Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

741K 28.3K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 40

13.6K 580 374
By LadyAva16

"I'm sorry if it took me this long to come back here, Senyor--" I said crying  but I wasn't able to finish my sentence because he was too quick to cut me. 

"Papá, Cam...please call me Papá like you used to call me before. I miss hearing you call me that since you were gone. There are so may things I miss about you, Nak. I miss our afternoon bonding. I miss your laughter, I miss your funny jokes. I miss those times that you have to remind me to take my medicines. Every time I took my medicine, I remember you, 'coz you never fail to remind me before even if you're busy."

"I miss how you took care of me. I miss how you cooked my favorite food. Your ginataang tilapya, they tried cooking that for me but no one beats you. Your recipe is still the best. I miss everything about you, nak. Ang dami nating nasayang na panahon. Pero di pa naman huli ang lahat diba? Pwede pa naman kaming babawi diba? Hahayaan mo naman kaming bumawi nak diba? God knows how much we wanted to see you grow. Despite the pain and trauma we cause you we are still hoping that you'll give us chance. You are part of our family. We are still family, right? " I was crying hard while looking at him. He is smiling but the tears never stop streaming from his eyes. 

"I h-hope... I really hope,  that the time we had each other is enough for you to feel that I really treated you as my own daughter. Mahal kita nak, mahal na mahal.  My love for you is the same love I have for my children. Lahat ng pinakita ko sayo noon totoo. Naramdaman mo naman siguro yun diba? I hope...I really hope becuase for us you are and you will be forever our Camilla."

I nodded looking into his eyes. His tears continue rolling down his cheeks. He stares at me gently. The same gentleness he used to look at me before. 

"I know, we hurt you...our family hurt you and no matter what we do, we cannot bring the past back. I-I know things will never be the same. But I also want to tell you that for us you are still the Camilla that we love. Your positivity and bravery will never be forgotten. You are still that brave and strong young woman who captured our hearts. You opened our hearts and our minds and because of you we learn to value more each and everyone of us. The ties between our family become strong."

I continue nodding at him while gently wiping his tears. 

Oh God. Please stop this pain. I so love this old man. I don't want to see him crying. He doesn't deserve this.

"I want you to know that we never stopped praying for this day to come. We always include you in our prayers. We always pray that someday, s-someday you'll find it in your heart to forgive us. And thanks God that he heard our prayers. Thank you Nak, for coming back home. You don't know how you made me all so happy today. We miss you home, Camilla. Salamat at di mo kami nakalimutan..."

"Papá..."

"Salamat nak at nakita pa kita. Salamat at hindi mo tuluyang sinara ang puso mo sa amin. Masaya ako, na sa mga huling sandali ng buhay ko---"

"No, please...d-don't...don't say that Papá. You will recover. I will help you. We'll find a heart for you. Makakahanap tayo, Papá. P-please...wag kang sumuko. H-hahanap ako, h-hahanap ako ng paraan para matulungan kita. Hahanap ako ng puso para sayo, but please...you have to promise me that you'll fight. You will fight for us. Lalaban ka para sa amin,sa mga anak mo at para sa mga apo mo, Papá."

I couldn't contain my cries anymore. Halos di na ako makahinga sa labis na pag-iyak ko. Sobrang sakit na makitang ang taong mahal mo ay naghihirap ng ganito. 

"Please promise me that you will fight, Papá. Hindi ito ang napag-usapan natin. Sabi mo aalagaan mo pa ang mga apo mo sa akin. Sabi mo maglalaro pa kayo ng mga anak ko. Papá andito na, dala ko na sila. Andito na ang mga apo mo sa amin ni Gaston."

Nilingon ko ang mga bata. Pati ang mga ito ay umiiyak na rin pala. Sinenyasan ko silang lumapit sa akin. Mabilis namang sumunod ang mga bata. Hawak kamay silang dalawang naglakad palapit sa amin. 

Bahagya akong lumayo kay Papá Gideon. Hindi ko paman naipakilala sa kanya ang mga bata  walang ampat na ang pagtulo ng mga luha niya. Pati ang mga taong nakatingin sa amin ay nag-iiyakan na rin. Si senyora na nasa tabi lang ni Senyor Gideon ay labis din ang pag-iyak kayakap niya si Cleo na siyang umalalay sa kanya. 

"Papá, sila po ang mga anak namin ni Gaston. Nagkatotoo po ang dasal niyo Papá. Natupad po ang hinihiling mo noon na sana magkaanak kami ni Gaston. Heto po ang mga bituin namin Papá. Kambal po sila. Si Castor at Pollux. Isa lang yung hinihiling mo noon pero dalawa ang binigay sayo. Malakas kayo sa Kanya Papá kaya alam kung may paraan pa. Gagaling ka pa Papá. Please Papá lumaban ka,  para sa mga apo mo, lumaban ka."

Nakita ko ang pagtango niya at ang maliit na ngiting gumuhit sa kanyang labi. Maingat kong pinunasan ang mga luha sa pinsgi niya gamit ang mga palad ko bago ko pinaharap sa kanya ang mga bata. 

"Papá, ito po si Castor." tinuro ko si Cas. "..at ito naman po si Pollux." pagpapakilala ko kay Pol. Kumikislap ang mga mata ni Papá Gideon dahil sa luha pero may nakaguhit ng ngiti ngayon sa kanyang mga labi. 

Binalingan ko ang mga bata. Binaba ko ang katawan ko para magpantay ang tingin namin. 

"Castor, Pollux, I want you to meet your Lolo..." 

Nakita kong nanginginig ang mga labi nila sa pagpipigil na umiyak. Si Castor na mas senstibo sa kanilang dalawa ang unang humikbi. 

"I'm not crying, N-Nanay." mabilis niyang sabi at bago pa mana kao makapagsalita narinig ko rin ang mahinang hikbi mula kay Pollux.  Umiiyak akong yumakap sa kanilang dalawa.

"It's okay to cry, stars, it's okay." I said calming them. Masuyo kong hinaplos ang likod nila para pakalmahin sila. Nang kumalma na sila, dahan-dahan kong nilayo ang katawan ko sa kanilang dalawa. 

"Cas, Pol, he is your Lolo Gideon. Your Tatay Gaston's father."

Nalipat ang tingin nilang dalawa kay Papá Gideon. Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata nila lalo na nung nilahad ni Papá ang kamay niya sa kanila. 

"He is the founder of blue eyes club.  He's the original blue eyed maligno." I heard Papá chortled a laugh. The twins eyes widen. "C'mon, stars, say hi to the blue eyed maligno, say hi to your Lolo Giddy."

They  both stared at me, then back to Papá Gideon. I can see the excitement in their faces but they are hesitant to move forward. Hindi man sabihin ng mga anak ko na gusto nilang makilala ang lolo nila alam kung andun ang kagustuhan nilang makilala ito. 

Dahan-dahan kong nilagay ang kamay sa balikat nila para sabihing lapitan nila ang lolo nila pero nagdadalawang isip silang dalawa. 

"Don't be scared, Stars, he is your Lolo. He won't hurt you. He prayed for the two of you."

They both looked at me, then back to their Lolo. Then, slowly, they took a step forward. They reached for his hands and without a warning both of them hugged their Lolo. 

Napalakas ang iyak ko ng makita kong mahigpit silang niyakapa ni Papá Gideon. Tumingala ito na tila nag-uusal ng dasal habang nag-uunahan ang mga luha sa kanyang pisngi. 

"Lolo Giddy! Finally, we met you!" Si Castor na lalong siniksik ang mukha sa leeg ng Lolo niya. 

Lalong dumami ang mga luha ng mga tao sa paligid. Pero sa pagkakataong ito ay luha na ng kaligyahan. 

This is the moment that they all been waiting for. The sight in front of me is too beautiful to see. Papá Gideon hugging the twins, his grandsons that he only prayed but never expected before. The stars that he keep on asking to me before finally came into reality.

 Ang bituing pinagdarasal niya lang noon ay hawak kamay na niya ngayon.  Hindi lang isa kundi dalawa, dalawang bituin na dadagdag sa lakas niya para lumaban. 

"Thank you God for giving us these beautiful stars. Indeed you are the Father Almighty. Thank you for hearing my prayers."

Matagal bago bumitaw sa pagkakayakap si Papá sa mga apo niya. Sinusulit ang mga panahong hindi niya nayakap ang dalawa. Ang kaninang malungkot at walang buhay niyang mga mata ngayon ay nagkaroon ng sigla. Sumasayaw, kumikislap at lalong tumingkad ang kulay asul niyang mga mata. 

Kapagkway biglang may tumikhim sa likuran ko. Paglingon ko, kita kong nakatayo si Gaston malapit sa akin. Pagtingin ko kay papá Gideon nakita kong nakatingin ito sa anak niya. May luhang nahulog mula sa mata ni Papá pero may malawak na ngiti ito sa kanyang labi. 

"Welcome home, son." Humawak ako sa braso ni Gaston, naramdaman ko ang bahagyang paninigas niya. "It's been a while anak, but, finally your home...with your family. I'm so happy for you. The whole family is happy for you. Thank you for coming back, Gaston. Thank you for coming home."

"I hope, you will start forgiving yourself, Gaston. It's time to start a new life with your family. Redeem yourself. Make up for the lost time. Prove to your twins that you are worthy to be called their father. Do everything to earn your wife's forgiveness. Do your best to gain her family's trust. Be the best husband and father you should be. "

I saw Gaston suppressing his cries. I held his arms and gently caressed his back and because of that he cried even more. His body is shaking, his lips were trembling. I saw the tears streaming down his cheeks. 

"We all commit mistakes but we should never forget the lessons we learned from that mistakes. Don't dwell in the past. We have to grow and move forward. The lessons we learned from the past will serve us our guide to do better in the future. Forgive yourself, Pierre and we hope that you'll find it in your heart to forgive your Mom."

Gaston cried harder. He sobs louder that it's too painful to hear. I hugged him, letting him feel the warmth of my touch. Giving him the comfort that he needs. I let him cry in my shoulder. 

"We miss you, son. We miss you home."

Papá Gideon offered his hand. I held Gaston gently urging him to go to his father. "Papá Gideon want's to hug you." I muttered. He didn't say anything but he relaxed. 

"I miss you, anak. We all miss you here."

I gently caressed his arms using my thumb and slowly guided him to take a step forward. " C'mon, Gaston..."

"Papá..." he uttered. Then, he reached for his father's hand and slowly bending his body kneeling in front of him.

"Anak---"

 "I'm so sorry for being hard on you and Mamá, Papá. " Gaston said sobbing. His holding his father's hand, crying in pain. I can hear the sadness and regret in his cries. "I'm sorry for putting all the blame in you and Mamá. I'm sorry for all the words I said. I'm sorry for keeping myself away from you. I'm sorry for shutting all of you. I swear to God, it's not my intention to hurt you but still I hurt you in the process.  Please forgive me for all my mistakes. I'm so sorry, Papá, Mamá."

Nakita ko ang dahan-dahang paglapit ni Senyora Elizabeth sa mag-ama niya. Sa nanginginig niyang kamay, unti-unti niyang inabot ang balikat ni Gaston bago siya tuluyang yumakap dito at malakas na humagulhol. 

"Gaston, anak ko..." umiiyak niyang tawag kay Gaston. Mahigpit niyang niyakap ang anak, puno ng pangungulila. Si Gaston ay gumanti din ng yakap sa nanay niya. "Oh God. Finally after how many long years, I can now hug my son. Thank you anak, thank you..."

Gaano man kalaki ang naging kasalanan sa akin ni senyora Elizabeth pero sa pagkakataong ito dama ko ang sakit at pangungulila niya para sa anak. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil isa na rin akong ina.

Ang sakit isipin na ang dating mag-inang halos hindi mapaghiwalay ay ngayon lang ulit nagkayakap sa loob ng maraming taon. Gaston is crying like a lost child while hugging his mom. Para itong batang matagal nangulila at naghintay sa yakap ng isang ina. 

We let them hug and feel the comfort of each other. I shifted my gaze at the people around when I met Kuya Gustavo's blue eyes. He smiled genuinely at me, I smiled back. The woman beside her motioned him to go near me. 

"Thank you, Sweetheart." he said and kissed her forehead. The woman smiled lovingly at him. 

"Akin na si baby, ayos lang. " sabi ng babae para kunin ang batang lalaking hawak niya pero dahil buntis ito, binigay ni Kuya ang naglulumikot na bata kay Cleopatra. Saka pa ito humakbang palapit sa akin. 

Nilahad niya ang dalawang kamay niya sa akin para sa isang yakap. Walang pagdadalawang isip akong humakbang palapit sa kanya at mahigpit na yumakap. 

"Welcome home, Camilla. We've been praying for this day to come. Thank you for coming back." bulong niya sa akin. 

Biglang bumalik sa isip ko ang mga panahong kinakamusta ni Kuya kung anong nanyari sa buong araw ko. Yung mga panahong tuwang-tuwa ito kapag pinupuslitan ko sila ni Papá ng mga nilulutong ulam ko. Strikto man at limitado lang ang salita ni Kuya pero sapat na iyon para sa akin na maramdaman ang pagmamahal niya sa akin bilang kapatid. 

"I'm sorry for all the pain our family caused you. You really have a good heart, Cam, because despite all those pain,  you still chose to introduce your twins to us, you still chose to see all of us.  You've grown into a wonderful woman, Cam. I'm so happy for you. Thank you for coming home and bringing us your stars."

"Salamat, Kuya." Sabi ko pagkatapos kumalas sa yakap niya. " Pasensya kong inabot ng ganito katagal bago ako nakabalik."

"No. We understand. We understand your pain and we are the one who should be sorry for that. I hope this meeting will open door for reconciliation and forgiveness. After all, all of us deserve to be happy.We all had our fair share of pain and struggles. Enough with the heartaches.

I nodded. We fell silent. Then he look back at the pregnant woman. 

"That beautiful pregnant lady is my wife. You're familiar with her right?" 

Of all the scenarios I had seen the woman  from before, there's one image that flashed in my memory. Yung araw na nangangabayo kami ni Gaston at nakita namin sila na nangangabyo rin.  Siya ang babeng kasama ni Kuya Gustavo, ang babaeng nakaupo paharap sa kanya. 

"Yeah, she's that woman, my wife now." mukhang nabasa ni Kuya kung ano ang nasa utaka ko kaya sabay pa kaming natawa doon. "The two little angels are the product of that you know..." natawa ako sa pa-you know ni Kuya. Tinuro niya ang dalawang batang babae na kausap na ngayong ng mga anak ko. "We also have twin girls, Cam."

"Oh?" Ganun ba ang resulta 'pag ginawa ang milagro sa ibabaw ng kabayo? Bigla akong nahiya sa pumasok sa utak ko. Maghunos dili ka Camilla!

"That boy is Caleb's son, and the girl is Thunder's. That baby boy with me is our third baby and another twins coming."

"Wow! Ang dami na pala ng anak niyo Kuya." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Yeah and we're planning to have more." puno ng pagmamahal itong lumingon sa asawa niya. Hindi ito nakatingin sa amin dahil kausap niya si Cleopatra. But she's so beautiful kahit na naka side view pa ito. Kuya is right she's really a beautiful preggy mommy. " Like you and Gaston, we also went through some rough times but thanks God we get through all of it. We fought for our love." 

I don't know what to say so I just smiled at that. Good for him and his wife. "I'm happy for you, Kuya." Yes I am genuinely happy for them. 

"Let's get inside." Aya ni Kuya ng makita niyang nakatayo na ang mama niya at si Gaston. Nakita kong nakatingin sa akin si senyora Elizabeth. May kakaibang emosyong nakita sa mga mata niya bago niya iniwas ang tingin sa akin.

"Castor, Pollux, this is your Lola Beth. Do you remember her?" It was Caleb, introducing the twins to their grandmother. I saw the twins nodded and waved their hands.

"Hello po, Lola Beth. I'm Castor po. Okay na po ikaw? Wala na pong masakit sa yo?" Tanong ni Castor sa malaiit na boses.

. Lumapit pa ito sa lola niya. Binaba ng ginang ang katawan para magpantay sila ng apo pero hindi ko inaasahan ang susunod na ginawa ni Castor. Niyakap niya ang ginang saka hinalikan sa pinsgi. Napaiyak ang ginang sa ginawa ni Castor.

"Oh God,apo ko..." niyakap niya si Castor ng mahigpit. "I'm sorry, I'm so sorry, patawarin niyo si Lola..." 

"Wag na po ikaw mag-cry Lola. You're always crying na po. Hindi po kami galit ni Pollux po. Diba Pol?" Tiningnan niya ang kakambal at inaya itong lumapit sa kanila ng Lola niya. Tumingin pa muna si Pollux sa akin, nagpapaalam. Tumango ako sa kanya saka pa ito humakbang palapit sa Lola niya. 

"Hello po, I'm Pollux po. Stop crying na po, we're not mad at you po, Lola." Then he reached for her face and gently wipe the tears on it. 

Dahil sa ginawa ni Pollux lalong naiyak ang ginang. Napaluhod ito yakap ang dalawang bata. Hindi ko na rin napigilan ang sariling mapaiyak habang nakatingin sa kanila. Marami mamng nangyari sa nakaraan hindi ko pa rin maiwasang maawa kay senyora. Ang sakit pakinggang ng mga iyak niya. Parang pinipiga ang puso ko habang nakikinig at nakatingin sa kanila. Dama ko ang sakit, pangungulila at pagsisisi sa mga hikbi niya.

Hindi ko pa man tuluyang nakalimutan ang mga ginawa niya sa akin pero sinusubukan ko. Suaubukan ko para sa mga anak ko. Ayokong lumaki silang makikita nilang may galit ako sa lola nila. 

Dahil kahit anong gawin ko hindi ko na mabubura ang mga masasamang  alaala ng nakaraan pero alam kong kaya pang palitan ng magagandang alaala ang kasalukuyan at sa hinaharap. Kailangan  ko lang buksan ang puso ko. Mahirap alam ko pero para sa mga anak ko kakayanin ko.

May mabuti akong puso. Ito ang palaging sinasabi sa akin ni Lolo Ignacio. Hindi ako ito, hindi ako matigas. Kaya kong magpatawad...kaya ko. Gagawin ko ang  magpatawad para tuluyan na akong makalaya sa nakaraan ko. Tuluyan ko ng mapalaya ang sakit, poot at lahat ng nagpapabigat dito sa puso ko. 

Tumayo ang senyora at humarap sa akin. Punong-puno ng luha ang mga mata niya at nagmamakaawang tumingin sa akin. Puno na rin ng luha ang mga mata ko na halos hindi ko na siya makita. 

Narinig ko ang mga hikbing kumawala mula sa kanya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit  sa akin at sa bawat hakabang niya ay ang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig ang mga kamay niyang inilahad sa ere. 

"Camilla..." isang salita palang mula sa kanya para na akong sinasakal. Kumurap ako ng ilang beses para pigilan ang mga luha ko pero nag-uunahan na rin ito. Hanggang sa tuluyan na akong humikbi.

"C-Camilla, nak, alam kong malaki ang kasalanan ko sayo at habang buhay ko itong pagsisishan. Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo hanggang sa mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran para sa akin.S-sana...sa...n-na dumating ang araw na mapatawad mo ako..."

Lumalakas na ang iyak ko. Naramdaman ko ang pagyakap ni Gaston mula sa aking likuran at lalo akong napaiyak sa ginawa niya. 

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko Cam, nakikiusap ako sayo, sabihin mo sa akin ang gagawin ko,..."  dahan-dahan niyang binaba ang katawan para sana lumuhod sa harapan ko paro maagap ko siyang pinigilan. 

"Kailangan niyo po munang patawarin ang sarili niyo senyora. Kung may kailangan kang hingan ng tawad yun po ay ang sarili niyo dahil hinayaan niyo pong maghari ang kasamaan sa puso mo noon. Alam ko hindi madali pero hayaan niyo po muna akong hilumin ang puso ko. Hindi madali pero gagawin ko para sa mga anak ko. Gagawin kong kalimutan ang lahat para makausad po ako. Sana ganun din po kayo."

Tumatango ito sa akin pero patuloy lang sa pag-uunhan ang mga luha niya. Masakit makitang nahihirapan ang senyora pero hindi ko pa tuluyang maibigay ang hinihingi niya. Pero susubukan  ko. Gagawin ko, susugal ako ulit...para sa mga anak ko at para na rin sa sarili ko.

"Napakabuti mong bata, Camilla. Isang malaking pagkakamaling hinusgahan at sinaktan kita noon."

————————————————————

09-30-2022

Continue Reading

You'll Also Like

15K 428 29
Kassandra Alejandrino 12.13.22 After suffering from physical abuse in the hands of her ex-boyfriend, Kassandra Alejandrino was left with a broken sou...
3.1K 1.4K 43
🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a s...
302K 10.2K 66
In the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. T...
15.7K 521 35
STATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #01] Four years after the tyranny happened in Lourense's life, she finally got out of her comfort zone. Vhanne...