Diary Ng BABOY

Oleh strangerxxxxx

78.2K 2.9K 1K

Diary ng BABOY Lebih Banyak

Prologue
About The OWNER
Entry #1
Entry #2
Entry #3
Entry #4
Entry #5
Entry #6
Entry #7
Entry #8
Entry #9
Entry #10
Entry #11
Entry #12
Entry #13
Entry #14
Entry #15
Entry #17
Entry #18
Entry #19
Entry #20
Entry #21
Entry #22
Entry # 23
Entry #24
Entry #25
Entry #26
Entry #27
:D
ENTRY #28
SURVEY
DRAGON'S ENTRY
ENTRY #30
ENTRY #31
HELLO!

Entry #16

1.4K 71 19
Oleh strangerxxxxx

SALAMAT SA PAGBABASA AT PAGHIHINTAY.

~*~

July 4, 2015
Saturday

Dear DIARY,

"Her name is Blossom May Olifernes. She's my little sister."

'Di talaga ako maka-move on sa taong yan. Siya talaga ang babaeng yun. NAKAKAINIS!

Kahit naiinis ako nangingibabaw pa rin ang tuwa ko Diary. Alam ko kung bakit? Kasi siya na ang matagal kong gustong makita at makilala!

Siya kasi yung babaeng kasama ni Thin sa mall! Siya yung pinagkamalan kong GF niya. Siya yung iniyakan ko. Siya yung babaeng nagpapasaya kay Thin!

Sayang ang mga luha ko nun Diary. Sayang din ang pagskip ko ng lunch at dinner nun! I love foods pa naman!

Kahit ganoon ang nangyari kagabi. Ginawa ko na lang ang scrapbook namin. Sa kabutihang palad, malapit ko na itong matapos Diary. Kailangan ko pa kasi ang suggestion ni Payatot para dito at hindi ko pa 'to tinapos para magkaroon kami ng "happy moments" ni Thin. Ang landi ko to the nth level!

Kaya nung gabing 'yun Diary. Tinext ko siya na magkita kami bukas para sa scrapbook namin. Tapos agad na 'kong natulog at hindi na nahintay ang kaniyang reply.

Nagising akong may laway sa labi! Kaya nag-hilamos ako agad. Ang sarap ng tulog ko nun. May napanaginipan pa ako kaso nakalimutan ko na. Ba't kaya ganun Diary? Nakakalimutan ko yung mga panaginip ko? Pero kahit ganun, masaya pa rin ako dahil this is it! This is the time na magkikita kami ni Thin.

Chineck ko ang phone ko baka nagreply siya. May two messages ako.

Hulaan mo nga kung sino yun Diary?

May hula ka na ba?

Sasabihin ko na 'yung mga nagtext! Ang mga nagtext ay sina 8888 at 4438. Nadisappoint ako sa mga panahong yun Diary. Akala ko kasi si Thin yun.

Kayo ba? Nadisappoint din ba kayo?

Nag-exercise na ako nun. Nag sit-ups ako. Tatalon-talon pa sana ako kaso baka sabihin na naman sa akin ng tita ko na lumilindol. Saka na lang ako tatalon 'pag mag-isa na lang ako rito sa bahay. Nilinis ko rin ang bahay namin Diary. Nagtaka pa nga ang Tita ko na bakit daw may nagwawalis na baboy? Hehe xD Joke lang yun. Nagtaka siya dahil bakit daw ang sipag-sipag ko. Nginitian ko na lang siya Diary bilang tugon.

Pagkatapos ko maglinis, kumain na rin ako. Ulam lang ang kinain ko ayaw ko mag-rice. Diet kasi ako. Then after that, chineck ko na ulit ang phone ko at umaasa na nagtext na si Thin.

Nung inopen ko na ang cp ko. May isang nagtext.

"9 AM @ school"

Kilala niyo na siguro kung sino yan?

Kung hindi pa, 'wag mo na lang alamin. HAHA JOKE XD! Si Thin yun! Yehey! Pumayag siya! Napatalon ako sa tuwa! Tapos biglang sumigaw ang tita ko. "MATTY LUMILINDOL NA NAMAN!"

"Tita tumalon lang ako!"

Grabe naman yung tita ko. Lagi na lang napagkakamalahang lumilindol pag tumatalon ako.

Tiningnan ko na ang oras Diary. Isang tumataginting na 8:40 AM ang nakikita ko! 20 minutes na lang. Naligo na agad ako. Buhos-buhos lang ginawa ko, sabon-sabon tapos shampoo na! 5 minutes tapos na ako. Ang dugyot ng ginawa ko.

Pumili ako ng magandang damit at nagpaganda na. 8:55 AM pumunta na akong school. Buti na lang malapit ang school sa amin.

Agad ko namang nakita si Thin na nakaupo.

"Late ka ng 1 minute -_-" Iritado niyang sabi sa akin.

Ginawa ko na ang pinakasincere na sorry ko Diary. Big deal na big deal sa kaniya ang 1 minute. Kahit ganun masaya pa rin ako dahil makakasama ko siya!

Pumunta siya sa isang kotse. Nagtaka pa ako sa mga panahong yun Diary kasi iniwan niya na lang ako. Sinundan ko na lang siya. Tapos ang dami ko pang dala!

"Pasok."

Pumasok ako gaya ng sabi niya. Sa'n naman kaya niya ako dadalhin?

Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba Diary. Kasi yung driver ay nakajacket at nakasumbrero! Haller? Ang init kaya! Tirik na tirik ang araw! Kinakabahan din ako dahil kay Thin. Sang lupalok niya kaya kami gusto gumawa ng scrapbook na ito?

Ang boring sa kotse niya Diary. Walang music at walang nagsasalita. Kaya hinintay ko na lang na huminto 'tong sasakyan. Ganoon nga ang nanyari, huminto na ito!

"Let's go." Sabi ni Thin sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita dahil manghang-mangha pa rin ako sa restaurant na ito. Ba't niya ako dinala rito? Magdedate ba kami Diary?

Sinundan ko na lang siya hanggang makarating na kami sa loob. Makaluma ang dating na restau na ito. Parang antique lahat! Ang ganda!

"VIP Room." Sabi niya sa isa sa mga staff.

"Okay Sir!"

Pumunta naman kami run. Grabe! Sa kanila ba ito? Ang yaman nila! Tapos ang swerte ko pa dahil dito kami gagawa. Kaso nagkaroon ako ng problema nun Diary. 50 pesos lang ang dala kong pera. Paano na ito? Hindi ako ready mag-urong.

Okay din itong VIP room na ito. Kaso dalawa lang kami. Kinakabahan tuloy ako baka kasi may gawin siya sa akin. Tsk. Ang bastos ng utak ko!

"Wala ka bang dila o mabaho hininga mo?"

Namula at bigla naman akong nahiya ng sobra nung sinabi niya yun!

"Che! Nahihiya lang ako noh!"

Hindi naman siya nagsalita ngayon. Kitam? Paano naman ako magsasalita kung ganiyan siya katahimik?

Kinuha ko na lang yung pamphlet at mag-oorder na. Habang tinitignan ko ang mga pagkain, naiiyak ako kasi SOBRANG MAMAHAL ng pagkain. 50 lang naman kasi yung pera ko.

Tumingin ako ng pagkaing kakasya sa budget ko. Luckily may nakita naman ako. 10 pesos lang. Nung tinignan ko kung ano ang pagkain na yun, TUBIG yun! Grabe may bayad pa pala ang tubig. Ano ang gagawin ko Diary?

"Sure ka bang tubig lang ang oorderin mo?"

"Eh kasi Thin. 50 lang dala kong pera." Pagpapaawa effect ko para pautangan niya ako o ilibre niya ako.

"It's my treat."

Nagningning ang mga mata ko nung sinabi niya ang mga words na yun Diary! Nag-order ako ng konti lang hihi. XD May hiya naman ako kahit papaano Diary! Inorder ko lang ay Italian Spaghetti at Burger.

Habang hinihintay namin ang order namin, tinanong ko muna si Thin.

"Sa inyo ba itong restaurant?"

Tumango lang siya! Grabe ang yaman nila! Kainggit!

Nagtanong-tanong pa ako ng kahit-ano gaya ng anong shampoo mo, favorite mo, aso mo, pusa mo. Hanggang sa natanong ko yung kay tungkol kay Blossom May Olifernes.

Alam mo ang sagot niya? Eto lang naman "We're not yet close para sabihin yan sa iyo."

Ang daya niya. Pero fin'lly dumating na order namin. Kumain muna raw kami bago gawin yung scrapbook. Ang sarap ng mga foods! Gusto ko pang umulit kaso nahihiya naman ako. Agad din naman kaming natapos.

"Bakit mo pala ako dinala rito?" Tanong ko.

"This is the only place para makagawa tayo."

Nga naman. Tsaka pwede rin naman kami magstay dito hanggang hapon.

Nilinis na ng waiter yung mesa at dun ko na nilapag ang ginawa kong scrapbook. Pinakita ko muna sa kaniya yung scrapbook at saka sabihin ko niya na lang ang mga ilalagay.

"Okay naman na pala ito!"

"Anong okay? Kulang pa yan sa design tsaka sa description!"

Gumawa kami ng mga idedesign. Magaling din pala maggunting 'tong lalaking ito. After naming maggunting, dinikit-dikit na namin ang mga yun.

Mas lalong gumanda ang scrapbook namin! Ang ganda! Ang gagawin na lang namin ngayon ay ang paghandaan ang pagdiscuss namin sa scrapbook. Sinabi ko sa kaniya na ako ang magrereport about sa family niya at irereport naman niya ang akin. Pumayag naman siya.

Una akong nagpaliwanag sa kaniya. Sinabi ko na ang parents ko ay nasa USA at inaalagaan ako ng tita ko. Tapos may isa akong kapatid kaso kasama nila Mama sa USA. Tinanong din ni Thin sa akin kung bakit daw nandito ako sa Pilipinas. Sabi ko naman, ayaw kong lisanin ang bansang ito. Tapos sinabi ko rin na pinapadalahan nila ako ng pera para sa mga pangangailangan ko.

Kung ano-ano pang chuchuvavaness ang sinabi ko. Habang siya naman ay nakatingin lang sa akin at talagang nakikinig siya.

"Ikaw na magkwento." Ika ko pagkatapos kong magsalita.

"Alam mo kung bakit ayaw kita tulungan sa project natin?" Bakit ganiyan sinasabi niya? Pero okay na rin ito, gusto ko rin kasi malaman kung bakit.

"Bakit?"

"Kasi yung topic natin ay about family."

May problema ba siya? Medyo nakakaawa siya ngayon at nagbago aura niya biglang lumungkot. Ano ang gagawin ko?

"Pero sige, ikukwento ko sa iyo ang family ko."

Kinuwento niya na dalawa raw silang magkapatid sa pamilya nila. Yung kapatid niya ay si Blossom May Olifernes, mahal na mahal niya raw ito. Sinabi niya na rin ang rason kung bakit Olifernes ang apelyido nun. Broken family daw sila. Hindi niya sinabi yung rason kung bakit basta ang sinabi niya ay naghiwalay ang parents niya. Kinuha ng mama niya si Blossom kaya naging Olifernes na ang surname ni Blossom samantalang si Thin naman ay napunta sa Papa niya.

Halatang-halata mo na sobrang lungkot ni Thin habang nagkukwento. Kawawa pala sila. Pero nagkikita pa rin sila ng kapatid niya once a month. Kaya 'pag nagkikita sila tuwang-tuwa siya. Tapos sabi niya pa na aanhin pa ang yaman kung kulang naman ako sa pagmamahal. Kawawa talaga siya.

"Lalim ng pinag-usapan natin." Sabi ko na lang para mawala na ang kadramahan.

"Oo nga."

"Nga pala kaibigan na ba tayo?" Nasabi ko na lang. Sana oo ang sabihin niya.

"Bakit?"

"Kasi kinwento mo ang tungkol kay Blossom?"

"Ayusin mo na yan. Uwi na tayo." Pag-iiba niya ng usapan.

"Sige. Pero pagkatapos kong ayusin ito, kain muna tayo."

"Pssssh takaw." Pabulong niyang sabi.

"Anong sabi mo?"

Hindi na siya nagsalita pero nakita ko siyang ngumiti. NGUMINGITI rin pala itong taong ito! Tinapos ko na agad 'tong pag-aayos nang makakain na. Siguro mga 2:30 PM  nangyari yan Diary.

Kumain na nga kami at feeling ko na nagkakabutihan na kami. Hihi xD Feeling ko nga magkaibigan na kami!

Umuwi na rin kami agad ni Thin pagkatapos kumain. Hinatid niya na rin ako sa bahay.

Ang saya ng araw kong ito Diary! Sana maulit ito.

Tinext ko rin pala siya kanina ng "tH4nk y0U MaRk Th!n!" Tapos hanggang ngayon wala pa siyang reply. Pero sana mabasa niya iyon Diary.

Ang saya ko talaga. :D Natapos na ang scrapbook. Wala na akong problema Diary. Tsaka nakasama ko rin si Thin!

*Ang Mahiwagang Mensahe* (ring tone ng cp ko 'pag may nagtext)

Ito ang text Diary.

"WELCOME MY NEW FRIEND."

Grabe! Si Thin ang nagtext! Kinikilig ako ng sobra Diary! Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa kaso baka sabihin na naman ni Tita na lumilindol kaya gugulong na lang ako dito sa kwarto mamaya pagkatapos ko magsulat sa iyo.

MAGKAIBIGAN NA TALAGA KAMI DIARY!

Ang saya! Sige hanggang dito na lang at GUGULONG pa ako!

Ang Matabang May Bagong KAIBIGAN,
MATH CHAVAH A. KOH

--------------------------------------------

Tweet niyo ako @ganipader username ko.

#MathThinDEMoments #TeamMathThinDE
#DiaryNgBaboy

Ireretweet ko 'yan.

---------------------------------------------

Vote and Comment please.

Pasensiya pala kung matagal ang UD. Nag-update pa kasi ako sa SigeZONED. Sa mga readers ng SigeZONED, mag-a-update na ako.

Longest update ko pala 'to. Sana nagustuhan niyo. :D

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...