Against the Wind

By greatfairy

803K 35K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 21

13.1K 635 125
By greatfairy

Sweet Burden

HINDI ako mapakali. Hindi mawaglit sa isip ko ang tungkol sa presensya ni Shelley at ng ninong ni Puppy Gaston. Tumawag naman siya kagabi bago ako natulog pero hindi naman niya binanggit ang tungkol sa kanila. Tiyak naman na alam na niya kasi tinawagan siya ni Sir Joefel. Sinubukan ko namang magtanong pero naduwag ako.

Bumabalik sa isip ko 'yong sinabi noon ni Timothy na girlfriend daw ni Puppy si Shelley. Baka nga totoo iyon.

Hindi.

Hindi dapat ako nag-iisip ng masama tungkol kay Puppy. Hindi naman gano'n ang pagkakakilala ko sa kanya.

Nahilot ko ang ulo ko dahil biglang sumakit. Kulang kasi ako sa tulog dahil kagabi ko pa iniisip si Shelley.

"Okay ka lang, girl? Bakit ang putla mo?"

Napaangat ako ng tingin kay Vanessa nang dumukwang siya rito sa lamesa ko. Hindi ko napansing nakatitig lang pala ako sa monitor ng computer.

"Wala. Inaantok lang," maikling tugon ko. Bigla akong napahikab.

"Alam ko na kung bakit ka inaantok. Hindi ka makatulog kasi nami-miss mo si sir, ano?" tudyo niya.

Napangiwi ako. "Hindi, ah."

"Sus, magde-deny ka pa e halata naman sa mukha mo. Normal lang namang ma-miss mo siya. Boyfriend mo 'yon, e."

"Obvious ba talaga?" hindi makapaniwalang untag ko.

Tumawa si Vanessa. Napailing na lamang ako saka sumandal sa swivel. Katatapos lang namin ng lunch. Nagulat nga ako na hinatiran na naman ako ng lutong pagkain ni Kuya Presto, ang butler ni Puppy.

"Oy, pero hindi naman sa pangingialam, girl. Tingin ko may gusto kay Sir Gaston si Ma'am Shelley. Halata kasi sa mukha niya. At wala siyang ibang bukambibig kahapon kundi ang pangalan ni Sir."

Sinalakay na naman ako ng kaba dahil sa sinabi ni Vanessa. Napaayos ako ng upo. Magaling pa naman magbasa ng kilos ang babaeng ito, kaya hindi malayong totoo iyon. Nahalata nga niyang nami-miss ko si Puppy.

"Normal lang naman sigurong magtanong siya tungkol kay Puppy kasi magkaibigan sila. Magkasosyo pa sa negosyo ang pamilya nila."

"Sus, e bakit ang sabi niya sana nag-stay siya sa Maynila kung nalaman lang niyang lumuwas si Sir? Sayang, ang ganda pa naman niya. Bakit kay Sir Gaston pa siya nagkagusto, e meron na siyang Shyr Divine?"

"Hinaan mo lang ang boses mo," mariing bulong ko kay Vanessa.

Napatingin kami sa office ni Sir Joefel. Kita sa loob na may kausap siya sa telepono. Sumulyap siya sa amin at ngumiti.

Humagikhik lang si Vanessa saka nag-peace sign sa akin. Magkatabi kasi ang table namin kaya madali niya akong natsitsismis.

"Tingin ko nga dito talaga siya titira kasi nandito si Sir. Sinusundan yata ni Ma'am Shelley ang dyowa mo," dagdag pa niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko maiwasang matakot. Paano nga kaya kung si Puppy Gaston ang sadya ni Shelley rito?

Napabuntonghininga ako. Dapat ko yatang kausapin si Puppy pagkauwi niya.

"Oy, pero huwag kang ma-threaten doon. Maganda ka rin naman."

"Mas maganda si Ma'am Shelley. Para siyang model," nakangusong sabat ko.

Tinampal ako ni Vanessa sa braso.

"Ano ka ba? Maganda nga siya pero ikaw naman ang mahal ni Sir. Sabi nga nila, beauty is in the eye of the lover!" ani Vanessa na may pagkumpas pa ng kamay.

"Baka beauty is in the eye of the beholder?"

"Gano'n din 'yon! Magtiwala ka kay Sir Gaston. At saka sa 'yo ako boto, 'no. Bagay na bagay kaya kayo ni Sir. Para kayong bida sa binabasa kong nobela. Ikaw si Lyra, at si Sir naman si Prince Atlas, eeeh! Nakakakilig kaya ang story nila. Sana makahanap din ako ng lalaking isasakripisyo ang buhay niya mailigtas lang ako. At kahit ilang magagandang babae pa ang naghahabol sa kanya, ako pa rin ang pipiliin niya."

Napanganga ako. "Naku, bawas-bawasan mo ang pagbabasa ng romance novels. Pinapaniwala ka lang ng writer na 'yan na may perpektong lalaki sa mundo," asik ko.

"Bakit? Hindi ba perpekto sa paningin mo si Sir Gaston?"

Napatigil ako't biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Siyempre nag-iisa lang si Puppy sa buong mundo. At napakaperpekto niya sa paningin ko.

"Heh! Tigilan mo na nga ako. Magtrabaho na lang tayo. Baka mapagalitan tayo ni Sir Joefel. Tingnan mo nakatingin siya rito."

Napaayos naman ng upo si Vanessa. Biglang nataranta.

"Ikaw? Sa tagal mo rito, hindi ka man lang ba nagka-crush kay Sir Joefel?"

"Ha? Ako?" aniya sabay turo sa sarili niya.

"Oo, guwapo rin naman si Sir Joefel, ah. Tapos single pa siya, 'di ba? Single ka rin. Bakit hindi na lang kayo ang magkatuluyan—aww!"

Napalakas ang pagtampal ni Vanessa sa braso kaya napangiwi ako.

"Malabo 'yang iniisip mo, girl. Hindi kami magka-wavelength ni Sir Joefel. At saka masyadong mataas ang standards niyan sa babae kaya lalong hindi kami talo," aniya sabay iwas ng tingin.

Napangisi ako. Akala naman niya matatalo niya ako sa tuksuhan. Si Zia Lynn nga sumusuko sa akin noon, e.

Itinuloy ko na lang ang trabaho ko bago pa mapikon si Vanessa.

Speaking of BFF. Kumusta na kaya siya sa Negros? Hindi na kasi siya masyadong nagpaparamdam. Nalimutan ko ring tawagan siya gamit ang bago kong numero. Mukhang nag-e-enjoy sila masyado ni Payatot. Sana lang talaga this time ay maging okay na sila sa parents ni BFF para hindi na siya malulungkot. Nakakapagod din kayang mag-comfort ng broken-hearted na kaibigan. Nauubusan kasi ako madalas ng sasabihin. Lahat ng alam kong empathy statement ay nasabi ko na pero wala man lang epekto.

Kinahapunan pagkauwi ko sa unit ni Puppy ay inilabas ko si Bambi para makapamasyal naman siya. Nangako kasi ako sa kanya kahapon. Naaawa rin ako kasi nakakulong lang siya sa unit araw-araw. Tuwing tanghali ay si Kuya Presto naman ang nagpapakain sa kanya.

Pumunta ako sa club house habang hila-hila ang tali ni Bambi. Mukhang nag-e-enjoy naman siya sa nakikita niya kasi kumakahol siya paminsan-minsan. Napansin kong may mga unit owners na gumagamit ng pool kaya umiwas ako roon.

"Bambi, huwag kang malikot. Dito lang tayo."

May area kasi na malawak at puro Bermuda grass lang. Masarap tumambay rito tuwing hapon at manood ng paglubog ng araw.

"Shyr Divine?"

Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Why are you here? Dito ka ba nakatira?"

Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Shelley. Naka-maxi dress siya.

Napahigpit ang hawak ko sa tali ni Bambi.

"Uhm, sa... sa unit ni Gaston."

Rumihestro ang gulat sa mga mata niya. "You... You're living together?"

Mabilis akong umiling.

"Magkaiba po kami ng kuwarto. Pansamantala lang naman po, Ma'am Shelley."

Humugot siya nang malalim na hininga.

"I'm a bit surprised. Na gano'n na pala kalalim ang pagsasamahan ninyo para patirahin ka niya sa unit niya. Maybe, I just I find it inappropriate. Kasi hindi naman kayo kasal. And, you really looked too young. How old are you?"

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Pero ipinagsawalang-bahala ko na lang.

"21 po, Ma'am."

"You're just 21?! Don't you think you're too young for Gaston? Almost 7 years ang age gap ninyo."

Napayuko ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Magti-22 na po ako after 4 months."

"Still, you're too young."

"Wala naman po sa edad siguro kung nagmamahalan ang dalawang tao, Ma'am. Isa pa ay adult na po ako. Alam ko na po ang tama at mali."

Umangat ang sulok ng labi ni Shelley.

"You're right, Divine. I'm sorry about what I've said. Concerned lang naman ako sa 'yo kasi ang bata mo pa. Gaston is about my age at alam ko ang mga pinagdaanan niya sa buhay kaya concerned din ako sa kanya na baka imbes na tulungan mo siya bilang girlfriend niya ay maging... maging additional baggage ka sa balikat niya. No offense meant, I'm just saying because you're too young and he has to take care of you."

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko saka pilit na ngumiti.

"Salamat sa concern mo, Ma'am Shelley."

"Oh, please just call me Shelley. Hindi ka na dapat iba sa akin."

Tumango ako. "Kung gano'n salamat sa concern mo, Shelley. Pero gagawin ko ang lahat para matulungan si Gaston sa lahat ng haharapin niya. Hindi ko siya pababayaan."

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Mauuna na ako," paalam ko.

Hindi ko siya nilingon pagkatapos kong sabihin 'yon. Walang imik kong hinila si Bambi pabalik sa condo.

No offense meant daw pero nakaka-offend naman ang sinabi.

Kaya pala parang mabigat ang loob ko sa Shelley na 'yon kasi gano'n pala ang mindset niya. Masyado naman siyang judgmental sa relasyon namin ni Puppy.

Pagkarating ko sa unit ay tinawagan ko si Puppy pero hindi siya sumagot. Baka busy pa siya. Sinabihan ko kanina si Kuya Presto na huwag na akong hatiran ngayong gabi ng pagkain dahil magluluto ako.

May manok sa ref kaya niluto ko iyon. Nag-adobo ako para makakain din si Bambi. Gustong-gusto pa naman niyon ng adobo.

Panay check ko ng cellphone kung nag-return call na si Puppy pero wala pa rin. Balak ko kasi sanang itanong sa kanya ang tungkol kay Shelley.

Pinuntahan ko na lang si Bambi sa kuwarto niya at binigyan ng pagkain. Nagulat ako nang hindi niya na iyon pinansin pagkatapos niyang kagatan ng isang beses ang adobo. Tanging kanin lang kinain niya.

"Ikaw na aso ka, nakatira ka lang sa mamahaling condo lalo kang naging pihikan sa pagkain! Hmp!"

Inismiran ko siya saka bumalik sa kusina para tikman ang adobo. Napangiwi ako nang malasahan iyon.

Kaya pala ayaw ni Bambi kasi maalat.

Walanghiya. Nasobrahan yata ako ng lagay ng toyo. Sabi ko na nga at hindi talaga ako bagay sa kusina. 

Tiniis ko na lang ang alat at pilit na kumain. Sayang din naman kasi. Isa pa ay pera ni Puppy ang pinambili ng stocks sa ref, nakakakonsensya namang magtapon ng pagkain.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng pantulog ay patihaya akong nahiga sa kama habang hawak-hawak ang cellphone ko. Wala pa ring tawag galing kay Puppy.

Bumuntonghininga ako at nagpadala na lang ng text na matutulog na ako. Baka sobrang busy niya talaga kaya hindi siya sumasagot sa tawag ko o nagrere-return call man lang.

Nakatulugan ko tuloy ang paghihintay.

Kinabukasan ay taas-noo akong pumasok sa opisina. Pero iniiwasan kong mapatingin sa kabilang building kung saan nakatira si Shelley. Ayaw ko kasi siyang makasalubong. Baka kasi may sasabihin na naman siyang nakakasama ng loob.

Wala pa ring text o tawag si Puppy. Kahit good morning man lang sana para pampagana ng araw pero wala. Hindi bale na, uuwi na rin naman siya bukas kaya titiisin ko na lang na hindi muna marinig ang boses niya ngayon. Kapag nakauwi talaga siya bukas yayakapin ko siya nang dalawang oras hanggang sa mangalay siya.

"Uuwi na pala si Sir bukas. Mukhang merong hindi makapaghintay," parinig ni Vanessa.

Inikutan ko siya ng mga mata.

"Lunch break na, tara na. Dami mong alam. Dapat sa 'yo ipinapatumba na, e."

Humagikhik siya. Tinawag ko si Sir Joefel. Medyo close na rin kasi kami dahil kasabay ko silang kumakain mula nang umalis si Puppy.

Sabay kaming tatlong bumaba sa pantry sa lobby. Malapit sa clubhouse iyon kaya rinig namin ang nagtitilihan sa pool.

Pagkapasok sa pantry ay nagulat ako nang mamataan ko si Shelley. May kausap siyang isang unit owner din. Mukhang bumibili sila ng pagkain. Akala ko hindi nila trip ang mga ganitong luto.

"Bakit lagi ko na lang nakikita si Ma'am Shelley kahit saan ako magpunta?" pabulong na untag ni Vanessa. Mukhang inaasar na naman ako.

Nakita kami ni Shelley kaya lumapit siya. Binati din naman siya kaagad ni Sir Joefel.

"Lunch break n'yo?" aniya.

Tumango si Sir Joefel.

"Mukhang kakain din kayo," puna ni Sir.

"Ah, yes. Nagsawa na kasi ako sa takeout foods kaya naisipan kong pumunta rito kung may magustuhan ako."

"Ma'am Divine, nando'n na po sa kabilang lamesa ang lunch n'yo."

Sabay kaming napatingin sa gilid nang biglang sumulpot si Kuya Presto.

"Ang gara talaga ni Divine. Kahit wala si Sir dito asikasong-asikaso pa rin siya," patudyong bulalas ni Vanessa. Pero mukhang sinadya niyang lakasan para marinig ni Shelley. Na mukhang effective naman dahil biglang nagbago ang mukha niya.

"Kabilin-bilinan kasi ni Sir na tiyaking nakakakain ka sa tamang oras, Ma'am. At ang sabi niya dapat healthy food ang kakainin n'yo," ani Kuya Presto na napapakamot sa ulo.

Naging awkward nga naman kasi dahil napapatingin sa akin lahat. Parang gusto ko na lang itago ang mukha ko.

Si Puppy talaga, napakamaalaga.

"Don't you think it's too much? Dapat marunong kang alagaan ang sarili mo kahit wala siya, Divine. Gaston is already having a lot on his plate para pagtuunan pa ng pansin ang ultimong pagkain mo lang," malambing na sabi ni Shelley. Nakangiti pa siya.

Rinig kong napasinghap si Vanessa. Humakbang naman palapit sa akin si Shelley saka tinapik niya ako sa balikat.

"Just a piece of friendly advice; don't take his kindness for granted. You might turn into a burden for him before you realize it."

"Divine is not a burden. Who are you to tell her that?"

Sabay-sabay kaming napalingon nang biglang may nagsalitang pamilyar na boses sa likod. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Puppy Gaston na papalapit sa amin.

"Gaston? You're here?" gulat na bulalas ni Shelley.

Inilang hakbang ako ni Puppy saka hinapit.

"I missed you," bulong niya sa tainga ko.

Nakita kong ngumisi si Vanessa. Napapangiti naman ang ibang staff sa lamesa. Pati na ang unit owner na katatapos lang bumili ng pagkain.

Tumalim ang mga mata ni Shelley.

"Gaston, it's not what you think it is. I was just telling Divine na baka nakakaabala sa 'yo ang pagpapa-prepare ng makakain niya. Maliit na bagay lang naman 'yon, 'di ba? Hindi na dapat ikaw ang nagdedesisyon ng mga gano'n for her."

Hinalikan ako ni Puppy sa ulo. Nag-iinit na ang pisngi ko dahil nasa amin lahat ng atensyon ng mga tao rito sa loob.

"It was all my idea. She has nothing to do with it. Besides, I love taking care of her. If you see it as a burden, I don't care. She's a sweet burden to me."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinawakan niya ako sa kamay.

"I'm sorry, guys. I have to take my girlfriend. Kayo na muna ang kumain," aniya sabay hila sa akin palabas ng pantry.

"Go, Sir!" kinikilig na sagot ni Vanessa.

Rinig ko pa ang pagsinghap ni Shelley bago kami tuluyang nakalabas.

Hinila ako ni Puppy hanggang sa kabilang building. Dire-diretso siya sa elevator, na parang nagmamadali.

Hindi ko na nga napansin na nakarating na kami sa unit. Pagkapasok namin ay bigla niya akong isinandal sa pinto saka ginawaran ng malalim na halik.

Napapikit ako at kumuyapit sa dibdib niya habang tinutugon ang bawat pag-atake niya sa mga labi ko.

"I missed you so much, Kitten!" bulong niya pagkatapos ng halik.

Masuyo niya akong tinitigan.

"A...Akala ko bukas ka pa uuwi?" mahinang tanong ko.

Ngumiti siya nang matamis. "Surprised?"

Napangiti na rin ako sabay tango. "Kaya ba hindi mo sinagot ang mga tawag at text ko kagabi?"

"I was too busy to even make a call. I'm sorry, Kitten. I had to double my time because I missed you so much, and I badly wanted to go home."

Namula ako kaya isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Niyakap niya naman ako nang mahigpit.

Napatili ako nang bigla na lang akong lumutang sa ere. Kinarga niya ako at patakbong umakyat sa hagdan papasok sa kuwarto niya.

"Puppy..."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang inihiga niya ako sa kama saka kinaibabawan.

"I will ask Joefel to excuse you this afternoon. I want to spend this time with you," aniya.

Namilog ako. "Ha? Pero—"

Kinintalan niya ako ng halik. Nagtagal iyon at halos kapusin ako ng hininga.

Nagkatitigan kami. Kitang-kita ko ang pananabik sa mga mata niya. Kaya malabong may namamagitan sa kanila ni Shelley.

"May I?" namamaos niyang sabi habang tinitingnan ang kabuoan ko.

"I really can't wait any longer. You've been away from me for too long."

"Uhm..." Tumango-tango ako.

Nagliwanag ang mga mata niya bago muling sinakop ang mga labi ko. 

©GREATFAIRY 

Continue Reading

You'll Also Like

18K 540 33
When Alexis Del Castro meets an accident that leads him to have this rare case of Dementia wherein he finds difficult to restore memories- he thinks...
3.7M 113K 39
ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he can move mountains for the one and only...