Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

741K 28.3K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 15

10.5K 457 125
By LadyAva16

Dahil sa payo ni Lolo na wag na lang akong pumunta sa mansion ng mga Sandoval, nandito ako ngayon sa bahay nag-iisa. Nakahanda na sana ang mga susuotin kong dress at shoes na padala ni senyorito pero heto ako nakatitig lang sa mga ito ngayon. 

Si Lolo kasama ang iba pang mga trabahante ng planta ay kanina pa pumunta doon para tumulong. Iniwanan niya pa akong ng pagkain bago ito umalis. Ilang ulit niya pang sinabing dito lang ako sa bahay at wag aalis.

Kanina pa ako patingin-tingin sa cellphone ko, nagbabaka sakali na may text galing kay senyorito pero wala akong natanggap. Maliban sa bulaklak at note na pinadala niya kaninang umaga hindi na ito nagparamdam  ulit sa akin. Ayoko namang magtext ulit sa kanya at baka madami siyang ginagawa ngayon. Hindi rin naman siya nagreply sa akin nung sinabi kong natanggap ko ang pinadala niya. Ayoko ring maka-istorbo sa kanya. Tama na yung nagpasalamat ako sa bulaklak at damit na pinadala niya sa akin. 

"Camilla, handa ka na ba? Tara na!" dinig ko ang boses ni Amor, mula sa labas ng bahay. "Wag kang masyadong magpaganda at baka mahihiya ang bisitang mag-utos sayo."

Dali-dali kong binuksan ang pintuan para tingnan siya. Nakasuot ito ng itim na pantalon at puting t-shirt na may tatak, Sandoval Angels. Tawag sa mga skolars ng mga Sandoval. Mukhang pinasadya ito para sa okasyon ngayon.

"Hi Amor! Napadaan ka?"

 Nagulat ito sa tanong ko at kunot noong pinasadahan ang pambahay kong damit.

"Hala! Bakit di ka pa nagbibihis? Malapit ng magsimula ang party. Di ka ba pupunta?" Sunod sunod niyang tanong sa akin. "Bilisan mo, hintayin kita para sabay na tayo. Ang sabi pa naman ni nanay kailangan ang mga skolars doon para tumulong. Madami daw bisita ang dumating. Yung iba taga Maynila tapos yung iba mga politiko."

Hindi na ako magtataka dahil kilalang tao ang mga Sandoval. Malamang mga mayayamang tao hindi lang taga rito sa probinsya  kundi pati na rin sa mga karatig lugar.  

"Anong nangyari at di ka pa nagbibihis?"

"Hindi ako sinabihan ni Lolo na kailangan tayo doon." sagot ko sa kanya. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan para tuluyan itong makapasok. "Kailangan ba talaga pumunta tayo? Baka naman ayos lang kung hindi ako pupunta."

Lalong kumunot ang noo ni Amor sa akin. "Bakit di ka pupunta, may sakit ka ba?" Kinapa niya pa ang noo at leeg ko para tingnan kung mainit ako. "Hindi ka naman mainit, anyare? Nakita ko si Banoy dito kanina ah. May dalang bulaklak at paper bag. Tinanong ko kung para kanina ang sabi niya sa akin para daw sayo. Yun ba susuotin mo?"

"Ahm..." hindi ko alam kung paano ko sabihin sa kanyang hindi ako pupunta. " Hindi nalang ako pupunta, Mor. Wala kasing magbabantay dito sa bahay."  

"Bakit lalakad ba itong bahay ni Lolo Ignacio na kailangang bantayan? Hello! As if naman ngayon lang naiwan tong bahay ni Lolo. Ilang taon na kaming nakatira dito wala pa namang nababalitang nilooban tong bahay ni Lolo IG."

Oo nga naman. Ang tanga ko sa part na yun. Tsaka pwede ko namang -e lock ang mga pintuan. 

"Tara na magbihis ka na! Sayang naman yung wanpayb na ibibigay sa atin kung hindi ka pupunta, pandagdag na din yun sa allowance natin ngayong pasukan. Tsaka pili lang din ang imbitado sa mga skolars." 

Malaking halaga na yung one thousand five hundred para sa amin ni Lolo. Wala naman sigurong masamang mangyari sa akin kapag pupunta ako. Magse-serve lang naman kami sa mga bisita.

"...pero kung ayaw mo, si Meling na lang ang ipapalit ko."dagdag niya pero agad akong umiling. Sayang ang one five, pandagdag na yun sa budget namin ni Lolo.  "Ano game ka?"

"Paano yan wala akong t-shirt kagaya ng sayo." sabi ko sabay turo sa t-shirt niyang may tatak Sandoval Angels. 

"Ano pala yung hinatid na damit ni Banoy kanina? Hindi ba ganito?" umiling ako. "Bakit ano yun? Baka magde-dress ka, e di magmumukha kang bisita ng mga Sandoval pag ganun." 

Parang ganun nga kung yung dress na pinadala ni senyorito Gaston ang susuotin ko. 

"Patingin nung hinatid ni Banoy." pero natigil siya pagkakita sa damit na naka-hanger. "Ay ito ba?" sabi niya na nakatingin dun sa damit. Nahihiya akong tumango sa kanya. 

"Huy bakit iba sayo? Maypa-dress ka samantalang kami t-shirt lang? Ang unfair ni Banoy ha! Pero, ghorl ang bongga nito." namamangha niyang sabi. Oo bongga talaga yung damit. Halatang mamahalin, pati na yung terno nitong sapatos. "Siguradong mapagkakamalan kang isa sa mga mayayamang bisita ng mga Sandoval pag ito ang sinuot mo. Ikaw lang yung maiiba sa amin, pero okay lang din naman kung ito ang susuotin mong damit. Ito ang pinadala sayo eh."

"Hindi ko susuotin yan." mabilis kong tanggi sa kanya. Gustuhin ko mang suotin yun, tama si Amor ako lang ang maiiba sa kanila. 

"Kavogue ka dito, Cam. Bet ko yung damit para sayo. Ito nalang suotin mo. I'm sure 'pag ito sinuot mo, madaming mapapalingon sayo."

At yun ang ayaw kong mangyari. Ayaw kong maging center of attraction. Ni ayaw kong napapansin ako ng mga tao. 

"Okay lang ba kung ibang blouse nalang susuotin ko? May white akong blouse doon, meron din akong black pants."

Hindi naman siguro sila magagalit kung iba ang suot ko. Maliban na lang kung andun sina Roda at Minggay dahil pag nagkataon iisipin naman ng mga yun na gusto ko talagang maging iba sa kanila.

"Okay na yun, hindi na nila mapapansin yun. Akong bahala sayo. Mamaya kung may extrang t-shirt doon na kagaya nitong amin manghihingi ako para sayo."

Nagpaalam ako sa kanyang magbibihis muna. Hindi na ako nagpaalam kay Lolo Ignacio na pupunta ako. Lalapitan ko nalang siya doon mamaya kapag nakita ko siya. Mabilis akong nagbihis ng damit gaya ng sinabi ko kay Amor. White fitted blouse and black high waist pants. 

Hindi na rin ako naglagay ng kung ano-ano pa sa mukha ko para  maiwasang makuha ang atensyon ng iba. 

"Tara na Amor. Baka ma-late na tayo." aya ko kay Amor pagkalabas ko ng silid. Nakatayo pa ito at hinahagod ang tela ng damit na pinadala ni senyorito. Sayang ang ganda pa naman sana kaso hindi ko maisusuot. 

"Amor, tara na!"

"Hala!" eksaherada pa itong nagulat. "Bakit ang ganda mo naman, Camilla? Hindi ka nga nagdress pero mapapansin ka rin sa suot mo."

Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong damit. Simple lang naman ito kagaya lang din sa kaniya, black and white ang kaibahan lang hapit ang blouse sa katawan ko pati ang aking pantalon kaya na-eemphasize ang kurba ng aking katawan. 

Hindi na nga ako naglagay ng make up. Nagpulbo lang ako at konting lip at cheek tint tapos pina-curl ko lang ang mahahaba at makapal kong pilik mata. Ang mahabang buhok ko naman ay malinis ang pagkapusod at ang tira ay tinirintas ko para malinis tingnan. 

"Ang unfair talaga ng buhay! Siguro nung nagsabog ng kagandahan ang langit gising na gising si mudra mo at nasalo lahat para sayo. Si nanay kasi tutulog-tulog eh, yun tuloy mga consolation prices nalang yun nakuha para sa amin ni Meling. Mga tira-tira nalang!" nakabusangot pa ang mukha nito. Ang maliit niyang mata ay lalong lumiit dahil sa pagsimangot niya. "Partida pa nga yang damit mo. Paano nalang kung itong dress ang sinuot mo? Tiyak mapapalingon sayo ang ibang bisita doon."

Naiiling akong natawa sa kanya. Ewan ko ba dito kay Amor panay pamumuri nito sa akin na kung tutuusin hindi naman ako ganun kaganda. Iba lang yung kulay ng mga mata ko at medyo maputi lang ako kaya nasasabi nilang maganda ako. 

"Gwapa  jud ka kaayo Camilla ay. Kapag talaga ako nag-asawa na at nabuntis , ikaw ang paglilihian ako. Swerte ng magiging asawa mo, hundred percent sure na sa magandang genes. Hindi lang maganda, matangkad, matalino at higit sa lahat mabait."

Kinuhanan niya ako ng picture, solo ko, tapos kaming dalawa. Epo-post niya daw sa fb at instagram. Ang dami pa nitong pambobola sa akin tatawa-tawa lang ako sa kanya. Natigil lang ito sa pamumuri niya ng makarinig kami ng serbato ng motor mula sa labas. 

"Andyan na si Jepoy. Tara Cam!" mabilis siyang tumayo. 

Nagdadalawang isip pa ako dahil hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Jepoy tungkol dun sa sinabi niya kay Senyorito Gaston na nobyo ko siya. Pero nahila na ni Amor ang palapulsuhan ko at kung tatanggi baka ma-late pa kami sa party. 

Naunang lumabas si Amor dahil sinigurado ko pang naka-lock ang lahat ng pintuan. Mahirap na at baka may makapasok dito sa bahay namin ni Lolo. Pagkatapos masigurong na-lock ko na ang lahat saka pa ako pumnta kina Amor. 

Hindi lang pala si Jepoy ang nasa labas, pati si Longlong ay nandun din. Parehas silang dalawa may dalang motor. 

"Hi Cam sa akin ka sasabay." Si Jepoy na unang nakakita sa akin, malapad ang ngiti niya. Aayaw pa sana ako dahil nag-aalala akong baka magselos si Gaston kapag nakita niya akong nakasakay sa motorsiklo ni Japoy pero nauna ng umupo si Amor sa motor ni Longlong. 

"Tara na Camilla, male-late na tayo. Nagtext na sa akin si nanay, madami na daw bisita doon." 

"Galing na kami ni Jepoy doon, madami ng mga bisitang dumating." dagdag ni Longlong. Nag-aalangan man ayoko namang maging dahilan para lalo kaming ma-late sa party kaya sumakay na ako sa likod ni Jepoy.

Naunang umalis si Longlong at Amor pagkakita nilang sumampa na ako sa motorsiklo ni Jepoy. 

"Hawak ka sa akin, Cam." 

Napapitlag ako ng hinawakan  ni Jepoy ang kamay ko para iyakap sa bewang niya. Hindi ko sinadsadya pero hindi ako komportableng humawak sa kanya. 

"Baka mahulog ka, Cam" mahinahon niyang sabi. Siguro naramdaman niyang hindi ako komportable.

"Ayos lang ako Jepoy, wag kang mag-alala." sagot ko. Nilagyan ko ng distansya ang pagitan namin saka humawak ako sa bandang likuran ng inuupuan ko. 

Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ni Jepoy bago niya pinasibad ang motor niya. Tahimik kaming dalawa sa byahe, dahan-dahan lang din ang pagpapatakbo niya. Hindi ito ang unang beses na nakasakay ako sa motorsiklo ni Jepoy pero nung mga nakaraan palaging kasama ko si Amor at ako ang palaging nasa hulihan. 

"Ang bagal ng takbo niyo, akala namin saan ka na dinala ni Jepoy, Cam" biro ni Longlong. Tipid lang akong ngumiti at ganun din si Jepoy. Mabilis akong bumaba sa motor ni Jepoy at lumapit kay Amor.  Akala ko nauna na silang dalawa pumasok pero hinintay pala nila kami ni Amor. 

 "Tara Camilla doon tayo sa bandang likuran." aya ni Amor sa akin. Hawak niya ang palapulsuhan ko at nagpapatianod lang ako sa kanya. Si Jepoy at Longlong ay naghanap pa ng mapaglagyan ng motor nila. 

Ito ang unang beses kong makapasok dito sa mansion ng mga Sandoval. Ang ganda at ang laki pala talaga ng bahay nila. 

"Cam, mukhang hindi ka na makakapagpalit ng damit. Nagsisimula na eh. Pero wag kang mag-alala, if makatyempo tayo mamaya, hahanapin kita ng extra." tumango lang ako sa kanyaa. 

Nagmamadali kami ni Amor na pumunta doon sa likurang bahagi ng mansion. Mukhang marami ngang bisita dahil sa labas pa lang ang dami ng magagndang sasakyan ang nakaparada. 

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nagbabaka sakaling makita ko ang senyorito pero wala akong nakita ni anino niya. 

Saan kaya siya?

"Doon ang party malapit sa may pool area Cam, pero tayong mga skolars ay dito lang. Tayo ang maghahanda ng mga pagkaing dalhin doon ng mga naka-assign na waiters,  kagaya nun." tinuro niya ang mga lalaki at babaeng naka-uniporme ng itim. Suot ng mga ito ang uniporme kagaya nung mga  waiters sa hotel. 

"Oh, nandito na pala ang..." pero hindi naituloy ni Roda ang sasabihin niya pagkakita niyang nakatingin ako sa kanya. "Tara Minggay doon tayo at baka mahawa tayo sa...alam mo na. Feeling maganda!" parinig nila sa akin bago lumayo. Inirapan pa ako ni Roda na agad nakita ni Amor.

"Huy! Roda, Dominga!" tawag niya sa dalawa. Nakataas ang isang kilay ni Amor pero mataray ding tumingin si Roda at Minggay sa kanya. "Ang ampalaya inuulam, hindi inuugali. Wag kayong bitter kay Camilla dahil hindi kayo nakakalahati sa ganda niya."

"Amor!" pigil ko sa kanya.  Hahabol pa sana si Amor pero mabilis ko na itong nahawakan.

"Hindi naman yan maganda, maputi lang!" 

"Oh share mo lang?" mataray na sagot ni Amor sa kanya. Nanggigil na kay Roda na ngayon ay hawak na din ni Minggay.  "Kung hindi maganda si Camilla paano ka nalang? Pangit ka na nga, pangit pa ugali."

"Oh talaga? Tingnan lang natin mamaya."

"Mukha mo, pwet lang ni Camilla. Bruhang 'to! "

"Amor, stop!" Ako na ang humila sa kanya palayo kina Roda. Kandairap pa silang dalawa ni Minggay sa akin bago sila lumayo. 

"Ano ka ba, hindi mo kailangan makipag-away sa kanila. Mabuti nalang walang nakarinig sa atin at baka mapagalitan pa tayo, or worst ma-warningan pa tayo sa skolarship natin."

Isa sa mga core values ng Sandoval foundation ay ang pagiging mabait sa kapwa lalo na sa mga kapwa skolars.

"Apaka maldita kasi ng Rodang yun. Nabalitaan ko yung pang-aaway niya sayo nung may distribution ng allowance. Hindi mo naman inaano, maldita lang talaga. Paano insecure kasi sa ganda mo. Kuuu pasalamat siya at wala ako nung inaway ka niya kundi ingungudngod ko pagmumukha niya doon sa balat ng durian. Tingnan natin kung makapagyabang ba ang bruhang yun."

"Wag ka nang makipag-away. Hayaan mo nalang yan si Roda at Minggay." sabi ko nalang para tumahimik na siya. Maya-maya ay dumating si Jepoy at Longlong  pero hindi rin nagtagal dahil may pinabuhat sa kanila. Kami ni Amor ay nagsimula na ring tumulong sa ibang kasambahay. 

Wala naman masyadong trabaho dahil may buffet naman daw doon sa malapit sa may pool area. Meron ding mga waiters na naka-assign na doon. Kaming mga skolars ay naghihintay lang kung anong iuutos. 

Meron ding nakahiwalay na area para sa mga tauhan ng hacienda at ang sabi ni Amor doon kami makikikain. 

"Camilla, ba't andito ka?" 

Nagulat ako sa naging reaksyon ni Lolo. Nakasulubong ko siya dahil may hinatid akong inumin doon malapit sa may pool area.

"Diba sabi ko sayong wag ka na pumunta dito. Bakit pumunta ka pa?" magkahalong wmosyon ang nakikita ko sa kanya, galit na may halong pag-aalala.

"Lolo, sinundo po ako ni Amor sa bahay kanina. Hindi na ako nakapagpaalam sa inyo dahil nagmamadali na kami. One thousand five hundred daw ang bayad sa aming mga tutulong ngayon dito Lo kaya pinatos ko na, sayang naman. Kumain na po kayo? Tara doon Lo. merong pagkain--- "

Pero hindi ko na natapos dahil mabilis na hinawakan ni Lolo ang palapulsuhan ako at hinila ako palayo sa kung saan nagsisimula na ang party. Palinga-linga pa si Lolo na parang may iniiwasan. 

"Uuwi na tayo, Camilla.  Diba masama pa pakiramdam mo hindi ka na dapat pumunta dito." 

"Lolo, ayos lang po ako---" pero hindi ko rin natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumilpot si Amor. 

"Cam, tara, pinatawag daw ang mga skolar ni senyora Elizabeth. Doon daw tayo malapit sa may pool area." si Amor na nagmamadali pa. "Lolo IG, tara magsta-start na daw ang announcement. Pinatawag ka na rin ni Aling Edna. Andun na sila ni Nanay." 

"Ladies and gentlemen. Good evening!" Anunsiyo ng host. "Tonight we'll be celebrating two important events in---"

"Camilla, tara na!" / "Cam, tara!"

Nagkapanabay pa si Amor at Lolo  ng hila sa akin pero mas mabilis si Amor dahil nabitawan ako ni Lolo Ignacio. Nagtataka akong lumingon kay Lolo, bigla nakita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. 

" After a decade of management the Sandoval coconut plantation and durian farm. Tonight, Mr. Gustavo Orion Sandoval will formally hand-over the management to his younger brother, none other than Mr. Gaston Pierre Sandoval."

"Apo, tara na." mahina lang ang pagkakasabi ni Lolo nun pero dama kong may kakaiba sa boses niya. Napansin ko pa ang pagsulyap niya sa bandang stage. Sinundan ko ang tingin niya at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko si Senyorito Gaston na paakyat sa maliit na stage.

"Camilla..."

"Saglit lang po, Lo." hindi ko na hinintay ang sagot ni Lolo pati ang pagatawag ni Amor sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa gilid ng stage pero natigilan ako ng makita kong may sumunod na babae sa kanya. 

"Congratulations, Love!" malakas nitong bati. Nakita kong natigilan si Senyorito Gaston doon pero hindi niya naman sinaway. "Advance happy birthday to you, Love." Aniya saka hinalikan ito sa labi. Nakita ko ang pagkatigagal ni Gaston pero wala pa rin itong ginawa. 

"Everyone let's sing happy birthday to Pierre!" she then exclaimed, smiling wildy at the crowd. 

"Happy birthday to you! Happy birthday to you!" everybody started singing. A  bitter smile crept my lips at the same time my heart started aching inside. I was singing along with them but my eyes are in the verge of crying.

Naramdaman ko ang paghawak ni Lolo sa siko pero hindi ko na siya nagawang lingunin pa. Nagsimula na rin manlabo ang paningin ko dahil sa mga namumuong luha. 

"Happy birthday! Happy birthday!" Nagsitayuan na ang mga bisita at nakikinta na rin. May lumapit na waiter kay Annika at nag-abot ng cake dito. Umakyat din sa stage si Senyora Elizabeth na inalalayan nina Senyor Gideon at Senyorito Gustavo. May waiter na nag-abot ng wine at wine glass sa kanila. 

"Happy birthday to you!" Nilapit niya ang cake kay senyorito. 

"Make a wish, Love!" The crowd cheered as she pulled Gaston for a kiss. 

"W-what's this Annika." I heard him asked her but Annika smiled sweetly at him. She looked beautiful in her black bodycon dress 

"This is my suprise for you, Love. Come on make a wish."

"Come on Gaston, blow your candle!" her mother exclaimed. 

Nakita ko ang pagtitig ni Gaston kay Annika maya-maya'y matamis itong ngumit bago hinipan ang kandila sa cake niya. 

"Advance happy birthday, Love!" Annika exclaimed merrily making the crowd clap their hands.

"Tara na apo." mahinang bulong ni Lolo sa akin pero parang wala akong lakas na umalis. Nanatili akong nakatingin kay Gaston naghihintay na dumako ang tingin niya sa akin pero hindi iyong nangyari. 

"Everyone, listen. I have a special announcement tonight." 

Natahimik ang mga bisita ng biglang magsalita si Senyora Elizabeth. Lahat ng mga mata ay nakatuon ngayon sa kanya. Si Senyor Gideon ay nakatayo katabi ng asawa at ang dalawang senyorito ay nakangiting nakatingin sa mama nila. 

"It's been years that I am asking my two sons for  grandchildren, but none of them give me one." The crowd went wild. Naging maingay ang paligid. Nakita ko ang pagtutulukan ng dalawang sneyorito dahilan para lalong mag-ingay ang mga tao. 

 "But tonight, finally after years and years of praying, my youngest..."

Nakita kong natigilan si Senyorito Gaston sa pakikipagkulitan sa Kuya niya at ang sabay nilang paglingon dalawa sa mama nila. 

"My youngest son Gaston Pierre finally found his forever." 

I saw the shock in his face but my focus was not there anymore. I can feel my heart in now clenching in pain. Parang may maliliit na karayon na tumusok-tusok dito. 

Ito ba ang dahilan kaya ayaw akong papuntahin ni Lolo dito?

"Camilla, apo..." marahang hinila ni Lolo ang siko ko pero malungkot akong tumingin sa kanya saka umiling. Halos hindi ko na rin makita si Lolo sa dami ng luha sa aking mga mata. 

"Ma! What is this?" lumapit pa ito sa mama niya pero ngumiti lang ang ginang sa kanya."Don't kid around, Mama. It's not a good joke."

"Oh, baby, I'm not joking." Hinawakan niya ang mukha ni senyorito. " I know you're with Annika for years now. I'm sorry if uunahan ko na kayo, I'm just excited to tell the news to everyone."

"News? Ma! Please stop!"

"Oh come on son, don't be shy. I knew it already. Don't you want to tell everyone that you and Annika are getting married."

Parang bombang sumabog sa tenga ko ang sinabi ni Senyora Elizabeth pero talagang masokista ako dahil kahit anong hila ni Lolo sa akin hindi ako nagpapahila sa kanya. Gusto kong makita ang reaksyon ni Gaston, gusto kong marinig ang sagot niya. 

"What?!" palipat-lipat ang tingin niya kay Annika at sa mama niya. 

"I'm sorry, Love. I told Mama Beth that we're getting married. Doon din naman tayo papunta diba? We're in a relationship for how many years now."

"What?!" he exclaimed but Annika clung to his nape and gently pulled him closer to him.

"Kiss! Kiss!" the crowd cheer and before he could react Annika already tiptoed and claimed his lips in front of everyone. 

In front of me...

My tears fall seeing her kissing him and he did nothing. My heart hurt at the sight but I remained looking at them without blinking. I was clapping with the people cheering and celebrating with them but my heart is slowly breaking into pieces. 

He finally has decided. Siguro natauhan na ito sa kalokohan niya sa akin. Siguro narealize niyang hindi ako ang babaeng para sa kanya. 

Parang pinipira-piraso ang puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ang tanga ko lang na pinaniwala ko ang sarili ko na posibleng magkagusto sa akin ang isang Sandoval. Ang tanga kong umasa na sa bandang huli kaming dalawa ang kasama ang isa't isa. Pinaasa ko lang ang sarili ko. 

Sa huling pagkakataon, isang sulyap ang binigay ko sa kanya at sa di inaasahang pagkakataon nagtama ang mga tingin namin. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya pero tipid akong ngumiti sa kanya. 

"Baby..." he then pulled himself away from Annika but I shook my head. I tried faking my smile but deep inside my heart is hurting so bad.

"It's okay." I mouthed before I turned my back and ran as fast as I can.

_________________________

08-29-2022


Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 521 35
STATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #01] Four years after the tyranny happened in Lourense's life, she finally got out of her comfort zone. Vhanne...
981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
256K 2.5K 8
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY He is ruthless and untamed. He is cold, strict, and dangerous. Victorious and d...