Cigarettes and Daydreams (Eru...

By piloxofia

471K 13.1K 5.7K

WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, C... More

Cigarettes and Daydreams (Erudite Series # 1)
Kapitulo 1
Kapitulo 2
Kapitulo 3
Kapitulo 4
Kapitulo 5
Kapitulo 6
Kapitulo 7
Kapitulo 8
Kapitulo 9
Kapitulo 10
Kapitulo 11
Kapitulo 12
Kapitulo 13
Kapitulo 14
Kapitulo 15
Kapitulo 16
Kapitulo 17
Kapitulo 18
Kapitulo 19
Kapitulo 20
Kapitulo 21
Kapitulo 22
Kapitulo 23
Kapitulo 24
Kapitulo 25
Kapitulo 26
Kapitulo 27
Kapitulo 28
Kapitulo 29
Kapitulo 30
Wakas
Liham
Espesiyal na Kapitulo

Simula

36.1K 837 400
By piloxofia

Treating me like an unlimited load, life gave me a burden I couldn't stop myself from carrying.

Although life was expected to be heavy, I never expected it to be this heavy. I was loaded with a ton of bricks behind my back because I was able. I complain about it, but only to the sky. Because the sky listens, it doesn't comment, it doesn't disregard, it just accepts my words as they are. I never tried to tell people my hidden thoughts because I was sure it would bring unsolicited advice and judgmental eyes. The world was cruel, I didn't need to challenge it to know that. As a matter of fact, it's fairly visible in my eyes.

"Ate, 'yong enrollment, bukas na 'yong last day." Sabi ni Chino, ang kapatid kong incoming grade eight.

Kakauwi lang mula sa sariling enrolment sa school, ito ang bumungad sa akin. Ang dalawang kapatid ko ay nanonood ng TV bago lumapit ang isa. Ngayon ay tinatanggal ko ang sapatos ko, at ilalabas na sana ang ulam na binili sa tabing kariderya.

"Magkano ba 'yong down?" tanong ko habang kinakalkal ang wallet.

Alam kong usually nasa eight to ten thousand ang down payment no'ng kay Chino habang 'yong kay Cathrina naman ay five lang dahil grade four pa lang siya, kaya mas mabilis kong nabayaran 'yon. Kaso nagbayad ako kanina ng koryente, kaya nabawasan na naman ang pera. Next week pa dadating ang suweldo ng raket ko... Mukhang kukulangin ako.

Pero wala naman na akong mahihiraman; masiyadong malaki ang interes kung sa tiyahin ko na mula sa Amerika ako hihiram; maraming sabi naman ang ibang kamag-anak kung sa kanila naman ako hihiram ng datung. Wala akong ibang choice kundi ang humanap ng raket kung saan mabilisan ang kita, at isa lang ang naiisip kong gano'n kabilis magbigay ng suweldo—ang tutoring.

Matagal na akong hindi nagtuturo dahil masiyadong kinakain no'n ang oras ko. But I did have regular customers before, and they paid me early. So, iyon lang ang trabaho na makukuhaan ko ng mabilis na datung.

"Nine thousand." Wika ni Chino

"Sige, i-e-enroll kita bukas," pagtango ko.

"Ate, 'tsaka mga school supplies ko, ah?"

"Oo nga pala. Puwedeng sa susunod na linggo na, Chino? Next week pa kasi darating ang suweldo ko, e."

"Sige, Ate, pero... sana makabili ka."

Umalis na ang kapatid ko at bumalik sa panonood ng TV. Saka naman lumapit 'yong bunso kong kapatid sa akin.

They never stop.

I often think about what life I would've had if Papa was still alive and Mama had a regular job. Although it was useless, it was an escape for me, at least for a few minutes or moments like this.

"Ate, ako rin, sabi mo bibilhin mo na 'yong kulang kong libro sa English," Cathrina said to me while pouting. She was the youngest sibling I had, nine na siya.

"Ay! Oo nga, nalimutan ko na 'yong libro..." amin ko sa kapatid.

"Ate! Kailangan ko 'yon!" reklamo ni Cathrina.

"Gagawan ko ng paraan, sa Monday pa naman pasok mo, 'di ba? Sa Sunday na lang ako bibili."

"Sunday? Ate, sarado 'yong school tuwing Sunday!"

Mariin akong pumikit at napagtantong tama ang kapatid ko. Pero paano ko naman iyon maisisiksik bukas kung mukhang kukulangin na ako sa pambili pa lang ng school supplies ni Chino?

Ito ang hirap kapag hindi financially stable ang mga magulang mo, e—pati ikaw, mahihirapan.

"Cathrina, wala ng pera si Ate ngayon, next week na lang. Manghiram ka na lang muna sa kaklase mo." Pagdahilan ko sa kapatid.

"E! Ang hirap no'n, Ate! Paano kung may sasagutan ako sa book? E 'di, zero ako?"

"Hindi, siguro naman bibigyan ka ng pagkakataon na bumili ng libro ng teacher mo. Siguro... sa papel ka magsasagot, sa papel."

"E!" nagmamaktol na siya.

Nakadaragdag 'to ng pagod, pero hindi ko naman masisi ang mga kapatid ko—hinihiling lang naman nila ang mga kailangan nila. Hindi naman kagustuhan ang mga 'yon, kaya walang masama. Pero nakauubos ng lakas talaga.

Beyond all of the bills, may isa naman akong bagay na ipinagpapasalamat. I was going to college as a scholar. Iskolar ng bayan. Iska. Parang hindi bagay sa akin. Parang hindi para sa akin. Hindi man pinangarap noon na sa UP mag-aral, alam ko namang hindi masama kung ito ang piliin ko—lalo na sa situwasyon namin na hirap sa buhay. Mabuti na rin ito, para hindi na madagdagan ang mga bayarin at alalahanin.

"Cathrina," tawag ni Mama sa kapatid ko nang dumating ito. "Ano'ng hinihiling mo sa Ate mo? Bawal na ang tsitsirya, ha, nasasanay ka na masiyado."

"Ma! Hindi po! 'Yong libro ko sa English, wala pa, e! Sabi ni Ate bibilhan niya ako! Sabi niya nakalimutan niya." Talagang sinumbong pa ako nito.

Umiling ako, at nagsaing na lang habang pinapakinggan ang kanilang usapan.

Alam kong maiinis na naman sa akin si Mama sa nangyari, kaya hindi na ako nagulat no'ng kumuha si Mama ng baso ay matalim ang tingin niya sa akin. Tapos, itinago niya ang iritasyon niya.

"Cathrina, hindi naman ginusto ng Ate mo 'yon. Ako na ang bibili, magkano ba 'yon?" tanong ni Mama sa bunso kong kapatid.

"Sabi ng kaklase ko sa GC namin, 345 po." Cathrina answered.

"Sige na... Ako na ang gagawa ng paraan. Nagagalit ka pa sa Ate mo, alam mo namang siya ang nagbabayad ng escuela n'yo kapag nagigipit ako, 'di ba?"

Nilinis ko ang bigas ng dalawang beses at nilagyan ng tubig bago inilagay sa kalan. Nilagay ko na rin ang mga ulam sa mga mangkok bago nagpalit ng damit. Patuloy pa rin ang pangungumusta ni Mama sa dalawa habang papasok ako ng kuwarto. Paglabas ko, nakita kong si Mama na ang naglilinis ng mga nasa lababo habang ang dalawa kong kapatid ay naghihintay na sa hapag. Luto na pala ang kanin. Matagal pala ako sa kuwartong nagbihis at naligo.

"Anak, umupo ka na, maghahain na ako." Sabi ni Mama sa 'kin. Sumunod ako at inabangan ang kaniyang paglalagay ng kanin at ulam.

Habang kumakain, nagkukulitan ang mga kapatid ko at si Mama naman ay nananaway. Ako ay balisa, hindi lang dahil sa inis sa akin ni Mama ngayon kundi dahil malapit na rin kasi ang pasukan.

I enrolled pretty early than in the previous school years. State university ang panibago kong escuela, walang kailangan bayaran. For Mama, it was an absolute blessing for me to pass in UP because she couldn't afford to send me to a private school. Habang ang dalawang kapatid ko ay nag-aaral sa parehong escuelahan na pinagtapusan ko. Local private school iyon, kaya kailangan ng malaking halaga kada Hunyo para sa enrollment. Hindi na kakayanin kung daragdag pa ako sa gastos kung sakaling sa pribadong paaralan ako nag-enroll. Puro mahal pa naman ang mga schools na in-apply-an ko, nagbabaka sakaling makakakuha ng scholarship... Paglalakad sa ibabaw ng tubig na lang 'yon dahil napakaraming sumusubok. Maraming mas matatalino at mas magagaling.

"Ikaw, Abigail? Excited ka na sa kolehiyo? Sa August pa kayo, 'di ba?" baling ni Mama sa 'kin. 

"Huh? August pa pasukan ni Ate?! Suwerte!" sabat ni Chino.

"Oo, ganoon talaga kapag kolehiyo, Chino." Sabi ni Mama.

"Ang tagal ng bakasiyon mo, Ate! Gusto ko, gano'n din!" si Cathrina.

"Sa susunod na taon naman, Hunyo ang tapos ng klase ng Ate n'yo, kaya dalawang buwan pa rin ang summer niya tulad n'yo. Huwag na kayo mainggit." Pangaral ni Mama sa dalawa.

"E 'di, commute araw-araw si Ate mula rito hanggang—saan nga ulit 'yong UP, Ate?" tumingin ako kay Chino bago sumagot.

"Taft, sa Padre Faura." Nakita kong hindi ginagalaw ni Cathrina ang kaniyang Chop Suey. "Cathrina, kainin mo 'yang gulay." Sabi ko.

Agad na bumusangot ang kapatid ko sa 'kin. Hindi na nga gaanong masustansiya ang kinakain namin dahil gipit, ayaw niya pang kainin ang murang gulay na nabili ko. Hay.

"Sabi ng kapitbahay natin, Ate, NPA raw 'yong mga UP," kumunot ang noo ko at napailing.

Stereotypes were usually unlikable common notions, at least, for me they were.

Agad na sinipat ni Mama si Chino dahil sa winika. "Chino! 'Wag ka ngang makinig sa mga kapitbahay! 'Yong mga taong ganiyan, sila 'yong mga hindi nakapasa ng UP, kaya sinisiraan na lang 'yong imahe ng escuela!"

"E, Ma! Sila naman may sabi no'n, e!" punong-bibig na sabi ni Chino. Umiling ako at nilapit sa kaniya ang tubig.

"Huwag ka basta-bastang maniniwala sa gano'n, Chino. Inggit lang sila. Kapag lumaki-laki ka pa, mauunawaan mo kung ano nga ba talagang mayro'n sa UP." Ani Mama.

"Hindi magandang stereotype 'yang NPA, Chino. Kapag may oras ka, kaysa maglaro ka ng kung ano-ano sa pinasa kong selpon sa 'yo, i-search mo ang UP. Hindi terorismo at komunismo ang pagiging boses ng bayan." Saad ko bago tumayo at ilagay ang pinagkainan sa lababo.

Sandali ko iyong hinugasan bago pumasok sa kuwarto. Hindi ko masasabing kuwarto talaga ito dahil, sa katunayan, manipis na kahoy lang ang pagitan ng maliit na silid na ito at ng kabila. Dati kasi, rito nakikitira ang babaeng kapatid ni Mama na nagtatrabaho sa malapit. Matagal din si Tita rito, mga limang taon. Tapos, lumipat na lang nang makapangasawa.

Kaya naman agad kong ginawang kuwarto ko ito dahil sikip na sikip na ako sa kabilang kuwarto. Buong pamilya kami ro'n dati. Sa baba ako at si Papa natutulog, sina Mama at mga kapatid ko'y sa lumang kama. Ngayon, sa papag na ako natutulog dahil hindi makabili ng foam.

Ayos na rin, at least, alam kong hindi na rin sobrang nasisikipan sina Mama at mga kapatid ko. Sa kama ang dalawa, tapos si Mama naman ay sa lapag.

Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung may natitira pa akong mobile data. Nakapag-usap pa kami ng kaibigan ko bago ako naubusan ng data at nagdesisyon na matulog na. Bukas ay kailangang maaga ako, mag-i-enroll pa ako ng kapatid at makikipag-usap sa dating customer no'ng tutor pa ako.

Pero pagpikit nama'y hindi ako dinatnan ng antok. Ramdam ko ang pagod ko sa araw na ito, kaya inakala kong makatutulog ako nang mabilis.

I think one smoke would make me sleepy...

Tumayo ako at kumuha ng stick. Ang yosi ko ay nakatago sa mga sapatos ko, kung saan hindi maiisipan ni Mama na hanapin 'yon. Minsan niya na kasi akong nakitaan, at tinapon niya 'yon. Simula noon ay hindi ko na lang basta inilagay ang mga yosi ko sa drawer o ibaba ng unan. Kailangan sa isang lugar na hindi niya aakalaing pagtataguan ko—sa mga normal na bagay.

Lumabas ako ng kuwarto at sinilip muna ang kabilang silid, nang makitang humihilik na silang lahat, lumabas na ako ng bahay. Umupo ako sa upuan ng malapit na sari-sari store at nagsindi. Ang nagbabantay sa tindahan na ito ay wala namang paki sa mga tao, basta tagatanggap siya ng bayad at tagapagbigay ng binili. Kaya naman alam kong hindi ako isusumbong nito sa ina ko.

I inhaled the tobacco for a few seconds before releasing dark air.

Restless, I glanced at the sky that had blinking lights, mga airplanes siguro o mga bituin. Ang init-init kahit na maghahating-gabi na. Ang tindi ng polusiyon talaga.

But who was I to say that when I had a damn stick between my fingers?

Suminghot ako muli bago bumuga. Ilang mga kotse na lang ang dumaraan sa kalye at may ilang motor din. The streets was filled with streetlights and the barangay officials' station was nearby, kaya hindi ako takot na magyosi rito ng gabi.

Nakatatakot man sa labas kapag babae ka—dahil sa mga manyakis o siraulo—mayroon pa rin akong kapanatagan dahil sa mga barangay opisyal na malalapit. 'Tsaka, hindi naman na ako lumalabas kapag wala ng kotse sa daan.

Tumingala ako at pinanood ang walang katapusang kalangitan.

"Napagod ako ngayon," bulong ko sa madilim na kaharap, "pero parang balewala dahil lang sa English book na 'yan." I scoffed.

Going back to my initial thoughts, hindi ko mapigilang mag-isip talaga kung ano'ng kahahantungan ng buhay ko kung pinanganak ako na maayos ang pinansyal na aspekto ng buhay namin. Hindi ko alam kung ano'ng rason para malagay ako sa buhay na 'to. Wala akong mahanap na direksyon. Siguro dahil simula pa lang, inatasan na ako maging kasangga ni Mama at Papa sa pagpapalaki sa mga nakababatang kapatid.

Kapag naiisip kong isumbat sa kanilang lahat ang hirap na nararanasan ko, nakokonsensiya na agad ako. Lalo na kung si Mama ang susumbatan ko dahil siya ang nagdala sa pamilya namin mula nang atakihin si Papa. Alam kong sa aming apat, siya ang pinakanabibigatan.

Nevertheless, I was also carrying such a heavy load behind me. I wasn't going to be hypocritical and say I've never been mad at my mother; I had been angry and disappointed, but I wasn't in a position to abandon her or my siblings. Because above the pain, there was love, there always was.

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 279 15
In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineering - a guy from her past. Through a mutu...
60.3K 1.4K 34
Dreams begin and end in school, that's what Diwata Yvon Mahalina, a student from UP Manila, thought. Because for her, after school, you must be aimin...
5.8K 452 120
If all else fails Would you be there to love me? When all else fails Would you be brave, to see right through me? ••• Awit Ryle Arcete and Juan River...
4.4M 130K 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez...