Tulang Walang Tugma (Pahayaga...

By miss_reminisce

963 178 209

"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubo... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas
Pahayag ng May Akda
Official Soundtrack

Kabanata 39

12 2 0
By miss_reminisce

Kabanata 39

HALOS mapatakip ako sa aking bibig dahil sa pagkabigla, hindi ko na rin napigilan ang pag-agos ng aking luha. Tila pinoproseso ko pa sa aking isipan ang mga nangyayari, dinakip ni Jacinto si Ligaya, dinakip nito ang aming anak.

Napailing-iling ako hahang ang luha ko'y patuloy bumabagsak, hindi ko kakayaning wala si Ligaya sa aking tabi. Naramdaman kong may humawak sa aking balikat ngunit isinawalang bahala ko iyon. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang lumbay at pag-aalala kay Ligaya.

"Manang Luz, sumama ho kayo sa'kin,  Solana, Lazaro.  Manatili na lamang kayo rito" halos habol hiningang saad ni Kuya David, tila pati siya ay nangangamba nang lubusan sa sinapit ng aking anak.  Pinunasan ko ang aking luha at lumapit sa kaniya.

"Kuya David sasama ho ako" pakiusap ko at kumapit sa laylayan ng kaniyang damit. Umiling ito at hinawakan ang aking balikat. "Hindi maaari Solana, maaaring ikaw ay mapahamak, ako na lamang ang babawi kay  Ligaya, pinapangako ko iyan saiyo.  Makukuha natin si Ligaya" wika nito at ngumiti nang tipid.

Napailing muli ako, tila hindi ako kumbinsido sa nais nito, nais kong sumama sa kaniya dahil ako ang ina ni Ligaya, responsibilidad ko rin na iligtas siya kahit pa buhay ko na ang maging kabayaran.

"Kuya David, pakiusap sasama ako" pakikiusap kong muli, iniling nito ang kaniyang ulo at tinitigan ang aking mga mata.

"Solana huwag nang matigas ang iyong ulo, ako na ang bahala dumito ka na lamang sapagkat ikaw ay ligtas dito, hindi ko na muli batid ang aking gagawin kung mawala ka muli sa amin" wika nito at hinalikan ako sa aking noo.

"Mababawi ko si Ligaya, ipinapangako ko iyan saiyo Solana" saad  nito at bumaling kay Lazaro.  Tumango ito at naglakad patungo sa pinto, balak ko pa itong sundan nang hawakan ni Lazaro ang aking palapulsuhan. Isang nangangambang tingin ni Manang Luz ang iginawad nito sa'kin bago ito sumunod kay Kuya David.

"Maniwala ka sa iyong kapatid Solana, batid kong magagawa nitong iligtas si Ligaya" mahinahong saad ni Lazaro. Napahinga ako nang malalim habang ang pananakit ng aking dibdib ay naroon pa rin. Halos mapagod na ang aking mga mata kakaiyak, hinihiling ko na lamang na sana'y maubos na ang mga ito nang hindi na ako makaramdam ng pighati.

Nanatili lamang akong tahimik at ang aking hikbi lamang ang maririnig, binitawan ni Lazaro ang aking kamay at nagtungo sa aking harapan. Nangangamba ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Hindi  ko na alintana ang pagbuhos ng aking luha dahil sa sakit.

Hindi ko akalaing magagawa sa'kin ito ni Jacinto, batid kong may pagkukulang ako sa kaniya ngunit di-hamak na mas malaki ang kaniya.  Bakit kinuha nito sa akin si Ligaya nang ganon kaydali, sa tingin ba nito'y isang uri ng damit si Ligaya? na basta-basta na lamang hihiramin at gagamitin.

"Tumahan kana Solana, magiging maayos din ang lahat, batid kong panghahawakan ni David ang pangako nito saiyo" mahinang saad ni Lazaro at hinaplos ang aking pisngi upang pawiin ang aking luha.

Napahinga muli ako nang malalim at pinunasan ang aking luha. "Nais ko ring maligtas siya Lazaro, ako ang ina ni Ligaya—"

"Tiyo ni Ligaya si David, wala ka bang tiwala saiyong kapatid?" pagputol sa akin ni Lazaro.  Hinigit nito ang aking kamay sanhi upang mapalapit ako sa kaniya. Isinandal nito ang aking ulo sa kaniyang dibdib, at naramdaman ko na lamang ang kaniyang kamay na yumakap mula sa aking likuran.

"Maniwala ka  Solana, maniwala ka.." mahinahong saad nito, pinakawalan ko muli ang aking luha sa kaniyang dibdib, sa munting yakap ni Lazaro ay tila ba pinaparamdam  nito na magiging maayos din ang lahat. Makakapagsimula muli kami ng panibagong yugto, malayo sa pait na aking pinagdaanan.

Unti-unti kong itinaas ang aking kamay sa likod ni Lazaro na tila ba tinutugon ko ang kaniyang yakap. Patuloy ang pagluha ko na tila ba walang katapusan. Naramdaman ko ang kamay ni Lazaro na humaplos sa aking buhok, sa pamamagitan nang ginagawa nito'y tila nababawasan ang sakit na aking nararanasan.

Umaasa ako na magiging maayos din ang lahat, makakabalik ng ligtas si Kuya David at kasama nito si Ligaya.

Napahiwalay ako ng yakap kay Lazaro nang may kumatok sa pinto, agad nilapitan ni Lazaro ang pinto at binuksan iyon. Bumungad sa amin si Manang Luz na hapong-hapong pumasok sa loob at agarang nagtungo sa akin.

"Señora" wika  nito at niyakap ako nang mahigpit, kahit nagtataka ako sa kaniyang ginawa ay tinugon ko pa rin ang kaniyang yakap. Humiwalay ito sa akin at pinawi ang mga luhang nasa aking mata.

"Manang Luz si Kuya David ho?" walang buhay kong tanong, ngumiti ito nang mapait sa'kin bago tumugon. "Nagtungo siya sa daungan ng barko, sinundan niya sina  Señor Jacinto" tugon nito, pinipigilan nito ang pamumutawi ng kaniyang luha dahil labis itong nasasaktan sa nangyayari.

"Manang Luz, a-ano ho ba ang nangyari? b-bakit ho nakuha ni Jacinto si Ligaya?" tanong ko sa gitna ng aking mga hikbi, nais kong malaman ang puno't dulo ng lahat ng ito, nais kong maliwanagan sa mga pangyayari.

Pinahid muli ni Manang Luz ang mga luhang nasayang sa aking mga mata,  "Señora, patawarin mo ako" wika  nito at hindi napigilan ang pagbuhos ng kaniyang luha. Napailing ako at napahagkan nang mahigpit sa kaniya. Umaasa ako na walang kinalaman dito si Manang Luz, hinihiling ko na sana'y isa lamang itong bangungot.


Alas-nuwebe ng umaga nang ipinasyal ni David si Ligaya sa labas ng kanilang bahay panuluyan. Humiling sa kaniya ang kaniyang pamangkin at hindi naman nito magawang tanggihan.  Naglibot sila sa parke na tila ba walang problemang dinadamdam.

Kahit papano ay naging maligaya at maganda na ang kalooban ni David dahil sa kaunting araw at oras na lamang ang kaniyang gugulin upang, sila'y makabalik na sa dati.  Sa oras na maayos na nito ang mga dokumento patungkol sa legal na pag-aampon o pagpupunta sa kanilang puder si Ligaya, ay magiging magaan na ang lahat.

Pinagninilayan din ni David kung ano ang nararapat nitong gawin kay  Jacinto, bagaman siya ang umalalay kay Solana ng limang taon ay hindi iyon sapat upang bahiran ng kasinungalingan at kalapastanganan ang katauhan ni Solana.

Sinisigaw ng damdamin ni David na nararapat lamang na makulong si Jacinto o dili kaya'y hatulan ito ng kamatayan. Subalit batid nito sa kaniyang sarili na hindi papabor sa kaniya ang kaniyang kapatid, lalo na kung sakali si Ligaya.  Dahil wasto ang mga tinuran  ni Jacinto, siya pa rin ang kinikilalang ama ni Ligaya.

Hindi maitatanggi ni David ang katotohanang iyon, ngunit sa oras na hinog na ang pag-iisip ni Ligaya ay saka nito ipagtatapat ang lahat.

"Tiyo David, maaari ho bang magtungo ako kay  Manang Luz, doon ho muna ako sa kanila" pakiusap sa kaniya ni Ligaya at bahagyang ipinikit ng dalawang beses ang kaniyang mata. Halos mapangiti nang matamis si David dahil sa naalala nito ang kaniyang kapatid na si Solana, dahil tuwiran  niya itong ginagawa sa tuwing siya'y may nais.

Kuhang-kuha  ni Ligaya ang halos buong mukha ng kaniyang ina samantalang kaunti lamang ang pagkakahawig nito kay Jacinto.

"Walang problema tayo'y magtutungo roon, ngunit ikaw ay manatili lamang doon at kung nais mo nang umuwi ay magpahatid ka na lamang kay Manang Luz" saad  ni David.

Napatango si Ligaya at ngumiti nang matamis, tila nakalilimutan nito panandalian ang kalagayan ng kaniyang amang si Jacinto. Ngunit hindi mawala sa isipan ni Ligaya ang mga naging kaganapan kagabi lalo na nang siya'y pag-agawan ng kaniyang ama't ina.  Nararamdaman  nitong tila may mali ngunit hindi niya batid kung ano iyon.

"Tiyo David pakisabi na lamang ho kay ina na huwag ho siyang mag-alala sa'kin, hindi po ako aalis nang wala siya at ikaw po" malambing na saad nito at humalik sa pisngi ni David.  Napangiti si David at hinalikan ito sa kaniyang noo.

"Masusunod, huwag ka ring malikot dito kina Manang Luz, maliwanag?" wika ni David. Tumango ito at ngumiti "Opo, tiyo David" dinampian muli ng isang matamis na halik ni David ang kaniyang pamangkin bago ito umalis.  Hinabilin niya na rin si Ligaya kay  Luz.

Tulad ng mga bilin sa kaniya ng kaniyang tiyo David ay naging tahimik ito sa silid na pansamantalang tinutuluyan ni Luz at ang kaniyang asawa. Subalit makikita kay  Ligaya na tila ba aligaga ito at may nais hilingin ngunit batid nitong sa oras na ginawa niya iyon maaaring magalit ang kaniyang Tiyo  David at ang kaniyang ina.

Ngunit mas nangibabaw ang nais nito kahit na ito'y mali. "Manang Luz maaari ho ba tayong magtungo kay ama, nais ko lamang ho siyang kausapin.." pakiusap nito kay Luz. Napabuntong hininga ito, habang nakatingin kay Ligaya.

"Hindi maaari, magagalit ang iyong tiyo David  Dito na lamang tayo nais mo ba ng pagkain? ikaw ay aking ipagluluto" giit nito. Napailing si Ligaya at pilit nitong hinihila ang baro ni Luz. Madalas niya ring nakakasama at nakakausap si Luz kaya't batid nitong pagbibigyan niya ang nais nito.

"Kauusapin ko lamang po si ama.." wika ni Ligaya. "Hindi maaari Ligaya tiyak na kapwa tayo pagagalitan ng iyong ina at tiyo David" tugon ni Luz. Hangga't maari'y nais nitong panghawakan ang bilin sa kaniya ni David.

"Paumanhin Ligaya nguni hindi—"

Napatigil ito sa pagsasalita nang bigla na lamang tumangis si  Ligaya,  naaawa ito para sa kondisyon ng bata, dahil naiipit ito sa gulo. Kahit na kampi ito kina David ngunit hindi naman  nito maiwasang hindi mangulila kay Jacinto, dahil naging mabuti rin itong amo sa kanila. Mas lalong napalakas ang hikbi ni Ligaya na pawi'y kulang ito sa pansin.

Iisa lamang ang nababatid ni Luz kung paano ito mapapatahan, kaya'y binuhat niya ito at nagtungo sa labas ng bahay-panuluyan.  Kahit labag ito sa kaniyang kalooban ay pinilit niya iyong labanan.

Sumakay sila sa isang karwahe patungo sa dati nilang tahanan, tumahan na si Ligaya mula sa pagkakaiyak nang makita nito ang pamilyar na daan patungo sa kanila.

Agad na bumaba si Ligaya at nagtungo sa loob ng kanilang mansyon nang sila'y makarating, nadatnan nito ang kaniyang ama'ng nakaupo sa kanilang upuan sa sala habang nililinisan ni Sally ang sugat nito. Ang mga sugat na iyon ay tinamo ni Jacinto mula sa mabibigat na suntok ni David.

Nagtungo ito sa kaniyang ama at niyakap ito nang mahigpit, halos mapaluha si Jacinto dahil sa ginawang pagyakap sa kaniya ng kaniyang anak.  Tila natupad ang hinihiling  nitong makita at mahagkan muli si Ligaya.

Halos buo na ang desisyong napagplanuhan nila ng kaniyang Ate Leonora, tutungo sila sa Paris at balak nilang dukutin si Ligaya sa kanilang puder. Ngunit tila hindi na sila mahihirapan pang dukutin si Ligaya dahil nagtungo na ito mismo sa kanilang tahanan.

Sa isip-isip ni Jacinto na kung sakaling wala man si Solana sa kaniyang tabi ay gagawin nito ang lahat upang makuha ang anak ng mga ito.

Sumapit ang tanghali nang alukin ni Sally si Luz ng isang tsaa, lingid sa kaalaman ni Sally ay maaaring isang hadlang si Luz sa kanilang mga plano, kaya't pinatakan nito ng isang gamot ng pangpatulog ang inumin nito upang maisakatuparan nilang makuha si Ligaya.

Dahil sa mapang-akit na aroma ng tsaang inilahad sa kaniya ni Sally ay hindi ito nagdalawang isip na inumin ito, kaunti pa lamang ang naiinom nito nang biglang manlabo at mandilim ang kaniyang paningin, hanggang sa ito'y makatulog.

Sinamantala nila ang mga nalalabing oras upang sila'y makapag-empake at makapaghanda ng kanilang dadalhin, malapit na magdapit hapon nang magyayang umuwi si Ligaya kay Luz dahil sa baka nangangamba na ang tiyo at ina nito.  Ngunit kahit anong gawin nitong pagsagi kay Luz ay hindi nito magawang magising dahilan upang kabahan at mapaluha si Ligaya.

"Ligaya halika na" saad ni Jacinto at pilit na hinihila ang kaniyang anak. "Magpapaalam ho muna ako kay ina at kay tiyo David" saad ni Ligaya sa gitna ng kaniyang paghikbi dahil sa hindi magawang magising ni Luz.

Hindi nagpatinag si Jacinto kaya't pilit nitong hinila si  Ligaya, mauubos na ang kanilang oras dahil mamayang alas-otso ang alis ng barko. "Ligaya halikana, napaalam na kita sa iyong ina" wika muli ni Jacinto, napailing si Ligaya.  "Nais ko ho munang hagkan si ina.." saad nito, halos mapapikit sa yamot si Leonora dahil sa nangyayari.

Mauubos na ang kanilang oras kung patuloy silang makikipagtalastasan kay Ligaya. Mabibigat na hakbang ang ginawa nito patungo kay Ligaya at sapilitan  nitong hinawakan ang kaniyang kamay.  Halos mapadaing sa sakit si Ligaya dahil sa higpit nang pagkakakapit nito.

"Huwag mong sayangin ang panahon Ligaya, sumama ka na lamang sa'min!" halos mapaatras si Sally dahil sa lakas ng sigaw ni Leonora, samantalang halos mapalakas ang hikbi ni Ligaya dahil sa mabangis na iginawad ng kaniyang tiya Leonora.

Tila hindi niya nakilala ang kaniyang tiya  dahil sa nanlilisik na mga mata nito. Sapilitan siyang binuhat ni Jacinto patungo sa kanilang karwahe, halos maubos ang luha ni Ligaya kakaiyak dahil sa mga inasta ng kaniyang itinuturing na pamilya.

Pilit nitong isinisigaw ang pangalan ni Luz gayun na rin ang kaniyang ina at ni David, patuloy ang pagsigaw nito na tila ba humihiling ng kasagutan na siya'y mailigtas.

Naalimpungatan si  Luz dahil sa narinig  nitong sigaw at hikbi. Halos mawindang ito sa katahimikan ng mansyon, unang pumasok sa kaniyang isipan ay si  Ligaya ang huli nitong naaalala ay inabutan siya ng tsaa  ni Sally at bigla na lamang nanlabo ang kaniyang mga mata.

Agad itong lumabas sa mansyon at halos maiyak ito dahil sa dilim ng buong kapaligiran, halos magsitaasan ang kaniyang balahibo nang makita nito ang karwaheng sinasakyan ni Jacinto. 

"Ligaya!.." halos umagos ang luha sa kaniyang mga mata dahil batid  nitong hindi nito kayang habulin ang bilis ng isang karwahe.

Hapong-hapo itong napatigil sa gitna ng daan, at hindi malaman kung ano ang gagawin, halos ikamuhi niya ang kaniyang sarili sapagkat pinagkatiwalaan siya nang lubos ni David ngunit humantong sa ganito ang lahat.

Napaluhod ito sa lupa habang hindi mapigilan ang kaniyang pagluha, nabasa ng kaniyang luha ang isang papel na nakalapat sa sahig. Kahit hindi batid ni Luz kung ano ang bagay na iyon ay ito ay kaniyang pinulot. Halos mabuhayan ito ng loob nang makita nito ang tiket ni Jacinto sa barko patungo ng Paris. Agad na pumasok sa kaniyang isipan ang imahe ni  David na siyang makakatulong upang mailigtas si Ligaya.



Hindi ko batid kung gaano ako katagal na nakayakap sa aking sarili, matapos kong malaman ang lahat mula sa sinalaysay ni Manang Luz ay tila bigla akong nawalan ng tiwala kay Jacinto. Hindi ko akalaing bibiguin ako nito sa muling pagkakataon.

Ang sakit para sa aking damdamin na malaman ang lahat ng iyon, ang sakit sa parte ng aking pagiging ina dahil hindi ko man lamang magawang iligtas ang aking anak. Galit ako kay Jacinto dahil tila hindi pa ito nakuntento na ako'y kaniyang ikamuhi at pagtakpan ng kasinungalingan at kataksilan.

Sila'y aalis kasama si Sally at si ate Leonora kung gano'y tila pinapahiwatig ni Jacinto na si Sally ay kaniyang minahal, si Sally ang kaniyang pinipili. Ngunit dapat ay maging patas ito, binigyang pahintulot ko ito na angkinin nito si Sally dahil batid kong sa kaniya siya masaya, ngunit pati ang aking kaligayahan ay aangkinin niya.

Napabalik ako sa ulirat nang lumabas sa kaniyang silid si Lazaro. Napapatitig ako sa kaniya, suot nito ang itim na kapa at sombrero. Malalim na ang gabi at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang ipikit ang aking mga mata. Tila gising ang aking buong diwa dahil sa pangamba.

Tumingin sa akin si Lazaro at bahagyang iniyuko ang kaniyang ulo. Napatayo ako at nagtungo sa kaniyang harapan. "Saan ka tutungo Lazaro?" halos bulong kong saad. Hinawakan nito ang aking pisngi bago tumugon. "Susundan ko si David dahil ako'y nangangamba kung bakit wala pa rin ito" tugon nito.

"Sasama ako, Lazaro, ibig kong sumama..." saad ko at akmang ako'y tutungo sa aming silid nang pigilan ako nito. "Solana...hindi na kailangan, ako'y mas mapapanatag kapag narito ka" wika nito at ngumiti nang tipid. Napailing ako habang patuloy ang pagdaloy ng aking luha.

"Lazaro.... pakiusap" nagmamakaawa kong saad. Umiling ito at muling pinawi ang aking luha. Hanggat maaari'y nais kong sumama  sapagkat ibig ko ring masaksihan ang mapait naming pinagdadaanan. Kahit malagay sa panganib ang aking buhay ay ayos lamang sa'kin basta't aking maliligtas si Ligaya.

"Lazaro..." muli kong saad sa gitna ng aking mga hikbi. Umiling ito at pinawi ang aking luha. "Huwag na, pangako babalik kami kasama si Ligaya" wika nito at hinalikan ang aking noo. Pilit kong iniiling ang aking ulo hanggang sa ito'y nagtungo sa pintuan.

"Lazaro.." saad kong muli habang ito'y aking sinusundan. "Lazaro, ipangako mo sa'kin na ikaw at si Kuya David at si Ligaya, ay babalik muli sa aking piling" mapait na saad ko at tumingin sa kaniyang mga mata.

Wala akong kasiguraduhan kung sila'y makakauwi ng ligtas ngunit kahit na ako'y hindi sigurado pinipilit ko pa ring alisin ang mga negatibo.

"Pangako.." muli nitong saad at dinampian ng kaybilis ang aking labi. Tumitig ito sa aking mga mata bago ito lumabas sa pinto, halos pinakawalan ko muli ang aking luha dahil sa lumbay at pangamba. Ang totoo'y natatakot ako, natatakot ako na baka isa sa kanila ay hindi na makabalik. 

Nais kong magsimula nang panibagong buhay muli at iyon ay ang kasama sila, at wala na akong hihilingin pa.



"SEÑORA,  ikaw ay magpahinga kahit panandalian lamang.." malumanay na wika ni Manang Luz sa'kin, halos isang oras na ang nakalipas simula nang umalis si Lazaro, halos isang oras na rin akong nakaupo at nakatingin sa harap ng pintuan umaasa na maya-maya ay may kakatok dito. Tumungo sa'kin kanina si Manang Luz nang mapag-alaman nitong wala akong kasama rito. Kahit na gano'y malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kaniya dahil nais ako nitong damayan.

Umiling ako at ngumiti nang mapait kay Manang Luz. "Hindi ho ako magpapahinga, nais ko pang hintayin ang kanilang pagbabalik" walang buhay kong saad. Ala-una na nang madaling araw, kahit pa dinadalaw na ako ng antok ay pilit ko itong nilabanan.

Pinanghahawakan ko ang kanilang pangako. Hindi ko batid kung ilang tasa ng kape na rin ang aking nainom upang kahit papano'y may karamay akong naghihintay sa kanilang pagbabalik.

"Solana hindi iyan makabubuti sa iyong kalagayan, ikaw ay magpahinga at ako na ang bahalang gumising saiyo mayamaya" wika nito at hinaplos ang aking balikat. Umiling ako habang nanatili pa ring nakatingin sa pinto.

"Nararamdaman ko ang pangamba at lumbay na iyong nararamdaman, ngunit batid kong sila'y ligtas na makakauwi rito, magiging sapat na ang dasal na iyong iginawad kanina upang pandagdag ng kanilang seguridad" patuloy nito.

Halos hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong humingi ng patnubay sa Diyos. Sa panahon ngayon siya lamang ang aking mahihingan ng tulong pagdating sa paggabay, dahil batid kong hindi nito ako bibiguin. At kung ako ma'y sakaling mabigo siya'y may rason.

Nanatili lamang akong tulala at nakatingin sa pintuan, tila wala akong kasama kundi ako lamang. Kahit pa abutin ako ng pagsikat ng araw rito ay ayos lamang, saka lamang ako magiging panatag hanggat sila'y naririto na.

Tumayo ako sa malambot na upuan at nadatnan ko si Manang Luz na kasalukuyang nakahiga. Alas-dos na ng madaling araw sinabihan ko ito na mas kailangan  nito ng pahinga kumpara sa akin.

Itinaas ko ang kumot sa kaniyang dibdib dahil malamig ang simoy ng hangin tuwing sasapit ang madaling araw.  Nagtungo ako sa kusina upang magtimpla muli ng panibagong kape, nais ko muling hingin ang tulong nito upang mapagtagumpayan kong sila'y mahintay.

Ibinababa ko ang maliit na tasa at halos mapaigtad ako nang mahulog ito sa sahig dahilan upang ito'y mabasag. Napahinga ako nang malalim at pinulot iyon, siguro'y dulot ito ng aking kapaguran kaya't nagawa itong mawaglit sa aking kamay.

Akmang ito'y akin nang pupulutin nang makarinig ako ng katok sa pinto. Agad akong napatayo at sumibol ang kaba sa aking dibdib. Dali-dali akong nagtungo sa pinto at hindi ako nagdalawang isip na buksan iyon.

"Ina.." halos bumuhos ang aking luha nang bumungad sa akin si Ligaya at si Kuya David, hapong-hapo ang mga mata ni Kuya David at nababakas rin ang madumi nitong kasuotan. Tila naubos ang eneherya ni Kuya David habang buhat-buhat nito si Ligaya.

Agad kong kinuha sa kaniya si Ligaya at niyakap ito nang mahigpit. "Ina..." wika muli nito at naramdaman ko ang kaniyang paghikbi na animo'y lubusan itong natatakot. Hinaplos ko ang likod nito at humalik sa kaniyang noo.

"Narito na si Ina.. anak.." wika ko sa gitna ng aking mga hikbi, sandali kong ibinigay si Ligaya kay Manang Luz na naalimpungatan dahil sa mga katok.

Humarap ako kay Kuya David at walang nagbago sa kaniyang ekspresiyon, naroon pa rin ang lumbay at pagod na nanunuot sa kaniya. Niyakap ko ito nang mahigpit at ibinuhos ang aking luha sa kaniya. Halos lumigaya ang aking puso sapagkat nagawang iligtas nito si Ligaya.

Humiwalay ako sa kaniyang yakap at tumititig ako sa kaniyang mga mata. "Kuya David....si  L-lazaro?" tanong ko habang pinipigilan ang pagbabadya muli ng aking luha.

Nanatili lamang itong nakatingin sa'kin at hindi inabala ang kaniyang sarili na tumugon. Napatingin ako sa kaniyang likuran, umaasang masusumpungan ko roon si Lazaro, subalit wala ang presensiya nito.

Sumibol ang kaba sa aking dibdib at muling pumatak ang aking luha. "K-kuya David, si  Lazaro?" ulit kong tanong habang hindi na mapigilan  ang pag-agos ng aking luha. Hindi maaaring magkatotoo ang aking iniisip, hindi maaari.

Pinanghahawakan ko ang iyong mga pangakong tinuran sa akin Lazaro, at umaasa ako na hindi mo ako bibiguin.

"Kuya David, nasaan si  Lazaro?" halos mapaos ang aking tinig dahil sa aking iyak. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang biglang pumatak ang kanina pa nitong nagbabadyang luha. Dahan-dahan itong napailing at ako'y kaniyang niyakap nang mahigpit.

Halos balutin ng sakit at lumbay ang aking puso, tila hindi ko maproseso sa aking isipan ang lahat.


"W-wala na si  L-lazaro"



--------------------------------
TulangWalangTugma

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 424 12
[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
1.7M 47.3K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
4.8M 191K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...