So, It's You

By CalysLee

221 21 10

I'd been so fed up with my stressful life as a high school teacher. Paano kasi, favorite akong pagdiskitahan... More

So, It's You
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 3

16 2 3
By CalysLee

"I HAVE TO ATTEND another webinar today. May report na hinihingi ang president, tanungin mo si Cherry para sa details na kailangang ilagay so you could draft it. Kailangan ding ipasa ngayon ang reflection from my webinar last week. Make a narrative and send it to my email later," sunod-sunod na utos ni Evil Brenda pagkapasok ko pa lang sa lounge area ng administration building.

Katatapos ng flag raising ceremony. Nanginginig pa nga ang mga paa ko dahil halos one hour kaming nakatayo sa harap ng flag pole. Dapat dederetso na ako sa faculty room para gawin ang tasks ko ngayong umaga. Pero letse! May pa-special mention sa akin si Evil Brenda kanina bago kami fully i-dismiss ni Mr. Vargas—ang president ng Brentwood.

Tapos ni hindi na niya ako pinaakyat sa office niya. Hinintay lang niyang makaalis si Mr. Vargas saka sinimulan ang "pagbabagsak" ng sandamukal na trabaho sa harap ko. It was just the first week of November and I had been insanely busy. Ibang klase rin talaga si Evil Brenda. Pinagpahinga lang niya ako nang very slight noong All Saint's Day tapos ngayon may gana ulit siyang magbato sa 'kin nang pagkarami-raming ancillary works. Nakakainis, wala man lang warning! At pati narrative at reflection niya sa webinar na hindi ko naman alam ang content ay pinapagawa niya!

Punyetang bruha!

It was supposed to be a happy Monday. Maaliwalas ang bukas ng umaga at sumabay pa ang magandang sikat ng araw. Dahil doon magaan ang pakiramdam na lumabas ako ng bahay kanina. Sa sobrang ganda nga ng mood ko binati ko pa halos lahat ng nakasalubong ko sa daan. Pero in split seconds unti-unting inagaw ng madilim na aura ni Evil Brenda ang masiglang morning ko.

Hindi ko pa nga natatapos ang action research na ginagawa ko. May upcoming international contest pa ako at halos kalahati pa lang ng goal namin ang nari-review ng contestant ko. Tapos dinagdagan na namn ng buwisit na principal ko!

"Ma'am..." mahinang simula ko.

Time freeze p'wede? Aba'y punyemas ka! Umagang-umaga sinisira mo'ng araw ko! gustong-gusto kong idagdag pero letse ulit! Inulit ko lang ang mahinang "Ma'am" na sinabi ko kanina.

"What?" mataray na tanong niya. "Tell your concern right away, Miss Guanzon, 'wag mong sinasayang ang oras ko."

I mentally rolled my eyes sa tinuran niya. Ako pa talagang nagsasayang ng oras dito?

My gosh!

Mahinang nagbuga ako ng hangin. "Noted, Ma'am. I'll ask Miss Cherry for the details."

Pagkasabi ko niyon walang paalam na tumalikod siya sa 'kin at umakyat na sa hagdan patungo sa office niya—her usual response kapag tapos ng mag-utos sa mga alipin niya. Ngali-ngaling hilahin ko ang bagong rebond na shoulder length hair niya dahil sa sobrang inis ko.

Nine AM pa lang pero ubos na ang energy ko. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang i-extend iyon hanggang mamayang five PM. I felt terribly drained! Sa sobrang frustration ko wala sa loob na napasubsob ako sa malamig na table nang marating ko iyon. Mabuti na lang at mamayang hapon pa ang simula ng klase ko. At least may time pa akong magluksa sa full at nakamamatay na schedule ko.

"What's wrong, Kia?"

Agad na nag-angat ako ng mukha nang may magsalita sa tapat ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko nang makita si Jiro. Okay, na-boost ng at least fifty percent ang kanina lang ay negative nang energy level ko.

"Yes?"

Gosh! Mabuti na lang talaga at hinulog ni Lord ang katulad niya sa workplace ko. At least meron akong energy booster dahil sa angelic and handsome face niya. Plus, ang sweet and caring pa.

"Parang may sakit ka. Do you want me to accompany you to the clinic?" Inilapag niya ang dalang laptop sa ibabaw ng table niya. Mukhang katatapos lang ng class niya. Since may seven-thirty AM class siya hindi niya na-experience ang pagpapahirap sa 'min during the flag ceremony. Lucky him.

"'Wag na. Don't worry, 'ayos lang ako."

Presence mo lang sapat na para gumaan ang pakiramdam ko! Ehe! gusto ko pa sanang idagdag pero tinikom ko ang bibig. Ngumiti na lang ako sa kaniya.

Gaga! Stressed ka na nga may gana ka pang lumandi!

Inirapan ko lang ang inner self ko sa sinabi niya.

"Here, I got you something to drink. I hope this will make you feel good."

Gustong mag-rally ng internal organs ko nang ilapag ni Jiro ang bottle ng kape sa ibabaw ng table ko. Napalunok ako. Siguradong magwi-wave na naman ang acid reflux ko kapag ininom ko iyon. I was tempted to decline this time pero naisip ko ulit na nag-effort si Jiro na bilhin iyon para sa 'kin. Kaya kahit minumura na ako ng beast mode na internal organs ko, kinuha ko pa rin iyon at nagpasalamat sa kaniya.

"Kailangan mo 'yan kasi we need to finish the manuscript later. Na-finalize ko na 'yong part ko, let's edit yours kapag free ka na." Magaan siyang ngumiti saka marahang hinaplos ang buhok ko.

Shit! Trabaho na naman!

"Aw. So sweet," narinig kong sabi ng isang co-teacher kong pumasok sa faculty room.

"Makiki-sana all na lang talaga kami sa inyong dalawa," segunda naman ng isa.

Hanggang sa sunod-sunod nang pumasok ang iba pa naming co-teachers—a sign na tapos na ang morning class ng mga ito at magsisimula na ang recess—at nakisali na rin sa pang-aasar. Nagkatinginan kami ni Jiro saka nagkangitian. Deep inside, I was hoping na this time ika-clarify na niya kung ano talagang meron sa 'min.

I waited... pero wala na siyang ibang response. Instead, natatawang bumalik siya sa table niya at umupo sa swivel chair niya patalikod sa 'kin. For a moment lalong nadagdagan ang pagkabalisang nararamdaman ko. At this time hindi na lang iyon dahil sa sobrang busy na schedule ko.

Thirty minutes later, I was already drafting that damn report when Evil Brenda together with someone suddenly entered the faculty room. In split seconds natahimik ang kanina lang ay malakas na asaran at tawanan ng co-teachers kong masayang kumakain ng snacks. Pati sina Ellie at Raffy na nagchichismisan sa tabi ko ay biglang umayos sa kani-kanilang area at nagkunwaring busy sa pagtatrabaho.

Well, wala nang bago sa ganitong scenario kapag bigla kaming nami-miss ni Evil Brenda—na sobrang bilis kasi kasama lang namin siya sa flag ceremony kanina. Halos lahat naman yata ayaw na magkaroon ng encounter sa kaniya. Isa lang naman kasi ang reason why teachers around me do not like her. She was a very difficult person to deal with.

Nag-angat ako ng tingin. As always very classy and sophisticated ang datingan ng principal namin. Mukhang nag-retouch pa siya bago pumunta sa building namin. Maayos kasi ang pagkaka-brush ng buhok niya at matte na matte ang texture ng powder sa skin niya—walang anong sign ng oiliness. While staring at her, noon ko lang napansin na bagong palit ang frame ng eye glasses niya—this time it was a butterfly rimmed one—perfect match para sa evilness ng aura niya.

And just like what I saw at the administration building a while ago, consistent pa rin ang pagkakasimangot ng mukha niya na para bang araw-araw ay Biyernes Santo. I wonder kung kailan siya huling ngumiti. Marami namang reasons para ngumiti—lalo na kapag nasa Brentwood—pero hindi ko talaga ma-gets bakit ayaw man lang niyang ipakita iyon sa 'min.

Pasimple ko pa siyang ini-scan from head to toe. She was wearing her usual black blazer on top of her school uniform—a sign of distinction na isa siya sa pinakamataas na personnel ng Brentwood Learning Academy. She also had those pair of black high heeled sling back shoes. Lastly, dala ulit niya ang Christian Dior micro bag niya na worth a million-peso raw kaya madalas niyang i-flex.

Mula kay Evil Brenda, lumipat ang tingin ko sa taong kasama niya. Naningkit ang mga mata ko nang ma-recognize ang babaeng nakatayo sa tabi niya. The woman was wearing our office uniform already. Nag-iba na rin ito ng hair color—from blonde to black—pero hindi no'n naitago ang signature bitchy look nito. At kapag naaalala ko ang encounter ko rito last week talagang kumukulo pa rin ang blood cells ko.

"Everyone, I'd like you to meet Miss Camille Del Rosario. Starting today she'll be a part of this teaching family," formal and as always hindi ngumingiting imporma ni Evil Brenda—nang sa wakas ay magsalita siya after a few seconds of toxic silence.

And as if on cue biglang umingay ang paligid. My co-teachers welcomed the newbie and smiling, Camille del Rosario. Lahat halos masayang ma-meet siya, except us ni Ellie na alam kung ano'ng totoong kulay ng malditang babaeng iyon. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. Parehas na disgust ang nagre-reflect sa mga mata namin.

"Hello, teachers! Just like what Ma'am Sabado said, I am Camille del Rosario and I'm glad to meet you all," parang sinapian ng kung anong kahinhinan na sabi ng malditang newbie. At para perfect ang acting niya ngumiti pa nang pagkatamis-tamis sa 'min.

Parang gusto naming masuka ni Ellie. So, she was playing this friendly and sweet newbie role. I laughed hard with so much sarcasm inside. Gusto yata niyang ma-nominate sa Cannes at mabigyan ng best actress award! A round of sarcastic applause to her!

Nang mangyari ang encounter namin sa kaniya last week, never sumagi sa isip ko na teacher siya by profession. Gosh! Sa pagtataray niya last time, ipinakita lang niyang hindi niya deserve tawaging guro. Because no teacher would act like the way she did. Isa siyang kahihiyan sa propesyon namin.

Habang busy ako sa pagbibigay ng masamang tingin sa bagong co-teacher namin noon naman pumasok si Jiro. Hindi muna siya pinaupo ni Evil Brenda instead may tipid na ngiting—or imagination ko lang iyon—ipinakilala nito sa kaniya ang newbie teacher na si Camille. Jiro in return smiled at her. I watched them intently as they exchanged pleasantries. At hindi nakaligtas sa matalas at naniningkit na mga mata ko ang pa-cute na ngiti ng bruha kay Jiro ko!

"If looks could really kill, siguro kanina pa nilalangaw 'yang si Ate Girl sa harap mo, Kia." Nilingon ko si Ellie nang wala sa oras sa sinabi niya.

"Actually, gusto ko nang hatakin paalis sa harap niya si Jiro. 'Kita mo 'yang babaeng 'yan? She's a real two faced bitch! Kunwari mabait!" pabulong at puno ng sarcasm sa sabi ko.

"Gora! Dapat lang talaga na ilayo mo 'yang si Jiro sa lintang 'yan. Aba! Malakas ang pakiramdam kong may lahi din 'yang ahas."

I was tempted to do what Ellie just said pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung may "K" lang talaga ako, hinding-hindi ko siya hahayaang makalapit kay Jiro. Kasi katulad ni Ellie, ramdam ko ring may ilalandi pa ang Camille del Rosario na iyon!


"SO, I GOT this information from my most reliable source in Brentwood. Nakapasok 'yang si Camille girl because she got connections from higher ups!"

Sunod-sunod na napatango kami ni Raffy habang pinapakinggan ang balitang nakalap ni Ellie. We were currently at the school cafeteria to eat lunch. Wala talaga akong masabi sa bilis ng radar ni Ellie sa pagkuha ng "information". Kahapon lang pumasok ang Camille del Rosario na iyon at halos twenty-four hours pa lang ang nakalilipas. Now, baon na niya for lunch ang mga chika tungkol sa malditang newbie na iyon.

I could now officially call that Camille as #MalditaForever. Why? Inirapan lang naman niya ako nang makasalubong ko siya kaninang umaga. I bet she recognized me from last time. Kung anong tamis ng ngiti niya kapag nakaharap ang iba naming co-teachers, gano'n naman ang sama ng tingin niya kapag kami ni Ellie ang nakikita niya.

I also concluded na extra kind and sweet siya sa mga male teachers. Malambing siya kapag nakikipag-usap kay Raffy. At sobrang pa-cute kapag si Jiro na ang kaharap! Hindi ako namalikmata nang ma-observe ko ang pa-cute na ngiti niya kay Jiro kahapon. I saw it again this morning. Gosh! Napaka-consistent ni Ate!

Sa sobrang inis nanggigil na tinusok ko ang order na pork cutlet at asar na isinubo iyon.

"That really sounds interesting, Ellie. Sino namang higher ups ang backer niya?" tanong naman ni Raffy habang ini-enjoy na nginunguya ang order niyang banana crepe for dessert.

"Si Mr. Vice President. Base sa source ko magkamag-anak daw sila. Hindi lang sinabi sa 'kin to what extent. But anyway, I will get to know that soon. At least for now, may idea na tayo kung ano'ng meron sa babaeng 'yon," paliwanag pa ni Ellie.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Seriously? Kaya naman pala malakas ang loob na magtaray!" I exclaimed in so much annoyance.

"Sinabi mo pa!" Ellie rolled her eyes. "Kaya ikaw, Raffy," bumaling siya sa pinsan kong nasa tabi ko, "lumayo-layo ka nang kaunti sa babaeng 'yon. Always remember what she did to me and Kia. Nakita mo naman kung paanong naging parang basang tuta last time itong pinsan mo, right? Kagagawan 'yon ng malditang 'yon!"

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan ko. Amused naman na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Raffy.

"Don't worry, girls, I'll take note of that. Saka nasa inyo ang full loyalty ko." Malawak na ngumiti si Raffy. "I also got to observe Camille yesterday and today. Hindi rin ako comfortable sa kaniya, lalo na kapag lumalapit siya sa akin."

"Mabuti 'yan. Very good ka d'yan, Raffy," natutuwang sabi ko saka siya mahinang tinapik sa balikat.

"Pero friendly reminder lang. It's probably best if you'll just ignore her. That way, maiiwasan ninyong mainis pa sa kaniya lalo. Hindi naman siguro magpapapansin 'yon sa inyo kasi mukhang nasa 'ming boys ang attention niya."

Saglit akong napaisip sa sinabi ng pinsan ko. Well, mukhang tama siya sa part na 'yon.

"Walang problema 'yon sa 'kin pero mukhang kay Kia tayo magkakaproblema. Target yata nitong si Camille si Lover Boy," naniningkit ang mga matang singit ni Ellie.

Hindi ako nagsalita but I did agree with her. Tinitigan naman ako ni Raffy na parang nababasa niya ang nasa isip ko.

"You don't have to worry, Kia. Katulad ko loyal din 'yang si Jiro. He only has eyes on you. Trust me," he assured.

Tipid na lang akong ngumiti but at the back of my mind I had this little doubt. Pero umaasa akong sana'y nagkamali lang ako.

Days passed at nakalimutan ko rin ang presence ng bagong co-teacher namin sa Brentwood dahil nakatuon na ang atensiyon ko sa international contest namin ng student ko na gaganapin sa Singapore sa susunod na dalawang linggo. Everything was set. I had my passport and visa ready as well as the other documents needed for the said event. Masasabi kong nasa ninety percent na ang preparedness level namin for the contest. Plane ticket and accommodation na lang talaga ang kulang. Though the school informed me na sila ang bahalang magpa-process no'n.

Kanina lang, nakatanggap ako ng message mula kay Miss Cherry. Gusto raw akong makausap ni Evil Brenda tungkol sa ginagawa kong preparation for the contest. I was instructed to meet her at the principal's office by four PM.

Kaya kahit hesitant ako, I had to do what I was told. After all, head ko pa rin siya kahit sobrang allergic ako sa kaniya. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi na niya dinagdagan ang ancillary works ko at hinayaan na lang akong mag-focus sa contest ko. Well, mabuti rin pala ang kalooban ni Ma'am Sabado kahit paano.

Minutes later narating ko ang principal's office sa third floor ng administration building. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pinihit ang door knob at pumasok doon.

I was first greeted by the eerie and cold vibe—well literal na malamig dahil naka-full blast yata ang air condition—of her office. Kalahati ng faculty room namin ang size ng office niya. Simple lang ang interior niyon. It was painted in white and she only had her large mahogany office table at the right portion of it and a sofa set in front. Sa likod niya makikita ang puting three-layered bookshelf. She had at least two large pots of ornamental plants inside. A fiddle leaf fig beside her table and rubber plant beside the door.

Pero kahit na refreshing iyon sa mata hindi nama-mask no'n ang darkness sa nakapalibot sa owner nito. Ironic indeed.

"Good afternoon, Ma'am," tipid na bati ko.

Kahit madalas ko siyang nakakasalamuha, hindi pa rin nawawala ang kakaibang pakiramdam ko kapag nasa malapit siya. That overwhelming feeling uneasiness.

"Take a seat, Miss Guanzon," narinig kong pormal na sabi niya nang mag-angat siya mula sa mga papeles na binabasa niya.

Lumapit naman ako at umupo sa pang-isahang sofa na kalapit lang ng malaking table niya. Saglit na katahimikan ang bumalot sa 'min, though it felt like a suffocating eternity for me.

"I won't be beating around the bush. I want you to withdraw from that competition."

Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. Nagsimulang mamanhid ang mga paa ko. Nagbukas-sara din ang bibig ko as I stared at her in so much disbelief. Mayamaya pumikit ako ng ilang segundo habang pilit na pinaniniwala ang sarili kong mali ako ng narinig. Dumilat ako pagkaraan ng ilang sandali. Matapang na sinalubong ko ang tingin niya—na ng mga oras na iyon ay nakatutok pa rin sa 'kin.

Sunod-sunod na sumagap at nagbuga ako ng hangin. Kahit para niya akong malakas na sinampal sa sinabi niya pinilit ko pa ring kalmahin ang sarili ko at inintindi ang balitang ibinagsak niya sa harapan ko.

"M-Ma'am, I've prepared for this contest for months. You can't tell me to withdraw just like that," kalmado pero mariin ang pagkakasabi ko sa mga salitang binitiwan ko.

Kinakain ako ng kaba habang nakatitig pa rin sa kaniya pero nagpakatatag ako at hindi sinubukang magbawi ng tingin. Ayaw kong tanggapin nakatatawang balitang pilit niya inihahain sa harap ko.

"I had your name replaced already. Focus on attending seminars and your action research instead." May finality sa boses niya.

That was then my cue para tumayo. Mahigpit na naikuyom ko ang mga kamao.

"What? Ma'am Brenda, this is unfair! You got me replaced without even informing me about it? Ni hindi ko nga po alam kung capable ba ang ipinalit ninyo sa akin. Sa tingin ninyo basta-basta ko na lang pong tatanggapin 'yon?" hindi makapaniwalang bulalas ko.

"I gave the mentorship to Mr. Elizalde and he gladly accepted it, Miss Guanzon."

Marami pa akong gustong sabihin pero napipi ako nang banggitin niya ang pangalang iyon. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Ilang segundo pa nanghihina ang mga tuhod na napaupo ako sa sofa.

Right there and then I felt so betrayed...

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
7.3M 191K 35
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...