Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

466K 13K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Simula
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Kapitulo 1

25.1K 525 176
By piloxofia

Pagkatapos kong simulan muli ang pagiging tutor, nakapag-enroll na ako para sa kapatid. Nabilhan ko na rin si Chino ng mga gamit niya para sa escuela. I also had extra money, so ako na ang bumili ng libro ni Cathrina. Pag-uwi ko sa bahay, parehong natutulog ang dalawa kong kapatid sa sala, sa lumang sopa. Naghanda na muna ako ng tanghalian at ginising ang dalawa para kumain.

Silang dalawa lang ang naiiwan sa bahay tuwing may trabaho ako at si Mama. May isip na si Chino, at paulit-ulit namin ni Mama sinasabihan ng mga paalala tuwing aalis dahil siya ang magbabantay kay Cathrina. Hindi naman kailanman sumuway si Chino sa amin ni Mama. Ipinagpapasalamat ko iyon dahil kung mangyaring hindi siya sumunod, baka mapahamak lang silang dalawa. Sinisigurado naman namin ni Mama na may ulam at kanin silang kakainin tuwing aalis kami, e. Kahit na may kaalaman na si Chino sa pagluluto, kung walang nasa likod niyang gumagabay, delikado.

"Ate..." tawag ni Cathrina sa akin habang naghuhugas ako ng aming pinagkainan. "Bakit?"

"May pera ka pa?" kumunot ang noo ko. Nabilhan ko na siya ng libro niya, ah? Ano pa'ng hihilingin niya?

"Bakit mo tinatanong?" inilagay ko sa lumang dish rack ng mga pinggan ang hinugasan ko. 

"Gusto ko ng tsitsirya." Sabi niya.

"Sinabi ni Mama kahapon na tigilan mo 'yan, ah?" pinunasin ko ang mga basang kamay ko.

"Isa lang, 'yong maliit lang! 'Yong ten pesos lang," tumaas ang kilay ko.

"'Yong lumpia?" tumango siya at tinignan ako na para bang nagpapaawa pa. "Isa lang, Cathrina, ha. Pagkatapos, uminom ka ng tubig."

"Oo, Ate!" inabot ko ang wallet ko na nasa taas ng ref—kung saan nakalagay ang iilang de lata—at kumuha ng dalawang limang piso.

Inabot ng kapatid ko 'yon at kumaripas sa malapit na sari-sari. Naglinis ako ng bahay bago inutusan si Chino na bumili ng toyo sa malapit na tindahan para sa lulutuin ko mamayang ulam. Adobong kangkong sana para hindi muna magalaw ang hipon, sa susunod na araw na lang 'yon—'pag kasama namin si Mama.

I went in my room and scanned my dirty clothes. Maglaba na rin ba ako ngayon? Pero kaunti pa lang ang mga damit ko, e. Sinilip ko ang kuwarto ng mga kapatid at ina at nakitang kakaunti pa lang din ang damit nila. Sa susunod na linggo na lang siguro, sayang sa sabon.

Here's the life of an average Filipino whose household income is low. We were not poor to the extent of not having a home, pero palaging kulang ang datung namin.

My mother works for a public agency, she's a J.O., aka Job Order. Mas malala pa raw ang nararanasan ng J.O. sa contractual dahil wala na ngang benepisyo, maliit pa ang sahod. Subalit, ang ginagawa naman ni Mama, katumbas ng trabaho ng isang regular na empleyado. Madalas ding delayed ang sahod ni Mama, kaya ako nagsimulang magtrabaho no'ng grade eight—dahil kulang kami sa pera.

Masiyadong hindi patas ang mundo.

Ang unang trabaho na nakuha ko ay ang paggawa ng projects ng ilang schoolmates at kaklase. Of course, sa kanila manggagaling ang content, ako lang ang magpo-produce. Ang kinikita ko roon, ginagawa kong araw-araw na pangkain sa bahay. Namamalengke ako tuwing weekends, tapos nagulat pa si Mama no'ng una dahil nagtaka siya—saan ko raw nakuha 'yong pera para makabili? I explained to her my side hustle, and she thanked me for my initiative.

Matapos no'n, patuloy na umasa sa akin si Mama sa pambili ng pagkain sa palengke at recently, pati sa bayarin sa escuela ng mga kapatid ko.

Isang beses, may nagtanong sa akin bakit sa pribadong paaralan nag-aaral ang mga kapatid ko pati ako gayong hindi naman namin afford talaga. Hindi ko diretsong nasagot iyon, sinabi ko lang na iyon ang gusto ni Papa.

Papa was a firm believer in private schools being superior to public ones. I never knew why. I think it was because he was insecure. Alam namin ni Mama na laki sa hirap si Papa, 'yong tipong kahit asin, inuulam. At, maraming mga kilala si Papa na nanggaling sa pribadong paaralan at umasenso. Marahil kaya niya pinilit ipasok kami ng mga kapatid ko sa pribadong paaralan dahil do'n.

Subalit, hindi naman kami sinuwerte. Hindi ako nakapasok agad sa private school, no'ng high school lang, no'ng makakuha ako ng scholarship. Tapos, kumayod na lang nang todo-todo sina Papa at Mama para pati ang mga kapatid ko ay makapasok sa private school.

Pagkatapos kumain ng tanghalian, namalantsa na ako.

"Ate, ano'ng course mo ulit?" tanong ni Chino habang nagpaplantsa ako ng uniporme nila ni Cathrina.

"Development Studies."

"Ano 'yon?"

"Malawak na pag-aaral tungkol sa mga developing at underdeveloped countries. Tungkol siya sa mga isyu na hinaharap ng lipunan sa iba't ibang aspekto, kami ang isa sa mag-iisip ng mga solusyon. Iyon ang description na nakalagay sa program ko."

"Ano ba 'yong mga developing countries 'tsaka underdeveloped countries?"

Napaisip ako bago sumagot. "Hindi ko pa sigurado... Ang alam ko, developing country ang Pilipinas."

"Ano'ng trabaho mo niyan?"

"Puwede ako maging researcher o teacher; puwede rin magtrabaho ako bilang diplomat o consultant; o kaya naman sa gobyerno, paggawa ng policy, gano'n."

"S-in-earch ko kagabi 'yan, sabi puwede ka raw maging abogado o doktor! Ang galing naman no'n, akala ko dati, ang pwede lang sa law school ay PolSci o Accountancy. Tapos, akala ko sa med school, dapat tipong Nursing o basta science course."

"Chino, any course can be a pre-law or a pre-med program. It isn't necessary to take up Biology for med school kasi may kailangan lang na number of units sa science na need mong ma-take bago makapasok sa isang med school." Tumango siya at mukhang namangha sa aking sinasabi.

"Ganoon din sa law school, may number of units lang na need mong ma-take sa social science at iba pang area para makapasok sa isang law school. May iba pang pre-requisites na kailangan mong ma-take bago makapasok sa law o med school, basta ma-take mo lahat—at nakapasa ka sa NMAT o LSAT o ano mang exam na kailangan—walang kaso kahit na hindi Biology o PolSci ang kinuha mo na undergraduate degree."

I knew this because before graduating high school, a career talk was held in our school. In-explain 'to sa amin ng isang attorney at doctor. No'n ko lang din nalaman.

"Hindi ka magme-med school, Ate?" tanong ni Chino.

"Hindi na siguro," umiling ako.

"E, 'di ba, Health Science kinuha mo sa La Salle? Sabi ni Mama. Akala ko magiging doktor ka."

Oh, right. I tried to apply to two private schools, sa UST at DLSU. Nakapasa ako sa pareho, pero hindi naman ako pinalad sa scholarship applications. Kaya siguro hindi ko maramdaman ang titulong 'Iska'—dahil hindi ko naman pinangarap 'yong kurso ko. No'ng nag-apply ako sa UP Manila, ang unang kurso na nilagay ko ay Biology—hindi ako nakapasok do'n, sa Development Studies ako bumagsak.

May plano ba ako mag-shift?

Wala.

Baka hindi ko na kayanin kung gawin ko 'yon, made-delay ako sa pag-aaral kung gagawin ko man 'yon. Kahit na inisip ko 'yon no'ng una, hindi malakas ang loob ko para gawin 'yon dahil alam kong maaaring hindi ko magawa ng matiwasay ang mga responsibilidad ko.

"Dati lang 'yon," sabi ko sa kapatid. "Ba't 'di gano'ng course kinuha mo sa UP?"

"Hindi ako nakapasa, Chino," amin ko.

A little bit of sting occurred in my heart as I said that. Masakit no'ng una nang malaman kong hindi rin ako nakapasa sa kursong gusto ko sa UPM. Pero, no'ng tumagal, naglaho na ang pagka-bitter ko. Kapag sinasabi lang talaga, may kirot pa rin dahil sa pangarap na mababaon ko.

Burying a dream was never easy.

But I had to.

"Ahh..." nahihiyang reaksiyon ng kapatid ko, "sorry, Ate."

"Ba't ka nagso-sorry?" amused kong sabi sa kaniya. "E... 'di ko alam na 'di ka pala nakapasa."

"Ayos lang ako, Chino." Inakbayan ko siya saglit at niyapos. "Ayos lang si Ate."

Bumalik sa paglalaro sa telepono ang kapatid ko, at si Cathrina ay bumalik at kahel na ang mga daliri.

"Uminom ka ng maraming tubig," utos ko sa bunsong kapatid. Sumunod naman siya at naghugas ng kamay.

Ang mga araw ko ay nanatiling paulit-ulit habang hinihintay magpasukan.

🎀🖇️📓

The day before my first day of college, I got ready mentally and physically.

Inayos ko ang mga gamit ko sa bag at nilagay sa lapag para bukas. Binalingan ko ang mukha ko sa marumi at lumang salamin na nakasabit sa dingding.

I had a few pimple marks on my cheeks. Madilim ang ibaba ng mata ko, nangangahulugang hindi maayos ang aking pagtulog tuwing gabi. Ang buhok kong nakatali—na kapag tinanggal ang panali ay may kurba—ay mukhang makapal. Ang sungki ko sa ngipin na hanggang ngayo'y hindi naaayos ay kitang-kita tuwing nagsasalita ako. Ang medyo payat kong katawan ay morena. Ang mga peklat ko sa kamay na nagsimula dahil sa pagsubok kong magluto sa murang edad ay kapansin-pansin.

I wasn't conventionally beautiful. And maybe that was a good thing—I had less attention. Hindi ko rin naman kailangan ng kagandahan para umayos 'yong buhay ko, e.

Humiga na ako at natulog, pinilit ang sariling huwag magyosi dahil dalawang stick na lang ang mayroon ako—mauubusan ako bago makabili ulit.

When I woke up, naligo ako at naghanda ng almusal ng dalawang kapatid. Ginising ko sila at pinaligo na. Pagkatapos, sabay na silang pumasok. Malapit lang ang escuela nila rito, walking distance lang. Kaya naman kampante ang dalawa kahit na may sinag na ng araw sa labas.

"Anak, mag-ingat ka. Maynila, 'yon, hindi mo kabisado." Sabi ni Mama sa akin habang sinusuot ko ang sapatos kong binili noong grade eight pa ako.

"Opo, ikaw rin, Ma." Wika ko bago umalis.

Sumakay ako ng dyip papuntang Quiapo. Isang oras ang itinagal no'ng unang biyahe na 'yon, pawis na pawis ako nang sumakay ng panibagong dyip.

Pagdating ko sa UPM, tumingala ako at nakita ang Department of Justice. Maraming naglalakad sa sidewalks at marami ring kotse ang nasa daan. I could hear horns almost every other second. May mga dumi sa paligid at mga pusang naglalakabay, naghahanap ng kanilang makakain sa araw na 'to.

Pumasok ako sa escuela at dumiretso sa building kung saan gaganapin ang orientation. Sabi ng seniors namin sa GC, depende raw sa prof kung magka-class siya after ng orientation. Mayroon kasi akong dalawang klase after ng orientation, kaya wala pa'ng may sigurado sa block ko if magtuturo ang prof ng syllabus o ano.

"Hi, ikaw si Calisse, right? I saw your Facebook! In-add nga kita, e! I'm Paula," one of my block mates introduced herself when I got to the venue and held out her hand. Bahagya akong ngumiti at nakipag-shake ng hands sa kaniya.

"Abigail na lang itawag mo sa 'kin," wika ko bago mapansin ang kaniyang itsura. Ang ganda niya, kulay brown ang buhok at naka-white siyang headband.

"Abigail, okay, Abigail!" nagsimula na siyang makipag-usap sa akin habang hinihintay naming magsimula ang event.

Unti-unti na ring nagpakilala ang ilan pang mga kasama ko sa block habang nag-aabang. Some of them came from known and local private schools; some were from public schools; ang ilan ay galing international schools; tapos, mayroon ding galing science high schools.

"Good morning, freshmen!" biglang nagsalita ang isang babae sa harap. I looked at her and realized she was the chancellor of UP Manila.

And so, the orientation as a first-year student began. Nothing too spectacular came out of it; it was like the usual speeches and words of encouragement and humility during the first day. Ang huling parte ng event ay ang pagpapakilala ng ilang organizations. Tapos, kinanta na namin ang UP Naming Mahal. Pero hindi ko pa kabisado, kaya hindi ako nakasabay.

Matapos no'n, pumunta sa sentro ang ilang mga estudyante para ipakita ang kanilang mga banner at cardboards. Sumisigaw sila ng isang chant, hindi ako pamilyar do'n. Subalit, alam ko na agad kung bakit nila 'to ginagawa—aktibista sila.

Some students joined in the chant and raised their fists at the end. This was a trademark of the university. Though, medyo naguluhan pa ako no'ng una. Ngunit naunawaan ko rin na, oo nga pala, ganito nga pala sa UP.

Then, I opened my phone to check any messages in the GC from the profs. Nakita kong hindi muna magtuturo ang mga prof, so bukas na lang ang susunod na klase ko. Uwian na.

"Guys, batch picture muna, ha! Kaunti lang tayo, so sana lahat makasama." Sabi no'ng block head sa amin.

Nanatili akong nasa gilid, nakikinig sa ilang usapan ng mga ka-block. Sinasali nila ako at minsa'y napapangiti pa ako dahil sa mga biro na binibitawan ng iba. No'ng nabuo na kami ay nag-picture ng ilang beses bago nagpasiyang lumabas na.

"Uuwi na kayo? Kain muna tayo!" ani Paula.

"Tara! Rob!" segunda ni Sandra, ang aming block head.

"Sige, gutom na ako." Si Mitchelle naman, 'yong chinitang naka-brown halter top.

"Una na ako, may kailangan pa akong gawin sa bahay, e. Kayo na lang," sabi ko sa kanila.

"Huh? Uwi ka na? Kain muna tayo!" sinabi ni Paula ang braso niya sa akin.

"Kayo na lang," nahihiya kong saad sa kaniya.

"Tara na! Mamaya ka na umuwi, please?" ani Mitchelle.

"Seryoso, may need pa akong gawin. Kayo na lang, 'tsaka nagtitipid ako." Pag-amin ko sa kanila.

Hindi ko naman itinatago na mahirap kami. Pero, minsan, sa mga situwasyon na tulad nito, may kaunting hiya ako tuwing magsasalita. Simula grade school kasi, tuwing mag-aaya ang mga kaibigan ko, palagi akong hindi puwede—not because I didn't want to, but because I didn't have the luxury to.

It sounded depressing, but it was the truth.

"Ohh... Sige, ingat ka, ha?" agad na naunawaan ni Paula ang aking rason bago ako yakapin saglit.

Sabay-sabay silang nagsalita na mag-ingat daw ako habang naglalakad na ako papunta sa sakayan ng mga dyip. Nakita ko ang mga taong tulad ko na naghihintay ng masasakyan. Halos tanghali na, pero napakarami pa ring pasahero. Anong oras kaya ako makauuwi nito?

Suminghap ako at nag-abang na lang habang naririnig ko ang tunog mula sa iba't ibang bagay; ang mga taong nag-uusap; mga tunog mula sa malalapit na carinderya; at mga preno ng mga dyip at kotse.

Nang may tumabi sa akin na nakaputi, nahagip niya ang atensiyon ko. Parang... medical student 'to. 'Yong uniform kasi, e. Halatang health-science student. Taga-UP siguro. May suot siyang itim na backpack at hawak na phone.

When he turned to me, suwabe kong ginalaw ang mga mata ko sa ibang bagay, para hindi niya maisip na pinagmamasdan ko siya. First time ko kasing makakita ng Isko na nasa med school. Ang sabi-sabi, sobrang hectic daw ng schedule at sobrang pagod daw ang mga estudyante sa med school. So... nakaku-curious tingnan ang isang 'to.

"Freshie?" bigla niyang tanong. Nakita ko ang lanyard niya at napagtantong tama ang hinala ko.

"Opo," mahina kong sagot. Tumango siya at tumingin ulit sa mga dyip na dumadaan.

Mukha siyang may kaya, pero nag-aabang siya ng dyip... Siguro nagtitipid para may ipon...

Nang may dumating na isang dyip na kakasiya ang limang tao, agad akong naglakad patungo roon para hindi maunahan. May tumulak pa sa akin bago ako makapasok. I sat down and waited for the vehicle to be filled. Umabot pa 'yong Isko at nakaupo pa sa tapat ko.

Kinapa ko ang barya sa bulsa ko at inabot sa isang taong malapit sa drayber.

"Bayad, isang estudyante, Quiapo," malakas kong sabi sa driver. Nagsibayad na rin ang iba pang kasama kong sumakay ng dyip.

"Bayad, isa," sabi no'ng Isko nang naabot na ang bente pesos niya sa driver. Binalik sa kaniya ang sukli at tinago niya 'yon sa bulsa ng bag niya.

Tiningnan ko ang driver at salamin sa harap ng driver para hindi na maisip no'ng Isko na pinagmamasdan ko siya. Nasa harap ko siya, e. It was inevitable for me to see him. Pero baka isipin niya, ang creepy ko, kahit na wala namang masamang intensiyon ang paninitig ko.

Inisip ko na lang ang mga gagawin ko para sa linggong ito habang bumabiyahe. 

Buong linggo ay may pasok ako, tapos sa Sabado at Linggo naman ay pupunta ako sa bahay ng bata na ityu-tutor ko. Tuwing alas dos ng hapon 'yon at matatapos ng alas singko. Maglalaba na rin ako sa Biyernes o baka sa Miyerkoles, kung marami na ang mga damit.

Pagkasigaw ng drayber kung may bababa, lumingon ako sa labas at nakitang dito na ako sasakay ulit. Nagsabi akong bababa ako. Huminto naman ang dyip. Bumaba ako at inayos ang pagkakalagay ng bag ko sa balikat. Tapos, nakita kong bumaba rin 'yong Isko. Same route ba kami?

Naglakad na ako papunta sa sakayan at naghintay. Pero sa ibang daan 'yong Isko pumunta. I wonder if he was in the orientation a while ago, may ilang seniors at med students kasi kanina roon...

I shrug off thoughts of him when I go back to my responsibilities as I step into another vehicle going to Pasig.


Continue Reading

You'll Also Like

373K 1.7K 8
Zein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete fa...
3K 50 7
Can't get enough of PS characters? Well here's more for you :))
4.9K 269 15
In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineering - a guy from her past. Through a mutu...
25.9K 930 83
Around Series #3 an epistolary and a collaboration. Hiraya & Centineo