Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

742K 28.3K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 19

10.4K 421 137
By LadyAva16


Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy ako dahil start na ang pasukan namin at si Gaston naman ay ganun din sa planta. Kailangan niyang magdoble kayod dahil silang dalawa lang ni Kuya Gustavo ang namamahala sa lahat ng mga negosyo nila.

Pansamantala kaming nakatira sa mansion nila habang pina-finalize pa ang plano sa magiging bahay namin. Nakausap ko na ang mga arkitektong sinasabi niyang kilala niya. Sina Architect Villegas at Architect Valderama at ang asawa niya si Engineer Sapphira. 

Nung last meeting namin, tinanong nila ako kung ano ang mga gusto kong ipadagdag sa design nila. Actually wala na akong maidadagdag pa. Kahit nga maliit na bahay basta matatawag ko lang na amin ni Gaston ayos na ako doon. Para sa akin iba ang feeling kapag may sarili kaming tahanan ng asawa ko.

Wala naman akong ibang masabi dito sa mansion nila. Hindi naman masungit sa akin ang mama ni Gaston pero hindi ko rin masasabing okay kami. Hindi niya ako kinakausap pero hindi rin naman niya ako sinusungitan. Kapag nasa iisang lugar kami sa loob ng mansion nila para lang akong hangin na hindi niya nakikita.

Minsan nakikita ko siyang ka-video call si Annika. Nagtatawanan silang dalawa. Madami silang napag-uusapan at ang saya nila tingnan. Epokrita ako kung sasabihin kong hindi ako nagseselos dahil sino ba ang hindi? Gusto ko rin sanang mapalapit sa kanya dahil ina siya ng asawa ko pero kahit anong gawin ko siya talaga ang umiiwas sa akin.

"Oh, you should visit me some time, Darling. I miss our girl bonding. Alam mo naman dito sa bahay puro lalaki ang mga kasama ko."

Ako po senyora pwede po ako, masarap din ako ka-bonding. Kukuhanan ko kayo ng uban sa ulo at e-ma-masahe ko ang paa niyo. Yun sana ang gusto kong sabihin pero sinarili ko na lang. Alam ni senyora na malapit lang ako sa pwesto niya dahil nangunguha ako ng mga tuyong dahon na nahulog sa pool. 

"Gustavo is stressing me lately. He's always coming home late, always busy in the dairy farm. Sobrang nagbababad doon. Mas gusto pa atang kasama ang mga baka kesa sa amin."

Hindi po ang mga baka ang pinagkaka-abalahan ni Kuya, Senyora. Alam ko dahil nabanggit sa akin ng asawa ko. Pero hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino. 

"Gaston?" Bahagya akong natigilan pagkabanggit niya sa pangalan ng asawa ko. "He's fine, doing great. I think he's not mad anymore. You know him more that anyone else. Mabait yung anak ko, kaya minsan naabuso." She said the last word like she really meant it. 

Naabuso ko ba ang kabaitan ng asawa ko kaya nasabi iyon ng mama niya? Tatanungin ko ba siya mamaya? Pero kung tatanungin ko baka magalit ito sa mama niya at yun ang ayaw kong mangyari. 

"What makes you busy nowadays? Bakit hindi mo ako bisitahin dito?"

Naglakad ako malapit sa pwesto ni senyora, hindi dahil gusto kong makinig pero yun na lang ang parte ng pool ang hindi ko pa nalilinisan. 

"Investigating?" medyo napalakas ang boses niya doon. " Are you working with the police this time?" bahagya pa itong tumawa. " Why it would surprise me?" she said something but I didn't hear it cause she lowered her voice.

"Oh? Really? I will wait for that, Darling. Anyway, send my regards to your Mom and thank you for the bag. It's so lovely, I love it."

Hindi ko na hinintay pa na matapos ang usapan nila. Iniwan ko na siya at pumasok na akong kusina. Magluluto ako ng turon na saging ngayon na pang amanpulo ang sarap pero sa murang halaga. Yun daw ang paborito ni senyora at syempre ng asawa ko. 

"Tulungan na kita Camilla. Baka tumalsik yang mantika sa kamy mo mapapagalitan kami ng asawa mo." Siya si Nana Mariana, mayordoma ng mga Sandoval. Siya ang palagi kong kasama sa kusina. Siya din ang nagtuturo sa aking magluto ng mga paboritong pagkain ng asawa ko na hindi ko alam lutuin noon. 

"Kayang-kaya ko na po ito, Nana. Sanay akong magluto nitong turon, ito ang madalas naming meryenda ni Lolo. Pakidalhan na lang po mamaya si senyora baka po gusto niya."

"Mabuti naisipan mong magluto nito, isa ito sa paboritong meryenda ni Senyora Elizabeth."

Tipd lang akong ngumiti sa kanya dahil ito naman palagi niyang sinasabi sa akin. Pero ang totoo wala naman sa mga niluto ko ang nagustuhan ng senyora. 

Ilang beses akong naghanda ng meryenda at binigay sa kanya pero ni minsan hindi niya ito kinain. Kapag nagluluto naman ako ng ulam, hindi ko siya nakitang tumikim kahit respeto man lang. Para bang lahat ng mga niluluto ko ay may lason na ayaw niyang tikman.

Nasasaktan ako pero wala naman akong magawa. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili kong magustuhan niya. Lalo't narararamdaman kong ayaw niya talaga sa akin para kay Gaston. Hanggang ngayon senyora Elizabeth pa rin ang tawag ko sa kanya dahil si Papá Gideon lang naman ang nagsabi sa aking tawagin ko siyang Papá.

"Oh turon, my favorite. Mabuti naman at naisipan mong magluto nito ngayon, Mariana. I've been craving for this. I miss eating turon, the last time I ate it, was when we went to Amanpulo."

For the first time mukhang kakain si senyora sa niluto ko. Nagtago ako sa likod ng pintuan sa kusina para tingnan kong tatanggapin niya ang turon na ginawa ko para sa kanya. 

"How did you learn this style, Mariana. Mukhang iba ang pagkakaluto mo ng turon ngayon ah." tanong ni senyora. Mat nakatusok ng turon sa tinidor niya at isusubo niya na sana ito kung hiindi lang naging honest si Nana.

"Ay senyora hindi po ako ang nagluto niyan, si Camilla. Ang galing na bata, madaming alam lutuin." doon palang alam ko na.

Parang nabasag ang puso ko ng makita kong bigla niyang binaba ang tinidor na hawak niya. Nakangiti pa rin itong nakatingin kay Nana pero marahn niyang tinulak ang platito palayo sa kanya. 

"Please take it, Mariana."

"Ayaw niyo po, Senyora? Diba paborito mo to?" naguguluhang tanong ni Nana.

"Just now I remember, Mariana, I'm allergic to banana. The last time I ate it, I ended in the hospital. Buti nalang naalala ko. I'm sorry."

Hilaw akong ngumiti at umalis sa kinukublian ko. I know she's just making reasons kasi alam niyang ako ang nagluto. Nakita ko kung gaano siya ka-excited kumain kanina pero nung nalaman niya biglang nagka-allergic siya. Pero sige lang,ayos lang. Hindi ko naman sya mapipilit na magustuhan ang mga niluluto ko. Kaya ko 'to...para kay Gaston kakayanin ko. 

Nagpatuloy ang ganung senaryo namin sa bahay nila pero ni minsan hindi ako nagsumbong sa asawa ko. Hindi lang sa pagkain pati sa mga gawaing bahay. Kahit asawa na ako ni Gaston tumutulong ako dito sa mansion, lalo na kapag wala na siya at nasa planta na.

"Manang tell...the maid to change all the beddings."

I stopped reading my books when I heard what senyora said. I'm not looking at her but I can feel her stares as she emphasized the word maid. "I don't like the color and quality of cloth that you used. So cheap, nagmumukhang basura itong bahay ko." she added. 

Parang  binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni senyora. Ako kasi ang naglagay nung mga bedsheet na sinasabi niyang cheap. Si Nana ang nagsabi sa akin na doon ako kumuha sa mga lagayan ng beddings nila. Pero ang mga bedsheets na ginagamit ko ay parehas lang naman sa mga ginagamit nila at wala din itong ibang kulay kundi puti lang naman. 

"Opo senyora. Ako na pong bahala magsabi sa mga kasama ko." magalang na sagot ni Manang sa kanya. Tumingin ako sa kanila at nahihiyang tumayo. Nagpang-abot ang tingin namin ni Nana at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong nasasaktan si Manang para sa akin. Hindi niya man sabihin dama ko yun. 

"Make sure that the maid will finish it before noon. I want everything done in my house properly...my way. Sabihin mo sa kanilang wag umupo at tumunganga. Ayoko sa mga tamad at pabigat. Kung hindi nila gustong magtrabaho dito mas mabuti pang lumayas na lang sila. My house is not for charity. Kung gusto nila ng ganun doon sila lumapit sa foundation."

Hindi ko alam kung ang maid paba ang tinutukoy ni Senyora dahil lahat naman ng mga kasambahay nila ay maayos na nagtatrabaho. 

"I hate lazy people in my house." mariin niyang sabi bago tumalikod. 

Nahihiya akong lumapit kay Nana. Bitbit ang mga librong binabasa ko dahil may exam kami. Dito ako nag-aaral sa sala ngayon dahil nung doon ako sa room namin ni Gaston maraming parinig ang senyora. Sinabihan niya pa si Manang na wag akong dalhan ng meryenda at wag akong tawagin kung kainan na. Hindi naman ako nagpapasilbi sa kanila kusa naman akong nagtatrabaho dito sa mansyon. Minsan nga mas inuuna ko pa ang mga gawaing bahay kesa sa mga assignments ko. 

Every passing day naging worst ang treatment ng senyora sa akin. Kung dati cold treatment lang ngayon may halong parinig na. Pero lahat ng yun tiniis ko. Lahat ng yun kinimkim ko. Wala akong sinasabi kay Gaston. Ayokong dagdagan ang pagod niya sa buong maghapong pag-aasikaso sa planta, sa farm at sa iba pa nilang negosyo sa loob at labas ng bansa. 

Mabuti na lang at mabait ang tatlong lalaki sa akin dito sa mansion. Si Papá Gideon magiliw sa akin. Siya ang palagi kong kausap. Ako ang nagmo-monitor sa bp at sugar niya. Lahat ng mga natutunan ko sa paaralan sa kanya ko ina-apply. Nakalagay din sa phone ko ang schedule ng mga maintainance niya at araw-arwa kong pina-follow up yun. Feeling nurse ako kay Papa Gideon.

Siya din ang nag-encourage sa akin na ipagpatuloy ko ang pangarap kong maging doktor. Sobrang bait ni papa, parang tunay na anak talaga ang turing niya sa akin.

"Ang strict mo naman nak, ang daming bawal." minsan reklamo ni Papá sa akin. 

"Ganun talaga, Papá. Ang lakas niyo po kasing uminom tsaka ang hilig niyopa sa mga maaalat na pagkain. Kapag hindi kayo nakinig sa akin, baka sa susunod na araw aatakehin na naman kayo ng rayuma mo. Tsaka ang highblood, ang sugar, ang uric--" pero mabilis niyaa kong pinutol at pinaupo sa tabi niya.

"Ang sungit naman nitong doktora ko. Sobrang higpit naman sa Papá niya.  Wala ba akong cheatday? Sa ibang doktor nalang kaya ako magpapakonsulta?"

"Paaaapa, alam mo namang para sayo tong ginagawa ko diba? Ayaw mo bang inaalagaan ka ng doktora mo?" 

Marahan niyang hinaplos ang ulo ko at malambing itong nakangiti sa akin. Kung gaano kasungit ang senyora sa akin, kabaliktaran si Papá Gideon. From the start, he treated me as his own daughter. Hindi ko naramdamanan iba ako sa kanila. Sa sobrang bait niya sa akin minsan napapaisip ako sa tatay ko. 

Saan kaya sila ngayon. Ano kayang nangyari bakit di nila ako hinanap? Ni minsan ba hindi sumagi sa isip nila na buhay pa ako?

"Sige na nga, susundin ko na itong doktora ko para di na ito ma-stress sa akin."

"Good job, Papá. " nakangiti kong sabi sa kanya. "At dahil dyan, iluluto kita mamaya ng paborito mong ..."

"Ginataang tilapya?" kumislap ang mga mata niya na parang sobrang espesyal nung tilapyang lulutuin ko. 

"Yes, Papa. Ginataang tilapya for my favorite patient, Senyor Gideon Sandoval and for my hardworking husband..."

"How about me?" ang baritonong boses ni Kuya ang sabay na nagpalingon sa amin ni Papá. "Why didn't I hear my name, Camilla? Are you having favorites here?"

"Syempre kasama ang paborito kong Kuya." nakangiti kong sagot sa kanya. Hindi na ito masyadong bugnutin nitong mga nakaraang araw. "Ikaw pa ba makakalimutan ko e nung last time na nagluto ako pinagtabi na kita bago ka pa maubusan ni Papá at ni Gaston."

Minsan lang ako nagluluto ng tilapya dahil ayaw ni senyora na mangamoy ang kusina niya. Kapag nagluluto ako doon sa dirty kitchen sa likuran,  kasi nalalangsahan siya sa amoy ng isda. Kaya kapag nagluluto ako ng specialty kong ginataang tilapya nag-aagawan si Papá, si Kuya Gustavo ang asawa ko. At kung gaano sila ka-excited ganun na man ka bad mood si senyora. Kulang na lang hindi ito makikisabay sa pagkain. Napipilitan lang dahil sa asawa niya. 

"Bolera ka na ngayon ah." natatawang ginulo ni Kuya ang buhok ko. 

"Hindi kita binobola Kuya ah. Ang lakas mo kaya sa akin."    

It's true. Kahit minsan lang kami nagkakausap dama ko ang pagmamahal niya sa akin bilang kapatid. Gaya ni Papá hindi ko kailanman naramdamn na iba ako sa kanila. 

Mabuti nga at maaga itong nakauwi ngayon. Alam kong busy sila ngayon sa dairy farm dahil may mga bagong breed ng baka na dumating galing sa ibang bansa.

And despite his busy schedule he never failed to check on me. Hindi man ganun kahaba ang napag-uusapan namin pero masasabi kong sapat na ito para masabi kong welcome ako sa buhay ng mga Sandoval.

Pagdating naman sa Lolo Ignacio ko, hindi na ako masyadong nalulungkot. Kapag wala akong pasok at busy si Gaston sa planta doon ako dumidiritso sa bahay ni Lolo. Noong una nagulat pa ako ng may ibang tao akong nadatnan.

Pero, hindi pala ibang tao kundi ang bagong pag-ibig ni Lolo, si Aling Linda. Noong una napapansin kong napapadalas ang pagbisita niya sa bahay ni Lolo hanggang isang araw nagsabi sa akin ang Lolo ko na doon na si Aling Edna titira sa amin.

Sino ako para tumutol sa kaligayahan ni Lolo? Mas mabuti ngang doon si Aling Linda sa amin para may kasama si Lolo at hindi ito malulungkot. Hindi man sabihin sa akin ni Lolo dama ko ang lungkot niya nung umalis ako sa bahay niya. 

Si Amor kahit hindi na kami magkapitbahay, araw-araw pa rin kaming nagkikita. She is still my closest friend. Siya din ang una kong sinabihan na kinasal na ako kay Gaston. Akala ko pa magugulat siya pero sabi niya sa akin, expected niya na daw yun.

Nagkagulo pala nung gabing may party sa hacienda. Nung nakita ako ni Gaston na tumakbo palabas, galit daw itong tinulak si Annika. Kung hindi pa nasalo ni Kuya Gustavo baka daw nahulog ito sa stage. Grabeng iyak daw ni Annika nung gabing yun dahil napahiya sa ginawa ni Gaston.

"Mabuti nga sa kanyang assumera siya. Ang sama ng ugali, hindi bumagay sa maamo niyang mukha. Ang lakas ng loob niyang mag-announce ng engagement nila ni senyorito na hindi man lang na-inform ang isa. Juskoday! Di man lang natubuan ng hiya. Sino siya sa akala niya?" 

Hindi pa rin nakaka-move on si Amor, sa tuwing napupunta kay Annika ang usapan ito ang paulit-ulit niyang sinabi sa akin. Nanggigil daw siya sa kaartehan ni Annika. Ako din naman, ganun din ang nararamdaman ko. Lalo pa at sobrang close sila ni Senyora, mas mukhang si Annika pa ang manugang niya kesa sa akin.

"Kung ako sayo wag kang kumpyansa sa bruhang yun at kay maderlo. Baka kung anong investigation ang sinasabi nung babaeng yun. For sure may binabalak yun. Ang mukhang yun alam, mapalinlang. Nagbabait-baitan lang yun pero nasa loob ang kulo. Kaya ikaw Camilla mag-ingat ka. Guard your husband, madaming ahas na pakalat kalat sa paligid."

"Sige na, mauna na ako sayo. Nagtext na si Jepoy may ipapa-photo copy pa kami. Sa kanya na rin ako sasakay pauwi."

"Bye, Amor. Salamat sa lahat."

Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Sabay kaming natigilan ni Amor.

"Anong pinagsasabi mo, Camilla? Wag ka ngang magpasalamat dyan para kang others!" mahina niyang hinampas ang puwit ko. "Gaga ka, wag kang magsalita ng ganyan, para kangnagpapalaaam. Sige na bye na! Aawayin na naman ako ni Jepoy dahil ang tagal ko."

Tungkol naman sa ginawa ni Jepoy sa akin nanatili itong sekreto naming dalawa. Wala akong  ibang sinabihan. Kahit kay Gaston, hindi ko binanggit dahil alam kong hindi niya ito palalampasin.

 Pinili kong tumahimik hindi dahil natatakot ako kundi mas pinipili ko ang pagkakaibigan namin ni Jepoy. Humingi siya ng tawad sa akin at handa siyang magpakulong pero ako na ang nagsabing pinapatawad ko na siya.

Oo nasaktan ako sa ginawa niya sa akin pero pinili kong unawain siya. Alam kong kapag nagsumbong ako, para ko na ring pinagkaitan si Jepoy na magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya. Marami ang mawawala sa kanya pati sa pamilya nila. Masakit man pero iniisip ko nalang ang pamilya ni Jepoy, ang mga magulang at kapatid niyang umaasa sa kanya.

"Ahm, excuse me Miss. Have you seen, My Star?"

My eyes lit up as soon as I heard my husbands voice behind me. Hindi ko mang lang napansin na dumating na pala siya. 

"Dada!"  Mabilis kong tiniklop ang librong binabasa ko para tumayo at salubungin siya. " How's your day? I miss you."  I welcomed my husband with a tight hug and a quick peck on his lips. I know he's tired but he still managed to pick me.

"Hi Baby! How's your day? I'm sorry late na naman ako" malambing niyang sabi sa akin pero umiling ako. Hindi ako nagrereklamo dahil alam kung busy siya sa trabaho. Kanina pa ako naghihintay sa kanya dito sa bench malapit sa parking dito sa university kung saan niya ako madalas sinusundo. 

Kinuha niya ang bag  at libro ko mula sa akin at siya ang nagbitbit nito papunta sa sasakyan niya. May mangilan-ngilang studyanteng nakatingin sa amin ng asawa ko. Noong una, naiilang pa ako kapag sinusundo niya ako pero ngayon nakasanayan ko na rin. Walang nagtanong sa kanila kung anong relasyon ko kay Gaston pero alam ko nang madalas akong laman ng mga usapan nila. Hindi ko nalang pinapansin. 

 "How's my baby's school? Are you tired?" malambing niyang tanong sa akin pagkasakay namin sa sasakyan.  Ngumiti ako sa kanya saka umiling. I'm a bit tired. Madaming dapat aralin at paper works plus may ilang hours  kaming duty sa ospital as part of our course. 

"Ako dapat ang nagtatanong sayo niya, Dada? I know you're tired. Sabi ko naman sayo diba na magko-commute nalang ako pauwi para hindi ka na mapagod? Look at you, haggardo na ang beauty mo."

Marahan kong hinaplos ang mukha niya saka masuyong pinatakan ng halik ang mata, ang ilong at ang labi niya. "Thank you for taking care of me, Dada."  He stilled but still managed to smile. Hindi sanay ang asawa ko na ako ang nauunang maglambing sa kanya. Between us, siya ang mas malambing at mas clingy.

"I'm so tired, Baby. Dalawang makina ang nasira kanina kaya kailangan naming magmanual. May hinahabol kaming delivery kaya tumulong na ako sa mga tauhan. Ang tagal pa naayos nung technician ang machine."

I can feel the tiredness in his voice. Siniksik niya ang mukha sa leeg ko na parang doon ito nagre-recharge ng lakas. Hinayaan ko siyang magpahinga  sa balikat ko habang hinahaplos ko ang likod niya. 

"Sana di mo na lang ako sinundo, kaya ko namang umuwi Dada."

"No." halos pabulong lang ang pagkasabi niya noon. "I promised to take care of you and I'm keeping it."

"Of course you are, Dada. But if you are tired you can rest. Don't worry too much about me. I can managed myself." 

"Ayokong masanay kang wala ako, Camilla. Ayokong isipin mong ayos lang na wala ako sa tabi mo. Gusto ko araw-araw mong maramdaman ang presensya at pagmamahal ko sayo. I don't want my wife to be independent from me. I want you to depend on me if possible all the time but I know it's impossible. You want to grow and I can understand it but please, wag naman ganun ka bilis baby. Dahan-dahan lang, e-ready mo naman muna ako. You're growing too fast, Star. Not that fast, please?"

"Ginawa mo naman akong baby niyan, Dada. Anak mo ba ako? Tsaka anong sinasanay?"

Tumawa ako sa kanya. Para namang lalayo ako sa kanya. Bata lang kung maka-grow so fast. Isa pa saan ako pupunta? Wala naman akong ibang pupuntahan na hindi siya kasama. Skul at sa hacienda lang naman ang ruta ko sa araw-araw. Dramatic lang talaga tong asawa ko. 

"Ah basta. Kahit pagod ako susunduin pa rin kita. Alam mo namang nawawala ang pagod ko kapag nakikita kita diba?" muling lumambing ang boses ng asawa ko. Tumango ako saka yumakap sa kanya. Hinilig ko ang mukha sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at ang paghalik niya sa ulo ko.

How can I not love this man? When all he did is to love me. I don't want this to end. Please give me the strength to tell him about my past.

Oh God, please help me. 

"I may be tired but it's all worth it. I'm doing this for our future."

Nilapit niya ang mukha niya sa akin, sobrang lapit na para na akong maduduling. 

"I love you so much, Camilla. Hindi ako mapapagod na mahalin at alagaan ka."

How many times I've  longed to hear this words. How many times I wished that someday someone will tell this to me and now I am hearing it from my husband. How I wish he could still say all this words it after I tell him my past. How I wish we would stay like this.

"Salamat, Dada. Thank you for giving me everything."

He nodded and cupped my cheek. He planted a soft kiss on my lips. "Everything for you, Camilla."

I smiled. "Let me massage you later." I stared at his exquisite pair of blue eyes that I always love to see. 

A smile broke on his lips. That kind of smile that I've been missing lately because I'm too busy and tired with my hospital duty.

"Are you up for my massage, Dada" I said seductively. He leaned closer closing our distance and before I could utter a word he was already claiming my lips.

"Both of us were tired Baby, but, I know a massage that will help both of us relax." 

_____________________________

09-02-2022

Continue Reading

You'll Also Like

987K 33.9K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
332K 6.9K 51
When Reonn Cretch's perfect family turned upside down after the tragedy that happened to her father. Every single truth from her family became lies...
266K 8.7K 54
Xenaiden Saavedra is extremely rich, brat, beautiful and popular at their prestigious university where their family is part owner of it. Mostly stude...
45.8K 760 16
Inspired by true life story SPG-13