilabas ni Alarick ang phone niya at pinakita sa 'kin ang isang litrato ng babaeng nakangiti ngunit nakatingin sa ibang bagay. Candid ang photo na ito. Proud na proud ang itsura ni Alarick habang kinukwento ang lovestory nila nung babae.

Dalawang oras kaming nag-usap tungkol sa kung anu-ano. Dumating din ang isa pa naming kaibigan at nagkwento tungkol sa kaniyang boyfriend. Nag-aya pa ang kaibigan ko na 'yon na pumunta sa malapit na bowling alley, libre niya raw. Sumama ako, pero hindi naman ako naglaro dahil hindi ako marunong. Nanood lang ako at kumain ng in-order namin.

"Isa lang, Abi, subok ka lang." Ani Alarick. "Ayaw ko nga, kulit niyo." Masungit kong balik.

Ilang ulit pa nila akong niyaya hanggang sa tumawag si Chance sa akin nang sabihing kong wala akong ginagawa.

"Hi, are you in school?"

"Nasa isang bowling alley ako, Chance, nag-aya mga kaibigan ko rito. Maagang natapos unang klase ko, tapos mahaba vacant ko ngayon."

"Oh, you're playing?"

"Hindi. Nanonood lang ako sa kanila. Tapos na duty mo?"

"Yes, I'm at the condo na, reading."

"Ahh,"

Ilang segundong katahimikan ang naganap bagi ko narinig ang boses niya muli. At mas malambing iyon kumpara sa kanina.

"I want to see you. Grabe, I super miss you."

Hindi gumana ang utak ko dahil sa winika niya. My cheeks didn't turn red, I never blush because my skin wasn't like that. What happens to me at embarrassing times like this is that I uncontrollably smile. I remember his confession months ago, umiikot ako no'n sa labas ng bahay at nakangiti tulad ngayon. Naglakad-lakad ako sa bowling alley habang ngumingiti na para bang may nakakatawa.

"Who are you with?" he asked.

"Si Alarick 'tsaka isa pa naming kaibigan nung high school."

"Alarick? The one who I thought you were having a date with?"

"Oo, siya. Sabi niya, girlfriend niya na raw 'yung kinukwento niya sa 'kin noon."

"Ahh... Sounds good, we can double date with them."

"Double date ka riya'n, ni hindi pa nga tayo."

"Soon... I feel it's coming soon,"

"Feeling mo lang 'yon."

He guffawed. We talked for a few minutes before our call ended.

Chance was a chance for me to feel something beyond obligatory feelings in my life. Usually, it was white and black. But once Chance came, it felt like reality had more sounds. The world seemed to have more excitement to give me. Time felt like it was coming quicker, though. But, overall, I began to notice life a little more than I did.

Chance was a chance. And one of the reasons why I liked Chance was because we had the same stance on some political issues.

Once, we talked about the growing taxes of the country almost every year and both agreed that the money was not being well spent. Maybe some were, but not everything. There was a budget plan, but society was never sure whether the government had actually spent it on the agreed budget plan. Especially with the numerous secrets being revealed about money every year.

My mother still paid taxes on everything she bought. She might have not been receiving well enough to be considered taxable, everything else in life was definitely not free. So, she still paid taxes to some degree.

Sa mga kwento ni Mama tungkol sa 'pagkawalang budget' ng office nila para sa sweldo ng mga J.O., hindi na talaga nawala sa isipan ko ang posibilidad na may nagnanakaw ng budget—kaya delayed ang sweldo niya at ng ibang J.O. employees.

Ewan. Napakagulo ng gobyerno at politika. Masaya man akong namumulat ako sa mundong ginagalawan ko, parang sayang lang din dahil wala rin naman ako halos magawa tungkol sa mga problema. Karamihan naman kasi ng social problems, nag-uugat sa politikal na dahilan.

I was a hypocrite. I knew well that I could do so much more. But I couldn't risk the safety of my mother and siblings. I could always join rallies and petitions for underpaid workers, such as my mother, but that would require a considerable amount of time. Plus, with the growing number of activists killed or imprisoned, there was no way my courage would be bigger than my fear.

Maraming kailangang isakripisyo kung gagalaw ako para sa masa. Alam kong walang kwenta ang pagrereklamo ko dahil wala naman akong naiaambag tulad ng ibang sumasali sa giyera ng lipunan.

Kapit ng isang kamay ko ang yosi habang ang isang kama'y sinusubukang hulihin ang pangarap na buhay na gusto ko.

Hindi ako kasing tapang ng iba. Pero may hinaing din ako. At habang buhay akong magpapasalamat sa mga taong nagsusulong ng laban at karapatan ng bawat tao. Balang araw, sa ibang paraan ako tutulong.

"Ate, pwede ba akong sumama sa swimming ng mga kaibigan ko?" sabi ni Chino nung magsimula na ang summer nila.

"Huh? Saan 'yan? 'Tsaka, wala akong pera ngayon, Chino." Patiuna ko habang nililinis ang mga gamit nila sa kwarto.

"Hindi ko naman kailangan ng pera, e. Libre 'yon ng kaklase ko kasi birthday niya, sa Greenwoods lang naman."

Sa village ng mga Luy?

"Kailan ba 'yan?" tanong ko. "Sa Sabado,"

"Sinu-sino ang kasama mo?"

"Mga kaibigan ko Ate, 'tsaka si... Vivian. May iba pang kasama rin."

"May kasama bang matanda? Kailangan may chaperone kayo, baka mamaya mapano kayo roon."

Nagkamot na siya ng likod ng tenga niya. Alam ko na agad na walang kasamang magulang o bantay. Hindi ako papayag.

Umalis na lang si Chino nang maramdaman niyang hindi ako papayag. Kahit si Mama ang tanungin niya, hindi rin 'yon papayag. Iniiwas ko lang si Chino sa posibleng kapahamakan. He was a teenager, and he'd be with his girlfriend and friends with no supervision—that was a disaster waiting to happen.

Nung kumain kami ng hapunan, kita ko ang lungkot at panghihinayang sa aura ng kapatid ko. Hindi ko naman siya pwedeng samahan, e. May trabaho ako tuwing Sabado, si Mama rin.

Nung patulog na ako, naisipan kong magyosi saglit para pag-isipan kung anong pwede kong gawin para sa kapatid. I couldn't let him go. But maybe... I could buy him something to cheer him up?

Kaso... kaunti na lang ang datung ko, hindi pa ako nakakapagbayad bg kuryente. Kung gagastos ako para kay Chino ngayon, magigipit ako.

I stopped smoking and just stared at the night sky. Kumulog ito, hudyat ng paparating na ulan. Papasok na sana ako ng bahay nang makita ko ang isang puting Mazda.

Sumilong muna ako sa sari-sari store na malapit para hintayin si Chance.

He came out wearing a maroon scrub suit and walked with me with reason. Every step he made pushed me to think that something was up.

Nang mapansin ko ang namumula niyang mata at ilong, nagtaka ako at napatayo. Lumuha na siya nang magdikit ang aming katawan.

"I just want to be enough," anas niya sa 'kin.

Kinabig ko rin siya at hinayaan ang mga luhang nadarama kong bumabagsak.

"You are enough. You've always been." He cried harder while the rain began to pour.

"I did so many errors today. Then, I saw an old woman grieve for her husband. I wasn't able to be of help to her. I... I'm trying, Calisse, I swear, I am."

Ang paghapdi ng puso ko ay naramdaman ko. Malakas iyon. At dahil 'yon sa pighati na nararamdaman ni Chance ngayon. Apektado ako sa kanyang emosyon.

His pain was inevitably linked to my heart.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

119K 2.7K 34
Switching to a condo would be a huge shift in Eloise Danielle Madrigal's life, the Iska from UP Manila. From living in her aunt's home, she will inde...
95.8K 3.5K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...
402K 29.9K 7
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...