Tulang Walang Tugma (Pahayaga...

By miss_reminisce

919 178 207

"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubo... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 18

17 5 6
By miss_reminisce

Kabanata 18

"MAY mga sibilyan!" halos magitla kami ni Lazaro sa malakas na sigaw ng gwardiya. Bago pa man nito galawin ang gatilyo ng baril ay mabilis na hinawakan ni Lazaro ang aking kamay at kumaripas ng takbo.

"Habulin sila!" Mas lalong humigpit ang kapit sa aking kamay ni Lazaro habang kami'y tumatakbo. Binabaybay namin ang masukal na kagubatan at tila ba nakikipagpatintero kami sa mga puno at malalaking damo.

Palinga-linga si Lazaro sa aming likod at hindi ko magawang hindi silipin ang mga ito, halos dumagundong ang aking dibdib dahil sa mayroong tatlong gwardiya ang sumusunod sa amin. Mas binilisan namin ang pagtakbo at kahit anong mangyari ay hindi ako bumibitaw sa hawak ni Lazaro

Tila hindi na namin alintana ang aming pagod dahil mas nangingibabaw sa amin ang kaba. Napayuko kaming dalawa nang may magpaputok ng baril. Napalingon ako sa likod at halos isang kilometro ang layo namin sa kanila, hindi ko akalaing ganito kami kabilis tumakbo ni Lazaro.

Napadaing ako nang makarinig muli kami ng putok. Halos naririnig ko na ang tibok ng aking puso dahil sa kaba at pangamba. Lumiko kami ni Lazaro at mabilis na nagtago sa likod ng isang malaking puno.

Umupo ito habang pinaupo ako sa kaniyang harapan. Nakadikit ang aking likuran sa kaniyang dibdib, hinahabol ko ang aking hininga nang huminto kami sa likod ng isang malaking puno.

Dumagundong muli ang aking dibdib at napatakip ako sa aking bibig nang makarinig kami ng mga kaluskos. "Halughugin niyo!" maotoridad na tinig ng isang lalaki. Naramdaman kong hinigit ako ni Lazaro palapit sa kaniya, tinanggal ko ang takip ko sa aking bibig.

Mas lalo hindi ko mapigilan ang aking kaba dahil sa nararamdaman ko ang mainit na paghinga nito na dumadampi sa aking batok. Nagitla ako nang makarinig kami ng isang kaluskos malapit sa aming kinalalagyan. Mabilis na tinakpan ni Lazaro ang aking bibig at mas lalong hinigit ako palapit sa kaniya.

"Narito lang sila, ito ang itim na balabal ng isang binibini!" halos dumagundong ang aking dibdib nang marinig iyon, tila ito na ang aming katapusan napaliligaran kami ng tatlong gwardiya habang umaasa kami sa isang malaking puno.

"Solana makinig ka sa'kin" halos mapaigtad ako nang marinig ko ang mahinang tinig ni Lazaro malapit sa aking tainga. Napalingon ako sa kaniya ng kaunti at halos sumandal na ang aking ulo sa kaniyang baba.

"Kailangan nating tumakbo nang mabilis" saad nito habang pinapakiramdaman ang paligid. Napatango ako habang nakahawak sa ibabaw ng kaniyang kamay na nasa aking bibig. "Pagbilang ko ng tatlo....tatakbo tayo" wika muli nito.

Napatango muli ako kahit na may pangambang namumutawi sa akin. "Isa......dalawa" tinanggal nito ang pagkakahawak sa aking bibig at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

Hinanda ko na rin ang aking sarili sa aming pagtakbo. "Tatlo!..." Pagkasabi na pagkasabi na iyon ni Lazaro ay agad kaming kumaripas ng takbo. "Naroon sila!" Tinig ng isang gwardiya. Binibilisan ko ang aking pagtakbo sa abot ng aking makakaya, hindi ko na maawat pa ang pagdagundong ng aking dibdib.

Tila hindi na bago para kay Lazaro ang bagay na ito. Ang higpit ng hawak nito sa aking kamay habang diretso naming tinatahak ang kahabaan ng gubat. Napatigil kami ni Lazaro nang makita ang isang bangin. Lumingon kami sa aming likod at hindi na namin maaninag ang mga gwardiyang humahabol sa amin.

Mabilis akong hinila ni Lazaro patungo sa kaliwang bahagi ng kagubatan. Tumakbo muli kami nang mabilis hanggang sa may naulinigan kaming ugong ng isang kalesa.

Mabilis naming tinakbo ang masukal na gubat patungo sa ugong ng kalesang aming pag-asa. "Lazaro banda roon" saad ko sa kaniya at itinuro ang kanang bahagi ng gubat mabilis kaming nagtungo roon at hanggang sa marating namin ang isang daanan.

Nagtungo kami sa gitnang bahagi ng daanan habang hinahabol ang ugong ng kalesang aming narinig. Ilang sandali pa'y halos kapwa kami mapatigil nang masilayan namin ito.

Agad naming sinalubong ang kalesa at agad namang huminto ito. Humarap sa akin si Lazaro. "Sumakay kana rito sa kalesa" wika nito, nais kong magtanong at tumutol sa kaniya ngunit mabilis na ako nitong hinila.

Palapit pa lamang kami sa kalesa nang bumaba ang sakay nito, halos manlaki ang aking mata nang makita naming bumaba roon si Jacinto.

"Binibining Solana?" Takang tanong nito at patakbong tumungo sa amin. "Anong ginagawa niyo rito?" Tanong muli nito at ibinaling ang tingin sa aming dalawa ni Lazaro. Kapwa namin hinahabol ang aming hininga.

Nagitla ako nang hawakan ni Jacinto ang aking balikat. "Ayos ka lamang ba?" Gulat akong napatingin sa kaniya. Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Lazaro at mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay.

Napatikhim ako at agad binawi ni Jacinto ang kaniyang kamay sa aking balikat. "Magandang gabi Ginoong Jacinto kami'y nagpapasalamat at nagtagpo ang ating landas...maaari bang ibalik mo ng ligtas si Binibining Solana sa San  Igancio" saad nito.

Napabaling sa kaniya si Jacinto at tumango. "Makakaasa ka Ginoong Lazaro" saad nito at tumango. Binitawan ni Lazaro ang aking kamay at tumingin ito sa akin. "Kailangan mo nang makabalik" wika nito.

"Hindi ka sasama sa amin?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng may pangamba. Umiling ito, "Ako'y may kailangang balikan...sumama kana kay Ginoong Jacinto" wika nito at tumango sa akin. Tumingin din ito kay Jacinto at tumango sa kaniya.

Nangungusap ang aking mga matang nakatingin sa kaniya. Bago ito tuluyang tumalikod ay lumingon muli ito sa akin ng panandalain at patakbong nagtungo sa isang nakataling kabayo.

Kinalas niya ang pagkakatali nito at mabilisang sumakay roon. Pinalakad niya ang kabayo papasok sa gubat. Nais kong sumigaw sa huling pagkakataon sa kaniya ngunit hindi ko na iyon nagawa.

Napatingin ako kay Jacinto nang ipinatong nito ang kaniyang kapa sa aking balikat. "Malamig na... kailangan na kitang maibalik sa inyo" wika nito at hinawakan ang aking palapulsuhan at inaalalayan akong sumakay sa kanilang kalesa.

Sinimulan nang palakarin ang kalesa nang makasakay si Jacinto. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa San Ignacio ay wala akong imik. Tila ngayon ko lamang naramdaman ang pagod at pangungulila.

Hindi ko maiwasang mangamba kay Kuya David at kay Lazaro. Hindi ko nagawang pasalamatan si Lazaro bago ito umalis kung hindi dahil sa kaniyang tulong ay hindi ko makakausap si Kuya David at hindi namin makikita ang tunay na kalagayan nito.

"Batid kong pinuntahan niyo si Ginoong David" wika nito, "Ako'y humihingi ng paumanhin....sa ginawa ng aking ama sa iyong kapatid Binibining Solana.....kaninang umaga ko lamang nalaman iyon at hindi ko lubos akalain na si ama ang dahilan nang pagkakakulong sa iyong kapatid" wika nito.

Nanatili lamang akong tahimik at nakatingin sa harapan. Wala akong nararamdaman na poot kay Jacinto dahil wala itong kaalam-alam sa ginagawa ng kaniyang ama.

"Aking naulinigan kanina sa usapan ng iyong ama at ng aking ama na...pinutol na ng iyong ama ang pagkakasundo sa ating dalawa" halos mapatingin ako kay Jacinto dahil sa sinambit nito.

Pinutol na ni ama ang pagkakatali ko sa kaniya. "Wala iyong kaso sa akin dahil matagal ko nang hinihiling iyon kay ama....batid kong napagdesisyunan na iyon ni Don Roman dahil sa nangyari sa iyong  kuya David" saad nito.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kaniya. Sa tingin ko'y unti-unti nang pinuputol ni ama kasunduan nito kay Don Tolentino dahil sa ginawa nito kay Kuya David. Dapat ba akong maging maligaya dahil sa unti-unti nang namumulat si ama sa katotohanan?

Nakatingin lamang sa akin si Jacinto at hindi muli nagbukas ng usapan pagkatapos ng sinaad nito. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Umiwas ito ng tingin. "Aking binisita ang aking tiyo rito sa Sta. Rosario....ang kasalukuyang heneral dito" tugon nito at ibinaling ang tingin sa harapan.

Napaawang ang aking bibig. Tiyo niya si Heneral Domingo ibig sabihin ay konektado si Don Tolentino at si Heneral Domingo. Kaya ba  madali nilang napadakip si kuya David dahil sa nakipagtulungan si Don Tolentino sa kaniya.

Madali ring naipasok si Kuya David dito sa kwartel ng Sta. Rosario dahil sa abot kamay lamang ito ni Don Tolentino. Malaki ang aking hinala na pinlano niya ang lahat ng ito pati ang ginawa nitong pambubugbog sa aking Kuya David.


HATINGGABI na  nang makarating kami ni Jacinto sa aming tahanan. Kinakabahan ako nang labis dahil sa baka naroon na si ama sa aming tahanan hindi nito batid na ako'y nagtungo kay Kuya David.

"Dito na lamang ako Jacinto...maraming salamat" wika ko at ibinalik ang kaniyang kapa. "Sigurado ka ba na ikaw ay makapapasok sa inyong tahanan?" wika muli nito. Tumango. "Aking nababatid ang lihim na lagusan sa aming tahanan" tugon ko.

Napatango ito at nagtungo sa kanilang kalesa. "Binibining Solana mag-iingat ka" saad nito bago sumakay, napatango ako at pinagmasdan ang paglakad ng kanilang kalesa. Napahinga ako nang malalim at humarap sa aming tarangkahan.

Dahan-dahan ko itong binuksan at laking pasasalamat ko dahil nakabukas ito. Nang makapasok ako sa aming tahanan ay halos wala ng ilaw ang buong mansyon dali-dali akong nagtungo sa likuran.

Mabuti na lamang at itinuro sa akin ni Kuya David at Samuel ang lihim na lagusan sa aming mansyon. Ayon sa kanila ay kapag may masamang mangyari ay dito ang magiging lagusan namin palabas.

Matagumpay akong nakapasok sa aking silid at agad na nagpalit ng damit. Pinagmasdan ko na mahimbing na natutulog si Anna kaya't hinayaan ko na lamang ito at pinilit na ipikit ang aking mata kahit na hindi ko magagawang ipahinga ang aking diwa.


MATAAS na ang sikat ng araw nang ako'y magising. Wala na sa aking tabi si Anna at nakabukas na rin ang bintana ng aking silid. Tumayo ako sa aking katre at sandaling nagtungo sa bintana.

Napakunot ang aking noo nang makita ang isang kalesa roon sigurado ako na  hindi iyon ang aming kalesa. Napahinga ako nang malalim at nag-ayos ng aking sarili bago bumaba.

Paniguradong narito na si ama nais ko itong makausap, nagdadalawang isip ako kung nararapat bang sabihin kay ama ang nangyari kay Kuya David sa loob ng kwartel at ang relasyon ni Don Tolentino kay Heneral Domingo.

Pababa pa lamang ako ng aming hagdan nang bumungad sa akin si ina. Binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti. "Ang batid ko'y hindi kapa nagigising, nagpunta ako kanina sa iyong silid at nakita kong mahimbing pa ang iyong tulog. Siguro'y malalim na ang gabi nang ikaw ay makatulog kaya't hindi muna kita ginising" wika nito habang sabay kaming bumaba sa aming hagdan.

Napangiti ako, "Tama nga ho kayo ina, malalim na po ang gabi nang ako'y nakatulog kaiisip kay Kuya David" saad ko at tipid na ngumiti. Hinawakan ni ina ang aking pisngi. "Huwag ka nang mag-alala nang labis. Gumagawa ang iyong ama ng paraan upang makalaya ang iyong kapatid" tugon nito.

"Mabuti na lamang at noong mga  nakaraang buwan pa pinilipilit ng iyong ama na umuwi ang iyong Kuya Samuel. Kaya't aasahan na tin na sa isang linggo'y narito na siya" patuloy  nito. Napatango ako, napapanatag ang aking kalooban na darating na si Kuya Samuel. Nagtungo kami ni ina sa hapag kainan at inihanda nito ako ng umagahan.

Tila hindi ko magawang kumain ng maligaya dahil iniisip ko ang kalagayan ni Kuya David. Tiyak na makatatanggap na naman ito ng mga mabibigat na kamao dahil sa nahuli kami ng isang gwardiya. Hindi na ako napapanatag, hindi ko kayang maupo rito na tila ba ako'y walang problema.

"Ikaw ay kumain na anak" saad nito. Napabuntong hininga ako. "Ina si ama ho?" tanong ko. "Naroon siya sa ating pahingaan...masinsinan silang nag-uusap ni Lazaro at ang tiyo Florencio mo" sandali akong napatigil, narito si Lazaro?

Nais ko rin itong makausap, nais kong malaman kung saan ito nagtungo kahapon. "Ina maaari ho bang mamaya na lang ako kumain kakausapin ko lama—"

"Huwag mong pabayaan ang iyong sarili, mamaya mo na lamang kausapin ang iyong ama" putol nito sa akin. Napatango ako at napangiti ng tipid. Napapansin ko rin na tila malumanay si ina, pilit itong ngumingiti nang matamis sa'kin ngunit hindi pa rin nito kayang takpan ang katotohanang nangangamba at nangungulila ito kay Kuya David.

Binilisan ko ang aking pagkain upang maabutan ko si Lazaro. Napasilip ako sa aming bahay pahingaan at hanggang ngayon ay masinsinan pa rin silang nag-uusap. Si Tiyo Florencio ay ang kapatid ni ina at dati itong isang abogado.

Naupo muna ako panandalian sa aming asotea habang pabaling-baling ang tingin ko sa kanila, tila hindi na ako makapaghintay na makausap si Lazaro at si ama.

Ilang sandali'y napatayo ako nang aking makita si Tiyo Florencio na nagtutungo sa kanilang kalesa. Agad akong bumaba sa aming asotea at nagtungo sa kaniya. "Magandang umaga ho tiyo!" Bati ko at nagmano sa kaniya. "Ikaw pala iyan Solana, halos matagal  na ang huling panahon nang tayo'y nagkita." Wika nito napangiti ako.

"Tapos na ho ba kayo mag-usap nila ama?" tanong ko. Napatango ito at inayos ang pagkakawahak nito sa mga papel na kaniyang dala. "Kami'y tapos na, nais mo bang kausapin ang iyong ama? Puntahan mo na siya roon" wika nito.

Ngumiti muli ako yumukod sa kaniya at nagpaalam. Napangiti ito ng tipid sa akin at nagtungo sa kaniyang kalesa. Napabaling ang tingin ko kila ama, nakita kong palabas sila sa aming kubo at tinapik nito ang balikat ni Lazaro.

Naglakad ako palapit sa kanila at napabaling ang tingin  nilang dalawa sa akin. Ngumiti ako ng tipid kay ama at mabilis na nagtungo sa kaniya at hinagkan ito nang mahigpit. Tinugon ni ama ang aking mahigpit na yakap.

"Patawad ama" saad ko, habang pinipigilan ang pagdaloy ng aking luha. Tila halos matagal na panahon kong hindi nayakap si ama simula nang panahong hindi ako sumang-ayon sa kasal at doon nagsimulang lumamig ang pakikitungo nito sa akin.

"Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo anak, kung sana'y pinakinggan ko ang iyong kapatid hindi ito mangyayari sa kaniya" malambing na saad nito. Napatingin ako kay Lazaro ngunit agad nitong iniwas ang kaniyang tingin sa'kin.

Humiwalay ako sa yakap ni ama. "Patawad anak dahil nagawa kong hadlangan ang iyong kaligayahan tila naging bulag ako sa katotohanan.....kasalanan ko ang lahat ng ito....kasalanan ko kung bakit nalagay sa panganib ang iyong Kuya David" patuloy nito.

Kitang-kita ko sa mga mata ni ama ang  pagsisi, may bahid ng lumbay at pagod ang kaniyang mga mata. At ang batid kong lunas na maihahandog ko lamang sa kaniya ay ang mahigpit kong yakap.

Niyakap ko muli ito nang mahigpit. "Batid ko pong labis niyo na pong pinagsisihan iyon ama, at aking kitang-kita na gumagawa kayo ng paraan upang mapalaya si kuya David" marahang saad ko.

Humiwalay sa yakap ko si ama at dinampian ako nito ng halik sa aking noo. "Hindi ko nagampanan nang maayos ang responsibilidad ko bilang inyong ama nitong mga nakaraang araw. Hayaan niyong iparamdam ko muli iyon sa inyo" wika nito at ngumiti ng tipid.

"Ako po'y maniniwala saiyo ama" tugon ko. Napangiti ito at tinapik ang aking ulo, ibinaling ni ama ang tingin nito kay Lazaro. "Maraming salamat sa nilaan mong oras upang pagnilayan ang kaso Lazaro, maaari ka nang huma—"

"Ama!" halos mapatingin silang dalawa sa'kin dahil sa aking sinambit. Napangiti ako. "M-maaari ko po bang makausap si Heneral Lazaro" pikit mata kong saad. Napabaling muna panandalian si ama kay Lazaro bago ibinalik ang tingin sa akin.

Dahan-dahan itong tumango. "Ikaw ay aking pagbibigyan, ngunit huwag masyadong matagal Solana. Marami pang gagawin si Lazaro" maotoridad na saad nito. Napangiti ako kay ama at tumango.

Tinapik ni ama ang balikat ni Lazaro bago ito umalis. Kapwa kami napatitig sa isa't isa ni Lazaro na wari'y hinihintay nitong ako'y magsaita. Napatikhim ako, "Maaari bang dito tayo mag-usap" saad ko at nagtungo sa aming bahay pahingaan.

Dito kami nag-usap na dalawa noon at nang mga panahong iyon ay nahuli pa kami ni kuya David. Umupo ako sa isang upuan at naupo sa aking harapan.

Napatikhim muli ako. "Ginoong Lazaro ako'y hindi na magpapaligoy-ligoy pa. Saan ka nagtungo kagabi? At bakit ka bumalik sa gubat?" Paulan kong tanong habang nakatingin sa kaniya.

Huminga ito nang malalim bago tumugon. "Bumalik ako sa kwartel" tipid na tugon nito. Nanlaki ang aking mga mata. "Bakit mo iyon ginawa?" Tanong kong muli. "Malakas ang aking kutob na tiyak sasaktan na naman nila ang iyong kapatid dahil sa nakita nila tayong nanggaling doon" tugon nito.

Tama ang tinuran ni Lazaro hindi malabong hindi nila saktan si Kuya David dahil sa natunugan kami ng isang gwardiyang nagbabantay roon. "Ibig sabihin ay bumalik ka sa kwartel ni Kuya David, hindi ka ba nila nakilala?" nangangamba kong tanong.

"Nang nagtungo ako sa gubat aking nakita ang iyong itim na balabal. Iyon ang ginawa kong pangharang sa aking mukha....at nagtungo ako sa kwartel at muling pumasok sa lagusang ating dinaanan..." maliwanag na pagpapaliwanag nito.

"Tama nga ang aking kutob...pinagbubugbog ang iyong kapatid ng tatlong gwardiya at si Heneral Domingo ang nag-utos non....hindi lumalaban ang iyong kapatid kaya't hindi ko napigilan ang aking sarili na gumamit ng dahas" patuloy nito.

Halos mapatakip ako sa aking bibig dahil sa sinapit ni kuya David, hindi ko maiwasang mangamba sa kaniya nang lubusan. "D-dahas? Gumamit ka ng baril?" tanong ko. Umiling ito habang hindi pinuputol ang tingin nito sa'kin.

"Kagabi ako'y may dalang armas, nagdala ako ng isang  maliit na balisong. Ngunit hindi ko sila ginilitan sa leeg kundi ginamit ko lamang iyon upang sila'y mawalan ng malay" tugon nito. 

"Nang mga panahong iyon ay agad kong dinala ang tatlong gwardiyang walang malay sa isang silid, upang kanilang hindi matunugan na may muling nakapasok sa loob.." patuloy nito.

Halos hindi ko magawang maibuka ang aking bibig habang nilalahad nito ang bawat detalye at hindi ko ito nakikitaan ng kaba. At aking masasabi na malinis ito kung gumawa ng krimen, kung maaari'y hindi nito nais mag-iwan ng bakas.

"Ako'y nangangamba dahil sa baka tayo'y namukaan ng isang gwardiya" Nangangamba kong saad. Napaigting ang panga ni Lazaro habang nakatingin sa akin. "Maaaring ako ay kanilang nakilala ngunit ikaw ay....hindi..dahil nababalot ng balabal ang iyong mukha" tugon nito.

Napayuko ako at napakagat sa aking labi, tiyak na madadamay sa gulo si Lazaro. Kung hindi ako nagpumilit sa aking kagustuhan na makausap si kuya David hindi iyon mangyayari.

"P-patawad" mahina kong saad. Takang napabaling sa akin si Lazaro at may bahid ng pagtatanong ang kaniyang mga mata. "Patawad dahil m-maaari kang madamay sa gulo....kung hindi ako nagpumilit sa aking nais ay hindi ka mapapahamak" mahinang saad ko at tumingin sa kaniya.

Huminga ito nang malalim at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Matagal ko nang nailalagay ang aking sarili sa panganib....huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil wala kang kasalanan.." sinseridad na wika nito.

Tumingin muli ito sa aking mga mata. "Huwag mong intindihin ang aking sarili, Solana. Intindihin mo ang saiyo" seryosong saad nito. Hindi ko nagawang alisin ang titig ko sa kaniya bagkus hinayaan ko lamang ang aking mga mata na magpalunod sa kaniyang mga nakalulusaw na tingin.

Sa huli'y ako  na ang pumutol sa koneksiyon ng mga iyon. "Batid mo bang nagawa pang magalit sa'kin ng iyong Kuya David....dahil pinaubaya kita kay Jacinto" napabalik ang tingin ko sa kaniya, blangko ang ekspresiyon ng mukha nito.

Napangiti ako ng tipid. "Nagagawa pa talagang magsalita nang ganyan si Kuya David gayong nasa panganib ito" wika ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

Hindi ako nakarinig ng tugon mula sa kaniya, halos ilang minuto kaming tahimik at walang kibuan sa isa't isa. Tila ba mistulang kaming mga mirasol at rosas na ang ulo lang namin ang gumagalaw sa tuwing tinatangay ng hangin.

"Ingatan mo ang iyong sarili" napatingin ako sa kaniya dahil sa kalmado ng kaniyang tinig. Hindi ito nakatingin sa akin kaya't kitang-kita ko ang kaperpektuhan ng ilong nito. "Ingatan mo ang iyong sarili sa mga pamilya Salvacion lalo na kay Don Tolentino" patuloy nito.

Ibinaling nito ang tingin sa akin at tila kinonekta nito ang tingin namin sa isa't isa. "Hindi natin batid baka ikaw na ang isusunod nilang tuklawin....tiyak na nalaman na ngayon ni Don Tolentino na nagtungo tayo sa kwartel at pinutol na lahat ng kasunduan ng iyong ama kay Don Tolentino....kaya't paniguradong maglalabas ito ng bagong baraha" Mariing saad nito.

Halos mamangha ako sa linaw at tikas ng tinig ni Lazaro ngunit hindi ko maiwawaglit sa aking isipan ang pangamba at kaba na baka isa sa aming pamilya ang isusunod nitong ipain.  Lalo pa't pinutol na ni ama ang lahat ng kasunduan mayroon sila sa isa't isa.  Hindi ko maiwasang hindi mangamba para sa kalagayan naming lahat.

"Kaya't pinapauwi na ang iyong Kuya Samuel...sapagkat may sapat na kasanayan na ito upang ipaglaban si David at buo ang tiwala ng iyong ama sa kaniya.....tetestigo ako kung maaari para sa ikatitibay ng ebidensiya" sensiridad na saad ni Lazaro.

"Nais ko ring tumestigo" gulat na napatingin sa akin si Lazaro at tinitigan ako nito na tila ba may mali akong sinabi. Iniwas nito ang tingin sa'kin at huminga nang malalim.

"Hindi na kailangan  Solana, maaaring ikaw ay mapahamak...at kapag nangyari iyon hindi lang ang iyong buong pamilya ang mangungulila at mangangamba....kundi pati ako.."

   

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
446K 19.7K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...
1.7M 90.4K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...