Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

467K 13K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 18

9.7K 271 51
By piloxofia

I didn't say anything after Chance spoke. Alam kong walang salita ang makapagpapagaan sa loob niya ngayon. Kailangan niya lang ng yapos. Kailangan niya lang ng tenga ko ngayon. Kailangan niya lang ng pag-unawa. Walang iba. Walang salita. Walang advice o sermon.

Ilang minuto siyang nakayakap hanggang sa mangalay at bitawan ako. His droopy eyes looked unhealthy. Kitang-kita ko 'yung effects ng pagpupuyat.

It was ironic, he was studying to take care of other people—yet, he couldn't take a rest to take care of his own body.

"Are you disappointed?" was the first words he muttered. "Hindi," walang ibang emosyon sa mukha kong makikita. I didn't want him to think I answered 'no' dahil lang gusto ko siya.

Hindi nakaka-disappoint ang pagbagsak sa academics, para sa akin. Mahirap naman kasi talagang mag-aral. Tapos, nakaaapekto pa 'yung personal circumstance mo sa overall performance mo sa school. Hindi 'yon pinapansin ng karamihan, pero ako, alam ko 'yon. Kapag bothered ang isang tao, na-ma-manifest 'yung stress niya sa galaw niya. Pero hindi mo mapapansin kung hindi mo lubos na kilala ang isang tao o kung masyadong sarado ang isipan mo.

"Bakit ako madidismaya dahil nahirapan ka sa isang bagay na hindi mo naman gusto?"

It almost felt like it was natural to fail for many when it comes to the things they didn't really want to study.

When your passion is missing for the things you were doing, you were bound to feel emptiness or face failure.

But that didn't make anyone less worthy.

Chance was still amazing in my eyes.

"Sinubukan mo, tatlong taon kang nagtiis. It will never be disappointing for me to know that you failed a subject, Chance. It just showed me how much you've done to please your family. You've reached your breaking point. It's... noble."

He sighed and looked elsewhere. Nung naging mapula ang mga mata niya, inilagay ko ang mga kamay ko sa likod niya at nilapit ang katawan. He didn't hug me back, he just cried.

"You can't think that you're a disappointment when you sacrificed your dream to make your family proud."

Hinaplos ko ang likod niya paulit-ulit.

"Pero nauunawaan ko kung iyan ang nararamdaman mo ngayon. It feels like everything was a waste. The three years seem like nothing now. But trust me, they weren't. I wasn't with you during that time, but I'm with you now. And I can attest to your determination to finish med school despite it being difficult."

Pagbitaw ko, pinunasin niya ang mga luha niya. Pumunta siya ng kitchen area at kumuha ng baso at tubig. He drank while I examined his place. May isang shelf of books na nasa likod ng sopa. Ang TV niya ay naka-hang sa dingding at maraming albums sa table sa baba nung TV.

"Do you want water?" nilingon ko si Chance at inilingan.

He walked towards me and stopped before me. Sighing, he took my bag from the floor and put it back on my shoulder. Walang imik siyang gumalaw.

"I'm going to tell my parents tomorrow,"

Kita ko ang hirap at kaba sa mukha niya. Kung ano man ang mangyari, kung piliin niya mang tigilan na ang med school o kung ipagpatuloy niya, ipapanalangin ko na maunawaan ng magulang at mga kamag-anak niya ang desisyon niya. Buhay niya naman 'to, he had a right to stop studying, especially since hindi niya naman pala pangarap ang maging doktor.

"I feel like I'll break their hearts tomorrow."

"Imbis na 'yan ang isipin mo, tignan mo na lang ang pag-amin mo bukas bilang isang paglalarawan ng kalakasan at katapatan."

Although I wanted to stay longer, I knew I had my mother waiting. So, Chance brought me home. Hiniram niya ang kotse ng kaibigan niya at bumiyahe kasama ako.

Nung sabihin niyang ihahatid niya ako kanina, akala ko ay tungkol sa sakayan ang tinutukoy niya. Ganito pala—literal na paghahatid.

The following day, I messaged Chance. I wanted to know how he was even though I already had a clue.

Then, na-realize ko na hindi pala tayo nagtatanong ng isang halatang bagay dahil gusto nating marinig mula sa kanila ang sagot. Nagtatanong pala tayo dahil gusto nating maipakitang nandito tayo, handang makinig, handang manatili.

Asking for obvious answers was the way to let a person know how much we were willing to absorb their burdens while being with them.

"Ate, maaga ka bang aalis? Papaturo ako ng English," sabi ni Cathrina nung lumabas ako mula sa silid. "Mga 11 pa naman ako aalis, sige, tuturuan na kita."

Pumasok siya sa silid at kinuha ang bag niya. Nilabas niya ang isang notebook at libro. Tinuro niya sa 'kin ang parte kung saan siya nahihirapan at saglit ko iyong binasa at inunawa. Saka ko itinuro sa kanya ang lesson. Pinasagutan ko sa kanya ang seatwork na nasa libro, pero mali-mali siya. Kaya naman inabot ng tatlong oras ang pagtuturo ko sa kanya. Hindi na ako nakaligo dahil sa pagmamadali kong makapunta sa i-t-tutor ko.

"Magandang hapon po," bati ko kay Mr. Luy nang buksan niya ang pinto. "Have you eaten lunch?" tumango ako sa kanyang tanong.

Pumasok ako sa bahay at nakita si Mrs. Luy na mukhang problemado. Si Chance ay nasa hapag-kainan, tahimik na nakaupo. The air in the house was... uncomfortable. Hindi ko alam kung paano gagalaw, mabuti na lang at lumabas mula sa isang kwarto si Wesley.

"Can we eat cake first? Mama bought one last night," tumango ako sa sinabi ni Wesley at sinundan siya patungong dining area.

Sinulyapan ko si Chance at nakita ko ang malungkot na ngiti niya. May kutob na ako kung bakit ganito ang aura ng bahay nila. The news might have not been received well...

"Achi, here." Inabot sa akin ni Wesley ang isang platito na may cake. "Ahia, you want some?"

Tumango si Chance at kinuha siya ni Wesley. "Sit here," malambing na saad ni Chance saka t-in-ap ang upuan na katabi niya.

Tinignan ko ang mga magulang niya na ngayon ay nag-uusap. Mrs. Luy glanced at me, and I could almost hear her hostility towards me. Pero... hindi ko alam kung bakit gano'n. She had never looked at me like that.

Imbis na sa tabi ni Chance umupo, sa tabi na lang ako ni Wesley umupo, takot sa titig ni Mrs. Luy. Kumunot ang noo ni Chance, pero hindi ko na lang pinansin. Dumaldal si Wesley, kaya naiwasan ko ang mapagtanong na tingin ni Chance.

"Shoti, let's switch sweats," biglang sabi ni Chance. "Why?" takang sabi ng bata sa kapatid.

"I need to talk to your Achi," Wesley looked at me. "Okay,"

Nagpalit nga sila ng pwesto at kumain muli si Wesley ng cake.

"Nakatingin kasi Mama mo," patiuna ko. He glanced at his mother and realized what I meant.

"So?" nilagay ko sa platito ang tinidor. "Basta. Sinabi mo na?"

Tumango siya at mahinang ikinuweto sa akin ang reaksyon ng magulang niya. Tulad ng inaasahan, ang Mama niya ang pinakanagulat at nadismaya. Ang Papa niya raw ay mukhang hindi rin nagustuhan ang pagbagsak niya, pero mas kalmado raw ang itsura ng Papa niya. Subalit mas takot pa rin siya sa Papa niya dahil higit na matalim ang dila raw ni Mr. Luy kaysa kay Mrs. Luy.

"They told me I should pass the exam. There's a chance for me to pass, I just have to pass this one exam."

"Magtutuloy ka pa rin?"

"Oo," he looked unsure. He looked like he was convincing himself. Convincing others with his choice.

"Okay, good luck." He nods before finishing his own slice of cake.

Tinuruan ko si Wesley at binigyan ng homework. Nung pauwi na ako, tinawag ako ni Mrs. Luy para kausapin. Sumunod naman ako sa hapag-kainan kung saan walang tao. Ang asawa niya't mga anak ay wala rin sa living area. Tanging kami ang nandito sa baba.

"I'm guessing you were the first to know that Chance failed a subject," hindi ako nagsalita. "What did he tell you?"

"Na... bumagsak po siya at takot na umamin," she looked at the table of their dining area. "How did you respond?"

For a moment, ginusto kong itago ang aking sinabi kay Chance dahil may kutob akong magagalit sa akin si Mrs. Luy. I somewhat persuaded Chance, to be honest with his parents. I wanted him to admit the truth.

"Did you tell him to stop med school? All because he failed one subject?" I didn't answer. "Sino ka para pagsabihan ang anak ko ng gano'n?"

So, Chance did say na ayaw niya ng tinatahak niyang landas. That's good. Mas mabuti nang sabihin niya sa pamilya niya bago siya magtrabaho. Mas lalo siyang mahihirapan.

"Ma'am-"

"Abigail, I asked you. Sino ka ba sa buhay ng anak ko?" my eyes went down. "Nililigawan ka pa lang niya, hindi ba?" tumango ako.

"I didn't say anything when he told us that even though..." she said, letting a sentence hang without finishing it.

Hindi niya kailangan tapus iyon, dahil alam ko na ang ibig sabihin niya. In-expect ko naman 'to. Alam ko namang maraming magtataka kung bakit ako ang nagustuhan niya Chance, gayong napakalayo namin sa isa't isa sa maraming aspeto.

Isa ito sa hindi ko gustong harapin, kaya plano kong itago lang ang paghanga kay Chance nung una. Pero nung umamin siya, para akong nabulag saglit at ngayong bumalik ako sa pagkakakamulat, hinaharap ko na ang ayaw kong tignan ng direkta sa mata. Mas hirap nga lang ako ngayon dahil... ina mismo ni Chance ang may ayaw sa akin para sa kanya.

"What did you tell him exactly, Abigail?" her voice sounded venomous. It was like I could get paralyzed if I didn't speak now.

"Na hindi po nakaka-disappoint na bumagsak siya,"

"And why did you say that? You gave him the idea that it was fine, that failing was always an option."

"Hindi po iyon ang gusto kong ipaunawa sa kanya,"

"Then, what?" her scrunched-up brows made me look away from her.

It wasn't my place to tell her that her son never wanted to proceed to med school. But she wanted an answer right now. So, I spoke about my own reaction to Chance failing.

"Na hindi po ako disappointed sa kanya. Tinanong niya po ako, sabi ko, hindi."

"What else?" I glanced at her. "My son has never defied us, but since you became an interest to him—he flipped switches so quickly. He wanted to stop studying medicine, and he has never said anything like that until he came near you."

Sinisisi ako para sa isang bagay na wala akong kontrol. Naalala ko ang panunumbat ni Cathrina sa akin tuwing late ang pagbabayad ko o pagbili ko ng kahit anong kailangan niya.

Sinuportahan ko lang naman si Chance sa gusto niyang gawin dahil alam ko ang pakiramdam ng isang taong nakakulong sa isang resposibilidad na hindi niya naman gustong dalhin. I knew there was a posisbility that his parents would get hurt when he announces his dislike for medicine, but it wasn't like I wanted anyone to get hurt. Gusto ko lang malabas ni Chance 'yung katotohanan dahil mabigat 'yon itago, tulad ng pagdala ko ng pasanin na dapat magulang ang gumagawa.

"You make it sound like ako ang may kasalanan nito, Mrs. Luy." Wika ko habang hinahawakan ang titig niya gamit ang mga mata ko.

She scoffed. "Hindi ba?"

I was about to reply when Mr. Luy interrupted us.

"Amalia," Mrs. Luy glanced at her husband after almost throwing knives at my eyes. "Don't involve her in our family affairs."

Tumingin ako sa matandang lalaki at nakita ang maliksi niyang pagpapalit ng emosyon. It looked like he didn't blame me, unlike his wife. Siguro nga mas kalmado talaga ang tatay ni Chance, pero mahapdi rin ang iniiwan na salita tuwing bubuka ang bibig.

"Abigail, umuwi ka na."

Tumango ako at lumabas na ng bahay. There, I saw Chance smoking a cigarette. Lumapit ako at nagsindi rin ng akin. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ng magulang niya ngayong inamin niya nang bagsak siya. May exam pa pala. May chance pang makapasa si Chance; pero ano bang gusto niya?

"Sabi ng Mama mo, umayaw ka na sa med school. Pero sabi mo kanina, ipapasa mo 'yung exam. Anong plano mo?" he looked at me before puffing.

"I told them I wanted to stop, but they still pushed me into thinking that I would have wasted three years if I don't continue. Although I failed—and they were miserable about that—they still want me to continue. I have... tied hands."

His situation was undesirable for many. Walang gustong mawalan ng choice. Kapag wala nang choice, saka magsisimula 'yung pag-iisip na mag-settle na lang.

It was my constant reminder in life. Wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi mag-settle at tanggapin ang lahat, e. Mahirap talagang mabuhay kung ang nag-iisang magulang mo ay hindi kayang saluhin lahat ng responsibilidad.

Mahal ko ang pamilya ko. Hindi ko naman hahayaang mahirapan ng tuluyan si Mama kahit na masakit para sa 'kin ang maging ganito. Maging matipirin. Maging mapagkimkim. Maging isang taong tuloy-tuloy lang ang pagtanggap.

"Your mother believes I brainwashed you," naalarma ang itsura ni Chance sa sinabi ko. "Akala niya, tinulak kita para tumigil sa pag-aaral dahil lang bumagsak ka."

"You denied it, right? Hindi 'yon totoo," tumango ako. "Pero mukhang ganoon talaga ang tingin niya sa 'kin. Mukhang sobra nga siyang naapektuhan para isipin 'yon tungkol sa 'kin."

"I'm sorry you got dragged in the mud because of me," ngumiti ako sa kanya. "Hindi mo naman kasalanan 'yon. Reaksyon 'yon ng Mama mo, masakit nga lang, pero kailangan niya lang ng pang-unawa ngayon. Ayos na 'yan."

Tinapon ko ang yosi ko kasabay niya. "Come on," aniya bago pumunta sa kotse.

Hinatid niya ako pauwi, at humingi siya ulit ng paumanhin sa akin dahil sa sinabi ng Mama niya.

Kahit na sinabi ko kay Chance kaninang reaksyon lang naman ang mga sinabi ng Mama niya sa 'kin, hindi pa rin natanggal sa isipan ko ang hindi ko pagiging sapat at pagiging masamang impuwensya ko kay Chance.

Sa mata ni Mrs. Luy, dahil ako ang madalas kasama ni Chance ngayon, naisip niyang ako ang may kagagawan nito. I understood the part where she was merely protecting his child from a possible intruder—which was me—but I was still in denial of the aching feeling after speaking with her. Siguro doble ang sakit dahil simula nang makilala ko siya, wala akong pang-aapi na natanggap sa kanya, ngayon lang. Tapos, dumagdag pa na nanay siya ng taong gusto ko.

Alam ko na mapupuna kami ni Chance, at some point, kapag nalaman na ng iba ang relasyon namin. Pero ko hindi ko inakalang mangunguna pa si Mrs. Luy ro'n. Napayosi tuloy ako ulit bago matulog. Nakadalawang stick ako dahil nasasaktan ako ulit. Kapag masakit ang hinaharap ko, napaparami ang paghithit.

Kinabukasan, tinawag ako ni Chino habang naglalaba ako ng basahan namin. Katatapos ko lang magwalis.

"Ate, may pera ka pa?" inilingan ko si Chino. "Bakit? May kailangan ka sa escuelahan?" kinamot niya ang batok niya.

"Nag-aaya girlfriend ko, e..." saglit ko siyang binalingan bago magpatuloy sa paglalaba. "Kakain kayo?"

Hindi na sumagot si Chino, kaya alam kong tama ang hinala ko.

"Dalhin mo na lang siya rito, ipagluluto ko kayo ng pancit canton," ibinaba ko ang basahan matapos pigain at nagsimula nang magbasahan ng sahig.

"Pwede?" tinanguan ko ang kapatid ko.

Pumunta siya sa silid niya at lumabas din agad. "Susunduin ko lang siya." Sabi niya bago lumabas ng bahay.

"Sinong susunduin ni Kuya, Ate?" si Cathrina habang kumakain ng tinapay na binili ko bago umuwi.

"Girlfriend niya," nanlaki ang mga mata niya at nagsalita muli. "Naunahan ka ni Kuya?!"

Taka ko siyang tinignan. Anong pinagsasabi ng batang 'to? Parang akala mo paligsahan 'yung pagkakaroon ng karelasyon, ah.

Pupunahin ko sana siya nang dumating si Chino kasama ang isang dalaga. Ang bilis nila.

"Vivian, ito ang Ate ko, tapos ito si Cathrina." Pagpapakilala ni Chino sa amin. Ngumiti si Vivian at kumaway. "Good afternoon po," tumango ako.

"Upo kayo sa sopa, magluluto ako ng pancit canton." Sabi ko bago ipagpatuloy ang pagbabasahan.

Nung nasa kusina na ako, nag-init ako ng tubig sa kaldero bago sulyapan ang kapatid ko at girlfriend niya. Nagbubulunga ang dalawa bago ko nakita ang pagkuha ni Chino sa kamay ng dalaga. Umiwas naman ang dalaga at tila pinagsabihan ang kapatid ko.

Umiwas na lang ako ng tingin, baka nahiya sa 'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

387 72 8
a stand-alone epistolary (on-going) Mireille Gwyneth Madrigal was a fan of anything that radiates positivity. She believes that life will always be f...
14.8K 508 17
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
5K 270 15
In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineering - a guy from her past. Through a mutu...
122K 8K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...