Sandoval Series # 1 : The Sta...

By LadyAva16

741K 28.3K 15.9K

SOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SAND... More

Teaser
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 10

12.4K 493 192
By LadyAva16


"Lo, baka matagalan ako ng uwi mamaya. Pupunta kami sa kaibigan ni Senyorito Gaston."pagpapaalam ko kay Lolo Ignacio.

Senyorito Gaston parin ang tawag ko kay senyorito kahit na sinabihan niya na akong 'Mahal' ang dapt kung itawag sa kanya. Naiilang ako at mukhang hindi pa rin masasanay yung dila ko. Nahihiya rin ako lalo na kung may ibang nakakarinig. Hindi dahil sa kinakahiya ko ang senyorito kundi dahil sa feeling ko hindi pa ako umabot sa puntong karapat dapat akong maging nobya niya.

Sino lang ba ako kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya? Ang dami kong narinig tungkol sa mga babaeng na link sa kanya at halos lahat galing sa mayamang angkan dito sa probinsya. Yung iba mga modelo at yung iba naman mga sikat na artista.  I know hindi ako dapat mainsecure dahil nararamdaman ko naman mahalaga ako kay Senyorito pero hindi ko talaga maiwasan.

Kaya nga magsisikap talaga akong makapagtapos ng pag-aaral. Para kahit papano may maipagmamalaki din ako sa kanya. That way, baka sakaling maging karapat dapat ako sa isang Gaston Pierre Sandoval. Ang bunsong anak ng isa sa makapanagyarihan at mayamang angkan dito sa Davao.

"Sinong kaibigan apo? Kayong dalawa lang ba?" Tanong ni Lolo. Tiningnan ko siya, naghahanda ito ng mga gagamitin nilang mga sahog dahil pupunta daw si Aling Edna magluluto sila ng bibingka.

"Bestfriend daw ni senyorito, Lo, yung galing sa states." Sagot ko saka nagpatuloy sa aking ginagawa.

Sabado ngayon. Maaga akong gumising kanina para maglaba at maglinis. Magluluto pa sana ako ng pagkain ni Lolo pero sabi niya sila na lang daw mamaya ni Aling Edna. Mukhang sila na ata ng ginang dahil palagi ng nadalaw ang ginang dito sa amin.

Nakita ko ang pagsulyap ni Lolo sa akin kaya tipid akong ngumiti. Nasa harap ako ng salamin inaayos ang aking sarili.

Tiered open back maxi dress with scallop hem and square neck ang suot kong damit ngayon na pinaresan ko ng putting flat sandal na Bottega Veneta. Lahat bigay ni Senyorito, pasalubong niya sa akin nung lumuwas siyang Maynila. Nag-aalangan pa akong tanggapin dahil mukhang mamahalin pero sabi niya sa Baclaran niya daw nabili at mura lang ang pagkakabili niya sa mga ito.

Actually, madaming damit ang binigay niya sa akin. Yung mga usong suot ng mga kaedaran ko kaso hindi ko afford. Ang sabi niya may sale daw sa Baclaran nung lumuwas siya kaya napadami ang pasalubong niya sa akin.

"Kina Andot pala kayo pupunta? Balita ko ikakasal na yung bunso niya. Sa wakas umuwi na din. Mabait ang batang yun, matalino at maganda pa. Laging pambato ng skwelahan niya dati. Kilala ko din ang mapapangasawa nun, taga Manila, mayaman at mabait din. Kaya nagustuhan din nina Andot at Alicia." mahabang sabi ni Lolo. 

"Kilala mo ang bestfriend ni Senyorito, Lo?" huminto ako sa pagsusuklay ng buhok ko at humarap saglit kay Lolo.

"Oo, madalas yung kasama ni senyorito Gaston nung maliliit pa sila. Akala ko nga naging nobya niya yun eh."

"Ouch naman Lo!"

Parang batang humaba ang nguso ko pagkatapos ng sinabi ni Lolo. Apaka insensitive naman, alam niya namang 'nanliligaw' si senyorito Gaston sa akin sinabi pa talaga.

"Noong araw yun, Camilla. Ikaw talagang bata ka." naiiling itong tumawa. "Kung may gusto yun kay senyorito Gaston malamang matagal na silang kasal, pero wala eh. Tsaka ngayon ikaw na ang mansanas sa mga mata ani Senyorito. Seselos pa e."

"Sabi mo kasi, maganda, matalino at mabait." parang batang maktol ko, malapit ng magselos.

"O bakit, ikaw din naman. States side ata itong apo ko. Kulay abo ang mata, matangos ang ilong, maputi, matangkad." Nagtaas baba ang dalawang kilay ni Lolo habang sinasabi yun sa akin.  Lumapad ang ngiti ko. Nagmamayabang na tumingin kay Lolo na parang sinasabing maliit na bagay.

"Hindi lang yan matalino, mabait, masipag, masarap magluto, higit sa lahat maasahan sa buhay. Swerte an sino mang lalaki magkakagusto sa apo kong yan. Swerte nga ng senyorito, sa daming nagpapapansin sayo siya pa ang nagustuhan mo."

Mas maswerte ako Lolo dahil ako ang nagustuhan ng maligno sa ilog na may kulay asul na mga mata. 

"Bagay kayo ni senyorito, Apo. Swerte ni senyorito nagustuhan mo siya."

"Hmp! Binobola mo na ako, Lolo." Sabi ko pero nanatili ang mga ngiti sa aking labi. Tsaka bakit hindi ko magugustuhan ang senyorito. Ang gwapo kaya nun. Hindi lang gwapo, sobrang gwapo pa kamo. Yun nga lang sobrang seloso din. Ultimo may titingin lang sa akin nagseselos agad. Kulang nalang gawin akong keychain at ilagay sa bulsa niya.

Bumalik ako sa pag-aayos ng sarili. Magpapaganda ako, hindi daahil sa sa nakikipagkumpetensya ako sa bestfriend niya kundi dahil gusto kong maging presentable ako kapag pinakilala na ako ni senyorito Gaston sa kanya.

Naglagay ako ng lip at cheek tint, mamula-mula na ang pisngi at labi ko pero mas gusto kong extra ang pagkapula nito ngayon. Pero hindi naman yun over na parang may sumuntok na sa akin. Pina-curl ko din ang malalantik at makapal kong pilik mata dahilan para lalong tumingkad at lalong ma-emphasize ang kulay abo kong mga mata.

"Apo." Mahinang tawag ni lolo sa akin kaya lumingon ako sa kanya.

Hindi ko alam kung kanina pa bai to nakamasid sa akin dahil napansin kong biglang nagseryoso yung mukha niya.

"Ano po yun, Lo?"

"Gusto ko lang sabihin sayo na wala akong problema kung nagkakamabutihan man kayo ni senyorito. Pero isa lang ang hinihiling ko. Anuman ang mangyari, wag mong pabayaan ang pag-aaral mo ha." Kumunot ang noo ko. " Matanda na ako, apo. Hindi ko alam kung ilang taon na lang ang ilalagi ko dito sa mundo."

"Lo." Mabilis kong putol sa kanya pero umiling lang ito sa akin.

"Hindi natin alam ang mangyayari bukas o makalawa apo. Gusto ko lang na ipangako mo sa akin na kahit ano man ang mangyari, ituloy mo ang buhay."

"Lolo ayoko ng ganyang usapan." Mabilis kong kinurap kurap ang mga mata para pigilan ang mga luhang nagsimula ng mamuo.

Lately,  napapansin kong palagi itong nababanggit ni Lolo sa akin. Ayoko ng ganitong paksa. Hindi pa ako handa at kailanman ay hindi ako magiging handa na maiwan ako ni Lolo. 

"Hindi natin alam kung hanggang kailan nalang ako sa mundong ito, apo. Pero hanggang andito ako, pinapangako kong poprotektahan kita sa sinumang gustong manakit sayo. Hindi ko hahayaang maranasan mo ulit ang mga naranasan mo noon." mahina pero madamdaming pahayag niya dahilan para hindi ko mapigilan ang sariling maging emosyonal. 

Inilang hakbang ko ang pagitan namin at mabilis akong yumakap sa kanya. "Mahal kita Camilla at tinuturing kitang tunay na apo." Doon na ako tuluyang umiyak.

Hindi ako tunay na apo ni Lolo pero higit pa sa tunay na apo ang pagmamahal niya sa akin. Akala ko wala nang pag-asang mabago ang buhay ko pero biglang dumating si Lolo. Siya ang tumulong sa aking makatakas sa pagmamalupit ng mga taong kinagisnan ko. 

Nung dinala niya ako dito sa hacienda ng mga Sandoval, pinalabas namin sa mga taga dito sa hacienda na apo niya ako at kapatid niya ang lolo ko.

"Pinapanalangin ko na sana mahanap na natin sila para kapag dumating ang araw na mawala ako, merong mag-aalaga sayo." 

" Lolo, please..." Iisipin ko pa lang na mawala ang kaisa-isang taong tumulong sa akin nasasaktan na ako. Hindi pwedeng mawala ang Lolo ko. Tutuparin ko pa ang pinagako ko sa kanyang bibigyan ko siya ng magandang buhay. Babawi pa ako sa kanya sa lahat ng mga naitulong niya sa akin kaya hindi pwedeng mawala siya.

"Wag kang umiyak." Marahan niyang hinaplos ang likod ko. "Malakas pa si Lolo, pinaalahanan lang kita."

"Hindi mo naman ako iiwan, Lolo diba?" nagsimula na akong humikbi. "Tutulungan mo pa akong hanapin ang mga kapatid ko diba?"

Kagabi napanaginipan ko sila ulit at nakita ko na ang mukha nilang tatlo. Ako yung batang maliit. Hindi ko na maalala ang tunay kong pangalan pero tanda kong Yeyen ang tawag ng dalawang bata sa akin. Mga kapatid ko sila, yung ang nakita ko sa aking panaginip. Ate at Kuya ang tawag ko sa kanila. May malaking picture kaming tatlong naka-frame sa isang bahagi ng malaking bahay namin.

Magkakamukha kaming tatlo pero kami ng Kuya ko ang mas hawig dahil parehas kami ng kulay ng mata. Sa panaginip ko kaming tatlo lang palagi, wala akong makitang mga magulang namin doon.

"Yeyen, run!" Ate Betty is already crying. She has blood dripping on her forehead and her face is full of tears. She's kneeling beside my brother, hugging him. Kuya Grady is lying on the floor unconscious. His head is bleeding. Yaya Grace pushed him hard and he fell from the stairs.

"Yeyen! Hide!" Ate screamed. I can hear her from where I am hiding.

"Tumahimik ka kundi babarilin ko itong kapatid mo." One of our guards shouted at Ate Betty. Then he pointed the gun at my Kuya Grady. I was hiding on the cabinet below the kitchen. I'm hugging the baby bear my brother and sister gave to me on my birthday. 

"Mommy...Daddy..." I murmured. My tiny body is already shaking in fear. I saw Kuya guard's face darkened as he looked at my brother and my sister. Yaya Grace, our nanny who's looking after us has the same expression with him. 

I don't know why suddenly they became mad at us. We didn't do anything. We just came home from school and this what happened. Our parents were not home. They are outside the country attending our business. Kaming tatlo lang magkapatid ang naiwan. 

"Ylenna! Come out! I will count, one to ten!" Yaya shouted. She's pointing the gun in the air like she's ready to shoot.  I am so scared, pa na akong mahihimataya sa takot. Nanginginig na ako at sobrang higpit na ang pagkakayakap ko kay baby bear.  I'm confused why Yaya Grace is doing this to us. She is supposed to look after us because Mom and Dad is not around. Pero bigla na lang niyang tinulak si Kuya sa hagdanan kanina.

"Ylenna! Isa!"

 I covered my mouth to stop myself from sobbing. I remember Kuya Grady told me  to cover my mouth so that no one hears me. 

"Yeyen! Lumabas ka!"

"Don't, Yeyen!" Ate Betty wasn't able to finish her words because Yaya Grace slapped her hard. I saw the blood on Ate Betty's lips and she cried louder.

"Pakialamira ka! Gusto mo talagang masaktan?" She slapped her again. I want to go come out but Ate Betty's eyes met mine and she shook her head. Lalong dumami ang luha ko at umiling sa kanya.  "Kung barilin ko kaya itong Kuya mo?" And after she said she pointed the gun to my unconscious brother. "Tingnan natin kung hindi lalabas ang kaptid mo." I closed my eyes tightly then I heard one loud sound.

"Kuya! You're a monster! What did you do to my brother! "Ate Betty screamed but yaya Grace slapped her again. "Tumahimik ka kundi ikaw ang isusunod ko. 

Please God help us. Mommy, Daddy please save us.

"Andito lang yun, hindi pa nakakalayo yun!" Yaya Grace told the guard. " Kung di ka kasi tanga, sana hindi mo hinayaang makawala. Pag yun nakalabas dito sa bahay, patay tayong dalawa."

"Nasa gate si Selmo, hindi daw lumabas ang bata doon." The guard said and he roamed his eyes around. He walked towards the cabinet where I am hiding.  Parang lalabas na ang puso ko sa aking dibdib sa bawat hakbang niya papalapit sa akin. 

"Yeyen, baby girl , lumabas ka na. Maglalaro tayo." he said in a singsong then he barked into laughter, para siyang baliw na tumatawa. Walang pakialam sa ate kong malakas ng umiiyak. 

"Kuya! Kuya, please wake up!" Ate Betty is crying louder and louder but Yaya Grace is not listening to her. "Please Yaya, stop this. I won't tell mom and dad. Please bring Kuya to the hospital."

"Tumahimik ka, Bethany! Ang kapatid mo ang gusto ko!"

I was shaking more. I want to come out but Ate Betty keeps on shaking her head. 

"Ylenna!"Yaya shouted again.

"P-please yaya don't hurt, Yeyen. Take everything you want, please just don't hurt my sister."

"A-ate..." I mouthed, I don't know if she can see me but she keep on shaking her head.

Ayaw mo talaga, Ylenna?!" Yaya Grace pointed the gun on her head and that's the time I came out.

With my shaking body I crawled out from the cabinet. 

"Isa! Ayaw mo talagang lumabas ha?"

"No please...Yaya Grace don't hurt Yey---"

"Dalawa!" Her voice is angrier this time. Mas nilapit niya ang baril sa ulo ni Ate. Ate Betty is looking at her, pleading but Yaya is already out of her mind. Her face is so scary, she held Ate Betty's chin tightly with her left hand and the other hand is holding  the gun tightly pointed on her forehead. 

"Ayaw mo talaga? Last chance Yeyen. I am not joking..." she roamed her eyes around. "Tat---"

"Nooooooo! " I screamed running towards them. Ate Betty's eyes met mine and I saw the tears fall from her eyes. "No  Yaya! P-pleas...please, d-dont hurt Ate Bet---" I begged, but before I could finish my words I heard one loud bang. 

I stilled. When I open my eyes, I saw my sister fell on the floor next to my Kuya. I was shocked. All I saw is blood.  I want to shout but nothing came out from my mouth. My vision slowly became blurry. I feel my body weakening. My knees became jelly. I felt my whole world is collapsing, my whole body is shaking. Then everything turns dark. 

The next thing I know I woke up not remembering anything. I don' t know how long I've been sleeping then I can't remember anything.

I lost my memory. I lost everything. I don't remember who I was and where I've been. I was like that for I don't know how long until recently. 

"Lolo IG! Magandang morning sayo! Si Camilla po?"

Gaston's voice made me back from my reverie. Mabilis kong pinahid ang mga luha sa aking pisngi. Hindi niya ako pwedeng makita na ganito. Sumisinghot pa ako ng marinig ko ang boses ng senyorito na may kausap sa labas. 

"Dito mo yan ilagay, Banoy. Para kay Lolo IG at Camilla kong mahal yan."sabi niya.

"Senyorito, magandang araw."Bati ni Lolo Ignacio, nakatalikod pa rin ako. 

"Lolo IG." Bati niya kay Lolo mabuti nalang at nakatalikod ako sa kanya. Mukhang hinahangos pa. "May bagong harvest na durian, dinalhan kita nasa labas."

"Nag-abala ka pa senyorito, pero salamat ah."

"No probs, Lolo IG, basta ikaw. Dinala ko talaga yun para alam mo na, may lakas ang mga tuhod para sa laban." aniya saka malokong tumawa. "Tsaka para sa apo mo rin, para may lakas..." he stopped. Lakas para saan? " para may lakas mag-aral, ang hirap pa naman ng kurso niya."

Kahit nakatalikod ako dama ko ang titig ni senyorito sa akin. Nang masiguro kong maayos na ako saka pa ako humarap sa kaniya at nagkunwaring  hindi ako galing sa pag-iyak. Pero mukhang matalas ang senyorito dahil  pagkakita niya pa lang sa mukha ko agad na kumunot ang noo niya. 

"Baby, what happened? Are you crying?" mabilis niya akong dinaluhan pero hindi ako nakasagot agad. "What's wrong, Camilla?" ulit niya. Dahil hindi ako sumagot si Lolo Ignacio ang kanyang binalingan.

"Anong nangyari kay Camilla, Lolo IG. Bakit po siya umiyak?" Nagkatinginan kami ni Lolo, nagtatanong ang mga mata niya sa akin. Umiling ako at mabilis kong hinila ang senyorito paharap sa akin. 

Wag muna, hindi pa ngayon.

"Napuwing lang ako." pagsisinungaling ko. "Nasobrahan ata ng pag-curl yung lashes ko kay may pumasok na alikabok." Pero kumunot lang ang noo nito sa akin, hindi naniniwala. "Wala lang 'to senyorito--"

"Camilla, tell me." Tatlong salita lang pero bigla itong naging seryoso. Pinilit kong ngumiti ng malaki sa kanya pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Lalo pang nanunukat ang tingin nito sa akin. 

"Are you hiding something from me?" It's just a simple question but I was stunned. I am guilty, yes, dahil madami akong tinatago sa kanya. 

Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang tungkol sa pagkatao ko at sa aking nakaraan. Sasabihin ko rin naman pero hindi lang muna ngayon. Nag-iipon pa ako ng sapat na lakas. 

"What is it?"

Sinulyapan ko si Lolo tahimik lang itong nakamasid sa amin. Tinaguan niya ako na kami lang ang nagkakaintindihan. 

 "Si Lolo kasi nagsenti kanina, kung ano-anong pinagsasabi." sabi ko. Napatingin si Senyorito Gaston sa kanya.

"Apo, totoo ang sinabi ko. Hindi natin alam kung hanggang kailan ang buhay natin dito sa mundo."tumawa pa ito sa akin pero hindi aki ngumiti.

"Ayoko ng ganyang usapan, Lo. Wag mo na po uli sabihin sa akin, ayokong marinig na parang nagpapaalam ka."seryoso kung sabi. Ayaw kong ginagawa niya itong biro sa akin. Hindi maganda at hindi nakakatuwa.

"Si Lolo IG nagpapaalam?" tumango ako. Hinapit niya ako palapit sa kanya. Naramdaman ko ang palad niya sa likod ng bewang ko.

"Nagbibiro lang si Lolo IG, Cam. Malakas pa yan. Paano nalang si Aling Edna pag nagkataon?" Umiiling na natatawa si Lolo kay senyorito. "Diba Lolo IG? Sasabak ka pa sa bakbakan, kaya nga dinalhan kita ng durian eh. Saglit sabihan ko sina Banoy na ipasok."

Hawak ang kamay ko sabay kami ng senyorito na lumabas ng bahay. Kita ko ang dalawang tauhan sa farm nila ng durian na may dalang isang malaking 'bukag' na puno ng durian.

"Nong Ignacio, unsay tirada nato Nong. Dad-an daw kag durian ingon ni senyorito arun naay kusog mukumbati." sabi ni Banoy sa salitang bisaya. Hindi ko masyadong naiintindihan dahil masyadong malalim ang mga salitang ginamit niya pero nakita kong napapailing si Lolo sa kanila. Siguro niloloko niya si Lolo. 

"Asa man si Nang Edna, Nong?" makahulugan nitong sabi pero tumawa lang si Lolo sa kanya. Nabaling ang tingin niya sa akin. "Hi Day Camilla! Kumusta man day? Mokaon  na diay kag durian?"

 "Hello, Banoy." ganting bati ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni senyorito kaya pasimple ko siyang siniko. "Oo kumakain na ako ng durian." Dati kasi hindi ako nakain nito. Nasusuka ako sa amoy palang pero kalaunan nagustuhan ko ang lasa nito hanggang sa naging paborito ko na rin. 

"Aw mabuti diay inday. Katong amiga  ni senyorito  di mokaon. Aryat kaayo, dayong yuck- yuck! Eww kuno kay bahong tae!" (Author translate:"Abay mabuti. Yung kaibigan ni senyorito hindi kumakain. Ang arte, nandidiri sa durian, panay sabi ng yuck. Eww pa nga kasi amoy etats.")

Yung iba kasi ganun talaga ang reaction kaya hindi ko din masisisi. Pero yung sabihing amoy etats parang hindi naman. Amoy nabubulok na onion lang. 

"Aryat kaayo tong amigo ni senyorito uy, mayrag niuli tong bayhana uy. Arang kaaryat gyud. Wa nabagay ang kabuotan sa nawong sa iyang batasan. Arang malditaha wa bayay angay, wa sa lugar. " dagdag ni banoy pero hindi ko naiintindihan. May sasabihin pa sana ito pero sinaway na siya ni senyorito. (Author translate: Ang arte talaga nung kaibigan ni senyorito. Mabuti nga at umuwi na ang babaeng yun. Hindi bumagay ang maamo niyang mukha sa kanyang pag-uugali. Napaka suplada wala naman sa lugar.)

"Banoy!" sita niya sabay senyas na ipasok ang durian. Mabilis naman sumunod si Banoy sa kanya. Tinulungan pa ito ni Lolo kaya kaming dalawa ni senyorito ang naiwan. 

"Sinong kaibigan mo ang ayaw kumain ng durian? Ang sarap kaya..." sabi ko pero hindi niya ako sinagot. Sa halip pinaharap niya ako sa kanya. Malambing na tiningnan sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga ko. 

"You look so beautiful baby. Zia is excited to meet you. Kanina pa ako kinukulit anong oras tayo pupunta sa kanila."

"She's excited to meet me?" tanong ko, agad namang itong tumango. Hindi ko na pinansin na hindi niya singot kung sino yung kaibigan niyang ayaw kumain ng durian at hindi gusto ni Banoy. " Kinakabahan ako." Pag-amin ko sa kanya. "Do you think she'll like me for you?"

Mabilis niya akong pinutol. Sinakop ng mga palad niya ang mukha ko bago niya ako masuyong hinalikan sa noo. Naramdaman ko ang pagkislot ng puso ko pagakadampi ng labi niya doon. 

"Baby, it doesn't matter kung magugustuhan ka man nila o hindi. Hindi natin kailangan ang opinyon ng ibang tao tungkol sa relasyon natin. Ang mahalaga alam natin na mahal natin ang isa't isa." muli niyang hinalikan ang noo ko. "Don't think too much okay?"

Marahan akong tumango, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng aking dibdib. Para akong nakalutang sa ulap ng mabilis niyang pinatakan ng halik ang aking labi.

"I love you,  Mahal."

Tipid akong ngumiti sa kanya.  Nakatitig ito sa akin,  naghihintay  sa sagot ko. 

"Salamat..." sa maliit kong boses. Humaba ang nguso niya sa naging sagot ko pero hindi niya naman ako pinilit. Ganun palagi ang sagot ko sa kanya sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako. Hanggang doon lang muna dahil hindi ako sigurado kung ganito pa rin ba ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na ang mga nakaraan ko. "I'm sor---"

"Shhh. It'okay." aniya. 

Marahan niya akong hinapit palapit sa kanya bago niya muling pinatakan ng halik ang noo ko. Niyakap ako ng mahigpit na sa sobrang higpit naramdaman ko na ang malakas na tibok ng kanyang puso. Maya-maya ay pinakawalan niya ako. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin saka masuyo itong ngumiti sa akin. 

"I'm willing to wait, Cam. No pressure."

_____________________________________

Sobrang tahimik niyo na. Miss ko na ang mga comments niyo. 

08-22-2022

Continue Reading

You'll Also Like

981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
15.8K 521 35
STATUS: COMPLETED [ISLA GRANDE SERIES #01] Four years after the tyranny happened in Lourense's life, she finally got out of her comfort zone. Vhanne...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...