Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

471K 13.1K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 10

13.9K 448 159
By piloxofia

Holding the highlighters Chance bought for me, I began to read quietly in the library. It was Monday again, and we had a quiz tomorrow, so I had to study for it. Sandra and Paula were eating breakfast somewhere, hindi ko na natanong kung saan. Baka sa McDo, madalas kasi roon sila kumakain dahil iyon lang naman ang bukas na gusto nila pareho.

Ilang araw na mula ng kaarawan ni Chance, hindi ko pa siya ulit nakikita. Palagi kong gamit ang ibinigay niyang mga highlighters. Nakatutuwang tignan 'yung pagguhit ko sa libro gamit 'yung bigay niya. Nagtanong nga si Chance tungkol do'n, e. Nagpalusot ako at sinabing binigay lang ng kaibigan kaysa ikwento na si Chance ang nagbigay dahil mangungulit 'yung si Chino. Baka isipin pa no'n, nanliligaw si Chance. Assumero at chismoso si Chino.

"Miss," inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatungo. Isang maputing babae at magandang babae ang bumungad sa akin.

"Do you know where the OUR is?" tanong niya. Ako ay tumango bilang sagot. "Where?"

"Pagbaba mo ng building na 'to, lumabas ka ng campus, tapos maglakad kaa ng diretso lang. Katapat lang ng OUR 'yung Robinsons Manila. Alam mo ba kung nasaan 'yon?"

"Ahh, okay. Yes, I know. Thank you," umalis na siya at bumalik ako sa pagbabasa. Pero bigla namang may tumabi sa akin, kaya nawala na naman ang pokus ko.

"What did she say?" tanong ni Chance. "Saan daw ba 'yung OUR,"

Tahimik kaming nag-aral ni Chance hanggang sa nagpaalam siyang papasok na siya sa klase. Nang pumatak ng oras ko na klase, umalis na rin ako.

Buong araw, busy ako sa mga lectures, quiz, at trabaho. Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep—at tinatantya ang sweldo na makukuha ko para sa exams ng mga kapatid—nakita ko si Chance na tahimik na nakaupo sa isang gilid.

He looked... disheartened. Ano kayang... nangyari?

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Sa sobrang pagkawalang pakialam niya sa paligid, hindi niya ako napasin. Binangga ko na lang ang braso niya gamit ang akin para makuha ang atensyon niya.

"Ano nangyari?" anas ko. Umiling lang si Chance at tumitig muli sa lapag, sa mga bato sa daan.

Nakita ko ang isang sorbetero na naglalako ng ice cream sa labas ng campus. Bibilhan ko si Chance, sampung piso lang naman. Baka sakaling... makapagpagaan ng puso niya.

"Where are you off to?" bigla niyang hinablot ang kamay ko nang tumayo ako. "Bibili ng ice cream,"

"Samahan kita," sinuot niya ang bag niya. "'Wag na, mabilis lang ako."

Mukhang ipipilit niya pa nung una, kaya naglakad na lang ako at bumili ng dalawang pampalamig na pagkain. Pagbalik ko ay inabot ko sa kanya ang ice cream na ube ang flavor.

"Hindi ako masyadong magaling sa words of encouragement, pero makikinig ako kung gusto mong magkwento."

Ganyan lagi ang linya ko sa mga taong malapit o medyo malapit na sa akin. Kay Alarick at sa ibang kaibigan, ganito ako. Kay Sandra at Paula ay nakapagkwento na sa akin dahil doon ako maaasahan. Hindi kasi ako lumaking naririnig ang mga words of wisdom, kumbaga, mula sa mga magulang ko. Mas ipinapakita nila ang suporta at pag-aalaga sa akto kaysa sa salita.

"I failed two quizzes today," malungkot ang boses niya. Katabi niya at kumakain ng ice cream ko, hinayaan ko siyang maglabas ng hinaing.

"I studied so much, but my failed quizzes are punching me right in the core." Nakatingin ng diretso sa harang ng campus sa labas, naramdaman ko ang lungkot niya. May mga beses ding nangyari sa akin 'yan.

"It hurts more because I actually liked the topics of those quizzes. I worked extra hard, tapos... parang wala lang din."

Ilang estudyante ang dumaan sa harap namin bago siya nagpatuloy. "Pwede kong bawiin 'yon sa finals, pero kung ngayon pa lang hirap na ako, paano pa kaya sa finals? Nakakabaliw,"

Ngayong unang beses ko narinig na nagreklamo si Chance tungkol sa med school, naisip kong hindi nga talaga biro ang dagdag apat na taon na pag-aaral matapos ang kolehiyo.

"Mababawi mo 'yan, siguro sa ibang paraan lang." Subok ko na pagpapagaan ng bigat ng puso niya. "Masipag ka, e. Sigurado akong, kakayod ka ulit after nito. Sinabi mo 'yon sa 'kin, kahit mahirap, nagpapatuloy. Kahit masakit, sumusubok ulit."

Inubos ko ang ice cream cone ko at tumayo na. Si Chance rin ay tumayo at handa nang umalis.

"Ingat ka," patiuna ko bago maglakad palayo.

"Sabay na tayo," nilingon ko siya at pumasok na naman sa isipan ko ang bayad sa dorm niya.

"Parang ang dalas mong umuwi sa isang linggo, 'no?" Wika ko. "I'm close with Shoti, so when I'm down or need someone to distract me, I'd see him."

"Nakatutuwa kasi talaga siya, mabait at cute." Natawa si Chance sa sinabi ko. "He is,"

Pumara kami ng jeep at salungat na umupo. At dahil kitang-kita ko siya, napapansin ko ang pawis niya.

"Noo mo," puna ko. "What?"

"May pawis," napakainit naman kasi. Gabi na pero 'yung araw parang nasa langit pa rin.

"Wala akong pamunas," saglit ko siyang pinagmasdan bago kapain at kunin ang panyo ko mula sa pantalon.

Inabot ko 'yon sa kanya at tinignan ang dinadaanan ng jeep, baka mamaya ay lumagpas kami.

"Thanks, I'll wash this before giving back to you." Hinarap ko muli si Chance. "Huwag na, akin na." Nilahad ko ang kamay ko.

"It's wet from my sweat,"

"Ilalagay ko rin naman sa pocket ko, ayos lang 'yan."

Kakaunti lang kasi ang panyo namin... Plano ko sanang gamitin 'to bukas ulit kasi hindi ko naman nalabas. Lalabhan ko na lang 'to agad pag-uwi.

"I'll just wash it, bigay ko agad sa 'yo tomorrow."

Hindi na ako sumagot. I let him do what he wanted, persistent.

Nang makababa kami sa simbahan ng Quiapo, hinablot ko ang kamay niya at binulungan.

"Kung gusto mong may makinig, tawag ka lang mamaya."

Then, I let his hand go before walking into the middle of the crowd.

Parang nagulat siya sa aking ginawa. Kaya medyo napalayo ang agwat namin sa paglalakad. Nakahabol naman siya at tinabihan ako habang nag-aabang ng jeep. May ilang mga babaeng napapalingon sa kanya dahil may katangkaran siya at, siyempre, matipuno.

"Parang artista," inakala kong ako lang ang nakarinig no'n, pero sumabat bigla si Chance. "Sinong artista?"

"Wala," tinignan ko ang kalangitan at napansin ang pagbubuklod ng mga ulap. "Who? You saw an artista?"

"Hindi, wala 'yon." Tumaas ang isang kilay ni Chance, ngunit hindi niya na ako tinanong muli.

Binagabag ako dahil sa pighati ng itsura ni Chance nung maghiwalay na kami. Alam kong lahat tayo ay may dinadala sa buhay, subalit mas matinding awa ang naramdaman ko para kay Chance. Sa isang normal na araw naman, hindi ako emosyonal kapag nagkukwento ang mga kaibigan ko sa akin. Parang ito ang isa sa mga bihirang beses na higit pa sa simpatya ang naramdaman ko.

Affirmative. Crush ko nga si Chance. Espesyal na ang pagtingin ko sa kanya, pati ang pagreklamo niya kanina ay nakaapekto sa akin, e. Siguro dahil guwapo siya. Siguro dahil malapit siya sa mga kapatid tulad ko. Siguro dahil mabait. O siguro dahil sa lahat ng nabanggit ko. Hindi iisang dahilan. Halu-halong rason ang pagkakahumaling ko.

Pero hindi naman daw siya naghahanap ng taong magugustuhan ngayon. Pokus siya sa pag-aaral. At dapat, ako rin dahil minarka ko na sa utak ko noon na wala ako sa disposisyon para magkaroon ng karelasyon.

Besides, it was not like he would ask me.

"Ate, may pera ka ba? Kailangan ko ng oslo at saka colored paper," si Chino nung kumakain kami ng hapunan.

"Magkano ba ang oslo? May colored paper pa naman ako sa kwarto,"

"Bente 'yung oslo,"

"Mamaya pagkatapos kumain, ibibigay ko."

Habang naghuhugas ng mga plato, narinig ko ang ringtone ng telepono kong nasa lapag, nag-cha-charge kasi 'yon. Itinigil ko ang pagbabanlaw ng kamay at pinunasin gamit ang puting towel na naninilaw na. Nilapitan ko ang telepono ko, si Chance pala ang tumatawag, akala ko si Mama.

"Calisse,"

"Oh, gusto mong magkwento?"

"Actually, Shoti already listened to me. He's better at giving words of encouragement than you."

Napangiti ako at tinanggal ang phone sa pagkakasaksak nito. Tumayo ako at lumabas ng bahay para hindi marinig nina Chino at Cathrina ang boses ko.

"So, ba't ka tumawag kung 'di ka pala magkukwento?"

"Ako naman 'yung makikinig. You make kwento naman,"

"Wala akong sasabihin,"

"Daya naman, you always listen to me. Why can't we change positions tonight?"

"Dahil boring naman ang buhay ko,"

"You know, people who say they have boring lives usually have the most interesting ones."

"Pa'no? Sige nga, estudyante ako, tumutulong sa pag-aalaga sa mga kapatid, at nagtratrabaho. Parang buhay naman 'to ng isang tipikal na taong lumaki sa hirap."

"Give me details. What was your first job?"

Ang sinseridad ng pagkainteresado niya ay humahaplos sa malamig kong puso. Hindi ako gaanong kumportableng magbahagi sa iba ng kasaysayan ko, but for Chance, it seemed so easy.

So, I spoke to him about my first-ever client.

"Nung high school ako, grade eight, nagsimula akong gumawa ng projects ng mga kaklase ko. Sa kanila manggagaling ang isusulat ko, tapos babayaran nila ako."

"Woah, you started pretty young. How long was this?"

"Mga tatlong taon, nung last year sa senior high, nagsimula na kasi akong mag-tutor sa kapatid ng kaklase ko na kaklase naman ng kapatid mo. Kaya ko nakilala si Wes. Tapos, buong grade 12 hanggang ngayon, tutoring ang trabaho ko."

"Didn't you recently say you wanted to find another job?"

"Ahh, oo, isa pa pala 'yon. Nakakuha ako ng trabaho sa isang carinderia. Tuwing lunch time, roon ako."

"Lunch? Then, when do you eat?"

"Doon din,"

"You eat the food there?"

"Hindi,"

"E 'di, what do you eat? You buy pa from there?"

"Hindi, basta,"

"Calisse, hindi ka ba kumakain ng lunch?"

A five-second silent moment passes before I heard Chance sigh.

"Masamang nagpapalipas ng gutom. Alam kong nagtitipid ka, but don't put your health in danger because you want to help. You can't continue helping if you're unable, remember that."

"Kumakain naman ako ng sandwich, Chance, 'wag ka mag-alala."

Ilang minuto pa ang itinagal ng aming usapan. Nahinto lang nang tawagin ako ni Chino para kunin ang bente pesos na kaninang hinihingi sa 'kin.

"Sino 'yung kausap mo, Ate?"

Ito na naman.

"Wala, kaklase ko lang. Ito, oh," inabot ko ang 20-peso coin.

"Kaklase? Lalaki?"

"Ba't mo tinatanong?"

"Wala, maninibago ako kung kaklase kasi si kuya Alarick lang naman malapit mong kaibigan na lalaki, e. Pero hindi ko pa siya narinig na kinausap mo sa telepono."

"Ikaw, ang chismoso mo talaga!" saway ko sa kapatid. "Curious lang naman, e!"

Lumabas siyang may binubulong sa hangin. Ako ay nagbasa at nagsagot na ng Math assignment. Pagkatapos ay hinanda ko ang sarili ko para sa midterms ng Ethics bukas.

Kinabukasan, naligo ako ay nagluto ng agahan. Tulog pa si Mama, mukhang sobrang late na naman nakauwi. Iniwan ko na lang sa la mesa ang sinangag at pritong talong para sa kanya.

Nagbyahe ako at nakarating sa escuela ng maaga. Tumungo ako sa classroom at umidlip matapos i-message si Paula na gisingin ako pagdating niya. Hindi naman siya liliban, kaya sigurado akong magigising niya ako.

Dumako ang isip ko—habang nakatungo sa upuan—tungkol sa nangyari kagabi. Inalala ko ang sinabi niya sa akin nung birthday niya. Parang pareho kami, in that way. Siya rin na-di-disappoint minsan sa sarili. It makes him more... human. It felt, for that particular instance, we were equals.

I have insecurities. Almost every person does. But when I realized that I liked Chance, it made me feel little. He was someone worth dating. Lumaki siya sa isang stable na pamilya. Hindi maikakailang nagdulot iyon ng pagiging mabuti niyang tao ngayon. Habang ako ay lumaking nararanasan ang hirap na hindi kailanman nanaisin ng mga batang maranasan.

Hindi naman masamang magkagusto ang isang asong gala sa isang asong pampered, hindi ba?

Paggising ko, saka dumating ang prof namin. Ang five-item quiz namin ay naganap at natapos. Ang kaba ko habang nagsasagot ng mga tanong ay umabot ng langit. Kapag kasi nagkamali ako, mababawasan din ang scores ko ng midterms since ang nine na quizzes na sinagutan at sasagutan sa Ethics ay midterms na namin. Mas gusto kong ma-perfect ang lahat para sigurado akong papasa ako.

"The last question was so confusing, hindi ko napansin sa reading ni Aristotle 'yung about contemplation being the highest form of gaining happiness."

Ngayon ay nagrereklamo si Paula sa nangyaring quiz. Nasa isang carinderia kami, well, sila. Ako ay nagtratrabaho. Sila ay sumama para makipagkwentuhan. Nasa gilid lang sila na la mesa kaya rinig ko sila.

"Nakakalito nga," segunda ko habang binibigyan ng sukli ang lalaking nagbayad.

"Nakakainis naman kasi, e! Four lang tuloy ako!" pagmamaktol ni Paula. "Bawiin mo na lang on the next quiz," si Sandra.

"The reading is so long na naman for the next quiz!" umirap si Paula nang sabihin 'yon. "Well, our program is almost mostly about readings, so," ani Sandra sa aming kaibigan bago siya sumubo ng kanin.

"I like that naman, but... it's they're too damn long!" bumuntong hininga ako at pinakinggan lang silang mag-usap.

Nung nakita kong papasok si Chance sa carinderia, medyo nabalisa ako sa kinatatayuan. He was with his friends. They were talking about something nang mahagip niya ang mga mata ko. Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"This is where you work," ani Chance habang ako ay nag-aayos ng mga takip ng ulam. Tumango ako at sinulyapan ang mga kaibigan kong natahimik.

"Miss cashier, pwede bang um-order?" my brows creased at Chance's words and tone of speaking. Nang-aasar ba 'to?

"What can I get you, sir?" pakikisama ko sa kanyang trip.

He bit his lower lip, then answered me. "Apat na sinigang," tumango ako at sinulat ang kanyang orders.

"Anong gusto mo?" bigla niyang tanong. "Wala, kakakain ko lang." I lied.

"Which one nga?" ulit na tanong ni Chance. "Hilig mo talagang manlibre?" Umiling siya. "Madalang ako manlibre, medyo kuripot ako."

Tumaas ang isang kilay ko at nagtaka. E, halos sa bawat pagkakataon ay nanlilibre siya, ah? May alternate personality ba 'to?

"Here, pumili ka na ng gusto mo," inabot niya ang five-hundred peso bill sa akin at bumalik na sa mga kaibigan. Sukli no'n!

Umiling ako at inayos na ang mga order nila. Nakipagpalit na rin ako kay Carlo, sinabi kong ako na ang magdadala ng huling order ng shift ko dahil... gusto ko.

Inilapag ko ang isang tray na puno ng pagkain sa table nina Chance at ng mga kaibigan niya.

"Sukli mo," sabay abot ko kay Chance ng datung.

"Miss, taga-UPM ka?" biglang tanong nung isang kaibigan ni Chance. "Oo," sagot ko.

"Arts and Sciences?" siniko ang lalaki nung katabi niyang lalaki. Tumango ako.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Chance bago mga ngumisi.

"So, ikaw binibisita lagi ni Chance there?"

Umawang ang labi ko at hindi kaagad nakasagot.

Tama ba ang... pag-a-assume ko?

Continue Reading

You'll Also Like

With You By raia

Teen Fiction

17K 1.1K 102
With You stand-alone epistolary 📱 [ completed ] They say young love does not last long. A game you can laugh at when you lose. A past time when you...
26.2K 990 83
Around Series #3 an epistolary and a collaboration. Hiraya & Centineo
102K 3.5K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

109K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]