Against the Wind

By greatfairy

800K 34.9K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 17

13.4K 673 163
By greatfairy

DTR: What Are We?

NAGKATINGINAN kami ni Vanessa. Maging siya ay nagulat sa pagdagundong ng boses ni Señorito. Sabay pa kaming napalunok. Dala ko naman ang cellphone kong luma, pero nang tingnan ko ay wala namang missed calls at text galing sa kanya.

Nasapo ko ang noo ko. May ibinigay pala siyang cellphone kanina, kaso naiwan ko sa lamesa sa itaas. Nawala sa isip kong gamitin iyon dahil sa dami ng instructions na kailangan kong tandaan. Ni hindi ko nga nabuksan iyon at matingnan ang laman.

"Eh, pasensya na po. Naiwan ko po sa itaas ang cellphone."

Lumapit siya sa lamesa namin saka hinila ang upuan ko, pagkatapos ay hinawakan niya ako sa kamay.

Awtomatikong napatingin ako kina Vanessa at Sir Joefel. Maging sa dalawa pang staff na kumakain sa kabilang lamesa. Paano kasi lahat sila ay nakatingin sa magkahugpong na kamay namin ni Señorito.

"Chill. Divine is eating with us. Besides, lunch break naman talaga," kalmadong sabi ni Sir Joefel.

Tinapunan siya ni Señorito Gaston ng malamig na tingin.

"That was why I've been calling her," seryosong sabi ni Señorito sabay hila sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at napasunod sa kanya. Nilingon ko sina Vanessa, nakanganga silang lahat sa amin. Bakit parang bigla akong tinubuan ng hiya? Halos takpan ko na ang pagmumukha ko. Hindi ko man lang magawang magprotesta kasi parang galit talaga si Señorito.

Nakarating kami sa kabilang building kung nasaan ang penthouse niya. Maging ang mga guard na nadadaanan namin ay nagpatay-malisya lang habang nakatingin sa amin. Hindi niya binitiwan ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa elevator.

Parang hinahabol ako sa sobrang lakas at bilis ng pagtambol ng puso ko. Galit ba talaga siya? Parang 'yon lang, e. Wala ba akong karapatang makalimot sa ibinigay niyang cellphone? Isa pa ay hindi ko naman sinasadya. Sana kasi sinabi niyang tatawag siya.

Nasapo ko ang noo ko. Oo nga pala, kabilin-bilinan niya kanina na sagutin ko ang mga text at tawag niya.

Sa bilis ng paglalakad niya ay hindi ko namalayang nasa loob na pala kami ng unit. Natauhan lang ako kasi bigla na siyang humarap sa akin. Pero hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Didn't I tell you to answer my calls and texts?"

Napanguso ako.

"Sorry na, Señorito. Nawala po sa isip ko, e. Ang dami kasing instructions ni Vanessa. Siyempre, ayaw ko pong magkamali. Baka magkaproblema pa sila nang dahil sa 'kin."

Umalon ang lalamunan niya habang titig na titig sa mukha ko—ay hindi, sa mga labi ko?

"Señorito?"

Pumitik ako sa ere. Napakurap naman siya na tila natauhan. Ang kaninang galit sa mga mata niya ay napalitan ng hindi ko mabasang emosyon.

"Forget it. I just thought something happened. Kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag ko."

"Sorry po ulit." Napayuko ako. Sobrang lapit na naman kasi ng mukha niya sa akin. Mabuti na lang at mas matangkad siya kaya hindi ko nakakasalubong ang mga mata niya.

Bumuntonghininga siya.

"But starting tomorrow you should be eating lunch with me."

"Po? Hindi po puwedeng makisabay kina Sir Joefel? Mababait naman—aw!"

Napanguso ako nang pinitik niya ako sa noo.

"Who's your boss?"

"Kayo po."

"Then, you should keep in mind everything that I say. I have three rules for you."

Napatingala ako sa kanya. "PO?"

"Firstly, answer my calls and texts. Secondly, we will eat every meal together. Lastly, don't get too close to another man. Do you understand?"

Napakunot ako ng noo. "'Yong unang dalawang rules po ay okay sa akin. Pero 'yong huli parang imposible naman 'yon. Paano ako makapagtrabaho nang maayos kung hindi ako makipag-close sa ibang lalaki? Paano si Sir Joefel? Siya pa naman ang superior ko. Aray!"

This time ay napahaplos na ako sa noo ko. Pinitik na naman niya kasi ako.

"You still don't understand me."

"Po?"

Napasinghap ako nang bigla niyang ikinulong sa palad niya ang kabilang pisngi ko. Tapos pinahid niya ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya.

"Don't let another man touch your skin."

"Huh?"

"What am I gonna do with you, little fool?" pabulong niyang sabi habang pinapahid pa rin ang gilid ng labi ko. May natira pa kayang sauce ng pusit doon?

Anak ng pusit! Nakakahiya kung gano'n!

Aalis na sana ako para maghilamos sa banyo pero napagtanto kong magkahugpong pa rin ang mga kamay namin kaya napatigil ako at napangiwi.

"Señorito, 'yong kamay ko po?"

Napatingin din siya roon. Niluwagan niya naman ang pagkakahawak kaya nakawala ako. Kanina kasi parang ayaw niyang pakawalan iyon.

"Excuse me po muna."

Nanakbo ako sa banyo saka tiningnan ang itsura ko salamin. Maliban kasi sa banyo sa bawat kuwarto sa itaas ay may banyo rin rito sa ibaba. Wala namang kalat sa gilid ng labi ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Pero—

Namilog ako nang maalala kong amuyin ang hininga ko. Amoy pusit, walanghiya!

Napasabunot ako ng sariling buhok. Ibig sabihin habang magkaharap nang sobrang lapit ang mukha namin kanina ay naamoy ni Señorito ang hininga ko?

Nakakita ako ng spare toothbrush kaya mabilis kong nilagyan ng toothpaste iyon para makapag-toothbrush. Nakakaasar, minsan na nga lang akong mapalapit sa ex-crush ko, nakaka-turn off pa ang hininga ko.

Nang matiyak kong okay na ang mukha ko ay saka lang ako lumabas sa banyo. Natagpuan ko si Señorito na nasa harap ng lamesa. May pagkain doon na hindi ko napansin kanina. Mukhang hinihintay niya ako.

"Sit down, and let's eat."

Namilog ako. "Po? Eh, kakakain ko lang po. Busog na po ako. Patapos na kasi akong kumain kaninan nang dumating kayo."

Saglit na dumaan ang pagkadismaya sa mukha niya pero nawala rin naman kaagad iyon.

"Then, just keep me company."

Napatango ako at napaupo na lang sa katapat niyang upuan. Pero nang maamoy ko ang putahe at makitang may steak na naman ay bigla akong natakam kaya napalunok ako.

Nakita kong umangat ang sulok ng mga labi niya.

"Ang turo ni nanay kasi ay huwag daw pong tanggihan ang grasya. Sayang naman ang mga ito kung hindi nila makikilala ang mga intestine ko. Hindi pa po pala ako busog. May space pa sa tiyan ko," sabi ko saka muling naglagay ng kaunting kanin sa platong nasa harap ko. Sabagay, hindi ko nga pala natapos ang kinakain ko kanina sa pantry.

Natigilan ako nang ipinagpalit ni Señorito ang plato namin. Ibinigay niya sa akin nahiwa nang steak. Kahit araw-araw siguro kaming mag-steak hindi ako magsasawa. Lalo na kung siya ang maghihiwa.

"Alam mo, Señorito, kayo lang po ang kilala kong boss na pinagsisilbihan ang empleyado niya. Ang bait n'yo po. Siguro kapag namatay kayo, may pa-welcome party ang mga anghel sa langit para sa inyo."

Napaubo siya kaya mabilis ko siyang inabutan ng isang baso ng tubig.

"Okay lang kayo, Señorito?"

Nakita ko ang pamumula ng magkabilang tainga niya. Agad niya namang ininom ang tubig.

"I'm fine," sabi niya.

Napatango naman ako pero nag-alala ako nang slight.

"Let's just eat, and stop talking nonsense."

"Okay po."

Napanguso na lang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang mood ni Señorito madalas. Sala sa init, sala sa lamig.

Pinakiramdam ko siya habang kumakain kami. Pagkatapos ay nag-volunteer ulit akong maghugas ng plato pero inunahan niya ako.

"I'll take care of these."

Napabuntonghininga na lang ako. Minsan para pa akong amo rito, e.

Pinuntahan ko na lang si Bambi sa kuwarto niya. Nagulat ako kasi nakakain na rin siya. Mukhang pinakain na kanina ni Señorito. Saan kaya siya nagpunta kanina? Bihis na bihis kasi siya. Imposible namang binantayan niya nang kalahating araw si Bambi.

Ang sarap ng buhay ng aso na 'to. Kain, tulog, tapos laro lang ang ginagawa niya. Kung hanapan ko kaya ng dyowa ito para may makasama siya rito habang wala ako?

Napatigil ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng lumang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa loob ng bulsa ko.

Si Timothy ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.

"Hello—"

"I heard, may boyfriend ka na. Congrats!" bungad niya sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Huh? Saan mo naman napulot ang balitang 'yan? Mangtsitsismis ka na nga lang, maling info pa ang nakalap mo."

"Ows? Kuya said you confessed last night."

Napatigil ako at biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Hala! Naalala pala ni Señorito Gaston ang nangyari kagabi?!

Bigla kong nakagat ang ibabang labi ko. Patay!

Pero bakit hindi niya binanggit sa akin mula pa kaninang umaga? Bakit parang wala lang nangyari kagabi kung umasta siya?

"Oy, ba't natahimik ka? Ayaw mo pang umamin, e sinabi na sa akin ni Kuya. Hipag na pala kita, officially," panunukso ni Payatot sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko dahil halos nabibingi na ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko kaya nasapo ko ang dibdib ko. Lumabas ako't pumunta sa terrace para makasagap ng hangin.

"Sinabi talaga ng kuya mo 'yon?" pagkukumpirma ko.

"Kuya doesn't lie to me. And why would he?"

Napapikit ako dahil hindi ako makapaniwalang naaalala niya pala ang nangyari kagabi. Ibig bang sabihin no'n ay kami na talaga? Nataranta ako kaya napalakad ako ng paroo't parito sa terrace.

"Grabe! Akala ko ba sabi mo dati naka-move on ka na sa kanya? Bakit may pag-amin kang gusto mo pa rin siya?"

"Huh? Naniwala ka naman sa akin dati? Joke lang 'yon."

Huli na para mabawi ko ang sinabi ko dahil tumawa nang malakas si Payatot sa kabilang linya. Nasapo ko na lang noo ko. Bakit ang tanga-tanga ko?

"You are really something!"

"Heh! Tigil-tigilan mo nga ako. 'Yong bente mil ko, asan na?"

"I already paid it. Ask kuya," sabi niya. Napakunot ako.

"Huh? Saan? Kailan?"

"Bye, sister-in-law!"

"Anong sister-in-law? Asa ka! Hindi ko boyfriend ang kuya mo. Payatot, wait—!"

Napapadyak ako ng paa nang bigla niya na lang akong binabaan ng tawag. Tarantadong payatot na 'yon. Tinawagan lang ako para arasin.

Pero, teka— totoo ba talagang ibinalita ni Señorito Gaston iyon sa kanya?

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Babalik na sana ako sa loob ngunit napasinghap ako nang mabunggo ako sa dibdib ng kung sino. Pagkatingala ko ay nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong si Señorito Gaston iyon.

"Señorito?"

Titig na titig siya sa akin. Napalunok ako dahil kakaiba ang mga titig niya. Parang sobrang lalim.

"Why did you deny it?" seryosong sabi niya.

Napaatras ako papasok sa loob ng kuwarto ni Bambi.

"Señorito, a—anong ibig ninyong sabihin?" nauutal kong tugon.

Naramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko. Agad niyang iniharang ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko.

"Señorito..."

"Do you really think I don't remember everything that we talked about last night?" masuyong sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko na mahabol ang pagtambol ng dibdib ko kaya sunod-sunod akong napalunok. Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin ni Payatot kanina?

"Aren't we officially a couple since last night?"

Napasinghap ako. "Lasing po kayo kagabi. Hindi po counted 'yon. Epekto lang 'yon ng alak kaya nasabi n'yo iyon," tarantang tugon ko.

Isang galaw ko lang ay tiyak na magtatagpo ang mga labi niya at noo ko.

"Haven't you heard about the saying, there is truth in wine?"

"Huh?"

Napalunok ako. Bigla niyang hinawakan ang baba ko para magtagpo ang aming mga mata.

"That means when a man is drunk, he will tell nothing but the truth."

"Señorito, ano pong ibig n'yong sabihin? Lasing lang po kayo kagabi, baka side effect lang 'yon ng alak."

"I knew what I was talking about. Don't deny it, Kitten. You agreed last night. You said you like me."

"Sinabi ko lang 'yon kasi..."

"Kasi ano?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ano'ng sasabihin ko sa kanya? Kasi ang kulit niya?

Pero sa totoo lang half-meant naman talaga 'yon. 

"You clearly said you still like me. You let me hold your hand. You let me take care of you. Then what are we?"

Desperado ang boses niya habang nakatitig sa akin. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga narinig ko. Kinurot ko nang bahagya ang braso ko pero nakaramdam ako ng sakit. Ibig sabihin ay totoo ito!

"I was serious about last night, Kitten. I know that was so sudden, but do you know how envious I am of my own brother? He's with Zia Lynn. He's with someone he truly loves, while I am still stuck in the abyss of longing. I've been keeping you in my heart since the first time we met. You were too young, and I was too afraid that I might drag you into a mess. But now, I no longer want to hide in the dark. I no longer want to just watch you being close to another man. I want to be with you, officially. Please be my woman."

Napaawang ako at natulala sa mahabang lintanya niya. Pakiramdam ko ay bibigay ang mga tuhod ko anumang segundo.

Totoo ba talagang narinig ko ang mga iyon sa mga bibig niya? Ano raw? Gusto niya akong maging girlfriend niya? For real?

"Señorito..."

"I will take care of you. I will travel with you anywhere you want. Liligawan kita araw-araw. Just be my girl and I will only love you for the rest of my life."

"Señorito, a—ano kasi..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong nanghina.

"Divine!"

Iyon ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

©GREATFAIRY 

Continue Reading

You'll Also Like

229K 809 5
The marriage of Timothy and Scarlett made them stonger. Or at least, that's what they thought. Sa kanilang pagsasama ay may mga bago pa silang madidi...
103K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...
686K 26K 69
Embry Elithea Suarez & Caspian Riley De Ayala -- Started: April 9, 2022 Ended: October 7, 2022 Completed on Warranj VIP Group
703K 19.3K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...