Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

732K 28.2K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 38

13.1K 573 416
By LadyAva16

Pagkatapos kumain, nauna kaming apat na umakyat sa third floor. Hanggang sa labas lang ng elevator si Caleb at Hunter.  Hindi na pumayag si Gaston na ihatid pa kami kahit na nagpresenta pa silang dalawa na buhatin si Castor at Pollux. Banas si Gaston sa dalawang kapatid niya, palibhasa nagkasundo ang dalawa sa kakulitan. Kanina pa siya kinukulit ng dalawa kahit hindi niya ito kinakausap. 

Merong minamasahe ni Caleb ang likod ni Gaston at si Hunter naman sa braso para handa raw sa bakbakan. May bakbakan pang nalalamang ang mga kumag. Anong bakbakan?Muntanga lang?

Tapos parang mga siraulong bigla nalang nagtatawanan. I could only imagine if the five of them grow together in one house, plus Gaston. Siguro maagang tatanda si Kuya Gustavo sa kanila. 

"Tong hambal ko sa imo Kuya ha, aton-aton lang to indi ka maggahud pero dasigan mo! Banati gid sang may ikasarang ka pa. Indi ka magpaluya-luya, pildi kagid ya."

[Yung sinabi ko sayo Kuya ha, atin-atin lang yun, wag kang maingay pero bilisan mo. Bilisan mo habang kaya mo pa. Bawal maging mahina, kundi matatalo ka.]

"The fuck, Lexus! Will you quit talking like that? I don't understand you, fucker! Buang ka!"

"Wee? Naiintindihan nga ako ni Hunter at Kulog na state side. Ikaw pa?" sasagot pa talaga si Caleb.  Kundi pa tinulak ni Gaston ang mukha niya at kung hindi pa siya hinila ni Hunter hindi pa ito titigil sa pang-aasar niya. At si Gaston naman pikon na din ngayon ang bilis magalit. Nakahanap na ng katapat sa pagiging makulit niya dati. 

Hinila na ni Hunter si Caleb palayo sa amin. Naghihilahan pa silang dalawa.  "Let's go Kuya--" 

"Heh! Isa ka pa! Wag mo nga akong tawaging Kuya, Hunter! Buwan lang tanda ko sayo noh, mas bata at mas gwapo pa nga ako tingnan kesa sa yo eh!"

"In your dreams, Kuya!"

"Ay linti! Gapdayaw ka gid haw?"

Nagbabangayan pa silang dalawa hanggang sa makalayo sila sa amin. Kung magkasabay silang lima, si Cairo, Caleb, Thunder, Hunter at Cleo para talaga silang quint. Iisang hulma lang talaga yung mukha nila at nagmana lahat kay Senyor Gideon. 

"Stop pulling me, gago!" nagpupumiglas si Caleb pero di siya makatakas kay Hunter. 

Natatawa ako habang nakatingin sa dalawa, hila-hila si Caleb ni Hunter. Nagmamakaawa pa itong tumingin sa akin. Pati mga bata ay natatawa din sa kanila.  Akala ko tatahimik na si Caleb pero may pahabol pa talaga ang loko. 

"Bituin! Mag-stretching ka muna ah?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Syempre! Bakbakan mamaya." Bakbakan gago!  pinandilatan ko siya pero ngumisi lang ang loko sa akin. Bastos talaga ng bibig nitong gago kahit may mga bata.

 "Baka di ka makalakad niyan, ako magugulpi ni Ibon. Stretching muna para ang mga ugat-ugat, buto-buto, kasu-kasuan---" hindi niya na natuloy dahil hinila na siya ni Hunter papasok sa elevator. Nag-aaway pa ang dalawa sa loob kaya mahina akong natawa. Kalokohan talaga nitong si Lexus, parang timang.

"Seems like the two of you are so closed with each other." saad ni Gaston sa mababang boses. Napalingon ako sa kanya pati ang mga bata ay napatingin din. Seryoso ang anyo niya, naalala kong ganito siya dati nung nagseselos siya kay Jepoy. 

" I'm jealous, Star." at tama nga ang hinala ko. Walang patumpik-tumpik nitong inamin na nagseselos siya, sa harap pa talaga ng mga bata. Natahimik ako, parang nagloading ang utak ko sa sinabi niya.  Inakbayan niya ako at hinila palapit sa kanya. 

" Gusto ko ako lang, gaya ng dati. Gusto ko akin lang ang atensyon mo, ang ngiti mo at ang mga mata mo. "  Hindi ako nakasagot. Nakita kong nagkatinginan si Castor at Pollux tapos muling binalik ang tingin sa amin ng tatay niya. Nang hindi ako nakasagot, tumingin silang dalawa sa akin. Nag-aabang sa reaksyon ko pero walang salitang lumabas sa aking bibig. 

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga sabay yakap sa akin. " Sana ako pa rin hanggang ngayon, Camilla."

Natigilan ako, naalala ko bigla ang pagtawag niya sa akin gamit ang dati kong pangalan. Sa loob ng mahabang panahon, ang triplets lang ang tumatawag sa akin ng ganun. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. Ilang beses pa akong lumunok bago ako nakapagsalita. 

"Let's get inside. It's late. Kailangan nang matulog ng mga bata." 

Marahan siyang kumalas sa akin pero wala namang sinabi. Pasimple kong tinanggal ang kamay niya sa balikat ko pero mas kinawit niya pa ito doon kaya hinayaan ko na lang dahil nakatingin ang mga bata sa amin. 

Katabi ng silid ni Gaston ay ang silid ng mga bata. May connecting door na siyang nagdudugtong sa dalawang silid. Hindi na ako nanibago sa disenyo dahil noon pa man alam ko na na ganito. Pinlano niya talaga ito noon, para daw mamonitor ang mga bata sa gabi.

Sana...

If things,  didn't happen, I know that he will be a good father to the kids. I am sure of that. Lahat ng mga bagay na pinlano namin noon kasali ang mga bata. Kaya nga siya bumili ng sarili niyang lupain para din sa mga bata. Hindi ko lang alam kung yung playground, swimming pool at gym na gusto niyang ipagawa dati natupad ba. 

But so many things happened and we can do anything to undo it. We just have to go and move forward with our lives. 

"Dito ikaw magsleep sa room, Nanay?" Tanong ni Castor habang hinahanda ko ang mga gamit nila. 

Tiningnan ko ang mga kama nila. Naka-customize ang design nito. Sapat lang para kumasya ang isang bata. Pero pwede ko namang isiksik ang sarili ko o di kaya sa couch ako matulog. Pero pagkakaalam ko may isa pang room katabi nitong room ng mga bata. Siguro doon na lang ako matutulog mamaya. 

"You can sleep beside me, Nanay." Pollux offered pero biglang sumabat ang tatay nila.

"Nanay will sleep in our room, Cas, Pol." 

Nagkatinginan kami ng mga bata. Si Castor na madaldal biglang walang nasabi. Si Pollux naman ay mukhang nagulat din. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya pinili ko nalang na tumahimik. Mamaya ko nalang pag-iisipan kung saan ako matutulog.

Pati ba sa pagtulog pahirapan pa rin?

Nilinisan ko lang ang mga bata at pinalitan ng pantulog. Pagkatapos iniwan ko na sa kanya dahil sabi niya siya na ang bahalang magpatulog sa dalawa. Maaga ko silang pinatulog dahil maaga kaming pupunta sa mansion ng mga Sandoval bukas. At kahit hindi man sabihin sa akin ng mga bata dama ko ang excitement nila lalo na nung binanggit ni Caleb na madaming pinsan nila ang naghihintay doon. 

Si Hunter at Thunder ay nagpresenta ding turuan silang dalawang mangabayo dahil yung dalawang pinsan nilang babae na halos kaedad lang nila ay marunong na daw mangabayo. Tuwang-tuwa ang dalawa na makilala ang mga pinsan at tito nila pero mas excited ang mga itong makilala ang Lolo Gideon nila na pinagmamayabang ni Caleb na founder ng blue eyed monster club at pinaka gwapo sa kanilang lahat. Hype kung hype talaga itong si Caleb Lexus. 

Hindi ko pa alam kung uuwi ba agad kami pagkatapos bukas. Depende pa sa mangyayari. Pero dalawang araw lang ang sinabi ni Kuya Falcon sa amin ng kinausap ko siya kanina. Susunduin niya daw kami kapag hindi kami pinauwi.

Tumawag kasi ito sa akin, kinukumusta kami ng mga bata kahit na andito naman si Kuya Rene na pinabantay niya sa amin. Nakausap ko din ang mga magulang ko, ang sabi nila Mommy at Daddy sila na ang bahala kay Kuya Falcon sakaling gusto pa ng mga bata na mag-stay dito. Wala naman akong problema kay Ate Betty dahil suportado niya ako anuman ang magiging desisyon ko. Si Kuya lang talaga ang mahigpit, pero naiitindihan ko naman. 

Natanong ko rin kay Kuya kung kilala niya ba ang doctor ko nung naospital ako nung unang araw na nahanap nila ako. Ang sabi niya dating nagtatrabaho sa ospital na pagmamay-ari namin pero ngayon wala na. Nung tinanong niya ako kung bakit sinabi ko sa kanya na sinabi nito kay Gaston na wala na ang mga anak namin.

Nung una naramdaman ko ang pananahimik niya kaya napaisip ako kung kaya bang gawin ni Kuya yun. Tinanong ko siya kaagad kung may kinalaman ba siya ang sabi niya wala pero aalamin niya kung sino ang ang nag-utos sa doktor na yun para magsinungaling and he's clearly mad when he said that.

He's mad not  because the doctor lied to Gaston. Wala naman siyang pakialam sa nararamdaman ni Gaston, mas lamang na galit pa ito hindi lang masabi sa akin. He's mad that the doctor lied and wished ill of the twins. Yun ang hindi niya nagustuhan. Ilang malulutong na mura pa ang narinig ko mula sa kanya. Kilala ko na si Kuya pagdating sa amin ng mga bata, wala itong pinapalagpas. Kesehodang matagal na nangyari,  mahirapan man siya o anuman. Kahit saan ka pang lupalop ng mundo siguraduhin mo lang na hindi ka niya mahahanap. Dahil kung nahanap ka niya ewan ko lang. 

"S-Star?" 

Agad nabaling ang tingin ko kay Gaston, kagagaling niya lang sa silid ng mga bata. Sabi ko sa kanya kanina dito lang muna ako sa silid niya maghihintay. Nagpaalam pa akong gumamit ng banyo niya para makapaglinis ng katawan. 

"Cam, baby, are you there?"

Hindi ako sumagot. Naglakad ito palapit kung nasaan ako. Halos hindi na ako gumalaw at pigil ko rin ang sariling makagawa ng ingay pero mukhang matalas ang pandama ni Gaston. 

"Baby? Are you asleep?" he's voice is so gentle like he used to call me before. "You're maybe tired taking care of the kids. Kawawa naman itong asawa ko."

Nagsimula na itong mangapa sa upuan,  kaya bago niya pa ako mahawakan nagsalita na agad ako. 

"I'm here." sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nakaangat sa ere. "Take your seat." inalalayan ko siyang maupo sa sofa. 

"I thought you're asleep, Star. Did I take too much time? Do you want to sleep now?" masuyong tanong niya sabay hawak sa kamay ko. Ang plano ko umupo sa pang-isahang upuan pero nahila niya ako maupo sa tabi niya. 

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Para bang pagkatapos kong sabihin at ilabas ang lahat ng mga hinanakit ko sa kanya, wala na akong iba pang masabi. 

I didn't plan all this but seeing how happy my kids when they met their father is something I can not explain.  Ang sabi ko noon, kapag dumating ang araw na magtatanong ang mga bata tungkol sa ama nila saka na ako magpaplano. Pero heto na nga, nagkaharap na sila, nagkakilala na. 

Gaston is a good man.

Hindi ako nagkamaling ipakilala ang mga bata sa kanya dahil noon pa man alam kung magiging mabuting ama siya. Hindi man maganda ang kinahinatnan ng relasyon naming dalawa at least masasabi kong magiging mabuting ama si Gaston sa mga bata. At yun ang higit na mahalaga. 

"There are so many things I missed about you. Mukhang mas kilala ka pa ng mga kapatid ko kesa sa akin." 

Lumingon ako sa kanya pero hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil yun naman ang totoo. Mas marami pa ngang alam ang mga kapatid niya dahil sila ang madalas kong nakakausap. 

"Alam ko na kahit anong gawin ko hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Maraming masasakit na salita ang aking nabitawan, umabot pa sa puntong nasaktan kita. Isang pagkakamali na habang buhay kong pagsisisihan." 

Iniwas ko ang tingin ko ang tingin ko sa kanya pero kita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pagpahid niya sa kanyang luha. 

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko Cam. Natatakot ako na baka pag may ginawa ako masaktan kita ulit. Pakiramdam ko lahat ng gagawin ko masasaktan lang kita. Wala na akong tiwala sa sarili ko Cam. Araw-araw, gabi-gabi, pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko sayo. Wala akong ibang hinihiling ngayon kundi sana...sana patawarin mo ako. Sana mahanap mo sa puso mo ang pagpapatawad sa akin." tuluyan ng nabasag ang boses niya. 

Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong umiyak. Tinakapan ko ang aking bibig para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala dito. 

"Nung araw na nawala ka, sinundan kita Cam, maniwala ka. Hinanap kita kung saan-saan pero hindi kita mahanap. Nung araw na yun alam kung tuluyan ka ng nawala sa akin pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Umaasa ako na sana, magbago ang isip mo. Na sana maisip mong balikan ako pero hindi nangyari. I was so desperate to find you that night that I'm willing to give my everything. But you were gone. You left me. My wife left me. I was so hurt, I was heartbroken. I left my friends crying and desperate to find you. Then I g-got into accident." he started sobbing. 

"That night I lost everything, Cam. I lost myself when I lost you." he reached for my hand, bring it to his chest while crying harder. 

Ang sakit pakinggan ng mga iyak niya. Parang sa loob ng maraming taon ngayon niya lang nailabas ito sa dibdib niya. Ilang taong naipon lahat ng sakit na sinarili niya lang. 

"I'm so sorry if you think that I stopped looking for you. God knows, Cam. He knows how much I wanted to be with you. But your doctor... she told me that you told her you can't forgive me after what happened to our kids. You loathed me to death and I punished myself for that.  I punished myself but I know it's not enough. Kahit anong pagpapahirap ko sa aking sarili hindi ko na kayo maibabalik ng mga anak natin."

"I distanced myself to people for years. Wala akong kinakausap, ayokong may kumakausap sa akin. Even my family. My mother, my father, my siblings. I closed my doors. I decided to live far away from anyone.  After all I deserve to be alone. This monster deserved to be alone."

He held my hand tighly na tila ba sa paraang ito  hindi ako lalayo sa kanya. Kahit sa simpleng paghawak niya lang sa akin dama ko yung takot niya. Hindi ko inaasahan na magiging ganito si Gaston. Sobrang layo na niya sa dating Gaston na nakilala ko. Ang Gaston na matapang, masiyahin at puno ng pag-asa. Ibang Gaston ang nasa harapan ko ngayon.

"If I could only turn back the time Cam, babalik ako sa araw bago nangyari lahat ng yun at iwawasto ko ang lahat. Kakausapin muna kita, pakikinggan ko lahat ng gusto mong sabihin, iintindihin kita. Pero..." hindi niya na tinuloy. Nakita kong pinunasan niya ang mga luha sa kanyang pisngi bago dinala ang kamay ko para damhin ito saka masuyong hinalikan. 

"How about you? Nahirapan ka ba sa pagbubuntis mo sa kambal? Sinong tumulong sayo? Saan ka napunta? Paano nangyaring hindi kita nahanap sa airport? Nahuli ba ako?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. 

Pagkatapos kung malaman ang nangyari sa kanya I think he deserves to know what happened to me too. After all he is still the father of my kids. For old times sake.

"My brother found me." I started and I saw him frowned ng tila ba naguguluhan. " Kuya saw me in the airport that day. He was already looking for me here pero hindi kami nagpang-abot. Doon niya na ako sa airport sa Manila natagpuan. That same day I met your siblings but I didn't know they are related to you. I was planning to go to Iloilo when Kuya found me."

"It's true?" ako naman ang naguluhan sa tanong niya.

"You mean?" tanong ko sa kanya. 

"What my siblings told me was all true?" His mouth parted like he couldn't believe what he just found out. 

"I don't know what they told you but yeah I met them in the airport. Caleb was with me when my brother found me. They are friends."

"Friends?" parang di pa ito makapaniwalang magkaibigan si Kuya at si Caleb. "Your brother and Lexus are friends? He knew your brother?"

"Yes. Si Caleb ang tumulong sa akin bago ako mahanap ng Kuya ko." nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Hala patay si Lexus. Sana pala di ko nalang sinabi yun. 

"So, they are not lying to me." biglang nagbago ang reaksyon niya. "I should have believe them. Akala ko kasi nagsisinungaling lang sila sa akin nung sinabi nila noon na nakilala ka nila."

"You didn't believe your siblings?" kurysuso kong tanong sa kanya. Pati sa kapatid ba niya wala siyang tiwala?

"I stopped trusting people after what happened to us Cam."malungkot niyang sabi sa akin. "Kung hindi lang makukulit ang triplets at ang kambal siguro hanggang ngayon hindi ko pa rin sila kinakausap."

"You don't talk to them? Why?" I asked.

"I stopped talking to anyone, Cam. Nawalan ako ng tiwala sa mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko lahat ng sinasabi nila sa akin ay puro kasinungalingan lang."

"How about your parents?"

I saw him sighed. It took a while before he answered my question. 

"I d-don't talk to them much."

Natigilan ako. Noon paman alam kung close siya sa mga magulang niya. Lalo na sa mommy niya. Kaya nga mas pinili kong manahimik nalang noon dahil ayoko siyang maipit sa pagitan namin ni Senyora. Pero ngayong sa nalaman ko parang bigla akong nakadama ng lungkot. Ilang taon na ang lumipas at may sakit pa ang papá nila. 

"Huh? You mean..."

"I'm not in good terms with Mom. I admit, I blamed her for what happened but I blamed myself more. Marami na palang nangyari sayo habang nasa loob ka ng mansion namin na hindi ko man lang nalaman. Huli na ng malaman ko ang lahat. Sinabi sa akin ni Nana ang lahat dahil pati siya nagamit ni Annika."

"Si Nana?" Paanong nasali si Nana?

"Sa tuwing kinakamusta ko siya tungkol sayo palagi niyang sinasabi na magkasama kayo ni Kuya o di kaya ni Papa.  Kilala ko si Papa at Kuya Gustavo at alam ko na mahal ka nila bilang kapamilya pero kung ano-anong sinasabi ni Nana tungkol sa yo. Minsan sinabi niya pang sumasama ka kay Kuya sa rancho. Tapos palagi niya kayong nahuhuli ni Papá na nagtatawanan. Wala siyang sinasabi sa akin na pinapahirapan ka ni Mama dahil puro kasinungalingan ang pinagsasabi niya sa akin. Maraming nangyari Cam, maraming kasinungalingan---"

"Hinusgahan mo ako ng hindi ka man lang nagtanong sa akin? Ni minsan hindi ako sumama kay Kuya Gustavo sa rancho. Oo malapit ako sa kanila ng papa mo pero alam ko ang limitasyon ko Gaston. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Kaya kami palaging nagtatawanan ng papá mo dahil palagi niya akong kinukulit tungkol sa mga apo niya. Excited siyang magkaanak tayo dahil gusto niya ram makita kong paano ka bilang isang ama. Excited siyang makita ang mga anak mo sa akin. Yun lang."

"Alam ko, Cam. Inaamin ko nagselos ako sa Kuya ko pero alam kong hindi mo magagawa sa akin ang binibintang ni Nana  kaya hindi ko na binanggit sayo noon. Sinasabi ko lang ito ngayon hindi para e-justify ang mga kamaliang nagawa ko dahil kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo mali ako. Maling mali ako nung hinayaan kong saktan ka ng nanay ko at sinaktan kita nung araw na yun."

"Si Annika, siya ang nagplano ng lahat. Pati si Nana at iba pang mga tauhan sa mansyon binayaran niya. That bitch ruined everything."

Hindi na ako magtataka pa. I know from that start, that woman wont do good to anyone. Maamo lang ang mukha niya pero isa siyang demonyita.

"Kaya ka lang ba umuwi dahil may sakit ang papá mo?" kapagkway tanong ko. 

"Yes." tipid niyang sagot sa akin. Akala ko may idadagdag pa siya pero hanggang doon lang ang sinabi niya. 

"How about your mom?" Naalala ko ang nangyari sa hapag kanina. Kita ko ang pagbago ng reaksyon niya nung sinabi ni Cleo na ang mamá nila ang nagluto ng mga pagkain. "Are you okay now?"

"No. I never been to that house since that day you left me."

Ako naman ngayon ang natigilan sa naging sagot niya. Kaya ba ayaw niyang pag-usapan ang mga magulang niya kagabi? Kung ganun paano kami pupunta sa bahay nila bukas? Sasama ba siya? 

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alampaano ko sasabihin kaya pinili ko nalang na tumahimik. Maya-maya ito na naman ang nagtanong sa akin. 

"How about you, Cam? How have you been?"

Lumingon siya sa akin at kahit na hindi ko nakikita ang mga mata niya pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin. Nakita kong may malungkot na ngiting gumuhit sa mga labi niya bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. 

"How I wish I was with you when you are carrying our babies. It's my dream since then. I want to be with you every step of the way. I want to see your tummy grow, I want to see you our babies move inside your tummy. I want to witness you become the mother you wished to be. There are so many things I want to see..." he said dreamily. Naaalala ko lahat ng yun. Yun ang palaging bukambibig niya sa akin noon. 

"Tell me what happened  to you Cam." dama ko ang pangungulila sa boses niya. "I want to know everything about you..."

Humugot ako ng paghinga saka ako nagsimulang magsalita. 

"I'm a doctor now Gaston." bumuka ang bibig niya pagkatapos may malapad na ngiting gumuhit dito. Walang sabi-sabing hinila niya ako palapit sa kanya saka mahigpit na niyakap. 

"I'm so proud of you, Cam. Very very proud." he breathes.

"I continued with my studies despite  all the ruckus. It was so hard at first. I'm pregnant with the twins, I still have my trauma, I am still hurting but my family never left my side. They supported me and filled the gaps inside my heart with love and care. Because of their love and becuase of the babies growing inside me. I was able to overcome all the pain, the heartaches, and the trauma. I became the better version of myself." I saw him nodding. 

"Life happened Gaston. We are bound to grow and be the best we can be. We have to grow and move forward. Sometimes there are things in life we need to learn the hard way. It's not late for you to rekindle your relationship with your family. Family is everything Gaston. You are lucky that you have a family that is willing to support you, a family that is there for you, a family that love you."

 I feel him stilled. I put my hand on top of his hand and gently squeezed it. 

"The twins...they don't hate you. From the start I taught them not to let hatred rule their heart. Because if they do, wala nang space para sa blessing na dadating. Maraming magagandang bagay ang naghintay sayo Gaston. Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan."

Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa kamay niya at dinala ito sa kanyang dibdib. Gusto kong bawiin pero mas pinili kong hayaan nalang itong hawakan niya. 

"H-huli na ba ako, C-Cam?" dinig ko ang pagkabasag ng boses niya sa tanong na yun. "May iba na bang nagmamay-ari sa puso mo?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na itatanong niya ito sa akin. I mean his always been the straight forward Gaston Pierre but still I was not ready for this. 

After him I don't think I can love another man. I'm fine with the kids alone. Having a partner is not my priority.

Siguro naramdaman niya ang pagkabigla ko. Maya-maya nakita ko ang pagtikom ng labi niya at ang pagkabasa ng kanyang pisngi. 

"Hindi ito ang panahon para pag-usapan natin ito Gaston. Nandito ako para ipakilala sayo at sa pamilya mo ang mga bata."

Nakita ko ang pagkatigil niya pero kalaunan dahan-dahan itong tumango sa akin. 

"I'm sorry for keeping them away from you for years." I said sincerely. He nodded and held my hand gently.

"No, Cam. Don't say that. Thank you for taking care of the kids." I can feel the sincerity in his voice when he said that. "Thank you for standing up for our family when I'm not around."

"It's late, we have to sleep. Can I sleep---" in the room nest to the kids?  but he was too quick to cut me off. 

"Our room is waiting for you, Cam. I've been waiting for you for years now..."

"How about you?" I asked but I saw him frowned like I just asked him the dumbest qustion on earth. Like, I mean, tama lang naman na magtanong ako kung saan siya matutulog diba?

"I will sleep in the other room, Gast---"

"If you'll sleep in the other room,iisipin kong hanggang ngayon ako pa rin. Pero..."

"What!?" Ganito din yung sinabi niya sa akin noong nabubuhay pa si Lolo Ignacio ah. Anong kalokohan to?

 "...pero kung dito ka sa tabi ko matulog, maniniwala akong may pag-asa pa ako sa puso."

Ano ulit yung choices niya? Gusto ko sanang ipaulit pero di paman ako makapagsalita nahila niya na ako. 

"You'll sleep here in our bed, Star..."he declared, my mouth parted. 

"...as a friend." then I saw him pressed some combination on the wall.  Then I saw the main door button turn red, automatically closing it. 

"Gaston Pierre!"

"Okay, now I'm correcting it,  not a friend but... as a wife..."

"What!?" I exclaimed but before I could protest he already turned his back on his way to the bathroom. 

"As a wife, who's been missing for more than six years, Baby." he added. " I will take a bath first, I want to smell good on our first night, Star." then he closed the bathroom door living me dumbfounded.

___________________________

09-28-2022

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 1.4K 43
🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a s...
348K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
85.2K 1.8K 34
Wife Series 3 I am just a woman with full of misery, angst, and unluckiness. I was expected to be like my mother, a famous stripper. Yes, for one day...