Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

741K 28.3K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 41

13.6K 517 427
By LadyAva16

"Indi nako magpuli sa Iloilo, diri lang ko kila Lolo kag Lola kay damo ta. Ari kamo de, mga pinsan ko, may kahampang ko. Didto sa amon waay ko kahampang, ako lang tana." Dinig kong sabi ng anak ni Caleb na si Wyatt habang nakikipaglaro kay Castor at Pollux. Alam kong hindi siya naiintindihan ng kambal pero matiyaga pa rin itong nakikipag-usap sa kanya.

[Hindi na ako uuwi sa Iloilo, dito nalang ako kina lolo at lola. Andito kayo, mga pinsaon ko, may kalaro ako. Doon ako lang mag-isa, wala akong kalaro.]

Naglalaro ang mga ito ngayon kasama ang babaeng kambal na anak ni Kuya Gustavo at ang babaeng anak ni Thunder. Ang saya nilang tingnan magpipinsan. Si Hera at Athena ay nagsasalita sa wikang bisaya, si Ameeya naman ay english speaking. 

"Kahibaw naka mosakay ug kabayo, Wyatt? Di naka mahadlok?"  [Marunong ka nang mangabayo, Wyatt? Hindi ka na natatakot?]  Tanong ni Hera kay Wyatt, na ewan ko lang kung naiintindiha naman nung isa dahil hindi ito sumagot.

"You mean, horse back riding, Hera?" Si Ameeya ang sumalo para kay Wyatt. "Yeah he knows a little. Dad taught him yesterday.  You're not scared to ride your horse now, right Wyatt?" Tumango naman ang anak ni Caleb sa anak ni Thunder. 

Kung hindi ko kilala ang mga tatay nila iisipin kong quadruplets ang mga ito. Maliban sa halos magkasing edad lang silang apat, magkakamukha pa. Si Hera at Wyatt, kulay asul ang mga mata, si Athena ay itim, si Ameeya ay amber. Dagdagan pa ng mga anak ko ka kulay asul at kulay gray ang mga mata. Para silang mga batang manika. Magkakamukha pero iba't ibang kulay ang mga mata. 

"How about you Pol and Cas, do you know how to ride horse?" si Ameeya.

"You have to call them Kuya, they are older than you Ameeya." pagwawasto ni Hera sa kanya. "Same with us you have to call us ate, because we are older than you."

"We're not using Ate ang Kuya back home." Ameeya reasoned out, pouting.

"You are in the Philippines, you have to learn how to use ate and kuya. Yun ang turo ni Mommy sa amin. Tsaka magagalit si Daddy if marinig ka niyang hindi tumatawag ng ate at kuya kasi sign daw yan ng respect. Even Athena she's calling me Ate even though we are twins."

"Do I really have to? We're almost the same height." maarte nitong sabi. Siguro hindi talaga sanay sa ganung tawagan.

"It's not about the height, Ameeya. Even Castor and Pollux, they have to call us Ate because we are older than them." 

Kahit mukhang naguguluhan pa, walang nagawa si Ameeya kundi ang tumango sa sinasabi ng anak ni Kuya Gustavo. Lalo at mukhang palaban itong si Hera.

Sa kambal na anak ni Kuya si Hera ang palasalita. Si Athena ay tahimik lang, parang si Pollux din na nakareserba ang ngiti at bawat salitang lumalabas sa bibig. Samantalang si Castor, Wyatt, Hera at Ameeya ang kanina pa nagdadaldalan. Sila ang nagbubukas ng topic kahit iba iba ang lengwahe nila. Ewan ko nga paano sila nagkakaintindihan. 

"I'm so happy that finally kumpleto na ang mga apo ko."

Nabaling ang tingin ko kay Papa. May ibang ningning ang mga mata niya habang nakatingin sa mga bata.

"Nung nawala ka, akala ko wala ng pag-asang makita ka namin ulit. Sobra ang pagsisisi namin buong pamilya. Nagkagulo-gulo ang buhay namin. Ang daming nangyari sa mga buhay namin. Naaksidente si Gaston, may nangyari din kina Gustavo at sa asawa niya. Mabuti nalang at nandyan ang mga kapatid nila. Sila ang dahilan na hindi magkawatak watak ang pamilya."

Sinulyapan niya ang triplets at ang kambal  na ngayon ay tumutulong sa paghahanda ng pagkain. Si Cairo at Hunter ang nag-iihaw ng isda at karne at si Caleb naman ang naghihiwa ng mga prutas at tumutulong kay Senyora sa paghahanda. Thunder ang nagbabantay sa mga bata na nagsisimula ng malaigo sa pool. Si Cleopatra, may hawak sa anak ni Kuya Gustavo kausap ang asawa nito habang si Kuya Gustavo naman at si Gaston ay seryosong nag-uusap. 

"I'm the one to be blamed, Camilla. Nung mga panahong yun, hirap pa rin si Elizabeth na tanggapin ang mga anak ko sa ibang babae. I know it's hard for her, lalo at hindi lang isa ang anak ko. Lima pa talaga at magkaiba ang ina.  I'm not saying this to justify what she did 'coz I know that no amount of words can justify the mistake she had done to you. We feel so guilty, kami ni Kuya Gustavo mo. Wala man lang kaming nagawa para pigilan siya."

I nodded.  still feel the pain but it's lesser now. 

"Nung gabing nawala ang lolo mo, muntik na ring mawala si Elizabeth." naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Elizabeth,  felt so guilty after what she did to you. When you ran out of this house she followed you. The same group of men, who killed your lolo, went to your house. They are looking for you.  Nakita nila si Elizabeth, hinarang. Tinanong kung kilala ba niya ang ang apo ni Ignacio. They are about to take her.  Mabuti nalang nasundan ni Gustavo at mga tauhan niya ang mamá nila kundi baka pati ito ay ginawan na rin nila ng masama."

"Po?"

"Nakilala siya nung isa, ang sabi ni Gustavo at hindi sila naniniwalang hindi ka niya kilala. Hindi sinabi ni Elizabeth na kilala ka niya kaya tinutukan siya ng baril.  Mabuti nalang naunang nabaril ni Gustavo yung lalaking tumutok ng baril sa kanya. She's traumatized. Ilang araw din hindi nagsasalita si Elizabeth nun."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam kong andaming nangyari sa araw na yun pero ngayon nalaman kong pinagdaanan ng ginang bigla akong nakaramdaman ng awa para asa kanya. Kaya siguro hindi ito nakadalaw. Si Papá lang at Kuya ni Gustavo ang dumalaw sa lamay ni lolo ang sabi ni Aling Edna.

"That same night, Gaston..." huminto ito at nakita ko ang pag-aalinlangan niyang ituloy ang gustong sasabihin. 

"Ano pong nangyari kay Gaston?" If I'm not mistaken, that night, Gaston is bleeding. Yun yung nakikipag-away siya kay Doctor Marfori dahil ayaw siyang papasukin. 

" He killed one of them." I was shocked for while. Bigla parang nablangko ang utak ko. Si Gaston nakapatay? "Napatay ni Gaston yung lalaking bumaril sa Lolo mo at may balak ding kumuha sayo. At muntik na rin siyang mawala nung gabing yun. "

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Nilipat ko ang tingin ko kay Gaston. Ang dami din palang nangyari sa kanya. Naalala ko nung mga panahong  nagluluksa ako kay Lolo kahit anong pagtataboy ko sa kanya, hindi niya ako iniwan. 

"Thank you, nak." inabot ni Papá Gideon ang kamay ko. "Thank you for allowing us to meet the twins. I couldn't thank you enough for your goodness."

"Papá..."

"I know you've been through a lot. Maiintindihan ko kung hindi ka pumayag na ipakilala sa amin ang kambal pero napakabuti ng puso mo." Pumiyok ang boses niya. "Napakabait mong bata, Camilla. Pumayag kang makilala nila kami despite all the pain that we've caused you."

"Papá, wag na po nating balikan yun." mabilis kong putol  sa kanya dahil nagsisimula na naman itong maging emosyonal. Unti-unti na namang namumuo ang luha sa mga mata niya na alam kong hindi makakabuti sa kalagayan niya. 

"Maraming salamat sa kabutihan mo, Nak. Hindi nagkamali ang anak ko na ikaw ang babaeng pinakasalan niya. Mahal na mahal ka ng anak ko Camilla. May pagkukulang man siya sa yo pero alam kong mahal na mahal ka ni Gaston, higit pa sa buhay niya."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Papá kaya pinili ko nalang na tumahimik. 

"Masaya akong nagkita-kita ang mga apo ko. Excited akong samahan sila bukas maglibot dito sa hacienda." biglang sumaya ang tono niya. Nakangiti pa itong tumingin sa mga batang naghahabulan sa tubig. " Ang mga anak ng Kuya Gustavo mo, magaling na mangabayo ang mga yan. Ang anak naman ni Caleb, ngayon lang ulit nakabalik dito. Ang anak ni Thunder, first time din nakauwi dito sa Pilipinas."

"Ang dami na ng apo niyo, Papá." nakangiti kong sagot sa kanya. Magli-lima na ang anak ni Kuya Gustavo, isa kay Caleb, isa kay Thunder at dalawa kay Gaston. "Kaya magpalakas po kayo. Magalalaro pa kayo ng mga apo niyo, Papá. Wag kang mag-alala, tutulong ang mga magulang ko sa paghahanap ng puso mag-mamatch sayo."

"Matanda na ako, Cam." nakita ko ang pag-ulap ng mga mata niya. "Ilang taon na din kaming naghahanap ng donor pero walang nagmamatch sa akin. Masaya na akong, nakita ko ang mga apo ko bago ako---" pero mabilis ko siyang Pinutol.

"Gagaling po kayo, Papá. Wag kang mawalan ng pag-asa. Lalaban pa tayo diba? Doktor na po ako, sabi ko dati diba kapag naging doktor na ako, ako ang mag-aalaga sayo. Hayaan niyo po akong tuparin yun Papá bastaw wag mo kaming sukuan ha?" nakita ko ang pag-aalangan niyang sumagot sa akin. Maya-maya ay nagsimula nang mag-unahan ang luha sa kanyang pisngi. Hindi ko na siya pinasagot. Mahigpit akong yumakap sa kanya. 

"L-lalaban ako, nak. Para sa inyong lahat, lalaban ako." bulong niya sa akin. Nakangiti akong lumayo sa kanya. Yun ang gusto kong marinig mula kay Papá. 

Nakita ko mula sa pwesto nila na nagpapahid ng luha si Senyora. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. 

Buong maghapon, nakabantay si Papa sa mga apo niya. Ang dami nilang napag-usapan. Ang daming kwento ng mga apo niya. Pati si Castor at Pollux at nakikipagkwentuhan din. Ang dami din nilang binahagi na nangyari sa buhay nila.  Naputol lang ang kwentuhan ng kailangan ni Papá na magpahinga. 

Pinagpahinga ko rin ang mga bata. Nung makatulog ang mga ito. Nagpaalam akong pupuntahan ko ang dating tirahan namin ni Lolo. Gusto kong makita ang mga taong nagmahal sa akin at tinuring akong kapamilya. 

"Can I come. Star?" parang batang ungot ni Gaston ng malaman niyang pupunta ako sa dating bahay namin ni Lolo Ignacio. "Promise, hindi na ako magsusungit sa bodyguard mo."

Tama lang dahil wala namang ginagawa si Kuya Rene sa kanya. Ayokong isipin na pati kay Kuya Rene nagseselos siya. Isa pa natatakot akong kapag napikon si Kuya Rene at magsumbong ito kay Kuya tiyak may mapapasugod dito ng wala sa oras. Wag naman sana. 

"Bakit ka ba kasi nagsusungit kay Kuya Rene? Wala naman siyang ginagawa sayo. He's a nice person and he's just doing his job. That's what my brother instructed him to do and he's just following orders." 

"Close daw kayo, sabi ni Caleb." out of the topic niyang sagot. Ano naman ngayon kung close kami ni Kuya Rene. Malamang magaan ang loob ko sa kanya dahil sa kanya pinagkatiwala ni Kuya Falcon ang kaligtasan ko. Pero maliban doon wala na. Ni hindi ko nga alam kung may asawa na ba si Kuya Rene o wala. 

"How does he look like? Green daw ang mata niya? Mas matangkad pa daw sa akin at mas malaki ang katawan?"

Anong pinagsasabi ni Caleb dito sa kuya niya? Hindi kaya green ang kulay ng mga mata ni Kuya Rene, itim. Tsaka mas matangkad si Gaston sa kanya. Pinasadahan ko ng tingin ang katawan niya. Dahil fit ang polo shirt na suot niya klaro ang paglahulma ng dibdib niya dito. Namumutok din ang braso niya at parang may sariling buhay ang mga ugat niyang gumagalaw sa mga braso niya. 

Malaki pa rin...

I mean malaki pa rin ang katawan niya. Pero hindi rin nagkakalayo ang laki ng katawan nila ni Kuya Rene. Actually, hindi lang naman si Kuya Rene. Lahat ng mga tauhan ni Kuya, ganun lahat. Malalaki ang katawan, mga fit.

Hindi ko siya sinagot. Inayos ko ang mga gamit ko para makaalis na ako. Nakikita ko na si Kuya Rene na nakatingin mula sa labas. Siguro handa na ang sasakyan na gagamitin namin.  I will use our car, yung ginamit ni Kuya Rene at ng mga tauhan niya. Hindi ko naman kasi inaasahang sasama pa si Gaston sa amin. 

"I know I d-dont have the right to be j-jealous, but I am." halos pabulong na nitong sabi sa akin. "Please, let me come with you. Magbe-behave ako." parang bata nitong sabi. Bigla parang nakikita ko ang katauhan ng kambal sa kanya. Para itong si Castor na naglalambing at si Pollux nung nakakunot ang kilay nito. "Please, Nanay, sama ako, promise di ako magba-bad kay Kuya bodyguard mo...please po?"

I rolled my eyes on him, suppressing my smiles kahit alam kong hindi niya naman ako makikita. Paawa pa as if naman...hmp! Sige na nga at baka umatungal pa ang lokong to. Lalo't papalapit na naman ang maloko niyang kapatid. 

"Diin kamo maglakat, Bituin? Maupod ko bi." [Saan kayo pupunta, Butuin? Sama ako.]

Pero hindi paman ito tuluyang nakalapit sa amin mabilis na akong nahila ni Gaston palapit sa kanya. At kahit nakasuot ito ng salamin bakas pa rin ang pagsusungit nito. Nakakunot ang noo at halos mag-isang linya ng ang kilay niya pero pilyo lang na nakangisi si Lexus sa kya niya palibhasa di siya nakikita nito. 

Susko Caleb, kung nagkataon lang na nakakakita pa itong kapatid mo tapos ganyan yung asal mo ewan ko lang sayo. 

" Sama ako Kuya? Sabi ni Cairo pupuntahan daw ninyo ni Bituin yung dating bahay nila. Mangunguha ba kayo ng tilapya? Magpapaturo ako paano manghuli Kuya, please?"

"Don't leave the kids here, Lexus." masungit niyang saway sa kapatid pero mukhang nakare-charge na naman ito para mangulit sa kuya niya. Maypa taas-baba pa ito ng dalawang kilay niya sa akin. 

"Kay Bituin nalang ako magpapaturo Kuya kung ayaw mo. Magaling daw manghuli si Camilla ng tilapya tsaka masarap daw yung tilapya ni Camilla."

"The fuck, fucker?!" mabilis na umigkas ang kamay ni Gaston pero nauna ng umatras si Caleb. Alam na alam niya talaga paano asarin ang kuya niya dahil tatawa-tawa si Gago. 

"Wait Kuya! Ito naman highblood! Hindi pa ako tapos. Syempre, hindi ko papakialaman ang tilapya ng may tilapya. Ikaw talaga Kuya. Ba't ka nagagalit agad? Baka ibang tilapya ang nasa utak mo kaya ganun." 

Ako naman ang pinamulahan sa sinabi niya. Ganito din kasi ang unang pumasok sa utak ko nung marinig ko yang 'tilapya ni Camilla' . Parang ang sagwa lang pakinggan. Parang double meaning kasi pag nanggaling sa bibig nitong mga lokong 'to.

"Let's go, Baby, bago pa dumugo ang bibig ng gagong yan." aya na sa akin ni Gaston.  Nakaakbay na ito sa akin bago paman ako makasagot. At dahil natatakot akong baka matumba kami dahil hindi siya nakakakita, mabilis ko namang ikinawit ang kamay ko sa payakap sa kanya. 

"That's better, Star. I miss having you this close to me." pero di paman ako nakasagot bigla na namang sumigaw si Caleb. Napalingon ako sa kanya, kumaway pa ito sa akin. 

"Kuya! Magpaopera kana para makakain ka na ng tilapya ni Camilla. I'm sure miss mo na yun."

What the hell?

"Bituin, wag mong ipagdamot ang tilapya. Maya niyan, lumot na kinakain niyan." 

Bwesit lang? Gago talaga ang Sandoval na to. Apaka bastos ng bibig. Pero imbes na sawayinni Gaston ang kapatid mukhang natawa pa itong maligno sa tabi ko. Yumuyugyog ang katawan niya sa pagpipigil na tumawa.  Ano kayang nakakatawa doon?

Kung itulak ko kaya siya? Baka hindi lang lumot ang mahuhuli niya. 

"Dyan ka na nga!" masungit kong sabi sabay bitaw sa kanya pero bago ko pa magawang lumayo mahigpit niya ng naiyakap ang kamay sa bewang ko. 

"I'm sorry, Baby. I d-don't ...I don't want to laugh but fuck! Lexus mouth is so unfiltered. Gago talaga ang kapatid kong yan."

"Uyyyy may kinikilig! Si Kuya, kinikilig. Kainan na!  Namit namit gid yah!"

"Shut up!" kunwari saway ni Gaston sa kanya pero nakangiti naman 'to. 

"Thank me later, Kuys! Ituloy na ang bakbakan!"

Hindi ko na pinatulan ang kalokohan ni Caleb. Tahimik kong inalalayan si Gaston hanggang sa makalabas kami ng mansion nila. 

"Doc Yen, maiiwan po dito si Nardo. Siya po ang magbabantay sa mga bata. Ako lang po at yung ibang tauhan ang sasabay sayo. Pinapuntahan ko na rin ang dati niyong bahay, yun kasi ang bili ni Boss." Tumango ako. Alam ko na yun. OA na kung OA pero wala akong magawa dahil yun ang gusto ni Kuya. 

Nadako ang tingin ni Kuya Rene sa lalaking tahimik lang na nakatayo sa tabi ko. True to what he said, Gaston didn't say anything. Hindi masungit ang mukha niya pero hindi rin naman friendly. 

Nakuha ko ang ibig sabihin ng tingin ni Kuya Rene, nagtatanong ito kung sasama ba si Gaston sa amin. Kaya tumango na ako. 

"Baby, please let them use our car."

Ang itim na Hummer na tinutukoy niya ay nakaparada rin sa harapan namin. Magtatanong pa sana ako kung  saan ang susi nito pero biglang lumabas Thunder mula doon. 

"I will drive you there, Kuya, Madisson." Pormal  na sabi ni Thunder at kahit sa paraan ng pagtayo at pagsasalita niya, makikita mo talaga ang malaking pagkakahawig nila ni Kuya Gustavo. Makikita mo kung gaano kaseryoso ang mga ito.  Ganitong ganito si Caleb nung unang kita ko sa kanila pero biglang nagkaroon ng factory defect ang kumag at bigla nalang naging makulit.

Tumango ako kay Kuya Rene dahil alam kong hinihintay niya ang signal ko. Saka pa ito umalis sa harapan ko ng makita niyang lumapit si Thunder sa sasakyan ni Gaston. Ito na rin ang nagbukas ng pintuan para sa kapatid niya. 

Pagkapasok namin sa loob, nagulat pa ako ng makita kong nandun pala ang anak niya. Nasa passenger seat si Ameeya at may malawak na ngiting nakatingin sa amin. 

"Ameeya say hi to Tita Maddie and Tito Pierre." si Thunder bago pinaandar ang sasakyan. "I brought my daughter because she wants to see the beauty of nature." he said lovingly, taking a glance at Ameeya.

"Thank you Daddy.  I love you so much!" Ameeya said, that made Thunder smile. For the first time I saw Thunder smile like that. 

"Hello pow, Tita Maddie, Tito Pierre!"

"Hi meeya! Why aren't you asleep? Hindi ka ba napagod--Oh wait, can you understand tagalog?" she nodded smiling. 

"Opow, kownte. My nanny taught me pow. I can understand a little and speak a little too. But I'm learning pow. Ate Hera and Ate Athena is teaching me pow, they also teach me how to speak bisaya."

"Oh really?" I asked smiling at her. Mukhang madaldal si Ameeya, kabaliktaran ng ama niya. 

"Yes pow!"proud nitong sagot sa akin. Ganyan din ako dati nung tinuturuan ako nina Amor hanggang sa natutunan ko rin. 

"Gwapa kaayo kow." she said giggling. Her beautiful pair of Amber eyes is twinkling. Ang ganda na anak ni Thunder. Saan kaya ang nanay nito?

"Owg ikaw puwd Tita, gwapa kaayow. You look good together with my Tito Pierre na gwapo puwd."

That earn laughter from Gaston. Pati si Thunder ay nakitawa na rin. Proud pa itong tumingin sa anak. Hindi ko lang alam kung pati itong si Thunder ay marunong na ba magbisaya. Pagkatapos nagkatawanan silang dalawa ni Ameeya. Ang dami pang sinabi ng bata sa kanya. Lahat ata ng mga tinuro ng kambal ni Kuya tinuro niya din sa daddy niya. Si Thunder naman ay matiyagang nakikinig sa anak. 

Hindi din nagtagal ang byahe dahil malapit lang naman ang bahay ni Lolo sa mansion ng mga Sandoval.  Malayo palang kita ko na ang mga dati naming kapitbahay na naghihintay sa labas ng mga bahay nila. Pero ang nakaagaw pansin sa akin ay ang dating bahay namin ni Lolo. Kung ano ang ayos nito nung iniwan ko ganun pa rin ito. Mukhang sinadyang mapantili ang dating ayos nito. Pero napansin ko ang  ginawang maliit na  parang musuleo sa tabi ng bahay ni Lolo. 

 "We're here." deklara ni Thunder ng makarating kami sa tapat ng gate. Siya rin ang nagbukas ng pintuan para sa amin ng kuya niya. 

Ayokong umiyak pero bigla naramdaman ko ang pag-ambon ng mga mata ko. It's been how many years since I left this place. Pero bakit pakiramdam ko bago pa lang. 

"Let's go, Baby." aya ni Gaston sa akin. Nagpatiayon ako sa kanya. Hanggang sa huminto kami sa harapan ng gate ng bahay namin at natanto kong ang mosuleo ng ginawa ay para sa Lolo Ignacio ko. Nakita kong may nakasabit na frame niya doon sa loob. 

Hindi ko na napigilan ang pag-uunahan ng mga luha sa aking mata. Parang bumalik ako sa unang araw nung tumuntong ako dito sa lugar na to. Nung araw na dinala ako ni Lolo para magsimula ng panibagong buhay. 

Hindi ko na napigilan ang sariling mapahikbi. Pati ang mga kapitbahay na naghihintay sa akin ay nakita kong umiiyak rin.

" I transferred Lolo IG here. Alam kong darating ang araw na babalikan mo siya at hindi ako nagkamali." Gaston muttered. I heard his voice broke and that made me cry more. Naramdaman ko ang paghapit niya sa akin palapit sa kanya at marahan niyang paghaplos sa likod ko. 

Oo pinangako kong babalik ako dito. Hinanda ko na ang sarili ko para dito pero ang sakit pa rin pala. Sobrang sakit dahil hindi naman ito ang napag-usapan namin ni Lolo. Ang sabi ko tutuparin ko ang pangarap namin, natupad ko nga pero wala na yung taong unang nagmahal at nagtiwala sa akin. 

 "This way, makabawi man lang ako sa kanya. Alam ko,  galit sa akin si Lolo IG dahil hindi ko natupad ang pangako kong hindi kita sasaktan. Kaya kahit sa ganitong paraan man lang...I'm so sorry, Baby. Hindi ko kayo naprotektahan ni Lolo IG. Hindi ko natupad ang mga pangako ko sa kanya."

Lumakas ang mga hikbi ko. "L-lo, andito na ako..." unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko papasok sa musuleo niya. Tiningnan ko ang frame ng larawan niyang nakadisplay doon. Buhay na buhay pa ang lolo ko doon. 

"L-lo si Camilla to. Andito na ako, Lo. Bumalik na ako. Natupad ko na ang mga pangarap natin, Lo. Doktor na ako, Lolo. Doktor na ang apo mo." Inabot ko ang frame at mahigpit itong niyakap. May umihip ang malamig na hangin at bigla pakiramdam ko may yumakap sa akin. Lalo akong umiyak, nararamdaman ko ang presensya ng Lolo Ignacio ko. Alam kong hihintay niya rin ang pagbabalik ko. 

Tahimik akong umiyak at nag-usal ng dasal para sa Lolo ko. Kahit pa sabihing nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya masakit pa rin sa akin na namatay siya sa ganung paraan. 

He died protecting me. Hanggang sa natitirang buhay niya ang kaligtasan ko pa rin ang inaalala niya. Habang buhay ko itong tatanawing utang na loob sa kanya. Si Lolo Ignacio ang tunay na bayani ng buhay ko. 

Maya-maya naramdaman ko ang dalawang batang tumabi sa akin. Paglingon ko, nakita ko ang kambal, si Castor at Pollux. 

"Nanay? Umiyak po kami ni Pollux kasi akala namin iniwan mo po kami." ani Castor sa maliit na boses. Pagkatapos napansin ko ang pagsulyap niya sa larawang hawak ko. 

"Lolo, may ipapakilala po ako sa inyo." Tiningnan ko ang kambal. Pinakita ko sa kanila ang  larawan ni Lolo saka tinuro ang lapida niya. "Mga anak namin ni Gaston, Lo. Si Castor at Pollux po."

"Hello po Lolo!" sabay na bati nilang dalawa.  Napangiti ako doon. 

"Pasensya na Lo kung natagalan ang pagbalik ko dito. Pero mula ngayon, dadalasan na po namin ng mga apo niyo ang pagdalaw dito."

"Ako din, Lolo IG, magiging madalas na rin pagbisita ko dito." sabat ni Gaston. " Wag mo na po akong takutin sa panaginip ko ha. Ayan na po oh, may gwapong apo kayo mula sa amin ni Camilla. Wag mo na po akong habulin ng itak."

Nagtataka akong lumingon sa kanya. Ang mga bata ay nakangiti rin umangat ang tingin sa tatay nila. 

"Lolo IG always visit me in my dream, Baby." parang batang sumbong nito sa akin. "Hinahabol niya ako ng itak sa panaginip ko. Hindi daw ako pwedeng tumuntong dito lalo kapag di kita kasama. Kawawa naman ako, Cam. Kahit sa panaginip galit pa rin sa akin si Lolo IG."

"Lolo IG, don't be mad at our Tatay Gaston na po. Kasi kawawa naman our Tatay he is always crying na po." si Castor na lumipat pa sa kabilang side para humawak sa kamay ng tatay niya. 

Nagsindi kami ng kandila. Inayos ko ang mga  bulaklak na pinabili ko kay Manong Rene na dadalhin ko sana mamaya sa sementeryo dahil hindi ko alam na nilipat na pala dito ni Gaston si Lolo. 

"Camilla?" Paglingon ko sa tumawag sa pangalan ko ang luhaang mga mata ni Aling Edna ang bumungad sa akin. Walang sabi-sabi yumakap ako sa ginang. Ang babaeng huling nakasama ng lolo ko na hindi na rin naging iba sa akin. "Salamat at bumalik ka, Camilla. Alam kong matutuwa ang Lolo Ignacio mo."

"Salamat po Aling Edna." Pasalamat ko sa kanya. Hindi man kami ganun kalapit noon pero hindi ko makakalimutan ang ginawa nitong pagtulong sa akin nung mga panahong lugmok ako. Hindi ko rin makakalimutan ang kabutihan at pagmamahal na pinakita at pinadama niya sa lolo ko. Nag-iyakan pa kaming dalawa bago kami naghiwalay. Lumapit din ang ibang mga kapitbahay sa amin. 

"Si Amor po?" hanap ko sa matalik kong kaibigan. Dahil hindi ko ito nakita. Wala din si Meling, Jepoy at Longlong. 

"Nasa Thailand si Meling at Amor, Cam." Ang nanay ni Amor ang sumagot. " Doon sila nagtuturo ni Meling. Si Jepoy, engineer na, sa Saudi siya nagtatrabaho. Si Longlong naman ay nasa barko pero bababa na yun. Uuwi din si Amor at Jepoy next year sa kasal ni Meling at Longlong. 

Napasinghap ako. Si Meling at Longlong ang nagkatuluyan? Nakita kong nagtawanan sila sa naging reaksyon ko. 

"Si Amor po, kamusta?" tanong ko. Napansin ko ang pagsulyap ng nanay niya sa gilid nito, pagtingin ko doon nakita ko ang batang babaeng singkit na kamukha ni Amor. 

"Ewan ko dun sa kaibigan mo, pero heto may trophy na." kumaway sa akin ang bata saka malawak na ngumiti. Anak nga ni Amor, kahit sa praan ng pag ngiti kuhang-kuha sa nanay niya. Pero teka mukhang may hawig din ang bata..."Anak nila ni Jepoy pero ewan ko sa dalawang yun."

Magpapadeliver sana ako ng pagkain pero may pinadalang pagkain mula sa mansion. Nagpaluto pala ang senyora ng malamang dadalaw ako dito sa dati naming kapitbahay ni Lolo. Yun ang pinagsaluhan namin. 

 Nagkukwentuhan pa kami at nagtatawanan. Muling binalikan ang mga masasayang araw namin ni Lolo Ignacio dito. Nakikisali din si Gaston sa usapan. Gaya ng dati bumalik ang pagiging maligalig nito. Ang dami niya ding kwento. At masaya namang nakikinig ang mga tauhan sa kanya. Yung iba nagtatanong pa kung kelan siya babalik sa planta. 

Ang dami ko pang gustong alalahanin magagandang alaala namin ni Lolo ng bigla lumapit sa akin si Kuya Rene. Nakita ko rin ang ibang mga tauhan na kasamahan niya na naging alerto kay bigla akong kinabahan. 

"Doc Yen, kailangan niyo na pong umuwi sa mansion. Tumawag sa akin si Sir Falcon." imporma sa akin ni Kuya Rene, bakas ang tensyon sa boses niya.  Bigla akong kinabahan. Pati si Gaston sa tabi ko naramdaman ko rin ang tensyon sa katawan. 

"Bakit po, Kuya Rene? Ang mga bata saan?"

"Nasa sasakyan na ang mga bata Doc, pabalik ng mansion. Kayo nalang ni Sir ang naiwan. Tara na po."

"Anong nangyayari? May problema po ba?" kinakabahan kong tanong pero hindi ako nagpapahalata. Napansin kong nakatingin ang mga kapitbahay sa amin. 

 "Nakatakas si Jayson sa kulungan, Doc Yen. Hinahanap pa hanggang ngayon. Pinapauwi na po kayo ni Sir Falcon."

"Let's go, Baby." Si Gaston na mismo ang nag-aya sa akin. 

 Magalang akong nagpaalam kina Aling Edna. Sinabi ko nalang na may emergency at kailangan na naming uuwi. Nakakaunawa naman silang tumango sa amin. Nangako na lang akong babalik  kapag maayos na ang lahat. 

Tahimik kaming dalawa ni Gaston pagdating sa loob ng sasakyan. Hindi ko man nasabi sa kanya kung sino si Jayson pero mukhang kilala niya na ito. 

Saktong pagpasok namin sa gate ng mansion nila ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko para tingnan kung sino ang tumawag pero numero lang ang lumabas doon. Hindi ko kilala kaya hindi ko sinagot ang tawag. 

"Who's calling, Baby?" tanong ni Gaston. 

"Hindi ko kilala." sagot ko. Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bag ko ng muling tumunog ito. The same number. 

Nagdadalawang isip ako kung sagutin ito. This is my personal number, bilang lang ang mga taong nakakaalam nitong number ko. There must be some emergency pero mula kanino? 

"Don't answer it. Wait for your brother to call you." Si Gaston. Sinunod ko ang sabi niya, hindi ko sinagot ang tawag. 

Pagkahinto ng sasakyan, si Kuya Rene ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Sasabihin ko na sana sa kanyang may tumatawag sa akin na hindi ko kilala pero bago ko pa nagawa yun muli na namang tumunog ang cellphone ko. Hindi natuloy ang paglabas namin sa sasakyan dahil pinigilan kami ni Kuya Rene. 

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko. Matagal bago ko tinitigan saka ko pinakita kay Kuya Rene kung sino ang tumatawag. 

"Hindi ko kilala, Kuya. Kanina pa tumatawag sa akin." nakita ko ang pag-igting ng mga panga ni Kuya Rene. May kinuha itong maliit na parang gadget sa  body bag na dala niya tsaka mabilis na kinonek sa cellphone ko. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Gaston. Abot-abot na ang kaba sa aking dibdib. 

Nakita kong nagbilang muna si Kuya Rena mga sampung segundo at ng masiguro nakailaw na yung maliit na gadget saka niya ako binigyan ng instruction. 

"Sagutin mo, Doc Yen. Nakakonek ka sa headquarter." sabi niya sa akin. Sinenyasan niya ang mga tao sa paligid na tumahimik. 

Mabilis kong pinindot ang answer button at nilagay sa loud speaker. Walang nagsalita sa kabilang linyo, mukhang nakikinig lang. Mahabang katahimikan. Papatayin ko na sana ang tawag pero bago ko pa nagawa yun biglang may nagsalita sa kabilang linya. Isang boses lang ang kilala kung nagmamay-ari nun. Ang demonyo. Si Jayson.

"Walang ibang pwedeng magmamay-ari sayo,  Camilla.  AKIN KA LANG!"

___________________________

10-03-2022



Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 1.4K 43
🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a s...
302K 10.2K 66
In the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. T...
16.2K 378 38
Aviatorʼs Series#03 STATUS: COMPLETED Since Emery Journalane was young, she already had imprinted in her mind that she would never commit to a relat...
15.7K 521 35
STATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #01] Four years after the tyranny happened in Lourense's life, she finally got out of her comfort zone. Vhanne...