Twisted Fate by Love

By CeraXinana

1.1K 188 24

If a great revelation had been divulge‚ would you let love twist your fate? Disclaimer: This story is written... More

SEASON 1
CERAXINANA'S
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
FINAL CHAPTER.
SEASON 2

CHAPTER 3

44 11 0
By CeraXinana


I was walking amidst of the green field‚ masakit ang sikat ng araw kaya halos patakbo kong tinatahak ang daan. Tagaktak ang pawis ko ngunit hindi ko na ito inalintana dahil halos masunog na ang balat ko dulot ng matinding init.

I feel like I'll be having a sunburn later‚ ang hapdi ng balat ko.

"Shia!" umalingawngaw ang boses ni Kuya kaya panandalian akong tumigil sa paglalakad upang antayin na makalapit ito sa akin. Tulad ko tagaktak din ang pawis ni Kuya dahil sa matinding sikat ng araw.

As he walks on me his resentful eyes sending nervousness to my system. What did I do?

Biglang nanginig ang mga paa ko at nagsimulang lumagkit ang mga pawis ko dulot ng kaba sa hindi malamang dahilan. Finally nakaabot nadin si Kuya sa kinatatayuan ko.

Masamang titig ang pinukol nito sa akin. "Anong meron sa inyo ni Gwevera?" yumuko lamang ako‚ hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ano nga ba kami?

Sa hindi kalayuan natanaw ko si Vrix‚ hinang-hina itong naglalakad at tila hirap na hirap. I turned my gaze to Kuya before throwing a death glare on him. Alam ko na kung sino ang may gawa no'n kay Vrix. It's him!

Watching Vrix made my heart ache‚ damn it.

I run towards Vrix's direction while Kuya's following behind me. I was ignoring his words dahil sa kadahilanang pinapangunahan ako ng pag-aalala kay Vrix. Tila umayon naman ang panahon mabilis akong nakadalo papunta kay Vrix. He looks devastated‚ those tired eyes of him‚ his soft lips are bleeding‚ his clothes are rumpled‚ and he got some bruises.

Seeing Vrix miserably causes my system to be heated‚ I turned my gaze towards Kuya and gave him a hard slap. Gulat na ekspresyon ang kumawala sa mukha nito‚ na maski ako ay nagulat din sa nagawa ko.

"Shia," he said in a low tone with disbelief.

Did I really slap Kuya? All my life I had never thought hurting him but now I did it awhile ago. "I'm leaving Shia. Let's talk at home," malamig na saad ni Kuya.

Muli kong binaling ang mga mata ko kay Vrix‚ he's breathing heavily. Kita ko ang paghihirap sa mukha niya kaya lumapit ako sa kanya para dalhin ito sa clinic pero bago ako makalapit bumagsak na ito.

Masakit ang sikat ng araw na pumapasok sa bintana‚ nakalimutan ko palang isara ang bintana kagabi dulot ng malalim na pag-iisip kay Vrix at hanggang sa panaginip binabangungot pa ako.

Kaurat.

Paano kaya pag nalaman ni Kuya ang tungkol sa amin ni Vrix? Pero wala namang namamagitan sa amin ni Vrix. Can I really betray Kuya just for Vrix? My dream is so fucking imposible. What a nightmare!

I stretched my body hanggang sa magsawa ako. Bumangon ako bago lumapit sa bintana‚ tumingala ako sa kalangitan hindi na tulad ng kahapon ang kalangitan sa katunayan kabaliktaran nga ito. Maaliwalas ang kalangitan at kahit umaga palang ramdam mo na ang sakit ng sikat ng araw sa balat. Muling bumalik sa ala-ala ko ang panaginip ko. Natatakot ako na baka mangyari ’yon.

Hindi ko hahayaang mangyari ang panaginip ko‚ sabagay malabong mangyari 'yon na kaya kong saktan si Kuya para lang sa isang lalaki. Isa pa sabi nila kabaliktaran daw ang nangyayari sa reyalidad. Napailing na lamang ako  bago tumuloy sa banyo at naligo.

We're in the middle of the road‚ Kuya was busy driving the car and I'm just silently sitting beside him. Those pathetic dream keeps on haunting me.

Mahinang tinulak ni Kuya ang noo ko na magpabalik sa akin sa reyalidad. Napansin siguro nito na wala akong kibo mula kanina. "K-Kuya,” hindi parin mawala sa isip ko ang pagsampal ko kay Kuya sa panaginip‚ parang nakakainis lang isipin kasi nagawa kong saktan ang sarili kong kapatid para lang sa isang lalaki.

I had pinned on my mind that whatever happens I would never resent my brother. Sa lahat ng oras dapat na ibigay ko ang suporta ko kay Kuya. My family matters the most.

"May sakit ka ba? Pasensiya ka na kahapon hindi kita nahatid. Buti sinundo ka ni Daddy," wala ako sa mood para itama si Kuya at ayaw kong sabihin ang pagsabay ko kay Vrix‚ patuloy padin ito sa pagmamaneho. Sinandal ko ang likod ko sa upuan bago huminga ng malalim.

"May iniisip lang ako Kuya," lumingon ito sa akin. Worried glowed in his eyes as he was staring on me.

"Oh?"

"Kuya‚ you'll get mad at me if I have a boyfriend?" his eyes widened but it faded suddenly. Siguro nagulat din ito sa biglaan kong tanong.

He stop the car in the rim of the road.

"Since when Shia?" umakyat ang kaba sa sistema ko pero hindi ko ito pinahalata‚ besides wala namang namamagitan sa amin ni Vrix. I should calm myself.

"Wala Kuya!"

"Shia!"

"Kuya wala nga. I‘m just asking," I pouted my lips at him. Ramdam ko na duda parin si Kuya sa'kin.

Huminga ito nang malalim. "Bakit mo natanong yan?"

I straightened my back. "Kuya I just realized that I'm no longer a child and there is a possibility that I might fell inlove," I swallowed hard after saying those words.

Diba totoo naman? There's a tendency na mahulog ako‚ falling inlove is part of life. Masyado akong defensive.

Kuya had always taught me to choose the right man who will love me and would never hurt me. Kuya really love me that much huh.

Kuya patted my head bago ito lumapit ng kaunti sa akin. "Shia‚ you're growing really fast‚ but always remember you're my baby!" I wiped my fake tears kaya natawa si Kuya.

How I missed his clingy side.

"Kuya you're making me cry," I wipe my fake tears again. Ang sarap talagang isipin na may Kuya akong ganito. I want to be his baby forever.

"Follow your heart‚ your heart will bring you to the right person together with happiness!" he continued before kissing my forehead. Aga-aga nilalanggam na ako sa kasweetan ni Kuya.

I just nod at him as a respond.

"Shia‚ no matter what happen I‘m always at your back. Okay!" nagthumbs up pa ito sa'kin bago bumalik sa pagmamaneho.

I spend my time watching the road while trying to stop myself from smiling‚ yet I can't. Nawala ang pangamba ko dahil sa sinabi ni Kuya. He'll support me ackkk‚ so grateful to have him.

Isa na lang ang problema ko. Ano nga ba kami ni Vrix? I wanna clarify everything.

"Hoy Shia!"

"Bakit Win?" tamad kong tugon kay Win. Tsk‚ she's a noise.

"Bakit ka ngumingiti mula kanina?" muli itong umupo sa katabi kong upuan at sinuri ang mga mata ko. Tsismosa talaga kahit kailan.

"Nothing."

"Really? I won't believe you unless you'll tell me the reason behind your majestic smile," tumigil ako sa pag-aayos ng gamit ko bago muling hinarap si Win. Kinurot naman ako nito ng mahina kaya gumanti din ako. This is us‚ acting like a child.

Muling bumalik sa ala-ala ko ang pinag-usapan namin ni Kuya kanina kaya muling sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko. Isang mahinang hampas ang muli kong natanggap kay Win kaya muling nabaling sa kanya ang atensiyon ko. Sadista talaga.

"Oh… Ano na?"

"Ah… may pinag-usapan kami ni Kuya kanina‚ naalala ko lang."

"Mind sharing bestie!" kumindat pa ito bago ako sinundot sa tagiliran. Mahina akong natawa dahil sa ginagawa ni Win.

"Shia someone's looking for you!" napalingon ako sa nagsalita‚ it was Viancy‚ our classroom president. Mapanuyang ngiti ang ipinupukol nito sa akin kaya napangiwi ako.

"Sino?"

"Si Vrix!" medyo pasigaw nitong wika tila kinikilig pa. Sino ba naman ang hindi hahanga kay Vrix? He's almost perfect. Paborito siguro ng Diyos.

Umakyat naman ang kakaibang kaba sa sistema ko‚ unti-unting namumuo ang mga pawis ko‚ maging ang mga paa ko tila nanghihina. So‚ ito ang epekto ni Vrix sa akin? Nakakahimatay. I can‘t take his presence. Damn him.

Sa kanya ko lang naranasan ang ganitong kaba‚ halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko. Arghhhhhh… mas kinakabahan pa ako sa presensiya ni Vrix kaysa sa reporting namin.

"Oh sige," walang gana kong saad kay Viancy. Before leaving‚ Viancy smiled at me maliciously at muling pag-ngiwi ang isinukli ko. Kung anu-anong iniisip‚ tsk!

Bakit ba kasi nandito si Vrix? Papansin talaga.

Luminga-linga ako sa paligid sakto naman ang paglapit ni Win kaya nabaling ang atensiyon ko sa kanya. "Narinig ko kayo‚ anong kailangan ni Vrix?" nagkibit balikat na lang ako sa kanya. Wala naman itong alam sa mga nangyari noong isang araw at kahapon kaya hindi na ito nag-abalang magtanong muli.

"Shia!"

"Hmn…?"

"Hindi na kita masasamahan kay Vrix‚ harmless naman siya‚ he won't hurt you." mahina akong natawa kay Win. As what she had said Vrix was really harmless. Anong iniisip ng isang to?

Bukod sa nakakahipnotismo ang titig ni Vrix at masyado itong walang pakundangan sa sinasabi niya‚ he's truly harmless.

"Okay," kunyaring nagtatampong saad ako. Tumalikod ako sa kanya bago kinuha ang bag ko. Sa totoo lang nakakatampo na si Win‚ she's always busy.

Sinundan ako ni Win bago kinalabit. I am trying ignore her at my very best. I hope it will work.

Humarap ako sa kanya. "Bolaga! Joke lang eh‚ ito naman!" she pouted her lips bago ako niyakap patagilid. Win is always sweet when it comes to me. Nakuntento nadin ako na siya lang ang kaibigan ko. Wala na akong hihilingin pa‚ she's more than enough!

"Sus‚ baka may date ka lang eh!" guilt flickered on her eyes‚ guni-guni ko lang siguro.

Judgerist ko naman masyado.

"Bye Shia!" kinuha nito ang bag niya at sinukbit sa balikat niya. Inayos ko naman ang bag ko bago nagpunas ng pawis. The sun was truly hot‚ feel ko nga parang nasa kabilang building lang ’yong impyerno.

Shit! Ang panyo ni Vrix‚ nakalimutan ko! Maybe 'yon ang sadya niya‚ but I had forgotten the handkerchief.

Lumapit ito sa akin. "Babawi ako!" after saying it‚ she kissed my cheeks at kumaway na paalis. I watched Win walked away bago ako lumakad palabas. Marahan lang ang bawat hakbang ko‚ mahinang umiihip ang hangin na naging dahilan para sumayaw ang ilang hibla ng buhok ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kainis naman si Vrix‚ napaka-init.

Vrix was sitting on the bench‚ may malaking puno doon na tumatakip laban sa sikat ng araw. Maraming estudyante ang nakakasalubong ko sa daan‚ some of them are approaching me‚ some of them are smiling at me‚ as a respond I‘m just giving them a small smile. I don‘t want to look rude somehow.

Sa bawat paghakbang ko ay siya namang pagbilis ng pintig ng puso ko‚ watching him from a far is a golden scenery.

Sa kabila ng kaba ay hindi ko maiitatangi na nagagalak din ako sa pagtatagpo namin ng lalaki.

Medyo nakonsenya ako dahil sa kadahilanang mula pa kanina naghihintay si Vrix. Binilisan ko ang paghakbang ko ng bigla kong makabangga si Kevough. Pawisan ito ngunit mas nangingibabaw ang bango nito‚ ang sarap amuyin. "Sorry‚ nagmamadali kasi ako!"

"Okay."

"Saan ka pupunta? Uwian na ah?"

"May kakausapin lang‚ aantayin ko pa si Kuya," tumango ito bago tuluyang umalis‚ kumaway muna ito sa akin.

Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko‚ Vrix was busy touching the screen of his phone. May mga babaeng dumadaan at bumabati kay Vrix pero hindi niya ito pinapansin. Famous ah!

Successfully‚ nakarating na din ako. Tumikhim ako ng mahina bago pinunasan ang pawis ko. Iniangat naman ni Vrix ang tingin niya bago pinagpagan ang bench. "Sit!" he demanded‚ umupo naman ako sa tabi niya. I felt so tired somehow kahit naglakad lang ako ng ilang distansiya.

"I had forgotten your handkerchief," diretso kong saad. Binaling ko ang tingin ko sa kalangitan‚ wala na ang  mainit na sikat ng araw‚ medyo maulap ang kalangitan. Sa tingin ko hindi naman uulanin.

I use my hands to support my body but I think I did the wrong move. As my hand touches Vrix hand muling dumaloy ang kuryente sa katawan ko like what I had felt yesterday. Madalian kong inayos ang pag upo ko.

"Let's have a deal!"

"For what?" bakit ako ang naisipan nito para sa deal niya? Anong kailangan niya sakin.

"We can both benefit here," umalon ang lalamunan nito kasabay ng pagsasalita niya‚ malinis ang mukha nito‚ no traces of sweat kahit na kanina pa ito naghihintay sa akin at maalinsangan pa ang panahon. I can still smell his manly scent‚ nakakaadik!

"Huh? What benefits can I get?" I ask out of curiosity. Wala naman akong kailangan‚ besides I don't have any secrets para iblackmail niya sa akin.

"I will do anything you want!" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. So what if I want him to be my boyfriend. Papayag kaya siya? Napakagat labi na lang ako sa naisip ko at kunyaring mahinang natawa kay  Vrix.

"You‘re kidding right? Natatawa ako sayo. Vrix Javier Gwevera‚ you're insane!” saad ko habang tumatawa, napangiwi ito at napakamot sa batok niya. Tumigil naman ako sa pagtawa at pinagtuunan siya ng pansin. Tila naasiwa ito sa naging akto ko kaya umakto itong tatayo. Hinila ko siya sa kamay kaya muli itong napaupo. We're not done yet.

"So what‘s the deal?" tumayo ako‚ Vrix did the same.

Tumingin ito sa mga mata ko kaya hindi ako nagpatalo‚ we're doing eye contact. His almond black eyes twinkled for a moment. "Be my girlfriend!" my  jaw literally drop‚ ayaw mag sink it sa utak ko ang sinabi niya. Is this some kind of prank? Kanina iniisip ko lang na what if siya ang maging boyfriend ko and now it's happening. Mukhang kampi sa akin ang Diyos.

Tinapik nito ang noo ko pero nanatili lang akong tulala. He slowly bend her knees to level our height‚ he look so adorable on how he's acting right now. He stared on my eyes for a moment kaya mas nailang ako.

"H-Huh a-ano 'yong sinabi m-mo?" he smirked on me‚ siguro natatawa ito sa paraan ng pagsasalita ko. Damn him‚ he's insane!

"Ba't ka nauutal?"

"Stop asking stupid questions!" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ba siya marunong makiramdan na nababaliw na ang puso ko.?

"So‚ you want me to repeat what I had said?" tumango ako ng mahina at pilit na kinakalma ang sarili ko. Some students are staring on us‚ siguro nagatataka dahil nakayuko si Vrix sa harapan ko. Dahil naaasiwa ako sa mga titig nila‚ I tapped Vrix shoulders and glare at him. Naintindihan naman nito ang nais kong iparating kaya umayos ito sa pagkakatayo.

"Be my girlfriend," for a moment I freeze again pero agad din akong nakabawi. Memories flashbacks noong nangyari kahapon‚ Mommy believed on Vrix lies at mahihirapan akong iexplain kay Mommy if ever na malaman niyang fake ’yon. Napailing na lang ako sa katangahan ni Vrix.

"Give me more benefits that I can get if ever na pumayag ako."

"I'll do anything you want. I'll explain everything to your parents and to Revian‚ and… "

"Hmmmnnn more!"

"I don‘t know anymore. Just agree on my deal!" maka-asta parang batas.

"I won't!" direstso kong saad at tinalikuran si Vrix. My phone beeped so I checked it up.

From: Kuya
May practice kami‚ text Daddy to pick you! Take care baby!

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at nagsimulang maglakad ulit. Marahan lang ang bawat hakbang ko‚ sariwa ang ihip ng hangin na nagpapatuyo sa kunting pawis ko. Behind my back Vrix is running towards me hindi ako nag-abalang lumingon sa kanya baka kung ano pang isipin niya.

As what I've expected maabutan niya ako. Mahahaba ang kanyang biyas kaya advantage yun para madali akong maabutan. He walks beside me hindi ko pa din ito pinansin. "Shia just accept my deal!" pag ako nairita sa lalaking to sisipain ko'to‚ pero sayang naman ang gwapong mukha ni Vrix pag nagasgasan.

Binalewala ko ang presensiya niya patuloy lang akong naglalakad ng biglang natamaan ako ng bola sa noo. Soccer players are practicing in the field‚ naging abala ako sa paglalakad kaya hindi ko namalayan na nasa gitna pala ako ng field dumaan.

Tila unti-unti kong naramdaman ang sakit ng pagkakatama ng bola sa akin‚ unti-unting nandidilim ang mga mata ko and anytime I might loss my balance. Bago pa ako bumagsak dinaluhan ako ni Vrix. That was the last thing I remembered.

Marahan kong minulat ang mga mata ko‚ ginalaw ko ang ulo ko pero masakit padin itong igalaw. Damn that ball!

Lumapit si Vrix sa akin‚ siya siguro ang nagbantay at naghatid sa akin dito. Another utang na loob. Umupo ito sa tabi ko. "Shia kumusta pakiramdam mo?" he asked me in a calm tone. Tama ba itong nakikita ko sa mga mata ni Vrix—pag-aalala.

Inipit ni Vrix sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok na pilit kumakawala sa tenga ko. As he touched my skin muling dumaloy ang kuryenteng nararamdaman ko na tanging si Vrix lang ang naghahatid nito sa akin. "Medyo masakit lang ang ulo ko."

"Alright."

"Thank you!"

"Mag-ingat ka kasi," tinitigan ko siya ng masama‚ he's the one who dragged me in that situation kung hindi niya sana ako kinausap edi sana hindi nangyari ito.

"Sorry," tumango lang ako sa kanya at nagsimulang bumangon at umupo. Inalalayan naman ako ni Vrix‚ I can do it by myself though pero hinayaan ko na lang siya. Wala ako sa mood para magtaray at isa pa masakit pa ang tama ng bola.

"Uwi na ako!"

"Hatid na kita," mahina akong tumango at tumayo. Saktong dumating ang school nurse at lumapit sa amin.

"Shia kumusta na ang pakiramdam mo?"

I smiled at her gratefully. "Medyo masakit padin po yung tama ng bola but I can manage to handle. Thank you po."

"Ma'am mauuna na po kami ni Shia‚ kailangan niya na din pong magpahinga sa bahay nila. Salamat po," magalang na saad nito bago kami lumabas sa clinic. Tsk! Siya naman may kasalanan kung bakit nangyari ito.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng makarating kami sa bahay‚ Mommy's busy cooking our food while Daddy's silently watching a movie. Tumikhim ako para maagaw ang atensiyon nila‚ as expected naagaw ko nga ang atensiyon nila.

Surprised was all over their face pero agad ding nakabawi si Mommy‚ Daddy was still in the midst of shock habang nakatingin ito kay Vrix ni hindi nga ito kumukurap. This is the first time I bought a guy in our house.

Lumapit ako kay Daddy at nagmano‚ Vrix did the same too. Mabuti naman at tinuruan ito ng good manners kahit papano or masyado lang talaga akong mapanghusga. Sama ko naman.

"Hi Tito! I'm Vrix‚ nice meeting you po!" pagpapakilala nito kay Daddy.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Mommy‚ she looks happy while staring at Daddy talking to Vrix. Muli na namang bumalik sa ala-ala ko ang tungkol kay Daddy kaya pilit ko itong winawaksi, I don't want to ruin my mother's mood. Nagmano ako kay Mommy and after a short moment nagmano din si Vrix. Sige plus points siya sa langit.

"Asan ang Kuya mo?" Mommy asked while wiping the table.

"May practice pa Mommy‚ maya-maya baka darating na din iyon."

"Miss niyo na ba agad ako! Bakit narinig ko ang pangalan ko?" Kuya energetically said‚ dumiretso ito kay Daddy para magmano bago pumunta sa kinaroroonan namin at nagmano kay Mommy.

"Hey Rev," nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Vrix. I almost forgot na nandito pala siya. Nagsalubong ang kilay ni Kuya‚ nagtataka siguro kung bakit nandito si Vrix.

"Hinatid ko si Shia‚ by the way she's already fine," tumango na lang si Kuya sa kanya bago lumingon sa akin ang maamong mukha ni Kuya ay punong-puno ng pag-aalala.

"How's my baby?"

"Kuya okay na ako‚ bola lang yun samantalang ako maganda‚ pati bola tinamaan sa akin. Ganda problems nga naman," tinaas baba ko pa ang kilay ko kay Kuya para mapaniwala ko itong nasa maayos na kalagayan na ako.

"Anong nangyari?" lumapit si Mommy sa akin at sinipat ang ulo ko.

"Mommy bukol na lang yan‚ okay na po ako. No more worries!" I cheerfully said ayaw ko kasi na mag-alala sila sa akin.

Tumikhim si Vrix bago lumapit sa akin‚ he throw a glance on Mommy. "Tita uuwi na po ako."

"Salamat sa paghatid mo kay Shia, mag ingat ka Iho," pumunta si Mommy sa kanyang niluluto upang tignan ito‚ kaya naiwan kaming tatlo nina Kuya at Vrix.

"Vrix salamat sa pagbatay kay Shia."

"No worries Rev‚ it's my obligation after all," is he playing again as my boyfriend‚ damn him.

Napakunot naman ng noo si Kuya. "Anong ibig mong sabihin Vrix?" bigla akong kinabahan sa tanong ni Kuya. Vrix stop this stupid act‚ I'm begging you.

"Rev ano ka ba boyfriend ni Shia si Vrix," Mommy said behind my back‚ Kuya stared at me that I should explain everything on him. Napabuntong hininga na lang ako. Sana lamunin na lang ako‚ wala akong kailangang i-explain dahil no boyfriend since birth ako until now.

Lumapit si Vrix sa akin. "Sorry for what happened Shia," a soft kiss landed on my forehead again na nakapagpasento sa akin. Ilang beses pa ba ako dapat magulat sa mga pinaggagawa ni Vrix. Masyadong ginagalingan ang acting. Humanda siya sakin bukas!

Baka mawala na ang sakit sa ulo ko‚ his warm lips is like a medicine.

Tumikhim si Kuya. "Sige uwi ka na Vrix‚ ingat!" tumango na lamang si Vrix sa kanya bago muling binaling ang tingin sa akin at kumaway kaya kumaway din ako pabalik. Kahit anong reaksiyon ay hindi ako nagpakita sa mukha ko.

Nakalabas na si Vrix sa bahay‚ mahina  akong kinalabit ni Kuya. "Kailan pa Shia?"

Yumuko ako. "Sorry Kuya."

Hinawakan ni kuya ang balikat ko bago iniangat ang tingin ko sa kanya. "Dalaga na ang baby ko. It's alright baby‚ you‘re growing fast."

"K-Kuya hindi ka g-galit?" pautal kong saad hindi pa kasi humuhupa ang kabang nararamdaman ko.

"Take a rest Shia. I'm not mad‚ let's talk on some other day. Are you okay baby?"

"I'm fine Kuya‚ thank you!" Kuya claimed me on his arms.

"Pinag-alala mo ako Shia ng todo. Pasensiya ka na hindi kita napuntahan kanina. Bawal daw kasi sabi ni Coach na lumiban sa practice. Baby take care always," tumingala ako kay Kuya bago ngumiti ng napakatamis. Kuya planted kisses on my forehead.

"Sige na magbihis ka na tapos kakain na tayo," tumango ako bago umakyat sa kwarto ko.

Mabilis kong ibinagsak ang sarili ko sa kama‚ masakit padin ang ulo ko. Hayts‚ literal na masakit sa ulo si Vrix!

#CeraXinana

Love shouldn‘t be rush all along‚ it takes time to fall inlove.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 47.6K 45
When Julia Hastings enters into Santiago industries she does not know that she is entering into something much, much more than a greatly needed job.M...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
46.2M 1.2M 37
Zoe is a rogue who is forced to attend a school for werewolves for a year thanks to a new law. There she meets her mate, a certain Alpha who holds a...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...