MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

17.9K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 28

196 9 2
By NassehWP

Chapter 28

"Ano Myrna? Payag kang magtrabaho tayo sa grocery sa Ramon?" Tanong ni Almira.

"Magpapaalam muna ako kay Nanay at Tatay Almira."

Tumango si Almira at kapagkuwang binalingan nito si Wilma.

"Ikaw Wilma? Sigurado kang hindi ka sasama?" Tanong nito sa babae.

"Alam mong hindi ako papayagan ni Nanay kapag sumama akong magtrabaho sa inyo sa Ramon wala ng makakasama si Tatay sa barangay. At isa pa, Paano na yung mga bulingit na tinuturuan ko sa basketball? Alam niyo namang ako lang ang inaasahan ng mga batang iyon. Iyong sina Brandon kasi ay tamad magturo. Hays," Paliwanag naman ni Wilma. Nakataas ang isang nitong paa at nakasandal sa may gilid ng upuan ko. Nagkukutkot siya ng kuko ng paa.

Nandito kami sa bahay nila Almira sa ilalim ng punong mangga nila. Katatapos lang namin magmeryenda ng dinala kong kakanin na natira sa paninda namin ni Marlon.

Si Noli hindi pa kami nagkita. Nang dumaan ako sa bahay nila ay sarado. Pero ayun sa pinsan nitong si Nandro na may-kaya ay nasa bukid daw. Madaling araw palang daw ay nagpapatubig na ang lalaki. Palayan na naman kasi kaya abala na si Noli sa kanilang bukid.

"O sige, Kami nalang dalawa ni Myrna."

"Basta magpapaalam muna ako kina Nanay at Tatay Almira ah," paalala ko sa babae.

"Oo. Hihintayin ko hanggang mamayang gabi." Aniya.

"Oo nga pala Myrna, Kumusta na kayo ni Noli?" Mayamayang tanong ni Wilma habang nagkukutkot pa din ng kuko.

"Okay naman."

"Nagkiss na kayo?"

"Uy, Oo nga Myrna, Nagkiss na kayo ng jowa mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong na iyon ng dalawa.

"Hindi pa ah!" Mabilis na sagot ko at nagiinit ang mukha.

"Ba't parang defensive ka? Nagtatanong lang naman kami." Napapokerfaced na saad pa ni Wilma at saka niya ako inismiran.

"Kaya nga naman Myrna, Ang defensive mo. Siguro, Nagkiss na kayo ni Noli. Sa lips ba?"

Lalong naginit ang mukha ko sa pinagsasabi nila lalo na si Almira. Ang taklesa talaga ng bunganga niya!

"Oo nga! Hindi pa kami nagkikiss ni Noli!" Naiinis na turan ko.

"Pambihira! Ilang buwan na kayo ni Noli ah, Pero wala pa ding kissing-scene." Patuyang sabing pang iyon ni Wilma at saka kiniling ang ulo.

"Oo nga! Buti pa si Vina naka-score pero ikaw na girlfriend wala." Napapailing na sabi naman ni Almira.

Nalukot agad ang mukha ko sa mga pinagsasabi nila. Maano ba kasing hindi pa nga kami nagkikiss ni Noli? Kailangan ba kapag magjowa may kiss na nangyayari?

Isa pa, Hindi pa ako handang magkaroon ng first kiss kahit na mahal ko yung magsasakang iyon. Baka makurot din ako ni Nanay kapag nalaman niyang nagpahalik ako kay Noli gayung ang usapan namin ay pwedeng magkanobyo pero wala munang milagro.

"Saka na kapag may isang taon na kami." Wika ko.

Parehong nanlaki ang kanilang mga mata.

"Ang boring mo Myrna ah!"

"Hay naku!"

Napanguso lang ako at hindi pinansin ang pagrereklamo nilang wala pa kaming kissing-scene daw ni Noli. Teka ano bang ibig sabihin ng kissing-scene? Iyon ba yung parang nasa TV? Yung—laplapan?!

"Naaaay! Ayoko ng ganon! Mauubos ang labi ko!" Bulalas ko ng kinagulat ng dalawang kaibigan ko.

"Anyare Myrna? At anong pinagsasabi mong mauubos ang labi mo?" Nagtatakang tanong ni Wilma habang kunot-noong nakatingin sa akin.

Si Almira bahagyang natawa. Inakbayan pa nito si Wilma.

"Bes, Si Myrna, Nagiimagine." Nakangising sabi nito sa babae. Nilingon siya nito habang nakanganga.

Mayamaya ay ibinaling sa akin ang tingin ni Wilma.

"Punyeta Myrna! Totoong nagiimagine ka? Anong iniimagine mo? Naglalaplapan kayo ni Noli?" Nakalabing sambit na iyon ni Wilma.

Pinamulahan na naman ako ng mukha.

"Ay gaga!" Sambulat pa ni Wilma ng makumpirma. Si Almira naman ay tawa ng tawa habang ako hiyang-hiyang nakayuko!

"Yaan mo na Wilma Bes, Minsan lang magkaroon ng magandang senaryo ang kaibigan natin sa pagiisip. Suportahan nalang natin siya." Nakatawang sabing iyon uli ni Almira.

Napailing naman si Wilma.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. Minsan ay napaguusapan namin ang tungkol sa paghinto namin sa pagaaral sa kolehiyo. Nakakapanghinayang man pero iniisip pa ding namin makakapasok pa din kami ng kolehiyo.

Si Loklok. Madalas ng kasama nila Denver at Mark at si Aries na kakabalik galing sa Ilocos. Kaibigan din nila. Tulad ng ibang lalaki. Maloko din ang isa. Madalas ang mga ito sa karayan. Kung minsan naman ay sa basketbolan.

"Uuwi na ako. Magluluto pa ako ng hapunan namin." Paalam ko sa dalawa.

"Ako din. Baka hinahanap na din ako sa bahay." Wika din ni Wilma.

"Sige, Bukas nalang uli." Ani Almira.

Sabay na kaming lumabas ng bakuran nila Almira at saka naghiwalay ng nasa daan na kami.

•••

Kinabukasan, Araw ng Sabado.

"Mahal?"

"Bakit hindi mo ako pinapansin?"

"Uy Mahal, Kanina pa ako dito oh,"

"Mahaaaaaal."

"Pwede ba Noli! Ang ingay-ingay mo naman eh! Kitang naglalaba yung tao eh!" Singhal ko sa magsasaka. Kanina pa kasi niya ako binubuliglig!

Tanong ng tanong kung bakit raw hindi ko siya pinapansin!

Hindi ba pwedeng nagpopokus lang ako sa paglalaba ko para matapos na? Ang dami kasi. Karamihan roon ay mga damit ng makukulit kong kapatid lalo na si Marlon. Ang dami niyang maruruming damit. Tapos iyong mga puti niyang damit puro mantsa ng tsokolate. Siguro ay nagkakain na naman ng chooey choco tapos kapag nabahiran ang kamay saka ipupunas sa damit.

Nasa poso kaming dalawa ni Noli. Naglalaba ako habang siya nagbobomba at pinupuno ng tubig ang mga batya. Hindi ko naman sinabi ng gawin niya iyon pero ginawa niya.

Isang linggo ng nakakalipas mula ng matapos ang kaarawan ni Denver at nang nangyari sa kanila ni Vina.

At kagaya ng nasa isip ko. Hindi nito naalala ang aksidenteng paglalapat ng mga labi nila. At pinagpapasalamat ko iyon. Alam ko naman kasing si Vina ang unang babaeng gusto nito at hindi ako.

Pero nitong nakaraan humingi ng paumanhin sa aking si Vina. Hindi daw niya sinasadya ang nangyari. Wala akong ibang sinabi bukod sa 'okay' at hindi ko alam kung bakit.

Pero ang balita ko, Madalas na naman daw ang babae sa bahay nila Noli at doon nagtatambay. At ang balita ko pa nagbabalak raw na mangibang-bansa si Vina kukunin daw ito ng nakakatandang kapatid nitong nasa ibang bansa sa Canada puro de abroad kasi ang pamilya ng babae kaya lahat sila ay magaganda ang buhay.

Sabi nila Wilma, Baka daw hindi na matapos ni Vina ang pagaaral ng kolehiyo rito sa bansa namin. Baka ipagpatuloy raw sa ibang bansa ang pagaaral.

At ang nakakainis pa!

Iyong isang kinakapatid niyang si Ruth ay panay ang buntot sa amin mula ng dumating galing sa Maynila. Tulad ni Vina laging nakatambay ang babae sa bahay nila Noli. Matagal na naglalagi roon at kung minsa'y nakikitulog na.

Hindi naman ako nagagalit pero kasi...

Kapag andyan ang babae ay pakiramdam ko ay wala na kaming oras ni Noli sa isa't-isa. Wala na kaming solo-time kung tawagin ni Almira. Wala na kaming masasayang memorya.

Kung nasan si Noli ay dapat naroon ang babae.

Minsan pa nga ay,

Kapag may gagawin kami o plano ni Noli lagi nalang nauudlot sa kadahilanang laging may nangyayari kay Ruth. Masakit ang paa, Masakit ang ulo. Masakit ang tiyan ay kung ano-ano pang dahilan unang maudlot ang plano. Tulad nalang kahapon dahil sabado napagplanuhan naming magpunta ng Planas para mamasyal pero naudlot na naman dahil nagpasama si Ruth sa Santiago para magpuntang mall.

Hindi ako galit. Pero ang bigat sa dibdib ko sa tuwing iisiping kong...

Pakiramdam ko...pakiramdam ko inaagaw na siya sa akin.

"Mahal..."

Hindi ako kumibo. Patuloy lang ang pagbabrush ko ng damit sa tabla. Iniisip ang nangyari nitong mga nakaraan araw:

Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko.

"Mahal, Bakit ka umiiyak?"

Nasa harapan ko na si Noli. May pagaalala sa gwapo nitong mukha.

Huminto ang kamay ko sa pagbabrush ng damit.

Ako umiiyak?

Binitawan ko ang brush at kinapa ang pisngi ko. Maging mga mata ko.

Basa!

Mabilis kong pinunasan ang luha ko gamit ang laylayan ng damit ko. Pagkatapos non bumalik na ako sa ginagawa ko at pinagpatuloy ang paglalaba.

"Mahal may problema ba?"

Hindi ko pinansin si Noli. Patuloy lang ako sa paglalaba.

"Mahal..."

Hinawakan niya ang kamay kong may hawak na brush.

Nanlalabo ang mga matang napatingin ako kay Noli.

"B-Bakit?" Hindi nakatakas ang pagalpas ng piyok sa aking boses.

Nakita ko ako ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Bakit?

Hindi siya nagsalita. Sa halip bigla nalang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

Natulala ako sa kawalan ngunit ang luha sa aking mga mata ay nagtuloy-tuloy ng dumaloy.

Napapikit ako at pinigilan ang sariling mapahagulgol.

"Mahal..."

Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon kay Noli.

Nasasaktan ako sa isiping...May iba nang babae ang nakakakuha ng atensyon niya at mawawala na siya sa akin.

"Mahal, Nandito lang ako."

Suminghot ako. Hindi nagsalita.

"Mahal na mahal kita Myrna,"

Lalo akong napaiyak ng marinig ang katagang iyon.

Mahal niya ako. Mahal ko din siya.

Pero...

Ang pamilya niya...

Ayaw sa akin.

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

41.7K 5.5K 51
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...
24.3K 3.5K 12
ආදරේ කරන්න නොදන්න හිතකට ආදරේ කරන්න කියලා දුන්නු එයා ඒ ආදරේ අමතක කරන විදිහ කියලා දුන්නේ නැත්තන්...? ° nonfiction °
180K 19.8K 57
"කේතු දන්නවද මම කේතුට කොච්චරක් ආදරෙයි කියල ?" "හැමතිස්සෙම වචනෙන් නොකිව්වත් සර්ගෙ ඇස් මගේ ඇස් එක්ක පැටලෙනකොට ඒ දිලිසෙන ඇස්වලින් මට පේනවා සර් මට කොච්...
140K 14.7K 75
මට ඕනේ හැමදාම... නුඹෙ තුරුලටම වී ඉන්න... 🌹 TaeKook Non Fanfiction #1 roses #1 marshmallows #1 nonfic #1 nonfanfiction #1 nonff #1 nonfanfic 2023.1...