Against the Wind

By greatfairy

803K 35K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 41

15.5K 761 151
By greatfairy

Drunken Confession

NAKIPAGTITIGAN ako sa kanya. Tama ba ang pagkakarinig ko? Kami pa rin daw? As in?

Napalunok ako. Halos magdikit na kasi ang mga labi namin sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin . Nakaharang sa magkabilang gilid ko ang mga braso niya.

"Nagbibiro ka lang po, 'di ba?" kinakabahang tanong ko.

Sumeryoso ang mukha niya.

"It seems that you need more dopamine in your body. Your brain is taking longer than usual to process everything that I've said."

Pagkasabi no'n ay bumaba ang mukha niya at sinakop ang mga labi ko. Nabato ako nang ilang segundo. Pero nang maalala kong pagkakataon ko na ito ay naisipan kong tugunin siya. Kaya lang papikit pa lamang ako nang putulin niya ang halik. Napadilat ako.

"Do you understand now?" masuyong tanong niya.

Tumango ako. Kinintalan niya ako ng halik sa noo.

"Good. Kissing really helps boost one's dopamine levels, but there's a more effective way," aniya sabay bulong sa akin ng ibig niyang sabihin.

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang itinulak. Nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Mauuna na ako," tarantang sabi ko saka tinunton ang elevator.

Nakita ko pa ang malapad niyang ngiti na animo'y nanalo siya sa sabong. Tama ba namang ibulong niya sa akin ang bagay na 'yon?

Mabuti na lang at walang nakakita sa amin. Sana nga wala. Mukhang may mga nagsidatingan pa namang mga sasakyan kanina.

"Oh? Bakit para kang hinabol? Anyare?" usisa ni Vanessa pagkaupong-pagkaupo ko sa swivel.

"Wa...Wala. Akala ko kasi late na ako."

Napahawak ako sa dibdib para pakalmahin ang puso ko.

"Ay, hindi lang akala. 8:03 na kaya. Naglakad ka lang ba galing Spire?" aniyang muli.

"Uhm, oo."

Feeling ko talaga mas marami pang sanga ang sungay ko kaysa sungay ng usa. Kasi ang daming beses ko nang nagsinungaling. Bakit ba kasi sila tanong nang tanong ng mga hindi nila dapat itanong?

"Oy, ano'ng nangyari kagabi? Nakapag-usap ba kayo ni Sir? Buti na lang wala pa siya. Alam mo namang allergic 'yon sa late comers."

Napangiwi ako. Ang daldal nitong si Vanessa. Hay.

Kung alam niya lang, higit pa sa pag-uusap ang nangyari.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging kinalabasan ng mga pangyayari. Para pa rin akong nakalutang sa ibabaw ng mga ulap. Totoo ba talaga 'yon? Okay na kami ni Puppy?

Kinurot ko ang sarili ko pero nakaramdam ako ng sakit kaya hindi nga ako nananaginip.

"Ay, hala! Nabaliw na ang isang 'to. Okay ka lang ba?" untag ulit ni Vanessa.

Magtatanong pa sana ulit siya nang may dumating.

"Good morning, Sir!"

"Good morning, Sir Gaston!"

Kanya-kanyang bati ang mga empleyadong sa kabilang mga cubicle. May malaking aisle sa pagitan namin at madadaanan ni Puppy ang harap ng cubicle namin ni Vanessa. Bumati rin kami ni Vanessa.

"Good morning!" bati pabalik ni Puppy.

Pansin kong nagkatinginan ang mga empleyado. Si Vanessa ay napatingin din sa akin.

"Magugunaw na yata ang mundo. Bakit parang ang gaan ng awrahan ni Sir ngayon?" pasimpleng tanong ni Vanessa.

Nagpatay-malisya lang ako saka inabala ang sarili ko sa pagbubukas ng computer. Pero pansin ko rin ang pasimpleng pagtitinginan ng mga empleyado sa kabila, na animo'y nakakita sila ng milagro.

Sabagay, sino ba naman ang hindi magugulat, e binati sila ni Puppy tapos nginitian pa. Siguro first time in the history of Bustamante Prime. Umiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa direksyon namin ni Vanessa.

"Vanessa, have you made the presentation for our next proposal?" pagkuwa'y tanong nito.

Namutla si Vanessa at napatingin sa akin, na parang nanghihingi ng saklolo. Nagkibit-balikat lang ako.

"Uhm, ngayon ko pa lang gagawin, Sir. Kasi kahapon pagbalik natin galing sa RFC, ginawa ko pa ang summary ng napag-usapan sa brief meeting with Mr. Corpuz."

"It's okay. Just send it to my email once you're done."

"Yes, Sir!"

Bumaling din siya sa akin kaya kinabahan ako. Pero nakita ko sa gilid ng mga mata kong natuwa si Vanessa dahil hindi siya napagsabihan.

"You."

Napaayos ako ng upo. "Ye...Yes, Sir?"

"Why are you late?" seryosong tanong niya na animo'y galit.

Seryoso ba siya? Kung hindi ba naman kasi niya ako nilandi sa parking lot, e 'di sana nakaakyat ako nang maaga. At saka anong petsa na kaya kami umalis ng condo kasi ang dami pa niyang seremonyas.

"Uhm..."

Pasimple akong sinenyasan ni Vanessa para sumagot pero parang nabulol ang dila ko.

"To my office. Now!" maawtoridad na untag ni Puppy bago kami iniwang nakanganga.

"Sabi kasi sa 'yo, allergic sa late 'yon si Sir Gaston. Pumasok ka na. Ihanda mo lang ang tainga mo. Pasok kanan at ilabas sa kaliwa," nakahagikhik na untag ni Vanessa.

Napangiwi ako. Ang bilis namang magbago ng isip ni Puppy. Parang hindi niya lang ako hinalikan sa parking lot, ah!

Taas-noo akong tumayo at sumunod sa kanya sa opisina niya. Agad na bumaba ang blinds habang papasok ako. Hmp! Kung alam ko lang na pagagalitan niya lang ako, sana kanina pa ay-

Napasinghap ako nang pagkapasok ko ay bigla na lang may humila sa akin at niyakap ako mula sa likod.

"Anong-"

"I missed you!" bulong niya sa gilid ng tainga ko at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap.

"Hala! Baka may makakita sa 'tin, Sir!"

"Stop calling me sir when there's only the two of us," aniya.

Sinupil ko ang ngiting gusto kong kumawala sa mga labi ko. Akala ko naman sesermonan niya ako. Nakahanda na sana ang isasagot kong speech sa utak ko, e.

"Baka marinig tayo sa labas."

"This office is soundproofed. No one can hear you even if you shout. You wanna try?" nakakalokong hamon niya.

Binaklas ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin saka hinarap siya.

"Why? Is there something wrong?" nag-aalalang tanong niya.

Umiling lang ako saka yumakap sa kanya. Hindi napigilan ang pagtulo ng mga luha ko kaya napasinghot ako habang nakabaon sa dibdib niya ang mukha ko.

"Kitten, what's wrong?" aniya. Pilit niya akong pinapaharap sa kanya pero niyakap ko lang siya nang mahigpit saka lalong ibinaon ang gilid ng mukha ko sa dibdib niya.

"Akala ko kasi galit ka pa rin sa 'kin, e. Akala ko hindi mo na ako gusto."

Pinaulanan niya ako ng halik sa ibabaw ng ulo ko. Tumingala ako para makita ang mukha niya. Yumuko siya saka ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.

"Did you think of me the whole time we were apart?"

"Araw-araw. Oras-oras at minu-minuto," pag-amin ko.

Ngumiti siya. "That's all I need to hear. Just don't ever decide on your own when it concerns the two us, hmm?"

Tumango ako. Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa noo, saka sa tungki ng ilong. Tinitigan niya muna ako sa mga mata bago sinakop ang mga labi ko.

Banayad ang halik niya na parang dinadama niya ang bawat sulok ng labi ko. Gano'n pa man ay ramdam ko ang pananabik niya. Tinugon ko siya bago pa man niya putulin iyon. Napapikit ako. Ang lambot ng labi niya at ang bango ng hininga niya. Nakakaliyo. Nanghina ang mga tuhod ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na binuhat niya ako paupo sa ibabaw ng office table niya nang hindi pinuputol ang halik.

"I love you," bulong niya pagkatapos maghiwalay ng aming mga labi.

Hindi ko napigilang mapangiti.

"Tingin ko sa ating dalawang, mas ako ang nagmamahal."

Tumaas ang isang kilay niya. "Says who? You've already invaded my whole world. I was mad when you left, but I can't bring myself to hate you."

Napanguso ako. "I'm sorry."

Hinalikan niya ako ulit. "It's okay. As long as you will make it up for the rest of your life, I can forget everything that had happened."

Ikinulong ko rin ang pisngi niya sa mga palad ko.

"Puppy, may...may sasabihin sana ako sa 'yo."

"What is it?"

Napalunok ako at bigla akong sinalakay ng kaba. Kaya ko ba?

"Pero puwedeng mamayang gabi na lang? Anong oras na kasi. Kailangan na nating magtrabaho."

Bumuntonghininga siya. "It's okay. Just tell me anytime when you're ready."

Napangiti ako at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.

"We need to make up for the four months that we lost," aniya habang yakap-yakap ako.

Iyon ay kung mapapatawad mo pa ako. Gusto ko sanang isagot.

"Kailangan ko na talagang lumabas. Baka kung ano'ng isipin nila kapag napansin nilang natagalan ako."

Ngumisi lang siya. "If you're afraid, I can announce about our relationship."

"Oy, huwag!" mabilis kong tanggi.

Nangunot naman siya. "Ka...Kasi baka mabigla sila at baka isipin nilang hindi tayo magandang ihemplo sa kanila. Oras ng trabaho kaya pero nandito tayo. Next time na lang, ah?"

Ang totoo ay hindi naman ako takot malaman ng mga tao rito na may relasyon kami. Pero hindi pa ito ang tamang panahon kasi may kailangan pa akong ayusin sa pagitan namin ni Puppy.

"Okay, fine. If that's what you want, but I will definitely let everyone know, soon."

Napanguso na lamang ako bago nagpaalam na lumabas na. Pinaghahalikan pa niya ako bago pinakawalan.

Pagkalabas ko tuloy ay nakatingin silang lahat sa akin. Lalo na si Vanessa na parang laser ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Oy, ano'ng nangyari? Bakit natagalan ka? Tinanggal ka ba? Imposible naman. O baka naman may ibang nangyari?" tudyo niya.

Nag-init ang mga pisngi ko. Pinandilatan ko lang ng mga mata si Vanessa.

"Wala nga. Nag-usap lang kami."

"Tungkol saan? Tungkol ba sa nangyari kagabi sa KTV?"

"Tsismosa 'to. Wala, ah. Saka ko na ikukuwento sa 'yo. Magtrabaho na lang tayo. Anong petsa na, oh."

"Sus! Pabitin. Tiyak may nangyari. Ayaw niya lang aminin," tudyo pa ni Vanessa.

Napatampal na lang ako ng noo.

...

KINAHAPUNAN ay nagmamadaling umalis si Puppy. Nag-text siyang pupuntahan lang daw niya saglit ang kapatid niyang si David dahil may nangyari. Kaya si Kuya Presto na lang ang sumundo sa akin sa office. Mabuti na lang at walang masyadong nakapansin.

Balak ko nang sabihin kay Puppy ang lahat pagkauwi niya. Hindi ko na kasi kayang itago sa puso ko ang bigat. Isa pa, paano naman kami makakapagsimula kung may hindi pa ako nasasabi sa kanya?

Napatingin ako sa relo. Mag-a-alas sais na ng gabi. Wala pa rin siya. Mga alas tres siya ng hapon kaninang umalis. Hindi na lang ako nag-text para hindi ko siya maabala. Hihintayin ko na lang siya.

Kumuha ako ng mga alak sa loob ng ref saka nagtungo sa harap ng TV. Ang sabi nila ay nakakapagbigay raw ito ng lakas ng loob. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ko sisimulang sabihin sa kanya ang nangyari.

Kumuha muna ako ng natitirang pagkain kanina saka pinakain si Bambi. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa pag-inom. Hindi naman pala masama ang lasa. Parang ang sarap nga. Pero habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng init.

Napasandal ako sa sofa. Ang tagal naman ni Puppy. Hindi kaya ay nambabae siya? Hindi kaya ay pinuntahan niya si Shelley?

Hindi.

Hindi ako naniniwalang lolokohin niya ako. Hindi siya gano'ng tao.

Napangisi ako nang maalala ang nangyari kanina sa loob ng opisina niya. Hindi ko akalain na gano'n pala kasabik gawin iyon nang patago.

Pero paano nga kaya kung sa isang iglap ay mawala ang lahat ng ito? Paano kung hindi ako mapapatawad ni Puppy? Paano kung sisisihin niya ako sa pagkawala ng baby namin?

Napadausdos ako sa sahig. Ngayon pa lang naiiyak na ako. Hindi ko yata kayang kamuhian ako ni Puppy forever. E 'di matutulad na talaga ako kay Tiyang Sol na matandang dalaga. Kasi hindi ko naman nakikita ang sarili kong magmamahal na iba pang lalaki.

"What the hell, Shyr Divine! You drank all those?"

Napatingala ako nang may maulinigan akong pamilyar na boses. Pero parang nagdodoble ang paningin ko kaya hindi ako sigurado kung sino 'yon.

"Puppy? Ikaw ba 'yan?"

Tumungga ulit ako pero wala nang laman ang latang hawak ko kaya pinataob ko iyon.

"Ay, wala na! Isa pa nga!"

"Kitten!"

Biglang may humila sa akin saka pinaupo sa sofa. Ang bango niya. At pamilyar bango niya. Sininghot ko pa siya lalo.

"Puppy, ikaw nga! Bakit ang tagal mo?"

Ngumuso ako. Hinila ko siya para halikan pero iniwas niya ang labi niya. Nanikip ang dibdib ko.

"Kitam, ayaw mo na akong i-kiss. Hindi mo talaga ako mahal, ano?"

Napaiyak ako. Iniwasan niya ang labi ko!

"Stop it. You're drunk. Let me take you to your room."

Umiling ako. "Hindi mo talaga ako mahal. Ayaw mo na akong i-kiss, e. Siguro ginagantihan mo lang ako, 'no? Kaya mo sinabing mahal mo ako?"

"You're talking nonsense again. I should have thrown all those drinks. Look at you!"

Lalo akong napaiyak. Naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likod ko. Hindi kaya nananaginip lang ako? Sinampal-sampal ko ang sarili ko pero may pumigil sa kamay ko.

"What are you doing?"

"Puppy? Bakit ayaw mo akong i-kiss? Hindi mo talaga ko love, 'no?"

Napangisi ako nang mapait. "Sabagay, siguro pagod ka na sa akin kasi ilang beses na akong nagsinungaling sa 'yo."

"I didn't know you're this talkative when you're drunk."

Hinila ko siya kaya napadagan siya sa 'kin. "Alam mo bang muntik na tayong magka-baby?"

Nanlaki ang mga mata niya. Napaiyak na naman ako. This time sagana ang pagtulo ng mga luha ko.

"Kaya lang wala akong kuwentang ina. Kaya...Kaya nawala siya."

"Wha...What did you say?"

"Ang sabi ko..."

Nahihilo na talaga ako kaya hindi ko na napigilang pumikit.

"Kitten! Hey, Kitten!"

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

805K 4.6K 21
what if kung magkaroon ka ng sex maker. o yung nagsex kayo pero hindi mo siya kilala? paano kung mabuntis ka? paano mo malalaman kung sino ang ama?
18K 540 33
When Alexis Del Castro meets an accident that leads him to have this rare case of Dementia wherein he finds difficult to restore memories- he thinks...
4.1M 120K 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask eve...
228K 6.4K 43
Silent Lips Series #3 ** Ang gusto lang naman ni Jade Rian Valiente ay ang maka-close at makalaro si Van Ethan Marquez. Pero dahil masyadong pambabae...