Sandoval Series # 1 : The Sta...

Af LadyAva16

727K 28.2K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... Mere

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 39

12.8K 616 403
Af LadyAva16

"Kuya! Bituin! Mayad nga aga! Anong balita, nakapag-stretching ba?"

Pagkabukas palang ng elevator yun agad ang bungad sa amin ni Ca---iro?  Bakit si Cairo? Saan si Caleb? Malawak ang ngiti niya kasama ang mga kapatid. Nakaligo na ang mga ito at mukhang kami na lang ang hinihintay. 

Nagtataka akong tumingin sa kanya pero sinenyasan niya akong wag maingay. Pero mukhang matalas talaga ang pandama ni Gaston. 

"Where's Caleb?" Yun ang unang tanong ni Gaston. Paano niya nakilala na si Cairo yun? Ginaya ni Cairo ang boses ni Caleb ah. 

Patay! Lexus, I'm so sorry.

Dapat pala di ko na sinabi yun sa Kuya niya kagabi. Mukhang hindi nakalimutan ni Gaston. 

"Cairo, Thunder, Hunter, Cleopatra, where's Lexus?" How he even know that they are complete? Hindi ba talaga nakakakita itong si Gaston?

"Don't hide Caleb Lexus! I know you are here." may halong pagbabanta na sa tono ng Kuya niya. Siguro nakadama ito ng takot sa kapatid, dahan-dahan itong lumabas sa likod ng sofa. Kumaway ito sa akin at sa mga bata maya-maya at patingkayad na na humakbang palapit sa amin. 

"Ay nakibot!" Panggugulat niya kay Gaston.

Shit! Pati ako nagulat sa kalokohan niya.

"The fuck,Lexus! You startled me,asshole!"

"Kuya G! My very handsome and favorite Kuya G. I'm here good morning! Miss mo ako?"

 Mabilis itong lumapit sa Kuya niya pero sa halip na batiin siya ni Gaston isang mahinang suntok sa sikmura niya ang tumama dito.

"Aray! Ba't ka nanapak, Kuya? Ke-aga aga beast mode agad?" Parang batang reklamo nito. Lumipat pa ito sa tabi ko para umakbay pero malakas ang pakiramdamn ni Gaston mabilis niyang natabig ang kamay ng kapatid niya.

"Get your hands off, fucker! Starting today, you are not allowed to touch my wife." Masungit nitong babala sa kapatid sabay hila sa akin palapit sa kanya. 

"Senyorito-"

"No, Camilla. I'm selfish, I don't share. You know that." diritsong sabi nito. "And stop calling me senyorito kung ayaw mong maparusahan."

Masungit yern? Ang ganda ng umaga ah, bad mood na agad? Talaga namang senyorito siya. Yun nga tawag ko sa kanya dati eh.

"I love it when you call me, senyorito." Pakantang asar ni Caleb. 

Nakita ko ang pinipigilang tawa ni Hunter at Thunder, pati si Cleo at Cairo ay nakangiti rin. Si Castor at Pollux ay mataman din nakatingin sa Tatay nila. 

"One more word from you, Lexus. I'm telling you."

"Hmp! Sungit ni Kuya, para hawak lang eh.  Tsaka senyorito ka naman talaga diba?"

"Fuc---" Umigkas ang kamay ni Gaston buti nalang nakailag si Caleb kundi matatamaan talaga ang mukha nito. Akala ko magbe-behave na ito pero ayaw talaga paawat. 

"Wala bang bakbakang naganap kagabi, Bituin at badtrip si Kuya?" Hindi ako sumagot sa kanya, ayaw kong patulan mga kalokohan niya.Ang mga kpatid niya ay nakikitawa na rin kaya lalong sumimangot si Gaston. 

"Social distancing pa rin kayo? Sure ka?  Tsk! Mahina ka pala Kuya eh! Wala man lang ganap?"

W-wala! Ata? Di ko lang sure. Kasi nagising na lang akong magkatabi na kami sa kama. Doon ako nagstay sa couch nung naliligo siya sa banyo. Kumuha lang ako ng unan at kumot sa mga gamit niya. Sa isip ko hindi ako tatabi sa kanya. Bakit ako tatabi kung ilang ulit akong ni-remind ni Kuya Falcon na sa ibang silid ako dapat matulog.

Pero sa sobrang tagal na lumabas ni Gaston sa banyo ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagulat na lang ako ng pagkagising ko ay nasa kama na ako. May nakasiksik na mukha sa leeg ko at may brasong mahigpit na nakayakap sa akin.

Pero wala naman akong naramdaman kakaiba kagabi. Wala nga ba? Wait nga? 

Hindi ko na maalala kasi sobrang pagod ko kahapon. Naubos ata ang lakas ko kakaiyak kaya wala akong namalayan. Pero hindi naman siguro ako hinipuan ni maligno. Mahiya naman siya sa akin noh!

"Uy! Si Bituin napapaisip." panunusko niya sa akin. " Pero Kuya seryoso, walang bakbakan? How about mukbangan?"

"Will you please stop annoying us so early Caleb Lexus? Nakikinig mga anak ko oh, wala man lang filter yang bibig mo. Mahiya ka naman sa mga bata. And how many times do I have to tell you huh? Stop calling my wife bituin kung ayaw mong makakita ng bituin."

"Ano ba tagalog ng Star, diba bituin? Tsaka wala naman akong ibang sinabi ah. May masama ba akong sinabi? Kayo lang dirty minded eh. Diba litol stars?  May sinabi bang masama si Tito?" 

"Quit talking Lexus,  you're like a kid, mas isip bata ka pa sa anak mo."

"Boom! Panes!" makasabay na sabi ni Cairo at Cleo na sinabayan pa ng tawa ni Hunter at Thunder.

"Ouch! Nakaka-hurt ka na Kuya." kunyari nasaktan ito sa sinabi ng Kuya niya at may pahawak pa sa diddib. "Akala ko ba ako ang favorite brother mo?" 

Lumapit ito kay Gaston para yumakap pero tinabig siya nito palayo. Nagpapaawa itong tumingin kay Castor at Pollux pero pati ang dalawa ay tumawa lang din sa kanya. 

Kawawang Lexus walang kakampi. 

Pero wait! Anong anak? Sinong may anak? May anak na ang kumag na to? Ba't di ko alam yun? Sa tagal naming magkaibigan, hindi man lang nabanggit sa akin ni Lexus na may anak na pala siya?

Nagtatanong  ang mga mata kong tumingin  sa kanya pero kibit balikat lang ang tugon nito sa akin. Pagkatapos umiwas ng ng tingin at si Castor at Pollux naman ang pinagkaabalahan. 

"Good morning, handsome stars! Ang gwapo niyo talaga. Mana kayo kay Tito Caleb Lexus 'pinakagwapo' Sandoval." Nagyayabang pa itong tumingin kay Thunder pero masungit lang siya nitong tiningnan sabay hila sa kakambal nito. "May angal ka, Kulog?"

"Let's go Hunter, tornado is coming." dinig kong sabi ni Thunder kay Hunter. Pagkatapos inakbayan nito si Cleo at tinapik si Cairo saka sabay tumalikod na silang apat. 

"Huy Kulog! Angas mo ah. Baka nakalimutan mong ako ang kambal ni Ford at Copper. Kayong dalawa, dito kayo sa akin. " Tinawag niya ang mga kapatid pero hindi na siya pinansin ng apat. Nauna nang maglakad ang mga ito na may nang-aasar na tawa para sa kanya. 

"Chura niyo daw katsuri. Indi kamo magpalapit sa akon basin mabuol niyo parte niyo!" 

Inis nitong sabi. Hindi ko man naintindihan pero mukhang nagalit ito sa mga kapatid niya pero lalo lang nagtawanan ang apat sa kanya. 

"Wag kayong gumaya sa mga tito niyong pangit Castor, Pollux. Mga bitter lang ang tatlong yun. Hindi nila matanggap na ako ang pinaka gwapo sa aming lahat. Diba? Ako naman talaga ang pinaka-gwapo sa aming lahat magkakapatid, diba? Diba?"

Umikot pa ito sa harapan ng kambal para ipakita ang kaangasan niya, maypa ngiti-ngiti pa. Pero tanggal ang angas niya ng sabay na umiling ang dalawa. 

"Huh?! Anong---"

"Our Tatay is the most handsome po, Tito Caleb. Second lang po ikaw." That was Castor. Humawak pa ito sa kamay ng tatay Gaston niya saka tumingin sa kakambal niya. "Diba Pol, si Tatay ang pinakagwapo sa lahat?"

Caleb looked at Pollux hoping that he would disagree to his twin brother but his smile faded when Pollux  nodded. 

"Yes." he answered smiling. "Tatay is the most handsome.  I'm sorry, Tito Lexus. " Then he held Gaston's other hand. 

"Unfair! Porket andyan na tatay niyo, hindi na ako ang pinakagwapo?" pinalungkot niya pa ang boses niya pero tumawa lang ang kambal sa kanya. "Hmp! Tara na nga! Pasalamat kayo love kayo ni Tito Lexus eh."

Nilahad niya ang kamay sa kambal na mabilis namang tinanggap ng dalawa. Pagkatapos nauna na silang lumakad. Nakita kong may binulong si Caleb sa kanila tapos nagtawanan silang tatlo. 

Ang may kahabaan na kulot at kulay brown na buhok ni Castor ay hindi niya pinatalian. Hinayaan lang itong nakalugay. Samantalang si Pollux naman ay kagaya sa ayos ng buhok ng tatay niya na maayos ang pagkasuklay. 

Castor and Pollux are twinning today. They are wearing white polo shirt paired with khaki shorts and white sneakers. Ang gwapo nila tingnan dalawa. Pero hindi din papakabog ang tatay nila. Tinanong niya ako kung anong susuotin ng mga bata at nung sinabi ko sa kanya, sinabi niyang ganun din daw ang susuotin niya para parehas silang tatlo. Ako pa ang nag-asikaso ng damit na susuotin niya.

Sobrang saya ng mga bata ng makita nilang parehas sila ng suot ng Tatay nila. The three of them look cute in their matching outfit. At mas gumanda pa tingnan nung nagsuot din ang dalawang bata ng sunglasses kagaya ng sa tatay nila.  Ang sabi nilang tatlo dapat ganun daw sila always.  Pero paanong always kung kaninang umaga lang nagtext na sa akin si Kuya at nagpadala pa ng message sa gc namin, nagtatanong kung anong oras kami uuwi ng mga bata. 

Hindi pa ako nakapagreply sa  kanya dahil hindi ko pa nakausap ang mga bata. Siguro mamaya na malalalaman pagkatapos namin pumunta sa mansion nila.

Mabuti nalang at to the rescue agad si Mommy at Daddy. Sila na ang sumagot sa tanong ni Kuya  na wag mag-alala sa amin, sabay mention sa asawa nitong turuan si Kuya ng pick up lines para hindi kami ang pagkaabalahan. 

"Are you sure, you're fine going there?" masuyong tanong ni Gaston sa amin ng kaming dalawa na lang ang naiwan. 

Ilang beses niya na akong tinanong kanina nito na sinagot ko na ng oo pero parang nagdadalawang isip pa rin ito. 

"We can stay here if you're not comfortable."

"I'm fine, Gaston. " putol ko sa kanya. Sa aming dalawa mukhang siya pa ang walang balak na pumunta sa kanila. Kung hindi pa lumipat ang mga bata sa silid kanina mukhang wala pa itong balak na bumangon. 

" Let's go, your father is waiting." aya ko sa kanya. 

"But..." pero wala na itong nagawa ng humawak na ako sa kanya para alalayan siya. Magpo-protesta pa eh nakabihis na kaming lahat. Anong gagawin namin dito sa bahay niya kung di kami pupunta sa mansion nila?

Agad na lumapit sa amin si Kuya Rene pagkakita niya sa akin. "Doc Yen good morning po. Tumawag si Sir Falcon nagtatanong kung anong ---" 

"Who are you?" masungit na tanong ni Gaston sabay hapit sa akin palapit sa kanyA. Naging alerto ang mga tauhan nila dahilan para maging alerto din si Kuya Rene at yung isa pa niyang kasama. 

"It's okay Kuya Rene. Nagreply na ako kina Mommy Kuya Rene, sila na ang bahala kay Kuya Grady." Tapos bumaling ako kay Gaston. "Sila ang bodyguards na pinadala ng Kuya ko para samahan ako dito. Meron pang ibang nakaabang sa labas pati sa loob ng hacienda niyo."

"Sige po Doc Yen, ako ng bahalang magsabi kay Sir Falcon." Nilipat niya ang tingin kay Gaston. "Pasensya na Boss, trabaho lang." ani Kuya Rena bago tumalikod at pumunta sa sasakyan nila. 

Mula sa unahan kita ko ang mga nagagandahang mamahaling sasakyan maliban doon sa mga itim na van na kasamang sumundo sa amin kahapon. Black Tesla na mukhang pagmamay-ari ni Hunter, Black Lambo naman kay Thunder, Red Ford Raptor ni Cairo Ford, White Lexus ang kay Caleb Lexus at Mini Cooper naman ang kay Cleopatra Cooper.

Sa harapan namin ay ang Black Hummer na sinakyan namin kahapon. Nandun na sa loob sina Castor at Pollux. 

"Where's our car, Star?" magtatanong pa sana ako kung anong sasakyan ang tinutukoy niya pero nauna ng magsalita si Castor.

"Tatay! We are here. Tara na po. Lolo Giddy is waiting!"  nilabas pa talaga ni Castor ang ulo sa bintana ng sasakyan. 

"Oh! You're there already. Wait son." 

Humawak ako sa bewang ni Gaston para alalayan siya pero mukhang di na kailangan. Kabisado ni Gaston ang bawat hakbang niya hanggang sa makapasok kami sa loob ng sasakyan niya.

 Sa likod kaming apat naupo. Ipagitna ko sana ang mga bata pero sila na mismo ang angsabing doon sila malapit sa bintana dahil gusto nilang makita ang tanawin. 

Dama ko ang pagkamangha ng mga bata sa mga tanawing nadadaanan namin. Panay sabi nila ng wow! Kahit mga kalabaw at baka na nadadaanan namin napapa-wow ang mga bata. Tuloy sinadyang bagalan ng driver ang pagmamaneho dahil sa mga bata. 

Ito ang unang beses na makapunta silang probinsya. Namamangha sila sa malawak at magandang tanawin.  Sariwa ang hangin, kulay blue ang langit at kulay green naman ang paligid.

I miss the place, this is the best scenery for me before and even until now. Guess, hindi na mawawala ang pagkagusto ko sa lugar nila. Napamahal na ito sa akin eh, ito ang naging tahanan ko noon.

Napansin ko ang pananahimik ni Gaston kaya napalingon ako sa kanya. Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga kaya di ko na napigilan ang sariling magtanong. Baka naman kasi siya yung hindi komprotableng umuwi sa mansion nila kaya ganito. 

"What happened?" napalingon siya sa tanong ko. Mukhang nagdadalawang isip pa itong magtanong sa akin kaya marahan kong pinisil ang kamay niya urging him to speak. 

"Your brother..." he said in a low voice that only the two of us can hear. Mabuti nalang at busy ang mga bata kakatingin ng view sa labas. 

"Hmm...yes? You know him?" I asked he looks hesitant and I'm confused with that. "His name is Falcon...Falcon Grady Dela Madrid. Dela Madrid ang apelyedo ng tunay kong mga magulang."

"Falcon." usal niya. "Is he the same Falcon who used to work with Major Castillo?"

How did  he know?

"Mmm...Yeah. Why?" naguguluhan kong tanong dahil sa ekspresyon ng mukha niya. 

"Fuck!" mahina niyang mura. Mukhang mas lumaki pa ang problema niya ngayon.

"May problema ba? Kilala mo si Kuya Falcon?"

Hindi siya sumagot. Hinila niya ako palapit sa kanya at siniksik sa kanyang dibdib. "I'm dead baby, Baby. Really dead. "  Anong problema ng lalaking ito? Bakit parang naramdaman kong takot siya kay Kuya Grady?

"I think I have to get myself ready for your brother, Star. I'm really dead."

"Yeah you're dead!" panggagaya ko sa kanya. Pero hindi naman siguro siya tutuluyan ni Kuya Falcon ano? Lalo na sa kalagayan niya ngayon? I heard him sigh but he didn't say anything after that.

Halos ayaw niya na akong pakawalan pagkatapos niyang sabihin yun. Ewan ko pero  wala din akong ginawa para sawayin siya. Hanggang sa makarating kami sa hacienda nila nakayakap siya sa akin at ganun din ako sa kanya. 

Pansamantala kaming bumalik sa dati. I feel the comfort in his arms but I know its just temporary. Marami pang bagay na dapat iwasto at isa na doon ang estado naming dalawa. 

"Pol! We're here! That's our Lola right!"

Naramdaman ko ang bahagyang paninigas ni Gaston. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap sa kanya para tumingin sa sinasabi ng mga bata. 

Malayo palang kita ko na ang nag-aabang na senyora sa labas ng mansion nila. Sa tabi niya ay si senyor Gideon na nakasakaya sa wheel chair at si Kuya Gustavo  may hawak na maliit na bata , katabi niya ang isang buntis na babae na pamilyar sa akin.

May dalawang batang babae na halos kasing edad ng kambal, dalawa pang batang lalaki at isang batang babae na nasa edad dalawa,  ang naghihintay din sa amin. Naunang bumaba si Caleb, nakita kong sumalubong sa kanya ang batang lalaki na agad niya namang binuhat sabay turo sa sasakyan namin. 

Sunod-sunod na nagsilabasan sina Hunter, Thunder, Cairo at Cleo sa kanya-kanyang sasakyan. Pagkatapos lumapit ang mga ito kina senyor at senyora. 

Huminto ang sasakyan sa tapat nila. Napatingin ako kina Castor at Pollux. Nagniningning ang mata nilang dalawa. Dama ko ang excitement sa mga ngiti nila. 

Nakita ko si Kuya Rene na bumaba sa sasakyan nila at naglakad palapit sa amin. Nagkatitigan pa sila nung tauhan ni Gaston bago binuksan ni Kuya Rene ang pintuan. 

"Doc Yen, na-check na po ang area. Pwede na po kayong lumabas ng mga bata."

"The hell are you talking? This is our place. Why are you acting like my family is not safe here." singhal ni Gaston kay Kuya Rene pero kalmado lang na tumingin si Kuya Rene sa akin. Ayaw patulan ang pagsusungit ni Sandoval sa kanya. 

"Protocol, Boss. I'm just following orders, pasensya na po." magsasalita pa sana si Gaston pero pinisil ko na ang kamay niya. 

"Wag kang kumontra sa utos ni Kuya Falcon kung ayaw mong may sumundo dito sa amin ng mga bata ng wala sa oras."

"What?!"

"Oo! Sinasabi ko sayo Gaston, hindi na ito tulad ng dati. You don't know what my brother is capable of." I don't mean to be rude pero gusto ko lang iklaro sa kanya na iba na ngayon.

"I'm sorry, Baby."hinging paumanhin niya sa akin. Simpleng tapik lang ang ginanti ko sa kanya. 

 "Castor, Pollux, we're here." baling ko sa mga bata na nakatingin pala sa amin. 

Naramdaman ko ang biglang pananahimik si Gaston. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko o dahil ba ito ang unang beses niyang makabalik sa bahay nila. 

"Your parents are waiting outside. Kuya Gustavo and your other siblings are there too, may mga bata din at may babaeng buntis na katabi si Kuya."sabi ko. 

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nanatili itong tahimik. Nakabukas na ang pintuan ng sasakyan, nakikita na nila kami. Ang mga bata ay kumakaway pa sa amin. Nakita kong naglakad si Cairo at Hunter palapit sa amin. Siguro para sunduin kami. 

Binalik ko ang tingin kay Gaston, tahimik pa rin ito. Si Castor na mas sensitibo ang siyang unang humawak sa kamay ng tatay niya.

"Tatay? Baba na po tayo, tara. Lolo and Lola are waiting outside po." malambing na sabi ng bata. "Tara na po. Miss na po ikaw nina Lolo at Lola." 

Isang malakas na buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan saka siya tumango sa bata. 

"Let's go, stars." mahinang usal niya. Nauna siyang bumaba pagkatapos inalalayan niya ako. 

Si Cairo at Hunter na bagong lapit ang siyang tumulong kay Castor at Pollux para bumaba. 

 Habang naglalakad ako palapit sa kanila pakiramdam ko parang bumalik ako sa unang araw na tumuntong ako dito sa mansion nila. It's been almost seven years since I've been in this house. 

Parang bumalik ako sa araw  kung saan pinatawag kami nina senyora dito sa mansion nila para pag-usapan ang nangyari sa amin ni Gaston. I was so scared back then, pero dahil kay Lolo Ignacio nakayanan kong harapin ang mga magulang niya. 

Bigla naramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko. The same feelings I felt that time. I was hesitant to even move forward. Tumigil ako sa paghakbang, hindi ko alam pero bigla parang hindi ko kayang tumuntong sa bahay nila. 

Parang biglang bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko nung huling araw na umalis ako dito. I could still remember I was running that night to get away from the pain. No! Stop! I could feel my body started trembling.  Pinaypayan ko ang aking mukha dahil bigla akong naiyak. No! no! I will not cry...Hindi ako iiyak...hindi ako iiyak. 

Pero sa bawat pagpipigil ko ay ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi. No! Hindi ako iiyak. Pero lalo pang dumami ang mga luha ko ng makita kong  lahat sila nakatingin sa akin ay luhaan. 

I was trying hard to suppress my sobs but I can't stop it anymore. I feel Gaston's arms wrapped around me and that's my last straw. I started crying hard while hugging him. 

"It's okay baby, I'm here...I'm here..." he said gently calming me but the calmness of his voice made me cry even more. " It's okay, Star...we'll go home...we'll go home. Uuwi na kami. Hindi pa kaya ng asawa ko." 

He was about to pull me out  when I heard that old man's familiar voice calling me. 

"C-Camilla, nak..."He called. "Welcome home, nak."

His voice sounded so weak that I don't have the heart to turn my back at him. Slowly, I looked at him and his dull pair of blue eyes, full of unshed tears welcomed me. 

He look so weak sitting in his wheel chair, his gray hairs are very obvious, his wrinkles were showing in his face. I teared up looking at the man who treated me as his own. The same man that made me feel loved and cared before.

"Can I get a hug from my daughter?"

He slowly lifted his both hands in the air. His eyes were pleading as he patiently waited for my embrace. Tears started falling on his cheek. I heard sobs and cries from the people around. 

"Camilla nak, si Papá Gideon mo ito." 

That instant, with my shaking body and woobling knees. I slowly, walked towards him, then without a warning I  ran into him give him a tight hug. 

"I'm sorry nak, I'm sorry...hindi kita naprotektahan. Patawarin mo si Papa nak...patawarin mo ako."basag ang boses ni Senyor Gideon at umiiyak na rin ito.Mahigpit akong yumakap sa kanya at patuloy na umiiyak. 

Hindi ako makapagsalita. Halo-halong emosyon  ang aking nararamdaman. Iyak lang ako ng iyak habang nakikinig sa mga sinasabi ni Senyor Gideon sa akin. 

After how many years, pakiramdam ko nagkaroon na kami ng closure. Pakiramdam ko napunan ng yakap niya ang puwang sa puso ko. Pakiramdam ko nawala ang lahat ng mga sakit at mga hinampo. Walang tanong mula sa akin pero pakiramdam ko nasagot niya ang mga katanungan ng puso ko. Walang salitang lumabas pero parang may humaplos sa puso ko.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari hindi ko maikailang isa si Senyor Gideon sa mga taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, pagmamahal ng isang ama sa isang anak.

"Oh God! Finally, you're home! My daughter is home. I can now rest, Camilla. Thank you for coming home, Nak."

__________________________________

29-09-2022


Fortsæt med at læse

You'll Also Like

170K 4.7K 51
WARNING MATURED CONTENT | R18 Broken, Aether Takahashi bumped into a handsome green-eyed man on the dancefloor of the club she went to get drunk for...
16.9K 556 37
Harriet Del Pierro halos ng bagay ay nasa kanya na. Maraming pera, gwapong boyfriend at member din ng Elite Sorority. Pero may kulang pa rin dahil an...
254K 2.5K 8
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY He is ruthless and untamed. He is cold, strict, and dangerous. Victorious and d...
271K 6K 52
THAT 14 YEARS OLD IS MY WIFE (Season1) THE POSSESSIVE MR.CONWAY (Season2)