Tulang Walang Tugma (Pahayaga...

By miss_reminisce

919 178 207

"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubo... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 31

14 2 0
By miss_reminisce

Kabanata 31


MAKULIMLIM at pawang walang buhay ang kalangitan nang lumabas ako sa bahay-panuluyan ni David. Matapos ng pag-uusap namin kanina ay hindi mawala sa aking isipan ang huli nitong sinambit. Nasawi ang kaniyang kapatid sa pagsabog, ang pagsabog na iyon ay may kinalaman sa aking naririnig sa tuwing kumikirot ang aking ulo. Posible kayang naroon ako nung maganap iyon?

Napailing ako at sandaling umupo sa upuan malapit sa parke. Tila lumilipad ang aking isipan sa mga agam-agam, ang hirap aminin sa aking sarili kung ako ba ang nawawalang kapatid ni David, ngunit batid kong malabo rin iyong mangyari, magkawangis man kami ni Solana ngunit magkaiba kami ng prinsipyo at dangal.

May pagkakaiba kaming dalawa, hindi rin magagawang ilihim sa akin ni Jacinto ang lahat. Malinaw para sa akin ang katotohanang ako lamang ang nag-iisa, wala na ang aking ama't ina at wala akong kapatid. At kung sakaling ako at ang Solana na kanilang tinutukoy ay iisa, ano ang lugar sa akin ni Lazaro?

Matagal ko nang kasintahan si Jacinto at walang kahit na anong humadlang sa aming pagmamahalan. Kailangan mong itatak sa iyong isipan na hindi ikaw si Solana na kanilang hinahanap.  Oo malaki ang inyong pagkakawangis ngunit magkaiba kayo ng paninindigan, may asawa't anak kana at si Solana'y buo pa ang kaniyang pamilya.

Napahinga ako nang malalim at tumingin sa kalangitan, kung kanina'y ang ganda at aliwalas nito ngayo'y tila nakikiayon ito sa aking pinagdadaanan.

Tumayo ako at huminga nang malalim, mas makabubuti kung hindi ko iisipin ang gumugulo sa aking isipan, mas dapat panigan ko si Jacinto dahil siya ang aking asawa at batid kung hindi  nito magagawang pagtakpan ako ng kasinungalingan.

Napabaling ako sa parke, ngayon ko na lamang muli itong nakita, madalas kaming nagtutungo rito ni Jacinto sa tuwing kami'y namamasyal. Nahagilap ng aking mga mata ang pamilyar na likuran at kasuotan ng isang babae habang nakaupo ito sa isang upuan.

Tahimik lamang itong nakaupo na tila ito'y may hinihinitay, lumapit ako ng isang hakbang patungo sa kaniya, halos manlaki ang aking mga mata nang makilala ko ito. Hindi ako nagkakamali ito ay si Sally, aking naalala na nagpaalam ito sa akin kanina, siguro'y dito ang kanilang hintayan ng kaniyang makakasama.

Napangiti ako nang matamis, masaya ako dahil siya'y umiibig na. Akmang ako'y tatalikod na nang bigla itong tumayo at nag-ayos ng kaniyang sarili nakangiti rin ito nang matamis habang nakatingin sa harapan.

Napakunot ako ng noo at bumaling sa dahilan ng kaniyang ngiti at halos mapaawang ang aking labi nang makita ko si Lazaro na papalapit sa kaniya. Huminto ito sa harap ni Sally at iniabot sa kaniya ang isang tangkay ng bulaklak ng carnation.

Napatingin ako kay Lazaro nakatingin lamang ito kay Sally habang nakalahad sa harapan  ni Sally ang bulaklak. Samantalang halos mapunit ang labi ni Sally habang nakatingin sa kaniya. Tumalikod ako at mapait na ngumiti, tila may kirot na naramdaman ang aking puso nang makita ko silang dalawa.

Batid kung hindi na dapat ako nanghihimasok sa kanilang dalawa, sino ba naman ako para humadlang, kapwa sila walang iniibig kaya't maaari sila sa isa't isa.  Hindi maipinta ang aking mukha na sumakay  sa karwahe, binalingan ko muli sila ng tingin, nakita kong kapwa na sila nakaupo ngayon sa upuan habang nag-uusap.

Iniwas ko ang aking tingin, dapat ako'y maging maligaya sa kanila. Inaamin kong napatibok man ni Lazaro ang aking puso sa una pa lamang naming pagkikita ngunit hindi na iyon sapat na dahilan upang iwan ko ang pinagsamahan naming dalawa ni Jacinto.



PAGKARATING ko sa aming tahanan ay agad akong pumanhik sa taas, mahimbing pa rin ang tulog ni Ligaya hanggang ngayon, hinaplos ko ang buhok nito at marahang hinalikan sa kaniyang noo. Alas-dos pa lamang ng hapon ngunit mabigat na ang kalangitan, tila nagbabadya ang malakas na ulan.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig, kanina ko pa hindi masumpungan si Manang  Luz nais ko rin sanang tanungin sa kaniya kung may nalalaman na ba ito patungkol sa naiibigan ni Sally. Ibinaba ko ang baso at napailing ng paulit-ulit.

Dapat ay hindi ko inaalala ang bagay na iyon, ako ba'y naninibugho sa kanila? hind ko rin maintindihan kung bakit nararamdaman ko ang kirot at sakit gayong noong isang araw ko lamang nakasama at nakausap si Lazaro. Iba ang sinasabi ng aking puso, tila ba matagal na kaming magkakilala ngunit hindi ko batid ang bawat detalye kung paano kami nagkakilala.

Napahinga ako nang malalim at nagtungo sa asotea. Unti-unti nang nagpaparamdam ang malamig na simoy ng hangin wari'y nagpapahiwatig nito na sana'y maramdaman mo ang lamig nito.

"Señora?" napabaling ako kay Manang  Luz nang magsalita ito mula sa aking likuran. "Manang Luz saan ho kayo nagtungo, kanina ko pa po kayo hinahanap" nagagalak na saad ko at lumapit sa kaniya habang hindi nawawala ang tipid kong ngiti.

Blangko ang kaniyang ekspresiyon habang nakatingin sa akin, hindi niya rin inabala ang kaniyang bibig na bumuo ng salita upang tugunin ang aking sinambit. Unti-unti nang nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ito ng pagtataka. "Manang Luz ano hong problema?" tanong kong muli.

Bakas sa kaniyang mga mata ang kaba at pag-aalinlangan. Inilahad nito sa aking kamay ang isang liham. "May isang binibini na nagbigay niyan sa akin, ikaw ang kaniyang hinahanap ngunit sinambit ko na wala ka kaya't pakiusap nito na ibigay ko na lamang iyan saiyo" wika nito.

Kinuha ko sa kaniya ang liham at nagtungo sa sala, dahan-dahan akong umupo roon habang pinagmamasdan ang liham. Wala akong ideya kung ano ang nakalagay roon ngunit bigla na lamang akong kinutuban. Maingat kong binuksan ang liham, nakasulat ito ng Español ngunit sapat lamang iyon upang aking maunawaan.


Señora. Solana Aragones,

Magandang araw saiyo, nais ko lamang ipabatid saiyo na hindi ba't nakatanggap kayo ng liham mula kay Señor, Aguilar de la Frontera patungkol sa pagiging kapartido nito sa isang bunubuong negosyo dito sa Paris. Sinang-ayunan ito ni Señor Aragones at kami'y taos pusong umaasa na siya'y makararating sa nakatakdang araw na pinag-usapan. Subalit hindi iyon natupad ni Señor Aragones, higit isang buwan nang wala rito sa Paris ang inyong asawa. Ilang ulit na rin kaming nagpadala ng liham sa kaniya ngunit wala itong tugon. Nais lamang naming ipaalam sainyo ang bagay na ito dahil sa pagiging hindi responsable ng inyong asawa.

Aming napag-alaman na hindi ito nagtungo sa daungan ng barko patungong Paris bagkus ito'y kasalukuyang naninirahan ngayon sa Madrid. Ipagmaunhin niyo ngunit pinutol na ni Señor, Aguilar de la Frontera ang kaniyang ugnayan sa iyong asawa. Sana'y siya'y iyong naiintindihan.

Maraming salamat!

Martina Dominguez


Itinupi ko ang liham habang nababalot ang gulat sa aking mga mata, hindi nagtungo si Jacinto sa Paris, anong ibig sabihin nito. Anong ibig sabihin ng kaniyang mga liham na nagpapahiwatig na mabuti ang lagay  nito sa Paris? Higit isang buwan na siyang wala rito kung gayo'y higit isang buwan din siyang wala sa Paris.

Nangingilid ang aking luha at hindi ko na malaman ang aking gagawin, bakit mo ito nagawa Jacinto? ano ba ang pumasok sa iyong isipan at basta mo na lamang isinuko iyon. Ang batid ko ba'y pangarap mo iyon ngunit ano ito?

Agad akong nagtungo sa aming silid at kumuha ng pluma at tinta, kung wala ito sa Paris ngayon ang ibig sabihin ay hindi rin nito nababasa ang aking mga tugon sa kaniya. Tatlong beses lamang itong nagpadala ng liham sa akin sa loob ng isang buwan, hindi ko ito kinwesiyon sa kaniya dahil ang batid ko'y marami itong ginagawa.

Sumulat ako ng liham sa kaniya, nilalaman sa aking liham na aking nababatid kung nasaan ito. Ibig ko na itong umuwi ngayon dito sa Ecija, dahil nais kong pag-usapan ang tungkol doon.

Inayos ko ang aking sarili at kinuha ang aking balabal, napatingin ako panandalian kay Ligaya at hinalikan ito sa kaniyang noo. "Ako'y babalik anak" wika ko at kinuha ang liham, kailangan ay maihulog ko na ito sa tanggapan bago pa bumuhos ang malakas na ulan.

Malaki ang problema dito sa bayan ng Ecija pagdating sa pagbaha dahil mababaw lamang ang daluyan ng tubig dito, kaya't kailangan ko nang maihulog ang liham na ito habang maaga pa, hindi kona nais na mag-aksaya pa ng panahon, agad ko nang ihuhulog ang sulat nang sagano'y mabilis niya na itong mababasa.

Dali-dali akong lumabas sa mansyon at hindi alintana ang mabigat at maiitim na kalangitan, agad akong sumakay sa karwahe patungo sa bayan. Halos hindi ako mapakali dahil sa aking kaba at pangamba, ang daming gumugulo sa aking isipan, halo-halo na ito at hindi ko na mabilang.

Nais kong umiyak at isigaw lahat ng aking mga agam-agam ngunit pakiramdam ko'y hindi iyon sapat. Pagkadaong ng karwahe sa hulugan ng sulat ay agad na akong bumaba roon, walang pag-aalinlangan kong ipinadala ang liham sa Madrid. Hindi sapat ang aking dalang salapi upang magbayad nang labis kaya't ang orihinal na bayad na lamang ang aking ginawa.

Napahinga ako nang malalim nang maihulog ko na ang sulat, akmang sasakay muli ako sa karwaheng aking sinakyan kanina ngunit wala na ito sa harapan. Naglakad ako patungo sa paradahan ng karwahe, kasabay ng aking pagmamadali ang pagbuhos ng tubig ulan. Agad akong tumakbo nang mabilis upang makahanap ng masisilungan.

Dahil sa aking pagmamadali kanina ay hindi ko na naisipan pang magdala ng Hanway, akmang aking ilalagay ang aking  balabal sa aking ulo nang liparin ito,  napapikit ako nang mariin dahil sa yamot, mabilisan ko itong binalikan upang pulutin iyon.

Nagitla ako nang may dalawang pares ng sapatos ang huminto sa aking harapan, pinulot ko ang aking balabal at dahan-dahang napatayo, hindi ko na nararamdaman ang mga hibla ng tubig-ulan na dumadapo sa aking balat. Napatingin ako sa lalaking aking nasa harapan, bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ko kung sino ito, si Lazaro.

Dahil sa gulat ay agad akong umatras sa kaniya ng isang hakbang, sa ginawa kong paghakbang ay muli kong naramdaman ang hibla ng mga ulan.  Agad ako  nitong hinila palapit muli sa kaniya upang kami'y makasilong sa kaniyang hawak-hawak na hanway. Halos nakatingin lamang ako sa kaniyang dibdib at hindi maawat ang bilis ng tibok ng aking puso, tila nakukuryente rin ang aking katawan dahil sa nakalapat ang kamay nito sa aking likuran.

Ilang sandali pa'y napatikhim ito at hinawakan ang aking palapulsuhan. Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan at hinayaan ko na lamang na sumunod ako sa bawat galaw na ginagawa  ni Lazaro. Nagsimula itong maglakad habang hawak-hawak pa rin ang aking palapulsuhan.

Halos matulala ako sa kaniyang ginawa at hindi malaman kung ano ang aking dapat sabihin. Nagtungo kami sa tindahan malapit sa parke ngunit sarado ito at nagsisimula nang pasukin ng tubig ang loob ng tindahan, muling naglakad si Lazaro papunta sa ibang kalye ngunit halos kapwa napapaawang ang aming labi dahil sa halos baha na ang kalawakan ng daanan.

Napatingin ako kay Lazaro na ngayon ay tila nagninilay, kitang-kita ko ang bahagyang pagtaas baba ng kaniyang tatagukan. Binitawan nito ang aking kamay at tumingin sa akin, nagitla ako sa kaniyang ginawa kaya't umiwas ako ng tingin.

Sumilong kami sa isang tindahan at itinupi nito ang kaniyang dalang hanway. Kinuha ko ang aking balabal at ipinagpag iyon, halos basa na ang aking buong balabal kaya't hindi na ito makatutulong upang pawiin ang lamig na aking nararamdaman. Niyakap ko ang aking sarili at mas umusog nang kaunti paatras.

Napatingin ako sa likod ni Lazaro nakatingin lamang ito sa harapan at pinagmamasdan nito ang hagupit ng tubig ulan. Napayuko ako, sila'y magkasama kanina ni Sally kaya't hinala ko na iniisip niya ito ngayon.

"Paano ka makakauwi sa inyong tahanan gayong malakas na ang ulan at halos baha na rin ang daanan?" napabaling ako sa kaniya dahil sa mababa nitong tinig. Napatingin ako sa buong daanan halos mangamba ako dahil sa sobrang lakas ng ulan na halos yakapin na ang buong Europa. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila kay  Ligaya, batid kona magigising ito sa lakas ng ulan.

"G-gagawin ko ang lahat upang ako'y makauwi" saad ko at mas niyakap ang aking sarili dahil sa lamig at talsik ng tubig ulan.  Hindi kami makapasok sa loob ng tindahan dahil sa ito'y nakasara at nakaharang ang kanilang makakapal na kurtina.

Napalingon sa akin si Lazaro, pinili kong hindi ito balingan ng tingin dahil sa pakiramdam ko'y hindi iyon tama. Nakita kong inalis nito ang kaniyang suot na itim na kapa at humarap sa akin. Napatingin ako sa kaniya nang inilahad nito sa aking harapan ang kaniyang kapa. 

Nakatulala ako sa kapang inilalahad nito sa akin, hindi ko batid kung dapat ko ba itong tanggapin o hindi. Napabalik ang tingin ko sa kaniya nang tumikhim ito, "Maaari mo itong gamitin nang mapawi ang nararamdaman mong  lamig" wika nito.

Napatango ako at napangiti nang tipid, tinanggap ko mula sa kaniya ang kaniyang kapa, nakasuot na lamang ito ngayon ng asul na huwego-de-anilyo. Ibinalik  nito ang kaniyang tingin sa harapan. Napahigpit ang aking hawak sa kaniyang kapa at hindi ko mawari kung dapat ba akong maging maligaya dahil sa simple nitong ginawa.

Sinuot ko ang kaniyang kapa dahil halos mabasa narin ang suot kong kulay kremang bestida. Nanatili kaming walang imik sa isa't isa halos kalahating oras na ang nakakaraan at wala paring humpay ang buhos ng ulan padilim na rin sa paligid.

Hindi ko maiwasang hindi mangamba para kay Ligaya, mag-isa ito ngayon sa aming silid at batid kong hinahanap nito ang aking kalinga. Hindi na lamang sana ako nagmatigas kanina na magtungo rito.

Halos isang oras ang itinagal nang malakas na ulan. Kinuha ni  Lazaro ang hawak nitong hanway at tumingin sa akin. "Saan ka tutuloy?" tanong nito. Napatayo ako nang tuwid at ngumiti sa kaniya nang tipid, hindi na gaanong malakas ang ulan ngunit halos baha na ang kahabaan ng daan.

"Ako'y babalik sa aming tahanan" tugon ko. Ibinaling nito ang kaniyang tingin sa daanan bago ibinalik ang tingin sa akin. "Malabong ikaw ay makauwi ngayong gabi dahil halos sakupin ng baha ang kahabaan ng daan" napakagat ako sa aking ibabang labi at bahagyang yumuko.

Naisip ko na rin ito kanina pa, nais kong makasama na ngayon si Ligaya ngunit tila hindi ko iyon magagawa. "S-sumama ka muna sa akin" agaran ko itong binalingan ng tingin dahil sa kaniyang sinambit, hindi ito nakatingin sa akin bagkus nakatingin lamang ito sa kawalan.

Napansin ko rin na halos nasakop na ang kalahating tubig ang tinatapakan namin ni Lazaro. Muli na namang nagsilaglagan ang mga tubig ulan sa bubungan sanhi upang lumikha ito ng ingay.

"Nariyan na naman ang malakas na ulan mas makabubuti kung sumilong ka muna sa aming tinutuluyan"




BINUKSAN  ni Lazaro ang pinto ng kanilang tinutuluyan ni David, sandali kaming natahimik dahil tila wala rito si David. Humarap sa akin si  Lazaro. "Sa tingin ko'y nagpalipas ng gabi si David sa ibang bahay panuluyan dahil nagpaalam ito kanina na tutungo ito sa aming kakilala" saad nito, napatango ako at napangiti nang tipid.

Pinapasok ako ni Lazaro sa loob habang ito'y nagtungo sa isang silid,  halos kagagaling ko lamang dito kanina dahil nag-usap kami ni David at hindi ko akalain na makababalik ako muli rito. Hinubad ko ang kapa ni Lazaro at inilagay iyon sa isang sabitan.

Alas-syete na ng gabi, halos sobrang tagal ang itinagal ng ulan, napatingin ako sa kanilang salamin na bintana,  unti-unti nang humuhupa ang kalakasan ng ulan tila ba nasiyahan na ito dahil may taong nakasaksi ng kaniyang pagdadalamhati.

Napatingin ako kay Lazaro nang lumabas ito sa kaniyang silid nakapagpalit na ito ng kaniyang damit dahil sa nabasa rin ang buong damit nito dahil pinahiram nito sa akin ang kaniyang hanway. May inabot ito sa aking pamunas sa katawan.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at kinuha iyon. "S-salamat" wika ko, tumango lamang ito at nagtungo sa kanilang kusina. Tinipon ko ang aking buhok sa aking kaliwang  balikat upang ito'y aking mapunasan.

Napabaling ang tingin ko sa larawan ni Solana na nakapatong sa isang lamesa. Banayad kong hinaplos ang aking mukha, tila ako ang nasa larawan dahil sa halos kami'y tunay na magkawangis. Hindi ko akalain na matatagpuan ko ang taong aking nahahawig  nang buo.

Napabaling ang tingin ko kay Lazaro nang marinig ko ang pagbasag ng isang babasaging tasa. Gulat ko itong tinitigan at sa tasang nahulog sa sahig, nakatayo ito habang nakatingin sa akin. Nangingilid ang luha nito sa kaniyang mga mata, biglang kumabog ang puso ko ng kay bilis.

Lumapit ito ng isang hakbang sa akin at tinitigan ako nang mariin sa aking mga mata, nangingilid ang mga luha nito habang patuloy na nakatingin sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang kaniyang nais iparating.

Napaatras ako nang muli itong lumapit sa akin. "Lazaro" mahinang saad ko, umaasa na ititigil nito ang kaniyang kahibangan. "S-solana" namamaos na saad nito. "Solana" saad muli nito, naguguluhan ang aking mga matang nakatingin sa kaniya. Tila ba pamilyar ang mga titig nito, tila pamilyar ang pangyayaring ito.


Tuluyan akong namanhid sa aking kinatatayuan nang bigla ako nitong yakapin nang mahigpit. Natulala ako sa kaniyang ginawa, naramdaman ko ang pagpatak ng kaniyang luha sa aking balikat. Kasabay non ang pagdampi nito ng isang maliit na halik sa gilid ng aking noo. Hindi ako makagalaw, tila ba may taling pumigil sa akin, hindi ito tama.

"Solana....kay tagal ka na naming hinahanap, ikaw ang Solana na pumupuna sa aming kaligayahan, ang nagbibigay liwanag sa aming buhay....ang Solana na aking minamahal.."


Nang mga panahon na natagpuan ni  David at  Lazaro ang kawangis ni Solana ay hindi sila nagdalawang isip na siya'y kakaiba. Totoo ang mga sinambit ni Susmitha, mula sa hugis ng mukha nito, tangos ng ilong, tinig at tindig ay walang pinagkaiba sa Solana na kanilang hinahanap.

Kahit pa sinabi na nito sa kanila na siya'y may asawa't anak na ay hindi pa rin nawala ang paghihinala nila rito. Nauna nang sinambit sa kanila ni  Susmitha ang patungkol sa dalawang uri ng taong malaki ang pagkakawangis. Malabo lamang makatagpo ng dalawang uri ng tao na malaki ang kanilang pagkakahawig sa isa't isa.

Nagbigay impormasyon din si David na ang kapatid  nitong si Solana ay may maliit na balat sa kaniyang kanang leeg. Ang iba'y tunay na magkawangis ngunit naiiba ang kanilang tinig at tindig sa isa't isa.

Nang gabing yaon ay pinagnilayan nina David at Lazaro ang ukol doon may mga sapat na rason na sila upang makabuo ng konklusyon na siya si Solana na kanilang hinahanap. Nakausap na rin nila si Doktora Henares, kung kaya't dito nila nalaman na siya'y dumaranas ng karamdamang pagkawala ng memorya, dahilan upang sila'y magdusa at tumangis nang lubusan dahil kabilang sila sa mga taong hindi niya nakikilala.

Nang mga panahong nagtungo si Lazaro sa tahanan na nagtatago ngayon sa apelyidong Aragones ay nasa paligid lamang si David upang magmasid. Tunay na hangarin ni Lazaro na iwanan ang itim na aklat, ang aklat na iyon ay naglalaman ng saloobin nilang dalawa. Umaasa ito na sa pamamagitan ng pagbasa ng librong iyon ay unti-unting babalik ang kaniyang alaala. Sinikap ni Lazaro na tapusin ang librong iyon dahil nais niya itong ibigay kay Solana kahit pa hindi nito batid kung babalik pa ba ito o hindi.

Duon din nila napag-alaman at nakilala si Sally na kanilang katulong.  Sinadya ni  Lazaro na abangan ito sa lugar na kung saan dito nila nakita si Solana upang makausap ito. Kahit nagtataka man si Sally nang mga panahong iyon ay iwinaksi niya iyon dahil sa unang tingin niya pa lamang kay Lazaro ay tila nahulog na ito.  May mga bagay na itinanong ito patungkol sa mag-asawang Aragones dahil nais nilang malaman ang tunay na pagkatao sa kabila ng pangalang iyon.

Hindi nagdalawang isip si Sally na isalaysay ang lahat kay Lazaro dahil sa ginamit nito ang kaniyang propersiyon bilang isang Heneral. Hindi rin nakaligtas sa labi ni Sally na isalaysay ang patungkol sa ngalan ni Jacinto, kaya't duon nagsimulang mamuo ang hinala ni Lazaro. Sinaad nito na muli silang magkikita at padadalhan niya na lamang ito ng liham.

Nang mga araw na sila'y nagkita sa parke ay bilin ni David na bumili ito ng isang bulaklak ng carnation bilang isang pahiwatig ng pagpapasalamat dahil marami silang  nakalap na impormasyon dahil sa kaniya. Walang  namumuong pag-ibig si  Lazaro para kay Sally dahil hindi nito kayang palitan ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso sa pamamagitan ng matamis nitong ngiti at mabubulaklak na salita. Wala rin siyang balak na umibig muli kahit pa hindi niya batid kung babalik pa ang babaeng kaniyang kaligayahan.

Hindi rin nila balak na sabihin kay Solana ang totoo nitong pagkatao dahil hindi pa sapat ang kanilang nalalaman. Higit walong porsyento na ang kanilang kasiguraduhan ngunit hindi pa rin sila napapanatag dahil nababatid  nila na kasama si Jacinto sa kaniyang ama't ina na ipinatapon sa malayong kabihasnan, kaya't kailangan nilang makilala kung sino ang Jacinto'ng iyon.

Nang gabing kasalukuyan habang ang gabi ay lumalalim at ang hibla ng ulan ay unti-unting napapawi ang mga talim. Ang dibdib  ni Lazaro ay napuno nang kaba at panimdim simula nang makita nito ang isang balat  na itim sa kaniyang kanang leeg na palapatin.


"Solana.." muling sambit ni Lazaro habang mahigpit pa rin ang yakap nito sa akin. Hindi ko magawang tugunin ang kaniyang yakap dahil may bumabagabag sa akin, pumatak ang aking luha at hindi ko magawang ibuka ang aking mga labi. Pilit kong ipinapasok sa aking isipan ang kaniyang mga sinambit.

Napalayo ako sa kaniyang yakap at pinagmasdan ito, bakas pa rin sa kaniyang mga mata ang lumbay at pananabik. "Solana... ikaw ang aming hinahanap" muling saad nito.


Napailing ako at hindi malaman kung ano ang aking sasabihin naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin. Umiling ako nang paulit-ulit habang tuluyang nanlalabo ang aking mga mata. Humakbang ito ng isang beses palapit sa akin, humakbang ako paatras sa kaniya.

Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pangungulila at pakikiusap na wari'y mapunan ang kaniyang kagustuhan.  Hindi ko na batid kung ano ang dapat isipin, hindi ko na nagawang umatras pa dahil tumama na ang aking likod sa isang pader. Pinagmasdan ako ni Lazaro at pilit nitong hinuhuli ang aking mga mata.

Akmang hahaplusin nito ang aking mukha nang muli akong makarinig ng pagsabog sa aking isipan kasabay non ang muling pagkirot ng aking ulo. Napaupo ako sa sahig habang tinatakpan ang aking magkabilaang tainga, halos mapasigaw ako sa sakit na aking nararamdaman.

Tila iba ang sakit nito kumpara sa aking nararamdaman dati. Lumapit sa akin si Lazaro at hinawakan nito ang aking mukha at itinapat sa kaniya, ibinubuka nito ang kaniyang labi ngunit hindi ko iyon marinig dahil mas namamayani ang sakit ng aking ulo at ang nakabibinging ingay ng pagsabog kasabay ng iyakan at sigawan.

Hinagkan ako ni Lazaro at hinaplos nang banayad ang aking likod, unti-unti akong nanghina na tila ba naupos ang aking enerhiya, isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Lazaro habang patuloy pa rin ang pananakit ng aking ulo. Unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata ngunit bago ito tuluyang mandilim may mga pangyayaring pumasok sa aking isipan.

"Susundin ko basta sinabi ng...mahal ko" marahang wika nito at ngumiti ng tipid. Pinahid ko ang aking luha at ngumiti ng matamis. "Hintayin mo ako rito sabay tayong aalis" wika nito, dahan-dahan akong tumango bilang tugon.

Malumanay itong naglakad paalis habang pinagmamasdan ko ang kaniyang likuran. Masaya ako na magagawa kong mailigtas si Lazaro, hangad ko ang kaniyang matiwasay at masayang buhay at hindi ko hahayaang mawakasan ito ngayon.

Nakakatatlong hakbang pa lamang ito nang bigla itong humarap sa akin at ngumiti nang matamis, ibinuka nito ang kaniyang bibig ngunit hindi niya na natuloy ang kaniyang sasabihin nang dahil sa bigla na lamang may malakas na pagsabog na naganap sa pagitan naming dalawa.



-----------------------------------
#TulangWalangTugma

Continue Reading

You'll Also Like

Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.7K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
10.2K 88 39
Ang librong ito ay karugtong ng Unang Libro na isinulat ko,mananaig pa rin ba ang pagmamahalan o wala ng katapusang digmaan?
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
8.9K 640 73
This Series is Connected to Marcos Family where the 17th President of the Republic of the Philippines has a Daughter named "MARIA LOUISSE ERICA CASSA...