Against the Wind

By greatfairy

806K 35K 7.9K

El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows th... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SIDE NOTE

CHAPTER 8

14.4K 717 156
By greatfairy

The Real Deal

NATARANTA AKO. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung sa itaas ba o sa ibaba. Pareho kasing nakakapanlalaki ng mga mata.

"You!"

Dinuro ako ni Puppy habang natataranta rin siya kung saang banda ang una niyang tatakpan, kung sa itaas din ba o sa ibaba. Ayaw ko kasing magtakip ng mga mata o tumalikod dahil gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko.

"Puppy, bakit—"

"Get out!"

Namumulang idinuro niya ang pinto. Mabilis naman akong umiling. Hindi kasi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Puppy, bakit—"

"I said, get out!"

"Huh? Inutusan lang akong pumunta rito, ah. Puppy—sandali!"

Itinulak niya ako palabas ng pinto saka pinagsarhan. Napatalon pa ako sa gulat dahil sobrang lakas ng pagkasara niya.

Napatampal ako sa noo. Hindi ko pa naisasauli ang wallet niya!

"Oy, Puppytot! Akin na lang ba itong wallet mo? Pagbuksan mo kaya ako? Puppy!"

Kumatok ako nang kumatok pero hindi niya man lang ako pinagbuksan. Nagalit ko yata siya.

Napadausdos ako ng upo sa sementadong sahig. Hindi mawala sa isip ko ang mga nakita ko.

Hindi kaya namamalikmata lang ako?

Umiling ako. Hindi. Totoo 'yon. Wala naman akong diperensya sa mata.

Sinampal-sampal ko ang sarili ko para kumpirmahing hindi ako nananaginip, pero nang makaramdam ako ng sakit ay napangiwi ako. Totoo nga 'yong nakita ko.

Napangiti ako. Ibig sabihin ba no'n mali ako ng iniisip all this time? Ibig sabihin ay may pag-asa ako kay Puppy?

Tarantado kasing Payatot 'yon, nilason ang isip ko. Kapag nagkita kami babawian ko talaga siya!

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago muling kinalampag ang pinto, pero katulad kanina ay dedmatology ang peg ni Puppy. Mukhang wala na siyang balak na lumabas.

Umayos ako ng upo saka sumandal sa pinto. Nangalumbaba ako. Ipinatong ko ang mukha ko sa ibabaw ng mga tuhod ko.

Hindi ako susuko. Maghihintay ako rito hanggang sa pagbuksan ako ng pinto ni Puppy.

Binuksan ko ulit ang wallet niya saka tiningnan ang ID niya. At least alam ko na ngayon ang birthday niya. Pati ang blood type niya.

Ngayon ko lang naisip na bagay pala ang apelyido niya sa pangalan ko.

"Shyr Divine Bustamante," nangingiting sambit ko.

Ang sarap sa pandinig. Mamaya pagkauwi ko ay magpa-practice na agad ako ng pirma para kapag ikinasal kami someday hindi na ako mag-iisip ng pirma. Subukan ko rin kaya i-flames candle ang pangalan namin? Na-excite ako bigla.

Ini-imagine ko pa lang ay napapangiti na ako. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil kanina pa ito pumipintig nang kakaiba.

Nilingon ko ulit ang pinto. Kailan kaya maisipan ni Puppy na lumabas? Mabuti na lang at walang lamok dito. Kundi ay kanina pa siguro busog ang mga iyon sa tagal ng pag-upo ko rito. Malapit an ring magdilim.

Paniguradong lalabas siya kapag akala niya ay wala na ako rito. Kaya naisip kong huwag nang mag-ingay pa. Nagkunwari akong naglalakad palayo. Pagkatapos ay hinubad ko ang sapatos ko saka nagyapak lang pabalik sa harap ng pinto.

Tahimik akong naghintay at nag-isip ng puwede kong gawin para makaganti ako kay Señorito Timothy. Lokong payatot na 'yon, pinaniwala niya ako sa mali. Nasaktan lang pala ako para lang sa wala.

Kung magsulat na lang kaya ako ng story tapos ibibigay ko kay Zia Lynn?

1,000 Ways to Kill Timothy Hugh

Ang gandang title! Hindi na ako makapaghintay na makaharap siya at mabugbog siya. Puwede ring singilin ko siya ng singkwenta mil sa emotional damage.

Tumayo ako nang makaramdam ako ng pangangalay. Parang wala na yatang balak lumabas si Puppy Gaston. Napabuntonghininga ako.

Paharap naman akong sumandal sa pinto. Taimtim akong nagmakaawa sa kawalan na pagbuksan na ako ng crush ko.

Sobrang pinagpala siguro ako dahil pagkatapos ng ilang minuto ay bumukas nga ang pinto. Pero dahil nga paharap akong nakasandal dito ay napayakap ako sa nagbukas. At dahil matangkad si Puppy Gaston ay sa dibdib niya nag-landing ang pagmumukha ko. Napangiwi ako nang slight dahil nasaktan ang ilong ko. Ang tigas kasi ng dibdib niya. Feeling ko ay mapapango ako.

"Why are you still here?" matigas niyang tanong.

Pinanlakihan ko siya habang sapo-sapo ang aking ilong. Napansin niya yatang nasaktan niya ako kaya kinuha niya ang kamay kong nakatakip sa pagmumukha ko.

Nagkatinginan kami nang sinuri niya ang ilong kong nabunggo ng matigas niyang dibdib.

"Grabe! Gawa ba sa bato 'yong dibdib mo, Puppy?" hindi makapaniwalang bulalas ko nang unti-unti nang mawala ang sakit.

Umiwas siya ng tingin. Pansin kong hindi niya na ako nginingitian.

"I told you to leave, why are you still here?" malamig niyang tanong.

Bigla naman akong napamaang. Wala sa sariling naitaas ko ang hawak kong wallet niya.

"Naiwan mo po sa bahay kaya ipinahatid ni Nanay. Kasalanan ko ba kung nakahubad kayong bumukas ng pinto? Hindi ko naman po sinasadyang makita ang hindi ko dapat makita."

Halos ibinulong ko lang ang huli kong sinabi. Ngayon ko lang kasi napagtanto na nakakahiya ng nangyari kanina. Baka nahihiya siya sa akin kaya pinapaalis niya ako. Actually, wala naman siyang dapat ikahiya dahil nagustuhan ko ang mga nakita ko.

"Thanks," tipid niyang sabi sabay hablot ng wallet niya mula sa kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko . Agad kong iniharang katawan ko nang akma niya ulit akong pagsarhan ng pinto.

"Hindi n'yo man lang ba ako papapasukin? Ang sakit kaya ng puwet ko sa kauupo sa sahig."

"I didn't tell you to sit there by yourself."

"Kasi nga hinihintay ko kayong lumabas dahil nasa sa akin ang wallet n'yo."

"You could just have left it to the guard downstairs."

"Eh, kasi gusto ko kayong tanungin kung bakit naka-tatoo sa dibdib n'yo ang pangalan ko."

Pareho kaming natahimik nang ilang segundo dahil sa huling sinabi ko. Nakita kong umilap ang mga mata niya pero naka-poker face pa rin siya.

"You're mistaken," hindi nakatinging sabi niya. Namumula rin ang kanyang tainga.

"Kitang-kita ko kaya kanina. Hindi ako puwedeng magkamali, 'no. At saka patingin nga ulit, gusto ko lang titigan—"

"Stop it, Shyr Divine! You're crossing the line!"

Napapiksi ako nang biglang tumaas ang boses niya. Doon lang ako natauhan na galit na nga siya. Naibaba ko ang magkabilang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"S—Sorry."

Napayuko ako. "Sorry talaga, hindi ko naman intensyon na mangialam. S—sige."

Tumalikod ako at nanakbo paalis. Halos liparin ko 'yong hagdan paibaba. Kitang-kitang ko kasi ang galit sa mga mata ni Puppy Gaston. Bigla akong natakot.

Sapo-sapo ko pa ang dibdib ko nang makasakay na ako ng tricycle pabalik sa bahay.

Bakit kaya ayaw niyang aminin na pangalan ko ang naka-tatoo sa dibdib niya? Ang sabi kasi sa akin noon ni Timothy ay Shelley ang nakatatak doon. Kailangan ko talagang komprontahin ang payatot na 'yon. Hay.

Pagkarating ko sa bahay ay inusisa pa ako ni Nanay kung bakit ako natagalan. Sinabi ko na lang na walang tao ang apartment nila Puppy kaya naghintay pa ako. Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit ay nagluto na lang ako ng pagkain para sa tuta.

Bumuntonghininga ako habang pinapakain si Gaston. Hinimay ko pa 'yong isdang pinrito ko bago ko pinakain sa kanya dahil hindi niya pinapansin kapag hindi hinimay. Sa past life siguro ng tuta na ito ay isa siyang maarteng prinsesa. Kaya lang sa kaartehan niya ay naging tuta siya panahon na 'to.

"Tingin mo galit kaya sa akin si Puppytot? Hindi na ba niya ako kakausapin?" tanong ko kay Gaston habang nilalaro ang buntot niya.

"Mukhang nasagad ko yata ang pasensya niya. Tingin ko, sumobra nga ako. Baka akala ni Puppy binabastos ko na siya. Mas matanda siya sa 'kin kaya dapat lang na respetuhin ko siya. Pero kasi bakit hindi naman siya nagreklamo noong tinawag ko siya sa pet name? At saka may pet name din siya sa akin. Hindi ba dapat ang ibig sabihin no'n may mutual understanding kami? 'di ba, Gaston?"

Kumawag ng buntot si Gaston na animo'y naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.

Baka wala lang talaga 'yon kay Puppy Gaston. Nag-a-assume lang ako.

Pero may dahilan na ako ngayon para mag-assume na may something siya sa akin. 'Yong tattoo niya sa dibdib ay pangalan ko. Huwag niyang sabihing may iba pa siyang Shyr Divine na kakilala?

"Divina, pumasok ka na at kumain dito. Kahit magdamag mong kausapin ang tuta na 'yan hindi ka niyan sasagutin," ani Nanay.

Natauhan ako nang marinig ko ang talak ni Nanay. May doghouse kasi si Gaston. Dati sa kuwarto ko siya natutulog kaya lang lagi niyang pinapakialaman ang mga gamit ko sa school kaya napilitan akong pagawan na lang siya ng sarili niyang bahay.

Pumasok na ako sa loob para makisabay kumain sa kanila ni Nanay.

Pero hanggang sa pagtulog ko ay hindi mawaglit sa isipan ko ang nakita ko sa dibdib ni Puppy Gaston. Kahit anong gawin kong posisyon sa kama ay hindi ako makatulog.

Malapit nang lumalim ang gabi.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung may text galing sa kanya pero ni isa ay wala. Wala man lang good night.

Nagtatalo ang loob ko kung magte-text ba ako sa kanya o hindi. Pero siya naman ang galit, 'di ba dapat siya ang unang mag-text?

Muli akong napabuga ng hangin. Sa huli ay nanalo ang isang bahagi ng isip ko kaya nagpadala na lang ako ng text sa kanya.

Hinintay kong mag-reply siya. Pabali-baliktad ulit ako sa kama pero lumagpas na ng 30 minutes ay wala pa ring reply mula sa kanya. Samantalang noong isang gabi at kahapon ay panay ang text niya sa 'kin.

Naalala kong may pasok pa pala ako kinabukasan kaya napagdesisyonan kong matulog na lang. Baka magka-eyebags pa ako sa kahihintay ng reply niya. Huwag na, 'no. Baka ma-turn off pa siya sa 'kin kapag nagkita kami.

Kinabukasan pagkagising ko ay una kong tiningnan ang cellphone ko kung may reply na ba siya sa text ko kagabi pero wala. Kaya dismayadong nag-ayos na lang ako at naghanda para pumasok sa eskuwelahan.

Natukso akong mag-text ulit kay Puppy pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka galit pa siya sa akin kaya hindi siya nagre-reply.

"Nay, huwag n'yong kalilimutang pakainin si Gaston, ah?" bilin ko kay Nanay pagkalabas ko ng pinto ng bahay.

"Araw-araw mo na lang akong pinapaalalahanang pakainin 'yan. Mabuti pa ang tuta mo nag-aalala ka, sa akin parang hindi," talak niya sa akin pabalik.

Napanguso na lamang ako. Gusto ko nang isiping ampon lang talaga ako ng nanay ko. Lagi na lang niya kasi akong binabara. Parang hindi siya nag-enjoy noon habang ginagawa nila ako ni Tatay, ah.

Pumasok na lang ako bago pa humaba ang talak niya. Lagi pa naman niya akong pinapabaonan ng sermon.

Malayo pa lang ay kita ko na ang best friend ko sa tapat ng main gate ng university. Mukhang inaabangan niya ang pagdating ko. Nag-text kasi ako kanina sa kanya na paalis pa lang ako ng bahay. Sobrang punctual nitong si Zia Lynn. Natutulog pa yata ang teacher, siya nandito na.

"Hi, Besh!" kaway ko sa kanya pagkababa ko ng jeep.

Pero imbes na batiin niya ako pabalik ay isang masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Bigla akong napaatras.

"Besh-beshin mo ang pagmumukha mo, Divina!"

Napangiwi ako. Patay. Tinawag na akong Divina. Galit na 'to.

Nag-peace sign lang ako sa kanya saka naglakad papasok ng gate. Sumunod naman siya habang nagtatalak. Alam kong masama ang loob niya sa akin dahil iniwan ko siya kahapon kay Timothy sa mall. Nabasa ko nga ang mga text niya sa luma kong cellphone. Parang itatapon niya na ako sa dagat sa sobrang galit niya.

"Sinadya mong iwan ako kahapon nang mag-isa, ano?" asik niya sa akin.

"Hi-hi."

Nasapo ko ang noo ko nang bigla niya akong kinaltukan doon. Napakabayolente talaga ng babaeng 'to kapag nagagalit.

"Sorry na. Gusto ko lang naman kayong bigyan ng moment ni Timothy mo. Hindi mo ba nahalatang type ka niya?" untag ko.

Umiwas siya ng tingin. Napangisi ako nang bigla siyang nag-blush.

Sus. Pakipot din ang isang 'to. Mukhang may pagtingin din siya kay Payatot. Ayaw lang niyang aminin. Parang si Puppy Gaston, kitang-kita ko na nga ang pangalan kong naka-tatoo sa dibdib niya, ayaw pang umamin.

Hay. Ano ba'ng problema ng mga tao ngayon? Kung hindi sila galit sa akin, todo deny naman ng feelings.

"Heh! Tigilan mo ako. Wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend. Mag-focus na lang tayo sa pag-aaral," aniya.

"Inspiration lang. Hindi naman nakakasira ng pag-aaral ang pagbo-boyfriend kung nababalanse mo nang tama. Bakit? Ayaw mo ba ng inspirasyon sa pag-aaral?"

"Hindi naman kailangang boyfriend ang maging inspirasyon. Puwedeng mga pangarap mo rin sa buhay. Mag-isip ka nga, Divina."

"Sabi ko nga, lagi kang tama. Bati na tayo?" nakangiwing tanong ko habang naka-peace sign sa kanya.

Sinimangutan niya lang ako saka nilagpasan at naunang naglakad.

Hay. Mukhang bibili na naman ako ng ilang tuhog ng banana cue mamaya para magkabati na kami ng BFF ko. Paborito niya kasi iyon kaya naging paborito ko na rin. Ang lakas niyang makaimpluwensya, e.

Sinundan ko na lang siya sa paglalakad papunta sa building ng first subject namin ngayon.

Mabuti na lang at heavy loaded kami tuwing Monday kaya hindi ko masyadong naiisip ang galit sa akin ni Puppy Gaston. Buong araw siyang hindi nagparamdam kaya nalungkot ako. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa lessons namin para makalimutan ko kahit saglit ang sama ko ng loob. Hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

Paano kung hindi na siya magparamdam sa akin kahit kailan? Paano kung hindi ko na siya ulit makikita?

Mami-miss ko siya, tiyak.

Kaya kinahapunan ay nag-text ako kay Timothy na magkita kami. Siyempre itinago ko kay Zia Lynn, baka mabuko niyang magkakilala kami ng lalaking 'yon. Mapurnada pa ang pagrereto ko sa kanya.

"Salamat dito, ah? Ang sarap!" untag ni Zia habang inuubos ang kahuli-hulihang saging sa stick. Hindi niya alam galing din kay Timothy ang ipinambili ko.

"Masarap talaga kapag libre," sabi ko. Ngumisi lang siya.

"Ang dami mong pera palagi, e. Malapit ko na tuloy isipin na may part time job ka. Kaninang tanghali ang sarap din ng ulam na binili mo sa cafeteria, ah. Hindi ka naman gano'n dati. Tell me, ano ba'ng raket mo? Baka puwede rin ako diyan?"

Nabilaukan ako ng saging kaya napaubo ako. Mabilis niya naman akong inabutan ng tubig. Dire-diretso kong ininom iyon.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Napangiwi ako saka alanganing tumango.

"Ayos lang. Nagulat lang ako sa tanong mo. Wala akong raket, ah. Bigay lang ni Tiyang."

Tumango-tango siya. "Oo nga pala. Ang galante ng tiyang mo. Sabagay wala siyang anak na pagkakagastusan kaya siguro ibinubuhos niya sa inyo ang lahat ng kita niya."

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Nakikinita ko nang unti-unting nagkakaroon ng sanga ang mga sungay ko dahil sa pagsisinungaling. Huwag naman sana akong tamaan ng kidlat.

"Tara na, uwi na tayo?" yaya ko sa kanya nang matapos ko nang kainin ang banana cue. Itinapon ko na rin ang stick sa pinakamalapit na basurahan.

Dahil magkaiba naman kami ng way ni Zia ay pinauna ko siyang sumakay ng jeep. Nang makalayo siya ay saka ako pumara ng jeep na papuntang construction site kung saan nagtatrabaho si Timothy.

Pagkababa ko pa lang ay nakita ko na siyang pasalubong sa akin. Nakasuot pa siya ng protective gear. In fairness, mukha siyang construction worker talaga. Guwapo at matikas na construction worker. Ang hands on naman niya. Ito siguro ang sinasabi niyang field work.

"Oh, bakit?" aniya nang makalapit sa akin.

"Anong bakit? Hanggang kailan ka magsisinungaling sa aking payatot ka?"

Kinunutan niya ako ng noo. "Seriously? Dito talaga tayo mag-uusap? Baka mapagkamalan kang girlfriend ko, ha? Mapasama pa ako kay Zia," aniya na tila nandidiri sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Umamin ka nga, hindi naman talaga magdyowa 'yong kuya mo at 'yong Shelley na sinasabi mo, 'no? Pinaniwala mo lang ako. Huwag na huwag kang magsisinungaling! Nakita ko ang pangalan kong naka-tattoo sa dibdib ng kuya mo!"

Nanlaki ang mga mata niya at biglang natigilan. Umiwas siya ng tingin at nagkunwaring nagti-text sa cellphone niya.

"Payatot, sumagot ka!"

"Paano mo nakita 'yon? Sinilipan mo si Kuya? Aba! Iba ka na, Shyr Divine! Lume-level up na ang pagkekerengkeng mo, ha."

Pinaningkitan ko siya. "Sisiraan talaga kita kay Zia at sasabihin ko sa kanya na—"

"Oy, 'wag naman."

Napakamot siya ng ulo. "Bakit ba kasi ang kulit mo? Ano naman ngayon kung naka-tattoo ang pangalan mo sa dibdib ni Kuya? Bakit? Ikaw lang ba ang Shyr Divine sa mundo?"

"Puwedeng marami akong kapangalan pero ako lang ang nag-iisang Shyr Divine sa mundo ni Puppy Gaston, 'no!" asik ko pabalik.

"Wow! Hindi ka naman kinakabahan sa mga pinagsasabi mo?" natatawang sabi niya.

Inapakan ko siya sa paa kaya napa-aray siya.

"Hindi ako nagbibiro, Payatot ka! Alam mo bang iniyakan ko pa noon ang tattoo na niyang 'yon dahil ang sabi mo may girlfriend siyang Shelley? Tapos pangalan ko naman pala ang nakalagay roon. Sinungaling ka!"

"Oy, grabe ka! Hindi ko naman sinabing Shelley ang naka-tattoo roon. Ang sabi ko lang may girlfriend na siya sa US kaya huwag ka nang umasa."

"Kung may girlfriend na siya, bakit niya ipina-tattoo ang pangalan ko, aber?"

Natigilan siya at napakamot sa ulo. "Oo nga, 'no? Naisahan mo ako ro'n. Matalino ka rin pala paminsan-minsan. Akala ko puro pera lang ang iniisip mo, e."

Inambahan ko siya ng suntok pero bago pa man mag-landing ang kamao ko sa kanya ay agad na siyang umilag.

"Ang bayolente mo pa. Baka sabihin ng mga nakakakita sa atin may LQ tayo. Lumayo ka nga nang konti," aniya sabay atras. Siya naman ang lumayo, tanga.

"Wala ka talagang kuwentang kausap na payatot ka!"

"Teka, teka. Paano mo ba kasi nakita? Ano'ng ginawa mo, Divine? Sinilipan mo nga si Kuya?" nang-aakusang tanong niya.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang maalala ang nangyari kahapon. Paano ko naman makakalimutan 'yon kung nakatatak na sa isipan ko?

"Oh? Natahimik ka? Tama nga ako, may ginawa ka na namang kalokohan. Grabe ka na. You're getting bolder. Huwag na huwag mong maimpluwensyahan si Zia, ha?"

"Aba't!"

Pinagsusuntok at sipa ko siya. Naghabulan kami sa gilid ng kalsada dahil umiiwas siyang matamaan ng takong ng sapatos ko. Naka-heels pa naman ako pero one-inch lang.

"Napakasinungaling mo talagang payatot ka! Na-broken ako nang walang dahilan. Baliw ka!"

Tatawa-tawa lang siyang umiilag sa mga hampas ko. Napatigil lang kami nang biglang may dumagundong na boses mula sa likod.

"Timothy, that's enough!"

©GREATFAIRY 

Continue Reading

You'll Also Like

704K 19.3K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
158K 3.2K 33
That moment when you're in love with each other but fate doesn't want you to be together. ** "Everything Has Changed" Side Story Status: Completed Co...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...