Tulang Walang Tugma (Pahayaga...

Od miss_reminisce

919 178 207

"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubo... Více

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 40

13 2 0
Od miss_reminisce

Kabanata 40


MAG-ISANG tinahak ni David ang kahabaan patungo sa daungan ng barko, matapos maisalaysay ni Luz ang buong nangyari sa kaniya ay hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon.

Pinaghalong galit, lumbay, at pangungulila ang kaniyang nararamdaman, talagang hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang kapit ni Jacinto sa kanilang pamilya. Tila hindi ito makapapayag na mamuhay muli sila nang matiwasay at buo.


Hindi inalintana ni David ang dilim ng kapaligiran, sapat na ang liwanag ng buwan at ang munting ilaw sa daan upang mahagilap nito sina Jacinto. Pilit nitong nilabanan ang pagod na kaniyang nadarama at kahit kailan ay hindi pumasok sa kaniyang isipan ang magpahinga.

Dahil sa lubusang kaba at galit nito'y hindi na nito naisipan pang kausapin si Señor Guarez. Si Guarez ay dating isang abogado at naging isa ring heneral. Siya ay ang tiyo ni Susmitha, ang kapatid ng kaniyang ina, madali lamang nakakuha ng matutuluyan sina David at Lazaro dito sa Europa sa tulong ni Susmitha. Kaya't malaki ang kanilang pasasalamat at utang na loob sa dalaga.

Tanging ang mga mabibigat na yapak lamang ni David ang maririnig, tumatagaktak na rin ang pawis nito mula sa kaniyang buong mukha. Malapit na siyang makadaong sa daungan ng barko, batid nitong hindi pa ito umaalis sapagkat wala pa ang hudyat ng animo'y isang tinig ng sirena.

Halos mabunutan ng tinik si David nang makadaong ito sa daungan, agad nitong inilibot ang kaniyang mga mata upang masumpungan ang katauhan ni Jacinto.  Ang kadiliman ng kapaligiran ang isang nagpahirap sa kaniya upang masumpungan niya ang mga ito.

Halos paisa-isa lamang ang mga taong naroroon at ang lahat ay tila abala sa kanilang mga ginagawa.  Nilibot ni David ang kabuuan ng daungan ng barko, malaki ang kasiguraduhan nito na hindi pa sila nakaalis sapagkat narito pa ang barko.

Samantala sa kabilang dako, halos hindi magkamayaw si Jacinto kung paano nito patatahanin ang kaniyang anak. Sila'y nagtatago sa  gilid at umaasa sa isang punong kanilang pinagsisilungan. Mula sa kanilang kinalalagyan ay kitang-kita ni Jacinto ang presensiya ni David, halos mayamot ito dahil sa hindi nito matanggap ang katotohanang sila'y natunugan.

"Ama—"

"Tumahimik ka Ligaya!" maotoridad na saad nito sa kaniyang anak at tinakpan nito ang kaniyang bibig upang hindi ito makalikha ng anumang tunog.  Halos bumuhos ang luha ni Ligaya dahil sa takot at lumbay nito.  Nanakit na rin ang kaniyang braso dahil sa ginawang pagkurot at pagpalo sa kaniya ni Leonora.

Hindi lubos akalain ni Ligaya na may ganitong klaseng budhi ang taong kaniyang minahal nang lubusan. Tila napakalayo na ng kanilang pagkatao mula sa una nitong nakilala.

"Bakit tayo nasundan ni David?" nayayamot na tanong ni Leonora habang napadyak ng dalawang beses sa loob ng kanilang karwahe. "Sally, sigurado ka bang nalagyan mo ng pang pangpatulog ang inumin kanina ni Luz?!" nayayamot na tanong nito kay Sally gamit ang salitang español. Dahan-dahan itong napatango kahit pa halos mabalot na ito ng kaba at pangamba.

Hindi nito nais na sumama kina Jacinto ngunit nais ni Jacinto na sumama ito sa sa kanila dahil ayon sa kaniya ay maaaring siya ang magiging ina ni Ligaya. Hindi batid ni Sally sa kaniyang sarili, ngunit nang mga panahong iyon ay napapayag siya ni Jacinto, sapagkat ito  ang isa sa kaniyang hangarin.

"Ako ho'y sigurado na iyon ay aking nilagyan ng pangpatulog" tugon nito gamit ang salitang español. Napangiti nang mapait si Leonora. "Kung totoong iyong nalagyan ng pangpatulog ang inumin ni Luz bakit narito ngayon si David? kung hindi magigising si Luz ay malabong maisuplong niya ang lahat kay David....hindi ka nag-iisip, wala ka ring silbi!" mariing saad muli ni Leonora.

Tinitigan nito nang matalim ang mga mata ni Sally. Tila napakalayo na sa reyalidad ang tunay na pagkatao  ni Leonora.  Naalala nito dati na halos hangaan niya ito sa angkin nitong kagandahan at kabusilakan ng puso, ngunit tila ang lahat ng iyon ay kaniya nang binabawi.

Animo'y nakasuot sila ng isang maskara na kayang pagtakpan ang kanilang totoong budhi.

"Iyan ba ang iyong nais maging asawa Jacinto?! isang mangmang?!" patuloy na saad ni Leonora na lalong mas nagpadurog at nagpababa sa dignidad ni Sally. Napatulala na lamang ito sa kaniya, na wari'y isa itong basang sisiw na nagnanais na mabigyan ng pansin at atensiyon.

Napatingin sa kaniya si Jacinto at halos kilabutan ito nang ngumisi ito na tila ba isang ngisi na punong-puno ng kadiliman. "Sino naman ang nagsabi na ibig ko siyang maging kabiyak Ate Leonora....isinama ko lamang siya rito upang ating maging isang panangga sa oras na may pumigil sa'tin, at sa tingin ko'y tama ang aking desisyon na isama siya dahil siya'y magagamit natin ngayon" saad nito at binigyan ng isang mapangkutyang titig si Sally.

Halos nagbabadya ang luha nito sa kaniyang mga mata, pinipigilan ng dalaga ang kaniyang luha na bumagsak dahil hindi nito nakikita ang kaniyang sarili bilang isang mahinang nilalang. Pinagmasdan nito si Ligaya na ngayon ay hindi mapigil ang paghikbi, halos mapagod na ang mapupungay nitong mga mata kakaiyak.

Batid nitong siya'y wala pa sa wastong gulang at dapat ay hindi nito nadadanas ang ganitong klaseng kaganapan, maaaring magbunga ito ng isang matinding sakit na habang buhay nitong madadala. Kahit na may kaunting yamot na nararamdaman si Sally kay Ligaya ay mahirap itanggi sa kaniyang isipan na ito'y kaniya ring minahal at inalagaan.

Halos pakitaan din siya nang magandang pakikitungo ni Ligaya kaya't sa isip-isip nito'y maaaring wala siyang utang na loob o dili kaya'y hindi siya patutulugin ng kaniyang konsensiya.

Napatingin siya panandalian kina Jacinto at Leonora at tumingin sa kinalalagyan ni David. Napahinga ito nang malalim at bumaba sa kanilang karwahe.  Tila napuno ito sa galit mula sa maaanghang na salitag binitawan ng magkapatid.

Sa isip-isip nito'y gagawin lang rin naman siyang panangga  ni Jacinto mas makabubuti kung unahan niya na ito. "Señor David, Ligaya y Jacinto está aquí" (Señor David, Ligaya and Jacinto is here) walang habas na sigaw ni Sally. Hindi pa ito nakuntento sa kaniyang ginawa at nilapitan pa nito si David.

"cómo te atreves, Sally!" (How dare you, Sally!') galit na saad ni Leonora dahil sa ginawa nito. Hindi nito lubos akalain na ganoon kay bilis ito babaligtad sa kanila.

Halos mayamot sa galit si Jacinto nang makita nitong kumakaripas ng takbo si David patungo sa kanilang kinaroroonan. Agad na binuhat ni Jacinto si Ligaya at kumaripas ng takbo patungo sa madilim at masukal na kagubatan.

Hindi na nila magagawang magamit pa ang kanilang karwahe sapagkat iniwan na sila ng kutserong nagpapalakad kanina sa kanilang karwahe. Halos mapamura si Leonora dahil sa kaba at takot nito habang binabaybay ang daan patungo sa masukal na kagubatan.

Pilit na kumakawala si Ligaya mula sa pagkakahawak ni Jacinto sa kaniyang bibig, tila nabuhayan ito ng loob nang marinig nito ang pangalan ng kaniyang tiyo David.  Batid nitong maliligtas siya ng kaniyang tiyo mula sa mapangahas nitong ama.

Hindi inalintana ni David ang nararamdaman nitong pagod, mas binilisan nito ang kaniyang pagtakbo sa abot ng kaniyang makakaya.  Halos kalahating kilometro ang layo  nito mula kina Jacinto at Leonora. Tila nanginginig ang kaniyang kalamnan dahil sa galit, lalo na nang makita nitong bitbit nito si Ligaya na tila ba nasasakal sa lubusan pagkakapit nito.

Narating nila ang masukal na gubat, kabilaan ang naglalakihang puno at nagtatayugang mga damo. Talamak din ang mga sanga ng punong kahoy at ang dahon ng mga damo na animo'y sa oras na madampian nito ang iyong balat ay maaaring makakaramdam ng hapdi at kirot.

Naging banayad ang pagtakbo nina Jacinto at Leonora dahil sa halos kalat-kalat na sanga ng punong kahoy. Halos mapaiyak na si Leonora dahil sa hapdi ng kaniyang paa dulot ng pagkakatusok nito sa mga damong may tinik sa kanilang katawan.


Ilang sandali pa'y napasigaw si Leonora dahil sa sakit nang maapakan nito ang isang batong matulis. "Jacinto.." punong-puno ng sakit na saad nito. Napabaling sa kaniya si Jacinto at agad niya itong binalikan. Halos mapapikit nang mariin ito nang makita nito ang dugong umaagos sa kaniyang talampakan.

Tila walang nagawa ang suot nitong sapin sa paa sa katulisan ng bato. Hinawakan ni Jacinto ang kamay ni Leonora upang alalayan ito sa pagtayo, subalit kahit anong klase nitong subok sa pagtayo ay pilit pa ring bumibigat ang kaniyang katawan na animo'y hindi niya ito kaya.

"Ate Leonora, kailangan na nating umalis dito.." saad ni  Jacinto at pilit nitong inaalalayan ang kaniyang kapatid. "H-hindi ko kayang tumayo at malakad pa Jacinto.....umalis na kayo ni Ligaya... Kaya kong magtago, magkita na lamang tayo sa Madrid.." halos kapos hiningang saad ni Leonora.

Napailing si Jacinto dahil tila hindi nito kayang iwan si Leonora. Kahit nababatid nitong hindi niya ito tunay na kapatid ay naroon pa rin ang kagustuhan nitong mailigtas ito, sapagkat siya na lamang ang mayroon siya. Nagsilbi niya itong naging paa at kanlungan upang makatungo rito sa Europa. Malaki ang utang na loob nito sa kaniyang kinikilalang kapatid at hindi nito nais na talikuran na lamang ang lahat ng iyon.

"Jacinto, sige na.." saad muli ni Leonora.  Akmang muling tutol si Jacinto nang marinig  nito ang mga yapak ni David. Puno ng alinlangan nitong pinagmasdan ang kaniyang kapatid bago ito ngumiti nang tipid at tumakbo paalis.  Naroon pa rin sa kaniyang puso ang pagkatutol na iwanan ang kaniyang kapatid, ngunit kung hindi niya ito iiwan nang tuluyan ay maaari silang maabutan ni David at maagaw nito si  Ligaya.

Mas binilisan ni David ang pagtakbo sa kagubatan, animo'y sana'y na itong makipagpatintero sa mga punong kahoy at matatayog na damo. Malapit na sa kaniyang paningin ang katauhan ni Jacinto, mas lalong nangibabaw ang galit at kagustuhan nitong maagaw nang tuluyan si Ligaya.

Sa isip-isip ni David ay tila ba hindi na kuntento si Jacinto, matapos nitong paglaruan ang isipan ni Solana ay pati ang kanilang anak ay kaniyang dinadamay. Tama ang hinala nito noon pa man na masama na ang dugong dumadaloy rito, punong-puno iyon ng galit at inggit.

Sa lubusan nitong pagmamadali ay hindi na nito pinansin pa si Leonora, ngayon ay halos mamilipit sa sakit. Halos lumuluha  ito habang iniinda ang sugat sa kaniyang talampakan, kahit na isa itong nakapag-aral ng medisina ay tila ba nawala na sa kaniyang isipan ang paunang lunas na dapat nitong  gawin.

Punong-puno nang panimdim at pait ang kaniyang dibdib, masakit man para sa kaniya na pinili ni Jacinto na siya'y lisanin ngunit ito rin ay kaniyang kagustuhan.  Nais nilang makuha si Ligaya at mailayo ito, mahal nito ang kaniyang pamangkin, batid nitong sa mga susunod na araw at sa oras na makatungo sila sa Paris ay magiging maayos din ang kanilang buhay.

Iyon ang planong isiniwalat ni Leonora sa kaniyang isipan, ngunit hindi nito lubos akalain na taliwas iyon sa kaniyang inaasahan.

Mas binilisan ni Jacinto ang kaniyang pagtakbo nakakaramdam na ng sakit at pagod ang kaniyang mga paa ngunit hindi ito tumigil. Ilang sandali pa'y halos magitla ito nang marinig nito ang tinig ni David. "Jacinto!.." galit na sigaw nito, dahil sa ginawang pagsigaw ni David ay nagpakawala ng isang impit na ungol si Ligaya sanhi upang takpan nang mariin ni Jacinto ang bibig nito.


"Jacinto!  walang hiya ka!" matalim na saad ni David at mas binilisan ang takbo nito, nang abot kamay na nito si Jacinto ay agad niya itong hinigit sa kaniyang braso at buong pwersang pinaharap ito.

"Tiyo David.." lumuluhang saad ni Ligaya sapagkat naalis na ang kamay ni Jacinto na nakalapat sa kaniyang bibig. Agad na hinigit ni David si  Ligaya sa kaniyang tabi at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang kamay.

Halos nanlilisik ang kanilang mga matang nakatingin sa isa't isa, punong-puno ito ng nag-aapoy na galit at pagkasuklam. Iisa ang isinisigaw ng kanilang mga puso.  Ang bawiin ang bagay na dapat ay sa kanila.

"Ano pa ba ang iyong nais David, nasaiyo na ang iyong kapatid at nais mo pa akong tutulan upang maging ama sa aking anak. Baka nakakaligtaan mo David, ako ang ama ng batang iyan at kahit anong gawin mo wala kang karapatan upang siya'y bawiin sa akin!" matalim na saad ni  Jacinto.

"Ikaw nga ang kaniyang ama ngunit sa tingin ko'y hindi ka naging isang mabuting ama para sa kaniya, sa tingin mo ikaw ay kaniyang titingalain? Ikaw ay nagkakamali....may karapatan ako kay Ligaya dahil ako ang kapatid ng kaniyang ina. At hindi mo rin maaaring ilayo si Ligaya sa kaniyang ina!" mariing tugon ni David.

"Huwag nang maraming satsat David, ikaw lamang ay kaniyang isang tiyo at ako ang kaniyang ama. Sa tingin mo sino ang mas papaburan sa'ting dalawa? hindi ba't ako?!, dahil halos dugot laman ko ang nanalantay sa kaniya!" giit ni Jacinto.

Napailing si David at binigyan ito ng isang ngiting mapanghamon. "Hindi ko hahayaang dumaloy ang dugo ng isang hamaslupa at mang-aangkin na katulad mo Jacinto!  dapat ay noon pa man ay nasa piitan kana kasama ng iyong ama't ina, doon ka mas nababagay Jacinto!  Doon!" matalim na bwelta ni David.

Napangisi si  Jacinto at bigla nitong kinuha ang isang baril at kinasa ito, matapang nitong itinutok sa harap ni David, habang hindi nawawala ang kaniyang ngisi.

Halos mapalakas ang hikbi ni Ligaya nang halos harap-harapan nitong makita ang lahat, natatakot ito para sa kalagayan ng kaniyang Tiyo David, batid  nito sa kaniyang sarili na mapanganib ang isang armas na hawak ng kaniyang ama. Tila unti-unti nang nawawala ang tiwala at pagmamahal ni Ligaya sa kaniyang ama. Hindi  nito akalaing kaya nitong mambanta o pumatay ng buhay ng isang tao.

Halos umigting ang panga ni David dahil sa takot na maaaring madamay si Ligaya, hinawakan nito nang mahigpit ang kaniyang kamay, buo na ang desisyon nito kung sakali man tatama ang bala kay  Ligaya ay nais nitong iharang ang kaniyang sarili. Sapat na para sa kaniya ang panahong nahanap at muli  nitong nahagkan ang kaniyang kapatid. Ang  pangakong binitawan  nito sa kaniyang kapatid ay nais  nitong tuparin, iyon ay ang mailigtas si  Ligaya.

"Bago ako malagay sa piitan David, nais na kitang ibaon sa hukay... ito na ang huli mong gabi!" mapanghamong saad ni Jacinto at hinawakan ang gatilyo ng baril. Nanginginig na ang kaniyang kamay na galawin ang gatilyo ng baril. Itinuturing  nitong isang balakid sa kaniyang buhay si David, dahil hangga't nabubuhay ito ay patuloy lamang itong hadlang sa kaniya.

Tila sarado na ang dalawag tainga ni Jacinto, hindi na  nito naririnig pa ang pagtatangis at pagmamakaawa ng kaniyang anak. Mariin na  nitong hinawakan ang gatilyo, at unti-unti itong pinisil. Halos lumakas ang hikbi ni Ligaya dahil sa takot nito.

Subalit sa pagpihit ng gatilyo ni Jacinto ang siyang paghampas ni Lazaro nang matigas na kahoy sa kaniyang kamay sanhi upang mabitawan ni Jacinto ang baril at maiputok ito sa ibang direksiyon.

Lubusan nang nag-aalala si Lazaro sapagkat malalim na ang gabi ay wala pa rin si David, agad itong nagtungo kay  Luz at nagtanong ng mga detalye na kaniyang magagamit. Kahit na hindi nito nais na iwanan si Solana na mag-isa ay pinigilan niya iyon. Nangingibabaw ang masamang pakiramdam at kutob nito para sa kalagayan ni David.

Agad itong nagtungo sa daungan ng barko at agad siyang napansin ni Sally.  Si Sally ang naging daan ni Lazaro upang malaman kung saan naroroon sina David at Jacinto, sa tulong nito'y matagumpay niya itong nasumpungan kahit pa halos isang oras itong nakipagpatintero sa gubat at ang pag-alalay sa kaniyang sugat na braso.

"Lazaro..!" wika ni David, at binuhat si Ligaya. Hindi pa kuntento si Lazaro sa ginawa nitong paghampas kay Jacinto kaya't buong pwersa niya muli itong hinampas  ng matigas na kahoy gamit ang isa nitong kamay. Halos bumuka ang sugat ni Lazaro sanhi upang mabasa ng dugo ang benda nito dahil sa buong pwersa nito.

"Lazaro, umalis na tayo!" nag-aalalang saad ni David nang makita nitong napahandusay si Jacinto sa damuhan habang iniinda ang dugo nito sa kaniyang labi at ilong gayon na rin ang kirot sa kaniyang dibdib.

"Lazaro, umalis na tayo!" pag-ulit ni David dahil nangangamba ito sa sugat nitong dumudugo. Tumango sa kaniya si Lazaro at nagsimulang kumaripas ng takbo palayo sa masukal na gubat. Yakap-yakap ni David si Ligaya habang nasa likuran na sumusunod sa kanila si Lazaro, hawak-hawak  nito ang kaniyang sugat at hindi mapigil ang pagdanak ng dugo  nito, halos bumakas na rin ang dugo sa kaniyang kamay.

Nasa kalagitnaan na sila nang kagubatan nang makirinig sila ng putok agad na  niyakap ni David si Ligaya at isinandal  nito sa kaniyang dibdib.  Isang putok muli ang narinig ni David at biglang sumibol ang kaba  nito nang marinig  nito ang pagdaing  ni Lazaro.

"Lazaro!" agad niya itong binalingan at halos manginig ang kaniyang katawan sapagkat iniinda ngayon  ni Lazaro ang tama  ng baril sa kaniyang binti. "U-umalis na kayo, David.." namamaos na saad ni Lazaro.

Napailing si David at hindi napigilan ang pagpatak ng isang luha sa kaniyang mga mata. "Lazaro lumaban ka, sama-sama tayo aalis dito" wika ni David at ibinababa si Ligaya upang matulungan ang kaniyang kaibigan.

"David huwag na, mas lalo tayong mahihirapan kung ako'y iyong aakayin pa" saad ni Lazaro at napangiwi dahil sa sakit na kaniyang iniinda, halos maubusan na ito ng dugo dahil sa tama nito sa kaniyang binti at braso.

"Putan**na naman Lazaro, hindi kita maaaring iwan dito" halos nayayamot na saad ni David. Halos hindi na rin matigil ang luha ni Ligaya habang nakatingin kay Lazaro, sa sandaling nakasama niya ito ay naging mabuti ang loob  nito sa kaniya.  At batid nitong minamahal nitong tunay ang kaniyang ina.

"S-ige na David, ako'y makakaligtas, humingi ka ng tulong kung maaari.....t-tumakas na kayo ni Ligaya....p-pakisabi sa iyong kapatid na..m-mahal na mahal ko siya" saad ni  Lazaro dahilan upang mapaluha muli si David, tila nararamdaman nito ang mga piling araw na makakasama  nito ang kaniyang kaibigan.

Animo'y ang mga salita nito ay nagpapahiwatig ng kaniyang pahimakas. Patuloy ang pag-iling ni David hindi nito kayang iwan na lamang ang kaniyang kaibigan. Saka lamang magiging panatag ang loob nito sa oras na mailigtas si Lazaro.

"Lalaban ako Lazaro.." matapang na saad ni David, "Kapag ginawa mo iyan maaaring madamay si Ligaya, mahalaga si Ligaya sa kaniyang ina, kaya't iligtas mo siya—"

"Ngunit Lazaro mahalaga ka rin sa kaniya" saad ni David, akmang magsasalita muli si Lazaro nang magitla sila ng may isang bala ng baril ang tumama malapit sa kanilang kinaroroonan.

"Lazaro, papatayin  kita! " galit na sigaw ni Jacinto, agad na niyakap ni David si Ligaya nang akmang magpapaputok muli ng baril si Jacinto. "David tumakas na kayo" wika muli ni Lazaro habang pilit itinatayo ang kaniyang sarili.

Bumaling sa kaniya si David at tinitigan ito sa kaniyang mga mata. "Pangako Lazaro, babalikan kita rito" mariing saad ni David at binuhat si Ligaya at kumaripas ng takbo paalis.  Pinahid ni Lazaro  ang luhang bumagsak sa kaniyang pisngi at napangiti nang mapait.

Unti-unting hinawakan ni Lazaro ang baril na tumama sa kaniyang tiyan. Ang huling putok na iginawad kanina  ni Jacinto ay  tumama sa kaniyang tiyan.  Pilit nitong nilabanan ang sakit upang hindi mangamba nang lubusan ang kaniyang kaibigan.

Inilabas ni  Lazaro ang  patalim  nito, at pilit nilabanan ang sakit mula sa sugat sa kaniyang braso at dalawang tama ng baril sa kaniyang binti at tiyan. Buong lakas nitong tinitigan ang papalapit na katauhan ni Jacinto.

"Ikaw nga ay isang masamang damo!" matalim na saad ni Jacinto at naglakad palapit kay Lazaro. Ang mga mata nito'y nanlilisik dahil sa galit, ang lalaking nasa kaniyang harapan ang dahilan kung bakit hindi ito magawang mahalin ni Solana, at hanggang ngayon si Lazaro pa rin ang pinipili nito.

Labis-labis na ang sakit, inggit at paninibugho nitong nararamdaman kay Lazaro. Inggit at paninibugho na halos umabot na ito sa pagkitil sa kaniya.

Dumura si Lazaro at halos dugo na ang lumabas doon, nandidilim na rin ang paningin nito dahil tila ba sanhi ito nang unti-unting pagkalagas ng kaniyang dugo sa katawan.

"Batid kong ikaw pa rin ang pinipili ni Solana, habang ako'y kaniyang itinapon at isinuko na tila isang basura.  Nararapat ka nang mawala sa mundong ito Lazaro upang maramdaman din ng iyong minamahal ang sakit na aking dinanas!.." mariing wika  ni Jacinto at muli kinasa ang baril.

"Adios..." mahinang saad ni Jacinto at itinutok kay Lazaro ang baril. Kating-kati na ang kamay  nitong magalaw ang gatilyo ng baril at tuluyang sumakabilang buhay ang lalaking nasa kaniyang harapan.

Nakakatitig nang mariin si Lazaro kay  Jacinto, kahit na halos maubos na ang lakas nito'y pilit pa rin itong tumayo at isang mabilis na pagsugod ang kaniyang ginawa. Mabilis nitong ipinako ang kaniyang patalim sa tiyan ni Jacinto gamit ang buong pwersa nitong kanang kamay. Tila hindi na nito inalintana ang sakit at pahamak na matatamo nito sa oras na ginawa  niya ito.

Halos dumaing sa sakit si Jacinto at buong pwersa nitong itinutok ang baril sa ulo ni Lazaro at hindi nagdalawang isip na iputok iyon, subalit bago pa man dumanak ang bala ng baril sa ulo ni Lazaro ay agad nitong sinuntok ang kamay nito dahilan upang tumama ang bala sa balikat ni Lazaro at unti-unting nabitawan ni Jacinto ang baril.

Isang malakas na suntok ang iginawad ni Lazaro sa mukha ni  Jacinto, nanlalabo na ang paningin nito dahil sa tatlong tama ng baril na tinamo nito. Halos mapaatras si Jacinto dahil sa bigat at lakas ng suntok ni Lazaro.

Napangiwi ito sa sakit at hinawakan ang sugat sa kaniyang tiyan.  Hindi ito makapaniwala na sa kabila ng mga tama nito sa kaniyang katawan ay nagawa pa nitong saksakin ang kaniyang tiyan.

Nanlilisik ang mga matang sinugod nito si Lazaro at mabilis na sinipa ito sa kaniyang tiyan, dahilan upang sumuka ng dugo si  Lazaro dahil halos tinamaan nito ang tama ng baril sa kaniyang tiyan.

Napahiga sa damuhan si  Lazaro habang iniinda ang sakit.  Tila hindi pa nakuntento si Jacinto at muli nitong pinagsisipa sa tiyan si  Lazaro, punong-puno ng galit ito at tila ba nangingibabaw sa kaniyang isipan ang kagustuhan nitong kitilin ang buhay ni Lazaro.

Malalakas na sipa at suntok ang natatanggap ni Lazaro mula kay Jacinto, hinang-hina na ang katawan nito dahil sa dami ng sugat nitong iniinda. Tila hindi na nito kaya pang lumaban at pangatawan ang pangakong kaniyang tinuran kay Solana.

Sumuka na ito ng dugo at unti-unti nang dumidilim ang kaniyang paningin, patuloy ang pag-agos ng kaniyang dugo sa kaniyang katawan. Nagliliyab ang nararamdaman nitong hapdi at kirot.

Nanlalabo ang mga mata nitong pinagmasdan si Jacinto. Nanlilisik ang mga mata nito habang hawak-hawak ang isang bato na may korteng patulis. Tuluyan nang nabulag sa kasamaan at kadiliman ang isipan  nito, wawakasan na nito ang buhay ni Lazaro bilang pagwawakas ng balakid na humahadlang sa kaniya.

Pilit nitong nilabanan ang sakit na dulot ng patalim na sumaksak sa kaniya. Ibinagsak ni Jacinto ang matalim na bato sa ulo ni Lazaro halos dalawang beses niya itong inulit hanggang sa kumalat ang dugo ni Lazaro sa damuhan.

Unti-unti nang bumabagal ang paghinga ni Lazaro, hindi na nito kaya pang lumaban at ipaglaban ang kaniyang sarili. Batid nitong tila ngayong araw na matatapos ang kaniyang buhay, nakikita na nito ang liwanag ng walang hanggan. Masaya ito dahil nagawang makaligtas ni David at Ligaya at nagawa rin nitong sabihin ang pagmamahal nito kay Solana.

Masaya itong tutungo sa kabilang buhay na may ngiti sa labi, patuloy nitong dadalhin ang imahe at alaalang binuo nila kasama ang kaibigan nitong si David at si Solana.

Batid ni  Lazaro na ito na ang oras na babawiin na ang buhay na ibinigay sa kaniya at ito na rin ang huling panahon na masisinagan niya ang bituin at madilim na kalangitan. Nagpapasalamat ito na dumating sa buhay niya si Solana na siyang naging dahilan nang muli nitong paglikha ng mga tula.

Kahit wala man si Lazaro sa tabi ni Solana ay patuloy pa rin itong lilikha ng tula kahit mahirap nang maibalik ang dati  nitong tugma. Walang hanggan nitong itatanim sa kaniyang isipan na si  Solana ang pinakamagandang tula na dumating sa kaniyang buhay na hinding-hindi nito kalilimutan.

Hindi man nito nagawang pangatawanan ang pangakong isinugo nito, ngunit patuloy nitong panghahawakan ang puso nitong nakalaan para lamang kay Solana.


"Adios....Solana....mahal ko.."



---------------------------------
Tulang Walang Tugma

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

798K 34.9K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
1.6M 45.2K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
303K 10.7K 80
Ito ay kwento ng isang dalaga na naninirahan sa isang probinsya ,sya ay mahilig sa away at mandalas masangkot sa gulo kaya naman ,napagdesesyunan ng...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...