Ikaw Ang Pangarap (Completed...

By Gidgetwitty

1.3M 9.9K 3.8K

"Ikaw ang pangarap ko, Celine! Ang babaeng nagpatibok sa pihikan kong puso." Paanong paniniwalaan ni Celine... More

Chapter 1 (First Meeting)
Chapter 2 (Love is in the air)
Chapter 3 (Asaran ang peg)
Chapter 4 (It might be you)
Chapter 5 (Suyuan)
Chapter 6 (Revelation)
Chapter 7 (Always)
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13 List of readers with comments
Chapter 14
Chapter 14 List of readers with comments
Chapter 15
Chapter 15 Lists of Readers with Comments
Chapter 16
Chapter 16 Readers with comments
Chapter 17
Chapter 17 (Readers with comments)
Chapter 18
Chapter 18 (Readers with Comments)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Message for my readers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40 (Life after 2 Years)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Attention to all readers:

Chapter 45 (The Final Chapter and Epilogue)

23.3K 318 113
By Gidgetwitty

    Chapter 45

     Araw ng Kasal...

   "Mommyyy, I don't like this ribbon," reklamo ni Kimmy sa ina. Pilit nitong inaalis ang laso sa mahabang buhok. Nanglalambot na napatingin ang hairstylist sa bata. Katatapos lang nitong ayusin ang bata. Samantalang si Alexa naman ay masayang nakaupo sa tabi ng kambal. Tapos na itong ayusan ng isa pang stylist.

   "Kimmy, you look beautiful! Stop pulling it, please," saway ni Celine sa bata na sinusumpong kanina pa dahil nauna sa simbahan si Liam.

   "I want to see my daddy now?" sabi nito na nakasimangot.

   "Sweetheart, nasa church na ang daddy mo. Naghihintay sa atin kaya sige na baby, huwag ng makulit para makita mo na ang daddy mo," mahinahong sabi ni Celine.

  "I want daddy now!" Nakapameywang na ito ng parang matanda.

    Gustong matawa ni Celine sa itsura ng anak. "Sweetheart, what do you think of mommy?" Umikot ikot ito sa harapan ng anak na nagmamaktol. 

    "Mommy, you look so beautiful!" sabad ni Alexa.

    "Thanks, baby! What do you think, Kimmy?" tanong uli nito sa bata.

    "I guess so," napilitan itong umamin.

    "You think your daddy will like it?"

    Dahan-dahan itong tumango.

    "Celine, we have to go. Tumawag si Liam sa akin at hinahanap ka na, baka raw makalimutan mo siyang siputin sa altar," nakangiting biro ni Carmela.

    Gumanti ng ngiti si Celine sa biyanan. "Okay po, Ma."

    "Kimmy, Alexa, halika na kayo," yaya ni Carmela sa mga apo. 

   "Ma, si Andrew po?"

   "Nasa kotse na, kasama ni Balaeng Martha."

  "Maayos na ba ang ayos ko?" ninenerbyos na tanong ni Celine kay Isabel nang makaalis sa kuwarto ang biyanan. Maid of honor niya ang pinsan.

   "Napaganda mo talaga, Celine," may paghanga ang boses ni Isabel.

   "Di ba magkamukha naman tayo?" nakangiting biro ni Celine.

  "Talagang nasa genes na ninyo ang magaganda," sabi ni Jordao na kapapasok lang ng kuwarto kasama ang ibang abay na sina Jojie, Rozanna, Hazel at Ella.

   "Celine, dapat na tayong umalis. Narinig kong tumawag na naman si Liam sa biyanan mo at tinatanong ka," anunsyo ni Ella.

   "Grabe talaga si Liam, tatlo na nga ang anak ninyo natatakot pa rin maiwan sa harap ng altar," natatawang kantiyaw ni Jojie.

    "Super inlavey kasi kay Celine," sabad ni Hazel.

    "Ano ba ang pinakain mo sa asawa mo, friend? Pwede bang pahingi ng secret recipe mo," tudyo ni Rozanna.

    "Ang sekreto ay wagas na pagmamahalan," simpleng sagot ni Celine.

    "Sus, mukhang mahirap ng maghanap ng pareho ni Liam," himutok ni Jordao.

    "Talagang extinct na iyang ganyang klaseng nilalang," sabi naman ni Jojie.

    "Ma'am, nag-aantay na po ang limousine ninyo. Pati po si Sir Jake nasa baba na rin po," magalang na wika ni Inday na nakatodo pustura rin. Si Jake ang magdadala kay Celine sa harap ng altar kasama si Martha.

  Dahan-dahang bumaba si Celine kasama ang mga abay niya na nakaalalay dahil sa mahaba nitong suot na trahe de boda. Gawa ito ni Monique Lhuillier, ang sikat na international fashion designer na puro kilalang hollywood personalities ang mga kliyente gaya nila Gwyneth Paltrow, Reese Witherspoon, Kristen Stewart, Hilary Swank, Jennifer Lopez, Taylor Swift, Kim Yoo-Jin. Hindi ito nakatanggi sa hiling ni Liam na ito ang personal na mag-design ng gown ni Celine dahil personal friend ito ng pamilya nila. Ang mga abay ni Celine ay kulay lilac ang mga suot, ang color motif ng kasal.

  Oras na dumating ang limousine sa simbahan ay agad na sumalubong si Ethan.

   "Hay salamat at dumating na kayo, kanina pa balisa ang asawa mo doon sa altar," sabi nito kay Celine.

  "Nag-alburuto pa kasi si Kimmy kanina," kaswal na sagot ni Isabel.

    "Ma'am, ready na po ang entourage," wika ng wedding planner.

  Iyon lang at nagsimula ng mag-martsa ang mga principal and secondary sponsors, bridesmaids and groomsmen, ang cute na mga  flowergirls na sina Alexa at Kimmy, at ang gwapong ring bearer na si Andrew, na akay-akay ni Linda, ang dating kasama ni Celine sa New York. Nagulat si Celine nang dumating sina Linda, Manang Maria at Manang Verna a week ago kasama ang mga magulang ni Ethan galing ng New York. Surprise raw ito ng mga Rodriguez dahil alam na makakapagpasaya raw ito sa araw ng kasal ni Celine.

       (Please play the music)

      You and I will travel far together.

      We'll pursue our little star together

      We'll be happy as we are together

      We may never get to heaven

      But it's heaven, at least to try

      Titig na titig si Liam sa asawa habang naglalakad ito papunta sa altar. My one and only love. Ikaw ang pangarap ko, Celine.      

       You and I are going on together

       'Til the time we have is gone forever

        Watch the evening drawing on together

        Growing older, growing closer

        Making memories that light the sky

        That only time can make

        that only love can make

        That only we can make

       You and I

     Hindi mapigilan ni Celine ang luhang kusang kumawala sa kanyang mga mata nang makita ang ekspresyon ng pagmamahal sa mukha ni Liam.

           You and I are going on together

           'Til the time we have is gone foreverer

           Watch the evening drawing on together

           Growing older, growing closer

           Making memories that light the sky

           That only time can make

           That only love can make

         Ikaw ang lalaking nagbigay ng kulay sa buhay ko. Thank you so much, Lord for all the blessings, for giving me my soul mate. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay, Liam.

           Believe me when I say

          That only we can make

          You and I

          You and I, You and I, ... 

         Naglaho lahat ang mga panauhin na saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ng oras na iyon. Para sa dalawang taong nagmamahalan kagaya ni Liam at Celine, parang sila na lang ang laman ng simbahan ng mga sandaling iyon.

     The wedding vow...

    "I love you, Celine Marie Fontanilla and I thank the Lord for the love that has bound our hearts and lives together in spiritual fellowship of marriage. I will love, honor and cherish you and our children always. I will love you in sickness as in health, in poverty as in wealth, in sorrow as in joy, and will be true to you by God's grace, trusting in Him, so long as we both shall live.

   "I, Celine Marie, take you, William Alexander Ventura to be my wedded husband.  As you have pledged to me your life and love, so I too happily give you my life, and in confidence submit myself to your headship as to the Lord. I will live first unto our God and then unto you, loving and caring for you and our children and ever seeking to please you. No matter what may be ahead of us, I pledge to you my life as a faithful wife.

    Halos karamihan ng mga bisita ay luhaan ng mga oras na iyon. Kitang kita nila kung gaano kamahal ni Liam at Celine ang isa't isa.

   "May tissue ka pa ba diyan?" tanong ni Bernadette sa katabi.

   "Naubos na nga," sumisinghot na sagot ni Nina.

   "Ito, may extra ako na panyo," alok ni Anne.

  "Ito talagang mga misis natin, masyadong mga emotional," tudyo ni Tony Vargas.

   "Pare, aminin mo, naluluha ka rin," nakangiting biro ni Herbert.

   "Ganyan din naman kayo noong kinasal kami ni Nina last year," sabad ni Joel.

   Sabay-sabay na umuwi ang mga kaibigan ni Liam galing ng New York last week para dumalo sa grandeng kasalan ng kaibigan.

   "Shhh," saway ng isang matanda sa grupo.

   "Kayo kasi ang iingay ninyo, sinaway tuloy tayo ni lola," sabi ni Bernadette sa mahinang tono ng boses.

     "Lovesky, alam mo ba patay na patay iyang si Celine sa akin dati," mayabang na bida ni Patrick sa kasamang babae. Nasa bandang hulihan ng simbahan nakaupo ang  mga ito. Naisip padalahan ni Celine ng wedding imbitasyon ang dating boyfriend bilang pagtanaw ng pinagsamahan nila dati.

    "So kung ganoon bakit napunta siya sa pinaka gwapong groom sa balat ng lupa?" ismid na sagot ng kasama nito.

     "Ano kasi, nawalan na ako ng gana kay Celine noon. Sayang naman kasi ang pagkagwapo ko kung sa kanya lang ako mapupunta di ba?" kumpyansa nitong bigkas.

     "Hoy, gumising ka nga sa kahibangan mo!  Baka gusto mong ikaw ang pagmisahan ngayon dito sa simbahan," kunsumidong wika ng babae.

     "Lovesky, masyado namang mainit ang ulo mo ngayon," lambing.

    "Susme, kaya lang naman ako pumayag sumama sa iyo ay para makita ko ang wedding of the century ng mga Ventura. Otherwise, magpahinog ka, ilusyonadong lalake!"

     Namumulang natameme sa kinauupuan si Patrick ng oras na iyon.

    "Hija, sino nga itong kinakasal?" nalilitong tanong ni Lola Rosa.

   "Ma, si Liam at Celine po, apo ninyo," mahinahong sagot ni Dalia sa ina.

    "Bagay kasi sila," maikli nitong wika habang nakatuon ang mga mata sa mga kinakasal.

    "Linda, kailangan naman kaya tayo magpapakasal?" malambing na tanong ni Mario sa katipan.

     "Mag-ipon muna tayo," bulong ni Linda.

  "Nangako si Sir Liam na siya na raw ang bahala sa kasal at honeymoon natin. Iyon raw ang ireregalo niya sa atin."

     "Grabe talaga ang kabaitan ni Sir ano? Ang suwerte talaga ni Celine sa kanya."

     "Pareho silang masuwerte sa isa't isa."

      "You may now kiss your bride."

    "And now please join me in congratulating, William Alexander and Celine Marie Ventura!"

   Maririnig ang nakakabinging masigabong palakpakan sa loob ng simbahan.

      "Congratulations, Liam. Best wishes, Celine."

     "You truly deserve to be happy!"

    Ginanap ang marangyang wedding reception sa bagong Hotel resort ng mga Ventura sa Tagaytay na pinangalangang "Celine". Makikita ang mga big time at kilalang mga celebrities at personalities ng Pilipinas sa okasyon na iyon. Ultimo Presidente ng Pilipinas ay nandoon ng oras na iyon.

       TV flash report....

   "Nandito po ako ngayon sa Celine's Resort para sa engradeng wedding reception ng handsome billionaire na si Liam at ang napakaganda niyang bride na si Celine. Makikita ninyo kung gaano kaengrade ang kasalan na ito." Makikita sa tv na umiikot ang kumukuha ng video para ipakita  ang kabuuan ng reception.

    "Masuwerte po ang station ABC at isa kami sa naimbitahan sa special coverage ng okasyon na ito." Patuloy na pagbabalita ng news reporter na may security clearance para icover ang event. 

    "Excuse me po, Lola. Ano po ang gusto ninyong sabihin?" Kinuha ng news reporter ang atensyon ng isang matandang babae na naglalakad papunta sa lamesa.

    "Hangad ko ang kaligayahan ng mag-asawa. Talagang para sila sa isa't isa," masayang sabi ng matanda.

   "Ano po ang pangalan ninyo, Lola at paano po ninyo nakilala ang bagong kasal?"

     "Ako po si Marina Briones. Nakilala ko po ang mag-asawa noon sa eroplano. May kaunting tampuhan pa nga ang mga iyan pero nakikita ko na noon pa man kung gaano kamahal ni Liam si Celine. Talagang sobrang manuyo kay Celine. Bago kami bumaba noon sa New York airport, hiningi ni Liam ang contact number ko. Nagulat nga ako nang matanggap ko ang wedding invitation galing sa kanila. Hay, to be young ang in love!" Kinikilig na sabi nito sa reporter.

    "Lola, romantiko po pala si Liam Ventura!"

    "Ay super!"

     Three days after the wedding...

     "Daddy, why can't we come with you and mommy?" nagmamaktol na reklamo ni Kimmy.

  "Sweetheart, hindi pwede ang bata doon. Honeymoon namin ng mommy mo," malambing na paliwanag ni Liam sa bata.

    "Daddy, I want to come too," pakli naman ni Alexa.

    "After we come back, Mommy and I will bring you and your brother to Hong Kong Disneyland, okay?"

     "Where are you going now?" makulit na tanong ni Kimmy.

    "To Europe, Kimmy."

     "I will miss you, daddy, mommy," masuyong wika ni Kimmy.

     "Honey, isama na kasi natin sila," bulong ni Celine sa asawa. Naaawa kasi ito sa mga anak.

    "Hon, honeymoon natin ito. Two weeks lang naman tayo sa Europe, gusto ko namang masolo ka," pilyo ang ngiting ibinigay nito kay Celine.

     Kinurot ni Celine si Liam sa tagiliran ng pino.

     "Arghh, honey!"

    "Mommy, why did you hurt my daddy?" nakabusangos na sabi ni Kimmy nang makita nito ang ginawa ng ina.

     "Sweetheart, nanggigil lang si mommy sa akin. Cute raw kasi ang daddy mo."

     "Mommy, where do babies come from?" seryosong tanong ni Alexa sa ina.

      "Huh!" nagulat si Celine sa tanong nito.

      "Oo nga, mommy where do babies come from," ulit ni Liam, pilyo ang mga ngiti nito.

      "Anak, ganito iyon. Baby comes from mommy's tummy."

     "Mommy, who put us in your tummy?" inosenteng tanong naman ni Kimmy.

     Natameme si Celine, hindi alam kung paano ipaliliwanag sa mga anak ang tungkol dito.

       "Sweetheart, daddy loves your mommy so much so we decided to create both of you and your brother, Andrew," nakangiting paliwang ni Liam sa kambal.

    "So we will have lots and lots and lots of brothers and sisters because you love mommy so much!" Tumalon talon ang mga paslit.

         Napangiti na lang ang mag-asawa sa turan ng mga anak.

       "I'm the happiest woman in the whole world, honey," malambing na sabi niya sa asawa. Unang gabi ng honeymoon nila sa London, England  iyon.

       "I love you, Celine."

       Unti-unting inilapit nito ang mukha sa kanya. Sa una ay punong-puno ng gentleness ang mga halik nito, hanggang sa maging mapusok iyon, mapangahas. Napasinghap siya at natagpuan na lang ang sariling gumaganti sa bawat halik nito. Maya maya pa ay nakakawit na ang mga braso niya sa leeg ng asawa habang ito naman ay abala na sa paggalugad sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan. Nakita niya ang mga tila nag-aapoy na pagnanasa sa mga mata nito habang pinagmamasdan ang kabuuan niya. Damang-dama niya ang panggigil nito sa kanya.

     "Oh God, Celine. I love you so much! Ikaw ang pangarap ko bago pa man kita nakilala. God knows, I was looking for you."

          Epilogue

          Two years after...

      "Congratulations, Mr. and Mrs. Ventura you have another baby girl!!!" anunsyo ng doktora sa delivery room ng maisilang ang malusog na sanggol.

         Napaiyak na yumakap si Liam sa pagod ngunit maganda pa ring mukha ng asawa.

          "Thank you, honey for giving me another beautiful daughter. I love you!"

           "I love you too, honey!"

           Samantalang sa kabilang delivery room suite naman ay maririnig din ang malakas na iyak ng lalaking sanggol.

       "Congratulations, Mr. and Mrs. Rodriguez! You have a very healthy and handsome baby boy! Pahayag ng OB doktor ni Isabel.

        Hindi napigilan ni Ethan lumundag ng oras na iyon sa tuwa. "Daddy na ako!! Thank you, babe. I love you, Isabel!!!" 

      Tumutulo ang mga luha na napayakap si Ethan sa asawa. "You made me the happiest man alive right now, Babe! I never know I can be so happy like this.

       Habang lumalaki ang kambal na sina Kimmy at Alexa ay lalong nagiging kamukha ito ni Celine. Samantalang si Andrew naman ay carbon copy ng ama. Ang bunsong si Anne Marie naman ay combination nilang mag-asawa. 

       Si Ethan at Isabel ay nagpagawa na rin ng masyon malapit kina Liam kaya naging close lalo ang mga bata.

      Maririnig ang masasayang halakhak sa bakuran at sa loob ng masyon ni Liam at Celine, pagpapatunay na doon makikita ang walang hanggang kaligayahan ng mag-anak.

                                     The End

         Writer's Message:

         Sana ay tumatak sa puso ninyo ang kuwentong,"Ikaw ang Pangarap."

     Thank you so much for your support from the beginning of my journey until now. 

         You all inspire me to write all these KimXi stories. Salamat talaga!

         Sana hindi kayo magsawang magbasa ng mga kuwento ko at iba pang KImXi stories ng ibang authors.

       Magbabakasyon po ako ngayong March/April sa Pilipinas. Sa Mayo na po ang susunod kong istorya. May naisip na po akong plot para dito. Please po sana abangan ninyo ang kuwentong iyon.

          Thank you din sa lahat ng likes, votes at comments dito, sa Facebook at sa Twitter. Lahat po iyon ay nababasa ko at na-aapreciate.

            Thank you din po sa retweets, at pag-share ng stories ko.

            Thank you din po sa pag-follow ninyo sa akin dito sa Wattpad, Twitter, Instagram at pagiging KSG members.

           Gidgetwitty/ Ate G/ Ms. G

Continue Reading

You'll Also Like

42.7K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
632K 209 1
Si Yza ay isang masayahing dalaga na naninirahan sa probensya ng negros Occidental. Isang mapagmahal na anak, at kaibigan. Nang pumanaw ang kanyang a...
80.4K 2.1K 21
THE HEARTBREAKER TEAM Series Book 1: Mr. RACER BREAKER Hindi lang sa makabagong teknolohiya at mataas na uri ng pagtuturo sikat ang Heartfield Unive...
98.4K 1.4K 57
(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas...