Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

727K 28.2K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49

Chapter 50

19.8K 601 734
By LadyAva16

Finally, another story has reached an end. So, far ito ang story ko na umabot ng fifty chapters and I would like  to thank all of you for not leaving me. Thank you Avangers for making it this far! Thank you for being with me in this heartbreaking journey in finding Gaston and Camilla's forever. 

Maraming salamat sa votes, comments at sa lahat ng encouragements niyo sa akin. I'm so honored and feel loved. Feeling ko ang galing-galing kong magsulat dahil sa mga positive messages niyo sa akin. 

Hanggang sa susunod kong story. Thank you so much and I love you all!

_____________________________________

"Ouch! Ouch! Nanay help! Aray! Aray! Kuya wag po." Gaston is exclaiming exaggeratedly like someone is really beating him.  

What the heck Gaston Pierre? Anong pinagsasabi ng lokong to? Anong ouch!? Anong aray?Ni hindi nga siya tinamaan. He's screaming like a beaten kid.

"Tangna! Ang arte mo di ka nga natamaan." pabulyaw na sabi ni Kuya Falcon, umamba pa itong susuntukin si Gaston kaya di ko na napigilan ang sariling matawa. 

Oo hindi natamaan si Gaston dahil nahila ko si Kuya bago pa man dumapo ang kamao niya sa mukha ni Gaston. I had to that dahil ang opera sa mata ng bunso kong pasaway baka ano ang pa mangyari. Lahat kami tiyak malalagot kay Mommy pag nagkataon, mukhang ito pa namang kumag na to ang paboritong anak ni Mommy ngayon. 

"Umalis ka nga dyan sa harapan ng kapatid ko, Fucker!" malutong na mura ni Kuya sa kanya. Pero sa halip na umalis ito sa harapan ko lalo niya pang sinubsob ang mukha niya sa harapan ko doon sa parteng...tilapya ko.

Yes! Gaston Pierre is kneeling in front of me, hugging me like a scared kid. He tripped and landed in front of me after coming out of the bathroom. At siguro dahil nagpanic ito sa maaring gawin ni Kuya Falcon sa kanya, mabilis niyang naisubsob ang mukha niya sa harapan ko. Making the situation more complicated and awkward. 

"Sandoval, isa!" banta ni Kuya sa kanya. Mahina ko siyang tinapik sa balikat para sundin ang sinasabi ni Kuya pero parang wala itong narinig. 

"Gaston..." tawag ko sa kanya. Magkasalubong na ang kilay ni Kuya at halatang banas na ito sa pagpapa-bebe ni Gaston.

Akala ko aalis na ito sa harapan ko dahil bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin, pero yun pala ay para sumilip lang. Nang makita niyang matalim na nakatingin si Kuya sa kanya muli niyang binaon ang mukha sa harapan ko at lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. 

Nakakahiya! Sobrang nakakahiya dahil nakatingin si Kuya sa kanya. Okay lang sana isubsob ang mukha niya doon kung kami lang dalawa. 

Wait, what?! Talagaba Yllena?

"Sandoval!"

"Nanay ang opera ko. Bawal daw ako ma-stress sabi ni Mom." parang bata nitong sabi.

" Oo alam ko, pero kung ako ikaw umalis ka dyan sa harapan ko."

 "Baka suntukin ako ni Kuya..."di ko alam kung takot ba talaga ito o umaarte lang.

"Dalawa! Pag ako di makatimpi di lang bugbog abutin mo sa akin. Kapal mo rin ano? Nagsinungaling pa si Bethany dun sa kaibigan niya na hindi kayo bati nitong kapatid ko para tanggapin ang kaso tapos heto ka lang pala sinasalisihan kami. Ano ka, sinuswerte?" 

Kaming tatlo lang ang andito sa loob pero ang ingay namin. Si Kuya at Gaston ay parang mga bata kung umasta. 

"Ayoko kasi ng annulment, pwede namang magpakasal nalang kami ulit." Sumimangot si Gason kay Kuya ng parang bata.

"Hindi nga pwede! Ang kulit mo! Akala ko ba pinaliwanag na ni Yllena sayo lahat."

"Oo nga pero---"

"Walang pero-pero dito. Umalis ka dyan sa harapan ng kapatid ko! Wag mo ako sagarin Sandoval at baka di mo matantya galit ko."

"Star, galit nga talaga. Anong gagawin ko?"

"Abay ewan ko sayo." sabi ko ng nakatawa.

"Talagang sinusubukan mo ako Sandoval?" humakbang na palapit si Kuya sa amin. Pati sa akin ay nakasimangot na rin ito. 

"Nanay, I'm scared. Ang lakas niyang manuntok. I swear."

" I'm warning you Sandoval, malilintikan ka talaga sa akin pag di ka umalis dyan sa harapan ng kapatid ko. Gago ka talaga ano? Iniwan mo pa talaga ang kambal para sumunod dito? Hindi ka ba marunong maghintay? Pag ako talaga nainis sayo hindi ko na ibabalik ang kapatid ko. Now, let go of my sister!"  

" Promise mo muna di mo ako sasaktan, Kuya? Sumbong kita kay Mom at sa misis mo. Lagot ka pag nalaman ng misis mo, sige ka." 

What the hell? Ayos na sana eh. 

"Ano kuya, deal?"

Seriously Gaston Pierre? Lalo mo lang pinapainit ang ulo ni Kuya Falcon sa mga pinagsasabi mo.  

"Kuya your face, Fucker! Ang kapal ng mukha mong tawagin akong Kuya. Hindi kita kapatid gago!"

Ako na ang kumalas sa braso ni Gaston na nakapulupot sa akin. Nung una nagmamakaawa pa itong tumingin sa akin pero dinilatan ko siya kaya ito kumalas.

"Wawa ako Nanay." bulong niya pero inirapan ko lang.

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako kay Gaston. Para talaga itong batang naghahanap ng kakampi. 

"Sige, Bro nalang, kung ayaw mo ng Kuya. Basta peace na tayo? May pick up line ako." 

Pagkarinig palang ni Kuya ng salitang pick-up line nag-iba agad ang reaksyon ng mukha nito.

 "Alam ko mahilig ka sa ganun sabi ng kambal. Kaya may baon ako, nagresearch talaga ako para sayo." para itong batang nangungumbinse. Maypataas-baba pa ng dalawang kilay niya habang nakatingin sa nakasimangot kong Kuya.

 Hindi ko alam kung anong trip ni Kuya at tuwang-tuwa ito kapag nakakarinig ng ganun kasi ako personally I find it cringy. Ewan ko di ako natatawa dun or maybe hindi lang ako sanay. 

"Ewan ko sayo, di ako interesado dyan sa pick up lines mo. Umuwi ka na." sabi ni Kuya pero halata namang naghihintay sa sasabihin ni Gaston. Umupo pa nga ito sa pang-isahang sofa doon sa silid habang nakatingin sa amin. Pati ako tuloy gusto kong matawa sa reaksyon niya. 

"Umuwi ka na, Sandoval."

"Sige na, OA neto. Nagresearch pa naman ako. " mahina ko siyang siniko dahil nakita kung umangat ang isang kilay ni Kuya. 

"Isa lang at..." Kuya showed him his fisted fingers. " siguraduhin mong matutuwa ako kundi lagot ka sa akin." Tumango naman si Gaston. Marahan niya pa akong inalalayan palapit sa pwesto ni Kuya. 

 "Alam mo naman siguro kung paano gawin ang batuhan ng piack-up lines ano? Ako ang unang magsasabi ng linya ko,  tapos sasagot ka sa akin. Isang salita lang ang sasabihin mo, BAK--"

"I know, Dumbass!" malditong putol ni Kuya sa kanya. "I've been playing with my wife that game since then, Crazy! Sige na, you start."

Sabi na eh. Kunwari masungit pero halata namang interesado. 

Naku Gaston, ayos-ayusin mo yang pick up lines mo kundi malilintikan ka talaga kay Kuya. 

"Ready?" Gaston asked.

 Kuya rolled his eyes. "Ready Fucker! Make it fast." That made me laugh. 

Tiningnan ko si Gaston, ngumiti ito sa akin at ewan ko bigla parang nagheart-heart yung mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ang gwapo ni kumag, partida pang walang maayos na tulog yan. 

He's wearing a gray fitted shirt perfectly hugging his muscled arm and broad shoulder. Simple lang naman ang suot niya pero bakit ang gwapo niyang tingnan? Hindi lang gwapo, yummy pa. Kung di lang dumating si Kuya kanina baka may luhuran...I mean--"

"What the hell Sandoval? Ano magtitigan nalang ba kayo ni Yllena?" sabay kaming napaigtad ni Gaston. Di ko namalayang nagkatitigan na pala kaming dalawa. 

"Oo na, heto na." sabi ni Gaston. "Kalma ka lang Kuya.Chill!"

Umabante ako ng isang hakbang baka sakaling mapikon si Kuya sa pick up line ni Gaston mapipigilan ko.

Gaston: 

"Bro, hangin ka ba?" pinaswabe nitong sabi. 

Falcon:

"Bakit?" kalmadong sagot naman ni Kuya. 

Gaston:

"Hindi kita nakikita pero nararamdaman kita. Boom! Uyyyy! Warm-upppp!" proud itong tumingin sa akin. May nagyayabang pang ngiti itong binalik ang tingin kay Kuya pero nabura ito ng magsalita si Kuya. 

"It's not funny. Mas maganda pa pick up lines ng asawa ko."

Sumimangot si Gaston pero agad ding nakabawi. "Sige-sige, isa pa. Warm up palang yun kanina eh."

Gaston:

Bro, utot ka ba?

What the heck? Sa dami ng pick up line ito pa talaga? Ano from hangin to utot real quick?

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kuya at si Gaston naman pinipigilan ang sariling matawa. Akala ko hindi sasagot si Kuya, mahabang katahimikan ang namagitan bago ito tumikhim at nagsalita. 

"Bakit?" ani Kuya, nakataas pa ang isang kilay. 

Gaston: 

"Tahimik ka kasi pero, ang lakas ng dating." nakangising sagot nito. Pumalakpak pa ang loko ng makita niyang may gumuhit na ngiti sa labi ni Kuya. 

"Kilig ka Bro? Uyyy kinikilig. Gagayahin niya yan. I'm sure."

"The hell, fucker? I have my originality wag kang pabida dyan.Ibalibag kita eh." inikutan niya pa ng mata si Gaston.

Somehow Kuya Falcon loosened up. Itong pick up lines lang pala ang dahilan. Kung alam ko lang e di sana noon ko pa 'to pinagawa kay Gaston. 

"Meron pa, Bro, mas kikiligin ka dito." nakangising sabi ni Gaston pero napansin ko ang pagkapit niya sa likod ko. 

Nanantiyang tumingin si Kuya sa kanya. 

"Legit to, Bro, promise!" tumikhim pa ito ng ilang beses, bilang paghahanda. Pero masama ang kutob ko sa susunod na sasabihin nito. Parang feeling ko may kalokohan ang Sandoval na to. Tumingin ako sa kanya, binigyan ko siya ng warning look pero marahan niya lang akong tinapik sa likod.

Gaston: 

"Bro, tae ka ba?" swabe nitong sabi. 

Sumimangot si Kuya Falcon sa kanya, pati ako ay napalingon din. Seryoso ang mukha ni Gaston, wala itong kangiti-ngiti. Pagbaling ng tingin ko kay Kuya mataman na itong nakatitig kay Gaston at nakasampok ang kilay. Akala ko hindi na ito sasagot pero bigla itong nagsalita. 

"Bakit?" masungit na tanong ni Kuya sa kanya. Halatang napipilitan lang.

I am expecting that Gaston's answer will be the same as his first pick-up lines but to my surprise ang loko talagang pinanindigan ang pagkamaloko niya. Ngumisi pa muna ito kay Kuya bago ko naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa akin. 

"Bakit, Fucker answer me." 

Gaston:

"Ang baho mo kasi!" then he burst out laughing. Pati ako ay natawa din. Hindi ako natawa sa biro niya pero natawa ako sa reaksyon ni Kuya. 

I was waiting na bawiin ni Gaston ang kanyang sinabi pero yun na pala yun. Lintek lang talaga. Maayos na sana eh pero sinira niya pa talaga. 

I saw how Kuya's mouth parted in shock. Tumalim ang tingin nito kay Gaston at bago pa man ito makatago sa likuran ko inisang hakbang ito ni Kuya at mahinang sinikmuraan. 

"Aray bro! Joke lang, to naman ang pikon eh" pero kinawit na ni Kuya ang kamay niya sa leeg ni Gaston, pretending to choke him. At ang Sandoval na may kiliti doon ay panay naman ang pagpupumiglas para tuloy silang mga batang nagwre-wrestling. 

I was smiling while looking of them.  Who would have thought that this day will come. 

"You're such a pain in the ass, Sandoval! Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sayo ng kapatid ko. Hindi ka naman kagwapuhan. Anong pinagyayabang mo ha? Pangit mo!"

"Pangit man sa iyong paningin, pwes... ikaw din!"

"Fuck you, Fucker! Gago ka talaga! Apaka kulit mo!"inambahan siya ng suntok ni Kuya pero tinawanan niya lang ito.

"Nanay oh, peace na kami ni Big Bro. Pakiss nga, Kuya Ibon." sinubukan niya pang abutin ang mukha ni Kuya pero mabilis nitong natulak an mukha niya. 

Malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Masaya akong sa wakas ay nagkabati na sila ni Kuya. Hindi na kami magkikita ng patago ni Gaston kapag nandyan ang Kuya Falcon ko. 

Indeed, everyone deserves a second chance, right? 

Hindi naman masama ang magpatawad diba? Bagkus naging magaan pa ang iyong kalooban. Ang sarap mabuhay ng walang galit sa puso. 

Something came up. Ate Beth called informing me that the meeting is cancelled. Hindi na natuloy ang pakikipagkita ko kay Atty. Torrecelli kaya napagdesisyunan nalang namin ni Gaston na umuwi. Sumabay kami kay Kuya Falcon at walang ginawa si Gaston buong byahe kundi ang kulitin si Kuya. 

Noong una banas pa si Kuya sa kanya pero kalaunan, nakikipagtawanan na rin ito. Hanggang sa sila nalang ang nag-uusap. Maraming silang napag-usapan ang surprisingly alam pala ni Kuya ang mga ganap sa buhay ni Gaston nung panahong hindi pa ito nakakakita. 

"I'm really sorry, Bro." Gaston whispered softly. "Alam ko marami akong pagkukulang sa mag-ina ko, pero babawi ako." ginagap niya ang kamay ko, dinala ito sa kanyan labi at masuyong ginawaran ng halik. 

Kuya Falcon was just looking at us. His reaction is not the same as before. I can see the gentleness in his eyes this time as he looked at Gaston. 

"I know what we did to your sister is unforgivable. Lalo na ako na asawa niya. I regret everything, Bro but I know that no matter what I do now,  I can't undo the past. Isang malaking pagkakamali na nagpadala ako sa aking emosyon nung mga panahong yun. Pero mahal na mahal ko ang kapatid mo."

Nakita kong tumango si Kuya sa kanya, lalo pang lumambot ang tingin niya kay Gaston. 

"Mahal na mahal ko si Camilla, Bro. My life is a mess when I lost her. " he glanced at me and I saw how he blinked the tears that started forming in his eyes. "I'm alive but hardly breathing. Si Camilla lang kailangan ko sa buhay ko. Si Camilla lang...noon, ngayon at bukas. She's all that I need."

Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Parang may humahaplos sa puso ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya kay Kuya. 

"I'm sorry, Baby..." he whispered lovingly as he wiped the tears on my face. " I love you so much, Star that I cen't help but be emotional every time I remembered how you suffered back then."

"Shhh...enough, Gaston. May kasalanan din naman ako sayo dahil hindi ko nasabi agad. We both have our share of mistakes. Hindi lang ikaw ang may mali. Everything has a reason. We may not understand it before but now it teaches us a lesson. A lesson that love alone cannot live without trust. We need to trust each other, communicate and open up before concluding. We have learned our lesson, Gaston and this time we will do everything together. Pag-usapan muna natin lahat bago tayo magdesisyon sa isang bagay. That's how a family will work together."

He nodded at me. His beautiful pair of blue eyes is twinkling as he lowered his head and planted a soft kiss in my forehead. "I love you so much, Star...always and forever." he whispered huskily. I smiled at him before he turned his gaze at my brother. 

"Bro, gusto kong magpasalamat sa inyo, salamat sa pagpapatawad at pagtanggap sa pamilya namin. Salamat sa pag-alaga mo sa mag-ina ko noong mga panahong wala ako. Habang buhay kong tatanawing utang na loob ang pagkalinga mo sa mga bituin ko. Ngayong nandito na ako, hayaan mo akong bumawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kanila." Nakita kong tumango si Kuya sa kanya bago gumhit ang maliit na ngiti sa mga labi nito. 

"Pinapangako kong mamahalin at alalagaan ko si Camilla at mga anak namin, higit pa sa inaasahan mo. Sila ang buhay ko Bro, sila muna bago ako, pangako."

"Don't promise anything, Sandoval, just do it for your family. After all, you both deserve happiness. Enough of the pain and heartaches, it's time for you and my sister to be happy." then Kuya gently tapped his shoulder. A gentle touch that changed everything. 

 Yun ang naging simula ng pagiging malapit nila ni Kuya. At dahil likas na makulit si Gaston noon pa man walang kawala si Kuya sa kanya sa tuwing nagkikita silang dalawa. 

"Sandoval, wazzup?! Ano batuhan ng pick-up lines?" Yun agad ang bungad ni Kuya. Mukhang nasa mood ito ngayon. Malayo palang malawak na ang ngiti nito. 

Dinalaw kami ni Kuya Falcon kasama ang asawa at dalawang anak niya, si Hawk at ang bagong anak na si Phoenix. Andito kami ngayon sa bahay nina Mommy at Daddy. 

Hindi sumagot si Gaston sa kanya. Ewan ko sa bunso kong 'to kaninang umaga pa ito tahimik. Pati sina Castor at Pollux ay nakapansin din sa katahimikan niya. Wala namang rason para tumahimik ito dahil sakto naman ito sa dilig at alaga. Hindi mo naman masabing natuyuan.

Or baka naman nasobrahan? Shit! Baka nga. Ewan ko ba, ibang klase itong pagkahilig ko ngayon. Hindi naman ako ganito dati pero ngayon maamoy ko lang si Gaston parang naglalaway na ako. 

I'm craving for him, like dead serious craving for him...his juice to be specific. 

"Sadboy yern, Sandoval? Kabado bente ka ba?"

"Love? Wag ka namang ganyan kay Gaston. " narinig kong bulong ng asawa ni Kuya kay Kuya Falcon.

"Haha! May kinakabahan. Ihanda mo na sarili mo Sandoval. Balita ko pa naman, magaling yung abugado ng kapatid ko. Yung abugado mo ba, magaling din? Baka naman..." 

"Falcon!" hindi natuloy ni Kuya ang sasabihin niya, isang tawag lang ng pangalan niya ng kanyang asawa. 

"Baby, sinasabi ko lang naman. Syempre para handa si Sandoval mamaya sa meeting ng  mga abugado nila. Naku kung ako sayo Sandoval pirmahan mo nalang yung annulment para makahanap na ng iba si Yllena."

Gaston glared at Kuya like a kid who's about to throw tantrums. 

"O bakit? Syempre pag-annulled na kayo. You are free and so is my sister. Pwede nang ligawan ni Mar--"

"Ayaw  mo talagang timigil Ibon, ano?" putol sa kanya ng asawa niya. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Kuya ng makita niyang nakaangat ang kilay ng misis niya. "Kung ikaw kaya ang e-annul ko anong masasabi mo? Baka nakalimutan mong may kasalanan ka rin sa aking Ibon ka?! Kala mo di ko nabasa yung text ng secretary mo kanina?"

Biglang namutla si Kuya. Kami naman ni Gaston  ngayon ang gustong matawa sa kanya. Sinubukan niya pang abutin ang kamay ng asawa niya pero tinabig siya nito. 

Yan tuloy na back to you ka Kuya. Bully kasi. Alam niya namang kinakabahan si Gaston, kung ano-ano pang sinasabi. 

"Kaya siguro nagtatagal ka sa opisina mo ano? Ako Ibon wag mong masubukan at hindi mo pa ako kilala." banta ng asawa niya na namamaywang pa. After she gave birth to Phoenix hindi na ito mahiyain. Open na itong nakikipag tawanan at nakikipag kwentuhan sa amin ni Ate Beth at Mom. 

"Baby? I-it's, it's not in my h-hand..." he stammered. "I can't control their feelings. Hindi ko kasalanang gwapo ako."

"Ah talaga??? Okay, sige, see you in court din kung ganun?"

"Baaaaaby..." malambing na tawag ni Kuya sa asawa niya pero iniwan na siya nito. Malditang itong nagmartsa palayo sa amin pero bago yun pilya itong kumindat sa akin. 

That's my girl! Girl power kami dito sa bahay. Hindi pwedeng maghari-harian ang Kuya Ibon dito.

"Are you sure we really need to do this, Nanay?" 

Kulang nalang isiksik ni Gaston ang sarili niya sa akin sa higpit ng pagkakayakap niya.  Papunta na kaming dalawa ngayon sa  court para kitain ang mga abugado namin para masimulan na ang proseso ng annulment. 

Actually kagabi pa ito nangungulit sa akin na hindi nalang itutuloy. Paano kasi hindi lang si Kuya ang nambubulagbog sa utak niya kundi pati ang mga makukulit niyang mga kaibigan. Kung ano-anong sinasabi ng mga ito sa kanya, pati ang walang kamalay-malay na si Doc RN ay nadamay pa sa kalokohan nila. 

"We need to do this, Gaston. It's for us. I already explained to you my reasons right?"

"Pero kasi sabi nila, magpapaligaw ka---"

"It's only you, Gaston. " I said cutting him. I saw how his eyes softened as he stares at me. 

Oh, I'm so in-love with this man. 

"After all this time it's still you that I love, Gaston." I said softly. I lifted my hand and reached for his face cupping it. I stared at his eyes gently and he looked at me lovingly. 

"It's always been you, my Gaston Pierre. It was you yesterday, it's you today, and it will be you tomorrow and the rest of my life. Ikaw lang ang pipiliin ko araw-araw, Dada, so don't be hard on yourself."

"D-dada? Y-you called me, Dada again? " I smiled at his reaction. For the longest time, ngayon ko lang siya ulit tinawag ng Dada. "I'm your Dada, Nanay?" I nodded, smiling. "Thank you, Star! Thank you Nanay ko! I love you po, so much!" saka mahigpit niya akong niyakap. 

"I love you too, Dada." nakangiti kong sagot sa kanya. "O siya, sige na, kitain mo na ang abugado mo at kikitain ko na rin ang abugado ko." Nakita ko ang pagprotesta sa mga mata niya, nilibot niya pa ang tingin sa paligid pero ng makita niyang andun si Kuya Rene saka pa ito naging kampante. 

'I'll be fine. Kuya Rene is here and Kuya's men are scattered everywhere too. Sige na at baka mainip na yung abugado ko." I tiptoed to give a chaste kiss on the lips. Smack lang sana yun e pero walang smack pagdating kay Gaston Pierre. Nakakahiya tuloy kina Kuya Rene, sila pa yung nag-adjust.

"See you inside, Baby." He said when I turned my back at him. 

"See you, Dada." I replied and winked at him.

I was nervous but at the same time excited. Who would have thought that the woman I met in the airport years ago is the same woman that will handle my annulment today. No other than the famous Atty. Ezra Monique Torrecelli.

Nangangarap lang kaming dalawa noon na sana balang araw maging doktor ako at siya naman maging abugado. Dreams really do come true and now we are living our dreams. Kailangan lang ng tiyaga, determinasyon at pagsisikap. 

"Camilla! Oh God. You're so pretty! How are you, Doc?"  Atty Ezra welcomed me with a hug. 

Years passed but still hasn't changed. Kung may nagbago man, yun ay lalo siyang gumanda. She look fiercer, stronger and more empowered. But nevertheless she's still the same person I met before, sweet, caring ang gentle.

"Ang ganda mo ba Babe, saan ang camera? Dito ba? " tinuro niya ang cctv na nasa uluhan namin. "Artista ka ba? Saan mga kasamahan mo?" Naguguluhan pa ako nung una pero bigla akong natawa ng maalala ko ang pinagsasabi ko noong akala ko nasa social experiment lang kaming dalawa. 

"Ate!" panlalambing ko sa kanya bago ako yumakap. "It's been years, finally I see you again in person. Nice to see you, Ate. Kumusta ka na? Kamusta na kayo nang asawa mo? Sorry pala hindi na matutupad yung pagsi-ship ko sayo sa Kuya ko kasi nakahanap na siya ng babaeng mahilig sa pick-up lines. May asawa na ang Kuya Falcon ko, Ate Ezra."

Lumawak ang ngiti niya sa akin sabay iling. She looks even more radiant than before. Fresh at young looking pa rin. I wonder if she's still in modelling 'coz looking at her right now para pa rin akong nasta-star strcuk sa ganda niya.

"Are you ready to meet your husband, soon to be ex?" I nodded, smiling. She offered me her hand and I gladly accepted it. "Let's get inside, Babe. Girl power!"

We walked together in a quiet hall way. Tanging mga tunog lang nga mga sapatos na suot namin ang tanging maririnig. Parehas na seryoso ang mukha naming dalawa habang naglalakad papasok sa silid kung saan kami magkikita ni Gaston kasama ang abugado niya. Kinakabahan ako dahil balita ko magaling din ang abugadong nakuha ni Gaston. We don't know what will happen after this. 

We reached the room and stopped in front of the door. I took a deep breath and released it. I'm nervous but at the same time excited that finally we took the first step to star anew.  Atty. Ezra held my hand ang gently squeezed it. Maybe she felt that I'm nervous. She gave me a comforting smile before he reached the door pero bago niya pa mabuksan yun pinigilan ko ang kamay niya. 

Nagtataka itong lumingon sa akin. "Why, Babe? Anything wrong?"

"Kinakabahan ako Ate, kilala mo ba abugado niya?" Ate Ezra shook her head but she gave me reassuring smile. 

"Leave it to me, Camilla. Akong bahala sayo." We both smiled. She shifted her expression into serious one before she held the door handle and slowly opened it. 

I saw how Gaston's lawyer paled the moment we set foot inside that room. Nagtatawanan pa silang dalawa kanina pagkapasok namin pero bigla, parang may kakaiba akong nakitang takot sa mga mata ng abugado niya pagkakita niya sa abugado ko. 

"Good morning, gentlemen." Ate Ezra broke the silence. "Mr. Sandoval, Atty. Gonzales." she greeted as she offered her hands at Gaston and his lawyer who obviously looks surprised. "Atty. Ezra Monique Torrecelli."

"Gonzales. You're still a Gonzales, wife." Gaston's lawyer declared that left me dumbfounded. Ako naman ang nagulat ngayon. Does it mean?

Naguguluhana kong tumingin kay Ate Ezra na ngayon ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa abugado ni Gaston. Maya-maya ay nagkibit balikat ito na parang wala lang sa kanya. Nagkatinginan kami ni Gaston, kita ko rin ang kalituhan sa mga mata niya, 

"Let's start gentlemen." Ate Ezra formally announced before she motioned them and me to take a seat. 

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Halatang gulat kaming tatlo sa mga nangyayari. Si Ate Ezra lang ata ang nakapaghanda. 

"So?" Ate Ezra started pero isang salita pa lang ang binitawan ni Ate Ezra nakita ko nang nagmamadaling binuksan ng abugado niya ang attaché case na dala nito sabay kuha ng ballpen at mga papeles doon at inabot kay Gaston.

"Sign it." his lawyer said.

"Huh? Why?"" Gaston look at him confused pero tinanggap din naman niya ang ballpen. 

 "Walang why-why dito, Sandoval kundi lagot ako. Bilis pirmihan mo na." Inabot niya pa ang kamay ni Gaston na may hawak na ballpen para itapat ito sa pangalan niya doon sa annulment paper.

"Tapos na ba? Akala ko kanina, sabi mo...tapos na yun lang yun?" Gaston asked confused. Sinulyapan niya ngayon si Ate Ezra na nakakibit balikat lang habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sige na Sandoval. Letse ka, mapupurnada pa ako sa yo eh. Pirmahan mo na kasi."

"So palang ang sinabi ng lawyer niya Gonzales, tapos na agad? Wala man lang batuhan ng linya. Yung 'so' lang?"

"Oo, wala ng tanong-tanong pa. Bilis pirmahan mo na kung ayaw mong mapurnada ang lahat. Akong bahala sayo basta pirmahan mo lang. " Dinutdot niya ang kamay ni Gaston doon sa may pangalan nito. Naguguluhan man wala itong nagawa kundi sundin ang abugado niya. 

"Bakit? Can you explain to me what's happening here?" he asked while signing. Ang abugado niya ang pumapakli ng papel at siya ay sunud-sunuran lang. "Hey, Fucker, I'm signing already but could you atleast explain it to me."

"Wala ng explain-explain pirmahan mo na kung gusto mo pang maging masaya." 

"Huh?" 

We both laughed at their reaction. Gaston finished signing the papers feeling confused. Palipat lipat ang tingin niya kay Ate Ezra at sa abugado niya. 

"Here, wife. We concede, my client already signed the paper. You can proceed."

"Wife?" Gaston intrude. " You mean, she's the one you've been searching for a long time, your wife?" lumipat ang tingin niya kay Ate Ezra na ngayon ay may ngiting tagumpay na. Kung nagulat si Gaston lalo na ako. 

Ito pala yung lalaking iniyakan ni Atty Ezra sa airport noon. He's a lawyer din pala and surprisingly he's Gaston's friend. 

"Are you sure she is your wife? I mean bakit ka niya pinatulan?"

"Yeah fucker, she's my wife, gago ka ah! Kaya wag ka nang umangal pa." Inakbayan siya ng abugado niya. 

"Pinatalo mo kaso ko, Gonzales? Di ka man lang lumaban? Akala ko ba magaling ka?" parang bata nitong reklamo sa abugado niya. 

"Happy wife, happy life, that's what my dad said. Kaya kung ako ikaw, yes lang ng yes." Gaston frowned but later nodded agreeing to him. 

"Dalawang rules lang yan sabi ni Dad.  Rule no. 1. Wife is always right. Rule no. 2: If you think that you are right, go back to rule number 1. Yun lang ang sekreto."

"Huh? Ganun ba yun?" 

"Oo ganun lang yun. Kaya sige na, umuwi na kayo. Baka bumuka pa itong sugat ko 'pag pinatagal pa natin to."

Natigilan ako. Sugat? Ibig sabihin siya yung kaibigan nina Kuya na narinig kong pinag-usapan nila noong nakaraan. Yung nabaril ni Annika? Magtatanong pa sana ako kung anong nangyari pero bago ko pa magawa yun nauna ng magsalita si Ate Ezra. 

"He's been shot, Babe. The same woman who caused us so much pain years ago." 

"Us?" Ako naman ngayon ang naguguluhan.

Tumayo si Gaston at lumipat sa tabi ko at ganun din ang ginawa ng abugado niya. Tumayo ito para alalayan si Ate Ezra na maupo sa tabi nito. 

"We have something in common, Camilla." Ate Ehra said looking straight to my eyes. Pagkatapos isa-isa niyang tiningnan si Gaston at ang asawa niya. 

"Si Annika, ang babaeng sumira sa relasyon niyo ay parehong babae na sumira sa relasyon namin." It's like a bomb na pinasabog ni Ate Ezra. So yung babaeng mala demonyo ang pag-uugali na hindi bumagay sa maamo niyang mukha ay naging bahagi ng buhay ng dalawang lalaking nasa tabi namin ngayon?

"Anong nangyari sa kanya, Ate?" naramdaman ko ang paghawak ni Gaston sa kamay ko at ang mahinang pagpisil niya dito. Umusog pa ito palapit sa akin para isiksik ako sa kanya. Nahihiya man dahil nakatingin sina Ate Ezra pero hinayaan ko na. Mukhang ganun din naman ang asawa niya dahil nakapulupot din ang braso nito sa bewang ni Ate Ezra.

"Don't be scared, she 's in the right place now. She's already admitted in a facility that could  treat her." Treat? Bakit anong nangyari sa kanya? 

"She's not in her right mind. She's been in and out of the rehab for years and she had a relapse after not completing her treatment."

 I can't believe I'm hearing this right now. I've seen Annika before and I'm not expecting that she would end up that way. I'm mad but at the same time feel sorry for her. She did horrible things to us in the past but I still pity her.

Ewan ko pero parang bigla nawala ang galit ko sa kanya dahil sa nalaman ko. Bigla nakadama ako ng awa dahil alam kong hindi madali ang magkaroon ng problema sa pag-iisip. 

Mental illness  is not a joke. Any form of anxiety, depression, trauma causing it is so hard. I've been there and I know how hard it was. 

"Let's go home, Angel." I heard Atty. Gonzales whispered softly to Ate Ezra. Inabot niya ang kamay ni Ate Ezra at dinala ito sa kanyang labi saka masuyong hinalikan.

"Nanay, inggit ako." mahinang bulong ni Gaston sa akin. Siguro narinig ito ni Atty. Gonzales dahil nakita ko ang pag-angat ng isang kilay nito kay Gaston. Magsasalita pa sana ito pero biglang tumunog ang cellphone niya. 

Kinuha niya ito sa bulsa tsaka tiningnan. Hindi niya sinagot ang tawag hanggang sa naputol ito. Magpapaalam na sana ako para makauwi na rin kami pero muling tumunog ang cellphone ni Atty. Gonzales. 

"Answer it, Daddy." sabi ni Ate Ezra sa kanya ng pinakita niya ang screen dito. Kunot noo at mukhang napipilitan pa. 

"Yes, peanut boy, anong problema? Oo nandito pa pero tapos na pauwi na kami." sabi nito sa kausap niya. Tumingin ito kay Gaston at nakita ko ang makahulugang tingin na pinukol niya dito. Nilipat ko ang tingin kay Gaston pero malambing lang itong tumingin sa akin. 

"Yeah, I know the place. We're near. Didiritso na kami ng asawa ko...Oo nga! Fuck, Anthony ang kulit mo! Oo sabi, akong bahala. Sige na bye!" mukhang di na niya hinintay ang sagot nito dahil mabilis niya ng pinutol ang tawag. 

Sabay na kaming apat na lumabas sa silid. Uuwi na sana kami Gaston pero nag-aya si Ate Ezra at ang asawa niya na sabay na kaming maghapunan. May restaurant daw silang pinareserve dyan lang sa unahan. 

Tinawagan ko na lang ang mga bata na male-late kami ng uwi ng tatay nila pero mukhang masaya pa ang mga ito. Sabagay andun si Kuya Hawk nila sa bahay may kalaro ang mga ito. 

"Cam, I'll go to the washroom first pwede mo akong samahan?" sabi ni Ate Ezra pagkarating namin doon. 

"Sure Ate." pagpayag ko at himala na hindi man lang nagprotesta si Gaston.

The place is so nice, one of the coziest place in the area. The interior is well planned , modern design and well coordinated. The ambiance is nice,  the lightings are perfect, adding warmth to the place. Based on the article I read recently, this place is owned and managed by the youngest CEO in town, the seventeen year old, Dalton Ambert Dominguez. 

Yes, the same Dalton na inaanak ni Gaston na anak ni Ate Zia at Kuya Ethan. Oh, how I miss that sweet little boy. I have not seen him for quite some time now. Di bale, kakausapin ko sa Gaston na dalawin namin sina ni Ate Z sa bahay nila. 

Pagkalabas namin ng washroom agad kaming sinalubong ni Kuya Rene.  Napansin ko pang medyo kinakabahan ang mukha nito. 

"Kuya Rene, bakit?"tanong ko sa kanya, medyo kinakabahan na rin. 

"Doc Yen, si Sir Gaston po nawalan ng malay. Nadulas po kasi siya doon sa loob. Tara po."

Nagmamadali kaming sumunod ni Ate Ezra sa kanya. Abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Kung ano-anong pumasok sa utak ko. Baka kung nabagok ang ulo niya at sobrang lakas ng impact kaya nawalan ito ng malay. 

Pagkarating ko doon agad kong nakita si Gaston na nakahiga patihaya malapit sa may artifical na waterfall sa bandang dulo ng resto.

"Call the ambulance Kuya Rene" nagpapanic kong sabi.  Nilibot ko ang tingin sa paligid para sana maghanap na tulong pero ang ipinagtataka ko walang ibang customer doon. Hindi ko rin nakita si Atty. Gonzales na siyang kasama niya. 

"Kuya Ren---"

Paglingon ko hindi ko na rin makita si Ate Ezra at Kuya Rene. Saan sila? Bakit biglang nawala? Wala din akong dalang cellphone dahil naiwan ko ang bag sa loob ng sasakyan. 

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.Nakatayo na ako sa harap niya pero hindi pa rin ito gumagalaw kaya lalo na akong kinabahan. Tinawag ko ang pangalan niya pero walang response mula dito. Lumuhod sa gilid niya, bahagya kong ginalaw ang balikat niya pero hindi ito gumalaw at mukhang nawalan talaga ng malay.

"Gaston..." mahina kong tawag sa kanya pero walang sagot. Nakapikit lang ang mga mata niya at bahagyang nakabukas ang kanyang bibig.

"Tatay...gumising ka." tinapat ko ang aking tenga sa kanya dibdib para pakinggan kung tumitibok pa ito kasabay ng paghawak ko sa palapulsuhan niya kung pumipintig pa din ba. Meron pa lahat, dinig ko ang tibok ng puso niya at ang dama ko ang pagpintig ng pulso niya, siguro nawalang lang ito ng malay

Muli kong inilibot ang tingin sa paligid baka sakaling meron pang ibang makakatulong sa amin pero kaming dalawa lang ang nandito. Lord, anong gagawin ko dito kay Gaston?

Then biglang nag-flashback sa utak ko ang ganitong pangyayari noong una ko siyang nakita. Ibang lugar pero yung replica ng paligid ay parehas ng doon sa may talon. 

Could it be a coincidence?

"Gaston...gumising ka." muli kong tawag, pero wala talaga itong reaksyon. "Tatay, please wake. What happened to you? Kinakabahan na ako." pero wala pa rin itong reaksyon. 

I relaxed myself, I need to perform CPR. Sa nanginginig kong mga kamaY,  pinump ko ang dibdib niya bago ko nilapit ang bibig ko sa bahagyang nakaawang niyang bibig bago ko ito binugahan ng hangin. A mouth to mouth resuscitation will help him. 

"Dada, wake up!" tawag ko sa kanya. Ilang buga na ang aking ginawa pero hindi pa rin ito dumidilat. Muli kong binomba ang dibdib niya at muli binigyan siya ng hangin sa bibig hanggang sa unti-unti gumalaw ang labi nito na parang humahalik sa akin.

What the hell? This is really a dejavu. Exactly the same thing happened years ago. 

Tumigil ako sa pagbuga ng hangin sa bibig niya at tiningnan ang ang mukha niya kung nagkamalay na ba ito pero nakapikit pa rin.Tinitigan kong mabuti ang mukha nito. Ang medyo makapal nakilay, matangos ang ilong, manipis at mapupula ang mga labi niya ay ganun pa rin.

Gwapo in short!

Seriously Camilla, yun pa rin ang iniisip mo?

"Gaston, gumising ka. Tulong!" Nagsimula na akong mag-panic ilang minuto na pero wala pa rin itong malay, baka kung ano na ang nangyari dito. Kinapa ko ang ulo niya wala akong nakitang dugo doon. Tiningnan ko din ang pwesto niya, wala din namang basa kaya paano siya nawalan ng malay?

Muli kong binugahan ng hangin ang bibig niya at muli kong naramdaman na gumalaw ito na parang hinahalikan ako. Naramdaman ko pa ang bahagyang paghinga nito sa aking bibig kaya dali-dali akong lumayo, pero pagtingin ko sa mukha niya, nakapikit pa rin ito gaya kanina.

Ano yon? Guni-guni ko lang ba na parang hinahalikan niya ako?

Malapit na akong maiyak, sobrang lakas na ng kaba ng dibdib ko dahil wala pa ring malay si Gaston. Kinapkapan ko ang bulsa niya para hanapin ang susi doon pero wala akong makapa. Tama pina valet niya pala kanina. 

"Gaston please, wake up!" desperada kong tawag sa kanya. Niyugyog ko na ang balikat niya pero hindi pa rin ito gumagalaw.

Muli kong inayos ang pagkahiga niya at inulit ang ginawa ko kanina, pinump ko ang kanyang dibdib at sa huling paglapat ng labi ko sa mga labi niya ay bahagya kong naramdaman ang paggalaw ng labi niya at pagdila niya sa labi ko.

"What the?..." nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. His eyes are still close but I can see that his eyelids are moving and his lips are pressed like he is supressing to smile.

Agad akong lumayo sa kanya, pero this time alam kong gising na ito at nagkukunwari lang. Bigla akong nainis sa kanya, tatayo na sana ako pero bago ko pa magawa yun bigla itong humawak sa akin.

Bumungad sa akin ang kulay asul niyang mga mata. Hindi ko alam kung anong meron sa mga mata niya pero bigla para akong bumalik sa unang araw na nakita ko siyang nakatihaya doon sa ilog. 

Itong kulay asul na mga mata niyang naghahatid sa akin ng kakaibang saya. He looked at me and I saw how adorable he was. Gusto ko sanang pagalitan ito sa kalokohan niya pero bago ko pa nagawa yun bumangon ito at yumakap sa akin. 

"Thanks for kissing me, Miss beautiful. Nabuhay ang katawang lupa ko." 

The same line he told me before. I smacked his arms but deep inside kinikilig na ang fallopian tube ko. 

Agh! Ang landi ah.  Kumalma ka Camilla at baka nakalimutan mong buntis ka. Hindi lang isa, kundi dalawa.

 Ahuh, you heard it right. I'm pregnant again and this time it's still a twin. Hindi pa nga lang ma-identify ang gender ng susunod naming kambal. At hindi pa rin alam ni Gaston. Siya lang ang hindi pa nakakaalam. Balak ko na sanang sabihin sa kanya pero sabi ng mga kapatid niya maghahanda daw sila ng party sa hacienda para e-reveal ang sorpresa sa Kuya nila. 

"Star?"

"H-huh?" nautal pa ako. 

Kalma Camilla, saway ko sa aking sarili ng tulungan niya akong tumayo pagkatapos ay lumuhod ito sa harapan ko. 

Pero paano ako kakalma kung may nakahandang singsing sa harapan ko ngayon? Tinitigan ko yun at hindi ko na napigilan ang panlalabo ng paningin ko ng makita ko ang wedding ring at engagement ring na tinapon ko noon sa kanya. 

"D-Dada..." hindi ko alam kung may lumabas pa bang boses mula sa akin pero nakita ko ang maliit na ngiti na gumuhit sa mga labi niya. Kasunod nun ay ang pag-uunhan ng mga luha sa kanyang pisngi. 

"I a-already signed the a-annulment paper, Nanay. " he started and his voice broke. "It's been a rough journey for us, Cam, but my love for you knows no end. When you were gone, I lost my will to live. Sabi ko para saan pa para mabuhay ako kung wala ka naman sa tabi ko. Kaya nung nawala ang paningin ko, masakit man pero mabilis ko ring tinanggap. I deserved it anyway. "

His tears started streaming down his face. I bit my lip to stop myself from sobbing but I can't help it. Now that I'm pregnant I became to emotional. 

"I lived in the dark for years but I enjoyed living in darkness, you wanna know why?" I nodded. "Because in the dark I can see the light, in the dark I can see your shine. You are the only light the keeps me alive baby, you are the only star that I wan to see every damn and fucking night. Ilang beses kong sinubukan sumuko pero sa tuwing nakikita ko ang mukha mo sa isip ko muli akong nabubuhayan ng loob."

"Shhh...stop crying." maingat kong pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Paglingon ko sa paligid nakita kong andun na pala ang mga mahal namin sa buhay. Si Papá Gideon at Mamá Beth. Si Kuya Gustavo kasama ang asawa't anak nila. Ang lima pang kapatid ni Gaston, si Caleb na buhat si Wyatt,  si Cairo na nasa wheel chair pa rin tulak ng personal nurse niya, si Cleopatra na medyo may umbok na ang tiyan. Si Hunter at Thunder na hawak ang anak na si Ameeya. 

Nandito rin si Mommy at Daddy, si Kuya Falcon at ang asawa't anak niya, si Ate Beth kasama ang Architect niyang asawa at ang mga kaibigang makukulit ni Gaston at ni Kuya. 

"Thank you for coming back, wife. I can't thank God enough for giving you back to me. I love you, My Camilla."

"I love you too, Gaston." his eyes softened when I said that. " I will forever love you my blue eyed maligno." I smiled at him lovingly. " Will you marry me?" 

And that made my Gaston Pierre 'blue eyed maligno' Sandoval cried like a lost baby. Kung di pa lumapit sina Castor at Pollux para patahanin ang tatay nila hindi pa ito titigil. 

 "Yes, Baby, Yes! I will marry you anytime, anywhere." he whispered lovingly before sealing it with a deep kiss.

Indeed love moves in a mysterious ways. Marami man kaming masasakit na pinagdaanan ni Gaston pero ang tunay na pagmamahal namin sa isa't isa ang siyang nagbuklod sa amin ulit. 

I can finally stop searching for my star every night because I finally find mine. 

It's him, my Gaston Pierre Sandoval. 

I am Dra. Yllena Madisson Dela Madrid, your Camilla. Finally, signing off.

Enjoy watching The Stars tonight, Avangers! I love you all.

__________________________________

Till my next story mga Langga.

Salamat. Salamat. Salamat!

Amping mong tanan. Labyu all!

10-19-2022

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
5.1K 161 53
Perception is a matter of perspective. We may have our dreams and plans for the future not always the world works according to our wishes and desires...
254K 2.5K 8
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY He is ruthless and untamed. He is cold, strict, and dangerous. Victorious and d...
271K 6K 52
THAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)