Tulang Walang Tugma (Pahayaga...

By miss_reminisce

963 178 209

"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubo... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas
Pahayag ng May Akda
Official Soundtrack

Kabanata 34

19 2 0
By miss_reminisce

Kabanata 34

IBINABA ko ang liham at napahinga nang malalim. Kung pagninilayan ko ang liham ni Ate Leonora ay tila ba pinapagapang nito ang aming kapalaran ni Ligaya sa kaniyang kamay. 

Dahil sa kanilang ginagawa ay hindi ko maiwasang hindi maghinala. Tila may tinatago sila sa aking kakaiba, simula nang aking makilala sina Lazaro at David ay pilit na nila akong pinapalayo, aking napapansin na sa tuwing may mga taong nakakabatid sa akin ay kanilang hinahadlangan.

"Señora, ayos ka lamang ba?" napatingin ako kay Manang Luz nang inilipag nito ang ulam at kanin. Napangiti ako nang matamis at itinago ang liham. "Ayos lamang po ako Manang Luz, kumain na po ba si Ligaya at kayo ho?" tanong ko at umiwas ng tingin.

Ngumiti ito. "Huwag kang mag-alaala kami'y tapos nang kumain, o siya kumain kana riyan Señora at huwag mo ring kalilimutang uminom ng iyong gamot" wika nito.  Napangiti ako at tumango.

Sinimulan ko nang kumain habang iniisip kung paano ko hahalungkatin ang aking nakaraan. Malinaw na para sa akin na si Solana Delos Santos ay nagtatago sa pangalan na bilang Solana Aragones at iisa lamang ang aming katauhan.

Subalit hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat kabilang na ang nagpapatay sa aking mga magulang. Buhay pa ang aming magulang ni David, ibig sabihin ba ang mga sinabi lang sa'kin ni Jacinto ay isang istorya lamang na walang katotohanan?

Nais ko nang malaman ang lahat ng kasagutan. Nais ko nang malaman kung sino at ano ang tunay kong katauhan. Napahinga ako nang malalim at uminom ng isang basong tubig. Kailangan kong makausap sina Lazaro at David, nang masagot ang mga ibang katanungan sa'kin.

Kung kinakailangan na sumama kami sa kanila ni Ligaya ay aking gagawin ngunit batid ko na hindi kami papaboran  ni Jacinto dahil siya pa rin ay aking asawa.

"INA, maaari po ba akong sumama sainyo?" malambing na saad ni  Ligaya habang nakayakap ito sa aking baywang. Tila nababatid nito na ako'y may pupuntahan dahil sa presentable ang aking ayos.

Napagpasiyan ko na dumulog kina Lazaro at David dahil nais kong may magbigay kasagutan sa aking mga katanungan. Napaupo ako upang ito'y aking mapantayan. "Ligaya patawad ngunit manatili kana lamang dito sa ating tahanan. Ako'y babalik din agad" saad ko at ngumiti nang matamis.

Umiling ito at bumakas ang lumbay sa kaniyang mga mata. "Hindi ko ho nais ina, nais ko pong sumama sa inyo" saad nito. Napabuntong hininga ako at hinaplos ang buhok nito. "Ano ba ang nais mong bilhin ko saiyo nais mo ba ng ipit ibibili kita sa aking pag-uwi" saad ko at umaasa na mapapalitan ng saya ang nalulumbay nitong mga mata.

Sandali nitong itinaas ang kaniyang ulo sa taas na tila ba may iniisip ito. Ibinababa nito ang kaniyang ulo at tumingin muli sa akin. "Hindi po ba talaga ako maaaring sumama sainyo  ina?" saad nito.  Napangiti ako bago tumango. "Ako'y may mahalagang bagay na pupuntahan at pinapangako ko ako'y babalik saiyo kaagad aking anak. Ibibili kita ng paborito mong prutas sa pamilihan" wika ko.

Sandali itong natahimik bago dahan-dahang tumango. "Ina nais ko rin po na bilhan niyo ako ng ipit na may diseniyong mirasol" hiling  nito. Napangiti ako at pinisil nang bahagya ang kaniyang pisngi dahil sa ilang beses nitong inulit ang salitang disenyo.

Napatango ako. "Pinapangako iyan saiyo ni Ina" saad ko dahilan upang mapangiti ito nang matamis. Hinagkan ko ito nang mahigpit at hinalikan ang kaniyang noo. "Huwag matigas ang iyong ulo ha" paalala ko. Tumango ito at ngumiti nang matamis.

"Ina, maaari rin po ba kayong tumungo kay, kay Tiyo David, maaari po ba kayong magpasalamat sa kaniya sa pagsama niya po sa amin kahapon" wika nito dahilan upang mapatulala ako sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang araw na nagtungo sila ni Sally sa parke upang makapasyal. Ibig sabihin ay nakasalamuha niya roon si David.

Ngumiti ako at tumugon. "Maaari anak, ako nang bahala" wika ko dahilan upang ito'y ngumiti nang matamis at napatalon nang bahagya dahil sa saya. Sa mga mata pa lamang nito ay akin nang kitang-kita na malapit ang loob nito kay David.

Nang mga panahon na nagtungo sina Sally at Ligaya sa parke naroon din si David na tila malalim ang kaniyang iniisip. Nagliliparan ang mga agam-agam nito na animo'y isang malayang ibon na nagliliparan sa himpapawid.

Masakit para sa kaniyang damdamin na pagtabuyan siya ng kaniyang kapatid. Nang malaman nito kay Lazaro ang patungkol sa balat na mayroon siya, ang siyang nagpalapit sa kanila sa katotohanan. Nais niya nang mahagkan ang kaniyang kapatid na halos nawalay sa kanila ng limang taon.

Bilang na lamang ang mga araw na pananatili nila rito dahil kung magtatagal pa sila dito ay malabong makauwi na sila nang agaran. Wala silang sapat na salapi, ngunit sila'y gumagawa ng paraan upang mapalago ito, at ang mas ipinagtataka pa ni David ay ang pagkawala ng lupang nakapangalan kay Solana dito sa Ecija. Nang binalikan nila ang patungkol doon ay tanging ang lupain na lamang ni Samuel ang naroon, bagay na palaisipan sa kanila dahil sa ni minsan ay hindi nila ito ginalaw.

Nais niya na ring isama ang kaniyang kapatid sa pag-uwi sa Pilipinas upang maiparating din sa kaniyang mga magulang ang magandang balita, ngunit sa kagustuhan nitong maisakatuparan ang lahat ng iyon ay ang siya namang paghagupit muli sa kanila ng tadhana.  Hindi siya nais kausapin at harapin ng kaniyang kapatid.

Si Ligaya na anak nito na lamang ang tulay nito sa kaniyang kapatid. Noong una pa lamang ay malaki na ang hinala nito sa likod ng katauhan ni Ligaya. Kung paano pumintig ang puso nito'y kakaiba. At ang kaniyang kutob ay hindi nalalayo sa katotohanan dahil halos hindi niya lubos maisip na ang batang iyon ay may dugong Delos Santos din ang nanalantay sa kaniya.

"Ginoong David?" napabalik sa ulirat si David dahil sa tinig na narinig nito. Agad nitong hinanap ang tinig na iyon at bahagyang kuminang ang kaniyang mga mata dahil nakita nitong palapit sa kaniya si Ligaya.

Tumayo ito at sinalubong ng yakap ang kaniyang pamangkin. "Ginoong David ano hong ginagawa niyo rito" saad nito at humiwalay ng yakap sa kaniya. Para kay Ligaya, si David ay itinuturing nitong isang bayani dahil sa pagligtas nito sa kaniya.

Hindi niya batid sa kaniyang sarili kung bakit ang gaan ng loob nito rito at hindi niya ito nakikitaan ng anumang dungis ng kalapastanganan at kasuklaman. Nakikita ni Ligaya ang mabuting hangarin sa kaniya ng binata kaya't malambot ang loob nito sa kaniya.  Si David din ang pumupuna sa kalinga ng kaniyang amang si Jacinto na kasalukuyang wala sa kanilang piling.

"Bakit ka narito? ang iyong ina nasaan?" tanong ni David.  Ngumiti si Ligaya. "Naiwan ho si Ina sa aming tahanan kami lamang po ni ate Sally ang nagtungo rito" tugon nito. Ngumiti si David at hinaplos ang kaniyang buhok. "Nais mo bang magliwaliw, ikaw ay sasamahan ng iyong tiyo David" saad nito.

"Tiyo? ho?" takang tanong ni Ligaya dahil tila ngayon niya lamang narinig ang salitang iyon. "Tiyo David na lamang ang itawag mo sa akin dahil ako'y kapatid ng iyong ina" tugon ng binata at binigyan ito ng isang malapad na ngiti. Tumango ito at ngumiti nang malapad. "Sige po" masayang saad nito.

Nagliwaliw sila sa kahabaan ng parke. Sa mga panahong magkasama sila ni Ligaya ay sapat na para sa kaniya iyon dahil nakakasama nito ang anak ng kaniyang kapatid. Sandali nitong nakalimutan ang kanilang problema.

NAPAHINGA ako nang malalim nang makadaong ako sa harapan ng bahay na tinutuluyan nina David at Lazaro. Mahigpit ang kapit ko sa itim na librong naiwan ni Lazaro, dahil palagay ko'y isa ito sa mga dahilan kung bakit napaniwala ko ang aking sarili na ako ang Solana na kanilang hinahanap.

Buo na ang aking desisyon. Nais ko silang makausap patungkol sa aking nakaraan. Patawad Jacinto kung pinili kong sagutin ang mga katanungang namumutawi sa isipan ko nang wala ka. Tila ako'y sabik na malaman kung sino ako at ang buong katauhan ko, hindi na ako aasa pa sa gamot at maramdaman muli ang kirot ng aking ulo upang malaman ko ang nagkukubli kong nakaraan. Sapat na para sa akin ang mga dila at pahayag nina David at Lazaro na siyang magbibigay liwanag sa aking nakaraan.

Pumanhik ako sa loob at diretsiyo ang tingin ko habang binabaybay ang kahabaan ng pasilyo. Ako'y nakarating na rito ng dalawang beses kaya't hindi na ito bago para sa akin. Napatigil ako sa paglalakad nang may isang matandang lalaking lumabas sa kanilang silid at isinara ang pinto at isinusi iyon.

Binilisan ko ang aking paglalakad upang siya'y aking tanungin. "disculpe señor, ¿está el señor David y Lázaro?" (excuse me sir, is Señor David and Lazaro is here?) tanong ko.  Tumingin ito sa akin at ibinababa ang suot nitong salamin. "David y Lázaro no están aquí porque fueron al puerto de barcos. Creo que se van a casa a Filipinas. (David and Lazaro are not here because they went to the ship port. I think they are going home to the Philippines)"

Halos mapaawang ang aking labi dahil sa sinaad nito. Sila'y uuwi na sa Pilipinas? tila napanghinaan ako ng loob dahil maaaring hindi ko na sila makakausap. Huli na upang pakinggan nila ang aking sasabihin. Napabuntong hininga ako at nagpasalamat sa matandang lalaki

Tumango ito at umalis. Inangat ko ang aking ulo upang mapigilan ang pagbabadya ng aking luha.  Napatingin ako sa itim na aklat na nasa aking kamay. Tila ito na lamang ang tanging alaalang mayroon ako kay Lazaro, sa tingin ko'y sila'y nagsawa na sa'kin dahil sila'y aking pinagtabuyan.

Lumabas ako sa kanilang bahay panuluyan at hindi ko batid kung saan ako tutungo. Nagdadalawang isip ako kung ako ba'y babalik na sa aming tahanan o hindi.  Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

Mukhang hindi ko na matutupad pa ang nais ni Ligaya na maipapaabot sa kaniya ang kaniyang bilin kay David. Walang buhay na naglakad ako patungong pamilihan, ibibili ko na lamang siya ng kaniyang paboritong pagkain upang mawala ang kaniyang lumbay.

Nakakadalawang hakbang pa lamang  ako nang marinig ko ang isang ugong ng barko. Nanlaki ang aking mga mata at sinundan ang tinig nito.  Aking maalala na malapit lamang ang daungan ng barko rito sa bayan ng Ecija at ang tunog na iyon ay isang hudyat na ito'y hindi pa umaalis.

Dali-dali akong nagtungo sa isang karwahe upang mabilisang makarating sa daungan ng barko. Nais ko silang makausap bago sila umalis, may lukso sa aking damdamin na gusto ko nang manatili sa kanila, ngunit iniisip ko si Jacinto na aking asawa.

Halos maiyak ako at mapapadyak sa inis dahil sa hindi umayon sa akin ang panahon. Malapit lamang ang daungan ng barko rito ngunit sadyang nagpalayo ang kaabalahan ng mga taong naglalakad sa daanan dahil mayroong naganap na isang insidente. Wala akong magagawa kundi ang maghintay at manalangin na sana'y hindi pa umaalis ang barko.

Halos dalawangpung minuto ang itinagal ng aking byahe na kadalasang sampung minuto lamang nang makarating ako sa daungan ng barko. Kaunti na lamang ang mga taong sumasakay ngunit unti-unti nang inaalis ang tulay na nagdurugtong sa barko.

Kumaripas ako ng takbo, patungo sa daungan ng barko. Hindi ko na rin mapigilan ang aking luha sa pagpatak sa aking pisngi, nais ko silang maabutan kahit pa napapagod na ang aking paa sa pagtakbo. Nais ko silang makausap kahit saglit lamang.

"K-kuya David!" saad ko nang unti-unti nang itinataas ang tulay na nagdurugtong sa barko. "Kuya David, Lazaro!" walang humpay ang bilis ng tibok ng puso ko, ganoon na rin ang pag-aasam ko, umaasa ako na sa kabila nang lahat ng nangyari ay ako ay kanila pa ring tatanggapin nang buo.

"Kuya David!" tuluyan na akong nanghina at bumagal ang aking takbo nang maitaas na ang tulay sa barko at bumuga na rin ang malakas na usok, hudyat na ang barko'y lalarga na. Pinawi ko ang aking luhang bumaba sa aking pisngi, ngunit sa pagpawi ko nito'y muli itong nagsisipagbagsakan.

Tila ikinasusuklam ko ang aking sarili dahil huli na ang lahat. Huli na ang lahat upang muli kong maiparamdam ang pagmamahal ko sa kanila. Pinagmasdan ko ang barkong unti-unting lumalayo sa aking paningin, tila nagdurugo ang aking puso sa tuwing ito'y lumalayo sa akin.

"Kuya David" mahinang bulong ko at pinawi muli ang luhang pumatak sa aking pisngi. Napatingin ako sa itim na aklat at hinagkan ito. Kuya David ako ito si Solana na iyong kapatid.

Aking inaamin sa aking sarili na hindi ko pa batid ang kabubuan ng aking pagkakakilanlan ngunit, siya'y aking lubusan nang nararamdaman. Ang pagmamahal ni kuya David sa akin ay tila kakaiba bagay na hindi ko nais mawala.

Ngumiti ako nang mapait at kumaway sa barkong ngayon ay halos kasinlaki na lamang ng aking daliri dahil sa layo nito. "P-paalam Kuya David at saiyo rin Lazaro, hinihiling ko na sa mga susunod na araw, buwan at taon ay muling magtatagpo ang ating landas" bulong ko at tipid na ngumiti.

Napahinga ako nang malalim at sandaling nanatili sa lugar na iyon habang nakatingin pa rin sa barkong malayo na sa aking paningin.

"Solana?" pinahid ko ang aking luha sa aking pisngi nang may tumawag sa aking pangalan, dahan-dahan akong bumaling dito at halos mahulog ko ang dala kong aklat nang makita ko si Kuya David.

"Solana anong ginagawa mo rito—"

Hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin nang bigla akong lumapit sa kaniya at yumakap nang mahigpit. "K-Kuya David" saad ko at humagulgol sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko ang pagtugon nito sa mahigpit kong yakap at idinikit ang mukha nito sa aking balikat.

Niyakap ako nito nang mahigpit at naramdaman ko ang mga mahina nitong hikbi. "Kuya David, p-patawarin mo ako" saad ko at mas humikbi sa kaniyang bisig. Wala akong narinig na tugon mula sa kaniya bagkus niyakap lamang ako nito nang mahigpit at hindi matigil ang walang humpay nitong paghikbi.

Nararamdaman ko ang tibok ng kaniyang puso na tila ba ito'y maligaya dahil ako'y kaniyang kapiling. Naramdaman kong dinampian ako nito ng isang munting halik sa gilid ng aking noo. Samantalang nakatingin lamang sa aming dalawa si Lazaro ngunit bakas sa kaniyang mga mata ang ligaya.

Ilang sandali pa'y humiwalay ng yakap sa akin si Kuya David at pinawi nito ang aking luhang nasa pisngi. "Kuya, patawarin mo ako sa nagawa kong pagtabuy saiyo—"

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin Solana" malambing na saad nito at hinaplos ang aking pisngi. Patuloy pa rin ang pagdanak ng aking luha na tila ba'y wala itong katapusan. Napailing ako at napahinga nang malalim. "Sa tingin ko'y nararapat akong humingi ng pumanhin saiyo dahil sa masasakit na nasasabi ko saiyo. Napuno ako ng galit na dapat ay hindi ko iparanas saiyo" saad ko sa gitna ng aking mga hikbi.

Patuloy ang paghaplos nito sa aking pisngi. "Hindi na mahalaga para sa akin ang bagay na iyon ang mahalaga sa'kin ay ang katotohanang muli mo na kaming naalala" tugon nito. Ngumiti ako nang matamis at hinawi ang luha sa aking pisngi.

Ngumiti rin ito nang matamis at hinaplos ang aking ulo. Hinigit muli ako  nito sa aking kamay upang ako'y yakapin nang mahigpit. Napakasaya sa aking puso na muli kong nararamdaman ang pamilyar na yakap. Batid kong hindi dapat ako magsaya nang lubusan dahil sa kabila nito ang mga agam-agam sa aking isipan, gayun narin ang relasyong namamagitan sa amin ni Jacinto.

"BAKIT ka nagtungo sa daungan?" tanong ni Kuya David at naglapag ito ng tsaa sa  aking tapat. Bumalik muli ito sa kusina at may sandaling inayos doon, Kasalukuyan na kaming narito ngayon sa kanilang bahay panuluyan, si Lazaro'y nakatayo lamang malapit sa pintuan, hindi ko rin maiwasang mailang dahil sa mga nasabi ko sa kaniya kahapon.

Binalingan ko ito ng tingin at halos mapalunok ako dahil sa agaran ding nagtama ang aming tingin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at uminom sa tsaang nasa ibabaw. Napatingin ako kay Kuya David nang maglapag ito ng prutas sa aking harapan at umupo sa aking tabi.

"Bakit ka nagtungo sa daungan Solana?" ulit nito sa kaniyang sinambit kanina. Tumikhim ako. "Dahil ang batid ko'y kayo'y lilisan na at babalik na kayo sa Pilipinas" saad ko. Ngumiti ito at muli akong hinigit upang mapasandal sa kaniyang dibdib.

"Bakit iyong naisipan na kami'y aalis na, hindi kami lilisan dito sa Europa nang hindi kayo kasama ni Ligaya....nagtungo lamang kami sa daungan ng barko dahil hinatid namin si Susmitha dahil patungo muli ito sa Pilipinas" tugon nito.

Kung hindi ako nagkakamali ay si Susmitha ang doktor na aking nakilala noon. Ibig sabihin ay malaki rin ang kanilang pagkakakilala sa isa't isa. "Sa oras na malaman ko ang lahat ng lumot na nangyari saiyo Solana ay hindi ako magdadalawang isip na pagbayarin lahat ng gumawa saiyo nito.  At hindi ako mag-aaksaya ng panahon upang hindi palagpasin ang kalapastanganang ginawa saiyo" napayakap ako nang mahigpit sa kaniya dahil sa hinahon ngunit may diing pagkakasambit nito.

Nararamdaman ko ang tunay na yakap ng isang kapatid at ang alaga at protekta nito. "Huwag mong ilalagay sa panganib ang iyong buhay Kuya David" saad ko. Ngumiti ito. "Hindi ko iyon gagawin... wala nang matikas na tiyo si Ligaya kung ganoon" biro  nito sanhi upang mapangiti ako nang tipid.

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at napatingin sa kawalan. Hindi ko lubusang masasabi na ayos na ang lahat dahil may problema pa rin akong iniisip, kabilang naroon si Jacinto at si  ate Leonora, mayroon akong tinuturing na pamilya ngunit bakit ang salaysay sa akin ni Jacinto ay namatay ang aming ama't ina ganon na rin ang pagsasaad nito na ang pamilya Delos Santos ang siyang nanguna sa pagpapatay sa aking ama't ina.

"Kuya David, a-anong pangalan ng ating a-ama't ina?" tanong ko, napabaling ang tingin nito sa akin at tumikhim bago magsalita. Hindi pa rin malinaw sa aking isipan ang ibang detalyeng mayroon ako sa aking nakaraan.  Ang mga katanungang sino ako? sino ang aking mga magulang at kaibigan? ay hindi malinaw sa aking isipan. Gayun na rin ang karanasan ko sa pagkabata.

"Ang ngalan ng ating ama't ina ay Roman Delos Santos at Esmeralda Delos Santos. Mayroon ka pang isang Kuya iyon ay ang iyong Kuya Samuel. Kung tutuusin ay mas magkasundo kayong dalawa ng iyong Kuya Samuel dahil sa likas itong mabait saiyo. Ako'y isang heneral at isang abogado si Samuel.  Ang ating ama ay dating isang mayor sa ating bayan ang San Ignacio at ang ating ina ang siyang nagturo saiyo ng pagbuburda at pagiging isang mahinhin na binibini." saad nito habang may ngiti sa kaniyang labi.

Napangiti ako dahil tila binabaliktanaw nito ang dating ako, ang dating ako bago naganap ang trahedyang nagpabago sa aking buhay. "Ikaw ay aming kinagigiliwan nang lubos dahil sa angkin mong kasiglahan. Ikaw ang pahinga ng ating ama't ina lalong-lalo na si ama, hilig mo na dalhan ito ng tsaa sa kaniyang silid dahil sa tuwing ginagawa mo ito ay nagiging mabuti ang kalagayan nito. Mahal na mahal ka namin Solana, matagal nang nanabik saiyo ang ating ama't ina, gabi-gabi'y nagtatanong sila sa'kin kung nasaan ka, ngunit nanlulumo ako dahil wala akong positibong maisambit sa kanila" saad nito at kasabay non ang pagpatak ng kaniyang luha.

Ngumiti ako nang matamis at hinaplos ang kaniyang pisngi upang pawiin ang luhang tumulo sa kaniyang mukha. "Mahal na mahal ko rin kayo Kuya David" malambing na saad ko.

Ngumiti ito nang matamis at hinaplos muli ang aking ulo. Pinahid nito ang kaniyang luha ngunit bakas pa rin ang pamumula ng kaniyang mga mata dahil sa pagbabadya ng kaniyang luha.

Natigil kami sa pag-uusap nang may kumatok sa pinto. Napalingon kami roon at binuksan iyon ni Lazaro. Bumungad doon ang matandang lalaking aking nakita kanina, may sinabi ito kay Lazaro at pagkatapos ay binalingan nito si Kuya David ng kaniyang tingin.

"David nais kang kausapin ni Señor, Guarez" wika nito.  Tumango si Kuya David at nginitian ako bago tumayo at nagtungo sa pinto, lumabas sila sa silid at naiwan akong mag-isa sa loob. Sinimulan kong kainin ang nakahandang prutas sa ibabaw ng lamesa at gayun na rin ang mainit na tsaa.

Ilang sandali'y napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon, napaiwas ako ng tingin nang pumasok doon si Lazaro. Napalunok ako at inabala ang aking sarili sa pagbalat ng dalandan. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kahapon.

Narinig ko ang pagtikhim nito at ang pag-upo nito sa aking katapat na upuan.  Kahit hindi ko siya balingan ng tingin ay batid kong nakatingin ito sa akin. Halos manginig ang aking mga kamay dahil sa kaba. "Solana.." halos mabitawan ko ang dalandan na aking binabalatan nang banggitin nito ang aking pangalan.

"P-pasensiya" saad ko at pinulot ang dalandan na nahulog sa sahig. Narinig ko muli ang pagtikhim nito at ipinatong ang kaniyang dalawang siko sa kaniyang tuhod at muli akong pinagmasdan. "Nais kitang makausap Solana" mahinahong wika nito.

Napatango ako habang ang aking tingi'y nasa sahig pa rin. "Solana.." halos manlumo ako dahil sa malambing nitong tinig. Hindi ko batid kung dapat ko ba siyang kausapin, batid kong hanggang ngayon ay si Solana na nasa aking katauhan pa rin ang kaniyang iniibig, bagay na aking ikinababahala dahil ako'y may asawa na.

"L-lazaro, m-maaari bang itigil mo na ito?" mahinang saad ko at tinitigan ito sa kaniyang mga mata. Walang nagbago sa kaniyang ekspresiyon, tila hindi ito naapektuhan sa aking sinabi.

"Anong aking ititigil? ang aking nararamdaman?...kung sana'y madali lamang iyong gawin ay matagal ko nang ginawa, ngunit tila mahirap gawin ang iyong nais Solana kaya't....hindi ko masusunod ang iyong hinihiling.." seryosong saad nito.

Napahinga ako nang malalim at nilabanan ang kaniyang titig.  Kumakawala rin ang aking puso dahil sa sobrang kaba, hindi ko na malaman ang gagawin animo'y nakulong ako sa isang madilim na bodega.

"Batid kong ikaw ay nahihirapan Lazaro, inaamin ko sa aking sarili na hindi ko pa naalala ang mga eksaktong detalye ng ating nakaraan, kung paano kita nakilala kung paano kita minahal—"

"Hayaan mong iparamdam ko muli saiyo iyon Solana, kung nais mong bumalik tayo sa dati gagawin ko. Gagawin ko ang lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa ating nakaraan" putol nito sa aking sinambit.

Halos mangilid ang aking luha sa aking mga mata, hindi ko mapigilan hindi manlambot nang tuluyan sa kaniya dahil pilit nitong binabalik ang aming alaala kahit mahirap na.

"Lazaro hindi ganon kadali ang lahat ng iyon, may parte sa aking puso na madali mo akong napatibok, sinasabi ng aking puso na pamilyar ka, ang iyong mga tinig, presensiya at hawak....subalit hindi sapat ang lahat ng iyon dahil ako'y may asawa na...at hindi rin kita kayang makita bilang isang aking kabit" halos mapataas ang aking boses dahil sa aking sinambit.

Nakatingin lamang ito sa akin habang bakas ang pagsusumamo nitong mga mata. Napahinga ako nang malalim at kinuha ang prutas at maliit na tasa at dinala iyon sa kusina. Napakapit ako sa lababo habang pinapakalma ang aking sarili.

Nagawa kong pagtaasan ng boses si Lazaro nang hindi ko nababatid. Hindi ko nais na manghimasok siya sa aming relasyon ni Jacinto dahil hindi ko iyon makakaya. Tila malabo nang mapagbigyan ang pagmamahalan naming dalawa dahil ako na mismo ang pumutol sa mga iyon.

Napabalik ako sa ulirat nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Natulala ako sa kawalan habang nararamdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg. Ipinatong nito ang kaniyang baba sa aking balikat at mas hinigpitan ang yakap nito sa akin.

Hindi ko maigalaw ang aking sarili. Nakayakap sa aking likuran si Lazaro at hinahayaan ko ito. Ramdam ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg, kahit batid kong hindi ito tama ngunit ang katawan ko na ang nagdidikta na hindi ko kayang umalis sa kaniyang bisig.

"Ibig kong maging iyong kabit, kahit ano mang sabihin nila ay hinding-hindi ako maririndi"

--------------------------------
TulangWalangTugma






Continue Reading

You'll Also Like

699K 37.7K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
4.8M 191K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
310K 13.7K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
6.8K 424 12
[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy...