Cigarettes and Daydreams (Eru...

由 piloxofia

467K 13K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... 更多

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 19

9.9K 298 46
由 piloxofia

Sa bawat araw na pupunta ako sa bahay ng mga Luy, ramdam na ramdam ko ang disgusto ni Mrs. Luy sa presensya ko. Kinakabahan nga ako na baka sisantihin niya ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa bawat Sabado at Linggo na dumarating.

Nung Pebrero na, sinabi ni Chance na nakapasa naman daw siya sa exam. Makakapagpatuloy siya sa sem na ito na hindi na kailangang ulitin ang subject na naibagsak niya. At simula bukas, madalang ko na siyang makikita dahil ospital na ang panibago niyang escuelahan.

"Achi, will you still be my tutor when I'm in grade five?" tanong ni Wesley isang Sabado habang pinagsasagot ko siya ng exam na ginawa ko.

"Depende 'yan sa magulang mo, Bunso." Sagot ko sa bata. "But my Math grade has increased since you taught me again! Wait!"

Bigla siyang lumabas habang hawak ang pencil. Hindi muna tinapos ang exam. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang report card. Ipinakita niya sa 'kin 'yon at nag-explain pa na dapat daw magpatuloy ako pagtuturo sa kanya.

"Sige nga—bakit ba gusto mong ako ang nagtuturo sa 'yo?" tanong ko habang nilalagay ang report card niya sa la mesa.

"Mama says you're a breadwinner," pinakinggan ko siya habang nagsasalita. "And you're someone who needs help. You're smart enough to teach me, and you need help—so, Mama chose you instead of a tutoring center. I'm glad she did because you really teach well!"

Mabagal ang paglawak ng ngiti ko. Siya at si Chance ay talagang magkapatid. Mga sinsero at malalambing.

"So, can you continue to teach me?" his voice was painfully hopeful. "Gusto ko 'yon, pero parents mo pa rin mag-de-decide no'n, Wes."

"Then, you will be! I can surely tell Mama to hire you still!" nginitian ko siya at sinabihang tapusin ang sinasagutan.

Ang mga simpleng pagkakataon tulad nito ang nagiging pampalubag loob ko sa lahat ng nangyayari. Sa tuwing sasabihan ako ni Chance na magpahinga o kumain, naaalala kong, oo nga pala, mayroong nag-aalala sa akin. Tapos, itong si Wesley naman, palaging malambing. They were two peas in a pod.

Sana hindi ako tanggalin ni Mrs. Luy sa trabaho. Liwanag na ang dalawa niyang anak sa buhay kong madilim. Ayaw ko nang mawala 'yon.

"You just got home?"

Tumawag si Chance sa akin nang sinabi kong nasa bahay na ako. Nasa ospital siya ngayon at tinuturuan ng protocols para sa mga buwan kung saan sila ay mag-aaral at magtratrabaho. May 15 minutes break daw sila, kaya tumawag.

"Oo, magluluto na ako ng hapunan. Ibababa ko muna, ha?"

Umiling siya.

"Bring me with you,"

"Magpahinga ka na lang diya'n, Chance."

"E, wala ka rito, I can't rest."

Nahinto ako sa pag-aayos ng mga notebook dahil sa sinabi niya. Binalingan ko siya at nakita ang malamyos niyang tingin.

"Kulit," bulong ko sa isang kunwari'y iritadong tono. Natawa siya. "Kumain ka na ba?" tanong ko.

"No, later pa 'yung dinner time namin."

"May sandwich ka man lang ba?"

He nodded. Eventually, kinailangan na naming tapusin ang tawag dahil sa pagtawag ng doktor sa kanya.

Sa mga nagdaang araw, dinadalaw ako palagi ng takot. Hindi na ako kailanman kinausap ni Mrs. Luy tungkol kay Chance. Pero hindi rin naman bumalik sa dati ang kanyang pakikitungo. Parang... may paparating na dalubyo at hindi ko malalaman kung kailan 'yon hanggang sa magpakita na mismo sa mga mata ko.

Nang dumating ang midterms, si Chance ay dumalaw sa amin at dinalhan ako ng kababayan.

"Wala kang pasok ngayon?" tanong ko habang kinukuha ko ang supot ng tinapay.

Alas-singko na at kaka-chat niya lang na nasa labas siya ng bahay namin. Nagtaka ako dahil hindi naman siya nagsabing pupunta siya o may ibibigay na pagkain. Si Cathrina ay kuryosong nakatitig kay Chance tuloy.

"Chance, si Cathrina, bunso kong kapatid." Pagpapakilala ko sa dalawa. "Hi," ani Chance. Ngumuso si Cathrina at hindi bumati pabalik.

Imbis ay nagtanong ang kapatid ko. "Ikaw 'yung palaging kausap ni Ate, 'no?" nanlaki ang mga mata ko at sinipat ang kapatid. "Cathrina," ang boses ko ay nagbabanta.

Natatawang tumingin sa 'kin si Chance bago lumapit sa sopa kung saan nakaupo si Cathrina. "Ako nga," wika ni Chance.

"Boyfriend ka ni Ate?" pag-usisa ni Cathrina. "Chance," hindi ako pinansin ng lalaki; sinagot niya ang bata.

"Not yet, I'm courting her." Saad ni Chance. "I brought kababayan, favorite ni Ate mo 'yon. Do you also eat that?"

Ngumiti si Cathrina. "May kababayan?" maligayang tanong ni Cathrina. Natawa si Chance at sumagot. "Kain ka," anyaya ni Chance.

Tumayo si Cathrina at lumapit sa akin. Kumuha siya ng tinapay at bumalik sa panonood. Pero tinawag ko siya.

"Halika muna, basa na 'yung likod mo. Pupunasin ko muna 'yung pawis mo." Sumunod si Cathrina at hinayaan ako sa gustong mangyari.

Pagkatapos ay tinawag siya ng kalaro niya sa labas. "Huwag kang magpapagabi, sa malapit ka lang, Cathrina, ha." Tumango siya at lumabas na.

"You were studying when I called pala," aniya habang pinagmamasdan ang mga gamit ko sa hapag-kainan.

"Oo, pero simula kagabi pa naman ako nag-aaral, kaya titigil na rin ako ngayong gabi. Sakto lang na tumawag ka, pagod na utak ko."

Tumango siya at umupo sa tabi ko. "Wala kang pasok?" tanong ko muli. "Mayroon, pero maaga kaming na-dismiss."

Kumagat ako ng kababayan at binalingan siya. "Hindi mo pa 'to natikman, 'di ba?" umiling siya. Inilapit ko ang supot ng kababayan at sumenyas na kumuha siya.

"Matamis siya, masarap kasama ng gatas." Ngumuya siya at tumango. "This is better than the regla one,"

Saglit akong natigil sa pag-kain bago malakas na humalakhak. "Noted, next time, kababayan lang ibibili ko para sa 'yo 'tsaka toasted siopao." Natatawa kong wika.

Kumagat ako muli ng tinapay at uminom ng tubig. Kinuhaan ko rin si Chance ng baso at nilagyan ng tubig. Pag-upo ko muli, inayos ko na ang mga gamit ko. Pinasok ko ang mga 'yon sa kwarto at binalikan si Chance.

"Anong oras ka uuwi?"

Yumuko ako habang binubuksan ang ref, kumuha ako ng mga rekados ng adobong sitaw.

"I just got here, and you already want me to leave?" nilingon ko saglit si Chance at nakita ang ngisi niya. "Ewan ko sa 'yo," balik ko.

"You're going to cook dinner na? Can I eat?"

"Hindi ka pa uuwi? Baka kailangan mo nang matulog," sabi ko.

"I'm fine," halatang pagod siya at kailangan ng paghiga sa kama, e. Pero ang sagot niya nama'y taliwas do'n sa inaakala at halata.

"Gusto mong kumain dito? Ang iluluto ko adobong sitaw, kumakain ka ba no'n?" tinali ko ang buhok ko at hinugasan ang mga gulay.

"I eat adobo and sitaw from sinigang, so I think I'll be fine." Sagot niya.

Habang nililinis ang sitaw ay naalala kong papalapit na ang kaarawan ni Chino dahil buwan na ng Abril. Siya ay magiging 15 na. Ano ba ang hilig ng mga binata ngayon? Dapat 'yung pratikal at abot sa budget. Damit kaya? O... sapatos? May sapatos pa bang bababa sa two-thousand pero matibay?

"Chance,"

"Yes?"

"Anong magandang regalo para sa binata?"

"Binata?" tumango ako habang nakaharap sa lababo.

"Iniisip ko sapatos, pero... baka hindi kayanin sa pera."

Lumapit si Chance at tumayo sa tabi ko. "Headphones?"

"Magkano ba 'yung gano'n?" inilagay ko na sa strainer ang mga gulay at kumuha ng kawali sa aparador na nasa taas.

"Mayroon namang less than one-thousand," nilingon ko siya. "Iyon na lang, magugustuhan naman siguro ng binata 'yon, 'no? Madalas pa man din niya gamitin 'yung phone niya..."

"Who are we talking about?" pinatong ko na ang kawali sa lutuan at hinintay na uminit iyon bago nilagay ang one-fourth na baboy.

"Si Chino, 'yung isa kong kapatid. Malapit na kasi 'yon mag-quince." Nagsimula na akong magluto habang nakikipag-usap kay Chance.

"Where is he, by the way?" hinalo-halo ko ang baboy. "Nandoon siguro sa girlfriend niya pa."

"He's 14 and dating," sinama ko na sa kawali ang sibuyas at bawang na hiwa at hinalo-halo ang mga 'yon.

"Ikaw, Calisse? What was your age when you first started dating a boy?" umiling ako. "Hindi pa ako kailan nakipag-date o nagka-boyfriend,"

"So, I'm going to be your first." Tinaasan ko siya ng kilay. Sigurado siyang sasagutin ko siya...

Ngumisi siya at tinusok ang baywang ko. Napaigtad ako sa kiliti. Pinadilatan ko siya ng mga mata at nagbuhos na ng toyo sa niluluto.

"'Wag kang magulo, nagluluto ako." Sabi ko habang naglalagay ng tubig sa kawali. "Sorry po."

Nagpigil ako ng ngiti at nagbudbod na lang ng paminta sa niluluto. Nagkwento si Chance tungkol sa naging linggo niya. Hindi kami kasi nakapagkita nitong mga nagdaang araw. Puro messages o video call ang nagaganap lang. Kahit na gustuhin man masilayan siya, alam kong priyoridad niya ang pag-aaral niya, lalo na't magtatapos na siya.

Pinanindigan niya na talaga ang ganito, ang pagtanggap sa sitwasyon niyang ayaw niya.

"How did you learn to cook?" nag-aayos na kami ngayon ng hapag nang tanungin niya ako. "Nagtanong ako kay Mama kung paano, tapos sinubukan ko."

"No guidance?" umiling ako. "Palaging wala si Mama, e. Hindi niya talaga ako mababantayan."

Naglabas ako ng pitsel at kumuha na ng panandok ng ulam.

"Tatawagin ko lang si Cathrina," sabi ko sa kanya.

I left the house and saw my sister running away from another girl. Cathrina was sweating so much, but she still played.

"Cathrina, kakain na ng hapunan, halika na." Natigil sa pagtakbo ang bata at nagpaalam sa mga kalaro.

Hingal na hingal siya pagpasok ng bahay. Nagsalin ako ng tubig at pinainom muna siya, tapos pinunasin ko ang pawis niya muli. Nang maubos niya ang nasa baso ay umupo na siya at pinagmasdan ang ulam. Kita ko ang paglukot ng ekspresyon niya dahil sa nakitang putaheng nakalahad. Ayaw talaga niya ng gulay, pero wala rin naman siyang magagawa. 'Tsaka... may laman din naman 'to, may baboy naman.

"Gusto mo bang magdasal?" bulong ko kay Chance. "No, it's okay," mag-isa na lang siyang nagdasal habang nilalagyan ko ng laman si Cathrina sa plato niya.

"Kuha ka na," wika ko sa lalaki nang matapos siyang magsandok ng kanin para sa aming lahat.

Tumango siya at kumuha ng gulay. Wala siyang kinuhang baboy kahit isa. Umiling ako at nilagyan siya, saka kumuha ng akin. Napatitig siya sa 'kin dahil sa ginawa ko. Kumain na lang ako at hindi pinansin ang reaksyon niya.

Considerate siya, pero bisita siya ngayon. Hindi maganda kung puro gulay lang ang kainin niya, tapos kami ng kapatid ko ay may baboy.

"Ate," gumalaw ang ulo ko para tignan ang banda ng pintuan.

There I saw, my brother, holding Vivian's hand. His brows were furrowed. He had this intrusive look on his face. I stood up and took out two plates for them.

"Kumain na kayo," sabi ko sa dalawa.

Dahil hindi kami kasya sa hapag-kainan, sa sopa na lang sila umupo. Nagbubulungan sila at binabalingan kami ni Chance paminsan-minsan. Kahit nung nag-aayos na ako ng pinagkainan naming lahat ay huling-huli ko pa rin ang titig ni Chino. Mariin iyon habang nakakunot ang noo niya. Alam ko na agad ang nasa isipan niya, e. Hindi ko rin naman siya masisisi. Ang kinlakihan naming paniniwala na nanggaling kay Mama ay dumadalaw lang ang lalaki kung mayroong namamagitan sa kanila ng isang dalaga. Tama naman ang hinala ni Chino kung ito man ang iniisip niya. Kaso ang usisero kasi nito masyado, kaya ayaw kong ipaalam sa kanya ang tungkol sa 'min ni Chance.

"Chino, ito si Chance. Chance, kapatid ko, si Chino." Sabi ko matapos hilahin si Chance papalapit sa sopa.

Ngayon ay nasa tabi na ni Vivian si Cathrina, nanonood ng palabas sa telebisyon.

"Hi, Chino." Bati ni Chance. "Hello po," hindi sigurado ang boses ni Chino.

Nag-usap silang dalawa habang nilalabas ko ang mga maruruming damit. Pinaghiwalay ko ang de color at puti. Kumuha ako ng sabon mula sa banyo at lumabas na ng bahay. Kinuha ko ang hose na nakasaksak sa isang gripo at pinuno ng tubig ang palanggana na puno ng damit.

"Gabi na, ah? You'll still clean those?" tumango ako sa tanong ni Chance. "Mapupuno kasi kapag hindi ko sinimulan ngayon 'yung mga damit,"

"Mapupuno?"

"Ang maruruming damit, ibig kong sabihin."

"Ohh... Can I help?"

Chance had a washing machine at his house and was used to probably just putting his dirty clothes in a basket for the maids to clean. I didn't think he was capable of cleaning clothes using his hands, so it was absurd to hear him ask if there was anything he could do to help.

"Hindi na, umuwi ka na kaya? Malayo pa biyahe mo, anong oras na, oh." 

Nagsimula na akong magkuskos hanggang sa mapansin kong tahimik na ang paligid. Nagpaalam si Chino na ihahatid niya na pauwi si Vivian habang si Cathrina naman daw ay nakatulog na sa sopa, ayon kay Chino.

Nung binabad ko ang mga damit, tumayo muna ako para uminom ng tubig dahil sa uhaw. Pagpasok ko sa bahay, buhat na ni Chino si Cathrina.

"Which one is her room?" tanong niya. Kita ko ang pawis sa noo niya at ang basahan sa lapag na parang bagong laba na naman.

Naglinis ba si Chance habang naglalaba ako?

"Sa kanan 'yung kanila nina Mama," sabi ko habang pumupunta sa pintuan ng silid. Binuksan ko ang kwarto. Inihiga ni Chance sa kama ang kapatid ko bago siya tumingin sa estado ng kwarto. Masikip. Mainit. Madilim.

"The other one's yours," aniya habang lumalabas. Tumango ako. "Hindi ka pa uuwi?" tinakpan ko na ang natirang kanin at ulam.

"I will in a while," sagot niya bago kumuha ng panyo sa bulsa niya. "I'll wipe your sweat,"

Umiwas ako at nilapat na lang ang gilid ng noo ko sa manggas ng damit ko. "Kaya ko na. Ikaw na lang, pawis ka, e." Sabi ko.

Sumimangot siya bigla, kaya napakamot ako ng tenga ko. "Hindi mo 'ko kailangang pagsilbihan o ano." Nahihiya kong saad.

"Nasanay na akong mag-alaga ng iba, kaya... nakakapanibago na may ganito sa 'kin. Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa 'yong hindi ako mahilig dumepende sa ibang tao."

He sighed loudly. Chino arrived and went inside the bathroom before Chance spoke.

"I'm pretty sure you're the embodiment of a strong independent woman in a way that emphasizes a woman's love for her family. But I want to emphasize my feelings through acts of service. That's my love language. You know that?"

Tumango ako dahil napag-usapan na namin ng mga kaibigan ko 'yon nang mapunta sa love ang topic namin. Well, more like, sila ang nag-usap tungkol do'n at nakinig lang ako.

"Can you let me show my love language?" kinamot ko ang leeg ko at napaisip.

Love language... E, like niya lang naman ako, ah?

"Sige na," ngumiti siya at pinatalikod ako. Nilagay niya ang panyo niya sa likod ko at binulungan ako. "Can I get a hug too?" unti-unti akong tumango.

Mula sa likod, niyapos niya ako. Ramdam ko ang pisngi niya sa ulo ko habang ang mga braso niya ay nagkukulong sa aking mga braso. His hands intertwined with mine.

"Every time I hug you, it makes me feel lightweight." Napangiti ako sa kanyang winika.

I knew what he meant. And I felt that way too. When you share intimate conversations with someone, when you share your secrets, you often feel like a burden has been lifted from your chest. Unknowingly, we do it every day with others. They do it with us too. They share a touch, a smile, a phrase, and a look.

"Ako rin."

繼續閱讀

You'll Also Like

9K 653 163
pov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this cha...
373K 1.7K 8
Zein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete fa...
387 72 8
a stand-alone epistolary (on-going) Mireille Gwyneth Madrigal was a fan of anything that radiates positivity. She believes that life will always be f...
99.1K 3.5K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...