The Burning Meteor (The Rank...

By crsntmoon_

265K 5.1K 5K

What if? Ang isang Mafia Boss ay naka tagpo nang babae na magiging katapat nya? Mag kakaroon sya ng relasyon... More

Warning!!
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48
Ika-49
Ika-50
Ika-51
Ika-52
Ika-53
Ika-54
Ika-55
Ika-56
Ika-57
Ika-58
Ika-59
Ika-60
Ika-61
Ika-62
Ika-63
Ika-64
Ika-65
Ika-66
Ika-68
Ika-69

Ika-67

909 15 120
By crsntmoon_

METEOR POV'

HINANG Hina ang buong katawan ko sa ginawa ko kanina. Dalawang beses akong nag doorbell sa bahay ni Kuya Jayyvine. Nag babaka sakaling pag buksan ako ng pinto ni Kuya Jayyvine. Malalim akong bumuntong hininga nung ilang minuto na ang naka lipas simula nung nag ddoorbell ako dito.

Mapait nalang akong napangiti. Balak ko na sanang umalis pero napahinto ako sa gagawin kung pag lakad nung madinig ko ang pag bukas ng gate. Automatiko akong napangiti nung makita ang mukha ni Kuya Jayyvine. Nawala ang ngiti sa labi ko nung makita ang malamig na expresyon ng kanyang mukha.

"What are you doing here? Sinabi ko na sayo na ayaw ko ng mag karoon pa ng koneksyon sayo. Ano pang ginagawa mo dito?" Malamig na tanong sa akin ni Kuya Jayyvine. Nakagat ko ang ibaba kung labi. "K-Kuya hindi ko kayang mawala ka...." Kagat labing saad ko habang ang dalawa kung mata ay nag aamba na sa pag iyak.

"Si X. Sya ang ipapa kausap ko sa mga konseho para pumalit sa akin sa pwesto." Seryosong saad ni Kuya Jayyvine. Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling iling. "Nahihibang kana ba! Bakit ba gustong gusto mo ng mawala sa pwesto ha! Kuya sabihin mo nga sa akin! Hindi ba ako ganoon kahalaga sayo?!"

"Alam kung gagawin mo ang lahat maprotektahan si X. Alam ko iyun sa-----"

"Hindi mo naba ako mahal?" Mangiyak ngiyak na tanong ko kay Kuya Jayyvine. "Kasi ako. Mahal na mahal kita." Hindi ko maiwasang mapaluha. Hindi ko matanggap sa sarili ko na pinag tatabuyan nya na ako. Tama ako diba? Pinag tatabuyan nya na ako?

"Meteor. Why are you making the situation worse?" Malalim na buntong hiningang tanong ni Kuya Jayyvine sa akin. Ngumuso ako. "Kuya naman. Bakit ba kasi kailangan mo akong ipag tabuyan? Kahit kailan naman palagi akong nasa tabi mo. Kahit iba yung katabi ko. Bakit ba kasi kailangan mo pa itong gawin?" Maluha luhang tanong ko kay Kuya Jayyvine.

Nakita ko ang pag seryoso ng mukha ni Kuya Jayyvine. Mukhang pagod na pagod na sya. Pagod na pagod na sya sa akin. Ganoon ba talaga ako kabilis pag sawaan? Kahit ang taong alam kung hindi ako iiwanan. Hindi ako bibitawan. Ngayon ay gusto na akong layuan at iwan. Kaiwan iwan ba talaga ako?

Ilang beses ko bang kailangang lumuhod para malaman nya na kaya kung gawin lahat basta hindi nya lang ako iwan?

"I never felt you in my side, Meteor. Simula nung sabihin mo sa akin na gagamitin mo si X para malito ang mga alagad ni itim kung sino ba talaga ang naka takda para sayo. I haven't felt you since you moved to X's house, you changed Meteor. You changed. Pagod na pagod na akong umasa na babalik tayo sa dati. Pagod na pagod na akong ligpitin ang mga kalat mo. Pagod na pagod na akong makita kang may kasamang iba. I miss you. I miss the old meteor. I miss my wife." Malamig na saad ni Kuya Jayyvine habang nakatitig sa dalawang mata ko.

Unti unti ng na hulog ang mga luhang kanina pa gustong mag ragasa sa aking mata. "K-Kuya. Hindi ako nag bago. Hindi kita kinalimutan. Wala akong kinalimutan na bawat detalye sayo. Kaya Kuya please. Bumalik tayo sa dati." Mangiyak ngiyak na pag mamakaawa ko kay Kuya Jayyvine.

Nagulat ako nung tumawa sya ng sarkastika. "Bumalik tayo sa dati? Gusto mong bumalik tayong dalawa sa dati?"

"O-Oo naman. S-Sino bang hindi? G-Gusto ko nang bumalik tayo sa dati K-Kuya."

"Divorce X."

"H-Ha?"

"I said divorce X. Kasal kayo dito sa pilipinas. Tunay ang kontrata. Kahit hindi yun naka sama sa lista sa munisipyo." Seryoso pading saad ni Kuya Jayyvine. Hindi ako makapaniwalang napatitig sakanya. "Forget about X too." Seryoso pang dugtong ni Kuya Jayyvine sa sinabi nya.

Gulat at hindi ko sya makapaniwalang tiningnan. "A-Ano? K-Kalimutan ko sya?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Kuya Jayyvine. Agad na ngumiti ng tipid si Kuya Jayyvine. At agad na tumango. "Yes, forget him. Kalimutan mo ang bawat detalye sa buong pag ka tao ni X. Kalimutan mo na minsan ay naging asawa mo sya. Kalimutan mo ang lahat para bumalik tayo sa dati. Yan lang ang gusto ko. Babalik tayo sa dati. Hindi ko bibitawan ang pwesto. Can you do that for me?" Biglang nag bago ang boses ni Kuya Jayyvine sa dulo.

Nakakatakot na ewan. Nakakapanindig balahibo ito. Pero kahit ganoon. Makakaya ko ba iyun na gawin para sa kanya? Makakalimutan ko ba si X na naging parte nadin ng pag katao ko. Bilang isang simpleng tao.

"Why can't you answer my question. Hindi mo ba kayang iwanan at kalimutan si X?" Bakas sa tuno ng pananalita ni Kuya Jayyvine ang pag kasarkastika. Nakagat ko ang ibaba kung labi. "Dalawang beses pwede mag Asawa ang ranggo. Bilang ranggo.  At bilang sibilyan." Seryosong saad ko kay Kuya Jayyvine. Mapang asar akong tiningnan ni Kuya Jayyvine.

Mukhang sinusubok nya ako ngayon.

"So your telling me? Hindi mo iiwanan si X?" Malamig na tanong ni Kuya Jayyvine sa akin. Malalim akong bumuntong hininga at hinawi ang luha sa mata ko. "Pag iisipan ko." Hawing luhang saad ko at agad syang tinalikuran. Nag simula na akong mag lakad. Nakaka ilang hakbang palang ako sa pag lalakad nung bigla akong mapahinto sa pag lalakad nung bigla akong tutukan ni Kuya Jayyvine ng baril sa likod ko. Hindi ko man sya nakita. Naramdaman ko naman ang pag bunot ng baril nya. 

"Papatayin mo naba ako?" Walang expresyong tanong ko kay Kuya Jayyvine nung madinig ko ang pag kasa ng baril.

Nadinig ko ang mahinang pag tawa ni Kuya Jayyvine. Puno ng sarkastika. Puno ng sama ng loob para sa akin. Naging maramot ba ako? Naging maramot ba ako sayo sakanya kaya umabot kami sa ganito? Binigay ko naman lahat lahat sakanya. Sadyang bigla nalang dumating si X ng hindi inaasahan sa buhay ko.

"Face me." Uto ni Kuya Jayyvine. Imbes na sagutin ang tanong ko sakanya. Dahan dahan ko syang hinarap. Walang kapitbahay si Kuya Jayyvine. Malayo ang bahay na sunod sa bahay nya. Kaya kahit patayin nya ako ngayon. Walang makakakita. Pero nakakatawa naman siguro kung papatay ka ng Ranggo sa sariling bahay ng Ranggo.

Andito sya ngayon sa bahay ng mga Ranggo. Ang bahay ko.

"Papatayin mo nga ako." Nakangising saad ko kay Kuya Jayyvine nung maharap ko sya. Suminghal sya. Nagulat ako nung bigla nya akong hinapit papalapit sa kanya. Napaawang ang labi ko nung ilapit nya ang labi nya sa labi ko. Hindi ko inasahang hahalikan nya ako. Ng mag lapat ang labi ni Kuya Jayyvine sa labi ko. Naramdaman ko ang kaliwang kama'y ni Kuya Jayyvine na humawak sa bewang ko.

Siniil ako ni Kuya Jayyvine ng isang malalim na halik. Wala na akong na gawa kung hindi ang mapapikit at gantihan din sya ng halik. 25 seconds. 25 seconds ang tinagal ng pag hahalikan namin. Bago nya ako binitawan.

"Taste so bloody." Agad na saad ni Kuya Jayyvine nung ilayo nya ang labi nya sa labi ko. Nakagat ko naman ang ibaba kung labi. Y-Yung labi nya. P-Parehas sila ni X. N-Ngayon ko lang na pansin. At na realize. Parehas silang humalik ni X. Parehas na parehas. "Happy 13th Anniversary." Nakangisinv saad ni Kuya Jayyvine. Napaawang ang labi ko sa sinabi nya.

"1-13?" Gulat na tanong ko sakanya. Mabilis naman syang tumango. "Hmm. Nakalimutan mo. 3 years mo ng nakakalimutan ang anniversary natin. 25 ngayon. Diba 25 tayo kinasal?" Biglang lumamig ang boses ni Kuya Jayyvine. Tumitig sya sa akin na parang nag mamakaawa na ewan. N-Nakalimutan ko. Nakalimutan ko yung anniversary namin.

13 years ago.

Kinasal kami.

At sakanya na umikot ang mundo ko simula nun.

Pero 3 years ago. Nag bago lahat.

Naputol ang koneksyon ko sakanya. Unti unti ko nalang syang na kikitang Kuya. Hindi na Asawa.

"Hmp. Unggoy." Singhal ko kay Kuya Jayyvine. Agad ko syang tinulak palayo sa akin. Binitawan nya naman ang pag kakahawak sa bewang ko. Nakita ko ang unti unting pag babago ng expresyon ng mukha nya. "W-What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Jayyvine sa akin. Mukhang hindi pa nag sink in sa utak nya ang sinabi ko.

Ngumiti ako sakanya. "Unggoy. Huwag mo akong iiwan." Muling saad ko. Unti unti kung na kita ang pag bilog ng mata ni Kuya Jayyvine. Nakita ko sa dalawang mata nya ang kakaibang tuwa na ngayon ko nalang na kita.  "M-Meteor did you call m---" Hindi ko na pinatapos si Kuya Jayyvine sa tanong nya. Agad akong lumapit sakanya. At mabilis syang niyakap.

"Ikaw padin ang first choice ko, huwag mo kong iwan please..."




ALA SAIS na ng umaga. Napag pasyahan kung pumunta na sa kompanya ni X. Balak kung sabihin sakanya lahat lahat. Lahat ng detalye kung sino ako. At kung ano talaga kami ni Kuya Jayyvine. Kung hindi man nya ako matanggap. Tatanggapin ko yun at mag papakalayo na.

Siguro ay babalik na ako sa Iceland. Malapit naman na ang pag tutuos kung sino ba talaga ang papalit sa Reyna. Masyado panamang bata ang reyna para dito. Ngunit gusto nya ng umalis sa pwesto. Tapos na daw ang kanyang tungkulin sa buong mundo. Tapos na daw ang pag lilingkod nya. Gusto nya na daw mamuhay ng mapayapa kagaya ng ibon na malaya.

Kaya gusto nya ng mapalitan sa pwesto.

Malalim akong bumuntong hininga nung makapasok ako sa loob ng kompanya. Wala akong guard na naabutan. Nakakapag taka. Hindi yata sila ngayon mahigpit? Habang nag lalakad ako papunta sa elevator. Ay may biglang may umagaw ng pansin ko. Mga nag kukumpulang mga empleyado ni X ang naka agaw ng pansin ko.

Ano naman kayang meron?

Napangiti ako sa loob ko nung maalala na doon din nangyari ang eksena sa pagitan naming ni X nung mag aapply sana ako ng trabaho dito.

Trabaho lang talaga ang hanap ko nung araw nayon. Hindi ko alam na makakakuha ako ng asawa.

Nag lakad ako papalapit sa mga impleyado. "Anong nangyayari?" Taas kilay na tanong ko sa isang empleyado pero parang hangin lang ako rito. Hindi man lang ako pinansin nung empleyado. G-Grabe naman sya sa akin. Hindi naman ako invisible ha?

"Nadinig mo ba yung sinabi nung babae? Buntis daw sya? Ano to deja vu?" Napatingin ako sa isang babae sa sinabi nya. Agad kung sinundan ang tinitingnan nila. Nagulat ako nung makita si X. Buhat buhat nya si Star. May babaeng naka tayo sa harap ni X at Star. Sino naman to?

"What? Ano itong na dinig ko X? Buntis si Ava? Ava? Is this true? Buntis ka? Who's the father? Si X ba?" Agad na nag taas ang kilay ko nung biglang lumitaw si Ernesto Patuga. K-Kilala ko sya. May mga kasama syang mga shareholders. Mukhang papunta na sila ngayon sa meeting tapos bigla nila itong na dinig.

P-Pero ano? Anak ni Ernesto Patuga itong babaeng to? Akala ko ba si Genevieve lang ang anak nya?

"T-Tay...." Mahinang bulong sa hangin ni Ava. Yung babaeng nasa harap ni X at Star. Yung naka hawak sa tyan. Nag taas ang kilay ko sakanya. Ang lambing ng boses nya. Nakakainis. Hindi mo alam kung bakit na iinis ako sa boses nya. P-Parehas sila ni Angelica ng boses. Kailangan ba talagang parehas sila ng boses?

"Anak mo sya?" Napatingin ako kay X nung bigla nya yung itanong. B-Bakit? Bakit parang may pakialam ka sakanya X? Ano ito? Ano nanaman to? Malawak na ngumisi si Ernesto kay X. At nag lakad papalapit kay Ava. Yung babae ngang naka hawak sa titan. Yun yung Ava. "Yes, this is my precious daughter. Tunay ko syang anak. She's my younger daughter." Nakangising saad ni Ernesto.

Bigla syang tumingin kay Ava. "Anak, tama ba ang na dinig ko? Buntis ka?" Bakas sa boses ni Ernesto ang kagalakan. Ano to? Ano nanaman to? Biglang yumuko si Ava. "T-Tay. P-Pasensya na po. Hindi ko gusto mag eskandalo. Hindi ko alam na andito kayo. T-Tay...." Agad akong napa cross arms nung mag salita nanaman si Ava. Hmp. Bakit ba palagi nalang nakaka inis ang mga babaeng nag sisimula sa A?

Angelica. Ava. Nakaka irita.

"No! No anak! You shouldn't say sorry! Hindi ito eskandalo. You didn't shout. Pero anak? Totoo ba? Totoo ba na buntis ka? Who's the father? Si X ba? Ito bang lalaking ito ang Ama?" Nakangiting sunod sunod na pag tatanong ni Ernesto sakanyang anak na si Ava. Agad na yumuko si Ava. "O-Opo Tay. O-Opo. Si X po ang Ama." Kinakabahang saad ni Ava ng yumuko nya. Pinag laruan nya pa ang kanyang mga daliri.

Na para bang kailangan syang kaawaan.

Sunod sunod ang nangyaring bulungan dahil sa sinabi ni Ava sakanyang Ama. Nag taas lang ang kilay ko habang nakatingin sakanila ni X. Wow. Live kdrama. Ano to? Manghihingi ba sila ng bayad mamaya?

Nakita ko ang ibang empleyado ni X na nag vivideo. Hmp. Sino ba naman hindi mag vivideo kung maganda ang chismis. Fresh na fresh. "Nice! Nice to hear that! Narinig nyo bayon! Magiging manugang ko na si X! Ako ang bahala sa kasal! You don't need to worry X! Ako na ang bahala! Sa lahat lahat! Manugang na kita ngayon!" Nakangiting saad ni Ernesto. Na para bang hindi nya alam nama'y asawat anak na ang lalaking gagawin nyang manugang ngayon.

"No." Walang expresyong saad ni X habang nakatitig kay Ava. Biglang nag angat ng tingin si Ava. Gulat syang tumingin kay X. Ganoon din ang reaksyon ni Ernesto. Gulat din itong tumingin kay X. Samantalang ang mga empleyado naman at shareholders ay nag bubulungan. "W-What? What did you say X? May sinabi kaba?" Agad na naitanong ni Ernesto nung biglang tumahimik si X. Na para bang may nag loloading pa sa utak nya. Ngumiti pa ng tipid si Ernesto sa dulo habang tinatanong yun.

Malalim na bumuntong hininga si X. "I'm a married man. I'm sorry. Hindi ko papakasalan ang anak mo. I have a lovely wife. May anak din ako." Seryosong saad ni X. Biglang tumawa si Ernesto. "Your a married man? Pero bakit pinatos mo ang anak ko! How dare you para tanggihan ang alok na kasal ko! Binuntis mo ang anak ko!" Biglang nag taas ang boses ni Ernesto kay X.

Malalim na bumuntong hininga si X at tumitig kay Ava. "Are you sure? Na ako ang ama nyan. I don't like, flat." Nakangising saad ni X na parang nangaasar. Nakita ko ang biglang pag mugto ng mata ni Ava. Kinagat nya ang ibaba nyang labi habang nakatitig kay X. Paiyak na ito. "What? I'm just saying. Your not my type. I'm sure hindi kita papatusin kahit ma ubos ko ang lahat ng alak sa mundo." Nang aasar pang dagdag ni X.

Biglang tumakbo si Ava papunta sa exit. "Boring." Dinig kung saad ni Star habang hinahabol ng tingin si Ava. "You! How dare you para sabihan ng ganoon ang anak ko! How dare you para pahiyain ang anak ko ng ganito!" Malakas na sigaw ni Ernesto kay X. Imbes na matakot si X sa mataas na boses ni Ernesto. Ngumisi lang si X ng nakakaloko. Nag kibit balikat si X kay Ernesto. "I'm X Fuezca. Sabihin mo sa anak mo na hindi ko sya papatulan." Nakangising saad ni X.

Nag tawanan ang mga empleyado. Ganoon din ang mga shareholders. Nadinig ko ang pag mura ni Ernesto ng mahina. "Hindi pa tayo tapos X. Kapag na laman ko na ikaw talaga ang ama ng dinadala ng anak ko. I swear. I will tie your neck to her." Seryosong saad ni Ernesto at agad na sinundan yung anak nya. "Ava! Wait! Don't run!" Malakas na habol na sigaw ni Ernesto. Nag tawanan lang ang mga tao.

Mukha tuloy silang kahiya hiya.

Lagging tandaan.

Bago mag eskandalo mag dala muna ng ebidensya. Para hindi mapahiya sa dulo.

"Let's go." Malamig na nasaad ni X. Nag simula ng mag si balik sa trabaho ang mga empleyado ni X. Nag lakad naman na papunta sa private elevator ang mga shareholders. Nakaka ilang hakbang palang si X nung biglang sumigaw si Star na nag pahinto kay X sa pag lalakad. "Mommy!" Nakangiting sigaw ni Star nung makita nya ako.

Malawak akong ngumiti kay Star nung mag tama ang tingin naming dalawa. "Star!" Nakangiting pag tawag ko din pabalik kay Star. Kumaway pa ako sakanya. Agad na nag pababa si Star kay X. "Mommy!" Tuwang tuwa na sigaw ni Star ng makababa sya at agad na tumakbo papalapit sa akin. Nakita ko ang gulat sa mukha ni X nung makita nya ako. Agad kung binuhat si Star. At hinalikan ko sya sa pisnge.

"Kumain kana?" Nakangiting tanong ko kay Star. Mabilis na tumango si Star. "Yes po!" Nakangiting tango ni Star. Ngumiti ako sa sinabi nya. "Good." Nakangiting saad ko. Nag lakad papalapit sa amin si X. Nakita ko yun sa gilid ng mata ko. "Meteor. Mahal. Did you all hear it?" Nag aalangang tanong ni X sa akin.

Mabilis akong tumango. "O-Oo naman. Nadinig ko lahat." Ngumiti ako ng tipid sa dulo. Malalim na bumuntong hininga si X. "Hindi kanaman siguro makikipag hiwalay no?" Kabado pading tanong ni X. Agad akong tumango. "Bakit ko naman gagawin yun? Hindi mo naman pinatulan diba?"

"O-Ofcourse. Alam mo namang ikaw lang ang type ko."

"Boring." Nakangiwing saad ni Star. Natawa ako sa biglang pag singit nya. "Tara na nga. May meeting kaba?" Nakangiting tanong ko. Nag simula na kaming mag lakad ni X. Nagulat ako nung biglang dumikit si X sa akin at hinawakan ang bewang ko. Napangiti nalang ako sa loob ko. Mabilis namang tumango si X. "Hmm, isa lang naman meeting ko. Mahihintay mo ba ako?"

"Ilang oras ba ang meeting?"

"1 hour?"

"Sige. Hihintayin kanamin ni Star sa office mo."

"Hmm, that's great. You should go to our penthouse too. Gusto din yung makita ni Star. Right, Star?" Agad na nag angat ng tingin si Star sa biglaang tanong ni X sakanya. Mabilis namang tumango si Star. "Yes! I want to see another penthouse again!" Nakangiting saad ni Star. Biglang na wala ang kaunting ngiti sa labi ni X. "Another penthouse?" Takang tanong ni X. Natawa ako. "Alam mo ba yung palabas na The Penthouse. Yun yata yung tinutukoy ni Star. Right, Star?" Nakangiti din akong nag tanong kay Star.

Agad namang napanguso si Star. Pinanlakihan mo sya ng mata nung makita ko ang pag nguso nya. Agad nalang na tumango si Star. "Y-Yes, Mommy." Tangong saad ni Star. Mukhang labag pa sa loob ni Star yung pag tango nya sa sinabi ko kay X. Napatango tango naman si X. "Oh, ok. Sasamahan ko kayo papunta sa penthouse. Ayokong maligaw ang dalawang, baby ko." Mapang asar na saad ni X sa dulo. Napailing nalang ako.

Ngayon ko na realize ang pinag kaiba ni X at Jayyvine. Si Jayyvine kaya ko syang pag katiwalaan sa lahat lahat ng problema ko. Pwede ko syang sabihan ng kahit anong sikreto na meron ako. Pwede kung sabihin lahat sakanya ng walang alinlangan. Pero si X? Ang simpleng penthouse nga diko masabi sakanya. Hindi ko masabi sakanya na napaka dami kung penthouse.

Sasabihin ko paba sakanya ang lahat? Kung ngayon nga. Ang simpleng penthouse diko maamin. Hindi ko sya mapag katiwalaan. Ang buong sikreto ko pa kaya? Ang buong pag katao ko pa kaya? Saka ano yung kanina? Ano nanaman yun?

Palabas bayon o hindi?







*****

Hi moon's sa mga na guguluhan. Kapit lang kayo! Madami panamang chap na natitira eh. It's already 11:10 na ng August 7, 2022. Nag apply ako sa wattys 2022. Sana makapasok ang isang storya natin moon's! Yey exsaktong 11:11. Sana makapasok tayo! Good night moon's!

#BuhayinsiShan🕯️

Continue Reading

You'll Also Like

13.9M 388K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
7.1M 366K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: Ju...
Haunted By Ely

Mystery / Thriller

362K 14.6K 41
Zeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darati...