Against the Wind

By greatfairy

801K 34.9K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 25

12.3K 573 65
By greatfairy

December Blues

KANINA pa ako tinatawag ni Nanay na kumain pero parang wala akong lakas na bumangon at lumabas. Ang hirap pala kapag sekreto lang ang relasyon n'yo. Wala kang karamay pagkatapos ng break up. Nami-miss ko tuloy lalo si BFF Zia Lynn. Wala kasi akong mapagkuwentuhan bukod kay Bambi.

Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa unan at doon humagulgol para hindi nila ako marinig ni Nanay. Pagkauwi ko kasi ay basta ko na lang itinapon ang maleta ko sa kuwarto saka nahiga sa kama at nagkunwaring pagod.

Hindi mawaglit sa isip ko ang mukha ni Puppy Gaston. Nakokonsensya ako sa ginawa ko pero ito lang ang naiisip kong paraan para matulungan siya.

"Sinabi nang ayaw ko na sa 'yo, eh! Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi kita mahal kagaya ng iniisip mo. Akala ko rin mahal kita, pero hindi pala. Kaya hayaan mo na ako, puwede? Pakawalan mo na ako at huwag na tayong magkikita kahit kailan!"

Isinigaw ko iyon sa kanya nang niyakap niya ako mula sa likod. Nakita ko kung paano siya umiyak. Kaya nasasaktan ako. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi ang mga iyon sa kanya. Pero doble ang sakit na balik sa akin ng bawat masasakit na salitang binitawan ko.

Ngayon ko mas naintindihan na hindi kailangang pumasok sa isang relasyon ang dalawang tao kahit na nagmamahalan sila. May kanya-kanya silang responsibilidad kaya may mga taong kailangang magparaya for the greater good. Sapat na sa akin na naging akin siya kahit sa maikling panahon lang.

Ang saklap naman, hindi man lang kami nakapag-celebrate ng first monthsary.

Ngayon naiintindihan ko rin kung bakit tumandang dalaga si Tiyang Sol. Siguro mahal na mahal pa rin niya ang dating ex niya.

Hindi ko na rin kasi nakikita ang sarili kong makipagrelasyon sa ibang lalaki. Kay Puppy lang. Kaya tatandang dalaga na lang din siguro ako.

"Dave, gising mo nga ang ate mo. Mukhang wala siyang balak maghapunan," dinig kong utos ni Nanay sa kapatid ko.

Tumalikod ako at nagtalukbong ng kumot para magkunwaring tulog na tulog.

Naririnig ko ang mga yabag ni Dave papasok.

"Ate, kain na! Ate Divina!"

Niyugyog niya ako. Nagkunwaring umungot lang ako at hinampas siya sa kamay saka bumalik sa pagtulog.

"Ang hirap mo namang gisingin!" reklamo niya.

Mas mahirap kaya gisingin ang nagtutulog-tulugan kaysa mismong tulog. Nakonsensya ako nang slight dahil pati ang pamilya ko ay nadadamay sa kadramahan ng love life ko.

Buti na lang talaga at hindi na ako sinundan kanina ni Puppy pagkalabas ko ng unit niya. Nag-taxi lang kami ni Bambi pauwi. Siguro ay shocked pa rin siya sa ginawa ko. Paano ba naman kasi okay naman kami sa huling dalawang linggo ng pagtatrabaho ko roon.

"Nay, pagod yata si ate. Ayaw gumising," pasigaw niyang sabi.

"Hay naku, hayaan mo na nga lang 'yan. Baka pagod nga sa trabaho. Gigising din 'yan kapag nakaramdam ng gutom. Pakainin mo na lang ang aso niya."

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ni Nanay. Hinintay kong lumabas ng kuwarto si Dave bago ko tinanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ko. Kapag lumabas kasi ako ay tiyak na mapapansin nila ang pamumula ng mga mata ko dahil sa pag-iyak.

Napansin kong umiilaw ang cellphone kong luma. Naka-silent kasi iyon. Iniwan ko sa condo ang cellphone na bigay ni Puppy. Nang tingnan ko ay siya pala ang tumatawag. Kinuha ko iyon saka pinatay.

Pinilit kong matulog kahit na ayaw akong dalawin ng antok. Inabot ako ng madaling araw sa kaiisip ng mga nangyari. Kung hindi pa bumigat ang mga mata ko dahil sa kaiiyak ay hindi pa ako nakatulog.

Naalimpungatan ako nang may yumugyog sa akin nang marahas.

"Divina, gising na! Anong oras na tulog mantika ka pa rin!"

Boses iyon ni Nanay. Napaungot ako bago marahang humarap sa kanya.

"Nanay naman, antok pa ako," reklamo ko.

"Aba, anong petsa na nakahilata ka pa rin diyan. Nakapasok na nga sa eskuwelahan si Dave. At saka bakit ka inaantok? Ang laki na nga ng eye bags mo dahil nasobrahan ka sa pagtulog."

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit. Anong sobra sa tulog? Alas dos na kaya ng madaling kanina gising pa rin ako.

"Anong oras na ba, Nay?"

"Aba'y pasado alas otso na ng umaga. Kanina pa naghihintay si Señorito Gaston sa 'yo. May kailangan daw kayong pag-usapan. Baka may naiwan kang trabaho na ikaw lang ang nakakaalam kaya may itatanong daw sa 'yo. Hindi ka raw matawagan, e."

Napabangon ako nang diretso.

"Na...Nandito si Señorito Gaston?!"

"Aba'y kanina pa. Dito pa nga siya nagkape. Tulog mantika ka kasi. Hala, puntahan mo siya sa kotse niya at ayusin mo muna ang sarili mo. Mukha kang nakipagdamaan sa mga daga."

Bakit pumunta pa siya rito? Huwag niyang sabihing kulang pa ang mga sinabi ko sa kanya kahapon?

Hindi ako magkakaundagaga. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong pulutin. 'Yong salamin ba o suklay. Mabilis ako tumalilis papasok sa banyo para maghilamos at magsuklay kaunti. Pinalitan ko rin ang suot kong damit ng maluwag na t-shirt pero naka-pajama pa rin ako sa ibaba.

Lumabas ako at tinunton ang kotse niyang nakaparada sa hindi kalayuan. Kinabahan ako. Buti na lang wala pa ring ideya si Nanay sa naging relasyon namin. Kung hindi ko naman siya haharapin ay magtataka sila Nanay.

Bumibilis ang pintig ng puso ko habang papalapit sa kotse niya. Awtomatikong bintana nito nang ilang hakbang na lamang ako. Nakasuot siya ng aviators kahit sa loob ng kotse. Nakabihis din siya ng pormal. Ang guwapo talaga ng ex ko. Paranga ang sarap balikan.

"Get in," utos niya nang mapansin niyang tumigil ako sa tapat ng bintana ng kotse.

Umiling ako. Ayaw ko ngang pumasok. Baka bigla niya akong kidnapin.

"Ano'ng kailangan n'yo, Señorito?" pormal kong tanong.

Umigting ang kanyang panga saka napabuga ng hangin.

"Hindi ka papasok? Fine."

Nanlaki ang mga mata ko nang akmang lalabas siya ng kotse kaya dali-dali nga akong sumakay at naupo sa tabi niya.

Agad na nanuot sa balat ko ang buga ng aircon sa loob ng sasakyan. Dinig ko ang mabigat na pagbuga niya ng hininga. Itinaas niya pabalik ang bintanang nasa tabi ko. Tiyak na hindi kami nakikita rito dahil tinted ang kotse niya.

"Have you cleared your mind?" tanong niyang hindi nakatingin sa akin.

Napatanga naman ako. "Huh?"

"I will accept your apology if you will take back everything that you have said yesterday."

Kinunutan ko siya. "Apology? Bakit naman ako magso-sorry? Wala naman po akong dapat ihingi ng sorry."

Kumuyom ang kamao. Nagpatay-malisya lang ako.

"Ah, alam ko na. Sorry kasi sinayang ko lang ang oras at effort ninyo sa akin. I'm sorry talaga, Señorito—"

Hindi ko na naituloy ang sinabi ko nang bigla niyang sinakop ang mga labi ko. Ramdam ko ang panggigigil niya. Nakakabaliw at nakakaliyo. Pero bago pa man ako mahulog sa patibong ng mga labi niya ay mabilis ko siyang itinulak saka pinahid ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko.

"Señorito, hindi dapat kayo nanghahalik basta-basta!"

"One more wrong word and I will kiss you again," may pagbabantang sabi niya.

Tinakpan ko ang mga labi ko.

"Do you really think I will buy your alibis? I know you still love me. I can feel it. You can't just fall out of love on a whim."

Napayuko ako. Bakit kaya ang tigas ng ulo ng lalaking 'to? Imbes na nasa opisina siya ngayon para magtrabaho, bakit pa siya pumunta rito? Nagkunwari akong tila nauubusan na ako ng pasensya.

"Señorito, alam ko naman na malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa inyo. Pero huwag mo naman sanang ipilit ang mga bagay na hindi puwede. Sorry. Alam kong kasalanan ko dahil akala ko gusto kita, pero wala talaga. Hindi ko naman sinasadya na masaktan kayo. Mayaman kayo, matalino, successful, at mabuting tao. I'm sure marami pa kayong makikilalang babae na mas bagay sa inyo."

Nginitian ko siya. Iyong ngiting nanghihingi ng paumanhin. Dahil nakasuot siya ng aviators ay hindi ko nakikita ang mga mata niya. Pero pansin ko ang panginginig ng mga kamay niyang nakahawak sa steering wheel.

"So, you were just lying to me all this time?"

Marahan akong tumango. Nanikip ang dibdib ko. Mabuti na lang at hindi kumikidlat. Baka kanina pa ako natamaan sa dami ng kasinungalingang sinabi ko.

"I'm sorry, Señorito. Kung galit kayo sa akin dahil sa nagawa ko, sana huwag ninyong idamay ang pamilya ko. Wala silang kinalaman dito."

Tumingala siya. Napansin ko ang pamumula ng leeg at tainga niya.

"Get out," malamig na anas niya.

Tumango ako saka mabilis na lumabas ng kotse. Walang lingon-lingon akong bumalik sa bahay saka pumasok sa kuwarto para doon ibuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Inilibing ko sa unan ang mukha ko para hindi ako marinig ni Nanay.

Narinig ko ang pag-andar ng kotse niya. Bumangon ako at tinanaw sa bintana ang pag-alis niya.

I'm sorry, Puppy.

"Divina, tulungan mo akong mag-ayos ng Christmas tree!" pasigaw na tawag ni nanay.

Napangiwi ako sabay pahid ng mga luha ko.

Kasali na ako tropang SMMP. Samahan ng mga malalamig ang Pasko.

...

MABUTI na lang at hindi napansin nina Nanay na may nagbago sa pakikitungo ko kay Señorito Gason noong huling punta niya rito sa bahay. Mabuti at hindi na siya bumalik pa at nangulit. Siguro ay abala rin siya sa pag-aayos ng negosyo. Mabuti na rin sigurong hindi namin nakikita ang isa't isa para mabilis kaming maka-move on.

Araw-araw akong nagdarasal na sana malutas na nila ang problema sa kompanya. Mukha namang mahal na mahal siya ni Shelley kaya hindi na siya lugi.

Basta ako, hindi ako magmo-move on.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni marinig kong may kumatok. Lumayo ako sa bintana sa lumabas sa kuwarto. Wala kasi sina nanay at Dave, nasa mall pa yata sa bayan. Si tatay naman ay nasa mga kaibigan niya.

Gusto ko na sana lumuwas ng Maynila pero ang sabi ni Nanay ay patapusin ko raw muna ang Pasko at New Year's eve.

"Sino po ba ang—"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang bumungad sa akin.

"Teka, totoo ba itong nakikita ko?"

Inikutan niya ako ng mga mata. Kumurap-kurap ako at pinisil siya sa pisngi.

"Aray!"

Nakangiwing sinamaan niya ako ng tingin.

"Totoo ka nga! Oh, my God! Bestfriend, nandito ka na!" tili ko saka hinigit siya sa yakap.

Mangiyak-ngiyak ako kasi miss na miss ko na siya. Lalo na at wala akong mapagkuwentuhan ng mga pinagdadaanan ko. Niyakap niya ako pabalik.

Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay.

"Baliw ka, na-miss kita!" bulalas ko.

"Na-miss din kitang bruha ka! May dala akong regalo galing kay Nanay Sol."

Inginuso niya ang tatlong paperbag na dala niya.

"Oh my! Thank you, bestfriend!"

Kinuha ko ang mga iyon saka inilagay sa ilalim ng Christmas tree.

"Nasaan ang mga kasamahan mo? Bakit mag-isa ka lang rito?" Nagpalinga-linga ako.

"Naku, huwag mo na silang hanapin dahil wala sila rito. Abala ang mga iyon kakahanap ng regalo. Last minute shopping."

Natawa si BFF. Christmas eve na kasi mamayang gabi kay namili pa si Nanay. Niyaya nga nila ako pero wala ako sa mood lumabas. Nagkukulong lang ako lagi sa kuwarto at nagbabasa ng The Mischievous Prince.

"Infairness, parang blooming ka ngayon. At saka, hindi ka na mapayat kagaya ng dati. Medyo may laman ka na. Bagay sa 'yo. Lalo kang sumeksi," untag ni BFF.

Biglang nanikip ang dibdib ko. Siguro nakakataba ang heartbreak. Paano kasi lagi akong lumalamon para maibsan ang sama ko ng loob.

"Oy, no offense meant. Hindi ko naman sinasabing tumaba ka. Ang sabi ko dati kasi ang payat-payat mo, pero ngayon ang seksi mo na. Bagay nga sa 'yo, eh."

Napakurap ako at ngumiti nang malapad.

"Siyempre, sa lahi!" Bumelat ako.

Inirapan niya ako sabay tampal sa akin.

"Oy, akala mo hindi ko na alam ang ginawa mo! Matagal mo na palang alam ang pagkatao ni Timothy Hugh, bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap. Umiwas ako ng tingin. Patay.

"Hindi, ah. Paano mo naman nasabi—"

"Huwag ka nang magkaila, alam ko na ang lahat. You set us up. Hindi mo man lang sinabi sa akin na siya pala ang magiging amo ko roon!" Halos mag-hysterical siya.

Tatawa-tawang hinampas ko siya. "Ang galing ko, 'di ba? Papasa na ba akong Cupid?"

"What?"

"Seriously? Pinag-trip-an mo ako! Nakipagkuntsaba ka ba kay Timothy Hugh?"

Napangiwi ako. Mukhang wala na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo. Mukhang okay naman na sila ni Payatot.

"Hindi, ah. Ginawa ko lang naman iyon dahil gusto ko kayong tulungang dalawa. Matagal na akong kinukulit ni Timothy tungkol sa nangyayari sa 'yo. Alam niya lahat. Pero iyong pagtatrabaho mo sa Bacolod ay ideya ko lang iyon. Nagkataon lang na umuwi rito si Tiyang Sol kaya kinuha kong pagkakataon iyon para pagtagpuin kayong dalawa na walang iniisip na panganib."

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako.

"Sigurado ka niyan? Eh, ang tungkol sa totoong pagkatao niya? Bakit hindi mo man lang binanggit sa akin ni isang beses noon? Two years, Divina. Sa dalawang taong iyon wala akong ideya na ang nobyo ko ay isang haciendero pala."

Napakamot ako ng ulo. Kasalanan talaga ni Payatot 'yon. Ang dami niyang alam na drama sa buhay. Dinamay pa ako.

"Hindi ako ang tamang tao para tanungin mo ng ganyan. Siya kaya ang kausapin mo," suhestiyon ko.

Pinanlakihan niya lang ako. "Kasama ko siyang umuwi rito."

"Oh my! Talaga?!" hindi-makapaniwalang untag ko. Agad naman siyang tumango.

"Oo nasa hotel siya ngayon pero babalik din daw siya mamayang gabi para sumama sa Noche Buena namin."

Napatili ako kaya nahampas ko siya sa braso. "Ang haba ng buhok mo! Grabe!"

Hindi ako makapaniwalang naging okay na sila sa wakas. Pero bakit kaya sa hotel pa tumuloy si Payatot? E may penthouse naman ang kuya niya? Hindi ba sila bati?

Bago nagpaalam na umuwi ay marami pang ikinuwento si BFF tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Timothy bago sila nagkaayos. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil sa wakas ay natagpuan nila ang daan pabalik sa isa't isa.

Kami kaya ni Puppy? May pag-asa pa kaya kami?

Bumuntonghininga ako. Hanggang sa kinagabihan ay iyon ang laman ng isip ko.

Malamang wala na. Ipinaubaya ko na siya kay Shelley, eh.

"Ikaw, Divina, magmula nang umuwi ka galing sa Omega Towers nagbago ka na. Bakit palagi ka na lang nagkukulong sa kuwarto mo?" puna ni Nanay.

Kalalabas ko lang kasi ng kuwarto. Mag-a-ala una na pala ng madaling araw. Nag-iingay ang mga kapitbahay. Naririnig ko rin ang bida-bidang kapatid ko. Mukhang naglalaro sila.

"Siyempre wala naman akong ibang gagawin, Nay. Ayaw n'yo naman kasi akong payagang lumuwas ng Maynila."

"Alanganin na kasi. Patapusin mo na muna ang Disyembre. Isang linggo na lang naman."

"Lumabas ka na at nang makakain na. Nagpalitan na ng regalo ang mga tao sa bahay. Ikaw, kagigising mo lang."

Sumunod ako. Sumilip ako sa labas ngunit gano'n na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang mapansin ang pamilyar na kotse sa hindi kalayuan.

Kay Puppy Gaston iyon.

Ano'ng ginagawa niya rito?

Muli akong pumasok sa bahay para pakalmahin ang puso ko. Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas magmula nang huling kita namin. Hindi ko akalain na magpapakita pa siya rito.

Dumungaw ako sa bintana. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nang umandar iyon papalayo.

Bakit siya umalis kaagad?

"Divina, ano'ng tinutunganga mo diyan? Bakit lagi ka na lang nakatulala?"

Napaayos ako ng tayo saka lumayo sa bintana nang marinig ko ang boses ni tatay.

Napakamot na lamang ako ng ulo.

Gusto kong mag-move on pero ang hirap makalimot. Paano nga ba?

Hindi na ako makapaghintay na makalayo sa lugar na ito para makapagsimula ulit. Siguro tatlong araw pagkatapos ng New Year 's Eve ay luluwas na ako.

Pero hindi nangyari iyon dahil bigla na lamang kaming ginimbal ng balitang namatay ang Papa ni Zia Lynn sa poder ng mga Bustamante. 

©GREATFAIRY 

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 70.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
703K 19.3K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...