Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

472K 13.1K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 8

14.1K 426 198
By piloxofia

Minsan, nag-t-text sa akin si Chance kung nasa library ba raw ako. Tuwing sasagot ako ng oo, makikita ko na lang siyang paparating sa kung nasaan ako. Dalawang linggo ang itinagal ng akto niyang gano'n hanggang sa hindi ko na napigilan ang bibig ko at natanong ko na siya.

"Bakit hindi ka sa library niyo nag-aaral?" tanong ko nang lumabas kami ng library ng building ko ng sabay. Nilingon niya ako at ngumiti.

"It's sounds like you don't want me in your building's library," kumunot ang noo ko. "Hindi, ah. Tinatanong ko lang kasi mas convenient kung doon ka sa library niyo, para tuwing klase mo na, hindi ka na maglalakad ng malayo, tulad ngayon."

"I just like your library better. Simple reason lang," tinignan ko ang dinadaanan ko at hinayaan siya sa katwiran niya.

Aaminin kong mayroong parte sa aking umaasang... ako ang dahilan ng kanyang pagpunta. Pero bakit niya naman ako gagawing dahilan?

Pero tinatanong niya rin ako kung nasaan ako, e... Hindi ba... sign 'yon?

"Where are you going na?" tanong niya nang makalabas na kaming campus. "Maghahanap ng trabaho,"

Simula nung unang pagyoyosi namin, paunti-unti ay nagbubukas ako sa kanya. Hindi ko inakalang may ibang makikinig sa akin bukod sa kalawakan. Nakuntento na ako sa katahimikan ng langit, pero iba ang pakiramdam na hatid ng pakikinig ni Chance sa akin. Minsan nga ay tumatawag pa siya sa akin ng dis-oras ng gabi kapag nakikita niyang online pa ako. Makikipagkuwentuhan lang ng ilang minuto at sasabihan akong matulog na dahil masamang palaging puyat. Med student nga talaga. Pero nagyoyosi naman. Ang labo naman.

"Why? You're already working as a tutor for Shoti," aniya. "Kailangan ko ng kita, quarterly exams na ng mga kapatid ko."

Sa unang pagsusulit, si Mama ang sumagot ng gastusin. Pero ngayong bumibigat na naman ang mga bayarin, kailangang kumita ulit ako. Kapag na-delay ang sahod ni Mama ulit, hindi na makakapag-exam ang mga kapatid ko. Nasa library lang sila ng school kapag gano'n. Ayaw kong mapahiya sila. Ang kinita ko sa pag-tu-tutor nitong Setyembre ay naubos na ulit dahil nagbayad ako ng kuryente at tubig. Ang pagkain din ay aking kinarga noong sumweldo na ako kay Mrs. Luy.

"But doesn't your Mom have a job?"

"Mayroon, pero palaging delayed 'yon. 'Tsaka, kung hindi ako maghahanap ng trabaho ngayon, kukulangin na naman kami sa datung panigurado."

"Datung?" tinignan ko siya. "Pera ang ibig sabihin no'n," napatango siya sa nalaman.

"Sige, una na ako."

Nagtanong ako sa iba't ibang carinderia kung kailangan ba nila ng tauhan sa mga vacant ko na oras. Madalas ang isinasagot sa akin ay mayroon na raw silang empleyado. Kaya naman nung makarating ako sa ikalimang carinderia ay saglit akong humingi ng grasya mula sa langit.

"Magandang umaga po," bati ko sa matandang babae na naghahain na ngayon ng mga ulam. "Mayroon po ba kayong libreng posisyon? Magtratrabaho po sana ako,"

Nagpakilala ako at binanggit ang mga oras ng vacant ko. Usually ay tanghalian ang mga 'yon, kaya maraming kumakain dito panigurado. Sabi ni aling Rose, ang may-ari ng carinderia, ay sakto at may umalis na isang empleyado niya dahil kinailangang umuwi sa probinsya.

"Pwede naman, Hija. Pero maliit lang ang maibibigay ko dahil hindi ka naman buong araw magtratrabaho. Mga tatlong libo kada buwan lang,"

"Ayos na po 'yon. Salamat po," mabuti at tinanggap ako. Wala akong karanasan sa pagiging kahera, pero binigyan pa rin ako ng trabaho ni aling Rose.

Kinabukasan, ipinakita ko kay aling Rose ang ilang papeles na nagpapatunay ng pagpapakilala ko. Nag-aaral ako, paliwanag ko, kaya hindi ko kayang magtrabaho ng buong araw. Naunawaan naman niya at sinabi pang humahanga siya sa aking determinasyon na maging working-student.

"May dalawa kang makakasama tuwing tanghalian, si Melfred at Carlo. Mga pamangkin ko 'yon na nasa kolehiyo rin, nagtratrabaho sa akin para may pambayad sa renta." Tumango ako at tinandaan ang pangalan ng mga kapwa empleyado ko.

"Si Carlo 'yung may nunal na malaki sa mukha, tapos si Melfred naman ay 'yung kulot ang buhok." Muli, naggawad ako ng tango sa matanda.

"Oh, siya. Mamaya ka magsisimula, ha? Sasabihan ko si Melfred na turuan ka kung paano ang gagawin,"

"Sige po, salamat po ulit, aling Rose."

"Pumasok ka na sa klase, may pasok ka pa yata."

Lumisan ako at nag-attend ng klase. Nakaramdam ako ng pagkawala ng bigat sa aking dibdib dahil sa panibagong trabaho na nakuha ko. Magbabaon na lang ako palagi ng pandesal na may peanut butter palagi para iyon na ang tanghalian ko. Sa gabi na lang ako magkakanin. Para makatipid na rin.

"We'll film for our video essay for Kas 1. Ikaw? Where are you off to?" si Sandra nang matapos ang klase. "May pupuntahan ako,"

Naglakad ako papunta sa carinderia kung saan ako magtratrabaho. Tinuruan ako ni Melfred sa kung anong gagawin ko. Madalas ay nasa likod lang naman ako ng la mesa ng mga ulam at tumatanggap ng bayad. Kapag napupuno na ang mga kamay ni Melfred at Carlo, saka ako aabot ng mga maruruming plato at kubyertos. Pero hindi ako kailanman umalis sa aking lugar talaga dahil may okasyon na raw na may nagnakaw habang nag-se-serve ng pagkain ang dating empleyadong nakatoka sa pagtanggap ng pera.

"Sige, pasok ka na, kami na ni Carlo bahala rito." Ani Melfred habang tinatakpan ang mga ulam dahil dinadapuan na ng langaw ang mga 'yon.

Kinuha ko ang bag ko sa baba ng la mesa ng mga ulam at nagpasyang umupo muna sa isang bakanteng upuan sa labas ng isang building ng school para makakain ng sandwich. Nang makita ako nina Sandra at Paula, tumungo sila sa akin.

"Sa'n ka galing? 'Yan lang ba lunch mo? Bakit hindi ka na lang sumama sa akin?" sunud-sunod na tanong ni Paula. "Nagtrabaho ako, kaya hindi ako sumama." Paliwanag ko bago kumagat.

"That's your lunch na? You're not going to be satisfied with that, Abi. 'Tsaka that's bad for your health! Akala mo ba we don't notice that that's the only thing you hold these days during lunchtime?"

Suminghap ako at hindi na nagsalita. Wala naman akong choice. Hindi naman kaya ng bulsa ko ang kumain ng pagkain sa carinderia araw-araw dahil halos 70 rin 'yon kada kain. Ang murang mga kainan na 50 naman ay sobrang layo na sa campus, mahirap nang maglakad ng malayo, baka ma-late pa ako sa klase.

"Paula, don't scold her na. I'm sure Abi wouldn't only eat that if she had a choice," Sandra said.

Mabuti naman at may nagsabi kay Paula no'n. Ayaw ko kasing sa akin manggaling dahil baka tunog galit ang mangyari kapag ako ang nagpa-realize kay Paula. She was just pushy at times.

"Kasi naman, kaya ang payat mo, e!" nararamdaman ko ang pakialam ni Paula sa kanyang mga salita. "Akala mo lang she's thin, sakto lang naman size niya for her since her bone structure isn't big." Tama si Sandra.

"Kain ka with us bukas," malamyos na sabi ni Paula. Hindi ako sumagot, imbis ay tahimik na lang na kumain.

Nung ilang minuto na lang bago ang klase, sabay-sabay na kaming umakyat ng ilang hagdanan. Today was the presentation for our PolSci report. Ang grupo ko ang unang magtatanghal. Dahil nasa akin ang PowerPoint presentation, isinaksak ko ang flash drive ko sa laptop ng prof at binuksan iyon.

My groupmates gave the handouts of our presentation before we began.

"Good afternoon, everyone. We will be presenting about the political executives of..."

My professor was nodding at times about our topic. Some classmates were whispering while we talked in front. But most of them listened and took down notes. Ang mga topics kasi na i-di-discuss ng bawat group ay ang coverage ng finals namin. So, they really had to pay attention if they wanted to know something for finals.

"Okay, thank you. Class, bigyan niyo naman sila ng palakpak," saad ng propesor ko habang tinatanggal ko na ang flash drive ko sa laptop niya.

"As you can see, the varying opinions about..." then, the professor said his own conclusion before calling the next group to discuss their topic.

Matapos ang klase ay dumiretso ako sa sakayan ng mga jeep. Nalalapit na ang Disyembre, kaya ang dami ko nang nakikitang dekorasyon na pampasko sa daan at mga stores na malalapit. May tugtog pa nga na Christmas songs, e. Kahit na mag-o-Oktubre pa lang bukas, ramdam ko na 'yung pasko dahil sa mga 'yan.

Nang may paparating na jeep, may tumapik sa balikat ko. Hindi man gustong tanggalin ang mata sa jeep dahil gusto ko nang sumakay agad, lumingon pa rin ako sa likod ko. Naaninag ko ang kaibigan kong si Alarick ay nakangiting tinitignan ako.

"Uwian mo na?" pagkuwestiyon niya. Tumango ako. "Bakit ka napadpad dito?" tanong ko sa kanya bago tignan ulit ang jeep. Ay... puno na pala.

"May ginawa lang, nag-shoot kami kanina para sa isang subject, e."

"Ahhh, uuwi ka na rin?" tumango siya. "Sabay na tayo,"

Taga-Pineda lang din si Alarick, nakatira siya malapit sa amin. Kaya nung high school, halos palagi kaming sabay umuwi. Pero kapag may girlfriend siya, hinahatid niya 'yon at 'di niya ako nasasamahan. Walang kaso 'yon sa akin. Kaibigan ko siya, pero hindi naman sa lahat ng oras dapat kasama ko siya.

Nagkuwentuhan kami sa jeep nang makasakay. Marami na raw siyang nakikilala dahil dalawa ang org na sinalihan niya. Siya ang valedictorian namin sa batch, kaya hindi nakagugulat kung marami siyang naipasa na colleges entrance exams. Naging magkaklase kami noong grade nine, kaya kami nagkakilala at naging magkaibigan. Hindi ko siya kaugali, pero, ewan, nag-click lang kami talaga. At ang iba pa naming mga kaibigan ay nasa mga pribadong paaralan.

"Sige, ingat!" sabi niya bago pumasok sa loob ng garahe nila.

Hirap din siya sa buhay, tulad ko. Kaya nag-free-freelance rin siya, online freelance. Kung ako ay nagsusulat ng mga essay, siya naman ay gumagawa ng doodles at drawing para sa mga starting businesses. Pero may iilan na rin siyang nagawaan na kilalang business. At kahit iyon ang trabaho niya, hindi tungkol sa art ang kinuha niyang kurso, hobby niya lang kasi 'yon. Ang kurso niya ay industrial engineering.

"Ate, anong niluluto mo?" tanong ni Cathrina nung naghihiwa ako ng ilalagay sa kaldero. "Adobong sitaw," agad na nagpakita ng disgusto ang mukha niya.

"Gulay na naman?" hinayaan ko siyang mainis at magmartsa papunta sa sopa.

Naubos na kasi ang mga karne at isda namin noong nakaraang linggo, kaya gulay na ulit. Bukas, ginisang repolyo at itlog naman. Isang putahe iyon na naimbento ko noong wala na talagang laman ang ref namin kundi repolyo at dalawang pirasong itlog.

Sunod na lumapit si Chino. Inutusan ko siyang magsaing na bago naligo. Nang matapos ay sinabayan ko na sa pag-kain ang mga kapatid ko. Nagkwento sila tungkol sa nalalapit nilang mga mahahabang pagsusulit. Nararamdaman ko na naman ang pressure mula kay Cathrina dahil noong huling panuruang taon, muntik na siyang hindi makapagsagot dahil sa utang namin ni Mama sa school.

"Ate, 'yung tests namin, ha. Baka mamaya, dalhin mo na naman 'yung promissory note ng last minute." Saad ni Cathrina. "Hoy," saway ni Chino.

"Oo, Cathrina, ginagawan ko na ng paraan 'yan." Sagot ko sa kapatid. "Paano? E, sabi ni Mama, ubos na raw 'yung nasweldo mo sa tutoring, Ate? Anong gagawin mo ngayon? Si Mama, baka matagal pa ulit bago sumahod."

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor.

Hindi ko alam kung dala ang pagiging emosyonal ko ngayon ng pagod o iritasyon, pero para akong naiiyak.

It wasn't like Mama and I wanted that to happen. Kung kaya ko lang, palagi silang hindi nahihirapan tuwing exam period na sa school. Kung kaya ko lang, sana naibigay ko na ang mga hiling nila. Sigurado akong ganoon din ang iniisip ni Mama tuwing nagsasalita si Cathrina ng ganito.

"Para namang kulang pa rin ako," bulong ko sa kalawakan habang bumubuga. Nagyoyosi ako ulit dahil... aaminin kong nagalit... o na-guilty ako sa patutsada ng kapatid ko. Ang talim talaga ng dila ng isang 'yon. "'Tang ina, lahat na nga ginagawa ko, e."

Oo, alam kong bata pa si Cathrina at siguro'y wala pang kalawakan ng pang-unawa tulad ko, pero masakit pa rin. Kapatid niya ako. Anak lang din naman ako ng nanay namin, pero kung makapagsalita siya... parang akala mo ako dapat ang sumasalo ng bawat responsibilidad ng buhay namin dahil lang nasanay silang tumutulong ako kay Mama noon pa.

Nakakapagod maging sandalan habang nasa dulo ka ng bangkuan.

Tumayo ako at tinapon ang yosi ko sa basuharan. Pumasok ako sa bahay at natulog na. Kinabukasan, pumunta ako sa bahay ng mga Luy at nagturo kay Wesley muli.

Sa 'di malamang rason ang mga mata ko ay kanina pang lumilinga sa bahay simula pagdating ko.

Hindi umuwi si... Chance ngayon? Baka busy... Midterms na siguro nila, kaya hindi na nag-abalang dumaan dito ngayong weekend.

"Achi, what do you think would suit Ahia?" Wesley held up two shirts. The first one had a photo of Chance as a design while the other had a photo of their whole family.

"Para saan 'to? At sa'n mo 'to nakuha?" kinapa ko ang mga damit, parang bagong gawa pa lang. "I asked Mama to help me make this! Well, I asked her to help me find someone who makes this. It's Ahia's birthday tomorrow, so I will give him either one of these as a present."

Umawang ang ibabang labi ko. Kaya ba hindi siya nakauwi ngayon dahil tinatapos niya ang mga gawain niya, para bukas ay wala na siyang aatupagin?

Hindi ko inakala...

"Ilang taon na ang Kuya mo, Wes?"

"He's 23, I think." Napatango ako at naisip na... baka dapat bigyan ko siya ng regalo. Tutal, nilibre niya na ako ng sakay pauwi ng ilang beses, siguro hindi naman weird tignan kung bigyan ko siya...

Pero ano bang mabibigay ko? Wala akong pera na sobra, at hindi naman ako creative para gumawa ng kahit ano mula sa mga bagay sa bahay namin...

"So, which one, Achi?" tinuro ko ang shirt na may picture nilang pamilya saka niya binitawan sa kanyang bed ang shirt na isa.

"Since you picked it, you want me to put your name in the card?" umiling ako. "Pangalan mo na lang, Wes." Ngumuso siya at tumango bago kami nagsimulang mag-aral.

Lumulutang ang utak ko dahil sa winika ng batang kasama ko. Siguro fourth year student na nga talaga si Chance. Kung gayon... hindi nakagugulat na hindi siya nandito ngayon. Dahil clerkship na ang third and last year sa med school, nabasa ko sa isang artikulo noon.

So, anong mabibigay kong regalo? Ang sagot: wala.

Hindi naman ako ang pinakamapagbigay na tao pagdating sa mga kaibigan ko, paminsan-minsan ay nalilibre ko sila ng kwek kwek o fishball. Pero hanggang doon lang. Hindi na ako para mag-abala sa regalo nila tuwing kaarawan nila dahil wala naman akong kakayahan para roon.

But something within me pushed me still find something for Chance's special day.

Kaya, heto ako ngayon sa bahay, gumagawa ng maikling tula. Pakiramdam ko, disenteng regalo naman ito. Hindi conventional, oo, pero nandito pa rin naman 'yung... kagustuhan kong magbigay kahit na walang mibigay.

And maybe, that's what truly mattered about giving. Not the price behind the gift, but the sincerity of the giver.

Continue Reading

You'll Also Like

971 68 14
Zhavia, a third year MedTech student, can't start over a new relationship with some other guys whom her friends recommended her for. Reason? Was that...
619K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
102K 3.5K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...
50.6K 778 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...