Against the Wind

By greatfairy

812K 35.1K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 24

12.1K 590 89
By greatfairy

Are We Okay?

NGAYON ang huling araw ko rito sa Omega Towers. Mabilis lang palang lumipas ang dalawang linggo nang hindi ko namamalayan. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay iniwasan kong makasalubong o makausap man lang si Shelley at ang ninong ni Puppy. Tingin ko kasi ay isusumbat nila sa akin ang lahat ng nangyayari sa kompanya ng mga Bustamante. Lalo na ngayon at sunod-sunod ang problema.

Lumuwas ulit ng Maynila si Puppy noong noong isang araw at kauuwi niya lang kahapon. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-impake ng mga gamit ko. Balak kong umuwi na diretso sa bahay mamaya pagkauwian. Tutal malapit lang naman. Puwedeng mag-taxi na lang ako dahil mabigat ang dala ko.

"Sana araw-araw ganito para masaya!" bulalas ni Vanessa habang kumakain ng pizza.

Nagpakain kasi si Sir Joefel dahil last day ko ngayon. Nahihiya nga ako kasi ang bait-bait nila sa aking lahat kahit na maikling panahon lang kaming nagkasama.

"Pero final na ba talagang aalis ka, girl? Hindi mo ba talaga bet dito? Hindi ka man lang ba naging masaya sa isang buwan mo rito? Sayang naman. Mami-miss kita!"

Sa totoo lang ayaw ko na sanang umalis dahil nagustuhan ko na rito. Pero may mga bagay kasi talagang kailangang isakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.

"Hayaan mo kapag may free time ako dadalaw ako sa inyo," labas sa ilong na sabi ko.

"Aba, dapat lang! Tapos dala ka ng maraming pagkain, ah?"

Napairap ako. Kung matakaw ako, mas matakaw kasi si Vanessa. Crush niya si Sir Joefel pero mukhang wala silang pag-asa kasi parang pareho nilang iniiwasan ang isa't isa.

"Tiyak na lagi ring wala rito si Sir Gaston kapag wala ka na rito. Siyempre, lagi ka no'n pupuntahan. Nito nga laging nag-stay nang matagal si Sir dito. Simula nang dumating ka," aniya.

Ibig sabihin nagbubulakbol si Puppy para lang sa love life niya? Nasapo ko na lang ang noo ko.

"Uhm... Vanessa, ano'ng nangyari sa mga bida sa binabasa mong novel?"

"Aling novel? Marami akong binabasang novel ngayon."

"'Yong sinabi mong nagsakripisyo si Prince Atlas para maisalba niya ang buhay ni Lyra."

"Ah, 'yong The Mischievous Prince. Oo, bakit? Gusto mo ring basahin? Gawa ka kaya ng online account?"

Napangiwi ako. "Ang ibig kong sabihin, ano'ng nangyari pagkatapos nilang magkalayo? Nagkatuluyan ba sila?"

Ngumisi si Vanessa habang kumakagat sa isang slice ng pizza na hawak niya.

"Bakit parang bigla kang naging interesado? Nakaka-relate ka ba sa mga bida? Parang malayo naman ang story ninyo ni Sir Gaston do'n. Lagi kang pinapakilig ni Sir, e."

Napairap na lang ako sa asar. Sabi na wala akong makukuhang matinong sagot, e.

"Hindi ko sasabihin, baka ma-spoil ka. Basahin mo na lang kaya para mas dama mo. Mata-touch ka sa ginawa nila para sa isa't isa."

Bakit ko ba ibabase sa nobela ang buhay ko? Hindi naman totoo ang mga 'yon.

"Kanina ka pa kain nang kain, ah. Hindi ka pa ba nabubusog? Mag-uuwian na kaya," puna ko.

Napatingin naman siya sa orasan. Isang minuto na lang ay alas-singko na ng hapon. Naayos ko na ang lamesa ko para kung may papalit man sa akin ay hindi siya mahirapang hanapin ang mga kailangan niya. Pero ang sabi ni Vanessa dati pa siyang mag-isa rito at walang kasama. Lalo na noong wala pa si Puppy Gaston dito.

"Tara na!" untag ko.

Nangunot naman siya sa akin.

"Hindi mo ba hihintayin si Sir Gaston? Baka hindi pa 'yon tapos sa mga pinipirmahan niya. Mukhang mas marami pang documents ang dumating galing sa kabilang office kesa mga galing dito sa atin."

"Kaya nga hindi ko na siya hihintayin. May sarili namang mga paa 'yon. Kaya niya nang umuwing mag-isa. Isang tumbling lang naman ang kabilang building."

Nagkibit-balikat lang siya. Napalingon kami nang bumukas ang opisina ni Sir Joefel. Nakapamulsa siyang lumabas.

"Have you really made up your mind? Hindi ka na magpapapigil?" tudyo niya.

Nangingiting umiling naman ako.

"Liban na lang kung tataasan mo ang sahod ko, Sir. Mga 100% increase."

Humalakhak siya. "Hindi dapat ako ang sinasabihan mo niyan."

Inginuso niya ang opisina ni Puppy Gaston. Namula ako.

"Pero maraming salamat sa lahat ng itinuro n'yo sa akin, Sir. Hindi ko kayo makalilimutan."

"Wala naman akong masyadong naituro sa 'yo. It was Vanessa who helped you with a lot of things," ani Sir Joefel sabay tingin kay Vanessa. Nag-iwas naman ng tingin ang huli. For sure kinikilig na 'yan dahil nabigyan ng credits.

"But I'm glad to have you here even for a short time. Parang mas nagkaroon ng buhay ang opisina. Good luck sa teaching career mo, Divine."

"Salamat po ulit, Sir!"

Kinuha ko na ang bag saka lumabas ng cubicle. Gano'n din si Vanessa.

"Aren't you going to wait for Gaston?" biglang tanong ni Sir Joefel na nagpatigil sa akin.

"Magkikita naman po kami sa unit mamaya, Sir. Baka busy pa siya. Ayaw kong istorbohin."

"I see."

Tumango-tango si Sir Joefel. Mukhang nakumbinse ko naman siya.

"Tara na?" untag ko kay Vanessa.

"Bye, Sir!"

Nag-wave ako kay Sir Joefel saka hinila na si Vanessa palabas. Idinaan na muna namin sa basurahan ang box ng pizza na wala nang laman.

"Mag-chat ka lagi ng mga ganap sa 'yo, ah? Pero sana pinatapos mo na lang ang December bago ka umalis."

Mabilis akong umiling. "Marami pa kasi akong aasikasuhing papeles."

Ilang araw na nga lang at December na. Balak ko nga sanang umalis bago mag-Pasko. Kakausapin ko si Tiyang Solana bukas.

Nagpaalam din sa akin ang mga nakakasabay naming staff sa elevator. Pagkarating sa baba ay niyakap ako ni Vanessa.

"Ingat ka, girl. Good luck ulit!"

"Good luck din sa 'yo. Sana pagbalik ko magdyowa na kayo ni Sir Joefel."

Hinampas niya ako. "Gaga, kahit magkaroon ng pakpak ang baboy, hindi mangyayari iyon."

"Huwag kang magsasalita nang tapos!" banat ko pa.

Sinamaan niya lang ako ng tingin habang naglalakad palayo. Natawa ako at tumalima na rin papasok sa kabilang building.

Tinanguan ko ang mga guard saka pumasok sa elevator. Nagmadali ako para hindi ako maabutan ni Puppy. Pero sa kamalas-malasan ay nakasalubong ko Shelley pagkalabas ko ng elevator.

Ano'ng ginagawa niya sa floor na 'to? Penthouse lang ni Puppy ang nandito, ah.

Ang akala ko ay papasok siya sa elevator kaya gumilid ako habang palabas. Alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Sa wakas natiyempuhan din kita. Ilang beses na kitang gustong makausap," untag niya.

Nahigit ko ang aking hininga.

"Bakit?"

Iminostra niya ang bakanteng bahagi ng floor na ito. Tumango naman ako.

Mabibigat ang mga hakbang na sinabayan ko siya sa paglalakad. Nakahalukipkip naman siya.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" patay-malisyang tanong ko.

May ideya na kaya siya na alam ko na ang tungkol sa koneksyon niya kay Puppy?

Humugot siya ng malalim na hininga.

"I know we started off on a wrong foot. I admit my mistake, Divine. I'm sorry. All this time, nakita ko kung gaano ninyo kamahal ni Gaston ang isa't isa. I felt awful for getting in your way. Akala ko kasi temporary infatuation lang ang nararamdaman ni Gaston para sa 'yo pero hindi pala. Seeing him risking everything just to save your relationship made me realize how much you mean to him."

Napanganga ako. Si Shelley ba talaga itong kausap ko o isang espiritu na sinaniban ng mabuting anghel? Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Pero nanubig ang mga mata niya bagama't nakangiti nang mapait. Pasimple niya iyong pinahid saka hinarap ako.

"Gaston and I were engaged only in papers. He never honored it. I admit I have feelings for him. Hindi kasi siya mahirap mahalin. I was willing to give up on him, but Dad insists on marrying us off. I already declined but he pulled out his shares, and now the company is facing a major recession."

Nanubig ang mga mata ko. Kawawa naman si Puppy.

"To appease my father, I proposed a contract marriage to Gaston. We'll get married in the States, then we can divorce after a few months when everything gets settled, but he refused my help. I hope you don't mind, Divine. My dad can't let go of an old agreement with Gaston's dad. Gusto ko lang namang makatulong."

Tumango-tango ako at tipid na ngumiti. "Naiintindihan ko. Hindi naman kita hinuhusgahan. Salamat kasi sinabi mo sa akin ang lahat."

"Maganda ka, Shelley. At mabuti ka rin namang tao. I'm sure may makikilala kang mas mamahalin ka nang buong-buo. Salamat sa mga ginawa mo para kay Gaston, pero hindi natin puwedeng diktahan ang puso."

Ngumiti siya nang mapait. Nagpaalam na ako sa kanya saka dali-daling nanakbo papasok ng unit. Gusto ko kasing humagulgol.

Pumasok ako sa kuwarto ni Bambi at niyakap siya habang umiiyak. Kahol naman siya nang kahol. Siguro hindi siya sanay na makita akong umiiyak.

"Bambi, aalis na tayo rito. Huwag kang mag-alala marami akong naipong pera pambili ng food mo."

Kumawag ang buntot niya saka dinilaan ako sa pisngi. Niyakap ko siya ulit saka tumayo.

Pumanhik ako sa itaas para kunin ang maleta kong itinago ko pa sa ilalim ng kama. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit. Tiyak na pupuntahan ako ni Puppy sa bahay kapag nalaman niyang umalis ako. At least doon ay maiiwasan ko siya. Hindi pa naman alam nina Nanay na kami na.

Inilagay ko ang maleta sa likod ng sofa. Magtutungo na sana ako sa kuwarto ni Bambi para kunin siya pero biglang bumukas ang main door ng unit. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papasok si Puppy Gaston.

Dali-dali kong kinuha ang maleta para sana itago pero huli na.

"What's this, Kitten? Are you leaving without even telling me?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Natigalgal ako. Ang sabi niya kasi ay mag-stay muna ako rito nang ilang days bago umuwi. Pero hindi naman kasi ako um-oo sa kanya no'n.

Patay ka, Divine. Nakipagtsismisan ka pa kasi kay Shelley. Ayan tuloy.

Huminga ako nang malalim saka nag-angat ng tingin. Taas-noo ko siyang sinalubong ng tingin. Pero muntik na akong mapalunok nang makita ang pagod sa mga mata niya. Siguro hinanap niya ako kanina sa opisina nang umalis ako.

"I thought we already agreed you'll stay for another 5 days?"

"Ikaw lang naman ang nagsabi no'n. Hindi naman ako sumang-ayon," mahinang sagot ko.

Rumihestro ang gulat sa mga mata niya. Humakbang siya papalapit sa akin kaya umatras ako. Napakunot siya ng noo.

"What are you doing?" takhang tanong niya.

"Gusto ko nang umuwi sa 'min. Ayaw ko na rito," mariing sabi ko sabay iwas ng tingin. Sana hindi tumulo ang luha ko.

"Why? Did you get bored?"

"Oo," walang patumpik-tumpik kong sagot.

Saglit na dumaan ang sakit sa mga mata niya. Bumuntonghininga siya.

"Okay, fine. But you don't have to leave right now. How about tomorrow? I'll send you home tomorrow-"

"Hindi na. Gusto ko nang umuwi ngayon. Malapit lang naman ang bahay, e. Magta-taxi na lang ako."

Napaawang siya. Umiwas ako nang akma niya ulit akong hahawakan.

"Kitten, what's wrong? Are we okay?" naguguluhang tanong niya.

Kita ko ang sakit sa mga mata niya kaya napalunok ako. Naninikip ang dibdib ko. Kaya ko ba?

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin at kay Bambi, pero simula ngayon ayaw ko nang makita ka."

Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap pagkasabi ko niyon. Mabuti na lang at magaling akong umarte kaya napigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Kunwari na lang kontrabida ako ngayon sa telenobela.

"What do you mean ayaw mo? W..Why?"

Bumuntonghininga ako saka tinignan siya diretso sa mga mata.

"Break na tayo."

Napahigpit ang pagkapit ko hawakan ng maleta pagkatapos kong sabihin iyon. Mabuti na lang at hawak ko iyon, kung hindi ay napaluhod na ako sa sahig dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Lalo na nang makita ko kung paano rumihestro ang sakit sa mga mata ni Puppy. Sunod-sunod siyang napalunok. Hindi na ako nakaiwas nang inisang hakbang niya akong niyakap.

"You must be tired. Let me send you back to your room so you can take a rest."

Pigil na pigil kong mapahikbi dahil ramdam ko ang panginginig ng boses niya. Lalo na ang mabilis na pagtahip ng dibdib niya. Pinigil ko rin ang sarili kong yakapin siya pabalik.

"Are you hungry? What do you want to eat? I'll cook whatever you want," masuyong sabi niya.

Umiling ako saka kumalas sa yakap niya. Hay, ang hirap naman makipag-break. Sana nagtanong ako kanina kay Vanessa kung paano ginagawa iyon ng mga character sa mga nabasa niyang nobela.

"Hindi mo ba ako narinig? Gusto ko nang umuwi. Ayaw ko na sa 'yo."

Muli niya akong hinigit at niyakap. This time ay parang hindi na ako makahinga sa sobrang higpit niyon.

"You're just tired. That's why you're talking nonsense. Akin ka lang, walang magbi-break."

Nakagat ko na lang ibabang labi ko bago nilakasan ang pagkalas ng mga braso niya sa akin. Nakita kong nagulat siya dahil sa ginawa ko.

"Akala mo siguro nagbibiro lang ako. Tingnan mo ako sa mga mata, Señorito Gaston. Ayaw ko na sa 'yo dahil na-realize ko these days na hindi pala kita mahal. Mababaw lang pala ang feelings ko sa 'yo. At saka ayaw ko sa mundong ginagalawan mo, ang boring. Tapos laging desisyon mo pa ang nasusunod kaya pakiramdam ko wala akong kalayaan. Bata pa ako, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Kaya sana maintindihan mo."

Kumislap ang mga mata niya at dumaloy ang mga iyon sa kanyang pisngi. Pero sinupil ko ang hikbi sa lalamunan ko.

"But, why? We were okay just this morning."

Napahilamos siya ng mukha.

"Kitten, don't be impulsive. You can't break up with me."

Nginitian ko siya nang mapakla. "Tama ka, impulsive nga siguro ako. Kaya siguro pumayag akong makipagrelasyon sa inyo nang gano'n kabilis. Pero ngayong natauhan na ako, sana respetuhin mo naman ang desisyon ko. Huwag na tayong magkita simula ngayon."

Pagkasabi no'n ay kinuha ko si Bambi sa kuwarto niya. Pagkalabas ko ay natuod pa rin sa kinatatayuan niya si Puppy. Parang gusto kong bawiin ang lahat ng mga sinabi ko pero naiisip ko pa lang ang magiging epekto ng pananatili ko sa tabi niya ay nakokonsensya ako.

Walang imik kong hinawakan ang tali ni Bambi saka hinila na ang maleta ko palabas pero napatigil ako nang may yumakap sa akin mula sa likod.

"You can't do this to me, Shyr Divine. You can't!" nanginginig ang boses na bigkas niya.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

629K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1M 43.2K 46
BILLIONAIRES' LOVE SERIES II Maxwell Zamora Levine Max wanted only revenge when he found out his ex-girlfriend, Louise Rhean, who ditched him six yea...
18.1K 541 33
When Alexis Del Castro meets an accident that leads him to have this rare case of Dementia wherein he finds difficult to restore memories- he thinks...
105K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...