Against the Wind

By greatfairy

801K 34.9K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 23

12.8K 557 59
By greatfairy

Bustamante's Love

"BAKIT parang ang tahimik mo ngayon? Hindi ba dapat alive na alive ka kasi dumating na si Sir Gaston?"

Nginitian ko lang si Vanessa saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Kanina ko pa siya napapansin na nakamasid sa bawat kilos ko pero nagkunwari akong ayos lang ako.

Nauna akong umakyat dito at hindi na hinintay si Puppy Gaston. Hanggang ngayon hindi pa rin siya pumapasok sa opisina niya. Mukhang nag-uusap pa rin sila ng ninong niya sa baba. O mas tamang sabihin na nagtatalo. Hindi ko na kasi kayang pakinggan ang pinag-uusapan nila kaya kusa akong umalis.

"Oy, okay ka lang ba talaga? Bakit parang masyado kang seryoso ngayon? May nangyari ba?"

"Si Sir Joefel, oh!"

Agad namang napaayos ng upo si Vanessa. Tumawa ako nang mahina. Pinandilatan niya ako nang mapagtanto niyang wala naman si Sir Joefel.

"Marunong ka na ngayon, ah!"

"Wala ka kasing ibang napapansin kundi ako."

"Siyempre tayong dalawa lang ang nasa floor na 'to. Alangan namang bumaba pa ako saka makitsismis. Ito naman parang hindi tayo magkakasama rito. Hindi mo man lang ba ako kukuwentuhan ng ganap tungkol sa reunion ninyo ni Sir? Aba, kinidnap ka niya kahapon, ah! Nag-sexy time kayo, 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko. Iginulong ko ang swivel chair ko papunta sa kanya saka hinampas siya ng folder na hawak ko.

"Walanghiya! Pati ba naman 'yan ipapakuwento mo sa 'kin?"

Humagikhik siya.

"Ano naman? Pareho naman tayong babae. Pero may nangyari nga? Halata kaya kay Sir kahapon. Sabik na sabik nang makita ka. Eeeh!"

Kahit hindi ko tingnan ang itsura ko sa salamin ay tiyak na namumula ako. Ang galing talaga ng babaeng ito manghula. Hindi kaya ay halata sa galaw ko? Medyo hindi kasi straight ang paglakad at pag-upo ko dahil may nararamdaman pa akong sakit.

"Tatahimik ka o ibibisto kita kay Sir Joefel na pasikreto mo siyang kinuhanan ng picture no'ng isang araw?" untag ko nagpalaki ng mga mata niya.

Napangisi ako nang bigla siyang namula.

"Huh? Hindi, ah! Paano mo nasabi?" patay-malisyang tanggi niya.

"Sus, magdi-deny ka pa. Kahit tingnan pa natin ang gallery mo ngayon. Ano?"

Napangiwi ako nang hinampas niya rin ako.

"Shhh! Hinaan mo ang boses mo. Buburahin ko na mamaya."

"Bakit mo buburahin kung pinaghirapan mong makuha 'yon?" kontra ko sabay ngisi nang nakaloloko.

"Ikaw, ha! Iniisahan mo na ako ngayon. Marunong ka nang makipagsabayan, ah!" asar-talong untag niya.

Bumelat ako sa kanya.

Iyon ang tagpong naabutan ni Puppy. Pareho kaming nagmamadaling bumalik sa puwesto ni Vanessa.

"Good morning, Sir!" nakangiting bati nito kay Puppy.

"Good morning," patangong sagot naman ni Puppy.

Tumigil siya sa harapan ng cubicle ko. Napayuko ako. Hindi ko kasi alam kung paano siya haharapin at kakausapin. Sana lang ay hindi niya ako napansing nakikinig sa kanila ng ninong niya kanina.

"Follow me to my office," seryosong utos niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya ay nakita niya ako kanina at kakausapin niya ako tungkol doon?

Hindi agad ako nakagalaw. Kung hindi lang ako pasimpleng kinalabit ni Vanessa gamit ang ruler ay hindi pa ako matatauhan.

Marahan akong tumayo habang nakayuko pa rin dahil ayaw kong makasalubong ang mga mata. Kanina bago ako umakyat ay dumaan muna ako sa restroom sa lobby para tiyaking hindi mahalata ang pag-iyak ko. Mabuti na lang talaga matibay ang loob ko kaya hindi gano'n karami ang iniluha ko.

Sinulyapan ko si Vanessa bago lumabas ng cubicle kaya nakita ko ang pagngiti niya nang nakaloloko.

Nagulat ako nang hinawakan ako ni Puppy sa pulso saka hinila papunta sa opisina niya. Pansin kong may bitbit siyang lunch bag sa kabila niyang kamay.

Pagkapasok sa loob ng opisina niya ay ipinatong niya iyon sa center table. Mayroon kasing visitor's lounge dito sa loob.

"You look unwell. Are you okay?" tanong niya.

Sinalat niya ang noo ko at leeg.

"There's no sign of fever. Alin ang masakit? Hmm?" malambing niyang tanong saka hinapit ako at niyakap nang ilang segundo.

Pagkakalas niya ay pinaharap niya ako sa kanya saka hinalikan sa labi. Napapikit ako at dinama ang malalambot niyang labi.

"You forgot to give me good morning kiss," aniyang nakatitig sa mukha ko.

Naiiyak na naman ako pero pigil na pigil kong lumobo ang mga iyon sa mga mata ko. Tiyak na kapag nagsalita ako ay sabay rin silang babagsak. Kaya ngumiti na lang ako nang tipid.

"You look uneasy. Is there something that's bothering you?"muling usisa niya.

Mabilis akong umiling.

"Then, can you tell me what's bothering you? Or do you feel any pain?"

Napayuko ako. Sasabihin ko bang narinig ko sila ng ninong niya? Pero baka magalit siya.

"I got it. Maybe you still feel uncomfortable because of what we did yesterday. I'll send you back to the unit so you can take a rest—"

"Hindi na! Okay lang ako," mabilis kong putol sa kanya.

Bumuntonghininga siya. "Are you sure? Hindi ka talaga mukhang okay. I'm worried."

Ngumiti ako nang malapad sa kanya.

"Pina-prank lang kita kasi wala ka na kanina pagkagising ko. Hindi mo man lang ako ginising," nakangusong tugon ko.

Umangat ang sulok ng mga labi niya saka hinila niya ako paupo sa sofa. Kinandong niya ako saka niyakap.

"How can I wake you up when you looked like an angel while you were sleeping? I'm not that evil to disturb your peaceful sleep," malambing niyang sabi.

"Kahit na. Ang unfair naman na nagluto ka ng agahan tapos hindi naman tayo nakakain. Kumuha lang ako ng egg sandwich bago umalis."

"That's why I brought them here. You were gone when I came back, and I noticed you didn't touch the food."

Napatingin ako sa bitbit niyang lunch bag kanina. Umalis ako sa kandungan niya saka binuksan iyon. Totoo ngang dala niya ang laman ng lamesa kanina.

"Saan ka ba nagpunta kanina at wala ka pagkagising ko?" pasimpleng tanong ko.

"I just strolled around the two buildings to see if everything's good."

Napatango-tango ako. Wala man lang halong kasinungalingan sa mga mata niya. Mukhang nagsasabi siya ng totoo. Baka nga habang naglilibot siya kanina ay nagkasalubong sila ng ninong niya.

"Were you upset because of it? I'm sorry, Kitten. Hindi ko na uulitin," seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin.

Umiling ako.

"Hindi naman masama ang loob ko dahil lang doon. Siguro nagtatampo ako nang mga 1% lang."

Tumawa siya nang mahina. Napatili ako nang bigla na naman niya akong hinila pakandong saka hinalikan sa labi.

"Are you still upset?" tanong niya pagkatapos.

Mabilis akong umiling. Ang awkward kasi ng posisyon naming dalawa. Baka biglang may pumasok.

"Hindi na, promise."

Ngumisi siya at hinalikan ako sa tungki ng ilong.

"How about we visit your parents this weekend? I want them to know about our relationship."

Bumilis ang tibok ng puso ko at tarantang umalis ng kandungan niya para umupo sa sofa.

"Why? What's wrong? Are you afraid to tell them about us? Don't worry, we'll face them together."

Hinawakan niya ang kamay ko saka pinisil. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bumalik sa isip ko ang narinig kong usapan nila ng kanyang ninong.

"Hindi naman sa takot ako, Puppy. Baka lang kasi mabigla sila kaya dahan-dahanin muna natin. Bibigyan ko muna sila ng hint. Isa pa, baka isipin nila na inakit kita."

"You did. You seduced me. That's why I'm head over heels in love with you," nakangising sabi niya.

Namilog ako.

"Kailan? Hindi kita inakit, 'no! Ikaw kaya 'yong nauna!"

Tumawa siya nang mahina.

"What I mean is you're a simple-minded person. Your words maybe bold and candid most of the time, but your heart is pure. Your thoughts are very transparent in every expression you make. Those are all seductive to me."

Sa isang iglap ay nahulog na naman ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung kakayanin kong ipaubaya siya sa iba. Iniisip ko pa lang ay pakiramdam ko hindi ko alam kung paano pa itutuloy ang buhay ko.

"Kumain na lang tayo, baka lumamig pa ulit ang mga 'to," pag-iiba ko ng usapan.

Kumuha ako ng sandwich saka isinubo sa kanya. Naninikip na naman ang dibdib ko. Hindi naman masama ang loob ko kay Puppy, pero hindi maiwasang isipin kung nahihirapan ba siya nang dahil sa 'kin. Gusto ko sanang tulungan siya pero paano at saan ako magsisimula?

Hindi naman ako nai-insecure kay Shelley pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na siya lang ang makakatulong kay Puppy para maisalba ang mga ari-arian nila.

Pinilit kong ngumiti habang sinusubuan siya. Nakatitig lang siya sa akin na parang hinuhulaan niya na naman ang nasa isip ko. Kaya kahit gusto ko nang umiyak ay lumamon na rin ako para maisabay ko sa paglunok ang bikig sa lalamunan ko.

Buong maghapon akong nagkunwaring okay lang ako, lalo na sa harapan ni Puppy. Masyado kasi siyang attentive sa akin kaya alam kong mapapansin niya kaagad kapag may kakaiba sa 'kin.

Pero kahit anong gawin kong pagkukunwari ay hindi ko pa rin kayang pigilan ang sarili ko lalo nang marinig ko na naman siyang may kausap sa telepono.

"We can discuss this matter without involving my marriage, Mr. Hayes. I respect your daughter. That's why I don't want to drag her into a loveless marriage."

Maghahatid sana ako ng mga pipirmahan niyang dokumento. Hindi niya yata napansin ang pagkatok ko dahil may kausap siya sa telepono.

Marahan ko na lang na isinara ang pinto saka bumalik sa cubicle ko. Mabuti na lang at nasa restroom si Vanessa kaya hindi niya napansing bitbit ko pa rin pabalik ang mga folders na dadalhin ko sana sa opisina ni Puppy.

Nanakbo ako sa kabilang dulo ng floor para makasagap ng hangin. Mayroon kasing visitor's lounge dito. Parang malaking sala na may TV at playstation.

Naaawa ako kay Puppy dahil halatang problemado siya, pero hindi man lang niya naipapakita iyon sa akin sa tuwing kaharap niya ako.

"Shy Divine, right? I heard you just graduated from college."

Napalingon ako nang may nagsalita sa likod ko. Gano'n na lang pagkagulat ko nang makitang si Attorney Cabrera iyon, ang ninong ni Puppy. Nakapamulsa siya sa suot niyang business suit. Mukhang striktong magulang.

"Yes, Sir." Ngumiti ako nang tipid.

"I also heard na education ang kurso mo. That's why I'm wondering what you are doing here."

Napalunok ako. "Uhm, temporary lang naman po. Aalis din ako after a month. Actually, 2 weeks na lang po."

"Oh, really? Does it mean your relationship with Gaston is also temporary?"

Napahugot ako ng malalim nang biglang nanikip ang dibdib ko. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko.

"Tatapatin na kita, hija. Mukha ka namang matalino pero napakabata mo pa. Marami ka pang makikilalang lalaki. Noon pa man ay ipinagkasundo na si Gaston kay Shelley dahil matalik magkaibigan ang mga magulang nila. Before his parents died, nasa last will na ng daddy niya na maililipat lang sa pangalan niya ang mga ari-arian nila kapag pinakasalan niya si Shelley. But, Gaston did not want to honor his father's last will."

Bumalong ang mga luha ko at hindi nakapagsalita. Bumuntonghininga si Atty. Cabrera.

"I want to support him because I take him as my own son. Pero tanging ang pagpapakasal lang kay Shelley ang makakasalba sa kanya ngayon. Shelley's father will pull out his shares from the company if he refuses to marry his daughter. Do you know what will happen once he pulls out his shares?"

Umiling ako at hindi na itinago ang pagbalong ng mga luha ko.

"Mr. Hayes is the major stockholder of the company. Once he pulls out his shares, the entire business will surely collapse. Maraming maaapektuhan. Bukod sa mga empleyado nila sa Manila ay manganganib din ang hacienda nila sa Negros. I'm not telling you these things because I don't like you. I don't have anything against you, hija. Ipinagkatiwala sila ng mga magulang nila sa akin. I've seen how Gaston worked hard to continue his parents' legacy. I don't want to watch him fall down and put all his efforts in vain."

Tumango-tango ako at pasimpleng pinahid ang mga luha ko.

"Naiintindihan ko po kayo. Huwag po kayong mag-alala, hindi naman masama ang loob ko sa inyo. Maraming salamat po at sinabi ninyo iyon lahat sa akin. At least naiintindihan ko na ang pinagdadaanan niya ngayon. At ngayon niya ako higit na kailangan kaya mananatili ako sa tabi niya. Excuse me po."

Nagpaalam ako umalis na, pero narinig ko pa ang mabigat niyang pagbuntonghininga.

Dire-diresto akong pumasok sa restroom para maghilamos. Medyo namumula ang mata at ilong ko kaya halatang umiyak ako. Napabuntonghininga ako. Nagtagal ako ng mahigit bente minutos doon para mawala ang pamumula bago lumabas.

"Bakit ang tagal mo sa restroom? Marami ka bang diniskarga?" nang-aasar na puna ni Vanessa. Inismiran ko lang siya.

Kinuha ko ulit ang mga folders sa lamesa ko saka pumunta sa office ni Puppy. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago binuksan ang pinto.

Naabutan ko siyang nakasandal sa swivel niya at hinihilot ang sentido niya. Agad siyang umayos ng upo nang mapansin niya ang presensya ko. Itinaas ko naman ang mga bitbit ko.

"You're just in time. Come here."

Ipinatong ko sa table niya ang mga folder saka umikot papasok para puntahan siya sa likod. Gusto ko sanang masahehin ang ulo niya pero hinapit niya ako niyakap.

"Can you stay still? I want to hold you like this," ungot niya.

Napangiti ako. Hirap na hirap na siya pero ayaw niyang sabihin sa akin dahil ayaw niya akong mag-alala at mamoroblema. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Malapit nang mag-uwian. Pagod ka na ba?" masuyong tanong ko.

"You're here, so I'm good. I still can work until 7PM."

Tinampal ko siya nang mahina. "Ma-o-overwork ka na niyan, Puppy. Mag-log out tayo eksaktong alas singko."

Tumawa siya. "I get it. You want to go home because you want to be with me alone. You don't like to cuddle in here. Office romance is full of thrill, don't you like it?" tudyo niya.

"Dami mong alam, Puppy. Hanggang kailan mo ako balak yakapin?"

"I don't know. I just need to recharge. Just stay still."

Napanguso ako. "Paano na lang kung wala na ako rito? Ibig sabihin magpapakasubsob ka sa trabaho?"

Doon na siya humiwalay sa akin at tiningnan niya ako. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya.

"What do you mean? Are you leaving me?" kinakabahang tanong niya.

Napangiti ako. "Baka nakakalimutan mong two weeks na lang ako rito? Hindi ba ang usapan natin one month lang ako rito?"

Bumuntonghininga siya. "Yeah. I almost forgot. Don't you really like it here? I will take care of you—"

"Hep!" Inilagay ko ang hintuturo ko sa mga labi niya para putulin siya sa pagsasalita.

"Ang usapan ay usapan. Hindi na mababago iyon."

Isa pa, hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan. Gusto ko sanang idagdag.

©GREATFAIRY 

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
18K 540 33
When Alexis Del Castro meets an accident that leads him to have this rare case of Dementia wherein he finds difficult to restore memories- he thinks...
892K 33.4K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...