Mistakenly Freed

بواسطة UlteriaLuna

211K 9.1K 11.6K

"Teach me how feelings work and I'll show you how freedom tastes" Sebastienne Six Acozta, 19 years old. Unive... المزيد

Mistakenly Freed
Prologue
I- First Encounter
II- Top Archer
III- Cold-Hearted Bitch
IV- Party Dj
V- Lies and Ride
VI- Basketball
VII- Smile
VIII- Confusion
IX-Charity
X-Mall
XI-Mixed
XII- 11:45
XIII- Rejections
XIV- Care
XV- Truth or Dare
XVI- Call and Trouble
XVII- Yellow
XVIII-Crossing lines
XIX- Reset
XX- Feelings
XXI- Acquaintance Night
XXII- Together
XXIII- Reality
XXIV- Perfect Date
XXV- Complete
XXVI- Sports Fest
XXVII- Remembered
XXIX- Captain SSA
XXX- Exordium

XXVIII- Seaside

4.9K 215 378
بواسطة UlteriaLuna

Naghintay ako ng ilan pang segundo pero ni isang salita ay wala itong naging sagot. Sa halip ay nakayuko lamang siya at hindi parin tinatanggal ang kamay sa manibela.

Nang mapansin ko ang isa niyang kamay na handa na para paandarin ulit ang sasakyan ay marahas kong hinila ito sa kwelyo hanggang mailabas ang ulo niya sa bintana.

"Urghh..." daing nito.

Binalak kong tanggalin ang sumbrero gamit ang isa ko pang kamay pero hindi pa man ay mabilis nitong napigilan at hinawakan ng mahigpit ang pulsuhan ko. Pero tila mas malakas ako dahil ng mabilis kong iikot ang kamay ko ay natanggal agad ang pagkakahawak niya. Ginamit ko iyon para mabilis na tapikin ang sumbrero paalis at sabunutan ito patingala. Itinagilid ko ng bahagya ang ulo at walang emosyong pinagmasdan ang kabuoan ng mukha nito.


"¿Quien te envio? (Who sent you?")" Tanong ko.


Bahagyang kumunot ang noo nito kaya napagtanto kong hindi niya naintindihan. Hindi na ako umimik pa at itinulak ulit ito papasok saka ko binuksan ng buo ang pinto at sapilitan siyang ibinaba. Hindi naman ganun kalakas ang pagkakahila at salya ko pero napasalampak ito sa daan. Agad akong lumapit at bago man niya maihagis ang buhangin sa akin ay nasipa ko na ito sa mukha. Tsk. Lumang tactic.


"Mierda." Natigilan ako dahil sa boses nito at idagdag pang yun ang madalas kong sabihin.


Ginamit nito ang panandaliang pagkatigil ko para itukod ang kamay sa lupa at sipain ako sa tagiliran. Hindi ko na yun nailagan kaya napaatras ako at dumaing ng kaunti. Mierda.


"Putangina. Lahat nalang ba ay alam mo?" Tanong nito habang nagpupunas ng mukha.


Binasa ko ang ibabang labi at saglit na hinawakan ang tagiliran ko. Ngumisi ito ng parang nagmamalaki kaya napangiwi ako at pinagpag ang damit ko. Buti nalang may jacket. Sa ilalim pa naman ay damit na bigay ng binibini ko.

May talento ata ako sa pamimikon kahit hindi ko intensyon dahil ang ngisi ay napalitan ng matigas at galit nitong ekspresyon. Lumapit ito sa akin at mabilis akong binigyan ng round house kick sa mukha. Sinangga ko yun gamit ang kaliwang braso. Napaatras ako sa lakas hanggang sa mapasandal ako sa sasakyan nito. Hindi man lang ako hinayaang makabawi at nag simulang paulanan ng suntok. Tanging pagsangga lang ang nagawa ko. Pwersahan ako nitong hinila sa braso at inilayo sa kotse. Mierda.

Binuksan nito ang pinto pero bago pa man siya makasakay ay sinipa ko na agad sa likod na ikinasubsob niya sa pinto. Dumaing ito pero hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at hinila ito sa kwelyo. Umamba ito ng tuhod pero siniko ko yun pababa at binigyan ng malakas na suntok sa mukha. Sinara ko muna ang pinto bago siya sipain sa tiyan ng maraming beses.

"Ughhh" Umubo ubo pa siya at itinukod ang kalawang siko para tulungang makabangon ang sarili.

Pinanood ko lang itong maghirap tumayo pero masyadong matagal at naiinip na ako. Ipinasok ang isang kamay sa bulsa at yumuko para magkapantay kami. Hinila ko ng mahigpit ang buhok niya at iniharap sa akin. Kahit pa puno ng dugo ang labi nito maski ang lupang kinalalagyan ay matapang at matigas pa rin ang ekspresyon ng mukha.


"Kakasuhan kita!" Sigaw nito. Ilang segundo pa bago nag sinked in sa utak ko kaya tinignan ko ito ng nagtataka. "Nagmamaneho lang ako pero ang lakas ng loob mong mang abang. Bagong modus niyo ba 'to?"


Ngumisi pa ito na unti-unti ring nabura ng hindi magkaroon ng kahit anong espresyon ang mukha ko. Kung lingid sa kaalaman ko ang pagsunod nito sa amin 'pag labas pa lamang ng Unibersidad ay magdadalawang isip pa ako kung tama ba 'tong ginagawa ko. Akala ko nung una ay nagkataon lang talagang kahit saan kami dumaan at magpunta ay naroon ang sasakyan nito pero ang simpleng kutob ay hindi ko pwedeng balewalain. Maski kasi ang suot niya ay parang sa cliché na palabas. Lahat ay kulay itim. Sinong hindi makakapansin? Tsk.


"Sino ka?" Tanong ko.


"Dumadaan lang ako. Ikaw ang may tama sa ut—- ughhh pwhhh pwhh. Putanginaa." Akmang pupunasan pa nito ang labi na sinubuan ko ng lupa nang tugtungan ko na ang kamay.


"Ang susunod hindi kana makakakita pa." Hinigpitan ko lalo ang pagsabunot at itiningala ko pa ang leeg hanggang sa kitang kita na ang ugat niya. "Bakit mo 'ko sinusundan?"


Pero sa halip na matakot ay tumawa pa ito at nilawakan ang ngisi.


"Ang ganda kasi ng kasama m—- aaaaah!!!" Pinahiran ko ng lupang nabuo na dahil sa dugo ang kaliwang mata nito dahilan para hindi na maituloy ang balbal na sagot.


Napabuntong hininga ako at tumayo na. Pinanood ko itong paulit ulit na dumura at punasan ng punasan ang mata. Naiinis ako sa isiping wala akong makuhang matinong sagot. Ang tinutukoy nito ay si Trixie pero kung yun nga ang pakay niya ay hindi niya na kailangang sundan ako pauwi. Tama lang talaga ang desisyon kong hindi magtagal pa sa bahay ng binibini ko.


Yuyuko na sana ako ulit para piliting itayo ito ng mapalingon ako sa gilid dahil sa tunog ng motor. Bago pa man yun sumagasa sa akin ay nakalukso na ako paatras. Gulat ko iyong tinignan pero hindi pa man lang tuluyang tumitigil ay bumaba na agad ang angkas at sinugod ako. Mierda.


Hindi man lang ito nagtanggal ng helmet ganun pa man ay puro ilag lang ang nagagawa ko dahil masyado siyang mabilis. Ang mga tira nito ay nilalayo ako sa isa pa niyang kasama na dinadaluhan ang kasama. Nakahanap ako ng opening kaya hinila ko ito at siniko ng tatlong beses ang tuhod.


"Aaaaahh!" Natigilan ako dahil sa tinig babaeng daing nito. Dahil doon ay nabawi nito agad ang paa at tinulak ako ng malakas.

Mabilis akong nakabawi at sinalag ang sipa nito pero hindi gaya kanina ay hindi na ganun kalakas at kabilis. Wala akong magawa kung hindi anggain ang lahat ng tira. Tangina, dapat pala ay hindi ko na narinig pa ang boses.


Lumingon ako sa likod at nakatayo na ang dalawa kaya hinuli ko ang kamay ng nasa harap ko at pinilit siyang italikod hanggang sa mapasandal sa katawan ko at gamit ang sarili niyang siko ay siniko ko ito ng pauulit-ulit sa sariling tagiliran. 


"Shit, uhh." Bumigat ang katawan nito at mas lalong dumikit ang katawan sa akin pero hindi ko naman siya kilala kaya malakas na itinulak ko siya pagilid. Tsk.


Naglakad ako palapit sa dalawa dahil naka bukas na ang pinto ng sasakyan. Kaso hindi pa man ako nakakailang hakbang ay may humila na ng jacket ko kasabay ng malamig na bagay sa leeg ko.


"Don't try it." Sabi nito. Hindi naman ako nagsalita at pinanood ang nagmamadaling kasama niya para isakay ang lalaki kanina. "Good g—-" Malakas na tinugtungan ko ito sa paa at tinapik ang kamay na may patalim dahilan para lumipad yun at masugatan ang leeg ko.

Tinulak ko ito palayo at inambaan ng suntok na hindi rin natuloy ng maalala kong babae ang nasa harap ko. Nag ngitngit ang ngipin ko ng magpaulan ulit ito ng sipa at suntok at tanging pag ilag at sangga lang ang nagagawa ko. Mabilis na yumuko ako at kinawit ang paa niya para sumalampak ito sa lupa. Ginamit ko yung pagkakaton para tumakbo papunta sa dalawa dahil nakasakay na ito sa sasakyan.


"Kulit. May Girlfriend na ako." Inis na sagot ko at hinubad ang jacket ko dahil hinila niya yun para pigilan ako.


Nang marating ko na ang kotse ay kumuha ako ng malaking bato at ipinukpok yun sa salamin. Kaso sa pangalawang subok ko ay may pumigil na sa kamay ko at napadaing ako dulot ng tuhod nitong tumama sa sikmura ko.


"Haaaaah." Malakas na pagbuga ko.


Hinila ko ang jacket kong hawak niya at pinagpalit ang pwesto namin para ako ang mapunta sa likod. Pinulupot ko ang tela sa leeg nito pero nagpipilit pa rin siyang manlaban.


"Huwaaaag!" Bumukas ang bintana ng sasakyan at nanlalaki ang matang sigaw ng isa pang lalaking may suot na sumbrero at mask na itim.

Pero huli na dahil hindi ko napansin ang ang kutsilyong hawak ng babaeng ito na ngayon ay nakatarak sa balikat ko.


"Aaaaah." Mahinang daing ko. Nakawala ito sa bisig ko at umuubo ubong hawak ang leeg.


Hindi ko maintindihan kung bakit ang nanlalaking mata ng lalaking nasa loob ay napalitan ng emosyong hindi ko mabasa. Bumukas pa ng kaunti ang sasakyan pero mabilis na itinulak yun pasara ng babae sa labas. Masakit man ang balikat ay nagawa kong makalapit. Bago pa ito makapag react ay tinaas ko na ang salamin ng helmet para makita ko ang nasa loob. May takip din ang kalahati ng mukha nito at tanging maya lang ang kita. Brown eyes.


Mabilis na tinulak ako nito sa parteng may saksak at binaba ang salamin ng helmet. Pipigilan ko palang sana ng kumirot ang balikat ko. Napaluhod ako kaya tumakbo ito papunta sa motor at kasabay na umalis ang kotse sa harapan ko. Mierda. Mierda. Mierda.


"Haaaaah." Pagbuga ko bago humugot ng malalim na hininga. Ipinikit ko ang mata at kagat ang buong ibabang labi na hinila ang kutsilyo paalis sa braso ko.

Hinubad ko ang suot na damit at kinagat ang kabilang dulo para punitin. Pinilit kong itali yun sa sugat ko para pigilan ang pagdaloy pa lalo ng dugo. Binalot ko ang kutsilyo sa tela at siniksik sa tagiliran kasama ng swiss knife ko.

Tumayo na ako at sinimulang maglakad papunta kay Sixto. Buti nalang at gabing gabi na. Kung may makakakita kasi sa aking nagmamaneho na tanging itim na bra lang ang suot sa itaas at duguang braso ay hindi maganda.


Paminsan-minsang isang kamay na nagmaneho ako pauwi dahil sa kirot. Nang makarating ako sa bahay ay iginarahe ko lang si Sixto at hinalikan ito saka ako pumasok sa loob. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw at hinayaan nalang ang liwanag ng buwan na mag silbing ilaw. Umupo ako sa sofa at inihilig ang ulo. Ramdam na ramdam ko ang pagod at kirot sa buong katawan ko kaya ipinikit ko ang mga mata.


"Ep yor loking por a boypren~ break up with your boypren~ and be my boyprend este gerlprend~~"

Papalapit ng papalapit ang boses kabayong kumakantang si Enzo sa gawi ko. Nagmulat ako ng mata at pinanonood itong walang damit pang itaas na umikot-ikot pa habang may hawak na mangkok at tinidor.


"Hesus sa krus siya'y namatay nabohaaAy muli para mundo'y iligtas~~kasalanan bakit ganyan ang suot mo? BakeEet may dugoO~" Pagkanta pa nito habang papalapit ng papalapit sa akin.


"Naked? Blood? 'Cause baby, now we got bad blood~" Naupo siya sa tabi ko at malakas na tinampal ang kamay kong puno ng dugo dahilan para malagyan din ng dugo ang kamay niya.

"Poosay tight? Poosay clean? Poosay fresh pup pup pup pup pup. Ano to? Bakit lasang kalawang?" Mukhang nilalasahan niya pang maigi ang kaunting dugo sa bibig dahil nilasahan nito ang daliri. "Ay putangina!" Agad itong tumayo at tumakbo ng mabilis papunta sa switch. Iniharang ko ang kamay sa mukha dahil sa biglaang pagliwanag.


"PUTANGINAMO? SAIS!" Nanlalaki ang mata na tumakbo ito pabalik sa akin at hindi malaman kung saan ako hahawakan. "Gago! Tarantado! Ano 'yan? Tangina. Sino may gawa sayo? Sila tita at tita syempre. Hmm. GAGO SAIS DUGO YAN!" Tinuro niya pa yung braso ko kaya napangiwi ako.


Inangyan. Ngayon lang talaga nag sink in sa kukote niya?


"Ang ingay mo." Saway ko at pipikit na sana ulit ng sampalin ako nito. Anak ng.


"Ang ingay mo." Naningkit ang matang ginaya pa ang upo at sinabi ko. Mierda.


"Tanginamo, gago!" Malakas na sigaw niya sa mukha ko kaya napapunas ako ng mukha. Napakadami pa niyang sinabi na hindi ko na maintindihan dahil ang bilis na salita. Di kalaunan ay huminahon ang boses niya pero hindi pa rin kalmado.


"Anong nangyari? Bakit may ganyan ka? Sinong may gawa nito? Tangina. Sabihin mo kay kuya. Ano 'yan? Bakit ganyan?" Tuloy tuloy pa rin ang tanong niya pero hindi gaya kanina ay hindi na malakas. Pero puno ng pag-aalala at galit na ikinagaan ng pakiramdam ko.

Sasagot palang sana ako ng marinig ko ang boses ni Zero sa hagdan.


"Lorenzo, why are you being so loud? It's midnight na. Please lang." Pipikit pikit pang sabi nito habang naglalakad pababa.


Saktong nakalapit siya ng bumukas din ang pinto at niluwa si Brylle na mukhang kauuwi lang din. Parang biglang may anghel na dumaan dahil wala ni isang tunog ang maririnig sa pagitan namin. Bumuga ako ng mahina at tinakpan ang tainga.

"What the fuck is going on?!"

"Sais? Hala. Anong nangyari?"

"CAN SOMEONE EXPLAIN TO ME WHY IS MY BELOVED COUSIN SITTING HERE WITH A FUCKING BLOODY SHOULDER?"

"SINONG SUMAKSAK? BAKIT SINAKSAK? BAKIT SASAKSAKIN NG SUMAKSAK ANG SINAKSAK NA KAIBIGAN NATING NASAK—-ARAY KO NAMAN, ZERO!"


"Ahhhh!" Daing ko at tinampal ang kamay ni Enzo ng pindutin ang sugat ko. Pukingina.


"What the fuck are you doing?!" Sigaw ni Zero.


Nagulat naman ito at pinunasan ang daliri niyang may dugo at tumingin ng nagpapaumanhin sa akin. Hindi na ako sumagot pa at sinandal ang ulo sa sofa. Bumuntong hininga ako kaya natahimik ang tatlo. Ramdam ko na marami pa silang gustong sabihin at itanong pero inaantok na ako at gusto ko nalang magpahinga.


"Lorenzo, take off whatever it is covering the wound." Tumango naman ito at sinimulang tanggalin ang damit sa balikat ko. "Brylle, get the kit in my room. Don't forget the syringes."


Mabilis namang nakabalik si Brylle dala ang gamit. Pinalayas ni Zero si Enzo sa tabi ko at nagsimulang linisin ang balikat ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagdaing kapag nagagawi siya sa sugat. Mierda.


"Ze, I'm human." Paalala ko na hindi niya pinansin. Nakakalimutan niya atang tao ang ginagamot niya at hindi hayop. Vet student kasi ang isang 'to.


Nagtagal pa ng ilang segundo ang paglilinis niya sa balikat at leeg ko. Ang dalawa ay tahimik lang pero halatang kanina pa gustong magsalita. Ayaw kasi ni Zero ng maingay kapag nasa ganitong sitwasyon.


"You can start talking now, Six." Utos nito. Tumango lang ako at binuka ang bibig ko pero wala namang lumabas. Sa huli ay tinamad na ako kaya tinikop ko na ulit.


"Putang—-"


"Lorenzo, before you shout, please get her a bottle of liquor." Pamumutol ni Zero. Agad namang sumunod ito at tumakbo papunta sa kusina.

Pagbalik ni Enzo ay pinainom lang sa akin ni Zero ang alak habang inaayos nito ang gamit. Gusto kong matawa sa mukha ni Enzo dahil halatang nagpipigil ito ng pagdaldal dahil sa kunot noo at kumikibot kibot na labi. Haha.


"I'll suture the wound now, Six." Tumango ako kaya tinurukan ako nito ng Anesthesia at sinimulang tahiin ang sugat ko.


Panay inom ko sa bote na para bang maglalaho rin ang kirot na hindi rin tuluyang natanggal ng anesthesia. Nakailang buntong hininga ako hanggang sa matapos siya sa ginagawa. Agad na tumayo naman si Enzo at naglakad palapit sa amin.


"Wear this." Inabot nito sa akin ang sando kaya kinuha ko yun at sinuot. Umupo siya sa tabi ko kapalit ni Zero dahil lumipat ito sa kabilang sofa at naka dekwatrong umupo na tila naghihintay ng paliwanag ko.


"Silence will not speak for you this time, Six. You might wanna explain what is going on." Utos nito at walang emosyong tinaas ng bahagya ang kilay.


Ibinuka ko ang bibig at nagbalak ulit pero tila walang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula at kung mag ke kwento ako sa sariling paraan ay tiyak na hindi rin nila magugustuhan. Paniguradong kailangan ng Panimula, gitna, at konklusyon sa mga 'to eh. Tsk.


"Ask." Sagot ko nalang. Gumalaw ang katabi ko habang napatampal naman si Brylle sa noo at palakad lakad na nakatingin sa phone.


"Sais, sino may gawa niyan?" Tanong ni Enzo at sumenyas kay Zero na hayaan siya.


"Hindi ko alam." Sagot ko.


"Putang—- Okay. Hindi mo kilala?" Tumango ako. "Hindi pamilyar? Ilan sila? Sampu ba? Putangina. Papatayin ko lanay 'yan."


"Isa lang nung una. Kaso may sumunod na dalawa pa." Tumango tango ito pero halatang halata ang pagkadismaya sa mukha.


"Tatlo? Nasugatan ka ng ganyan?" Hindi ako sumagot at hinawakan ang benda ng sugat ko. "How did you end up in that situation?" Dagdag niya at bumuntong hininga.


Tinatamad at pagod man ay pinilit ko pa ring alalahanin ang nangyari kanina para simulang ikwento mula simula. Wala akong iniwang parte maliban sa ilang nakalimutan ko na. Hindi naman sila umiimik at mataman lamang na nakikinig.

Kung iisipin ay hindi kapani-paniwala na umuwi ako ng may saksak sa braso at ilang galos sa katawan ganung tatlo lamang sila kanina at dalawa lang ang nakaharap ko; hindi pa magkasabay. Pero ang bilis at lakas ng impact ng bawat binitawan nilang sipa at suntok ay masyadong malakas at mabigat.


"Isipin mo yun, bias mo si Robin pero kamukha at ugali mo si Sanji." Pang-aalaska ni Enzo na nginiwian ko lang.


"So what do you think was the reason?" Tanong ni Zero na hindi ko nasagot agad.

Hinugot ko sa tagiliran ang patalim at tinanggal ang nakabalot na tela. Pinagmasdan ko yun at pinadaanan ng daliri mula hawakan hanggang dulo bago humarap ulit sa kanya. Inalala ko ang sinabi ng lalaki kanina.


'Mierda'


"What do you think was the reason?" Tanong ko pabalik. Bahagyang lumiit ang mata niya at tinap ng tatlong beses ang hintuturo sa upuan.


"I've never brought trouble into this house, Six.... We are your family." Diniinan niya pa ang huli at nakipagtitigan sa akin kaya napabuntong hininga nalang ako. Dumukwang ako patungo sa lamesa at ipinatong ang kutsilyo doon.


"Kidnapping?" Singit ni Enzo.


"Hindi ako mayaman. Wala akong pan-ransom." Sagot ko agad.


"Tarantado. Hindi naman lahat ay tungkol sa ransom. Baka kukunin atay mo." Napangiwi ako at pinaikot ang mata dahil sa sagot niya.


"Mula nung tumira kayo dito, dumumi na rin ang atay ko. Lasinggero." Pasinghal na sagot ko na ikinangisi niya.


"Someone who's obsessed with you?" Singit ni Brylle na kinatahimik ng dalawa. Agad namang nakabawi si Enzo at binato ito ng unan. "What? We should consider all the possibilities."


"Maliban sa straight ang english mo ngayon, kababasa mo 'yan ng libro, brylala."


Napangisi ako ng umirap ito at tinuloy ang pagkalikot sa phone. Mukhang hindi na talaga nakatiis ang chismoso at lumapit ito sa kaaway at hinila ang phone.


"Pinagkaiba ng sinat, lagnat, binat, at bil—-" Hindi na nito natuloy ang pagbasa ng tampalin ng isa ang bibig niya.


"Putanginamo talaga, Lorenzo! Giatay ka! Mamatay ka na!" Galit na sigaw nito at inagaw ang phone.


Hindi namin napigilan ang matawa dahil sa namumula nitong pisngi at walang humpay na paghampas kay Enzo. Umiling nalang ako at pinanood sila. Nang magawi ang tingin ko sa kaharap ay lumiit ang pagkakangiti niya at lumipat sa tabi ko.


"Do you want us to find whoever is behind this?" Pinagmamasdan nito ng maigi ang patalim. Hindi na ako sumagot pa at binalik ang tingin sa dalawa.

"Wala kang kwenta! Palibhasa men are trash—"

"Sabi ng naka 99+ ng jowa." Pamumutol ni Enzo dito. Haha tarantado!

"Ay wow. Jinudge ang buong pagkatao ko. Sana ay magkaanak ka ng sampu." Sa halip na maasar ang isa ay taas noo pa itong pinalo ang dibdib.


"Talag—"


"Tapos kamukha lahat ni Sandro."


"Talag—- Putanginamo!" Hinampas pa niya ng unan si brylle habang tatawa tawa naman ang isa.

Sumasakit ang tiyan ko katatawa dahil para silang nasa fliptop battle. Ngayon ay ang pinupuntirya naman nito ay ang suot ni Brylle dahil mukha raw kampon ni Barney.


"Ulul! Palibhasa wala kang sense of fashion!" Tumapat siya sa amin at umikot pa ng isa at pinakita ang suot niya. "So, guys, how do I look? Sinuot ko pa naman ito makipag meet up sa new bebe ko."

Naupo na rin ang pawisang si Enzo sa kabilang gilid ko kaya sabay sabay kaming pinasadahan ang kabuoan ng nasa harap. Hmmm. Violet.


"Mukha kang lightstick ng BTS pero yung nabibili sa divisoria."

"You look like a fucking fortune teller sa Alabang."


Tila hindi naman makapaniwala si Brylle sa tinuran ng dalawa. Gustuhin ko mang tumawa ay pinigilan ko dahil ayaw ko ng makadagdag pa. Nagpapaypay ito ng mukha at parang pinakakalma ang sarili saka bumaling sa akin.


"Mukha kang basura." Sagot ko.


Bumalanghit naman ang tawa ng mga katabi ko habang halata ang inis sa isa. Nagpa-cute na ngiti nalang ako kaya dinampot nito yung flower sa vase at pinaghahampas sa amin. Gayunpaman ay hindi naman natigil ang tawanan at mas lumakas pa.


"Fuck you all. Nakaka depress kayo." Parang naiiyak ng sagot niya at hinubad ang violet na jacket.


"Huwag." Pigil ni Enzo at umiling iling pa. "Basta huwag." Tumango naman ang kausap at umaktong nabuhayan.


"Thank you all. Your love has broken the curse and freed my soul. I'll never have to be depressed again." Ngiting turan niya at parang tangang umikot pa.


Mga tarantado.



*****




"Once again, Welcome to 2k19 Sportsfest between Universities! Today, we gather here to witness the last part of this Festival: The Archery championship game." Sambit ng MC.


Ngayon ang huling araw ng Sportsfest kaya punong puno ang buong gym. Lahat ay may banner at kung ano-ano na para sa unibersidad na kinabibilangan at sinusuportahan. Sinuot ko ng quiver sa bewang ko at sinimulang ayusin ang equipment sa katawan.


"You nervous?" Tanong ni Miss Lee sa tabi ko at inabot sa akin ang arm guard. Umiling ako kaya ngumiti siya at binalak ibaba ang zipper ng jacket ko. Pinigilan ko yun kaagad kaya nagtataka ang mga tingin niya. "Your hands are full. Naglalagay ka ng quiver, Seb. Allow me to help you." Wala na akong magawa kundi hayaan ito.


"Oh my god! What happened to you?" Gulat na tanong nito ng matanggal ang jacket ko.


Hindi ako nakasagot at hinayaan siyang hilahin ang braso ko at pagmasdan ang benda doon. Bakas sa mukha ni Miss ang gulat at pagtataka. Binasa ko ang ibabang labi dahil nahihiya at may kaunting kaba rin akong nararamdaman sa sasabihin niya. Dahil kahit ayaw kong pinagagalitan ay hindi maaalis na Coach ko ang nasa harap ko at championship ngayon.


"Who did this to you? Oh my god, Sebastienne. Do you know what this means?" Bakas ang gulat at stress sa may kalakasan nitong boses.


"Sorry, Coach." Paghingi ko ng tawad. Tila wala naman yung naging epekto dahil napahilamos ito sa mukha at kunot noong pabalik balik ang tingin sa akin at sa benda sa balikat ko.


"Aren't you aware na championship ngayon? Did I fail to remind you to rest, take extra care, and for once avoid recklessness?" Pansin na pansin ang diin doon kaya ang ibang katabi namin ay napapatingin. "My God, Sebastienne! What's that?.... Even your neck!"


"The wound in my neck will not cause any trouble---"


"That's not the point!" Pamumutol niya sa sasabihin ko. Hindi na ako nagsalita pa kaya tumalikod ito at makalipas ang higit trenta segundo ay humarap din. "I told you to take extra care not because you have a big game today, Seb. For God's sake, I care for you."


Mukhang nagulat pa siya sa sinabi dahil napakurap kurap ito. Hindi naman ako umimik at hinintay ang susunod pa nitong sasabihin.


"I care for you as your coach. We trained and prepared just for this moment." Bakas ang pagka dismaya doon kaya yumuko ako ng kaunti at humingi ulit ng tawad.


"You're not a superhuman, Sebastienne. Whether you say it or not, it's obvious that It will affect your game. Hopefully, your efforts won't be in vain." Pagkatapos ay hindi na ulit ito nagsalita pa.


Hindi na rin ako nag reklamo pa ng ito na rin ang nagkabit ng mga equipments sa katawan ko.

"May we call on, once again, the remaining 4 Archers on Women's division." Nagsimula na itong magtawag ng mga Archer galing sa respective University.


"ADELSON, MAG INGAY!!!" Malakas na sigaw nito sa Mic. Kinuha ko na ang bow ko at sinimulang maglakad papunta sa gitna. "SEBASTIENNE SIX ACOZTA! OUR VERY OWN YOUNGEST TOP ARCHER OF 2K18"


Nangibabaw ang malakas na sigawan at pagkalabog kagaya ng sa mga naunang tinawag. Inunat-unat ko ang balikat ko habang naglalakad papunta sa gitna. Lumingon ako sa Audience at nilibot ang paningin.


"SEXY LOVES!"

Lumingon ako sa kaliwa dahil sa nangingibabaw na pagtawag na yun. Sila Enzo na may dala nanamang Megaphone na kumakaway kaway pa sa akin. Nakasuot din ito ng black at may sulat na '666' sa noo kasama ni brylle. Si Zero ay nakangisi lang at pinakita ang likod ng kamay na may numbers din. Napangisi nalang ako dahil kahit kailan ay hindi na nagbago.

Lumingon ako sa isa pang kasama nila. Nakaupo lamang sa bleacher ang binibini ko habang pinananatili ang pagiging pinakamagandang nilalang. Pero hindi yun ang nagpangiti sa akin kundi ang headband nitong kulay dilaw at itim na may pangalan ko. Nagkatinginan kami bago siya umirap at umaktong inaayos ang headband. May number 6 na marka sa likod ng kamay niya.

Napayuko ako at napahilot sa noo. Tumikhim muna ako saka inangat ang ulo. Hindi ko na talaga napigilan at ngumiti abot mata hanggang sa lumiit siya sa paningin ko. Aaaaaaaah Mierdaaaaa.


"WAAAAAAAAH!!!! ANG POGI!!!!"


Nakaramdam ako ng hiya dahil nag-iinit din ang mukha ko dulot ng paglakas ng sigawan. Pinilit kong burahin ang ngiti at tumabi sa tatlo pa sa gitna. Nagsimula na ulit magsalita ang MC pero wala na akong naiintindihan pa.


Patay na patay talaga si Reese sa akin. Heheheheheheheheh


Umiling ako para iwaksi ang nasa isip ko. Pinilit kong magpokus sa sinasabi ng Mc at iniwasan ang magawi ng tingin sa pwesto ng binibini ko. Kaso mahirap talaga lalo na at siya lang ang pinaka interesanteng bagay sa loob ng gym na 'to. Tanginamo, Sais. Ang target ang papanain mo at hindi si Reese!


"Are you okay?" Bulong ng katabi ko. Tinigil ko ang iling at umayos ng tayo. Mierda.


"For the championship game. Please, humarap kayo sa likuran." Agad kaming sumunod at humarap sa mga target. Napakunot noo ako dahil pamilyar ang pagkakaayos.


"It's very familiar. Isn't it?" Tumango ang mga katabi ko kaya naglakad ito paikot sa amin at pinalaki ang mata. "Cause you're all dead and you're relieving the same memory." Mukha pa siyang nananakot kaya napangiwi ako. Siraulo ampota.


"Chariz. Taray niyo naman kung everyday nagpapana kayo. Hmp." Lumabas ang pagiging pusong babae niya ng pumalantik ito dahilan para umingay ang tawanan sa loob.


"Again, The mechanics is you'll be given 1 minute. Isang minuto para mangolekta ng points. Dating scoring lang mga bakla. 10 is the highest and 1 is the lowest. And of course, we can't forget the shining, shimmering, splendid, farthest, and the smallest target up above. The highest value is 50 while the lowest is 10." Parang kumakanta pa siya at umiikot ikot habang inuulit ang paliwanag dati.


"However, this time, the value will remain as it is. Walang multiply and the highest will remain as 50." Ngumiti ito ng maliit pero bakas ang pagkadismaya sa mukha ng mga kasama ko. Siguro ay prinaktis nila yun ng maigi.


"Mga te, 'wag mag drama. Hindi nio naman matatamaan 'yan." Pang-aalaska niya. Natawa naman ang mga nanonood at bumakas ang hiya sa mga katabi ko.


"Remember, this is not just a battle among you but also a battle against time. Good luck." Nag bow ito bago pumunta sa gilid.


Itinaas baba ko ang balikat kong may tapal na benda para i exercise. Tama ang sinabi ni Miss Lee. Sabihin ko man o hindi ay makakaapekto talaga ito sa laro ko. Lalo pa at kumikirot kahit simpleng pagtaas ko lang.


3....2.....1...... bzzzzzz.



Huminga ako ng malalim at humugot ng isang palaso at inilagay yun sa bow. Itinaas ko ang kamay at unang paghila ko palang ay mas ramdam ko ang kirot.


"Mierda." Bumugo ako ng isa at kinagat ang ibabang labi. Isang minuto lang, Sais.


Hindi ko na ininda ang sakit at nagpokus sa pag-tira. Binilisan ko ang galaw at humugot ng isa pa at agad na pinakawalan yun. Paulit ulit ko lang yung ginawa hanggang sa mapakawalan ko ang pang apat.


"30 Seconds remaining."


Tatlumpong segundo nalang. Pansin ko ang pag panic din ng mga katabi dahi may isang palaso na lumampas sa target. Umiling nalang ako at inalis ang mga distraksyon sa paligid. Nagpakawala ako ng tatlong magkakasunod pa.


"5 econds remaining...."


Humugot ako ng isang palaso at inilagay yun sa bow. Binalikan ko ng tingin ang target ko at pito pa lang ang naandun. Mierda.


"5....4...."


Tinanggal ko ang benda sa balikat na nakakadagdag sa paglimita ng kilos ko at humugot ng isa pang palaso. Idinagdag ko yun sa isang palasong nasa bow ko na saka itinaas ng sabay at hinila ang string. Pinikit ko ang isang mata para sumipat. Ramdam ko ang pagsasalpukan ng ngipin ko dahil parang bumuka ang tahi kasabay ng pagdaloy ng dugo pababa sa balikat ko.


"2...1.... Bzzzzzzzz"


Kasabay ng pagtunog ng buzzer ay ang pagdikit ng parehong palaso ko sa gitna ng target. Humugot ako ng malalim na hininga at humawak sa post sa harap. Mierda.


"WAAAAAAAAH!!!!!"


Umugong ang malakas na sigawan sa loob. Saktong pagharap ko ay may dalawang medics ang lumapit sa akin at akmang hahawakan ako nang ilingan ko.


"Ma'am——"


"I'm fine. Do you have handkerchief or wet wipes instead?" Pamumutol ko. Mukhang nag-aalangan pa siya pero inabutan din ako ng panyo. Ipinunas ko yun sa braso ko pataas sa balikat.


"LAURENT! LAURENT! LAURENT!"

"IUWI ANG KORONA! LAURENT! LAURENT! LAURENT UNIVERSITY!!!!


Ang cheer ng Laurent University ang pinaka-maugong sa buong Gym. Lumingon ako sa tabi ko at taas noo ito habanag nakataas din ang dalawang kamay sa ere. Jasmine Hamilton ang pangalan sa name tag nito. Kung hindi ako nagkakamali ay inulit ito ni Miss Lee kanina bilang champion din last year. Mukhang nanalo na.

"HAMILTON! HAMILTON! HAMILTON!"


"Kalma....Kalma.....KALMAAAAAAA!" Natawa ako ng bilang sumigaw ng malakas ang MC dahilan para matahimik ang buong gym. Gago, parang mangangain na.


"Sabi ng kalma. Jusko." Umakto pa itong parang nagpupunas ng pawis at hinawi ang imaginary na buhok papunta sa likod. "Grabe ang intense. Ramdam na ramdam ko. Grabe ang frequency, muntik ng maging straight ang bakla. Jusko." Dagdag niya pa na ikinabulanghit ng tawa ng mga nanonood.


"Seems like all of you guys here have settled on  who's the winner/champion of this game."


"LAURENT! LAURENT! LAURENT!"


Pinaharap ulit kami sa mga target at siyam ang palaso kong nasa pinakababa. Lahat yun ay nasa gitna kaya sigurado akong 90 ang kabuoan. Lumingon ako sa target ng katabi ko at pawang lima lamang ang nasa baba at lahat yun ay nasa gitna rin. Lumingon ako sa taas at tama nga ang hinala ko na ang target na pinuntirya ko dati ang inasinta nito. 100.


"Congrats."

"Congratulations."


Nagsilapitan ang dalawa pang Archer papunta kay Hamilton. Masaya nitong tinanggap ang pagbati at nakipagkamay. Pinunasan ko muna ang kamay at binulsa ang panyo saka inilahad ang kamay ko.


"Congrat—-"


"Archers, save the congratulations for later. The screen will present the scores now." Hindi ko na natuloy dahil sa biglang pagsasalita ng Mc.


Binawi ko na ang kamay ko at tumingala para makita ang score sa screen. Isa isang nagsisidagdagan ang mga numero doon hanggang sa makumpleto.

Laurent University:
Jasmine Hamilton - 10|10|10|10|10|40 = 90pts

Adelson University:
Sebastienne Six Acozta- 10|10|10|10|10|10|10|10|10 = 90pts

Biringan University
Katelyn Anderson- 10|10|10|10|10|10|10|9 =79pts

Atlantis University:
Jamie Guce- 10|9|10|10|10|9|10|10 = 78pts

"ADELSON! ADELSON! ADELSON!!!!"

"ADELSON! ADELSON! ADELSON!!!!

"SEBASTIENNE! SEBASTIENNE!!!


Hindi maipagkakaila ang pagka surpresa at gulat sa mukha ko ng makita ang screen. Dumagdag pa ang mas lumakas na hiyawan na University na namin ngayon at pangalan ko ang nangingibabaw.

Hindi rin naman nagpapahuli ang matunog na University kanina dahil nakikipagsabayan ito sa lakas ng sigaw at tambol. Palagay ko nga ay mas dumami rin ang tao ngayon. Siguro dahil ang sa amin ang pinakahuling laro sa Sportsfest.


"As by the system and the target...." tinuro nito ang target na ngayon ay nakababa na at pinalibutan ng ilang naka uniporme ng Laurent  at ilang staff. "Adelson and Laurent University...." Mukhang naghihintay pa ito kaya ng humarap ang nasa likod at nagthumbs up ay pumalakpak siya.


"ADELSON AND LAURENT...BOTH GOT THE HIGHEST SCORE OF 90!" Malakas na anunsyo niya. "For the first time in the history of Universities Sportsfest, we have two champions for the final game." Pumalakpak ito pero itinaas din ang hintuturo at ini-wave. "However, it's not feasible to declare two victors. Given that whoever wins this round will be sent to nationals. Having said that...... the council has decided to execute a tie-breaker."


Pumunta ito sa harap naming dalawang natira sa gitna at inilahad ang kamay. Tinanggap ko yun kaya ngumiti ito at bumaba ang tingin sa balikat ko. Humugot siya sa bulsa ng panyo pa at itinapal sa sugat ko.

"Congratulations, Seb. You made our University very proud. A total iconic and phenomenon." Bulong nito na tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig. Tumango ako at ngumiti ng maliit bilang pasalamat.


"Huwag munang magsaya! Tie-breaker round will take place only if both players are still capable and would be willing to take part in it." Baling niya sa audience pero ang madaliang pagharap niya ay parang sinasabi nito sa akin yun ng diretso.


"Congratulations, Archers. You've already made your respective universities so proud." Papuri nito ulit na sinabayan ng hiyawa at palakpakan ng mga nanonood.


" Again, I'm Spencer Torrero slash Stapanie. The Adelson's SC President slash Sports Anchor slash your Announcer for today." Pakilala niya ulit at pumitik ng kamay para magkaroon ng music. "The game will resume in 35 minutes."


Matapos 'yun ay naglakad na rin ako pabalik sa designated area namin kanina. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang kagatin ang loob ng pisngi dahil nandoon na rin ang apat kasama ni Miss Lee. Hindi ko mawari ang ekspresyon sa mga mukha nila pero sigurado akong hindi yun maganda. Tsk.


"You're not playing anymore." Bungad ni Miss na ikinagulat ko. Mukhang maging ang tatlo maliban sa binibini ko ay ganun din. "Don't argue with me, Miss Acozta. I'm your coach. That means I'm also responsible for your safety. And clearly, with that wound. You're not capable of competing anymore." Dagdag niya pa sa seryosong tono.


"Miss, with all due respect, I think Sais can handle another couple of minutes na maglaro pa. Trust me, Ma'am. I've seen worse." Singit ni Enzo at pumagitna sa amin. Pero mukhang hindi naman naapektuhan si ang kausap dahil seryoso ang mukha niyang binaling ang tingin kay Enzo.


"With all due respect to you too, Mr. Co, It doesn't matter whether you've been through worse. Again, Miss Acozta's my archer. I'm the one who's handling her and the one who's responsible for her throughout her Varsity life at this University. I'm trying to be professional here. I will not risk my player's health and safety for a mere tournament. May it be as big as this." Seryoso at matigas na sabi nito. Walang nagawa ang isa kung hindi tumalikod nalang.


"I'm sorry, Seb. Your well being is my top priority. You've done and proved more than enough. This year maybe is not for you." Nagbago ang tinig nito na parang nakikisimpatya kaya tumango ako.


Hindi na ako nakipagtalo o umangal pa dahil naiintindihan ko naman. Sapat na rin na kasalanan ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako. Gayunpaman ay hindi maaalis ang panghihinayang sa loob. Hindi dahil sa hindi na ako lalaban pa kundi dahil last game na at hindi ko na enjoy sa buo kong potensyal.


"Please, have the medics or go to the infirmary to check up on your injury. I'll go talk to the management." Saka ako nilampasan para pumunta sa gitna.


Tila nakikiramdam naman ang mga natira dahil hindi na ang mga ito nagtangkang magbigay pa ng puna o komento. Pinunasan ko nalang ulit ang sugat at lumingon sa binibini kong tahimik lang.

Kung kanina ay kaunti lang ang negatibong nararamdaman ko sa loob ngayon ay mas ramdam ko na. Umalis kasi siya sa pagkakasandal sa pader at bahagyang ibinuka ang dalawang kamay. Napalunok ako bago mabigat ang hakbang na naglakad palapit. Nang magdikit kami ay pinatong ko agad ang baba sa balikat niya at siya namang paglingkis ng kamay niya sa bewang ko. Mierda.


"Hon..." malamyos na tawag niya.


Sa halip naman na gumaan ay parang mas nailabas nun ang lungkot na hindi ko alam ay naandyan din. Hindi naman big deal sa akin kanina pero ngayong nasa bisig niya ako ay parang gusto ko bawiin ang pagpayag kay Miss Lee at sabihin ang gusto ko.


"Hon, I still want to play. Hindi ako nag enjoy ngayon. Kulang pa." Hindi man sadya pero parang batang nagsusumbong ang tunong nun. Mierda.


Kaso sa halip na damayan ako ay narinig ko ang mahinang tawa niya. Napasimangot ako at mabilis na umayos ng tayo at hinarap ito. Hindi man tumatawa ay bakas naman sa mata niya ang pagpipigil. Lalo akong sumimangot at pinalaki ang butas ng ilong dahilan para hindi na talaga siya makapagpigil.


"Stop making me laugh kasi! It's not appropriate. Ang pangit mo." Buong kamay na tinulak niya pa ang mukha ko palayo.


Napahawak naman ako sa dibdib at nag kunwaring na offend sa sinabi niya. Parang kasalanan ko pa? Sa paningin ko ay hindi sapat ang salatang pinakamaganda pag nilapat sa kanya. Tapos ako? Pangit lang?


"Haha ang pangit mo, pre. Mukha kang basura." Biglang singit ng nakangising si Brylala at tinapik pa ako sa leeg.


Binalingan ko si Reese dahil umaasa akong ipagtatanggol niya pero nakikitawa lang ito. Napanguso ako kaya namamanghang tumingin sa akin ang tatlo. Pero hindi rin natuloy ang inis ko ng pagmasdan ko ulit ang headband at kamay niya. Ang cute cute niya. Mierda.


"Good thing you're cute." Ngiting turan ko at pintik ang headband.


"Excuse me? I'm not cute. I look pretty, divine, magical, and ethereal." Pagtatama niya na nginiwian ko.


"Yucks."

Sinabayan ko pa ng tinging hinugusgahan ang pagkatao niya kaya nanlaki ang mata nito at hinampas ang braso ko. Tangina, yung may sugat.


"Aaaaah!" Daing ko. Kumirot yun kaya inihipan at pinaypayan ko na para bang mababawasan ang sakit. Nagulat naman siya at tumingin sa kamay.


"Oh, God. I'm sorry, Hon. I'm sorry." Hindi pa pa siya magkamayaw kung saan ako hahawakan kaya pinilit ko nalang tumawa at umayos ng tayo.


"Biro lang. Mas masakit ka pa rin sa mata." Pambawi ko. Sumimangot siya at akmang papaluin ako ulit ng saluhin ko na ang kamay. "Kasi diba you're my sun. Bibi bibi you're my sun and moon." Natawa ako ng umirap lang siya pero kita ko ang pagpipigil ng ngiti.


"If you think I'm cute with this. Wait until you see what Mr. Co was trying to make me wear earlier." Kumunot ang noo ko ng umiling siya habang nakangisi.


Sa pagtataka ay binalingan ko si Enzo na sakto namang nakikichismis ang tatlo. Ngising ngisi itong binuka ang hawak na t-shirt na may mukha ko. Pero hindi yun simpleng picture lang dahil kuha yun nung bata ako na naka pig tail ang buhok at mukhang kagagaling lang sa pag iyak habang may hawak akong pana. Sa baba ay may 'Justice for Queen' #kupido_kHoe_panainmoangpuke(suka)ko_019


"What the...." Bulong ko at mabilis na hinakbot sa kanya yung damit. Natawa ang mga hunghang sa reaksyon ko at naglabas ng isa pang shirt na kagaya rin. Mierda.


"Is embarassing me your wont?" Tanong ko at binilog yung damit para ihagis sa mukha niya.


"Ha? Ano raw? Ano yun? Tanginang 'to. Kung ano ano sinasabi."


"Wont is like a habit or a customary behavior. Please, pay attention to your studies." Sagot ni Zero sa dalawa.


"Ay, pasensya na po Miss na may Photogenic memory." Sarkastikong sagot ni brylle. Photogenic ampota.

"What? What kind of mentality do you have? Nag pa botox ka ba sa utak?"


Hindi ko na sila pinansin at binalik ang atensyon sa binibini kong nanonood lang sa amin. Lalapit palang sana ako ulit ng may mahigpit na humawak sa braso para iharap at hinawakan ng mahigpit ang strap ng sports bra ko.


"Sebastienne Acozta, you're fucking forfeiting the game?" Bakas ang panggagalaiti sa mukha at sa boses nito. Tinignan ko ang name tag niya at tama nga ako na si Hamilton ito.


"What do you think you're doing, Miss Hamilton? Hands off of Miss Acozta." Seryosong turan ni Reese na hindi pinansin ng isa.


Sinalubong ko ang mainit nitong tingin bago hinawakan ang kamay para tanggalin ang pagkakagugom niya sa strap ko. Pinatigas pa nito ang hawak kaya seryoso at sapilitang ibinuka ko yun.

"Why the hell am I being declared the champion? You're backing out?" Galit na tanong niya pa rin.


"Yeah." Sagot ko dahilan para magtangis ang bagang nito at dumilim ang ekspresyon. Tsk.


"Why? Because of your injury? Are you that weak? Ganyan lang kababa ang pride mo as an archer?" Ngumisi pa siya na parang sinasadyang insultuhin ako.


"Yeah." Sagot ko lang.


Para naman itong mababaliw na ikinataas ng bahagya ng dalawang kilay ko. Halata ang galit sa galaw nito dahil sa pag-gugom ng kamay at paghilamos ng palad sa mukha. Kinakamot din nito ang palad at parang iiyak na.


"Miss Hamilton, I'm commanding you to leave now. This space is off limits for outsiders. You're causing a scene." Matalim na sabi ng binibini ko at pumagitna sa amin.


"Shut up. You don't under—-" Binalak pa niyang itulak si Reese ng pigilan ko sa pulso. Hinawakan ko yun ng mahigpit at mahinang itinabi si Reese sa likod ko.


"Leave." Utos ko.


Pabalyang ibinalik ko ang braso niya at seryosong tinignan siya. Hindi ko gusto ang binalak nitong gawin. Wala siyang karapatang mag taas ng boses sa Propesor na nasa likod at lalo pa ang tangkaing saktan ito. Kung hindi siya madadala sa pakiusapan ay kakaladkarin ko siya pabalik ko saan siya nanggaling. Mierda.


"No." Matigas din na pag tanggi nito. "Hanggang hindi ka pumapayag na sumalang ulit." Kumunot ang noo ko dahil napaka persistent niya.


"Auntie, hindi na nga pwede ang sais namin. Panalo kana nga." Sagot ni brylle.


"By what? By default? No one wants to win that way!" May kalakasang turan niya at binalik ang tingin sa akin. "We have pride, Sebastienne. Alam kong alam mo 'yun." Pinipilit nitong ikalma ang boses.


"I'm sorry. The decision is not mine and I'm not in the condition to play any longer today." Mahinahong sagot ko rin.


Para naman itong nadismaya at umiling iling. Hindi talaga maganda sa pakiramdam ang manalo by default lalo na sa tagpo kanina. Bawat athleta ay may pride na pinahahalagahan pero hindi ibig sabihin ay may obligasyon na ako sa nararamdaman niya.


"Condition? Just because of that wound? What do you want me to do? Should I hurt myself too? Just to be fair?" Humila pa ito ng isang arrow at itinapat sa balikat niya.


What the hell is wrong with this kid? She seems obsessed...


"What about those bruises that I got from training non-stop? Those tears? The fucking hardship for one year just to prepare for this moment? Mai invalidate lang yun lahat?" Parang naghihinanakit na turan nito na ikinagulat ko ng kaunti.


"Miss, we understand your frustration but comeback again next year. Six is not accountable for your sentiments." Sagot ni Zero at tinabihan ako.


"Yes, she is!" Sigaw nito pabalik. "There's no next year. This is my last term."


"Still, you can't force he—-"


"I'm not forcing her. She should behold accountably for what she did last year. You put me in a whole year of humiliation, Acozta." Direktang turan nito sa akin.


"Pre, tanginamo. Ang sama ng ugali mo. Pustahan tayo, hindi mo nanaman naaalala." Bulong ni Enzo sa likod ko.


"We compete for Top Archer last year and who would be sent to International as the representative of the country. You won. You got the title but then what? You backed out on your responsibility while still bearing the glory. While the management had to pick a substitute that you suggested. Which happened to be me."


"I still don't get the part where you're entitled to cause trouble to my cousin. To me, you sounded like a sore loser who does not know how to be grateful for the one who helped you." Tila wala kang pakialam na sagot ni Ze.


"You're not an Archer. You wouldn't understand." Seryosong sagot nito kay Ze bago ibalik ang itingin sa akin.

"You didn't help me. You limited my potential. Suggesting my name habang hindi mo man lang hinayaan na makarating ako sa kalahati ng score mo noon ay isang malaking insulto para sa akin. By that, you showed everyone that no one can beat you. That I would only get the best part because you gave it to me; that you handed it over. Day by day, I struggled to prove myself because of what you did. You understand nothing about an Archer's pride and honor, Acozta."


Hindi ako nakapagsalita o pinili kong hindi magsalita. Hindi ko balak itanggi ang kaunting guilt na nararamdaman ko dahil kung hindi pa niya kwinento ay hindi ko maaalala.

Hindi ko rin ginusto ang title. Sa pagkakaalam ko ay kasabay ng laban sa labas ng bansa ay tinanggihan ko rin ang yun. Naandun lang ako dahil gusto kong maglaro at ipinangako ko yun kay Dad.


"And now, you're depriving me of the right to bring back my honor as an Archer. This is my most awaited moment, Sebastienne. Allow me to prove that I'm so much better than you." Tila nakikiusap na nagmalalaki ang tinig nito.


"She'll play if she wants to. You have no right to obligate my archer, Miss Hamilton. I don't wanna say this because this may sound unprofessional, but I can't stand having you burden Miss Acozta with your crises. You sounded like a narcissistic child who couldn't grasp that your opponent is injured." Si Miss Lee na halata ang galit sa mukha habang papalapit ng papalapit.


"With all due respec—-"


"Talking about all that 'Miss Acozta not knowing anything about pride and honor' while you're here for revenge. At least my girl right here understands when to back out when the situation is beyond her capabilities." Seryosong singit din ng binibini ko at kinuha ang kamay ko para ipasok sa bulsa ng jacket niya.


"Tama!" Naputol ang tensyon dahil sa sigaw ni Enzo sa likod. Siraulo ampta.


"Tanginamo, Sais. Ang dami namang nagtatanggol sa'yo. Makakalimutin ka lang naman na hayop ka. Nag seselos na ako." Bulong pa nito sa tainga ko.


"I'll play."


Pansin ko ang pagkagulat sa mukha nila maliban lang sa tatlong kaibigan ko na mukhang nakini-kinita na ang mangyayari.


"What? Are yo—-"


"Coach, please, allow me to play. 'Yun din po ang gusto ko." Pinutol ko na agad ang sasabihin ni Hamilton at humara kay Miss Lee.


Parang nagdadalawang isip pa siya at pabalik balik ang tingin sa akin at sa sugat ko. Ilang segundo ang lumipas saka lang siya bumuntong hininga at tumango. Ngumiti naman ako ng maliit at inayos ang arm guard ko.


"Leave before I change my mind." Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Hindi ko na ito narinig magsalita pa at umalis na lang.


"We'll talk later." Malamig na sabi ni Reese at pinaupo ako sa bleacher. Damn.


Tumabi siya sa akin at ipinuyod ang buhok sa messy bun. Sumulpot si Zero na may dalang bag na sa tingin ko ay medical supplies at tumabi rin sa binibini ko. Pinanood ko lang silang linisin at kung ano anong gawin sa balikat ko. Nang matapos ay may nakapulupot na benda doon. Gustuhin ko mang sumimangot dahil mas lalong hindi ako makagalaw ng maayos ay hindi ko na tinuloy. Baka masampal na talaga ako.


"Good day, Everyone! Now we're back to finally start the last part of this Festival. Or rather last na nga kanina pero nadagdagan pa!" Malakas na biro nito sa Mic.

"May we call on once again our victors to join me here." Sumenyas ito sa magkabilang side kaya lumakad na ako palapit. "Miss Jasmine Hamilton as the last year Champion for SportsFest 2k18. Bearing the name of the respective and prominent Laurent University!" Pakilala nito dahil para maghiyawan ulit ang mga tao sa gym.


"Next is our very own Miss Sebastienne Six Acozta. The Adelson University's face and pride and as we all know.... The Youngest Top Archer of the year 2018!"


Humakbang ako ng isa paabante at nag bow ng kaunti. Bumalik ako sa pwesto ko at hinigpitan ang hawak sa bow bago iunat ang balikat. Hindi ko talaga maigalaw. Tsk.


"I'll explain the mechanics for this round. With the creative mind of the management, nakapag decide tayo as napaka-interesting na Tie-breaker." Hindi ko alam kung sarkastiko ba yun dahil ngumiti ito ng pilit. "Only one target. Tirahin niyo na. Paunahan, kung sinong mauna eh panalo na agad." Dagdag pa niya at umalis na.


Bumalanghit ang tawanan sa paligid samantalang napakamot ako sa pisngi dahil hindi malinaw. Pero biro lang pala dahil bumalik din siya agad at hinampas pa kami ng mahina sa balikat.


"Just like what I've said. In contrast to the previous rounds, this match will not be a battle against time. Walang time limit and no specific rules. Parang karera; kung kaninong arrow ang dumikit sa pinaka center ng target will be the declared as the Champion. Reminder, sa red dot at wala ng iba pa." Tinuro niya pa yung target sa taas na mas malayo at mas maliit kumpara sa mga nauna. Tsk. Creative nga.


"Hindi ko na patatagalin pa. Again, Congratulations and Goodluck!"


Hindi pa tumutunog ang buzzer kaya nilibot ko ang mata sa nasa harap. Kung paunahan ang laro ngayon ay wala na akong oras para magkalkula pa kapag tumunog na ang hudyat. Sandali akong pumikit at pinawi ang anumang ingay o distraksyon mula sa labas. Nagmulat ako ng mata at itinuon ang buong atensyon sa target.


*Bzzzzzzzzzzzz*


Mabilis na humugot ako ng isang palaso at inilagay sa bow. Naitataas ko pa lamang ang kamay ay ramdam na agad ang bendang lumilimita sa kilos ko. Gayunpaman, pinili ko na lamang hindi indain at mag adjust sa pagbabago. Pinikit ko ang isang mata para umasinta bago bitawan kaso hindi man lang yun dumakit sa target dahil sa isang palasong tumama doon.

Lumingon ako sa gilid at sinalubong ang tinging pinupukol din sa akin ni Hamilton. Tinagilid ko ng bahagya ang ulo ng kumurba pataas ang gilid ng labi nito kasabay ng malakas na sigawan at pag cheer ng university nila.


"I'm not just here to win. I'll prove to everyone that I'm so much better than you." Buo ang boses na sabi niya at pumorma para tumira.


Tinanggal ko ang pagkakatali ng tela sa braso ko at ipinasok yun sa bulsa. Inikot ko muna ng kaunti ang balikat at sabay na hinugot ang dalawang palaso. Pumorma ako ng pagtira at hinila lalo ang string bago lingunin ulit ang katabi. Saktong pagpitik ng string niya ay ang pagpapakawala ko rin sa dalawa. Bumukas ang gulat sa mata nito ng magsalpukan ang isang palaso ko at ang kanya habang ang isa pa ay dumiretso sa target sobrang lapit sa pulang marka.


"Shame." Simpleng turan ko ng lumabas sa Screen ang 40pts bago naging zero ulit.


Ibinaba ko ang tingin papunta kay Hamilton na tila nainsulto ko nanaman. 'Yun naman talaga ang pakay ko. Hindi ko gusto ang pananalita at ang dating niya. Palagay ko ay hindi ko na kailangang gayahin ang paraan niya na maraming dada para lang mamikon ng kaharap. Tsk. Hindi ko 'man gusto ay mukhang pinanganak na akong may ganong talent.


Nagpatuloy ang charades sa pagitan namin. Nasa magkabilang dulo na nga kami ng linya dahil sa palipat lipat ng pwesto. Tumira ito ng isa na hinayaan ko lang dahil siguradong hindi naman yun tatama sa gitna. Napahawak ako sa ilong para magpigil ng tawa kaya inis itong bumaling sa akin. Makalipas pa ang ilang minuto na namamalayan ko nalang na hindi na ang pulang marka ang puntirya ko at ini enjoy nalang ang laro.


"Fuck you, Sebastienne Acozta. You act like a fucking antagonist on my story." Inis na singhal niya na kami lang ang makakarinig.


Umiling nalang ako at umatras dahil inagaw niya ang pwesto ko. Nangingisi nalang akong pinapanood ang mukha nitong frustrated tuwing kada tira niya ay pinipigilan ko. Ilang arrow na rin ang nakatusok sa bilog pero ni isa ay wala sa gitna.


"The next one will be shot straight to you, Sebastienne." Nanggagalaiting pero halata namang nagpapanggap lang na sabi nito.

Hindi ko napigilan ang matawa ng mahina at ibaba ang bow. Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa at pagbakas pa lalo ng inis sa mukha nito ng marinig ko ang boses ni Enzo sa mic.


"Sais, ituloy mo lang ang pagtawa dahil last mo na 'yan, pare. Wala ka na rin tutulugan mamaya at Congrats... single kana!"


Nagulat akong napalingon sa gawi nila. Agad na dumako ang tingin ko sa binibini kong nakatayo lang at walang mababakas na emosyon sa mukha. May hawak din siyang isang arrow na pinaglalaruan sa daliri. Mierda.


"Tira na!" Baling ko kay Hamilton at dumistansya pa lalo.


"Excuse me?! Bakit parang kasalanan kong nag break kayo ng boyfriend mo?" Pataray na sagot nito na hindi ko na pinansin.


Dahil ang bagal niya ay nauna na akong tumira na pinigilan niya rin gamit ang sariling bala. Pinigilan ko na rin ang matawa at itinuon ang atensyon sa pagtira ng katabi. Bumuntong hininga ako at hinintay kung kailan siya titira.


Malaki man ang punto nila Zero kanina ay hindi maipagkakailang valid ang nararamdaman ni Hamilton. Magkaiba kami ng pagtingin at pagpapahalaga sa parehong laro. So, I'll make amends for what I've done and help her take back her so called pride and honor. Pabor din sa akin 'yun dahil ang gusto ko lang naman ay maglaro. Hindi ko kailanman itinuring na requirement o patimpalak ang Archery.

Pero hindi naman ibigsabihin nun ay I'm going easy on her. Lampas sa professional ang skill nito at wala akong pagpipigil na ginagawa. Insulto kahit kanino man ang malaman na nagpaubaya o pinagbigyan lamang ng kalaban.


Isa pa kanina pa dumudugo ang balikat ko at wala na rin ako sa kondisyon.


Napataas ang kilay ko ng huminga ito ng malalim at naglakad papunta sa gitna. Nanatili lang akong nakatayo at pinanood itong kalmado at swabe na pumorma sa pagtira. Akala ko ay bibitawan niya na pero mukhang hinihintay niya pa ako. Imwinestra ko lang ang harap bago itaas ulit ang bow. Sabay naming binitawan ang string ang pinagkaiba lang ay papunta sa gitnang direksyon ang kanya habang sa lobo sa tabi ang akin.


*Bzzzzzzzzzz*


Literal ang gulat sa akin ng pagkaharap ko palang ay dinumog kami pareho ng yakap. Palagay ko ay halo halo galing Laurent at Adelson dahil sa kulay blue at yellow na damit. Gustuhin ko mang umalis dahil ayaw kong nahahawakan ay hindi ko magawa. Sa tulakan ay nagkadikit kami lalo ni Hamilton.


"Well, that was anticlimactic." Preskong bulong ni Hamilton na tinaasan ko lang ng kilay. Basang basa nga siya ng pawis eh.


"Sais, magpayakap kalang daw diyan! Sulitin mo na dahil lalamigin ka sa kabilang buhay." Si Enzo na nakangisi at tinuturo pa ang binibini ko. Mierda.






Naramdaman ko talaga ang lamig ng afterlife dahil mag iisang linggo na, na hindi man lang niya ako kinita. Excuse din ako sa buong klase hanggang sa gumaling ang injury ko. Akala ko nung una ay ayos kami pero pinatapos lang pala nito ang laro ko bago ako parusahan. Hindi ko naman ginustong masaksak.

Buong pagpapagaling ko ay ang pinadadalhan ako ng binibini ko ng mga notes at files kahit hindi na sa subject niya. Pinadadala niya lang kay Enzo para aralin ko. Perks of being a Professor's Girlfriend.


Pero nung nakaraan pa naman ako magaling at heto nga at minamaneho ko ang pick up ni Enzo papunta sa bahay ni Reese. Sakto namang nasa tapat na ako ng tumawag ito.


Longganisa Seller sa Makati is calling.....


"Yo." Bati ko agad.


"Yo? Is that all? Yo?"

Napakurap kurap ako at tumingin sa magkabilang gilid.


"Y-yo. I'm listening, Honey?" Nangangapang sagot ko pa.


"Hello, Hon. Where are you? What are you doing?" Naging malambing bigla ang boses niya kaya napakamot nalang ako ng hintuturo sa pisngi.


Sa halip na sumagot agad ay umiling nalang ako at bumaba ng sasakyan. Sumandal ako sa trunk at lumingon sa bintana niya.


"Hon? Are you th—-"


"I miss you." Mahinang sabi ko.


Tumahimik bigla ang kabilang linya. Nakita ko nalang itong lumabas sa Veranda at sumandal sa railings. Napakaganda.


"Come see me." Turan niya na kinangiti ko ng maliit.


Umalis ako sa pagkakasandal at binuksan ulit ang pinto. Bumusina ako ng dalawa kaya kita ko pang nagulat siya at mabilis na nagpalingon lingon. Nang sa wakas ay magtagpo ang tingin namin ay inangat ko ang kamay at kumaway.


"What are you doing here?" Gulat niyang tanong.

"Magsasauli sana ng Tupperware tapos order na rin ng skinless." Umirap siya kaya natawa ako. "Silly. I'm here for your neighbor. Baba na. Magpapasama ako."


Matatanggal na ang mata niya kaiikot dahil umirap ulit siya bago patayin ang tawag. Wala pa man lang isang minuto ay nasa harap ko na siya kaya napangisi ako.


"Are you busy?" Umiling siya. "Balik kana ulit sa taas, Pre. Magbihis kana. Aalis tayo." Biro ko kaso mukhang ready siya dahil may tinatago pala itong ruler sa likod. Inihampas niya yun sa akin kaya tatawa tawang napadaing ako.


"What are you doing here? I told you to rest and get better. You're so clingy and stubborn." Parang stress na sagot niya at hinampas pa ako ng ruler ulit.

Anak ng? Siya nga ang may pa 'come see me'. Tsk.


"Where are we going nanaman ba?" Kunwaring inis na sabi niya pero humawak naman sa damit ko.


Hindi nalang ako rumebat pa at inakay siya papunta sa likod. Tinanggal ko yung cover para makita niya yung dalawang bike. Humarap ulit ako at tinignan ang reaksyon niya.


"Is that for sale? You're selling it to me?" Mukhang genuine na tanong niya. Napasimangot ako at hinawakan siya sa dalawang balikat para itulak at maglakad.


"I was just joking." Tumawa pa siya pero hindi ako tumigil at tinulak siya papasok ng gate.


"Funny mo naman, ante." Sarkastikong sabi ko na nginisan niya lang. "Change your clothes. Tara mang chix." Hindi ko na siya hinayaan pang magreklamo at dahan-dahan ng sinara yung gate.


Bumalik nalang ulit ako sa sasakyan at ibinuhat yung mga bike pababa. Lumingon ako sa taas at walang kahit anong senyales na uulan at puno ng stars ang langit. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang gate.


Tumikhim ako at pinanood itong maglakad palapit. Naka puting off shoulder floral dress siya na hanggang tuhod at brown na sandals. Kinagat ko ng buo ang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti dahil hindi na nagbago ang epekto niya sa akin. Heto nga't wala naman itong ginagawa pero pakiramdam ko ay hindi na mas gaganda pa ang gabi ko. Mierda.


"Stop staring at me that way." Namumula ang pisnging singhal nito sa akin na sinagot ko lang ng ngiting umabot sa mata. Napakaganda.


Inabot ko yung isang stalk ng Red tulips galing sa basket ng bike at inabot sa kanya. Lalo namang namula ang pisngi nito kaya natawa ako ng mahina. Ganda ganda.


"You're being suspicious na. May ginawa ka 'no?" Naningkit pa ang mata niya kaya natawa ako ng malakas.


"Marami." sagot ko nalang at pinalo yung upuan ng Korean bike niya na kulay blue.


"Hon! Don't hurt it!" Hinimas niya pa yung upuan bago sakyan.

Natawa nalang ako at sumakay din sa bike. Hinintay ko muna siyang mauna bago ako nagsimulang pumedal at sabayan siya. Natatawa pa ako nung una dahil kapag nagdidikit kami ay sumisigaw ito at pinalalayas ako.


"Acozta! Isa! I told you I'm not magaling with this." Reklamo niya at sinipa yung bike ko para magpagewang gewang. "HAHAHAHAHHAHA Baka matumba ka sana." Nag baka pa pero hiniling din.


Hindi nalang ako pumalag at pinantayan ito. Buong ride ay nananakit na ang panga ko sa katatawa dahil ang dami niyang napapansin.


"Oh my god!" Saktong may nadaanan kaming aso na gumagawa ng baby kaya muntik pa siyang matumba.


Huminto ako at nilabas ang phone para itapat sa mga aso. Kaso hindi pa man ako nakakapag video ay hinakbot niya na agad at inilagay sa basket ng sariling bike.


"Pervert." Ngising sabi niya pa saka pumidal paalis. Natawa nalang ako at binilisan ang pagpatapak para maabutan siya.


"Tayo kaya kailan?" Tanong ko.


"The what?" Kunot noong tanong niya. Kaya tinaas baba ko ang kilay at tinuro yung likod.


Napahagalpak ako ng tawa ng tangkain niyang sipain ulit ang bike ko pero nailayo ko na. Nasa may parteng pataas na ang daan at pansin ko ay nahihirapan na siya kaya hinawakan ko ito sa balikat. Nagpedal ako ng mabilis habang tulak tulak siya.


"YEAAAAAAH!.... O-oh HAHAHAHAHA" Muntik pa siyang matumba ng sandaling itaas niya ang dalawang kamay dahil sa tuwa.


"Careful, sofia the first." Pang aasar ko na hindi niya naman pinansin.

Makalipas ang higit trenta-minutos ay nakarating na kami sa Moa Sea side. Bumaba na ako sa bike at tinulak nalang dahil napakadami ng tao.


"Really? Ito yung malapit sayo, Hon?" Reklamo niya na tinawanan ko lang.

Ang sabi ko lang malapit. Wala naman ako sinabi kung malapit yung lugar or malapit kami bawian ng buhay.


"Pretty." Dinig kong bulong niya.

Huminto ako at nilingon ito. Nilipat ko ang tingin sa Bilog na buwan na pinagmamasdan niya bago ibalik ang tingin sa maganda nitong mukha.

"It is."

"Ha?" Taas kilay na tanong niya na sinagot ko ng maliit na ngiti at iling.

"Taho! Tahoooo! Ma'am, kayo po taho?" Tanong ni kuya at nilapag ang dala sa tapat namin. Hinintay ko ang sagot ni Reese pero nagtaas lang ito ng kilay.

"Hello, ma'am. You don't speak tagalog? Annyeong! Would you like to buy my delicious and mouth-watering Taeho made of fresh soft/silken tofu, arnibal, and sago pearl?" Magiliw na sabi ni kuya. Kita ko ang panandaliang panlalaki ng mata ni Reese kaya napangisi ako.


"Boss, give me two Taeho made of silken tofu, arnibal, and sago pearl." Ngising sagot ko pero ngumisi ito at sumenyas ng hindi sa hintuturo.


"Uh uh. You forget the fresh part, madame." Na ikinatawa ko. Tumango lang ako at pinanood siyang maglagay ng taho saka inabot sa akin at kay Reese.


"Keep the change." Sabi ko ng balak nitong suklian yung 1k.


Bago pa siya makaangal ay naglakad na kami palayo. Wala namang problema dahil hindi ko naman pera yun. Naiwan yun ni Lorenzo sa bulsa ko.


"You're surprisingly good with strangers." Sabi ni Reese at sumimsim sa baso niya.


"I am?" Taas kilay na tanong ko pabalik.


"Yeah. I still remember when we were at the gasoline station. The balut vendor. To kuya quack quack now with the Taeho seller." Inisa isa niya pa kaya napataas ang kilay ko. Naaalala niya pa lahat yun?


"Maybe because they are strangers. I will never have to see them again." Inabot ko muna yung plastic cap niya at inilagay sa basurahan naming dala.

Bukod pa dun ay nagtatrabaho rin ako. I work as a bartender so I know how tiring it is. Sa bawat shift ko, I deal with different lasinggeros. It's draining.


"It wouldn't cost me a penny to show basic human decency and be nice." Dagdag ko.


Hindi ko alam pero hindi na siya nagsalita at kagat labing nilibot nalang ang mata sa paligid. Ganun nalang din ang ginawa ko habang patuloy kaming naglalakad. Nahinto lang sa may live-band.

Ako'y nasa Malate, alas siete ng gabi
Nakilala ko tuloy itong magandang babae
Na nakabibighani sa aking mga mata
Ang 'di ko lang alam ay manloloko lang pala~

Pansin ko ang paglukot ng mukha ni Reese na nauwi sa ngiwi. Mukhang hinahanap pa niya kung sino ang kumakanta bago takpan ang tainga.


"What's going on?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ko.

"I'm not that fond of songs like this. It's too... I don't know." Nangingiwi pang sagot niya.


Kaya doon sa bar ako'y kanyang inaya
Inom daw kami at siya ang taya
Kaya't kaming dalawa uminom ng beer
Inangat ko ang mug at ang sabi niya sa 'kon "Cheers"~

"AHAHAHAHAHAHHAHA tangina." Hindi ko na talaga napigilan ang matawa ng pumadyak siya ng isa at napakamot ng mabilis sa tainga.


"What's funny?" Halata ang inis doon. Kinagat ko ang ibabang labi bago hilahin i stand ang bike naming dalawa at hilahin siya patawid sa mismong banda. "I told you I don't like this song. Were you not listening to what I said? Sasaksakin ko ng stem ng tulips yang ear mo, Acozta." Banta pa niya at nagtakip ng tainga.


Hindi ko 'yun pinansin at sa halip ay kinuha ang kamay niya at nakisiksik sa mga tao na nakikisabay sa kanta. Wala naman talaga akong balak inisin ito kaso ganito talaga ang mga kanta lalo na kapag nasa fiestahan at kanto. Hindi ko rin gaanong gusto ang lyrics pero masaya naman at ngayon lang.


"Hon, let's go. Please? It's embarassing." Sa halip na pumayag ay kinuha ang kamay niya at hinalikan yun "Diba you hate it when people are getting too close to you physically. I swear——"


"OH DARLING DARLING STAND BY ME, OH - OH STAND BY ME, OH MADALAS, LUMALABAS BANYO QUEENN!!" Malakas na pagsabay ko sa mga taong kumakanta at tinuro siya.


"Oh my god, Please. Stooooop!" Mukhang nahihiya talaga ito kasi nagtakip siya ng mukha at yumuko.


Tinawanan ko nalang at hindi na ininda pa. Nakaramdam naman ako ng guilt kaya yumuko ako para silipin ang mukha niya pero walang pagkadisgusto doon at purong hiya lang. Cute.


"ALRIGHT, GET READY FOR THE THIRD VERSE!" Hiyaw ng Vocalista sa mic.

Pinatay niya ang ilaw, then binuksan ang VCD
Doon sa kanyang kama, kami ay nahiga
Ako ay nagulat at ako ay nabigla
Ako'y nanginginig, pawis na pawis


"TINUTOK KO... PINASOK KO AND BOY WALANG DAPLIS! AT ANG SABI NIYA SA AKIN AY 'UHM AH——" May kamay na tumakip sa bibig ko.

Mukhang hindi na talaga nakayanan ng binibini ko ang kahihiyan dahil pulang pula ang buong mukha nito habang dalawang kamay na tinapan ang bibig ko. Tumatawang tinanggal ko nalang yun at hinawakan ng mahigpit at ngumiti ng malaki abot mata. Hindi na rin ako nakisabay sa pagkanta at nakikitango nalang hanggang sa matapos.


"Oh, Let's go na." Hinila niya pa ang kamay ko paalis pero hindi naman ako gumalaw. "Hon? Are you sure you're fully healed? Baka may injury kapa sa utak." Sarkastikong sabi niya na ikinahagalpak ko ng tawa.


Nginang yan, buong gabi ata ay hindi lilipas ang limang minuto na hindi ako tatawa. Umiling nalang ako at ginulo ang buhok niya. Ang galing niya na mag tagalog.


"MORE!!! MORE!!!" Hirit ng crowd kaya nagtakip ako ng tainga habang naglalakad paalis.

"Thank you everyone. Yes, we'll have more. Pero galing na sa crowd. Any volunteer? This is your chance to serenade your loved one!"

Agad na napahinto ako sa paglalakad at humarap ulit sa stage. Tumingin ako sa paligid bago makitaas ng kamay. Lumingon ako kay Reese at nanlalaki ang mata nito habang nakatingin sa akin. Haha cute.

"Yes, you! The girl in blue." Nagsilingunan ang mga nasa unahan sa amin kaya napatingin ako sa damit ko para makasigurado. "The pretty girl with another pretty girl. Do you wanna sing with us? Please, come up here." Sinenyas pa niya ang kamay para palapitin ako.

"Damn it. This girl is overdosed." Bulong bulong nito habang hawak hawak ko ang kamay na naglakad palapit.

Iniwan ko siya sa pinakagitna kung saan makikita ko at malabong mabastos ng iba dahil napapalibutan ng kababaihan saka ako umakyat sa stage.

"Oh, what a Goddess." Turan niya sa Mic na nginitian ko lang ng maliit. "So, your name is?" Inabutan niya pa ako ng isang Mic.


"Missy Yo bliccana." Sagot ko at ngumiti.

"What a unique name. It's suits you." Anong it suits me? "So, sinong balak haranahin ng ating Missy Yo? Your boyfriend?..... Girlfriend?" Lumingon pa siya kay Reese na inirapan ako kaya automatic ang ngisi ko.


"Wife." Sagot ko.


"Ohhhh." Tila gulat na sabi nito kasabay ng mga nanonood. Ngumiti lang ako at saglit tinapunan ng tingin ang binibini ko. "A happy wife is a happy life." Dagdag pa niya.


Bumulong lang ito sa akin kung anong tutogtugin kaya nang masabi ko na ay natawa siya. Paano kasi ang sinasuggest nito ay mga kanta ni Ed Sheeran at iba pa. Bumalik na ito sa gitna at hinarap ako.


"Bago tayo magsimula, is there anything you would like to say to your beloved wife?" Nagulat ako dahil hindi ko alam na may ganun.


Nagpabalik balik ang tingin ko dito at sa banda sa likod pero nakangiti lang siya. Mierda. Tumikhim nalang ako at dinala ang Mic sa bibig. Mierda.


"I..." Pakiramdam ko ay na blangko ang isip ko at wala akong masabi. Sinalubong ko ang tingin ng binibini kong matamang nakikinig at naghihintay ng sasabihin ko. Umangat ang dalawang gilid ng labi niya kaya ngumiti rin ako.


"I don't frankly know what to say but I hope she knows that even the most tragic song can make my soul flutter every time I think of her."


Nagsimula ng tumugtog ang banda kaya pumunta umabante ako ng isa pa at pinigilan ang matawa ng makilala niya yun intro palang. Napahawak ito sa noo at yumuko. I know she's not a fan of this song.



Awitin Mo at Isasayaw Ko
Song by VST & Company

Walang iba pang sasarap sa pagtitinginan natin
Sana ay 'di na magwakas, itong awit ng pag-ibig

Unang dalawang sentence palang ay hindi talaga siya nag aangat ng mukha. Kapag nadadaan ang kantang 'to sa phone ko ay pinapatay niya agad. Ang cheesy daw palibhasa ay walang asukal sa katawan.

Awit natin ay 'wag na 'wag mong kalimutan
Pangako ko naman na lagi kang pakikinggan
Magpakailanman

Ang isang pag-ibig ay parang lansangan na pandalawahan
Kaya't sa ating awit, tayo ay magbigayan (ah-ha)


Nag angat ito ng mukha at bakas ang pamumula doon. Inayos niya pa ang buhok at inirapan ako. Tumingin ito sa paligid dahil nakiki sway ang mga yun. Muntik pa akong pumiyok ng kumamot ito sa pisngi habang naka pakyu.

Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko, whoa-oh-oh
Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko
Ah, ah-ha, ah-ha, ah, ha

Naglakad ako pababa ng stage at lumapit sa mga nanonood ding nakikisabay sa akin. May lumapit pa nga sa aking isa kaya natawa ako at hinawakan ko ang dulo ng hintuturo para paikutin.

Walang iba pang sasarap sa pagtitinginan natin
Sana ay 'di na magwakas, itong awit ng pag-ibig
Awit natin ay 'wag na 'wag mong kalimutan
Pangako ko naman na lagi kang pakikinggan
Magpakailanman, ah-ha-ha


Lumingon ako sa stage ng magsimula na ring kumanta ang bokalista ng banda. Binaling ko ang tingin kay Reese na nakataas nanaman ang isang kilay sa akin at sa katabi ko. Natawa nalang ako at sumayaw sayaw ng kaunti palapit sa kanya. Unti unti namang nagbago ang ekspresyon niya kaya ngumiti ako hanggang sa magkatapat kami.


Ang isang pag-ibig ay parang lansangan na pandalawahan
Kaya't sa ating awit, tayo ay magbigayan (ah-ha)

Nanlaki ang mata nito ng kunin ko ang kamay at hilahin papalapit hanggang magdikit kami. Kumindat ako ng isa ng makabawi siya sa gulat.

Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko, whoa-oh-oh
Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko
Ah, ah-ha, ah-ha

In-off ko muna ang mic at hinayaang si Voc muna ang kumanta. Umatras ulit ako ng isa at hinila siya. Para kaming sumasayaw ng cha-cha kaya pulang pula na ang mukha nito. Itinaas ko pa ang kamay namin at pinaikot siya saka nilagay yun sa balikat ko.


"I hope you know how embarrassing this is, Six. I can't." Bulong niya pero tumawa lang ako at yumuko para ako naman ang umikot sa kamay namin. "And you really have to pick the one that I hate 'noh." Asar niyang dagdag na ikinatawa ko.


"What about now? Do you still hate it?" Hinapit ko siya lalo palapit at itinaas baba ang kilay ko.

Sa halip na sumagot ay umirap lang siya at pinigilan ang ngiting gustong kumawala. Bahagyang nagulat ako ng nagkusa siyang mag sway na sinama ako. Ngumiti nalang ako at tumingin sa mga katabi naming nakikisayaw din. Grupo man o partner.

Ang isang pag-ibig ay parang lansangan na pandalawahan
Kaya't sa ating awit, tayo ay magbigayan (ah-ha)
Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko, whoa-oh-oh
Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko
Ah, ah-ha, ah-ha


Natapos ang kanta na pawisan kami pareho dahil sa pagsayaw at lukso. Nawala rin kasi ang hiya sa kanya at tawa lang ng tawa lalo na nung sumayaw ako ng parang sa robot. Nasabihan niya pa nga ako ng ako raw ang Plywood at ang kapal ng mukha ko. Sweet.


"Whoooo! That was fun!" Nagpunas pa ang bokalista ng pawis kaya nagsigawan ang mga katabi namin.


"MORE!! MORE!!! MORE!!!"

Doon ko lang din napansin na mas dumami pala ang tao. Ngayon kasi ay halos magdikit dikit na at halos mabingi ako sa lakas ng sigawan.


"More pa raw, Goddess Missy Yo." Turo nito sa akin.

"Sure. Pili ka, Hon sa Jumbo Hotdog, Spaghetti pababa, Pagbigyan mo a—-" Hindi ko na natuloy ng hilahin na ako ng binibini ko paalis.


Tumatakbo siya na dala dala ako kaya inabot ko yung isang Mic sa hindi ko kilala at sumunod. Nang makalayo kami ay hingal na humarap ito at pinaghahampas ako sa braso.


"Sorry na, Hon. Stop. Sorry." Tatawa tawa kong sinasalag yun hanggang sa huminto siya.


"Nais kong kuman... Nais kong kuman..." mahinang kanta ko pa dahilan para umamba ulit siya ng hampas kaya umatras na ako. "Kumanta kasi yun, Hon." Bawi ko.

Umirap lang siya kaya tinaas ko ang dalawang kamay. Di kalaunan ay napansin ko nalang na yumuyugyog ang balikat niya hanggang sa marinig ko na ang pagtawa. Napakagat labi tuloy ako pero hindi ko rin napigilan hanggang sa nakisabay na. Nginang yan.


"I can't talaga with you." Sabi niya ng makabawi. "You just have to do all the romantic stuff embarrassingly. I was expecting Taylor swift's or Girl in Red's since that's your favorite." Umiling pa siya kaya napahawak nalang ako sa batok.


"Then.... Let me." Tinaasan niya lang ako ng kilay sa pagtataka. "Let me make up for it. Let me sing for you all the romantic stuff for the rest of our lives."


Hindi siya nakasagot at sakto namang may nakita akong nagtitinda ng fishball kaya in-stand ko ulit ang bike at tumakbo papunta doon. Nilabas ko ang wallet at napakamot ang ulo ng 350 nalang pala ang laman nun. May shift naman ako bukas.


"Boss, 10 kwek kwek nga ho tapos bente din nitong fishball, kalabasa, at kikiam. Pakihiwalay ho sa dalawa ha. Tapos pwede ho bang yung isa ay doon sa may takip tapos pahingi naman boss ng sauce na bago. Salamat!" Natawa naman itong tumango at inabot sa akin.


Bumalik din ako agad sa binibini kong pinapanood lang ang paglapit ko. Nang makarating ako sa tapat niya ay itinaas ko yun at inabot sa kanya yung may takip. Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagpabalik balik ang tingin niya sa hawak ko at sa nasa kamay niya. Nagulat pa ako ng kaunti at ibinuka ang kamay ng bigla pero mabagal na yakapin ako.


"Thank you for always considering what I feel and what I like." Nag angat pa ito ng ulo at binigyan ako ng mabilis at magaang halik sa labi.

Hindi pa man ako nakakabawi ay nakatalikod na siya at umupo sa mahabang sementadong harong sa harap namin. Ngumiti nalang ako at sumampa rin at tinabihan siya. Walang salitang maririnig pagitan namin at pawang pinanonood lang ang buwan at dagat. Pero hindi yun katahimikan na awkward o kung ano pa man. Tahimik at payapa.


"What's this?" Dinig kong sabi niya habang may hawak na papel. Binaba ko rin ang stick at dumungaw.


Break up letter yun at may marka pa ng ilan na sa tingin ko ay mula sa luha. Kanina ko pa tapos basahin pero mahigpit pa rin ang hawak ni Reese doon. Inangat ko ang tingin at bakas ang lungkot sa mukha niya. Kukunin ko palang sana ng magkusa na siyang ihulog yun at hayaan ang hanging tangayin yun papunta sa dagat.


Pinapanood ko lang ang pagbukas sara nito ng sariling styro. Gusto kong malaman kung bakit biglang nagbago ang mood niya. Mukhang hindi na rin naman ito nakatiis dahil bumuntong hininga siya.


"Have you ever imagined what it feels like to lose me?" Nagulat ako kaya hindi agad ako nakasagot.

Ilang segundo pa ang lumipas kaya nakatitig na ito sa akin. Umiling lang ako kaya ngumiti siya pero hindi yun kagaya ng madalas na nakikita ko dahil bukod sa hindi umabot sa mata ay bakas ang lungkot at pagkadismaya.


"Good for you." Kala ko ay wala na pero bumuntong hininga ulit siya. "As for me, I always succumbed to despair every time that thought crossed my mind. I'm so scared that one day just like that letter, you'll come up to me and say that you wanna break up. That you no longer feel what you felt for me. That I'll just be another character in your book that'll not be included in the upcoming chapters."


Bumagsak ang balikat ko habang pinakikinggan siya. Gustong gusto ko na itong putulin at sabihing mali ang iniisip niya. Na hindi niya kailangang matakot pa dahil sa dami ng karakter sa libro ko ay siya ang gusto kong magdala ng apelyido ko sa pagtatapos.


"I always get frightened that I'm just your prologue but will never be the epilogue." Nagtubig pa ang mata niya kinakirot ng dibdib ko.


"I've never imagined it or rather I don't wanna imagine what it feels to not have you here." Lumunok ako at niyakap ang tuhod ko.


"Ayokong magkaroon ng ideya kung anong pakiramdam ng wala ka. Ayokong mabuhay at manatali sa relasyon na 'to dahil lang sa takot na maramdaman pa ulit ang takot at sakit na dala ng ideyang yun." Unti-unti namang lumabas sa utak ko ang eksang maghihiwalay kami kaya winaksi ko yun kaagad.


"At kung maaari ay yun ang isang bagay na hindi ko gustong malaman at maramdaman pa. I don't wanna lose you, Reese. Kahit pa sa libro at imahinasyon lang yan." Pakiusap ko at hinarap siya.

"Yes, you're my prologue and you'll always be included in every chapter of my story. But will never be in the epilogue because I don't want this to end. I envisioned being with you in every series, in every timeline, and every lifetime."

Hindi yun isang pahayag lang dahil isa ring pangako at pakiusap. Hindi ko alam kung may paraan ba, kung posible man o ano pero yun talaga ang hiling at gusto ko. Gumalaw ang adams apple nito at hinawakan ang dulo ng daliri ko.


"In this world of uncertainty, my love for you is the only thing that I am certain of." Dagdag ko habang binibingi ng kabog ng dibdib.


"I love you, Reese."

Bumakas ang gulat sa mata niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at para akong mabibingi. Napakaraming nangyayari sa loob na hindi ko maipaliwanag at sanhi ng pagdaloy ng likido pababa sa pisngi ko.


"I love you so much with every breath I have."

Amidst all chaos, your presence is what gives me clarity, Hon.



"Let's not do that." Nagulat ako at bumagsak ang balikat. Babawiin ko na sana ang kamay ng hawakan niya yun nga buo. "Let's not break up. Let's not put an epilogue to this story. Let's not make you discover what it feels to not have me... Let's just stay together for eternity"


Tumango tango ako at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagdaloy ulit ng luha sa mata ko dahil sa labis na nararamdaman. Mukhang pareho kami dahil kumikibot kibot din ang labi nito.



"If there's one thing that I'd change in this story was the moment that I unintentionally and mistakenly pulled you into my world." Kumunot ang noo niya kaya ngumiti ako. "I truly regret that you were the only one who's aware of the prologue." Mukhang hindi niya talaga naiintindihan kaya natawa ako.


"If ever I got the chance to relive that moment, I would do it better this time. I would ask for your name right away; wouldn't let you cry without patting your back; wouldn't let you walk in the sand because it's dirty..... I would make 99 wishes for you instead of three."

Pinanood ko kung paanong unti-unting mag sink in sa utak niya ang sinasabi ko. Bumakas ang gulat sa mukha niya kaya ngumiti ako ng malaki.

Pero ganun din ang pagkabigla ko ng pukpukin niya ako ng mineral water sa ulo. Sa halip na umangal ay natawa ako dahil para kaming bumalik sa umpisa. Pinukpok niya rin kasi ako noon ng sumbrero. Sweet.


"Thank God, your brain-dead self remembered what you did! You blind, despicable, and careless woman." Iling iling niyang sabi kaya napakamot ako sa ulo.

"Sor—-"

"But don't regret it. Don't wish for a redo because I love how things are now. Let's not change anything from the past." Mahinahong sabi niya na tinanguan ko.

"Yes, ma'am!" Nag pa salute ako kaya umirap siya. "So let's not overthink things. I'm all yours. Ugh my body, my mind, my heart, my soul, my sex—-"


"Since when?" Pinutol niya na agad ang kalokohan ko.

1419.


"Since 1419." Tumaas ang dalawang kilay niya at maging ako ay bahagyang nagulat din.


"Why 1419?" Nagkibit balikat nalang ako dahil bigla nalang naman yung lumabas sa bibig ko. "1419. I like it. Has a good ring to it." Ngumisi ako at kumindat sa pagka proud.


Matapos kaming kumain ay bumaba na para mag bike ulit pauwi. Kaso pasakay palang ulit ako ng makatanggap ako ng isang sampal sa pisngi.

*PAAAAK*


"Hon?!" Nanlalaki ang matang tanong ko habang hawak ang pisngi. Kaso ang babae ay ngumisi lang at inihapan pa ang palad.

"I've promised to do that once you remember. That's what you get for forgetting about me." Proud na sagot pa nito at nagpi pedal palayo.


Hinimas himas ko nalang ang pisngi at sumampa rin sa bike. Binilisan ko ang pagpedal at nang makahabol kami ay sinipa ko ng mahina ang likod na gulong niya.


"Fuck you, Acozta!" Sigaw nito ng magpagewang gewang siya at muntik pang matumba.

"Yes, please!" Sigaw ko pabalik at nilingon siya sa likod.


"Help! Help! Help!"

Nagkatinginan kami at napahinto dahil sa boses babaeng sumisigaw. Nagpalingon lingon ako at ng makita ko sa may madilim na parte ang tatlong lalaki at isang babae ay agad na bumaba ako sa bike at tinawid yun.


"HOY!" Sinipa ko ito ng malakas sa tagiliran para tumilapon siya at maisama ang isang kasama. Mierda.

Inalalayan naman agad ni Reese ang babae at lalapitan ko palang sana ang dalawa ng kumaripas ito ng takbo kasama pati ang isang hindi ko naman natamaan. Kumunot ang noo ko dahil wala pa naman akong ginagawa pero umalis na sila.


"Shan?!" Bumaling ako kay Reese dahil sa sigaw nito. "Oh my god. It's you. What happened?..... Hon, it's Shan!" Lumapit ako at tinignan din ang kasama niya.


Si Miss Carsen pala yun na isa sa Bestfriend ng binibini ko. Umiiyak ito at bakas ang takot sa mukha. Niyakap siya ng mahigpit ni Reese at pinatahan.

"Reesy, I-I'm so scared. I d-don't know them. Reesy...." Pilit itong pinatatahan ni Reese pero mas lalong lumakas ang pag iyak.

"We're already here, Shanny..."

Pinanonood ko lang silang dalawa pero ganun nalang ang gulat ko ng humiwalay ito kay Reese at biglang dinamba ako ng yakap.

"T-thank you, Six... I was so scared. I-I thought that I was gonna die. That...." Hinila niya pa ang damit ko at niyakap ako ng mahigpit.


Lumingon muna ako sa binibini ko at bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa pinakamatalik na kaibigan kaya inangat ko nalang ang kamay at mahinang pinat ang likod niya. Nagtagal yun ng ilang minuto pa bago kami tuluyang umuwi na.

Kotse ni Carsen ang gagamitin namin dahil naka bike naman kaming dalawa ni Reese. Isinampa ko lang yun sa likod at pumasok sa driver's seat. Sa likod naka pwesto ang dalawa dahil ayaw bumitaw ng isa sa binibini ko. Pinaandar ko nalang ang sasakyan at minaneho pauwi.

Napapalingon ako sa salamin para i check silang dalawa. Nakikita ko lang na gumagalaw galaw ang bibig ni Carsen at pagtango ng kausap kaya palagay ko ay bumubulong ito. Isiniksik pa lalo nito ang mukha sa leeg ng binibini ko at itinaas ang kamay nilang dalawa para ipagsakop. Tinuon ko nalang ang atensyon sa daan hanggang sa makarating kami sa bahay ni Reese.


Umikot ako sa likod para pagbuksan ng pinto ang binibini ko pero kasabay nitong bumaba ang kasama. Bumaba ang tingin ko sa kamay nila bago umiling. Hindi ito ang oras para diyan.


"Pumasok kana. Ihahatid ko muna si Miss Carsen at babalik ako dit—-"


"R-reesy, I'm scared. Please. I don't wanna go home. I'm so scared." Mukhang iiyak nanaman ito at siniksik lalo ang sarili sa binibini ko.


Bumakas naman ang awa sa mukha ni Reese at ang paghaplos ng guilt sa dibdib ko dahil lang sa nararamdaman ko kanina. Lumingon ito sa akin kaya ipinasok ko ang kamay sa bulsa para itago ang Flashdrive na dala ko para sa movie marathon namin sana. Tumango at ngumiti sa kanila.


"Reesy, I didn't what I would do if you guys didn't come. Its scary." Nag angat ito ng ulo at nakipagtitigan sa akin. Doon ko lang din napansin na kulay brown din ang mata niya. Ngumiti lang ako at itinapik ito ng mahina sa braso.


"Anytime." Sagot ko.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

792K 8.6K 18
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
29.9K 1.6K 19
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2.2M 147K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...