MU Series: The Social Media P...

By Amedrianne

414 14 16

What she wants, she gets. 'Yan ang life motto ng social media princess na si Marione Olivia Nazaretta Andrad... More

⚜️PREFACE⚜️
⚜️AUTHOR'S NOTE⚜️
⚜️CHAPTER 1⚜️
⚜️CHAPTER 2⚜️
⚜️CHAPTER 4⚜️
⚜️CHAPTER 5⚜️
⚜️CHAPTER 6⚜️
⚜️CHAPTER 7⚜️
⚜️CHAPTER 8⚜️
⚜️CHAPTER 9⚜️

⚜️CHAPTER 3⚜️

66 2 4
By Amedrianne

"WHAT?!"

Napasigaw si Mona sa sobrang gulat nang malamang kailangan pa pala nila ulit sumakay pa ng isang beses bago makarating sa SM North.

Pagod na ang mga paa niya, higit sa lahat ay hirap na siya makipagsiksikan pa sa mga tao.

"I seriously can't believe you made me walk!" hirit pa niyang reklamo sa binata.

Gustuhin man siya pagsabihan ng binata ay pinigilan na lamang niya ang sarili niya. This guy seemed to be the type who was not used scolding anyone, particularly women. He had no other choice but to endure the girl's rants until they could get to her destination.

Though at some point, may pagsisisi na mababatid sa mukha ng binata sa pagboluntaryo niyang tulungan ang dalaga, ngunit dahil andito na siya ay wala na siyang magagawa pa kung hindi ang tulungan ang dalaga kahit pa ubod ito ng kaartehan.

Matapos sumakay ulit ng tren ay ang mga overpass naman ang sinunod na tinahak ng binata at ni Mona. Di lingid sa kaalaman ng binata na dito masusubok ang sukdulan ng kanyang pasensya.

Patience is a virtue, kahit tila sugo ng kadiliman ang babaeng ito!

Iyan ang paulit-ulit na isinasaisip ng binata habang tinatahak nilang dalawa ang kahabaan ng mga overpass patungong SM north.

"Can we just cross the street there already? SM north is just that way na oh!" Reklamo muli ni Mona.

Kinalmahan muli ng binata ang sarili habang pinapaliwanag niyang, "Miss, hindi tayo puwede nalang basta tumawid. Kaya ginawa ang overpass na to para di tayo mag-cause ng additional traffic at aksidente sa mga humaharorot na sasakyan. Isa pa, pwede tayo niyan mahuli for jaywalking."

Nang marinig ni Mona iyon ay wala na siyang naisip na isabat pa sa binata. agad niyang naunawaan na tama nga naman ang binata sa sinabi niya. Ngunit katwiran pa rin ng dalaga na pagod na siya at sobrang stressful na sa kanya ang patuloy na paglalakad.

Sa patuloy na paglalakad ng dalawa sa mga overpass ay di ubod akalain ni Mona na masusubukan nanaman ang tatag ng kanyang loob. Habang pababa ng overpass, bigla na lamang may humablot ng purse ni Mona.

Agad namang natulala si Mona na tila ba bigla siyang nagmistulang bato. Nakatayo lamang siya at nakatitig sa batang babae na humablot ng kanyang purse.

Mabilis naman na umaksyon ang kasamang binata ni Mona. Laking gulat din ni Mona ng iwan ng binatang lalaki ang backpack niya kay Mona upang habulin ang bata.

Napamangha bigla si Mona nang masaksihan ang pagslide ng binata sa barandilya ng napakahabang hagdan pababa. At ang mas pambihira ay bigla itong tumingil at agad niyang tinalon ang limang hakbang pababa upang lundagan ang batang babaeng humablot ng purse ni Mona.

Agad naman hinablot ng binata ang batang babae upang iiwas na madaganan niya ito ng tuluyan. Sa halip, agad niyang iningatang sinakloban ang bata gamit ng dalawang braso niya upang hindi siya makawala bago sila tuluyang matumbang dalawa sa sahig.

"Ah...sir, okay ka lang ba diyan?" ang sigaw naman ni Mona mula sa itaas ng hagdan.

Nang masimula nang magtingingan ang mga ibang dumadaan sa overpass ay dagli-dagli na umayos ang binata mula sa pagkakahiga kasama ng batang babae.

Mabilis naman na itinaas ng binata ang kamay niya upang bigyan ng thumbs up si Mona. Matapos ay agad na niya pinatayo ang bata upang harapin ito. Hingal na hingal pa ang binata ng simulan niyang kausapin ang batang babae, "Masama ang magnakaw. Kebata-bata mo pa nagnanakaw ka na."

Dala ng sobrang takot ay bigla nalang umatungal ang batang babae na tila ba asa pitong taong gulang na ang itsura. Nakasuot ito ng bistidang napakarungis. Hindi rin nasuklay ang mala-tanso niyang buhok. At higit sa lahat ay kapansin-pasin na ubod ng payat ang bat ana tila ba hindi napapakain ng husto.

Biglang nahabag ang loob ng binata kahit hindi pa man din niya lubos na nauunawaan kung ano man ang totoong pinagdadaanan ng batang babae. Ngunit, hindi naman maitatanggi na posibleng tungkol din sa gutom kaya siguro nagawang magnakaw ng bata.

"Nasaan ba mga magulang mo? Bakit ka nila hinahayaang palaboy-laboy dito?"

Alam ng binata na kahit anong tanong niya ay di rin naman siya sasagutin ng batang babae. Nang simulang subukan ng binata bawiin ang purse ni Mona mula sa bata ay humigpit ang hawak nito sa purse. Wala rin naman ibang ginawa ang batang babae kung hindi ang patuloy na magiiyak.

Gawa ng nangsisimula na magbulong-bulongan ang mga tao sa paligid ay bigla nalang nailang ang binata. At habang nagiisip siya ng paraan para makaalis sa kasalukuyang sitwasyon ay bigla na lamang niya napansin ang tindera ng empanada sa may baba ng hagdan.

Agad na inaya ng binata ang batang babae sa may tapat ng nagtitinda ng empanada sabay sabing, "Ganito bata, kung ibabalik mo sa akin yang purse, ibibili kita ng empanada."

Matapos marinig ito ng batang babae ay agad siyang nahinto sa kakangawa. Agad naman na sumagot ang batang babae, "Talaga, manong?"

"Oo. Ayaw mo maniwala?" agad naman kumuha ng bente pesos ang binata mula sa bulsa niya at iniabot sa tindera sabay sabing, "Ate, dalawang empanada ho."

"Ay hijo, kinse na isang empanada ngayon, nagtaas na mga bilihin. Mahal na mga rekado." Sabat naman agad ng tinderang matanda na may katarayan.

Napangiti at bahagyang napatawa ang binata sabay sagot na, "Ay ganun po ba? sige po pabili ng isa na lang."

Ngunit hindi pa man di naibabalot ng tindera ang empanada ay bigla naman sumabat ang batang babae, "Teka manong, bakit isa lang? sabi mo kanina dalawa bibilhin mo. Gugulangan mo pa ako!"

Laking gulat ng binata ng magawa pa ng batang babaeng magreklamo. At dahil kailangan niya mabawi ang purse sa bata ay dumukot pa sa kanyang bulsa ang binata ng karagdagang bente para makabili ng dalawang empanada.

"Oh heto. Akin na yang purse." Saad ng binata habang iniaabot ang dalawang balot ng empanada sa batang babae.

Ngunit bigla nalang nagtaka ang binata ng itinaas ng batang baba ang kanyang palad sabay sabing, "Akin na yung sukli."

"Sukli?"

"Oo. Diba may sukli yang kwarenta?"

"Teka, sukli ko yon bata uy."

"Alam ko, pero syempre pambili ko pa ng gulaman yon. Ano nalang panulak ko?"

"Aba'y? Bilib din talaga ako sayo. Ibang klase ka ring mangdugas." Hindi alam ng binata kung mabubuwisit siya o matatawa sa kapilyohan ng batang babae. Sa huli ay ibinigay na lamang ng binata ang sampung piso.

Nang maibalik ng batang babae ang purse sa binata ay nagtatakbo ito papalayo.

"Naku hijo, yang mga batang kalye na yan madalas ganyan modus. Buti nga napaamo mo ibalik yung ninakaw sa syota mo." Hirit naman ng matandang tindera ng empanada.

Nang tumayo ang binata ay agad niyang sinagot ang tindera, "Ayos lang ho. Pagkain naman yung nakuha niya sa akin, at least alam ko na mapapakinabangan talaga niya. Isa pa ho, hindi ko girlfriend yung may ari nito."

"Ah sir..."

Agad na natigilan ang binata ng marinig niya ang boses ni Mona na kanina pa pala nakatayo sa likod niya.

Mabilis na humarap ang binata kay Mona upang ibalik ang kanyang purse sabay tanong na, "kanina ka pa ba nakatayo riyan?"

"Hindi naman. Kababa ko lang...like OMG! You know you shouldn't have left me. Can't you see what happened to the heels I'm wearing right now? It was so hard for me to make baba over there oh and you even made me bitbit your bag! Hayaan naputol tuloy! How do you think can I continue to my fan event in this state?! I can't go there like this!" Agaran namang sagot ni Mona sabay balik ng bag ng binata.

Agad naman na nagsisi ang binata na tinanong pa niya ang dalaga sa kadahilanang umatake nanaman ang pagkatindi ng kaartehan nito. Gusto man ng binata na pagsabihan ang dalaga sa maling pakikitungo niya ay muli na lamang nagtimpi ang binata dahil malapit na rin naman ang SM North.

Malapit na niya malampasan ang pagsubok ng kadiliman.

Kung kaya naman sa huling pagkakataon ay muling nagpasensya ang binata. Kinuha niya sa bag ang rubber shoes niya at ibinigay sa dalaga, "Pasensya na kung naputol yung takong ng sapatos mo, miss. Heto, gamitin mo nalang itong rubber shoes ko. Malinis naman yan."

"You'll make me wear this? Are you serious? Ang laki kaya nito." Sabat pa ni Mona.

"May technique kasi diyan."

"Techinique?" Laking pagtataka ni Mona.

Agad naman na lumuhod ang binata at tinulungan si Mona na isuot ang sapatos sa gitna ng maraming tao.

Bigla nalang kumabog ang dibdib ni Mona nang biglang hawakan ng binata ang paa niya. Para bang may kung anong spark ang dumalyo sa dugo ni Mona. Laking pagtataka niya dahil tila ba kinikilig siya sa eksenang nasasaksihan niya ngayon.

She grew up believing about fairytale's existence. But never in a million chance she ever believed that one day she'll get to experience being a Cinderella under the overpass while being seen by tens or hundred of passersby within the area.

But she knew that she shouldn't be carried away so easily with this, especially with someone she just met along the streets.

The young man tied the shoelaces around above each of Mona's ankles to keep the shoes from getting loose. In this way, she could still manage to walk on the shoes despite being big enough for her own feet.

Hinatid pa rin ng binata si Mona hanggang sa entrance ng mall at doon ay nagpaalam na ang binata.

"Sige miss, Una na ako." Sambit ng binata bago ito tumalikod upang umalis. Ngunit hindi pa man nakakasimulang humakbang papalayo ang binata ay agad siyang pinigilan ng dalaga.

Nang muling lumingon ang binata ay bahagyang napatulala ang dalaga.

He was just plain. He doesn't look like he's a rich guy from a prominent family like hers. But for some reason, there was something about the way he looks that tells there might be more to it than meets the eye.

"Ah, ano pala pangalan mo?" biglang tanong ng dalaga.

"Lucas."

"Lucas...I'm Mo—just call me Via." Agad naman sagot ni Mona na ipinakilala ang kanyang sarili gamit ang palayaw niya.

"Okay. Ingat ka, Via." Sagot na lamang ni Lucas kay Mona.

"Ikaw din, Lucas."

After a while ay pareho na nilang tinalikuran ang isa't-isa. Sabay nan ilang tinahak ang kanya-kanya nilang susunod na destinasyon. Habang si Lucas ay normal na naglalakad papalayo sa dalaga, kabaliktaran naman ang nagaganap kay Mona.

Dahil dala pa rin ni Mona ang kakaibang kilig na mababatid mula sa mga ngiting nakapinta sa kanyang mukha habang patungo siya sa location ng kanyang Fan meeting.

"Lucas..." Bulong ni Mona sa sarili habang iniisip niya kung magkakaroon pa kaya ng susunod na pagkakataon na makita niyang muli ang kanyang savior na si Lucas.

Continue Reading

You'll Also Like

363K 19.2K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
697K 22.4K 49
Even the scariest girl in the world has her own love story.
9.1K 1K 81
Compilation of my craps.
14.8K 853 44
Crosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa...