WANDA For You

By HEYNEENAMOR

462 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." More

Sobre
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Contract

14 2 0
By HEYNEENAMOR

Gia's POV

Nakasimangot akong bumaba ng kotse ko. Alam kong late na ako sa usapan namin ni Direk Pat. Nahihiya nga ako habang humihingi ng sorry over the phone. Siguro ay 30 minutes na siyang naghihintay nun. Naipit lang naman ako ng traffic sa EDSA dahil sa nagbanggaang mga saksakyan. Ang daming kamalasang nangyayari sa araw na ito. At kasalanan ito nung lalaking iyon. Oo. Isisisi ko sa kanya.


Nagmadali na akong pumasok sa loob ng Palm Grill. Nakita ko ang pagkaway ni Direk Pat sa akin kaya mabilis akong lumapit.




"Sorry Direk. Sorry talaga. Sorry!" bungad ko dito.



"Haha, ano ka ba, okay nga lang diba? Tsaka wala naman akong lakad today. Kakatapos lang din ng zoom meeting ko with my team kaya sakto lang na-late ka!"


"Sorry talaga. Nahihiya ako."



"Mukhang hindi lang traffic ang nagpasira ng araw mo today hah? Kita ko kasi ang pagbaba mo sa kotse mo, nakasimangot kana. Mukhang may sumubok ng pasensya mo today. Tama ba ako?"



"Direk? Nababasa mo yung mind ko??? Mind reader ka ba Direk? Hoy hah!"



"Hahah. Hindi! Halata ko lang sa mukha mo."



"Bakit? Oily na ba face ko Direk?" biro ko dito at tumawa na naman ito. Ito ang pangatlo naming pagkikita ni Direk Pat pero sa tatlong beses na iyon, parang sobrang tagal na naming magkakilala. Naging instant yung connection namin. Na para bang nakahanap ako ng instant kuya slash friend.

Before ko maka- encounter si Direk Pat sa isa naming event sa office noon, matagal ko na siyang kilala. Isa siyang magaling na manunulat! Naging manunulat na ito ng mga sikat na Teleserye, kanta, journalists din ito at madami na din siyang mga libro. Isa din siyang Direktor ng mga events at madami din siyang artists na inaalagaan—— Manager din kasi siya. Matagal na akong nakafollow kay Direk Pat sa instagram nito at totoo—- Idolo ko siya. Nakakahanga naman kasi ang talento ng isang tulad niya! Like, paano niya nagagawa ang mga trabaho niya? Ang dami niyang trabaho pero isang tao lang naman siya. Ang magical diba? haays—Kaya noong naging guest speaker siya sa isang event namin sa office, hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Nagpakilala ako sa kanya as a Fan of his works. Hanggang sa natapos yung event na kami lang ang magkausap. Iyon din yata ang unang beses kong nakaubos ng ilang baso ng alak at medyo naging tipsy. Medyo lumalim ang usapan namin noon kasi naalala ko, umiiyak na ako dahil gulong-gulo na din ako sa buhay . Parang nagtatalo sa isip ko yung bigat ng trabaho na meron ako at yung passion na gusto ko namang gawin—— to write. Ilang advice ang sinabi nito sa akin nakapagpagaan naman ng loob ko.




Hanggang sa ikalawang beses namin nagkita. I was in a middle of my Audit Interview sa Auditee sa isang company—- and I didn't expect na makikita ko ulit si Direk Pat doon. May parang event din sila doon. Pero nasaksihan ni Direk Pat yung haba ng pasensya ko dun sa iniimbistigahan ko eh. Pinaikot-ikot yung kwento, aamin din naman na may ginawa talaga siyang mali sa trabaho. Ganun kahirap ang trabaho ko. Kailangan kong humanap ng kahit na anong mali sa isang tao. Doing Audit reports and investigations—— pero nakakapagod din.


After that day, Direk Pat talk to me and offer a job. To be a Road Manager of one artist na inaalagaan niya, and at the same time—- pinapasama niya ako sa mga seminars niya about creative writings and anything about writing! Hello— Namula yata ako. Pangarap ko iyon. Oo. Nagulat ako nun kasi akala ko nag jojoke siya. Hello? Road Manager ng Artista? Guys! Artista!? Ano bang alam ko dun diba? Like, hello? Ni-hindi naman ako nakapag one semester sa kursong may kinalaman sa ganoong trabaho. Mahilig lang akong manood ng TV pero para maging RM ng isang Artist—- Hello! Kung saan-saang lugar na ako makakarating nun! Diba, like paano kung may mga shows abroad or sa ibang lugar! Ang sarap siguro ng trabaho nila. Well—- alam ko wala akong experience sa ganun—-Arte lang ang meron ako. Tsaka kapal ng mukha.








"Pag-isipan mo yung offer ko. At kung may sagot kana, tawagan mo agad ako."




At ito na nga. Opo. Nakapagresign na ako sa regular job ko and accepted his offer. Ngayon ang contract signing ko. Nakakakaba—— pero susubok ako. Susugal ako.





Napatingin ako sa sliding folder na inilapag ni Direk Pat sa harap ko. Kinakabahan ako na may halong excitement.




"At dahil nakwento mo nga sa akin na interested ka sa writing, pwede kitang isama sa mga future writing seminars ko hah."




"Direk Pat!!! Salamat talaga!!" naiiyak at nahihiyang sabi ko.







"Bakit po ang bait niyo sa akin? I mean, bakit feeling ko, isa kang anghel na binagsak ni Lord sa harapan ko para tumahan ako. Ganung level Direk."



"I don't know. Maybe, nakakita ako ng connections sayo. Nakikita ko yung old self ko sayo. Ganyang-ganyan ang kwento ko. May tumulong lang din sa akin para maabot ko kung ano yung ginagawa ko ngayon. I want to give back.. And na-meet kita. I wanted to help. Pero hindi kita bet like romantically—- no. Baka kasi pumasok sa isip mo yun. Hahaha." natawa ako sa huling sinabi nito. He rolled his eyes at ganoon din ako. Alam ko naman na malabo yun. He's gay. He's openly gay at alam kong in a relationship ito ngayon.



"My God Direk! Alam kong single ako pero hindi naman po yan pumasok sa isip ko. May mga huling baraha pa naman po ako. HAHAHAHA.."


"Gaga, bilisan mo maghanap , pa-trenta kana. Nakakapressure ang age na yan."



"Hoy! OA sa trenta! 27 pa lang ako!!"



"Teka, bakit napunta sa lovelife tong contract signing natin. Kaloka to. Oh , ayan—- basahin mo muna bago mo pirmahan. Don't worry, Mababait ang team ko and maybe tomorrow, pwede na kitang mapakilala sa Artist na ihahandle mo.











"Okay Direk! Excited na po ako!"








"Actually, this artist kasi, hindi siya sanay na may RM siya. Normally sa mga events, pumupunta lang siya mag-isa , walang assistant. Pero ako na ang mag insist na dapat may kasama siya sa mga event lalo na this year, ang daming naka line up na projects for him and bilang Manager niya —- gusto kong mas mapagaan ang trabaho niya. Masyado kasi niyang inaako lahat, ang sabi ko pwede ko naman siyang kuhaan ng Road Manager  para lang mas maging maayos yung schedules niya. Wala ka naman ibang iisipin doon. Responsible naman na Artist iyon. Tsaka mabait iyon—- Hmm oo nga pala Gia, Ikaw ang Road Manager niya. Ikaw ang masusunod sa lahat at hindi siya okay? Basta ireport mo lang lahat da akin in case na may problema hah. Sometimes kasi pakiramdam ko na ooverwork siya minsan. Sabi ko nga magpahinga naman siya. Medyo nahihirapan lang siya sa pag fixed ng schedules niya pero alam ko matutulungan mo siya. And may background ka naman sa mga contracts diba? Like auditing of documents—- magagamit mo iyon sa field na ito." napangiti ako sa haba ng sinabi ni Direk Pat. Ang saya ng puso ko. Naeexcite ako.




"Pangako Direk Pat, ibibigay ko ang 101 percent ko for this job."



"Ayan. That's the spirit!"































"So see you tomorrow Gia?"














"Okay Direk. Send me the details ng location kung saan ang venue and what time."




"Okay. So Congrats Gia? Welcome to my team?."



"Salamat Direk." nahihiyang sagot ko dito.











Hindi na talaga ako makatulog. Grabe yung excitement at kaba ko para bukas. Napabangon ako ng maalala kong hindi ko natanong kay Direk Pat kung sinong Artista ang hahawakan ko.


Kinuha ko yung phone ko tsaka ko lang nabasa ang text message sa akin ng pinsan kong si Jenny, ang Mommy ni Olivia.




"Baklaaaaa—— ano tong chika sa akin ng anak ko? Nakalimutan mo daw bayaran yung teacher niya?"  mabilis kong tinawagan si Jenny.





"Hoy Jenny! Ang OA ng balita ng anak mo hah! oo, nakalimutan ko pero binigay ko naman!!"




"Sabi daw kasi ni Olivia, umalis ka daw agad pagdating ng teacher niya."




"Paanong hindi ako aalis? Ang hangin masyado ng teacher niya. Bagyo ba yun? Tss.."



"Hahaha. Mabait si Teacher Arman! Magaling pa."


"Ang sabi ko mahangin, hindi ko naman sinabing hindi siya magaling."



"Hoy , yang tono ng pananalita mo Gia, mukhang sinira ni Teacher Arman ang araw mo hah? Ano bang nangyari?"




"Long story." walang ganang sabi ko.


"Willing akong makinig! So ano nga??"




"Mahangin siya, mayabang, feeling gwapo."



"Lah? Judgemental naman to! Hahaha mukhang di ka na babalik sa school ni Oli ah."



"Hindi na talaga!"




"Matitiis mo bang hindi ihatid ang pamangkin mo kahit once a month? Sus."




"Alam mo Jenny , humanap ka na lang ng bagong Voice coach ni Oli. Hindi maganda ang impluwensya nung lalaking iyon kay Oli."



"Girl! Magaling siya! Di mo ba siya kilala? Balita ko nga sikat na singer siya."



"Kilala ko siya sa pangalan, napapanood ko na din siya dati. Pero wala akong pakialam. May nasesense lang ako. Feeling ko masamang tao siya."


"Hahaha. OA ! To naman!!!"



"Tsaka hoy Jenny, may vocal coach bang pumupunta sa klase niya na naka pang work out attire? Ganun ba lagi manamit yun? Akala ko tuloy AnytimeFitness yung inenrollan ni Oli eh."



"Girl, everytime na hinahatid ko si Oli, ganung time din ang dating nun sa school kaya alam ko yang sinasabi mo. Ang pagkakaalam ko kasi nagwoworkout muna yun bago siya pumupunta sa klase. Siguro doon na nagbibihis or—— teka nga, ano bang kinalaman ng suot ng teacher ? Boses naman yung inaaral nila. Hindi naman din siguro kailangang naka formal attire. Tsaka alam mo ba, grabe yung biceps—-"



"Jenny, stop. Wala akong pakialam sa biceps niya." iritang sabi ko sa kabilang linya kaya tawa ng tawa ang pinsan ko.



"Next week, twice a week na lang ang session nila Oli with Teacher Arman, one month na lang, recital na nila.. Dapat kang manood hah!"



"Syempre manonood ako, pero dapat wala yung teacher niya."



"Wow? Imposible Hahahahahah.."





"I will end this call. Kasi nasira na naman ang gabi ko. Ang saya na eh, kaninang hapon? Okay na eh tapos tumawag ka pa para pag-usapan yung—- yung ano na yun— hay nakuuuu.."






"Hahahha. Byeee! Send ko sayo number ni Teacher Arman hah! Good night!"








Aba, siraulo.






🙄

Continue Reading

You'll Also Like

53.5K 1K 24
The Princess Series Book Two. Jasmine Cortez has been hurt and broken once before, and ever since then she never found love too interesting. One wou...
40.6K 1.4K 54
Loving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016
67.5K 1.2K 33
Will you still lay your cards just to be fixed? You #2 of You Duology © 2016 by Chancymoon
153K 5.2K 67
He never had any idea that she will be the center of his universe when he first met her. And also, he never had any idea that she will be the sole re...