Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

733K 28.2K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 33

11.1K 645 404
By LadyAva16

"N-nanay?"

Standing just few steps from us are my twins. It's too late for me to hide them 'coz both of them were looking confused at the old woman who is kneeling  in front of me. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking pisngi pero huli na dahil alam kung nakita na ito ng mga bata.

Si Pollux ang unang nagsalita. "Who are you, Ma'am? Why did you make my nanay cry?" tanong niya sa mababang boses. Wala akong mababasang emosyon sa mga mata niya. Diritso at seryoso ang tinging pinukol niya sa ginang. 

Hindi nakasagot si senyora sa tanong ni Pollux sa kanya pero nakita ko ang pagyugyog ng katawan niya at ang tuluyan nitong pagkabagsak sa sahig.

 Nang hindi ito sumagot, lumagpas ang tingin ni Pollux kay Caleb. "Do you know her, Tito Lexus?" pati kay Caleb ay masungit din ang pagkakatanong ni Pollux. Tila ba sinasabi ng tingin niyang 'andito ka pero hinayaan mong umiyak ang nanay ko?.' 

Hindi rin nakasagot si Caleb sa kanya. Lumuhod ito sa tabi ng ginang para alalayan itong tumayo pero umiling ang ginang sa kanya at lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak. Lalong naguguluhang tumingin ang mga anak ko sa kanya. 

Hawak ni Pollux ang kamay ni Castor, naglakad sila palapit sa akin. "Nanay are you okay?" may halong pag-aalala ang boses ni Castor pero si Pollux ay hindi inaalis ang tingin sa ginang na ngayon ay lumalakas na ang mga hikbi. 

 Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko bago ako tumango sa kanila. "Ayos lang ako, Stars. Come here." sabay hapit ko sa kanila palapit sa akin. 

Pagtingin ko sa ginang, kita ko ang kalituhan sa mga mata niya habang palipat lipat ang tingin sa mga bata. Pagkatapos nagtatanong ang mga mata niyang tumingin sa akin. Kita ko ang sakit at pagsisisi sa mga mata niya. Walang ampat ang pagtulo ng mga luha niya. 

"Nanay who is she po? Nag- bad po ba siya kaya ni-punish mo po?" It was Castor. Maybe he is  wondering why the woman is kneeling. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya hindi ako nakasagot. Inalis ni Castor ang tingin niya sa akin at hindi ko inaasahan sunod niyang gagawin. Humakbang ito palapit sa ginang at mahigpit niya itong niyakap. 

"Stop crying na po." aniya sa ginang sabay haplos sa likod nito. " Everything will be okay. Nanay will help you po."

"Castor, stop." pigil ni Pollux pero tiningnan niya lang ang kambak pagkatapos tinanggal niya ang kamay nitong na nakahawak sa kanya. 

"I am just talking to her Pollux. She's crying. " mababa lang ang boses ni Castor pero kapag ganito ang tono niya alam na ni Pollux na hindi niya ito mapipigilan. 

I was just looking at them. At this moment hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Kung papalabasin ko ang mga bata sigurado akong hindi nila ako titigilan kung sino ang ginang at bakit ito umiiyak. Nahahati ang puso ko, gusto ko silang itago sa babaeng nasa harapan nila pero ayoko ko ring  magsinungaling sa kanila. 

Hindi nila alam ang tungkol sa lola nila at hindi rin alam ng ginang ang tungkol sa mga apo niya. Pero ngayon dama ko ang sakit sa paraan ng pag-iyak niya. Ngayon naramdaman ko ang paghihirap na sinasabi niya. 

 "Why are you crying po? Are you sick? My nanay is a doctor po she can help you. Wag na po ikaw mag-cry." Pero sa halip na tumahimik lalo pang lumakas ang pag-iyak ng ginang yakap ang anak ko. May kinuhang panyo si Castor sa bulsa ng short na suot niya at marahan niya itong pinunas sa mukha ng ginang. 

Parang may pumiga sa puso habang nakatingin sa anak kong pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. My son had no idea who the woman in front of him but still he managed to wipe her tears. 

"Oh God, what have I done?" she said weeping. Her cries and sobs were too much. I can feel the pain in it. Mahigpit niyang niyakap si Castor. Kita ko ang paghaplos niya sa likod ng bata. Ang pagtingin niya isa-isa sa bawat bahagi ng mukha nito. Ang maingat niyang paghaplos sa kilay, mata, ilong at labi ng bata na tila ba sinisiguro na totoong tao ang nasa kanyang harapan. Pagkatapos ay muli itong humagulhol. 

"Apo ko, patawarin niyo ako...di ko sinasadya, di ko sinasadya."

I want to pull my son away from her. Gusto kong ipagdamot ang mga anak ko sa kanya. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kasakit na ipagdamot ko ang mga apo niya. Gusto kong makitang nasasaktan siya gaya ng pinangako ko noon. Gusto kong makitang umiiyak siya at nagmamakaawa sa akin. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin noon pero wala akong puso para gawin yun. 

"I'm so sorry...I'm so sorry. Patawarin niyo ako, nagmamakaawa ako sa inyo." she said crying. 

Ito ang gusto kong mangyari noon. Akala ko magiging masaya ako kapag dumating ang araw na ito pero bakit hindi. Hindi ko pala kayang maging 'sing sama niya. Hindi ako kagaya niyang walang puso at hindi marunong maawa. Despite all the pain ang heartache she gave me I still pity her. Nakakaramdam pa rin ako ng awa para sa kanya. Parang may humahaplos sa puso ko para makadama ako ng awa sa kanya.

"Wag na po ikaw mag-cry. Saan po ang masakit? Gagamutin po ikaw ni Nanay." my Castor said in a soft voice. Sakop ng maliit niyang mga kamay ang mukha ng ginang . Maingat niyang pinupunasan ang mga luhang nag-uuanahan sa pisngi ni senyora.

Hinawakan ng ginang ang kamay ni Castor at dinala ito sa kanyang pisngi. Pikit mata niyang dinama ang kamay ng anak ko. I know she doesn't have any idea that I have kids with her son but now, by simply looking at my Stars she can feel  who they are and what are they in her life. 

"Castor come here. She's the one who made our Nanay cry. Kita mong umiiyak si Nanay kanina diba?" hinila siya ni Pollux pero masungit niyang tiningnan ang kambal niya. 

"She's kawawa, Pollux."sabay tanggal sa kamay ni Pollux.

"What's happening here?"

Agad akong kinabahan pagkarinig ng galit na boses mula sa may pintuan. Paglingon ko doon kita kong nakatayo ang mga magulang ko kasama si Kuya Falcon. 

"Yllena, princess--" mom paused and looked at the woman crying in front of me. I am expecting her to be angry but I saw the pain flashed in her eyes as she look at her. "Caleb, please help her up..."

"Castor, Pollux, come here." tawag ni Mommy sa mga apo niya. Agad namang lumapit ang mga bata sa kanila. Agad na binuhat ni Mommy si Castor at si Daddy naman kay Pollux. 

"Lola, she's crying po. Kawawa po siya." it was Castor, sabay turo sa ginang na ngayon ay ay inaalalayan na ni Caleb na tumayo. "Do you know her po, Lola?" hindi agad nakasagot si mommy kapagkway ngiti lang ang sagot ni Mommy sa kaniya. 

"Let's go my office, apo. I have something for you and Pollux there." 

Castor nodded but before that he glanced once more at her. Then he smiled sadly before waving his hand.. "Bye po, punta muna kami sa office ng lola ko. Don't be sad na po. Wag na po ikaw mag-cry."

Hindi maalis ni Castor ang tingin niya kay senyora ganun din si Pollux. Ang kaibahan lang hindi sila parehas ng ekspresyon. Kita ko ang awa sa mga mata ni Castor samantalang si Pollux ay wala akong mabasa ni anumang emosyon sa mga mata niya. 

"We'll talk, I'll just bring the kids to my office." mom said. Inayos niya ang pagkakabuhat niya kay Castor bago tumingin kay Dad.

"Grady, take care of your sister. Don't do anything stupid.  We'll come back." dad said before assisting mom and the twins out. 

Nakasunod ang tingin ni senyora sa mga bata hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

Pagkatalikod ng mga magulang namin saka pa nagsalita si Kuya. "What are you doing here, Mrs. Sandoval? Didn't I tell you before I don't want to see your face near my sister again?"

He looks mad. Nakaigting ang mga panga at mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. Masungit ang strikto ang tinging pinukol nito kay Caleb na ngayon ay seryoso na ring nakikipagsukatan ng tingin sa kanya. 

Naka business suit pa si Kuya at mukhang nagmamdali lang na pumunta dito. Siguro tinawagan ni Kuya Rene na andito ang senyora kaya napasugod. 

"How about you Sandoval? What are you doing here?"

Kung dati maligalig na sumasagot si Caleb kay Kuya ngayon kita ko ang kaseryosohan sa pagmumukha niya. Kunot noo at diritso itong tumingin sa mga mata niya Kuya. 

"I'm doing this for my family, Dela Madrid. I hope you do too." Caleb answered coldly. Gone is the funny and loud Caleb Lexus. Parang bumalik sa alala ko noong unang araw na nakita ko sila ng mga kakambal niya sa airport.  Ganito kasungit ang mukhang pinapakita ni Caleb ngayon. 

"Fuck!" Kuya cursed but I was quick to hold his arm to stop him. 

"Kuya, please calm down." I muttered, calming him. Kuya look at me and sighed before he shifted his gaze at the old woman. 

"C-Camilla..." tawag ng senyora sa akin kaya napalingon ako sa kanya. "Are they my g-grand--" pero hindi pa man ako nakasagot sa kanya, nauna ng sumagot si Kuya.

"No!" mabilis na putol ni Kuya sa kanya. Marahan niya akong hinila papunta sa likod niya na tila ba pinoprotektahan ako sa ginang. Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata ng ginang kasabay ng pag-uunahan ng mga luha sa kanyang pisngi. 

 "The moment you threw my sister out of your lives you lose your chance to be their grandmother. That's what you wanted, Mrs. Sandoval, right? Yun wanted my sister out of your lives, right? Now what are you doing here? Baka nakalimutan mong kaya nangyari lahat ng 'to ay dahil sayo. Ikaw at ang pagiging matapobre mo.  And now, what? You want to call my nephews your grandsons? Well I'm telling you the answer is no! They are not related to you. Masaya ka na?"

Lumakas ang pag-iyak ng ginang. "I know...I know, it's all my fault. But please Camilla, nakikiusap ako, ako nalang. Walang kasalanan ang pamilya ko. Si Gideon, wala siyang alam sa mga nangyari. Totoo lahat ng mga pinakita niya sa'yo. Tinuring ka niyang anak.  Ako ang may hawak ng cellphone niya nung araw na yun, ako ang nagpadala ng mensahe kay Gaston. Si Gustavo, wala siyang kasalanan sa o, tinuring ka niyang parang kapatid. Ilang beses kaming nag-away dahil sa katigasan ko. Alam ko kahit anong gawin kong paliwanag huli na ang lahat sa laki ng kasalanan ko sayo. Ako lang ang may kasalanan. Lahat inaako ko. Nakikiusap ako Camilla...parang awa mo..." She tried to go near me pero mabilis na hinarang ni Kuya ang katawan niya sa akin. 

"Don't you dare go near my sister." banta ni Kuya sa kanya pero lalo lang nagmamakaawa ang ginang sa akin. 

"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo, Camilla. No amount of words can justify the mistake I did. I know I did wrong and I deeply regret it. Maniwala ka man sa hindi, sinundan kita. Nung tumakbo ka palabas ng mansyon sumunod ako sayo pero hindi kita mahanap. Pinagsisisihan ko ang pagmalupit ko sayo nung araw na yun. Ilang taon...ilang taon akong humihingi ng tawad sa Panginoon. Ilang taon na akong naghihirap sa mga kasalanan ko at hanggang ngayon naghihirap pa rin ako. Nagmamakaawa ako, sa natitirang buhay ko dito sa mundo, hinihingi ko ang kapatawaran---"

"No!" mariing putol ni Kuya sa kanya. " Enough of this drama! You can't have the forgiveness you want. You get out! Including you Lexus. I don't want to see all your faces ever again."

"Fuck brute! What's wrong with you? Do you really think we can resolve things this way? Are you that hard not to listen to our side. I understand the pain and hurt you all been through but until when are you gonna be like this? Habang buhay ba, Dela Madrid?"

Pinatabi ni Caleb si Senyora bago ito humakbang palapit kay Kuya. Ibang Caleb ang nakikita ko ngayon.Puno ng kaseryosohan ang mukha nito. Nagbabadya ng panganib ang kanyang anyo. 

"Can't you give us a chance, Dela Madrid? I'm talking to as a friend, as a brother. Please, please I am begging you, give us chance. Give our mother one last chance to redeem herself. I know, we know, what she did to your sister was wrong, we condemn all that. But do you really want her to suffer for life? Goddamit, Dela Madrid, please! You're not like that! Please have mercy...I'm begging you, Dude."

"You don't understand a thing, Sandoval. Stop asking for that fucking forgiveness. " Mahina pero may diing sabi ni Kuya sa kanya. " You don't know our pain--"

"Of course we do!" Caleb shouted frustratedly. "Of course we do, Dela Madrid. Bakit ikaw lang ba ang naghihirap dito? Kayo lang ba ang nasasaktan? Kayo lang ba ang nahihirapan? We all are. You know what happened to us, Dela Madrid. " then he looked at me meaningfully. May kakaibang emosyon akong nabasa sa mga mata niya pero agad niya ring iniwas ang tingin niya sa akin. 

"I begged you, we begged you, our whole family begged to you. But you're hard as steel. "

"Shut up!" sigaw ni kuya kay Caleb. 

"Caleb, nak, tama na." saway ng ginang kay Caleb ayaw nitong paawat. Narinig kong lumakas ang iyak ng ginang pero tila ubos na rin ang pagtitimpi ni Caleb kay Kuya. 

"Why?! You don't want your sister to know what happened to her husband? Andito lang din naman na tayo, might as well magkaalaman na."

I stilled. Bakit anong nangyari kay Gaston?

"Why don't you tell her, Dela Madrid?" nanghahamon ang tingin ni Caleb kay Kuya. Naguguluhan akong tumingin sa kanilang dalawa. Parehas na silang nakakuyom ang kamao ngayon. "I respected your decision, Dela Madrid, but you are too much. Now, what? You don't want her to know how my brother suffered for years? You don't want her to know what happened to her husband?"

"She's no one's wife. He lost his right to be her husband the moment he sided with his mother. He lost my sister the moment he laid hands on her. He lost everything that day he turned his back to my sister."

"You are not the one to say that. You are not the one to decide for that."

"I'm warning you, Lexus. You don't know me." Kuya warned in a cold dangerous voice but Caleb is ready to counter him.

"Maybe, Dela Madrid. Maybe I don't know you enough, now. You're not the same person I know before.  You're unbelievable."

"Yes I am, Sandoval! I am unbelievable! I am heartless! Call me anything you want and I don't give a damn! I don't fucking care. Now you two get o--"

"Stop, Grady, Caleb!" Malakas na sigaw mula kay Dad ang nagpatigil sa kanilang dalawa. Kuya looked at dad confused. While Caled looks apologetic with unknown emotion in his eyes. "Calm down, both of you." 

Naunang pumasok si Mommy, diretsong itong naglakad palapit kay Kuya at hinila ito palapit sa kanya. Si Dad naman ay lumapit kay Caleb at sinabihan itong maupo sila sa sofa. 

 "What is it are you doing, Falcon Grady? You're screaming like a beast. Umabot ang boses mo sa opisina ko sa lakas ng sigawan niyo. Ito ba ang tinuro namin ng daddy mo sayo ha?"

Hindi sumagot si Kuya pero dama ko ang pinipigilan niyang galit sa mga tinging pinukol niya kay Caleb bago ito umupo sa upuang tinuro ni Mommy para sa kanya. Nang makaupo na lahat saka pa nagsimulang magsalita si Mom. 

"Mrs. Sandoval, what brought you here?" pormal na tanong ni Mom kay senyora Elizabeth. Pero bago pa makapagsalita ang ginang nauna ng mahulog ang mga luha sa pisngi niya. Mabilis niya itong pinalis saka tumingin sa may pintuan na tila ba may inaasahang pumasok doon. 

"I'm here to ask forgiveness, Doc Dela Madrid. I'm sorry if I didn't keep my promise, not to bother your family again. Gusto ko lang makausap si Camilla."

 Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Madami silang pinag-uusapan pero wala doon ang focus ko. Kung ano-anong pumasok sa utak ko, kung ano-ano ang iniisip ko. 

Sa loob ng mahabang panahon wala akong alam kung anong nanyari kay Gaston. Wala ni isa sa kanilang nagbanggit sa akin kung ano nangyari sa kanya, kung nasaan siya, kung anong pinagkakaabalahan niya. Minsan napapatanong ako kung sa loob ng ilang taon, hindi ba sumagi sa isip niya na nagkaanak kami? Na nabuntis niya kaya ako? Hindi ba pumasok sa isip niya na hanapin ako? Masaya na ba siya sa buhay niya ngayon?

Pero ngayon bumabagabag sa akin ang sinabi ni Caleb na dapat kong malaman tungkol sa kanya. Ano ba ang dapat kung malaman tungkol kay Gaton? Alam ba ng pamilya ko? Kung alam nila, bakit nila tinago sa akin?

"What happened to h-him?" Mahina kong sabi na sa sobrang hina hindi ko sigurado kung narinig ba nila ang tanong ko pero nakita kong napalingon silang lahat sa akin. 

Walang nagsalita ni isa sa kanila. Nanantiya ang mga tingin nilang pinukol sa akin. Si senyora Elizabeth sinalubong ang tingin ko pero nanatili itong tahimik habang nag-uunahan ang mga luha sa kanyang mga mata. Nilipat ko ang tingin sa pamilya ko, si Kuya na kanina nakatingin sa akin ay agad iniwas ang mga mata. Si Mommy at si Daddy nakatingin lang pero walang sinasab. 

Bumaling ako kay Caleb, tutal siya naman ang nagbukas ng paksa kanina. Siguro makakakuha ako ng sagot sa kanya. Nakita ako ang paghugot niya ng malalim ng hininga saka ang marahas niyang pagsuklay sa kanyang buhok bago ito tumingin sa akin. 

"What do you want to know?" Isa-isa niyang tiningnan ang pamilya ko. Walang nagprotesta sa kanila kaya binalik niya ang tingin sa akin. Buong tapang kong sinalubong ang mga mata niya. 

Sa ginawa kong yun parang nakikinita ko ang mga mata ni Gaston na nakatingin sa akin. The same pair of magnetic blue eyes that I used to admire before. Those beautiful pair of blue eyes that I love to see every time I close my eyes in the evening and those lovely pair of blue eyes that welcomes me every morning I wakes up.

 Ang kaibahan lang iba ang nagmamay-ari ng matang nakatingin sa akin ngayon. Parehas man ng kulay ng mga mata nila pero wala akong nararamdamang kakaiba sa tuwing nakatingin si Caleb sa akin. Hindi gaya ng kakaibang nararamdaman ko sa tuwing tinititigan ako ni Gaston. 

Hindi ko namalayang unti-unti nalang may namumuong luha sa mga mata ko hanggang sa tuluyan na itong nanlabo sa dami ng luhang namuo dito. 

"Caleb, what happened to your brother? Tell me what happened to G-Gaston." my voice broke but I still managed to finish my sentence. Caleb looks hesitant at first but I look at him intently. He took a deep breath and released before he managed to openn his mouth and open things to me. 

"That day you were running away from all the pain my brother followed you in the airport." Unang pangungusap pa lang nakadama na ako ng bigat sa aking dibdib. I never expected that he would follow me. 

"I somehow blamed myself. I saw you, I know that you are the one he's looking for but because I want him to suffer finding you I didn't tell him. Ilang taong dala-dala ng konsensya ko kung bakit hindi ko sinabi sa kanyang nakita kita nung araw na yun. Kung bakit hindi ko nalang  sinabing nakita ko ang asawa niya. Sana hindi nangyari ang lahat." Nakita ko ang ilang beses na pagkurap ni Caleb at tila paghihirap nitong ipagpapatuloy ang ang mga sasabihin niya. 

"He was so broken, he was crying, begging to his friends to find you but you are nowhere to be found because your brother already found you. Awang -awa ako sa Kuya ko na kung pwede ko lang ibalik ang araw na yun, s-sana..." nabasag ang boses niya. Nag-angat ito ng tingin at diritsong tumingin kay Kuya. "...Sana pala sinabi ko nalang sa Kuya ko na ligtas ka kasama ang kapatid mo. Pero nagkamali ako, pinili kong itago ka sa Kuya ko sa pag-aakalang mahanap ka rin niya. Pero biglang nagbago ang lahat..."

Narinig ko ang malakas na pahikbi ni senyora Elizabeth. Pagtingin ko kay Mommy nakita kong pati ito ay umiiyak na rin. 

"Nung gabing yun, sinisi ni Kuya ang sarili niya. Nagmamakaawa ito sa mga kaibigan niyang huwag tigilan ang paghahanap sayo. Lumuhod pa ito para lang mahanap ka pero wala na, hindi ka na niya nakita. Sobrang sakit isispin na ako na kapatid niya hinayaan kong mangyari yun sa kanya. Ako na dapat kasangga niya sa lahat ang siya pang naglihim sa kanya. Kung alam ko lang na mangyari ang lahat yun nung gabi yun sana sinabi ko na...sana sinabi ko nalang kay Kuya kung nasaan ka. Sana...sana...hindi siya nadisgrasya."

Nanigas ako sa aking narinig. 

Sana hindi siya nadisgrasya...

Sana hindi siya nadisgrasya...

Para itong sirang plakang nag-replay  sa utak ko. Kunot noo akong tumingin sa kanya. 

"N-no!" I shook my head not believing what I heard from him. 

"Yes, Camilla. You hear me right. My brother got into an accident that night he couldn't find you. He never stopped looking for you. Ayaw niyang maniwala na iniwan mo na siya. Ang sabi niya hindi daw siya titigil hanggat hindi ka niya mahanap. He was crying while driving fast. His friends stopped him but he didn't listen to them. He was heart broken realizing that you left him."

"W-what happened to him? Anong klaseng aksidente ang nagyari sa kanya? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Saan na siya ngayon? Ano na ang nangyari sa kanya?" sunod-sunod kong tanong na halos di ko na makilala ang boses ko. Lumakas na rin ang pag-iyak ko. Oo galit ako kay Gaston pero hindi ko naman hinangad na ganito ang mangyari sa kanya. Hindi ito ang gusto ko. Hindi ito ang pinagdarasal ko. 

Lumapit si Mommy sa akin at pinakalma ako. I didn't realize that I'm already crying hard. Doon ko lang natanto nung naninikip na ang dibdib ko at hinahabol ko na ang aking paghinga. 

"Calm down, princess..." Mom said softly calming me. 

"Pati kayo Mommy, alam niyo ang nangyari?" gumuhit ang sakit sa mga mata ni Mommy dahil sa tanong ko pero dahan-dahan itong tumango.

"I'm sorry anak. We kept everything to you because you are too weak that time. Ako ang nagdesisyong itago sayo ang lahat dahil sobrang hina mo nung mga panahong yun. Baka hindi mo kakayanin pag nalaman mo. Baka pati mga anak mo mawala sa inyo. I'm sorry...I'm so sorry..."

Doon na ako tuluyang humagulhol. Ano ba itong nangyari sa buhay ko. Bakit kailangan kong pagdaanan lahat ng to? Ano ba ang naging kasalanan ko?

Naging mabuti naman akong tao. Wala akong inagrabyado. Ako pa ang inabuso, ako pa ang sinaktan pero bakit sa akin pa rin nangyari lahat ng 'to?

"Shhh...baby, I'm sorry. I did what I think I had to do. Kung hindi ko ginawa yun hindi lang ikaw  ang mawala sa amin, baka pati ang kambal. Sobrang trauma at stress na ang pinagdaanan mo noon anak. I'm sorry that I have to do that."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung maramdaman ngayon. Galit kao kay Gaston, galit ako sa pamilya niya, galit ako sa kanilang lahat dahil sinaktan nila ako pero hindi ko hiniling ang ganito. 

Hinayaan nila akong umiyak hanggang sa kumalma ako. Nung mahimasmasan na ako saka ako muling tumingin kay Caleb. 

"W-what h-happened to Gaston?" 

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya niya dahil sa tanong ko pero nanatiling nakatikom ang bibig niya. 

"May nangyari bang masama sa kanya, Caleb? Kaya ba ilang taon na kitang kaibigan ni minsan  hindi mo siya binabanggit sa akin?"

 Hinanda ko ang aking sarili sa kung anuman ang aking maririnig mula sa kanya pero wala akong narinig. Nakita ko ang pag-iling niya sa akin. 

"Please Caleb, nakikiusap ako,  sabihin mo sa akin ano ang nangyari kay Gaston."

Mahabang katahimikan ang namagitan. Ilang segundong nakipagsukatan ng tingin sa akin si Caleb bago ito nagsalita. 

"Naalala mo ang kaibigang binabanggit ko sayo? Yung kaibigan kong tinatanong mo kung anong nangyari sa operasyon niya sa mata?"

Nanginig ang labi ko kasabay ang mahihinang hikbi na lumabas. Umiling ako. It can't be. Hindi ito maari. Hindi pwede....

"It's been years, Cam. How many times I wished that I can have the courage to tell you this but it's so hard for me. Pero ngayon ikaw na mismo ang nagtanong sa akin tungkol sa kuya ko. Nung gabing nawala ka sa kanya..." Isa-isa niya tiningnan ang lahat bago siya tumingin sa akin.

"Nabulag ang kuya ko, Camilla"

I felt that the courage I built for years collapsed right after he said that. 

"We won't force things anymore, but we hope and pray that you'll find it in your heart to forgive our family. Our dad is sick but despite that he is still hoping to see you. In case you want to see him our house is open for you."

Tumayo ito at inalalayan si senyora Elizabeth. "Thank you, Tito, Tita. Mauna na po kami." paalam niya sa mga magulang ko.  Bago siya bumaling sa akin.

"About Kuya Gaston. If ever you want to see him. He is in the house he built for your family."

My eyes are now full of unshed tears looking at him.  He smiled at me sadly.

"He's is still waiting for his home..."he muttered weakly. My tears started streaming down my face when I heard that. 

"You are still and forever be his HOME, Camilla."

____________________________

20-09-2022


Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 1.4K 43
🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a s...
350K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
300K 10.2K 66
In the relentless storm of misfortune, Jessa's world crumbled as her businesses fell like a house of cards, leaving her drowning in a sea of debts. T...
5.3K 161 53
Perception is a matter of perspective. We may have our dreams and plans for the future not always the world works according to our wishes and desires...