Against the Wind

By greatfairy

817K 35.1K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 13

12.6K 648 148
By greatfairy

He's back!

BIGLA akong kinabahan. Ngayon ko lang kasi na-realize na magkikita pala sina BFF at Timothy. Baka bigla na lang magkipag-friendship over sa akin si Zia kapag nalaman niya ang tunay na katauhan ni Payatot at ang koneksyon namin. Ayaw na ayaw pa naman no'n na nililihiman siya.

Pero para naman iyon sa kaligayahan nilang dalawa, 'di ba? Bakit pa siya mag-iinarte? Subukan niya lang akong awayin, hihingan ko ng isang milyon si Payatot for emotional damage.

Kanina ko pa tinatawagan si Timothy pero hindi siya sumasagot, busy siguro kaya susubukan ko na lang ulit mamaya. Nasa Negros na kasi si Zia. Kahapon sila lumuwas ni Tiyang Sol. Mahabang iyakan pa nga ang ganap niya sa pamilya niya dahil first time niyang malayo sa kanila.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman iyong sinagot saka lumabas ng bahay para hindi nila ako marinig ni Nanay.

"Sorry, I was busy earlier. Ba't ka napatawag kanina? Did something happen to Zia?" bungad ni Payatot. Wala man lang hello o hi pagkasagot ko ng tawag niya.

"Grabe ka, wala ka nang ibang bukambibig kundi si BFF. Kailan ka ba talaga babalik dito?" irap ko kahit hindi niya ako nakikita.

"I'll be coming back this week pero dadaan pa ako ng Negros. I have good news for you," aniya.

"Talaga? Bibigyan mo ulit akong beinte mil?" mabilis kong tugon.

Rinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. "Pera lang talaga ang nakakapagpapa-excite sa 'yo, ano?"

"Aba, siyempre! Money can buy happiness kaya."

"Wow! Ilang taon mong inaral ang kasabihan na 'yan?" pambabara niya.

"Tigilan mo nga ako. Ano ba kasing good news 'yan?" Na-curios naman ako bigla. Hindi kaya alam niya nang nasa Negros na si Zia?

Nanahimik siya nang ilang segundo kaya napatingin ako sa cellphone ko kung connected pa siya sa tawag.

"Oy, payatot! Andiyan ka pa ba? Anong good news ang pinagsasabi—"

"Kuya Gaston is coming back to Negros today," aniya.

Parang fireworks na sumabog sa pandinig ko ang balitang iyon. Agad kong naramdaman na parang may mga kabayong nagkakarerahan sa loob ng didbib ko. Hindi agad ako nakapagsalita.

Mahigit tatlong taon na ang nakalipas. Nasanay na akong wala siya. Nasanay na akong sarili ko lang ang iniisip ko.

"Hey! Nandiyan ka pa ba?"

Napakurap ako nang muling magsalita si Timothy sa kabilang linya.

"Oh? E ano naman kung bumalik na sa Negros ang kuya mo? Pakialam ko? Yayaman ba ako niyan?"

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

"Can you cut the crap, Divine? Alam ko namang affected ka pa rin kay Kuya."

"Sino'ng maysabi? At saka bakit mo ba ako binabalitaan tungkol sa kuya mo? Hindi naman kita tinatanong. Akala mo ba hindi ko napapansin na lately ay palagi mo siyang binabanggit sa akin? Ang pagkakaalala ko sabi mo dati maghanap na lang ako ng iba. 'Di ba nga dapat maging masaya ka na naka-move on na ako? Sa ginagawa mong iyan parang nirereto mo na ako sa kuya mo, ah!" puna ko.

"Bakit? Ayaw mo ba?" natatawang tugon niya sa kabilang linya.

"Naka-move on na nga ako! Ang kulit mo, ah!"

"Bakit parang galit ka? Guilty ka yata, e. Aminin mo na kasi," pang-aasar niya.

Kung nasa harapan ko lang siya ngayon ay kanina ko pa siya siguro natadyakan sa paa.

"Wala akong aaminin dahil wala naman na talaga. Maiba tayo, kailan ka ba babalik?" tanong ko. Naaasar ako kasi parang ayaw kumalma ng puso ko. Kanina pa ito nagririgudon.

"I'll be coming back after three days pero dadaan pa nga ako sa Negros. So, baka mga weekends or next week na ako makapupunta ng Iloilo. Depende kung walang kailangang gawin sa hacienda."

"Sure kang pupunta ka ng Iloilo?" untag ko.

"Of course! But you have to set me up with Zia."

Tumawa ako. "Sige na nga! Pero may surprise ako sa 'yo, tiyak na magugustuhan mo."

"What?"

"Malalaman mo pag-uwi mo," untag ko.

"Marunong ka palang gumawa ng surprise. That's new," pang-aasar niya.

Sus. Baka kapag nakita nito ang sorpresa ko hindi na niya maalala ang pangako niyang pupunta rito sa Iloilo.

"Huwag mo akong tawanan, baka nga bibigyan mo pa ako ng isang milyon sa sobrang tuwa mo sa surprise ko, e."

Buti na lang talaga hindi magkakilala sina Gaston at Zia Lynn dati. Kung hindi ay kanina pa siguro ako tinatadtad ni BFF ng text at tawag kapag alam na niya ang totoo.

"I knew it! It has something to do with your monkey business," ani Payatot.

Napakangisi ako. "Walang libre sa mundo, 'no. Kahit ang surprise dapat may bayad."

"Now, I want to think twice before pairing you up with Kuya Gaston. Baka pati siya ay kukotongan mo. Baka kapag na-bore ka ay bigla mo na lang siyang ibenta sa iba nang wala siyang kamalay-malay," aniya.

"Heh! Don't speak bad words! Kanina ka pa, ah. Sabi ko 'di ba 'wag mo nang babanggitin ang kuya mo sa 'kin? Bakit ba ang kulit mo? Isa pa ay ayaw ko munang mag-boyfriend, career muna."

"Gawa ba sa ano 'yang utak mo? Noong nag-aaral ka pa, atat na atat kang maging boyfriend si kuya, ah. Ngayong graduate ka na, ayaw mo na. Nauna ba ang paa mo no'ng ipinanganak ka ng Nanay mo?" natatawang tanong niya.

"Papaano mo nalaman 'yan?" balik-tanong ko. Baliktad nga talaga ako noong ipinanganak ako kaya nahirapan daw si Nanay umire. Muntik pa ngang ma-Caesarian. Nauna kasing lumabas ang mga paa ko.

Rinig ko naman ang pagbuga niya ng hangin sa kabilang linya.

"You aren't serious, are you?"

"Seryoso ako, 'no. Isa pa ay may manliligaw ako. Sobrang tiyaga nga niya sa akin. Ilang buwan niya na akong sinusuyo. Kapag maganda ang performance niya, baka magbago pa ang isip ko at sagutin ko na siya. Kahit hindi siya kasingyaman ninyo, at least disente siya at mabait. Higit sa lahat ay mahal niya ako," pagsisinungaling ko para tigilan niya na ang kababanggit ng pangalan ng kuya niya.

"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Mukha ba akong nagbibiro? Kaya huwag ka nang umasa na magiging bayaw kita. Malabong mangyari iyon. Bye na nga, may gagawin pa ako," untag ko.

"Hey, Divine—"

Tinapos ko na ang tawag bago pa siya ulit mangulit. Makaraan ang ilang segundo ay nagpadala siya ng text. Inaasar na naman ako. Tsk!

Pumasok ako sa kuwarto saka kinuha ang wooden box sa ilalim ng kama ko. Dito ko kasi inilagay ang cellphone kong nasira at ang kuwintas. Pinakatitigan ko ang paw pendant. Sana noon ko pa ito dinespatsa.

Huminga ako nang malalim saka ibinulsa iyon bago lumabas ng bahay.

Nanakbo ako sa dagat. Low tide kaya halos makarating ako malapit sa gitna. Inilabas ko ang kuwintas saka muling pinakakatitigan iyon.

"Paalam," mahinang sambit ko.

Bumuwelo ako saka ibinato iyon sa gitna ng dagat. Napabuntonghininga ako habang pinapanood ang mabilis na pagbagsak niyon sa tubig. Sa wakas ay naitapon ko na rin iyon, wala naman na iyong silbi.

Bumalik agad ako sa bahay. 'Yong sirang cellphone naman ay ibebenta ko na lang sa mga bumibili ng scrap. Nasapo ko ang noo ko nang may mapagtanto ako. Sana pala ibinenta ko na lang din ang kuwintas para pagkaperahan! Sayang din 'yon.

...

Tatlong araw ko nang sinusubukang tawagan si BFF sa Negros pero mukhang sobrang busy niya dahil hindi siya nagre-return call. Mukhang nag-e-enjoy sa buhay niya roon ang babaeng iyon. Malamang ay magkakilala na sila ni Señorito Gaston by this time.

Busy ako sa kakaasikaso ng papeles ko para makapag-apply ng trabaho. Balak ko munang kumuha ng experience sa mga private school bago mag-apply sa public school.

Nasa gitna ako ng pagdudutdot ng cellphone ko nang bigla na lang lumitaw ang pangalan ni Zia na tumatawag. Agad ko namang sinagot iyon.

"Besh! Buti tumawag ka, tatawagan na sana kita kasi hindi ka nagpaparamdam sa akin, e. Naunahan mo lang ako sa pag-dial," untag ko.

"Pasensya na, Divina. Abala lang kasi ako."

"Sus, sabi ni Tiyang Sol hindi naman kayo gano'n ka-busy. Kumusta ka na diyan?" patay-malisyang tanong ko. Alam ko namang marami sila roon kaya hindi naman mabigat ang trabaho nila.

"Okay naman." Ramdam kong parang hindi siya mapakali base sa boses niya.

"So, ano nga? Ba't ka napatawag? Huwag mong sabihing mangangamusta ka lang? Kilala kita."

Huminga siya nang malalim. "Divina, ano kasi. Nagkita na kami ni Hugh."

"Ano? Seryoso?"tili ko.

Aba! Grabeng payatot 'yon hindi man lang nagsabi na nakauwi na pala siya sa Negros. Sabi na, e. Makita niya lang ang sorpresa ko makakalimutan na niya ang Iloilo.

"So, anong nangyari? Nakausap mo ba siya? Nagbalikan ba kayo? Ano?" patay-malisyang tanong ko nang kumalma na ako.

"Kumalma ka kaya muna para maikuwento ko sa 'yo?" naiiritang untag ni BFF.

"Pasensya na, nagulat lang ako. Ano na? Kuwento ka na."

"Hindi kami nagkabalikan. Hindi gano'n kadali iyon, Divina. Ni hindi ko nga alam kung may... may nararamdaman pa siya para sa 'kin."

Bumuntonghininga ako, gano'n din siya. Ano kaya'ng nangyari sa unang pagkikita nila? Bakit ganito makapagsalita si BFF?

"Pero..."

"Pero ano?"

Napairap ako dahil pabitin kung magkuwento ang babaeng ito.

"Hoy! Natahamik ka, Zia Lynn? Pabitin ka naman magkuwento. Kaasar!" reklamo ko.

Rinig ko ang paghinga niya nang malalim "Hinalikan niya ako, Divina."

"Oh, my God!' tili ko.

Aba! Umaariba ang manok ko! Iba rin ang galawan ng payatot na 'yon.

"Seryoso? Naghalikan talaga kayo? Pero teka, 'di ba ang sabi mo hindi pa kayo nagkabalikan? Paanong naghalikan kayo?" usisa ko. Mukhang wala pa siyang ideya na set up ko lang ang lahat. Bravo!

"Hoy, Zia Lynn! Ano na, Besh? Ba't natahimik ka? Ang siste nagpahalik ka nang wala kayong label? Ano 'yon makeup kiss lang dahil matagal kayong hindi nagkita, gano'n?"

"Hindi ko alam, Divina. Pero nag-iba na siya. Ibang-iba. Kaya malabong magkabalikan kami."

"Ano? Ang labo mo naman kausap. Naghalikan kayo pero hindi naman kayo magbabalikan. Maloloka na ako sa 'yo, Zia Lynn! Umayos ka kaya!" iritang bulalas ko. Naku, hindi na ako makapaghintay na makausap si Payatot.

"Uhm, sa susunod na lang tayo ulit mag-usap, Divina. May gagawin pa kasi ako. Sige, ha? Mag-iingat ka riyan. Bye."

"Ha? Teka, hel—"

Napapadyak ako sa inis nang binabaan na niya ako ng tawag. Parang iniiwasan niya lang yata ang mga tanong ko.

Pero nakahinga ako nang maluwag nang mapagtanto kong hindi galit sa akin si BFF. Saka ko na sasabihin sa kanya ang lahat kapag nagkita na ulit kami.

Tinawagan ko ang numero ni Payatot. Nakadalawang dial pa ako bago niya iyon sinagot.

"Aba, mukhang enjoy na enjoy ka sa surprise ko kaya pati ako nakalimutan mong pasalamatan!" bungad ko sa kanya.

Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi ang payatot na iyon sa kabilang linya.

"How much?" aniya.

"Aba, kung makatanong ka parang tingin mo talaga sa akin mukha akong pera, ah! Oy, ginawa ko 'yan para sa BFF ko, 'no. Hindi para sa 'yo. Gusto ko lang siyang maging masaya. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap umarte sa harapan niya."

"I didn't expect I would see her right here. Thanks for your efforts. I really mean it. Pero ayaw mo ba talaga ng TF?" aniya pa.

"Kung bukal naman sa kalooban mo, e 'di go! Bakit naman ako tatanggi? Isa pa ay deserve ko rin naman 'yan pagkatapos ninyo akong pahirapan ni BFF," bulalas ko.

Tumawa siya sa kabilang linya. "You've really grown bold, Divine! Hindi bagay sa 'yo ang pangalan mo."

"Aba, huwag mo nga pagdiskitahan ang pangalan ko. At saka huwag na huwag mong paiiyakin ang BFF ko. Quota na 'yan sa problema kaya huwag mo nang dagdagan. Ingatan mo 'yan kundi babawiin ko 'yan sa 'yo," banta ko.

"Kung makapagpaalala ka parang ikaw ang nanay niya, ah. You don't have to remind me, I know what to do. By the way, I also have a surprise for you," aniya.

"Talaga? Magkano? Singkwenta mil?" bulalas ko.

"Tsk! You're unbelievable. You'll know it tomorrow," aniya.

"Ha? Pupunta ka ba rito bukas?"

"Secret."

"Payatot ka talaga kahit kailan. Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko 'yan. Kung hindi ay FO na tayo."

"Friends pala tayo? Akala ko kasosyo mo ako sa negosyo mo," pambabara niya.

"Ewan ko sa 'yo, pero totoo bang nag-kiss kayo? Ikaw ha, baka wala pang dalawang buwan may inaanak na ako kay Zia!"

Rinig kong napamura siya sa kabilang linya. "The hell! Did Zia tell you about—"

"Bakit? Ano'ng tingin mo sa friendship namin? Mababaw lang? Naku, subukan mo lang talagang lokohin ang BFF ko at uubusin ko ang lahi ninyo!"

Aba, tinawanan lang ako ng loko-loko!

"Oh, siya. Bye na, ingatan mo BFF ko, ha?" bilin ko bago pinatay ang tawag.

Akala ng payatot na 'yon ay nagbibiro ako. Kahit malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila hindi ko siya sasantuhin kapag sinaktan niya ang BFF ko, 'no. Ayaw ko ngang matulad sa akin si Zia na pinakilig lang pero hindi pinanagutan.

Pumunta ako ng bayan tapos ibinenta ko 'yong sirang cellphone sa junk shop. Siyempre tinanggal ko na rin muna ang SIM card saka sinira. Ang pagmo-move on hindi lang dapat sinasabi, dapat ginagawa rin. Makakahanap din ako ng mas guwapo, mas hot, mas mabait, at higit sa lahat mas mapagmahal na lalaki.

Kinabukasan pagkagising ko ay nabungaran ko si Nanay sa sala na may kausap sa cellphone. Mukhang tiyahin kong nasa Maynila ang kausap niya.

"Tumawag ang Tita Solana mo. Binabati ka kaso tulog ka pa kanina. Sabi niya baka raw gusto mong pumasok sa pinapasukan ng kakilala niya para makakuha ka rin ng experience."

"Wow! Sigurado kayong papayagan ninyo akong pumunta ng Maynila, Nay? Hindi n'yo ako mami-miss?"

"Gaga, para rin naman sa 'yo iyon. Malaki ka na at professional na, kaya dapat matuto ka nang maging independent. Baka masanay kang palagi kami ang kasama mo at balang araw bigla ka na lang umiyak kapag wala na kami. Dapat matuto ka na rin magluto ng sarili mong pagkain at mag-alaga ng sarili mo."

Napangiwi ako. Paano kasi nasanay nga akong tagakain lang dito sa bahay. Tumutulong naman kami ni Dave sa gawaing bahay pero puro paghuhugas lang ng plato o 'di kaya maglinis. Si Nanay kasi ang nagluluto palagi kasi hindi raw ako masarap magluto. Kitam, kung noon pa niya ako hinayaang magluto e 'di sana nakapag-practice na ako.

"Pag-iisipan ko, Nay. Feeling ko maganda na rin iyon. Mahirap kasi makahanap dito sa atin sa dami ng graduates. Pagkatapos ng oath-taking at makompleto ko lang ang mga papeles ko ay kakausapin ko si Tiyang Solana."

Tatlo kasi silang magkakapatid na babae ni Nanay, si Tiyang Soledad, Tiyang Solana, at si Nanay ay Solome. Hindi naman halatang adik sa Sol ang nagpangalan sa kanila.

Naisip kong maganda na rin na mag-Maynila ako. Baka kasi roon ko pa matatagpuan ang soulmate ko. E 'di who you sa akin ang mga nang-iwan nang walang paalam.

Naipilig ko ang ulo ko. Bakit ba ang defensive ng isang bahagi ng utak ko? Hindi ko na dapat iniisip iyon.

Pagkatapos kong maligo at kumain ng agahan ay nagpaalam na ako kay Nanay na umalis na. Balak ko nga sanang kumuha ng master's degree rito pero mas maigi yata na sa Maynila na lang.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang matayog na dalawang building na magkaharap. Parang kailan lang.

Nakita ko rin ang restaurant na dati naming kinakainan. Mas lumaki pa iyon at gumanda. Pero wala nang dating sa akin.

Umuwi na lang ako sa bahay para magpahinga. Nakakapagod din pala mag-asikaso ng papeles. After ng oath-taking kasi gusto kong kaunti na lang ang ipa-process ko. Nagdadalawang isip ako kung magpapa-rank pa ako rito. Tutal sa private ko naman balak mag-apply muna.

"Bambi, huwag 'yan!" tili ko nang makitang nginatngat ng tuta ko ang kabibili ko lang na tsinelas.

"Pinapakain ka naman nang tama pero bakit pati ito kakainin mo pa? Gusto mo bang palayasin kita?"

Kumawag naman ang buntot niya. Umupo siya at tiningnan ako na parang nagpapaawa.

"Magkaugali na kayo niyang alaga mo. Bakit kasi ayaw mong itali ulit 'yang si Gaston?" untag ni Nanay. Napasimangot ako.

"Nay, ilang beses ko ba dapat ipaalala sa inyo na hindi na Gaston ang pangalan niyan? Bambi na. Kailangan ko pa ba siyang lagyan ng name tag para maalala n'yo?" bulalas ko.

"Eh sa sanay na akong tawagin 'yang Gaston, e. Kung hindi ka ba naman sinapian ng masamang espiritu, bakit mo ba kasi pinalitan pa ang pangalan niyan?"

"Walang basagan ng trip, Nay. Mas bagay naman sa kanya ang pangalang Bambi," katwiran ko.

Noong nag-decide kasi akong mag-move on pati pangalan ng tuta ko ay pinalitan ko na. Lumaki na nga siya at tumangkad.

Kinuha ko na lang ang collar para maikabit sa leeg ni Bambi pero bigla siyang nanakbo kaya hindi ko iyon naikabit.

"Bambi, teka lang!" sigaw ko at hinabol siya bitbit ang collar.

Hapon na kasi. Mukhang mananakbo na naman siya sa dalampasigan. Nakita kong tumatabling siya sa buhanginan. Napailing ako sa kakulitan ng asong ito.

"Bambi, kapag ako napagod sa 'yo ipapaampon na talaga kita!" singhal ko sa kanya habang hinihingal. Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko habang nakatingin sa kanya.

Dinilaan naman niya ako sa binti. Nang kumalma na ako ay nag-squat ako para haplusin ang ulo niya. Kahit palagi siyang pinapaliguan ay dugyot pa rin siya makailang oras lang, paano kasi kung saan-saan nagsusuot.

"Kung hindi lang talaga kita mahal matagal na rin kitang ipinamigay. Tss. Pero salamat kasi hindi mo ako iniwan. I love you, Bambi!" kausap ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa ulo.

"Since when did you change her name?"

Natulos ako sa buhanginan nang bigla na lang may nagsalita sa likod ko. Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Muntik pa akong mabuwal nang tumayo ako. Pakiramdam ko kasi biglang nag-jelly ang mga tuhod ko dahil sa boses na 'yon.

Pagkalingon ko ay tama nga ang hinala ko. 

Siya.

Nandito na siya!

Kumurap-kurap ako nang ilang beses para siguraduhing hindi ako namamalikmata pero nang lumapit siya lalo ay namilog ang mga mata ko. Nasamyo ko kasi ang pamilyar niyang amoy. Gano'n pa rin yata ang gamit niyang pabango.

Tumangkad siya at lumaki ang katawan. Lalong nadepina ang hugis ng mukha niya. Ang natural na mapupula niyang labi ay nakakaakit pa ring tingnan. Ang matangos niyang ilong. Ang mga mata niyang malalim kung tumitig.

"For how long are you going to stare at me?" muling tanong niya. Titig na titig sa akin.

Doon na ako natauhan kaya kumurap ako saka umatras para dumistansya sa kanya. Tila nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Kayo po pala, Señorito Gaston. Nagulat naman ako," pormal kong sabi.

Nalimutan kong naka-move on na pala ako kaya dapat kalmado lang ang reaksyon.

©GREATFAIRY 

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 150K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
141K 5.2K 37
[Medrano University Series #3] [ProfxProf] (Written in English/Tagalog) "You'll never know if you'll never try." - Reed Leighton Cruz A story of f...
3.8M 113K 39
ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he can move mountains for the one and only...
156K 8.7K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.