Crushmate (She's one of the b...

By ohmyIrvin

1.8K 111 1

Ano ba ang tipo mo sa isang babae? yun ba yung tipo ng babaeng sexy,maganda,mabait at conservative? Paano kun... More

Crushmate (She's one of the boys)
Chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27

chapter 20

36 4 0
By ohmyIrvin

Enrollment na! Naiexcite ako dahil magkikita na naman kami ulit ng mga classmate kong loko-loko at syempre nasasabik na akong makita ulit si Zoey.

“Ken nakita mo ba si Zoey?” Tanong ko kay Ken na halos kadadating lang din sa school.

“Hindi ko pa nga nakikita Lee, saka si Mika wala pa din. Mga babae nga naman oh mahilig magpaexcite.” Pabiro niya.

“Sus! Miss mo lang si Mika eh.”

“Parang siya hindi namiss si Zoey?” Natatawa niyang sagot sa akin.

Palingon-lingon kami ni Ken sa bawat daanan ng mga estudyante sa school namin. Dumadami na din ang mga classmate naming dumating na para mag-enroll.

“Bakit kaya wala pa sila?” Nag-aalalang sabi ni Ken.

“Relax ka lang Ken.”

“Ken! Lee!” Tawag ni Mika at Zoey sa amin ni Ken.

“Ayan na pala sila Zoey at Mika.” Sabi ko at agad kaming lumapit ni Ken.

“Saan ba kayo galing?” Tanong ni Ken.

“Malamang sa bahay?” Sagot ni Zoey.

“Letse ka Zoey!” Inis na sagot ni Ken.

Agad akong pumagitna sa kanila para hindi na madugtungan ang usapan nilang dalawa dahil baka saan na naman ito mapunta.

“Tara na umakyat na tayo at pumila.” Aya ko sa kanila.

Sa pag-akyat namin ay bumungad sa amin ang mahabang pila at napakagulong ikot ng mga tao mula sa hagdanan pa lang.

“Haba ng pila.” Mahina kong sabi.

“Pasensya ka na Lee binalikan ko pa kasi regi form ko sa bahay kaya natagalan kami ni Zoey.” Sagot ni Mika.

“Wala yun Miks mabilis lang naman itong enrollment.” Sagot ko.

Sa paglingon-lingon ko sa paligid ko ay aking napansin si Rex na paparating na din para pumila. Mag-isa lang siya at bakas sa mukha niya ang lungkot.

“Ah guys pakisave lang muna ng pila ko may pupuntahan lang ako saglit.” Paalam ko sa tatlo at agad akong tumakbo papunta kay Rex. “Rex!” Tawag ko.

“Bakit Lee?” Mabilis niyang tanong at agad huminto sa paglalakad.

“Kamusta ka na? Bakit mag-isa ka lang?”

“Ayos lang ako.” Sagot niya at muling naglakad.

“Rex nakapag-usap na ba kayo ni Sophia?” Tanong ko.

“Oo.” Malungkot niyang sagot.

Sinabayan ko ng lakad si Rex papunta sa pila.

“Ano ba Lee!? May kailangan ka pa ba sa akin!?” Inis na sabi ni Rex.

“Wala naman.” Agad akong bumalik sa pila at iniwan si Rex.

“Ano pinag-uusapan niyo kanina ni Rex?” Tanong ni Ken.

“Kinamusta ko lang siya.”

“Bakit nagkasakit ba siya? Kelan pa kayo naging magtropa ng kumag na yan?”

“Saka ko na ipapaliwanag Ken kung bakit ko siya kinausap.”

“Siguro tungkol na naman ito kay Sophia noh?” Pabulong na tanong sa akin ni Ken kasabay nun ay ang pagtango ko. “ Sabi ko na nga ba eh.”

Ayokong magsalita ng tungkol kay Sophia lalo na't katabi namin si Zoey at baka ano na naman isipin niya. Mabuti na lang at abala sila ni Mika sa pag-uusap kaya hindi kami napapansin ni Ken.

Ilang oras din kaming nakapila at sa wakas ay nakakuha na din kami ng schedule naming apat, same time,  subjects at section pa din kami. Saglit lang din ng makakuha si Rex ng schedule at dali-dali na itong bumaba ngunit minabuti kong sundan siya at muling kausapin.

“Rex, pwede ba tayong mag-usap?”

“Lee hindi ko alam kung nang-iinis ka lang ba o sadyang makulit ka! Ano pa ba gusto mong sabihin sa akin sabihin mo na agad?!” Pagalit niyang tanong.

“Easy lang Rex, andito ako para hindi makipag-away sayo. Gusto ko lang namang kausapin ka tungkol sa inyo ni Sophia kung ayos na ba ang lahat sa inyong dalawa?”

“Diba sinabi ko na sayo kanina yan na ok na? Wala na akong dapat pang ipaliwanag sayo, kaya pwede lang Lee tigilan mo na ako dahil tinigilan na din kita.”

Sa pagtalikod sa akin ni Rex ay siya namang pagtunog ng cellphone naming dalawa. Sabay naming tinignan ang cellphone naman at nagkatinginan na lang kami.

“Si Sophia!” Sabay na sabi namin.

Mabilis kaming tumakbo ni Rex palabas ng school at naghanap ng masasakyan taxi patungo sa lugar nila Sophia.

“Ngayon na pala flight ni Sophia!” Sabi ni Rex.

“Hindi ko alam, wala siyang nabanggit sa akin nung huli naming pag-uusap.” Sagot ko na tila nalilito.

“Akala ko matagal pa, bakit biglaan naman ata.” Sagot ni Rex.

“Baka ayaw niyang ipaalam ang araw ng pag-alis niya para hindi tayo mag-alala.”

“Hindi mag-alala? Sa tingin mo hindi ba tayo nag-aalala sa ginawa niya?”

“Huwag kang magalit sa akin Rex dahil hindi naman ako si Sophia.”

“Imposibleng hindi mo alam ang pag-alis niya Lee.”

“Kung alam ko lang di sana pagkatapos pa lang ng enrollment dumiretyo na ako sa kanila.”

“Kelangan ko siyang maabutan.” Aligagang sabi ni Rex.

“Bakit pipigilan mo ang pag-alis niya?”

“Hindi. Gusto ko lang siyang makita at makapagpaalam kahit sa huling pagkakataon man lang.” Seryosong sagot ni Rex at nadama ko ang lungkot na nadarama niya.

Napalingon na lang ako sa paligid ko habang nakasakay kami ni Rex sa taxi. Pareho kaming hindi mapakali. Parang gusto kong huminto ang oras maabutan lang namin si Sophia.

Habang patingin-tingin kami sa aming relo ay bigla namang huminto ang taxing sinasakyan namin ni Rex.

“Anong nangyari kuya?” Tanong ni Rex.

“Naflatan ata tayo.”

“ANO!?” Sabay na sabi namin ni Rex.

“Anak ng! Bakit ngayon pa!” Napatapik na lang sa kanyang noo si Rex.

“Manong ito po yung bayad namin. Tara Rex takbuhin na natin medyo malapit naman na.” Aya ko kay Rex at wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin.

Malapit naman ang tinirikan ng taxing sinasakyan namin ni Rex kanina kung ikukumpara mo ito ay mula sa Shaw Blvd hanggang Ortigas lang.

“Dalian mo Lee!” Sigaw sa akin ni Rex.

“Teka lang!” Hingal kong sagot.

“Ano ba yan Lee! May sakit ka ba sa baga! Bakit hiningal ka agad!”

“Nakakapagod tumakbo.”

“Ikaw nagsabi na takbuhin na natin. Kaya dalian mo dyan!”

“Sabi ko nga.” Mabilis akong tumakbo at sinabayan si Rex.

Nang malapit na kami sa bungad ng Village na tinitirhan ni Sophia ay aking napansin ang isang kotseng kakalabas pa lang. At sa pagtitig ko ay aking nakita si Sophia sa loob at mukhang tulala ito.

“Teka lang Rex!”

“Ano na naman Lee?! Malapit na tayo oh!”

“Si Sophia.”

“Ano?! Ano si Sophia?! Kelangan nga natin siyang maabutan alam mo ba yun!”

“Si Sophia, andun sa kotseng yun!” Hingal kong sagot habang nakaturo sa kotse.

Napatingin si Rex sa kotseng tinuro ko.

“Tara Lee!” Agad na hila sa akin ni Rex.

“Hindi natin mahahabol yun kelangan nating sumakay ulit ng taxi.” Sagot ko.

Mabuti na lang at may paparating agad na taxi kahit minalas kami nung una ay swerte naman kami ngayon.

“Manong sundan mo po yung kotse na yun.” Sabay turo ko sa kotse nila Sophia.

Sumunod naman si Manong taxi driver sa sinabi ko at sinundan ang kotseng sinabi ko sa kanya.

“Bilis! Bilis!” Mahina ngunit naiiritang sabi ni Rex sa sarili niya.

“Pwede bang magrelax ka lang diyan pati ako nahahawa sa pagiging iritable mo.” Sabi ko kay Rex ngunit tinignan lang ako. “Iisa lang ang pupuntahan niyan kundi sa Airport lang.”

“Paano ako magrerelax Lee, kahit sa Airport pa bagsak niyan kinakabahan pa din ako paano kung maflatan ulit itong sinasakyan natin?”

“Huwag ka ngang mag-isip ng nega diyan.”

Nanahimik na lang si Rex ngunit ramdam ko ang kaba sa kanya.

“Tiwala lang maaabutan natin siya.”

Nakakatawang isipin na magkasama kami ni Rex ngayon para lang mahabol ang ex ko at ex niya. Ang babaeng pareho naming minahal at ang babaeng pareho din kaming iniwan.

Tahimik lang kami ni Rex sa taxi pero alam namin sa isa't-isa na may gusto kaming sabihin.

“Kung hindi ko siguro ginawa ito, kung hindi siguro ako naghiganti sa iyo, kung hindi ko siguro inagaw sayo si Sophia, siguro hindi ko ito dadanasin, malamang wala ako ngayon sa kalagayan ko.” Seryosong sabi ni Rex.

“Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo kung nagmahal ka ng maling tao. Maging masaya ka na lang na naging bahagi siya ng magulo mong buhay.”

“Sa sobrang galit ko kasi sayo noon kaya mas pinili ko ang magulong buhay na ito. Hindi ko naman kasi akalain na aabot tayo sa ganito.”

“Wala naman kasing makakapagsabi kung ano ba ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Ginusto mo yan kaya dapat panindigan mo na lang.”

“Sa totoo lang hindi pala masaya ang manggulo ng buhay ng iba. Ang mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba kahit alam mong hindi naman siya magiging sayo. Maling-mali ako dun Lee, ngayon ako pa itong nasasaktan. Akala ko kapag nasaktan ka magiging masaya na ako dahil nakaganti na ako sayo.”

“Isa lang ibig sabihin nun Rex kung bakit hindi ka naging masaya. Dahil yung ginawa mo sa akin ay hindi ko naman talaga ginawa sayo noon.”

Mahinahon lang kaming mag-usap ni Rex para bang walang alitang namamagitan sa aming dalawa. Pareho kaming nasa likuran ng taxi pero may distansya pa ring namamagitan sa amin.

“May isang hiling si Sophia sa akin nung huli naming pag-uusap.”

“Ano yun Lee?”

“Kaibiganin daw kita, dahil mabuti ka naman talagang tao. Mali daw ang husga ko sayo mula umpisa.”

Napatingin lang sa akin si Rex ngunit mabilis din siyang umiwas ng tingin.

“Hindi ko kailangan ng kaibigan.” Sagot ni Rex.

“Mali ka diyan Rex. Dahil sa buhay ng tao kaibigan ang hindi pwedeng mawala sa kanila. I can offer my self to be your friend.”

“Pag-isipan ko.”

“Huwag mo ng pag-isipan, ngayon pa lang nag-uumpisa na ang pagiging magkaibigan natin eh.”

Huminga ng malalim si Rex at bigla na lang napatingin sa may unahan ng huminto na ang kotse nila Sophia.

“Kuya pakihinto na po. Ito po yung bayad.” Sabi ni Rex at sa pagkakataong iyon siya naman ang nagbayad ng pamasahe namin. “Bumaba na tayo Lee!”

Tumakbo kami ng mabilis ni Rex para mahabol si Sophia at ang kanyang pamilya bago pa sila makapasok ng Airport.

“Sophia!” Tawag ni Rex at agad naman itong napalingon.

“Rex? Lee? Anong ginagawa niyo dito?” Nagtatakang tanong niya.

“Natanggap kasi namin yung text mo kaya bigla kaming napasugod dito.” Sagot ko.

“May sasabihin ba kayo bakit niyo pa ako hinabol?” Natatawang tanong niya ngunit andun yung lungkot na nadarama niya.

Kilala ako ng Mama ni Sophia dahil naging ligal kami sa kanila pero hindi kami ganun nakakapag-usap kaya andun pa din yung hiya ko. Hindi ko lang alam kay Rex kung kilala din ba siya ng Mama ni Sophia.

“Gusto ko lang na... Gusto ko lang magpasalamat sayo sa lahat ng nagawa mo sa akin. Lahat ng itinuro mo at lahat ng masasayang bagay na naibahagi mo sa akin. Salamat sa pagbibigay mo ng chance sa akin at sa pag-iintindi.” Malungkot na sabi ni Rex.

“Salamat din Rex dahil naging bahagi ka ng buhay ko. Salamat kasi andiyan ka nung kailangan ko ng karamay, sana maging masaya ka na.” Sagot ni Sophia kay Rex ngunit  napatingin din siya sa akin.

Nailang ako sa pagkakatitig sa akin ni Sophia.

“Lee may sasabihin ka ba?” Tanong niya.

“Wala, nasabi na kasi lahat ni Rex.” Pabiro ko ngunit sa isip ko ay pumapasok lahat ng alaala namin ni Sophia.

“Sophia tara na.” Aya ng Mama ni Sophia.

“So paano? Papasok na kami, mag-iingat kayo lagi ah? Someday we will meet again .” Kasabay nun ay ang maliit na ngiti niya.

Nagsimula na silang maglakad papasok at sa pagkakataong iyon naisipan kong tumakbo at habulin ulit sila.

“Sophia!” Tawag ko at huminto siya para lumingon. Nakita ko ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

“Lee!” Tumakbo si Sophia para yakapin ako ng mahigpit kahit sa huling pagkakataon man lang. “Mamimiss kita! Sobrang mamimiss kita.” Sabi ni Sophia at nagsimula na ngang gumaralgal ang boses niya dahil sa pagpigil ng kanyang iyak.

“Mag-iingat ka lagi doon, mamimiss din kita.” Sagot ko at tinignan siya. “Tahan na, huwag kang umiyak papanget ka niyan.” Sabay punas ko ng mga luha niya sa kanyang pisngi.

“Alagaan mo ang sarili mo at mag-iingat ka lagi Lee, tulad ng pag-ingat ko sayo dati.”

“Gagawin ko yun para sayo.”

“Sorry sa lahat ng nagawa kong mali sayo Lee sa lahat ng sakit na naibigay ko sayo, labis kong pinagsisihan yun. Sana huwag kang magbago para sa ibang tao.”

“Lee salamat sa pag-aalaga mo dati sa anak ko, sa pagiging mabuting boyfriend mo dati sa kanya sana naintindihan mo ang sitwasyon namin kung bakit namin ito kailangang gawin.”

“Naintindihan ko po Tita.” Nakangiti kong sagot.

“Bye Lee. Isipin ko na lang na magbabakasyon lang ako ng maraming taon doon.” Sabay kaway sa akin ni Sophia at ganun din ang kanyang Mama.

Nakadama ako ng lungkot pero hindi na ganun kalala dahil maluwag na din sa kalooban ko ang pag-alis ni Sophia. Sigurado naman akong magiging masaya siya doon gaya ng pagiging masaya niya dito sa Pilipinas.

“Mamimiss ko siya.” Biglang sabi ni Rex sa akin na nasa likuran ko pala.

“Panigurado lahat ng masasayang alaala niya dito babaunin niya doon.”

“Tama ka Lee kaya walang dahilan para malungkot din tayo.” Biglang ngiti ni Rex.

“Marunong ka din pa lang ngumiti?” Pabiro ko.

“Siraulo ka! Syempre naman. Anong tingin mo sa akin istatwa?”

“Hindi naman.” Pangiti kong sagot.

“Napag-isipan ko na ang alok mo sa akin kanina Lee. Sige, pumapayag na akong maging kaibigan mo.” Sabay abot ng kanyang kamay sa akin.

“Alright!” Kinamayan ko siya tanda ng pagsisimula ng aming pagkakaibigan. “Salamat at tinanggap mo alok ko sayo.”

“Naisip ko kasi na marahil tama ka, at minulat din ako ni Sophia kanina.”

Waka kaming magawa ni Rex kaya nagkwentuhan muna kami habang naglalakad. At nang may eroplanong papalipad na ay sabay kaming napahinto at tiningala ito.

“Sa tingin mo diyan kaya nakasakay si Sophia?” Tanong ni Rex.

“Malay natin.”

Nagkatinginan kami ni Rex at para bang alam naming dalawa ang tumatakbo sa isipan namin. Tumakbo kami ni Rex at hinabol ang eroplanong nasa himpapawid.

“Sophia!! Mag-iingat ka!!” Sigaw ni Rex kahit hingal na hingal siya sa paghabol.

Hindi ko siya masisisi kung bakit siya ganyan. Minahal niya talaga si Sophia ng sobra.

“Sophia!! Mamimiss ka namin!!” Sabay sigaw ko din habang nakatingin kami sa eroplanong nasa ere.

Inakbayan ako ni Rex at nginitian at sabay kaming nagtawanan kahit walang dahilan. Ang alitan namin dati ni Rex ay napalitan na ng pagkakaibigan hindi ko akalain na pwede pa lang magsama ang kabutihan at kasamaan. Joke.

Continue Reading

You'll Also Like

285K 19.9K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
627K 34.6K 148
Vebbiana, Ang babaeng walang hinangad kundi ang malaman ang totoo at mamuhay ng maayos at payapa. The girl that hate people around her. Dahil sa sobr...