MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

Galing kay NassehWP

18K 722 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... Higit pa

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 23

217 12 1
Galing kay NassehWP

Chapter 23

Kanina ko pa gustong batuhin ng tsinelas si Noli. Kanina pa kasi ito nagmumukmok sa itaas ng sulok ng puno ng mangga. Nasa isang bahagi siya ng malaking sanga nakaupo roon at nakatalikod ang pwesto niya sa akin. Hindi niya ako pinapansin. At kung titignan man niya ako ay iniirapan niya ako!

"Hoy Noli bumaba kana nga kasi diyan! Para naman kasing tanga." Kanina ko pang sabi. Pang bente ko na yatang sinabi iyon sa kaniya pero hindi pa din niya ako pinapansin.

"Noli isa! Hindi ka pa bababa diyan? Aakyat na talaga ako!" Naiinis ng sabi ko at umaktong humawak sa katawan ng puno at inangat ang isa kong paa para kunwari aakyat na talaga ako.

"Edi umakyat ka! Sino bang nagbabawal sa 'yo?" Padaskol na sabi nito.

Inis akong lumayo sa puno at tinignan siya.

"E bumaba kana kasi diyan!" Nagpapadyak na sabi ko sa kaniya.

"Ayoko! Doon ka sa tisoy mo!" Sigaw pa niya mula sa itaas ng puno.

"Ang OA mo naman! Para yumakap lang doon sa lalaki nagagalit kana!" Sikmat ko habang nakatingala sa kaniya.

"OA pala ah! E kung yumakap kaya ako ng ibang babae? Anong mararamdaman mo ah?"

Napanguso ako.

"Nadala lang naman kasi ako! At isa pa, hindi lang naman ako ang yumakap doon kay Loki eh! Kaming lahat nila nanay at tatay at ng mga kapatid ko nakita mo naman!"

"Oo nga kayong lahat pero ikaw itong mas naunang yumakap sa tisoy na iyon! At wow ah! First name basis na!"

Sumimangot ako.

Ang seloso pala ng magsasakang ito!

"Hindi ka talaga bababa diyan?"

"Hindi!"

Lalo akong napasimangot.

"Oy anyari? Ba't ka nakasimangot?" Tanong ni Almira na siyang kararating lang kasunod nito sina Wilma at ang mga barkada ni Noli.

Sumimangot ako. "Paano kasi yung kakilala ko kanina ako hindi pinapansin!"

"Sino? Si Jowabels mo?" Takang tanong ni Almira.

"Sino pa ba?" Inis na sambit ko.

"Ay! May LQ kayo?"

Kumunot ang noo ko.

"Anong LQ? Yung diaper?"

Bumunghalit sila ng tawa. Lalo na yung mga kalalakihan.

"Gaga! LQ means tampuhan. Ang Diaper yun EQ!" Gilalas na paliwanag ni Wilma.

Napakamot ako sa ulo.

"Sorry. Hindi ko alam hehe."

"Ewan ko sa 'yo Myrna! Sabing magbasa-basa ka minsan ng mga pocketbook eh!" Sikmat pa ng babae.

Napanguso lamang ako.

"O asan pala ang iniirog mo Myrna?" Si Denver.

Nginuso ko ang bahaging itaas ng punong mangga kung saan naroroon ang lalaking kanina ko pa sinusuyo!

"Ayan Oh!"

Sinundan naman nila ng tingin ang tinitignan ko.

"Oy gago ginagawa mo diyan?" Tanong ni Mark rito.

"Wala! Nagsesenti!"

"Anong nagsesenti? Bakit broken ka, Pards?" Sunod na tanong naman ni Denver.

"Oo!"

Napatingin sila sa akin.

"May LQ talaga kayo?" Manghang sambit ni Almira.

"Wala ah, Siya lang naman ang umakyat diyan at hindi na namansin!" Paliwanag ko.

Muli nilang tinignan mula sa itaas sa sanga si Noli.

"Oy gago, bumaba ka nga diyan!" Si Wilma.

"Ayoko nga! Nagseselos ako!"

"Anak ng pating! Ikaw nagseselos?" Bulalas ni Mark matapos marinig ang sinabi ng kaibigan nila.

"Shuta? Kanino nagseselos ang lalaking iyan Myrna? May iban boyfriend kaba?"

Pinanlakihan ko ng mata si Wilma.

"Wala ha!"

"E bakit nagseselos ang isang iyan?" Tanong pa nito.

"Kasi nakita ni Kuya Noli si Ate Myrna na may ibang kayakap na lalaki kaya nagselos."

Napalingon kaming lahat kay Marlon. Kalalabas lang nito ng bahay namin ay may dala-dalang meryenda. Dalawang litro ng coke at ilang supot na bakery. Kasunod nito si Marina na may bitbit ding mga baso.

"Meryenda daw kayo mga Ate at Kuya," si Marina at inilapag sa mahabang mesang kawayan ang mga bitbit nila.

"Salamat utoy, pagpalain kanang chix paglaki mo!" Nakangising turan ni Mark rito. "Anong gusto mo malaki ang papa—Plak!"

"Pota naman Wilma!" Daing nito ng batukan ito ni Wilma.

"Manahimik ka kasing lalaki ka! Pati bata ginagaya mo sa 'yo!" Singhal ng babae rito.

"Shuta para nagsasabi lang eh!"

"Gusto mong mabaon ng buhay?" Panakot pa ni Wilma rito.

"Hindi pa. May mamahalin pa ako eh!" May nakakalokong ngiti sa labi nito bigla pa itong sumulyap kay Almira.

Pareho kaming natigilan ni Wilma sa sinabing iyon ng lalaki.

May hindi ba kami alam sa dalawang ito?

"Psh! Pake ko? Tabi ka diyan magmemeryenda kami!" Pagtataray ni Wilma at tinulak ng bahagya si Mark palayo rito.

"Pota! H'wag kang manulak!" Angil ni Mark rito.

Siniringan lang ito ng babae.

Binuksan na nila Almira at Wilma ang dalawang bote ng coke at mga tinapay. Naglagay sa mga baso at binigyan kami.

Napatingala ako kay Noli. Sumimangot ako ng makitang sinulyapan lang ako nito at biglang inirapan.

"Hayaan mo muna ang lalaking iyan Myrna, Magmeryenda ka muna." Narinig ko saad ni Almira matapos iabot sa akin ang isang supot ng mamon.

Patamad kong kinain ang tinapay. Habang nagmemeryenda sumusulyap ako sa itaas ng puno. Tinitignan kung ano ng ginagawa ng magsasaka.

Ayun, Nakaupo pa din habang pinagdidiskitahan ang mga dahon ng punong mangga. Sana hindi iyon maubos kundi lagot siya kay Tatay.

Si Loki pala ay sinamahan ni Tatay humanap ng matutuluyan. Bukod kasi sa maliit ang bahay namin at wala pang matinong gamit at pagtulugan ay hindi pa komportableng tumanggap ng bisita. Nakakahiya sa isang tulad ni Loki ang patulugin sa isang matigas na higaan gayong nakikita naming hindi ito sanay sa hirap.

Pagkatapos ng meryenda niligpit na namin ang kalat. Si Mark ang nagwalis ng kalat at si Wilma naman ang nagdala ng mga baso sa loob ng bahay. Mukhang hinugasan pa ng babae kaya medyo natagalan ito ng balik. Si Almira ayun abala sa pakikipagbulungan kay Denver at mamaya ay nagtatawanan ang mga ito na para bang may nakakatawa sa pinagbubulungan nila.

Bumalik ako sa ilalim ng mga paanan ni Noli. Tiningala ko siya.

"O anong problema mo tindera?"

Nalukot agad ang mukha ko sa sinabi niya.

"Hoy magsasakang lalaki bumaba ka diyan at dito tayo magtuos sa baba ah! Huwag mo akong matinde-tindera diyan! Babatuhin talaga kita ng tsinelas ko! Makapal at mabigat 'to akala mo!" Wika ko sa naiinis na tono.

Umingos ang magsasaka.

"Pake ko sa tsinelas mong pingas ang dulo?"

Aba't! Nilait pa ang tsinelas ko!

"Hoy Magsasakang negro! Huwag na huwag mong malait-lait ang tsinelas kong ito! Tatlong taon ko na itong nakasama sa pagtitinda ko at hanggang ngayon buhay na buhay pa din at nagagamit ko!" Naasar na bulyaw ko sa kaniya.

Muli niya akong inungusan.

"Pota! Ganito pala magaway ang dalawang ito!"

"Sinabi mo pa!"

"Oy Denver ready kana?"

"Oo naman! Kanina pa!"

Narinig kong pinaguusapan ng mga kasamahan namin.

Mayamaya ay nakita ko ng nagbibit-box si Denver. Si Almira at Mark naman ay biglang umintro.

"Aha! Aha!"

"Yeah!"

Si Wilma ayun nagpipiling drummer. May hawak siyang dalawang stick ng mahabang kahoy at pinanghahampas sa ibabaw ng mesa.

Anong ginagawa nila?

"Aha! Aha!"

"Yeah!"

"May nagseselos dito!" Kanta ni Denver at sinundan iyon ng pagbibit-box.

"Sino?" Sabay na sunod na kanta naman nina Almira at Mark at saka iyon sinundan din ng bit box.

"Pangalan ay Noli!"

"Aha! Aha!"

"May nagseselos dito!"

"Pangalan ay Noli!"

"May nagseselos dito!"

"Hoy mga gago! Anong kinakanta niyo ah!" Bulyaw ni Noli sa mga ito.

"Hoy ka din gago! Bumaba ka diyan at tama na ang pagsenti-senti mong hinayupak ka!" Biglang rap ni Wilma at saka ito nag-ala salbakuta.

Bumunghalit ng tawa ang dalawang lalaki. Sina Mark at Denver. Si Almira ay napatunganga.

"Pota HAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHA tunguno Pards HAHAHAHA"

Tiningala ko si Noli. Tumatawa na din siya.

Nakahiga na siya sa sanga ng puno ng mangga habang sapo-sapo ang tiyan at tumatawa. Mabuti na lamang malaki ang sanga at mahaba na medyo may mga sanga-sangang malilit kayá kayang-kaya niyang balansehin ang katawan upang hindi mahulog.

"Ano bang tinatawa-tawa niyo?" Tanong ni Almira sa mga lalaki. Tumingala pa ito kay Noli. "Hoy lalak mahulog ka diyan!" Sita pa nito sa lalaki.

Hinampas ni Wilma ng pamalo sina Mark at Denver.

"Aray Pota! Masakit!"

"Hoy Wilma, masakit yan ah!"

Parehong bulalas ng dalawang lalaki matapos pagpapaluin sa pwet ni Wilma.

"Para kasi kayong tanga!"

Bumunghalit uli ng tawa ang dalawa.

"Ikaw naman kasi..." sambit ni Denver at bigla uling natawa ng malakas.

"Anong ako?!" Singhal ni Wilma rito.

"War freak mo magrap WAHAHAHAHA" si Mark ang sumagot.

Nagusok ang ilong ni Wilma.

"War freak pala ah!" Anito at sinugod ang dalawang lalaki.

Pero mabilis ng nakatakbo ang dalawang lalaki bagamang tumatawa pa din.

"Pota Wilma huwag pikon!" Ani Denver sa malayo. Nasa labas na sila ng bakod namin.

"Oo nga! Pikon!"

"Ulol! Bumalik kayo dito!" Namumulang sa inis na sabi ng babae.

"Yoko ngang bumalik hindi naman kita ex ah," si Mark.

"Gago!" Mura ni Wilma rito.

"Mahal din kita!"

"Putangina mo Mark halika dito!" Naguusok ang ilong na sambit ni Wilma at hinabol si Mark pero mabilis na nakatakbo ang lalaki.

"Feeling ko sila magkakatuluyan." Biglang anas ni Almira mula sa gilid ko na.

Napatingin ako sa kaniya. Nagkibit-balikat ako. Iba kasi ang nakita ko kanina.

"Hoy Noli baba ka na diyan! Pinapahirapan mo pa itong jowa mo eh! Sige ka ipagpapalit ka na neto!"

Tumalon pababa ang lalaki at hinarap ako.

"Ako? Ipagpapalit ng tinderang ito? Bakit kaya ba niya?"

Nainis ako bigla.

"Oo naman! Ang dami kayang lalaki dito sa barangay natin!" Inis na sikmat ko kay Noli. Ang yabang-yabang na naman kasi!

"Sus? Ikaw? E patay na patay ka nga sa akin eh! Sabi mo pa nga, IKAW LANG MAMAHALIN KO NOLIVARES SANTILLAN!"

Umawang ang bibig ni Almira. "Totoo?" Sabay tingin sa akin.

Naginit ng todo ang mukha ko.

"Hindi!" Sabay talikod ko sa kanila at nagmartsa patungo sa bahay namin pero bago pa ako tuluyang makapasok roon ay narinig ko pa ang malakas na tawa ng magsasaka kasabay ng pagsambit nito sa katagang nagpataba ng aking puso.

"MAHAL NA MAHAL DIN KITA MYRNA KO!"

NASSEHWP

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

9.5K 996 85
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...
16.8K 515 10
When the Marauder era got a letter from golden era saying that there is second wizarding war, and they are going to watch the life of two Potter in o...
86.5K 1.1K 7
နိုရာနဲ့ပထွေးဖြစ်သူတို့ဘယ်လိုမျိုးဇာက်လမ်းဖြစ်ကြမလဲ 21+ရိုင်းပါတယ်နော် ကလေးများမဖတ်ပါနဲ့
44.8K 6K 53
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...